Episode XXII

2141 Words

"Kanila pa sila umalis Hijo." ani Yaya. "Alas sinco y medya sila umalis. Kumain kana Dominic, ipaghahain na kita." dugtong pa niya. Kinabahan akung bigla sa sinabi ni Yaya. "No!. Anne please, huwag mo naman ilayo sakin ang mga anak natin." Sigaw ko sa isip ko. Nagsisikip din ang dibdib ko sa naiisip. Hindi ko kakayaning malayo pa sila ngayon. "Saan daw ho sila pupunta?" Tanong ko, at naupo na sa bangko sa tabi ko dahil nahihina ang aking mga tuhod sa matinding takot na malalayo sa aking ang mag-iina ko. "Sa Lola daw ng mga bata. May dala silang pagkain." aniya. "Baka bukas na daw sila makauwi. Bakit hindi ba nagpaalam sayo si Anne?" tanong niya. Sinong Lola ba tinutukoy niya? Hindi ko naman alam kung saan nakalibing sila Nanay. Hindi ko naman alam na namatay na sila. Nito ko nalang nala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD