Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kabadong kabado ako habang umiiyak. Gusto kong puntahan siya pero saan ko siya pupuntahan? Ni hindi ko nga alam kung anong nangyari bakit nagkakaganito. Sinong bumaril? Bakit sila binaril? Napakaraming katanungan ang bumabagabag sa akin. Hindi ko na naman magawang magtanong dahil lumayo na sa akin sila Mommy. Dumating a rin ang ibang agents ni Lolo na siyang kausap niya rin ngayon Naiwan akong magisa sa upuan habang kinakain ng mga katanungan ang isipan ko. Ayokong isipin na si Kuya Daelan ang nasaktan pero mas hindi ko kakayanin kung si Duke nga iyon. Naramdaman ko ang pagtabi ni Lolo sa akin. Tapos na siguro silang magusap ng mga agents niya. Hinarap niya ako sa kaniya at sinandal sa balikat niya. Himikbi akong muli. Si Duke. Sana safe siya. San

