Episode XIX

2183 Words
"Ano ba! Sabi ko nagugutom ako. Gusto kung kumain ng santol." halos pasigaw niyang turan, nakatitig lang siya kay Tyron na namumula na ang mga mata, ano mang oras tiyak na mapupuno na ng luha ang kanyang mga mata. Nilingon ako ni Tyron at masama niya akung tiningnan. "Santol daw." asik niyang nakatingin sa akin kaya dahan-dahan kung ibinababa sa sofa sila Cassey at Anezia para tumayo. "Mag-umpisa ka ng magbayad ng mga utang mo sakin." dugtong pa niyang singhal. Bahagya naman akung tumango, kahit nagtataka ako kung anung utang ang sinasabi niya. Wala rin akung pwedeng daanan kung hindi sa tabi ni Anne na kunot ang noon sa hindi ko rin maintindihan. "Dominic madami dalang mga prutas si Anne nasa kusina." saad naman ni Trexie. "Ok, kukuha nalang ako." ani ko at naglakad na putungo sa kitchen at nilampasan ko si Anne. Amoy na amoy ko pa ang shampoo ginamit niya. Medyo basa pa rin ang kanyang buhok. Gusto ko man siyang yakapin at hagkan pero hindi na pwede, pag-aari na siya ng iba, nakaharap din si Kalev. "Which one is santol?" tanong ko pagpasok ko sa living room may dala akung tatlong prutas, isang kulay dilaw, isang green at maroon, hindi kasi ako sigurado kung alin ang santo sa kanila. "Oohh! Let me see this." ani ng babae at kinuha niya sa kamay ko yun kulay maroon. "I like this. Matagal na akung hindi nakakatikim nito." Aniya at bigla nalang niyang biniyak yun at kinain. "This is caimito. Meron sa mga lolo ko ng kanito noon bata pa kami." dagdag na wika pa niya at parang sarap na sarap siyang kumakain. "This one is santol." turo naman ni Trexie sa kulay dilaw na prutas. "The green one is guava." Aniya. Kaya bumalik nalang ako sa kitchen para balatan at ibigay ang request niya. "Hindi mo na ba alam kung ano ang santol?" malumanay niyang wika na halos mapalundag ako sa pagkabigla dahil kilalang-kilala ko ang boses niya. Lumakas din ang kabog ng aking dibdib na hindi ko mawari kung bakit, dahil sa takot o dahil baka sumbatan niya ako kung bakit nakakalaya na ako. "H-hindi ko kasi matandaan kung anung kulay ng balat niya. Lagi ko kasing nakikita noon kulay puti siya na nakababad sa garapon na may tubig at may stick na maliit." halos mautal kung saad. "Lagi kang bumibili noon high school tayo, maasin din siya na isinasawsaw mo sa asin." saad ko. "Natatandaan mo pa pala 'yun?" tanong niyang nakangiti kaya medyo nabawasan ang kaba sakin dibdib. "Oo naman hindi ko makakalimutan 'yun, kahit ayaw kung kainin yun pilit mo akung pinakakain, maasim kaya." litanya ko na ikinatawa niya ng mahina. Sa tuwing may bibilhin siyang pagkain na gusto niyang kainin noon kailangan tumikim din ako dahil kung hindi di rin niya kakanin, minsan sinasaway ko rin siyang huwag bumili ng street food pero mapilit siya. Ayaw din niyang inililibre ko siya, kesyo mahal daw ang gusto kung pagkain dahil anak mayaman daw ako. Dahil sa kanya natuto akung kumain ng mga street food. "Ito nalang balatan mo mas hinog. Ako nalang gagawa na sawsaw na gusto ni Loi." aniya. "Ok" tanging nasambit ko dahil kinakabahan pa rin ako, hindi ko alam kung ano pa sasabihin sa kanya. Bigla nalang akung natorpe. Dati kung anu-anong masasakit sa salita ang ipunupukol ko sa kanya, wala din sa lugar kung pagbuhatan ko siya ng kamay. Ngayon hinyang-hiya ako sa kanya, hindi ko siya matingnan ng diretso sa mata. "Bakit napaaga yata uwi mo? Sabi ni Tito one month ka sa Brazil." wika niya. "Nakiusap lang ako sa mga kasamahan ko, dahil birthday ni Daddy alam ko kasing mag-isa lang siya. Buti at nagpunta kayo." aniko. "Salamat din at isinama mo mga bata, kita ko sa mga mata ni Daddy ang saya. Sana lagi mo naman silang dalhin dito kung hindi magagalit si Kalev." Dugtong ko pa na hindi siya nililingon dahil nangangamba akung makita ang magiging reaksyo niya at pagtanggin sa hiling ko. Nadinig ko naman ang mahinang tawa niya. "Bakit naman magagalit si Kalev?" aniya. "Mom!" tinig naman ni Cessey na pumutol sa aming pag-uusap kasunod niya sina Nicko at Anezia. Dama ko rin sumandal sa giliran ko si Anezia, napakalambing niyang bata, na gustong-gusto ko naman. Matapos kung maibigay sa babae yong request niya, na ayun kay Anne, Loi daw ang pangalan at asawa ni Tyron. Para siyang hindi pinakain ng isang linggo ng makita niya ang santol, ni hindi na niya nakuhang mag-alok ng kinakain niya. Para din walang tao sa paligid niya kung kumain siya. Hindi nagtagal may isang babaeng maiksi ang buhok na mukhang kagigising lang ang mabining bumababa sa hagdanan. Halos magtatakbo naman si Kalev na sinalubong ito. "Are you alright Honey? Bakit bumaba kana?" aniya dito nangmakalapit siya. Inalalay din niya ito na para bang babasaging kristal na sa konting galaw lang ay mababasag. Hindi niya ito binitiwan hanggang sa maupo ito sa kabilang dulo ng couch na kinauupuan ko. Maganda ang babae, mukha siya manikang buhay, mapupula ang kanyang mga labi, may katangusan din ang maliit niyang ilong. Maputi ang makinis nitong kutis. "What's that Loi?" Nakangiwi niyang asik dito ng makita niya ang kinakain nito. Sunod-sunod din itong lumunok ng laway na parang takam na takam sa nakikita. "Nagugutom ako." pahayag niya. "Ok, kukuhanan kita ng pagkain. Ano bang gusto mong kainin?" Tanong agad ni Kalev, pero sumimangot lang ang babae at parang nag-iisip pa siya kung anung kakainin niya. "I want pinya, 'yun hindi masyadong hinog. Tapos isasaw ko ketsup na may mayonnaise." Aniyang nakangiti. "What!" Singhal naman ni Kalev. Bigla nalang itong umiyak na parang bata na ikinagulat ko. Ano bang nangyayari sa mga babaing ito. Piping bulong ko habang pinagmamasdam ko sila. "Honey baka naman sumakit ang tiyan mo kung yun ang kakainin mo." malumanay na alo ni Kalev dito. Hinagod-hagod pa niya ang likod ng babae "Ibigay mo na kung anung gusto niya. Hindi naman makasasama sa kanya yan. Ganyan talaga sila parang mga baliw kung makahingi ng mga kakaibang pagkain, nakakasira ng bait." mariing usal ni Rene na masamang nakatingin kay Trexie. "So.. Dapat na bang pagbayarin na ang may utang." Usal ni Kalev na makatingin kay Tyron. "Yeah. Maraming utang sa atin yan kaya lubos-lubusin na natin para masulit naman paghihirap natin." Tugon naman ni Tyron at sabay pa silang tumingin sakin. "Pinya daw Bro, alam mo na gagawin mo? Narinig mo naman." Aniya sa akin, kaya tumayo na ako para ihanda ang request ng babai. "Anne, samahan mo na baka hindi nanaman alam ang gagawin." ani Migz at kinindatan pa ako na ikinangiti ko naman. Ramdam ko din sumunod siya sakin kaya heto nanaman ang kaba sa aking dibdib. Pagpasok ko sa kitchen naghalongkat na ako sa tiklis ng mga prutas. "Alam ko naman ang pinya pero hindi ko pa nasubukang magbalat nito." Pahayag ko ng makakuha ako ng isa. Alam ko din nadinig niya ang sinabi ko kahit hindi ko siya nililingon. "Eto nalang balatan mo huwag yang masyadong hinog, baka hindi rin niya kainin." Aniya at pinalitan ang hawak ko. Palpak nanaman ako. "Balatan mo lang tapos tanggalin mo 'yun mga mata niya." Utos niya kaya sinunod ko nalang. "Sino 'yun?" Tanong ko sa kanya dahil ang lapit lang niya sakin. "Si Mitch." Tipid niya sagot sakin. "Sinong Mitch? Anong meron sa kanya?" Tanong ko ulit dahil sa tipid niyang sagot sakin. "Tsk!" Palatak niya. "Hayaan mo nalang sila. Huwag ka ng makialam sa personal na buhay nila at huwag kang mag-isip ng kung anu-ano." Litanya niya. "Sorry!" Agad kung hingi ng paumanhin na may takot sa dibdib. "Matagal na kasi akung walang alam sa mga kaibigan ko, lalo na sa iyo." aniko. "Hhhmm. Alam mo naman sagot d'yan kung bakit." Usal niyang para may hinanakit siya sakin. Sabagay dapat lang na magalit siya sakin dahil sa mga nagawa at nasabi ko sa kanya noon. "Bakit parang kakaiba ang gusto nilang kainin?" Tanong ko nalang, para maiba naman ang topic ng usapan namin. "Naglilihi silang dalawa ni Loi, asawa ni Tyron, si Ace naman anak nilang panganay." aniya. "May anak na pala siya. Ang laki na din ng anak nila." Aniko na may bahid na inggit. "Bilisan mo nalang diyan at baka magbago pa isip ni Mitch hindi na niya kainin yan." Aniya. "Iba ang swing mood ng mga buntis, mahirap intindihin. Nagiging very sensitive din. Maselan din magbuntis si Mitch pangatlo na nga niyang pagbubutis yan. Lagi siyang nakukunan. Kanina lang namin nalamang buntis ulit siya, kaya pinatulog ko muna sa taas kanina." Dutong pa niya. "Ok, malapit na ito." saad ko at hiniwa na ng pahaba ang pinya na medyo hilaw. Inilagay naman niya sa gilid ng plato ang ginawa niyang mayonnaise na may ketsup. Sabay din kaming lumabas ng kitchen kahit maraming katanungan ang nabuboo sa aking isipan. Inabut ko kay Kalev ang plato bago ako umupo sa dati kung upuan. "Siya ba si Dominic?" Dinig kung tanung niya kay Kalev. "Yeah. Ang kaibigan kung ugok." Mariin niyang wika, na ikinalingon ko. "Ang pogi pala niya." Saad niya, kaya napangisi ako. Kita kung tumayo siya at inalalay naman siya ni Kalev. Dinig ko rin napamura si Kalev. "Hi! I'm Mitch." Pakilala niya sa sarili, kaya tumayo ako para tanggapin naman ang kanyang kamay pero agad din hinila ni Kalev ang kamay nito kahit hindi ko pa nahahawakan. "Nicko anak duon ka sa kabila diyan ako sa tabi ng Daddy mo uupo. Gusto ko katabi siya." malambing niya wika. "What! Dito ka nalang sa tabi ko." Reklamo ni Kalev at sinamaan pa niya ako ng tingin, kaya nginisihan ko nalang siya. "Dito ko gusto sa tabi niya. Gusto kung makita yun mga mata niya para nakikita ko hanggang loob." Usal niya at hinaplos pa niya ang aking pisngi, kaya hinayaan ko nalang siya dahil naalala ko ang sabi ni Anne maselan daw ang pagbubuntis niya. "Do you want something or anything to eat? Maliban dyan sa pineapple?" Tanong ko nalang, dahil kanina pa masama ang tingin ni Kalev sa akin. "Ayus na to, gusto ko lang makita ka ng malapitan." Nakanguso niyang wika. Tinanguan ko naman siya. Lahat naman sila samin nakatingin. "Hayaan mo na para hindi ma-stress." Pagbabanta ko rin kay Kalev, pabagsak naman siyang naupo sa tabi ng babae. "Kung may gusto ka pang kainin sabihin mo lang, ipagluluto kita." Pagaasar ko nalang kay Kalev. Pero nakita kung namilog ang kanyang nga mata. "Talaga marunong kang magluto?" Tanong niyang hindi makapaniwala. "Kunti pero si Anne ang magaling magluto, kung may gusto kang ipaluto, magluluto tayo." aniko at mukhang nag-iisip siya. Bigla nalang siyang bumulong sa akin ng kung anung gusto niya, para siyang bata na ayaw maagawan ng candy. Okay, let's go to the kitchen." aniko at inalalay siya patayo. Wala din nagawa si Kalev kung hindi sumunod samin. "Anne, could you please help me to cook." pakiusap ko sa kanya na tinanguan naman niya. "You can seat here and wait." aniko at pinaghila siya ng bangko, pagdating namin sa kusina. "Sandali lang ito. Kami na bahala dito." dagdag ko pa ng akma siyang tatayo. Pinigilan din siya ni Kalev. Nagsunuran din ang mga kaibigan ko dito sa kusina at kanya-kanya sila ng upo. "Ay! Sir Dominic, dumating na po pala kayo." aniya na gulat na gulat. "Ako nalang po magluluto. Ano po bang iluluto?" Dugtong pa niya. "Huwag na. Kami nalang. Tulongan mo nalang kami, para madali." Saad ko nalang. "Dude sigurado ka sa iluluto mo ha. Dalawa buntis dito. Baka hindi makapasa yan." Pang-aasar naman ni Migz. "Just wait and see." Nakangisi kung saad. "Wow! May cooking demo ba dito?" Bungad naman ni Atlaz pagpasok niya, na mukhang mang-aasar din samin. "Yeah! Watch and learn." Tugon ko naman, at nagpakitang gilas dahil lahat ng mata nila sa aking nakatingin. Maliksi din kumilos si Anne, naghugas naman ng gulay si Lourdes na kasambahay namin. "Next na magpapatikin ng niluto, sila Tyron and Loi naman sa house nila." Diklara ni Trexie, kaya napa "Oohh" silang sabay-sabay. "Buti nalang wala pa akung partner." Pangangatwiran naman ni Migz. "Pwede naman kahit single. Ipikita naman niyo ang galing n'yu sa kusina, hindi yung puro kain lang kayo." Pangangatiyaw pa niya. Kaya natahimik silang lahat. Alam kung hindi sila gaanong marunong magluto, naliban nalang kay Kalev na sanay mamuhay mag-isa sa ibang bansa. "Ako game ako d'yan." Saad naman ni Kalev. Na mukhang may ipinagmamalaki din. "Okay, Sige next sa bahay naman. Kailang nyo gusto para makapag prepared kami." Ani Tyron. Hindi ko naman alam kung saan na ito nakatira. Buhat ng umalis ito at sumama sa tunay na ama halos wala na akung nabalitaan dito. "Mayabang ka lang at chef ang asawa mo." Pag-aasar naman ni Atlaz. "Sige pwede sa pad ko kaya lang puro prito lang alam kung iluto, at walang magrereklamo." Mariin niyang wika. "Don't worry Bro tulungan kita." Ani Rene. Wala naman akung alam tungkol sa kanya dahil ngayon ko lang siya nakita. May-ari daw ng Italian restaurant, bulong naman ni Anne kaya napatingin tuloy ako sa iluluto namin at baka maliitin niya ang luto namin ni Anne.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD