"Woww! Ang bago naman, nakakagutom." Bulaslas niya ng makapasok sa kusina. Dumiretso lang siya ng lakad at lumapit sa akin. "Dom marunong ka palang magluto." Aniya at pininalupot pa ang isang braso niya sa bewang ko, habang nakaharap ako sa stove kaya napa-atras naman ako.
"Upo ka nalang duon." Utos ko nalang dahil naasiwa ako sa pinaggagawa ng babae sa harap ko. Alam kung nakainum siya batay sa amoy ng hininga at kilos niya.
"Tulongan na kita." Aniya at mas lumapit pa sakin.
"Okay na, kami nalang ni Anne, andiyan din si Lourdes." aniko at iniwasan na siya.
"Are you done Dad?" tanong ni Nicko, na masama ang tingin niya sa babaing yumayakap sakin. Tahimik naman si Anne sa tabi ni Lourdes.
"Oohh! Ang dami naman yata niyong tatay, lahat nalang ng makita niyong lalaki tatay niyo." Singhal niya kay Nicko.
"Hey! Huwag mo nga sila pakialam. Kahit sinong tawagin nilang Daddy wala ka ng pakialam duon." Asik naman ni Trexie.
"Sino ka para pagsabihan ng ganyan ang mga anak ko." Singhal din Mitch sa babaing nakakapit pa sa braso ko.
"Stop it Lara!" Saway ko na sa kanya at hinila siya paupo sa bangko.
"Guys sinong pwedeng maghatid sa kanila. Lasing na 'yan." Saad ni Alex na mukhang naiirita na kay Lara.
"Lets go Lara. Umuwi na tayo." Anyaya naman ng mga pinsan ni Kalev na alam kung mga kabarkada nila si Lara noong college kami.
"Next time huwag niyo ng isasam yan ganyang klase ng tao. Walang maidudulot na mabuti ang pag-uugali niya. Ihatid niyo na siya." Maawtoridad na saad ni Kalev. "Marinig ko pang magsalita yan ng hindi maganda sa mga bata baka makalimutan kung babae yan." Dagdag pa niyang may pagbabanta.
"Bakit apektado kayo? Totoo naman sinabi ko." singhal din ni Lara.
"Enough Lara at baka hindi kita matantiya. Lasing kana." aniko at hinila na siya palabas ng bahay, kasunod ko naman ang dalawang pinsan ni Kalev.
"Dominic, pasensiya ka na sa inasal ni Lara." aniya na mukhang nahihiya.
"Pumili kayo ng matinong kaibigan hindi ganyan." aniko at tinapik sila sa balikat. Tumango naman silang ng sabay.
"Nagpilit lang siyang sumama kanina ng malaman niyang pupunta kami dito." Paliwanag niya. "Sorry talaga." dagdag pa niya.
"Ayus lang yun. Ingat kayo." aniko at kumaway sa kanila.
"Are you alright buddy?" Tanong ko kay Nicko ng makita ko silang tatlo sa living room na mukhang seryosong nag-uusap.
"Yes, po Dad. Huwag po kayung mag-alala sa aking ayus lang po ako." aniya at liningon pa sila Cassey at Anezia.
"Umuwi naba sila?" Tanong agad ni Mitch sakin pagpasok ko sa kusina.
"Umalis na." Maikling tugon ko at humarap na uli sa stove. "Ok na 'to. Tikman mo muna kung ayus lang sa panlasa mo." Aniko at inabot sa kanya ang kutsarang may kunting sabaw. Ng thumbs up naman siya agad.
"Ayus na yan, huwag mo ng alatan at ayaw ko ng rice." aniya.
Nagsalin ako sa isang mangkok, pero humingi din si Loi.
"Chef, tikman mo nga kung ano naman masasabi mo." alok naman ni Anne kay Rene.
"Kung ako masusunod kunting anghang pa, pero kung buntis ang kakain tamang-tama lang ang lasa. Sila ang may request kaya dapat lang na sila ang masunod. Nagble-blend 'yung mga ingredients." Mahabang saad niyang may ngiti sa labi. "Suwak na sowak talaga ang team work niyo ni Dominic, bagay talaga kayung magkasama. Hindi ba kids?" Pasigaw na niyang tanong.
"Yes po! Tito Ninong." Panabayan pa nilang tugon. Kaya napangiti nalang ako.
Matapos ang mahaba-haba namin kumustahan at kwentuhan nagpaalam na din silang lahat. Na miss ko ang ganito. Ngayon ko lang ulit nakasama ang mga kaibigan namin. Isang taon ko rin silang hindi naka-bonding. Ngayon kompleto kami may nadagdag pang tatlo, ayus lang naman dahil mababait naman sila.
Gusto ko na sanang umalis kami ng mga bata, dahil andito na si Dominic. Nahihiya din ako sa kanya, baka kung anung isipin niya. Pinigilan din kami ng Lolo nila. Para daw magkaroon kami ng pagkakataong magkausap ni Dominic. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko. Dahil kanina ko pa napapansing sinusundan niya ako ng tingin.
"Halina kayo para makapaglinis na kayo ng katawan niyo, gabi na magpahinga na kayo." Tawag ko sa kanila habang nanununod sila ng tv kasama si Dominic. Ayaw ng umalis sa tabi ni Dominic si Anezia mukhang Daddy's girl pa yata siya.
"Good night Daddy." usal naman nila at isa-isa na silang humalik sa pisngi ni Dominic.
"Matulog na kayo, bukas maaga pa tayo, dadalaw tayo kila Nanay at Tatay." aniko.
"Mom, si Lola po ba hindi natin dadalawin? Tanong ni Cassey alam naman nilang may sarili siyang Lola.
"Uunahin natin ang Lola niyo, dahil mas malayo 'yun. Kaya agahan niyong magising." saad ko.
Matapos kung patulogin ang mga anak ko nagpunta naman ako sa veranda. Binuksan ko ang sliding door at tumayo sa railings para sumagap ng hanging habang nakapikit ang aking mga mata. Dinadama ko ang may kalamigang simoy ng hangin. Nakasungaw din ang buwan kaya maliwanag ang kapaligiran marami ding bituin sa kalangitan.
"Bakit hindi ka pa natutulog?" aning baretonong boses na ikinagulat ko, pero hindi ko siya nilingo, hindi ko rin tinugon ang tanong niya. Bumilis din ang t***k ng aking puso. Ewan ko kung bakit sa dami ng naging kasalanan niya sakin, hindi pa rin nagbabago ang nararamdam ko para sa kanya. Mahal na mahal ko pa rin siya. Simula pala noon high school kami. "Hindi ka ba giniginaw? Gabi na, bakit hindi ka pa natutulog." Aniya ng makalapit siya sakin.
"Hindi pa ako inaantok. Hindi naman kasi ako sanay matulog ng maaga." Saad ko na hindi siya nililingon. Kahit nakatabi na siya sa akin.
Hindi ko alam kung paano ko sisimula ang paghingi ng tawad sa kanya, napakahirap magsalita. Natatakot akung bigla nalang siya magalit at lumayo nanaman sila ng mga bata." Anne sorry nga pala sa mga nangyari, nabulag ako ng matinding selos kaya naniwala ako sa mga photos at video na ipinakita sa akin ng hindi ka binigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag. Sana mapatawad mo ako, hindi ko alam na may mga anak tayo. Isa rin ako sa may sala kung bakit sila nawala. Kung gusto mo pwede akung bumalik sa kulungan para mapagbayaran ang mga kasalanan ko." Litanya ko.
"Wala ka ng magagawa pa. Kahit kalahating sigundo hindi na natin sila maibabalik." Pigil na pigil ko na huwag maiyak sa harap niya. Aalis na sana ako ng bigla nalang siyang lumuhod sa paanan ko.
"Sorry Anne." Aniyang paulit-ulit, umiiyak na rin siya. Gusto ko mang yakapin siya pero pinipigilan ko lang ang aking sarili. Naramdaman ko rin niyakap niya ang mga hita ko. Halos manginig ako sa kaba ng yakapin niya ako, nakasubsob ang mukha niya sa hita ko malapit na sa gitna ko, kaya nag-init ang aking mukha.
Kinalas ko ang kanyang mga brasong nakayakap sakin, at nalakad palapit sa bench upang maupo dahil nanghihina ang aking mga tuhod sa ginawa niya. "Umayos ka na. Wala na tayung magagawa pa, hindi na natin maibabalik ang nakaraan. Kalimutan nalang natin 'yun. Isa pa nabigyan din ng katarungan ang pagkamatay ng Mommy mo." aniko. Tumayo naman siya pero lumuhod uli sa tapat ko at niyakap naman ako sa beywang. Paulit-ulit lang siyang humihingi ng tawad. Ang mahinang iyak niya kanina naging kahulgol na. Pinaghiwalay pa niya ang mga hita ko at pumaloob duon, at mahipit akung niyakap.
"Dominic umayus ka nga, para kang bata. Pagnakita ka pa ng mga bata baka pagtawan ka pa nila." Asik ko sa mukha niya pero hindi naman siya natinag. Kaya iniangat ko nalang ang mukha niya at pinahid ang mga luhang naglandas sa pisngi niya. Gustong-gusto ko na rin siyang yakapin at halikan, dahil na-miss ko na rin siya pero kailangan kung pigilin ang sarili ko.
Hinayaan lang niya ako sa ginagawa ko. Hinahaplos ko lang ng palad ko ang pisngi niya. "Huwag ka na ngang umiyak pati ako nahahawa sa kakaiyak mo." Singhal ko, tahimik lang siyang nakatitig sa akin. "Tumayo ka na nga dyan." dugtong ko pa. Tumayo naman siya at naupo sa tabi ko, ipinatong lang niya ang kanyang mukha sa balikat ko na lagi niyang ginawa noon pang nagagalit ako sa kanya.
Ilang minuto din walang nagsasalita samin. Nakatanaw lang ako sa bilong na buwan, na tumatanglaw samin. "Pwede ba akung magtanong?" aniya at ilang beses tumikhim. "Personal" Dugtong niya.
"Go ahead ano ba 'yun?" aniko. Iniisip kung ito na ang tamang oras para masabi ko sa kanya kung ano ang totoo.
"Bakit hinahayaan mo si Kalev na kasama si Mitch? Ano bang relasyon nilang dalawa? Bakit hindi ikaw ang kasama niya?" Sunod-sunod kung tanong sa kanya dahil kanina pa ako nalilito sa kanila.
"Baliw ka talaga. Kung anu-ano nanaman naiisip mo, wala ka pa rin kadala-dala, mahilig ka talagang mag-conclude." Asik niya sakin.
"Sorry na kaya nga nagtatanong." saad kung kinakabahan. Kaya hinawakan ko ang isang kamay niya, hindi naman siya tumutol.
"Wala kaming relasyon ni Kalev, para lang kaming magkakapatid. Sila lang ni Tyron ang tanging kadamay ko nuon. Sila din ang tumutulong sakin. Sila ang tumayong tatay ng mga anak ko." Paliwanag niya. "Pero ngayon may mga sarili na silang pamilya.Two years ng kasal sila Kalev at Mitch. Sila Tyron naman at Loi four years na yata." Litanya niya. Nakahinga ako ng maluwag sa mga sinabi niya. Lihim din akung nangiti.
"Sorry hindi ko alam, Daddy rin kasi tawag ni Cassey kay Kalev kaya naisip ko kayo ng dalawa." Aniko pero binatukan lang niya ako.
"Naglilihi ng pareho sila Mitch at Loi. Pangalawa na ni Loi, nagreriklamo nga siya dahil nasundan agad si Ace. Pag-tatlo na ni Mitch yan ngayon, hindi daw kumakapit ang bata at sobrang selan niya. Maraming bawal sa kanya. Sana naman ngayon magtuloy-tuloy na. Sana makabuo na sila. Kaya baka hindi na umalis sa tabi ng asawa niya si Kalev para mabantayan niya itong mabuti. Kailangang lagi siyang makahiga. Gusto rin kuhanin nila sakin si Cassey pag hindi sila nakabuo." Mahabang wika niya.
"Bakit mo naman ibibigay si Cassey sa kanila?" Bulaslas ko. "Huwag mong ibibigay tutulungan kita para hindi niya nakuha sayo si Cassey." Mariin kong turan. Dahil napamahal na sa akin si Cassey.
"Sana nga makabuo na sila." aniya. "Kung gustong sumama ni Cassey kay Kalev wala din akung magagawa. Alam ko naman hindi nila pababayaan si Cassey." Dagdag pa niya.
"Sabagay may karapatan din si Kalev kay Cassey, siya ang ama." aniko, pero isang malakas na sapak sa dibdib ko ang natikman ko mula kay Anne na ikinagulat ko.
"What anak?" Sikmat niya sakin. "Ni hindi ko nga alam kung sinong demonyo ang tatay niya." asik pa niya kaya napadiretso ako ng upo.
"Hindi mo alam kung sino ang tatay ng anak mo?" Nahihindik kung tanong, at pinakatitigan siya.
"Baliw ka talaga Dominic, hindi ko nga alam kung bakit kita minahal noon, baliw ka naman pala." Turan niya. "Hindi ko siya tunay na anak." usal niyang dinig na dinig ko.
"Kanino sila anak? Bakit sila nasayo?" Bulalas kung tanong.
Matapos kung maikuwento sa kanya kung paano napunta sakin si Cassey, hindi pa rin siya makapaniwala. "Kaya galit na galit ako sayo noon. Umuwi lang kami dito para dalawin ang Lola ni Cassey na malapit ng mamatay. Ayun sa Doctor ilang araw nalang daw itatagal nito. Pagdating namin sa airport dumiretso na kami sa hospital, pero tulog ang Lola niya kaya nagyaya akung mag-mall kami para kumain at makabili ng gagamitin ng Lola niya, pero tinangay mo siya. Ng binalik mo naman, kinabukas na ang libing ng Lola niya kaya nagmamadali rin kaming nagpunta sa province nila nun araw na 'yon. Kahit sa huling sandali makita man lang niya ang Lola niya. Hindi man lang nagkausap ang mag-lola dahil sa kalokohan mo. Hindi ka kasi nagtatanong, agad ka nalang nagagalit. Inaangkin mo pa ang hindi sayo." Panenermon ko pa sa kanya. Hindi naman siya umiimik.
"Sorry, hindi ko alam. Ang laki pala ng kasalanan ko kay Cassey." Aniyang hindi makapaniwala.
"Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung paano ko sasabihin kung sino ba talaga ang tatay niya." aniko. "Ayaw kung mag-isip siya ng hindi maganda. Nagtatakot akung baka maging rebelde siya." dugtong ko pa.
"Bakit nasaan ba tunay niyang ama? Buti hindi siya naghahabol sa anak niya. Paano kung kunin niya si Cassey sayo? Wala kang laban duon, tatay niya 'yun." Litanya ko.
"Wala siyang Tatay. r**e victim ang nanay niya sa Middel East, at walang nakakaalam kung sinu-sino ang nang-r**e sa kanya." Singhal niyang ikinagulat ko. Marami pa pala akung hindi alam. Mga pangyayari sa buhay niyang binalewala ko. Sinira ko, pero ang tibay niya, matatag siya at lumaban sa hamon ng buhay.