Tahimik lang ako ng maihatid ako ni Zero sa sasakyan. Akala ko pagkahatid niya sa akin ay tapos na pero umikot lang ito at sumakay sa kabilang parte ng sasakyan. Nasa harapan si Mommy at si Daddy ang driver. Kunot noo ko siyang nilingon. Tinaasan niya ako ng kilay at inirapan. Ano bang problema niya sa akin? Ni hindi ko nga siya inaano! Umiwas ako ng tingin. Gusto ko mang tanungin si Dad ay hindi ko magawa. Masyado akong naiinis sa ginawa niya. Lalo lang akong nakaramdam ng inis ng hindi man lang nila sabihin sa akin kung saan nila ako dadalhin. Nanatili itong tahimik hanggang sa bumuntong hininga ako. Naninikip parin ang dibdib ko. Hindi na ako hinatid ni Duke dahil pinigilan siya ng ilang mga agents. Gusto kong magreklamo pero agad akong sinungitan ni Zero. Muntik na silang magaway k

