After my class, I found Kuya Axel leaning on our rooms wall. May hinihintay siya? Nilapitan ko siya. Nakapikit kasi siya kaya sigurado akong hindi niya ako napansin. Kinalabit ko lang siya at minulat na niya ang mata niya. Ngumiti ako.
"May hinihintay ka? Dismissal na namin..." sabi ko sabay lingon sa mga lumalabas na ka-blockmates ko.
"Yes. Actually I was waiting for you" tumaas ang kilay ko. Ako? Bakit?
"Why? May sasabihin ka ba?" tanong ko. Umayos siya ng tayo at minuwestra ang daan. Tumango ako.
"So ano nga iyong kailangan mo?" tanong ko habang naglalakad kami. "Bakit di mo pa tinanong noong Saturday night?" sabi ko sabay lingon sa kaniya.
"You're with Duke. Well, you're always with him" kumunot ang noo ko. Palagi naman talaga kaming magkasama ni Duke. Siya ang halos kaedad ko at si Caleb at Zion na busy din sa kaniya kaniyang ginagawa.
"Ano nga iyon?" muli kong tanong. Ano ba iyong sasabihin niya na kailangan ay wala si Duke?
Sigurado akong maya maya ay nandito na iyon. Baka nga nandito na at maabutan niya Kami. Hindi na naman niya masasabi kung ano ang kailangan niya.
"Do you like Duke, Sophia?" lalong kumunot ang noo ko sa niya. Iyon ang ipinaghintay niya? Ang tanungin kung gusto ko si Duke? "You're always with him. Like na iyan o sadyang sanay ka lang na nasa tabi niya kaya mo siya gusto? Do you even know what it is without him?"
Nakaramdam ako ng inis. Hindi ko alam kung bakit. Ano ba sa kaniya kung gusto ko si Duke o Hindi?
"What is it to you, Axel?" parehas kaming lumingon ni Kuya Axel sa harapan ng may magsalita. Si Duke iyon. Wala na namang emosyon ang mukha niya. Bumabalik na naman siya sa pagiging taong bato?
"Duke..." nilingon ko si Axel bago naglakad palapit kay Duke.
"What is it to you if Sophia likes me? Anong pakialam mo?" siryosong tanong parin ni Duke. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya sa pisngi.
Hindi ko alam kung bakit pero tuwing ginagawa ko ito ay napapakalma siya. Napapakalma ko siya. Nilingon niya ako. Naramdaman kong hinila niya ako palapit sa kaniya. Umikot ang dalawang kamay niya sa akin. Bumaba ang mga kamay ko sa dibdib niya. Pumasok sa ilong ko ang pamilyar niyang pabango.
Hindi ko na alam kung ano ang reaksiyon ng mukha ni Axel o kung bakit ginagawa Ito ni Duke. Hinayaan ko nalang siya sa ginawa niya. Narinig kong nagmura si Kuya Axel. Umiling si Duke.
"What happened to brother code, Axel Dash?" magig as na sabi ni Duke. Nanlaki ang mga mata ko. "Sophia is mine. She's mine!. She's only mine! D*mn you!" sinubukan Kong kumawala sa yakap niya pero tila sementong nanigas ang mga kamay niyang nakapaikot sa akin.
"You're selfish, Duke. Hindi mo man lang ba naisip na hindi bagay si Sophia? May sarili siyang pag-iisip. Siya ang magdedisisyon kung sino ang gusto niya at hindi ikaw" sagot ni Kuya Axel. Ginagalit niya lang lalo si Duke.
"Duke..." tawag ko ng maramdaman ang panginginig ng katawan niya. He's mad. Kaonting konti nalang at puputok na siya. "Hey. Duke. Look at me"
"I don't care. She's mine!" sigaw niya.
Hinila ko siya para tumingin sa akin ng Hindi parin siya tumingin ay niyakap ko nalang siya. Wala na akong pakialam sa kung anong pinaguusapan nila, sa kung sino ang tama o sino ang mali. Ang nasa isip ko lang ay kung papaano papakalmahin si Duke.
I don't want him mad. Ayaw kong nagagalit siya. Ayaw kong nawawala ang emosyon sa mukha niya. Ayaw kong nakikita siyang katulad ng dati, walang emosyon at walang pakialam maliban sa akin. Mabuti nga ngayon ay maganda na ang pakikitungo niya sa iba.
"Let's go home, Duke" bulong ko.
"Sophia. Why don't you answer my question? Do you like Duke?" inis na umikot ako. Kahit na nahirapan ako dahil kay Duke. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Why can't you stop, Kuya Axel? Just stop, please. Nagagalit na si Duke!" mariin kong sagot. Doon ko lang napansin ang kumpulan ng mga estudyanteng nakatingin sa amin. Pumikit ako ng mariin. We created a scene. D*mn.
"Let's go, Duke. Please" bulong ko. Sapat na iyon para marinig niya. Nilingon ko siya ng hindi siya sumagot. Nakatingin lang din siya sa akin. Nakaigting ang mga panga at galit ang mga mata. "Uwi na" sunod kong sabi. Tumango siya at hinayaan akong hilain siya.
Nilingon ko si Kuya Axel. Hindi ko mabasa ang ekspresyon sa mukha mukha niya. Umiling ako at naglakad na. Hindi ko alam kung bakit ito ginagawa ni Kuya Axel. Kung bakit kailangan niya akong tanungin ng mga ganoong bagay. Naiinis ako dahil sa ginawa niya.
Nilingon ko si Duke ng mapansing tahimik ito. Walang kahit anong ekspresyon ang mukha niya. Nakatingin lang siya sa akin. Ngumuso ako at bumuntong hininga. Galit parin siya.
Pinagbuksan niya ako ng pinto. Agad akong pumasok doon. Umikot naman siya at pumasok sa driver seat. Inayos ko ang seatbelt ko bago humarap sa kaniya.
"Duke Xyrus" hindi niya ako nilingon. He stayed there. Ilang minuto siyang nakatunghay lang sa harapan bago pinaandar ang sasakyan. Pinanuod ko siyang magdrive hanggang sa mapansin ko na hindi ito ang daan pauwi sa DM Ville or DM Towers.
Hindi parin ako nagreklamo. May tiwala ako Kay Duke. I know that wherever we are heading, I'm safe. Umayos ako ng upo at naghikab. Dumidilim na ang paligid pero Hindi parin siya nagsasalita at hindi parin humihinto ang sasakyan.
Halos isang oras na kaming nasa biyahe. Saan ba kami papunta?
"Duke. Saan tayo pupunta? May pasok pa bukas" nilingon niya ako. Nanatiling walang emosyon ang mukha niya. Ngumuso ako.
"Walang pasok bukas, Sophia" simple niyang sagot. Gusto ko siyang tanungin pa pero nanatili na akong tahimik. Binaling ko ang atensiyon sa daan. Puro puno ang nakikita ko. Halos wala na nga akong makitang bahay. Kung hindi ako nagkakamali, papunta Ito sa Rancho na pagaari ng Daddy niya.
"Duke anong gagawin natin sa Rancho? Wala akong dalang damit" nilingon niya ako na para bang tinubuan ako ng pangalawang ulo. Ano na naman ba? Ang sungit sungit niya a! Naiinis na ako.
Umirap ako at umiwas ng tingin. Huminto ang kotse niya di kalayuan sa nakatayong bahay nila. Lumabas siya dala ang backpack niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Kinuha ko ang gamit ko at lumabas. Sinubukan niyang kunin ang gamit ko pero inilayo ko iyon sa kaniya. Naiinis ako sa kaniya. Siya lang ba ang may karapatang mag-inarte?
Pinilit niya paring kinuha ang gamit ko. Naglakad siya papasok at tahimik Lang akong sumunod sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang nasa isipan niya. Ang hirap hirap niyang basahin ngayon. Nakasalubong namin ang ilang maids nila. Hindi niya pinansin ang mga iyon. Dire-diretso lang siya sa pagakyat.
Binato ko ang maids nila bago siya sinundan. Nakasarado ang kwarto n'ya pero Hindi naka-lock. Pagpasok ko at nakadapa siya sa gitna ng Kama at nasa gilid, tabi ng study table, ang mga gamit namin. Bumuntong hininga ako at umupo sa gilid niya.
Hindi man lamang siya natinag. Humiga ako sa kaniya at umunan sa may likod niya dahil hanggang doon lang ang inabot ko. Unlike him, nakaharap ako sa kisame.
"Duke. Galit ka ba sa akin? Bakit ayaw mo akong pansinin. May ginawa ba ako?" narinig ko siyang umungol kaya nilingon ko siya. Hindi naman ako ganoon kabigat a?
"Sophia Careen Clarkson" bulong niya.
"Hmmm?" Sagot ko. Gumalaw siya pero dahil nakapatong ako sa likuran niya ay hirap siyang gumalaw.
"Akin ka 'di ba? Akin lang 'di ba? Kay Duke ka lang 'di ba?"