Sa isang guest room ng bahay nila Tita Kiella nila napagdesisyunang matulog. Kaya pala hindi na niya ako inuwi dahil alam niyang dito kami manonood.
Hindi na ako nag-abalang umuwi dahil katulad ng kwarto ko na may gamit siya sa akin ay ganun din ako sa kaniya. May sarili akong space sa walk in closet niya. Mga naiwan kong gamit pero madalas ay mga binili niya para sa akin katulad ng suot kong pajama na kaparehas ng sa kaniya.
Niyakap ko ang isang unan. Nasa pangalawang movie na kami. Ang isa sa mga guest room kasi niya Tita Kiella ay may tatlong bed. Ako at si Ate Cheska ang sa pinakadulo tabi ng pinto, sa gitna ay si Ate Ishi at Ate Yana, at ang sa kabilang dulo ay si Ate Dyka at Sacha.
"Sophia..." nilingon ko si Ate Cheska. Siya kasi ang nasa likuran ko. Nakapatay ang ilaw. Tanging ang liwanang galing sa tv ang nagsisilbing ilaw namin kaya hindi ko siya halos makita.
"If... If you're not with Duke. Magugustuhan mo ba si Daelan?" halos pabulong niyang tanong. Tumaas ang kilay ko. I wasn't with Duke. Magugustuhan bilang ano? Hindi ko maintindihan.
"What do you mean by that, Ate? Magugustuhan bilang ano?" niyakap niya ang isang unan at lumapit sa akin. Maybe she doesn't want them to hear what she's going to say? Is it that important?
"As a man, romantically. Kung walang Duke..."
Nope. Nakikita ko lang si Kuya Daelan as older brother. Hindi ko alam kung bakit tinatanong ito sa akin ni Ate Cheska. Sa pagkakaalam ko ay wala namang gusto sa akin si Kuya Daelan.
"Why are you asking me that, Ate? He's just an alder brother to me" sagot ko.
"Nothing. Natanong ko lang" tumango ako at muling tingin sa movie ang paningin ko.
Inalok ako ni Ate Ishi ng pop corn pero umiling ako. Tumayo si Ate Cheska at pumagitna kila Ate Ishi at Ate Yana. Ipinagwalang bahala ko lang iyon.
"Ganiyan talaga ang mga lalaki! Kung alam nilang mahal na mahal mo na sila saka ka iiwanan sa ere. Mga papasa!" pare-parehas kaming tumawa ng sabihin iyon ni Ate Dyka.
Lahat kami alam ang kwento niya. Hindi rin naman namin masisisi kung bitter siya. Masyado lang talaga siyang nasaktan. Kahit sino naman magiging bitter kung nangyari din iyon sa kanila. Love isn't a choice but to fight for a love is a choice.
"Sinabi lang na mahal nagkabalikan na? Kalokohan—"
Sabay sabay kaming lumingon sa pintuan ng bumukas iyon. Pinasok ni Duke ang kalahati ng katawan at inikot ang paningin sa buong kwarto hanggang sa huminto sa akin. Ngumisi ito at pumasok.
"Lumabas ka nga Duke! Babae kami lahat dito!" Sabi ulit ni Ate Dyka. Kinamot nito ang batok at humiga sa space na iniwan ni Ate Cheska. "Duke!" sigaw ni Ate.
"Duke. Bakit ka ba nandito? Matulog ka na" umikot siya at humarap sa akin. Kahit madilim ay alam kong sa akin siya nakatingin.
"The boys are coming. Mag-sleep over din daw sila dito" sabi niya habang nakatingin sa akin.
"Boys? mean Dela Marcel's?" tanong ni Ate Cheska.
Umiwas ako ng tingin at lumingon sa tv. Naramdaman kong gumalaw ang kama. Kasabay non ang pagbukas ng pinto, pagbukas ng ilaw at pagpasok ng mga lalaking pinsan ni Duke.
"Hi girls!" bati ni Kuya Daelan. Tinaas nila ang mga hawak nilang plastic bags na punong puno ng pagkain.
"Nasan iyong sa akin?" tanong ni Duke. Nagsilapitan sila sa pagkain. Nilingon ko Lang iyon. May inabot na plastic si Caleb kay Duke.
"Here. It's yours" tumaas ang kilay ko at nilingon ang binibigay ni Duke. It's a see through plastic bag kaysa kita ko ang chocolates at gummy bears doon. Hindi ko napigilan ang sarili at ngumiti.
Kinuha ko iyon at binuksan ang malaking pack ng gummy bears. Nilingon ko si Duke pero nakatingin lang siya sa akin.
"Here. Sa'yo din ito" lumingon ko sa kaliwang bahagi ko ng may magsalita. Agad kong nakita ang malaking box ng sikat na tsokolate at isa sa mga tsokolateng hindi ko pwedeng kainin dahil may peanut at allergic ako sa peanuts. Kinagat ko ang labi ko at tinignan kung ang nagbigay. Si Kuya Axel. Pansin ko rin na na tigilan silang lahat at nakatingin sa amin.
"She's allergic to peanuts" sabi agad ni Duke, inunahan akong magsalita. Bumagsak ang mga balikat ni Kuya Axel.
"Sorry. I didn't know..." ngumiti ako.
"Akin nalang Kuya!" sabi ni Ate Ishi at kinuha ang box. Tumalikod din naman si Kuya Axel. I feel bad about it. Nilingon ko si Duke pero nakatingin parin siya sa direksiyon ni Kuya Axel. Kunot na kunot ang noo niya.
Tinakpan ko ang mata niya gamit ang isang kamay ko. Tinanggal niya Lang iyon at ng tinanggal niya ay nakatingin na siya sa akin. Nilingon niya pa ulit ang direksiyon ni Kuya Axel.
Lumingon ako doon at nakatingin lang din si Kuya Axel kay Duke. Hindi ko alam Kung bakit parang may mali sa tinginang iyon o guni guni ko lang? Siguro nga.
"Sophia Careen" bulong ni Duke. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Duke Xyrus?" ganti ko.
"Pakipatay ng ilaw!" kumunot ulit ang noo ni Duke at lumingon Kay Kuya Axel na siyang nagsalita. Nilingon ko din iyon at sa tv na nakatutok ang atensiyon nila. Narinig Kong bumubulong bulong si Duke bago tumayo at pinatay ang ilaw. Nasa direksiyon kasi namin iyon.
Bumalik si Duke sa akin at humiga sa hita ko. Hinayaan ko lang siya sa ginawa niya. Itinuon ko ang atensiyon sa tv habang kumakain ng gummy bears. Walang nagtangkang humingi sa akin. Alam nilang ayaw ni Duke iyon. Kapag may binigay sa akin si Duke, gusto nito ay ako lang ang kakain non.
Duke is selfish. If he wants something, he'll do everything to get it. Hindi na bale ng masaktan siya, hindi na baleng may masaktan siya as long as makuha niya ang gusto niya pero sa lahat ng iyon, Hindi ako kasama. Hindi siya selfish pagdating sa akin. If he can give what I want, he'll give it to me without a blink. Maliban nalang kung may nakita siyang mali sa gusto ko.
Nilingon ko siya. Pinaglalaruan niya kasi ang binti ko. May sinusulat siya doon gamit ang daliri niya na kahit may suot akong pajama ay ramdam ko parin.
"Sophia Careen. Duke Xyrus" rinig kong bulong niya habang ginagawa iyon. Hindi ko din naman siya maintindihan.
Biglang tumayo si Kuya Kian at may ginawa sa baba ng tv. Pagalis niya ay doon ko nakita ang phone niya na siyang chinarge niya. Nilingon ko sila. Caleb and Kuya Duke is on the floor while Kuya Axel is leaning on the wall. Si Kuya Kian ay nasa dulo ng hinihigaan ni Ate Dyka at Sacha, nakadapa.
Nilingon ko si Duke ulit. Hindi ba niya napapansin na nagsisiksikan ang mga pinsan niya doon at kaming dalawa lang naman ang nandito sa isang bed? O baka wala na naman siyang pakialam?