He doesn't want me talking to his guy cousins maliban kay Zion at Caleb. Iyon ang napansin ko. Kapag lumalapit sa akin si Kuya Daelan, Kuya Kian and Kuya Axel, kahit na busy siya ay tinitigil niya ang ginagawa malapitan lang ako at maipakita sa mga pinsan niya na ako ay pag-aari niya. Ramdam kong mas lumalabas ang pagkapossessive niya kapag sila ang lumalapit sa akin. Hindi parin ako sanay na tuwing lalapit siya ay agad niyang niyayakap sa akin ang mga braso o kapag hinahatid niya ako ay hinahalikan sa noo pero hinahayaan ko nalang siya. If that is what makes him happy the I'll let him. Nilingon ko ang phone ko ng umilaw na naman iyon. Bumuntong hininga ako at binuksan. From: Babe Can I see you? Babe please... I won't disturb you. Hindi ako magsasalita. Panonoorin lang kita. Sophi

