Pinakatitigan ko muna si Dominic at tinantiya kung ito na ba ang tamang oras para sa katotohanan. "Ayun sa kanyang ina, mga lasing daw ang mga lalaking nanamantala sa kanya at hindi na niya nai-report sa pulis. Tinulungan nalang siya ng employer niyang maka-recovered sa trauma. At nang mabuntis siya pinayuhan siyang umuwi nalang muna at bumalik nalang daw pagnakapanganak na siya, pero hindi na nangyari 'yun dahil malubha na pala ang sakit niya." Mahabang wika niya. Kaya pala hindi ko siya kadugo, pero masaya ako kapag kasama ko siya. Mabait at bibo siyang bata, lahat nagigiliw sa kanya. "Napakabuti ng kalooban mo Anne, sa lahat ng nagawa ko sayo nanatili ka parin matatag at mapagkumbaba. May ginintuan puso ka parin sa lahat ng nangangailangan." Bulong ko sa punong tenga niya. Ginawaran

