"Hintayin niyo nalang ako para sabay-sabay na tayong umuwi." Aniya. "May meeting lang ako mamaya, sandali lang 'yon." Dugtong pa niya. "Baka naman gabihin ka pa, pwede naman mauna na kami." Tugon ko. Pero ayaw niyang pumayag mas gusto pa daw niyang i-cancel ang meeting niya kaysa umuwi kaming hindi siya kasama. Kaya wala akung nagawa kung hindi pumayag sa gusto niya. Ayaw ko rin naman ng dahil sa amin hindi matuloy ang meeting niya, tungkol daw sa bago niyang project. Suhisyon din ng mga anak naming hintayin na ang ama nila. "Amie, paki dalhan kami dito ng maiinum." Utos niya gamit ang intercom. "Pineapple juice at tubig." Dagdag pa niya dahil 'yon ang ibinulong ni Anezia. May dala naman kami kaninang juice, pero natapon yatang lahat 'yon ng bigla ko nalang binitawan ng makita ang ginaw

