Hindi ko pa halos naihihinto ang sasakyan namin sa tapat ng gate sa mansyon ay kaagad na kaming sinalubong ng isa sa mga security namin. Pumuwesto siya sa may driver side at tumayo ng tuwid. Kaya binuksan ko naman ang bintana sa side ko. "Good evening ma... ay sir kayo po pala." Gulat na gulat niyang bulalas. "Good evening po sir." dugtong pa niya sabay kamot sa batok niya. "Paki bukas ang gate." Utos ko nalang na agad din niya kaming tinalikuran at nagmamadaling binuksan ang gate. Kilalang-kilala na nila ang sasakyan ni Anne samantalang ako ngayon ko lang yatang nakitang ito ang ginamit niyang sasakyan. Lagi nalang akung huli pagdating sa mag-iina ako. "Tahimik na. Tulog na yata silang lahat." Usal ni Anne pagpasok namin sa loob ng mansyon. Humawak pa siya sa braso ko at nagpalinga-ling

