❤ Magnolia ❤ KINUSOT-KUSOT KO ang mga mata ko at napatingin ako kay Seige na nakayakap sa akin habang naksubsob ang mukha sa leeg ko. Hinaplos ko ang mukha niya at buhok bago siya halikan sa noo. "I love you." bulong ko sa kanya at napangiti. Hinalikan ko muna siya sa pisngi bago ko maingat na inalis ang ulo niya sa leeg ko maging ang braso at binti niya. Nang maalis ay napahinga ako ng malalim at bumangon sa kama niya habang kipkip-kipkip ang isang tuwalya na nakita ko na ibinalot ko sa katawan ko. Pinulot ko ang mga pinaghubaran namin at tinungo ko ang isang pinto tila walk-in closet niya. Wow! Napahugis bilog talaga ang bibig ko sa linis, aliwalas, at ganda ng walk-in closet niya. Lahat ng pang business suit niya, formal suit, casual, at at iba pa ay nakahelera at maayos na nakasa

