bc

SEIGE FORD SERIES 5 [COMPLETED]

book_age18+
17.8K
FOLLOW
76.9K
READ
possessive
forced
arrogant
manipulative
goodgirl
comedy
sweet
bxg
campus
school
like
intro-logo
Blurb

Sa walong magkakapatid na Ford ay si Seige ang pinakamahilig mangtrip. Grade school palang ay palagi siyang laman ng guidance office. Si Seige ang sakit sa ulo ng mag-asawang Dimitri at Beatrice.

Nang mag-highschool at kolehiyo siya ay isa siya sa binansagang Campus Crush ng West Cassex University, kung saan nag-aaral rin ang mga kapatid niya. Hindi na niya kailangan pang lumapit sa mga babae dahil ang mga babae na mismo ang kusang lumalapit sa kanya.

Pero isang araw, sa isang visit school activity ng school nila sa ibang school sa maynila. Graduating na si Seige sa college bilang law student kaya kailangan niya rin makita at may iba pang malaman sa ibang professor sa ibang school para mas matutunan ang mundo ng batas. Napadpad si Seige sa pinakagarden kung saan tahimik at payapa, pero may nakita siyang babae na nakaupo habang natutulog sa isang table. Balak niya sanang pagtripan ngunit natigilan siya na makita ang malaanghel nitong mukha.

Balak sana niyang nakawan na lang ito ng halik ng tawagin siya ng mga kaibigan niya. Napurnada pa ang binabalak niya at tila siya asong nabahag ang buntot na napatakbo ng magising ito bigla.

Magawa pa kaya niyang mapakapag biro sa babaeng hindi kayang lumaban sa kanya at hulog ng langit ang kabaitan.

At kung kelan siya nag seryoso ay doon pa siya tila napag tripan ng pagkakataon. Dahil sa paningin ng babaeng nagugustuhan niya ay isang biro lang ang lahat ang feelings niya.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
❤ Magnolia ❤ NAKAKAPIT AKO MULA sa kamay ni Inay habang si itay ay nasa tabi ni Inay. Wala si Ate dahil tila naroon siya sa puno at pinagtataguan si Kuya Duke. Narito kami ng pamilya ko sa 15th birthday party ni Kuya Duke. Inimbitahan kami nila Ma'am Beatrice kaya dito na kami maghahapunan. Napatingin ako sa mga batang nagtatawanan. Ang pagkakaalam ko ay ito 'yung mga anak ni Ma'am Beatrice at Sir Dimitri. Napatingin ang mga ito sa akin kaya napatago ako sa likod ni Inay. "Oh, anak, bakit?" tanong ni Inay. Umiling ako habang nagtatago pa rin sa likod niya. Sumilip ako at tumingin muli doon. Nabigla ako dahil nakatingin sa akin ang isang bata. Nakahalukipkip ang mga braso nito habang nakangisi. Nagtago muli ako sa likod ni Inay dahil nahihiya ako. Hindi ako sanay na makisalamuha sa kagaya nila. Tingin ko ay hindi ako bagay sa mundo nila. Naupo na kami nila Inay sa dulong lamesa habang kumakain na kami. Habang kumakain ay may naramdaman akong gumagapang sa paa ko kaya sumilip ako sa ilalim at napahiyaw ako sa takot ng makakita ng ipis sa paa ko. Agad kong hinawi iyon sa paa ko at napakandong ako kay Inay sa takot. Umiyak ako habang takot na takot. "Seige! Lumabas ka nga d'yan bata ka!" dinig kong pagpapalabas ni Ma'am Beatrice sa tinatawag niyang pangalan sa tono na pagalit. Humihikbing tumingin ako sa ilalim ng lamesa at doon nakita ko 'yung batang lalake na kanina ay nakatingin sa akin. Piningot ito ni Ma'am Beatrice sa tenga. "Kahit kailan talaga! Napakapilyo mong bata ka!" sermon ni Ma'am Beatrice rito. "naku, paumanhin po Aling Nelia. Pasensya na rin Magnolia at ikaw ang napagtripan nito." paumahin nito sa amin habang nakahawak pa rin sa tenga ng anak niya. "Walang anuman ho iyon, Ma'am. Naiintindihan ko naman ho ang mga bata." sabi ni Inay. "Mom! Let go of my ear." sabi nung bata habang nagpupumiglas. "Sige po, Aling Nelia, Mang Ben. May pagsasabihan lang ako saglit." nakangiting sabi ni Ma'am Beatrice at binuhat na 'yung batang lalake paalis sa table namin. "Tahan na, Anak. Talagang pilyo lang ang batang iyon. 'Wag mo nang isipin iyon." pagpapatahan sa akin ni Inay kaya tumango ako kahit na tila hindi makakalimutan ng batang isip ko ang pangyayaring iyon. - Twelve years later... BUSY AKO SA pag-ayos ng mga ipapasa kong documents para sa training ko sa isang hospital. I'm third year nursing student sa Emerald University. Masaya ako dahil ilang taon na lang ang bibilangin ko bago ako maka-graduate. Tapos 'pag nakapasa ako sa board exam ay meron na akong maipagmamalaki kela Inay. At maaari ko na gamitin ang natutunan ko kung sakali man na meron silang iniinda na sakit. Napahikab ako at tumigil sa binabasa kong libro tungkol sa uri ng mga sakit. Wala pa akong masyadong tulog dahil talagang pinagpupuyatan ko ang bawat lesson na tinuturo sa amin. Dumukdok ako sa nakapatong kong libro habang nakaunan ang mga braso ko. Dahil siguro sa masarap na simoy ng hangin sa garden ng school namin ay hindi ko napigilan na makatulog. ❤ Seige ❤ "WHOOO! SWABE!" SIGAW ko ng ma-park ko ang bagong bigay na kotse ni Dad. This is the latest Lamborghini Veneno. "Nice car, Segi." sabi ni lawrence. 'Segi' ang tawag nila sa akin dahil nawi-weird-duhan daw sila sa pangalan kong Seige. "Of course. Dad gave it to me. You know my Dad's taste." sabi ko habang sinusukbit ang bag ko sa isang balikat ko. "Baka naman p'wede mong i-request sa Dad mo kung p'wede kaming maka-arbor ng isang kotse lang. Ayaw kasi akong bilhan ni Dad dahil lagi ko lang daw sinisira." sabi ni Paul. "Pag-iisipan ko. Baka tama naman ang Dad mo at masira mo lang kung sakaling bibigyan ka ni Dad." sabi ko rito at pinindot ang key remote para mag-lock ang kotse ko. Tumingala ako kung nasaan kami ngayon. Narito kami sa Emerald University sa maynila dahil rito muna kami upang maging exchange student pasamantala. Graduating na kami kaya kailangan rin namin malaman kung paano ba magturo ang mga professors rito. Nakapamulsa ako sa suot kong slacks na kulay violet habang suot ko ang light violet naman na polo ng university namin. Naka-jacket ako na pula habang gano'n din sila Lawrence at Paul na nakasunod sa akin. Naglabasan ang mga estudyante habang naglalakad kami sa isa sa corridor ng Emerald. Kumpara sa university namin ay masyado ng luma ang school na ito. Seryoso akong naglalakad ng may babae na bumangga sa akin. Napahinto ako kaya napahinto rin sila Lawrence at Paul. "Sorry." paumanhin ng babae na maikli ang skirt ng school uniform nito habang bukas ang dalawang butones na pinapakita pa talaga ang bra nito. Humawak siya sa kurbata ko tila gustong makipag-flirt. Ngumisi ako at tumingin kela Paul na napailing. "You want my kiss?" tanong ko na kinangiti nito at agad na tumango. "Okay. I'll kiss you but before that, you need to eat this candy first." sabi ko habang hinahaplos ko ng candy ang mukha niya. "Sure." mapang-akit nitong pagpayag at kinuha ang candy na hawak ko at dali-daling binuksan ang balot nito. Lalo akong napangisi habang hinihintay ang reaksyon niya. Napahalakhak kami nang agad niyang iluwa ang candy at nilabas ang dila habang todo paypay siya tila anghang na anghang. Nilagpasan ko siya habang tawang-tawa ako. She deserved it. Gusto niyang makipag-flirt sa akin, edi kailangan niyang tikman muna ang trip ko. Pinagpag ko ang kurbata ko dahil baka may germs pa ang kamay no'n. "Hanggang dito may baon ka pa ring weapon, Segi." tawang-tawang sabi ni Paul at nakapatong ang isang kamay niya sa balikat ko habang naglalakad kami. Ngumisi lang ako habang nakatingin sa dinaraanan namin. May makakasalubong kaming babaeng teacher na super hot. Napasipol si Paul at lawrence. "Oh.. Kayo ba ang new exchange student sa linggong ito?" nakangiti nitong tanong habang malagkit na nakatingin sa akin. "Yes, Miss Gorgeous." agad na sagot ni Paul na kinuha pa ang kamay ng guro at hinalikan para bolahin. Humalukipkip ako at napailing. Tinapik ko ang balikat ni Lawrence at sinenyasan ko siya na siya na ang bahala sa guro. Iniwan ko na sina Paul at Lawrence doon dahil gusto ko na maglibot at magpahangin muna. Naglakad-lakad ako kung saan walang estudyanteng gumagala. Napadpad ako sa pinakagarden. Naupo ako sa isa sa mga bench at dumekwatro. Sinampa ko ang mga braso ko sa sandalan ng bench at tumingala bago pumikit. Dinama ko ang hangin na tumatama sa akin. Malakas ang hangin at malamig. Tila meron na akong pagtatambayan habang narito kami. Dumilat ako at tumingin sa paligid. Biglang natuon ang mga mata ko kung saan merong mga table na gawa sa kahoy na hugis bilog. Tumayo ako at dahan-dahan na lumapit doon. May isang babae na natutulog habang nakadukdok sa table. Nakapaling ang kanyang ulo at nakaharap sa gawi ko. Tinatanggay ang mahaba at itim na itim niyang buhok. At ang morena niyang kutis ay bagay na bagay sa pikit niyang mga mata, turned up nose, small cheeks, and thin lips nito na mala rosas ang kulay. Ang haba rin ng pilik-mata nito na kitang-kita dahil sa nakapikit nitong mata. Pinakatitigan ko ito pati ang katawan nito. Nakasuot ito ng puting uniform na pang nursing. Napapatango ako dahil desente siyang manamit. Napatingin akong muli sa mukha nito at hindi sinasadya na mapatingin ako sa malarosas nitong labi nang biglang umuwang iyon. Tila ako hinahatak ng mga labi nito. Tila nais kong matikman ang labi nito. Gusto kong malasahan kung ano bang lipstick ang ginamit nito. Dumukwang ako habang unti-unting bumababa ang mukha ko palapit sa mukha niya. Halos ilang pagitan na lang ang aming labi. "Segi! There you are!" Agad akong napatayo ng tuwid ng marinig ang sigaw ng dalawa---Si Paul at Lawrence! Bull s**t! Kahit kailan! Napaka-wrong timing palagi ng dalawang ito. Shit! Maaalimpungatan ata ang babae. Kaya bago pa niya ako makita ay agad kong tinakbo ang distansya ng dalawang ugok. "Oh, bakit ka nagmamadali?" ngising tanong ni Lawrence tila nakita nila ang gagawin ko dapat doon sa babae. "Tss. Don't mind me." asik kong sabi at iniwan sila. "Ulol mo! Hindi namin p'wedeng palagpasin 'yon, Segi boy. Dahil ngayon lang namin nakita na dumada-moves ka sa isang babae, at take note! Sa tulog pa, ah." ngising-ngising sabi ni Paul at nakipag-apiran pa kay Lawrence. "Para kayong nasa kwento ng libro, 'yung fairytale. Siya si sleeping beauty tapos ikaw ang prince charming na gigisingin siya mula sa pagkakatulog." Napailing ako sa pinagsasabi nitong si Lawrence. Nakapamulsa akong naglalakad habang iniiisip ang mukha nung babae. Parang nakita ko na siya ngunit hindi ko alam kung saan nga ba? "Ano, Segi boy? Bakit mo hahalikan 'yung babae? Kung hindi pa kami sumingit ni Paul ay baka nahalikan mo na siya." pag-uusisa ni Lawrence na binangga pa ang balikat ko. "Wala lang." maikli kong tugon. "Wala ba talaga? Eh, kilala mo man lang ba iyon?" ngising pagtatanong muli nito. Umiling ako at nakibat-balikat. Wala ako sa mood magsalita 'pag meron akong pilit na inaalala. Para talagang nakita ko na siya pero hindi ko lang maalala kung saan. ❤ Magnolia ❤ NAALIMPUNGATAN AKO DAHIL sa narinig kong sigaw. Nag-unat ako ng mga braso habang tumitingin sa paligid upang hanapin kung sino ba 'yung sumigaw? May nakita akong mga lalakeng nakatalikod at paalis nang garden. Siguro ito ang mga sumigaw. Nakatulog pala ako at hindi ko namalayan. Napabuntong-hininga ako at niligpit na ang mga gamit ko dahil malapit na pala ang klase ko. Yakap-yakap ko ang dalawa kong libro habang nakasukbit sa isang balikat ko ang shoulder bag ko. Nagtataka ako kung bakit nagkakagulo ang mga kaklase ko sa labas ng room namin. Lumapit ako upang magtanong kung ano bang meron? "Shirley, bakit kayo nasa labas pa?" tanong ko kay Shirley na ka-seatmate ko at kaibigan ko. Lumingon sa akin si Shirley habang nangingiti. "Meron kasing mga exchange student rito. Gosh! Ang gagwapo nila. Lalo na 'yung tinatawag nilang Ford." kilig na kilig na sabi niya. Ford? Hindi kaya isa sa mga anak nila Ma'am Beatrice? "Pero, teka. . . Bakit nagkaroon ng exchange student ngayon rito?" "Kasi 'di ba, kung sino 'yung mapili na estudyante ng emerald ay siyang pasamantalang lilipat sa ibang school para malaman kung paano ba magturo ang ibang guro. Tapos 'yung Ford at ibang kasama nito ay sila 'yung napili ng school nila kaya sila narito ngayon." paliwanag niya. Napatango ako dahil naunawaan ko na. Kaya pala. . . "Ano bang pangalan ng Ford na narito?" tanong kong muli sa kanya. Baka si Samuel iyon. "Ang pagkakarinig ko ay---" "Nandyan na sila!!" tilian ng mga kaklase ko pati ng ibang estudyante na lumabas rin ng sariling mga room. Hindi natuloy ang sasabihin ni Shirley dahil pati ito ay nakitili na rin. Tumingin ako kung saan sila nakatingin---Sa principal office. Malapit lang din kasi rito iyon. Nakita ko si Mr. Valdez kasama ang secretary nito. Ngiting-ngiti ito habang kinakausap ang tatlong lalake na suot ang ibang uniform habang naka-jacket. Teka----Sila 'yung kanina sa garden, ah? Napatingin ako sa lalakeng naka-red jacket. Bigla akong kinabahan dahil kilala ko siya. Hinding-hindi ko makakalimutan. Akala ko si Samuel, pero 'yun pala 'yung isa. Huminto ang mga ito sa harap ng mga estudyante at kabilang na ako doon. "Student, I want to introduce to all of you the exchange student from West Cassex University. This is Mr. Seige Ford, Mr. Paul Salvador, and Mr. Lawrence Lazaro. Palagi niyo na silang makikita sa loob ng tatlong linggo. Kaya sana ay maayos niyo silang pakitunguhan." nakangiting pagpapakilala ni Mr. Valdez sa mga ito. Nilibot ni Seige ang paningin niya at nabigla ako dahil bigla siyang tumingin sa akin. Pero baka nagkakamali lang ako kaya lumingon ako sa likod ko, walang ibang tao, kaya napatingin muli ako rito at halos mapaatras ako dahil narito na siya agad sa harap ko. Humawak siya sa magkabila kong baywang upang hindi ako umatras. "Hi." nakangiti niyang bati. "Uh.. Hi." mahina kong sabi dahil naiilang ako. Nabigla ako ng yakapin niya ako, pero saglit lang dahil bumitaw na siya na pinapasalamat ko. Ngumiti siya pero may kakaiba sa ngiti niya. "Sleepy head." bulong niya na hindi ko maintindihan. Umalis na siya sa harap ko kasabay sina Mr. Valdez. Napatingin ako sa mga kapwa ko estudyante na hindi rin makapaniwala ang mababakas sa kanilang mukha. "OMG!! Niyakap ka niya! Gosh! Nakakainggit! Anong amoy niya? Mabango ba?" kinikilig at tanong ni Shirley habang nakahawak sa balikat ko at niyuyugyog ako. Hindi ako makasagot dahil hanggang ngayon rin ay hindi pa ako nakaka-recover sa ginawa ng lalakeng iyon. Bakit niya ako niyakap? Nakilala niya kaya ako? Pero parang hindi naman. Pero kung hindi, bakit siya mangyayakap ng hindi niya kakilala? "Akala mo mahinhin 'yun pala nasa loob ang kulo." dinig kong pasaring ni Daisy, ang kalaban ko sa pagiging top sa klase. "Hep! Hep! For your information, sa lahat ng babae rito si Magnolia ang tunay ang may masasabi ang beauty at maria clara. Kasalan ba niya na yakapin siya ng oh-so-hot and oh-so-gwapo na si Ford. Inggit ka lang dahil hindi napansin ang beauty mo na tila binababad sa suka." pasaring naman ni Shirley na pinigil ko. Inilingan ko siya dahil ayoko ng away. "Paano siya hindi yayakapin dahil paharang-harang sa daan. Halata naman na gustong magpayakap." ayaw paawat na sabi ni Daisy at umirap sa akin bago pumasok sa loob ng room. "Sarap tirisin ng babaitang iyon. Porket nanay niya 'yung teacher natin kaya laging nasa top." bulong-bulong ni Shirley. "'Wag ka nang magsalita ng ganyan, Shirley. Hayaan na natin siya." sabi ko sa kanya. "Hayaan? E, halos insultuhin ka na niya." naiinis pa rin niyang sabi. "Still. Hindi pa rin tama na makipag-away tayo. Ayoko ng gulo at baka makaapekto pa 'yon sa grades natin. 'Tsaka wala naman sa akin iyon." "Ewan ko sa 'yo, masyado kang mabait. Siguro kahit itulak ka sa mataas na lugar ay hindi ka pa rin magagalit." "Ano ka ba, hindi naman. 'Tsaka kung itulak man ako sa mataas wala na akong reaksyon no'n, tiyak na patay na ako." nakangiti kong sabi sa kanya at inakay na siya papasok ng room. "Oo nga noh. . . Hahaha! Ang tanga ko talaga." tawang-tawang sabi niya at pinalo pa ang noo niya. Napailing ako at sumunod sa kanya na pumasok. ❤❤❤❤❤❤ Cafeteria NAGLAKAD KAMI PAPASOK ni Shirley sa cafeteria para kumain ng lunch namin. Napapatingin sa akin ang lahat ng estudyante na sumasabay sa amin sa paglalakad. Naguguluhan naman ako kung bakit kaya sila tumitingin? "Anong problema ng mga iyon?" nagtataka ring tanong ni Shirley na kinakabit-balikat ko lang. Hindi na lang namin pinansin iyon at naghanap kami ng table namin. Sa may gitna marami pang bakante kaya doon kami naupo. "Anong order mo, Magnolia? Ako na ang o-order at ikaw na ang magbantay ng table at bag natin." sabi ni shirley. "Adobong manok at four season shake sa akin. Salamat." nakangiti kong sabi sa kanya at kinuha ko ang wallet ko sa bulsa pero nabigla ako ng may malamig na tubig na tumapon sa akin. "Daisy!" galit na sita ni Shirley. Tumingin ako kay Daisy dahil bakit niya ako binuhusan ng tubig? "Oppss! Sinunod ko lang ang nakasulat." nakangisi nitong sabi at tawa-tawa siyang umalis kasama ng mga kaibigan niya na natatawa rin. "Anong pinagsasabi no'n? Wait lang, Mags, yari sa akin ang babaitang 'yon!" banas na sabi ni Shirley na pinigil ko sa kamay at inilingan. "'Wag na. Konting basa lang naman." sabi ko at binitawan na ang kamay niya. "Konting basa? E, halos basa na ang uniform mo. Tignan mo kita na ang kulay ng bra mo. Pati buhok mo basa rin." sabi ni Shirley na tila natigilan. Mula sa tonong malakas ay humina ng humina ang boses niya habang nakatingin sa likod ko. Napatingin naman ako sa likod ko pero ang kinabigla ko ay may bumuhos na namang tubig sa akin.. Nakita ko ang mga estudyante na hindi ko kakilala dahil sa ibang course sila. "Hey! Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo, ha?! Bakit niyo binubuhusan ng tubig si Magnolia?!" galit na hinarap ni Shirley ang mga ito. "Iyon kasi ang nakalagay sa papel na nasa likod niya. Sinunod lang namin." sabi ng isa. Agad na hinawakan ako ni Shirley sa balikat at tinignan ang likuran ko. Meron siyang inalis sa likod at tinignan ang isang bond paper na halos basa na ang kalahati. Hinarap niya sa akin iyon at doon nabasa ko kung bakit ako binubuhusan ng tubig. "Paano napunta sa likod mo ito?" tanong sa akin ni Shirley. Umiling ako dahil hindi ko rin alam. Napatingin ako sa entrance ng cafeteria kung saan pumasok sila Seige. Masayang-masaya ito habang pumapasok. At habang tinitignan siya ay sumagi na sa isip ko kung sino ang naglagay ng papel na iyon sa likod ko. Hindi pa rin pala siya nagbabago. Kapag nais niyang pagtripan ang isang tao ay gagawin niya kahit na nakakasama na sa pinagtitripan nito. Nang mapatingin siya sa gawi ko ay nakita ko ang paghinto niya kasunod ng kaibigan niya. Tumayo ako habang bitbit ang bag ko. Dumeretso ako sa C.R. sa cafeteria para magpunas at magpalit. Mabuti at may dala pa akong extra uniform ko. ❤ Seige ❤ "ANONG NANGYARI SA kanya?" tanong ko sa mga estudyante na nakapalibot kanina sa babaeng natutulog sa garden kanina. "Binuhusan lang naman kasi siya ng mga ito. Sinunod ba naman ang nakasulat sa papel na ito na ngayon ay basa na." sabi ng babae. Nagkatinginan kami nila Paul at kinuha ko ang basang papel. Nababasa ko pa naman ang ibang nakasulat. Damn! Nagkamali ako ng papel na nilagay. Napatingin ako kung saan dumeretso ang babae. "Kawawang, Magnolia. Kahit anong sama ng ibang tao sa kanya ay wala pa rin siyang gagawin para maipagtanggol ang sarili niya." wika ng babae at kinuha nito ang bag sa upuan at tinungo rin ang pinuntahan ng babae. Magnolia? Siya ba 'yung kapatid ni Ate Nestle? Fuck s**t!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

YOU'RE MINE

read
893.6K
bc

ZACH HOFFMAN

read
225.5K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
311.9K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
533.7K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
49.7K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook