CHAPTER 2

3574 Words
❤ Seige ❤ "SEGI, HINDI PA ba tayo uuwi?" ungot ni Paul. Tapos na kasi ang class hour kaya maaari na kaming umuwi dahil tanging observation lang din naman ang ginawa namin sa Law Class kanina ngunit ayoko pang umuwi dahil may nais akong gawin. "Mauna na kayong umuwi." sabi ko sa dalawa habang palapit kung saan ang room niya. "C'mon, Segi. Sino pa ba ang hinihintay mo rito?" tanong ni Lawrence. Hindi ko sinagot si Lawrence dahil napatingin na ako sa loob ng room kung saan nalaman ko na dito siya naka-room. Mag-isa na lang siya sa room habang nagliligpit siya ng mga gamit niya. "Tila alam ko na kung sino ang hinahanap niya, Lawrence. Tinamaan ata ang Segi Boy natin." dinig kong panunukso ni Paul. Hindi ko pinansin pa iyon at inayos ko ang suot kong damit at pati na rin ang buhok ko dahil palabas na siya. Tumikhim ako at nang paraan na siya sa mismong pinto ay humarang ako. Napaangat siya ng tingin kaya nakita ko ang maamo niyang mukha at ang biluga niyang mata na lumaki dahil sa gulat. "Hi. Pauwi ka na ba?" bungad ko sa kanya habang may malaking ngiti ako sa labi. "Oo." maikli niyang tugon. "Hatid na kita." alok ko at agad na kinuha sa kanya ang librong bitbit niya. "'Wag na. Kaya ko namang umuwi mag-isa." tanggi niya at balak sanang agawin pa ang libro niya ng itaas ko iyon upang hindi niya makuha. "'Wag ka nang tumanggi." nakangiti ko paring sabi sa kanya. "Hindi na." tanggi parin niya at pilit na inaabot ang book niya. "Sumunod ka sa akin." sabi ko na lang at tinalikuran ko na siya habang bitbit ang libro niya para hindi na siya maitanggi pa. Sumipol-sipol ako at lumingon upang tignan kung sumunod nga siya. Nakita ko na nakayuko siyang sumunod habang nasa likod ang dalawang gunggong na naka-thumbs up sa akin. Napangiti ako at agad na humarap sa nilalakaran ko ng tyempong mag-aangat siya ng tingin. Pagdating sa kotse ko ay agad kong binuksan ang pinto sa front seat at humarap sa kanya. "Get in." nakangiti kong sabi sa kanya. Nag-aalangan pa siya pero nang humakbang na siya para sumakay sa kotse ko ay lalo akong napangiti. Sinara ko na ang pinto at tumingin sa dalawa na napapangisi at napapailing. "Ang bilis mo talaga sa girls, Segi boy. Hanga na talaga kami ni Paul." wika ni Lawrence na inilingan ko lang. Tinapik ko ang balikat ng dalawa, "Sige na. I have to go. Kita-kita na lang sa tambayan." paalam ko at umikot na sa kabila para sumakay. Pagkasakay ko ay tumingin ako sa kanya habang nag-si-seatbelt. Napahinga ako ng malalim at binuhay na ang makina. Nagmamaneho na ako habang panaka-nakang tumitingin sa kanya. Tumikhim ako, "Kanina nga pala.. Sorry, it's my fault." wika ko habang nakatingin sa daan. Tumingin muli ako sa kanya at tanging pagtango lang ang ginawa niya. Shit! Why she like that? "Anong year mo na?" tanong ko para mag-salita siya. "Third year level." maikling tugon niya, "d'yan na lang sa tabi." sabi pa niya kaya napatingin ako sa paligid. Dito pala ang bahay nila hindi ko naman alam dahil hindi naman ako nakapunta pa dito noon. Kaya ko lang kilala si Ate nestle dahil crush ni Kuya at kasambahay din nila Tita Olive ang nanay nila, habang ang tatay nila ay driver. Hinto ko na ang sasakyan sa gilid, "Wait." pigil ko sa kanya na bubuksan sana niya ang pinto. Bumaba ako at umikot sa side niya. Pinagbuksan ko siya ng pinto. "Magnolia, right?" paniniguro ko sa pangalan niya. Tumango siya kaya napangiti ako. "Sige." sabi niya at tinalikuran na ako. Habang tinitignan ko ang likod niya ay naiisip ko kung siya nga ba ang kapatid ni Ate Nestle na si Magnolia. Humalukipkip ako ng braso at sumandal sa kotse ko. Matagal akong nakatitig sa bahay nila ng walang ibang dahilan. Napabuntong-hininga ako dahil bakit ba narito pa ako? Umalis na ako sa pagkakasandal at umikot sa kabila para sumakay na. Umalis na ako sa lugar nila. Bubuhayin ko palang sana ang music player ng mapatingin ako sa backseat mula sa rear mirror. Napreno ko bigla ang sasakyan ng makalimutan niya ang libro niya. Inabot ko iyon at nilagay sa front seat para madali kong makuha. Bumalik muli ako. Malapit na ako muli sa bahay nila ng matanaw ko siya na humahangos na tumatakbo habang umiiyak. Sumakay siya sa isang pampasaherong jeep kaya nag-ma-ni-obra ako ng sasakyan upang sundan siya. Hindi ko alam kung bakit siya umiyak at tila nagmamadali? Bumaba siya ng jeep at sumakay naman siya ngayon ng bus. Bigla akong nawala sa konsentrasyon ng mag-ring ang cellphone ko kaya kinuha ko earphone at sinaksak sa cellphone ko. Kinabit ko sa tainga ko ang earphone bago sagutin ang tawag. "Yes, hello?" "s**t, Segi! Pumunta ka na ngayon rito sa tambayan. Narito sila Bruno at nanggugulo." sabi ni Paul. Napaisip naman ako habang nakatingin sa bus na sinakyan ni Magnolia. "Sige, papunta na ako." sabi ko kay Paul at iniliko na ang sasakyan ko sa ibang daan. Sana ayos lang siya.. - ❤ Magnolia ❤ UMIIYAK AKO HABANG humahangos na hinanap ang emergency room. Halos manginig ako sa balitang na naaksidente sila Inay at Itay papunta sa apartment ni Ate. Nang makita ko ang Emergency room ay agad akong lumapit sa nurse na lumabas doon. "Nurse, nasaan po sina Inay at Itay? At ayos lang po ba sila?" umiiyak kong tanong. "Ikaw siguro ang anak ng mga nabangga." aniya at nagpatuloy, "hindi ko pa alam ang resulta dahil under observation pa sila ni Doc. Maupo ka na lang muna at maghintay. Maiwan muna kita rito." sabi nito at umalis na. Napatingin ako sa mga upuan na meron nang mga nakaupo. Kaya tumayo na lang ako sa gilid habang nagdadasal. Pagkatapos ay naisip ko si Ate. Kinakabahan ako dahil hindi ko kayang mag-isa rito. "Ate, sila Inay at Itay.." umiiyak kong panimula ng sagutin niya ang tawag ko. "Huminahon ka, Magnolia. Anong nangyari kela Inay?" "Ate, naaksidente sila at bumangga sa isang truck. Ate, pumunta ka na sa hospital, please... Hindi ko ata kaya ito mag-isa." humahagulgol kong balita sa kanya. "Sige, sige. Papunta na si Ate." Binaba na ni Ate ang tawag kaya napahawak ako sa dibdib ko dahil iba ang kabog nito. Naupo ako sa sahig dahil parang nanlalambot ang mga tuhod ko sa kaba. Kahit na nursing ang kinuha ko ay hindi ko pala kayang malaman ang balita na ganito sa pamilya ko. Para akong hihimatayin. Inabot na ng isang oras at kalahati pero hindi pa rin lumalabas ang doctor. "Magnolia!" Napatingin ako sa kanang bahagi ng hallway ng marinig ko ang boses ni Ate. Napatayo ako ng makita siya kasama si Kuya Duke at ilan pa. Agad akong yumakap kay Ate habang umiiyak. "Sshh.. Tahan na. Magiging ayos din sila Inay." pagpapatahan sa akin ni Ate. Alam ko na kahit kalmado si Ate ay ramdam ko rin ang kaba niya base sa pagkagaralgal ng tinig niya. Ilang saglit palang kami na magkayakap ng bumukas na ang pinto ng emergency room kaya dali-dali akong bumitaw ng yakap kay Ate. Agad kaming lumapit ni Ate sa doctor na nag-alis ng face mask pagkalabas nito. "Doc, kumusta po ang magulang namin? Ayos na po ba sila? Maaari na ba namin silang makita?" sunod-sunod na tanong ni Ate. Napailing ang Doctor kaya kinabahan ako, "I'm very sorry to say this but they didn't survive." Parang gumuho ang mundo namin ni Ate sa binalita ng Doctor. "Hindi! Nagsisinungaling ka!" galit na sabi ni Ate sa doctor at dali-daling pumasok sa emergency room. Sumunod ako habang umiiyak. Nakita namin ang katawan nila Inay na tinatakpan na nang kumot. "Bakit niyo tinatakpan ang katawan nila, ha?! Buhay pa sila!" galit na sabi ni Ate sa mga nurse at hinawi ang mga ito. Nagtungo ako sa gawi ni Itay at nanginginig ang kamay ko habang inaalis ang kumot na tinakip ng mga nurse kay Itay. Pikit ang mata, maputla, bakas pa ang sugat at dugo sa mukha ni Itay. Agad akong napayakap rito habang humahagulgol. Malamig at matigas na ang katawan ni Itay. Wala na siya. Wala na sila ni Inay. Paano na kami ni Ate? Bakit nila kami iniwan agad? - TULALA AKO HABANG narito sa room ni Ate. Nahimatay siya dahil sa pagkawala ng magulang namin pero ngayon ay wala siya at hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Sinundan siya ni Kuya Duke kaya naiwan ako rito kasama ng tauhan ni Kuya Duke. Iniisip ko, paano na kami ni Ate? Hindi ko o namin matanggap na wala na sila Inay. Ang pagsusumikap ko na makapagtapos ng pag-aaral ay hindi ko na mapapakita at maipagmamalaki sa kanila kung wala na sila. - ❤ Seige ❤ "BRUNO, MASYADO MO atang pinapainit ang ulo ko, ah? Binalaan na kita, 'di ba?" seryoso kong sabi kay Bruno na isang leader ng mga bully rito sa maynila. Kilala ko sila dahil napadpad na sila sa bf island at napatalsik lang doon ng kami na ang nakaharap nila. Nang makahanap kami nila Paul ng tatambayan habang narito kami sa maynila ay saktong nakakita kami at ito na nga iyon. Isang playground na may matabang puno at sa gilid nito ay may matataas na halaman na tumatakip sa isang lugar na walang nakakaalam. Pero tila ang mga ugok na ito ay nakita ang tambayan na ginawa namin at balak agawin. "Sorry, Ford. Hindi ko lang nasabihan ang mga gunggong na ito." sabi ni Bruno at binatukan ang mga alagad niya. "Umalis na kayo rito at 'wag na 'wag na kayong aapak rito." sabi ko rito. Napatigil si Bruno sa pambabatok sa mga alagad niya at nabigla ako ng lumapit ito at biglang lumuhod sa harap ko bago ako hinawakan sa kanang binti ko. "Ano ba!" banas kong sita sa kanya at pilit inaalis ang pagkakapit nito sa binti ko. "Ford, 'wag mo kaming paalis. P'wede mo naman kami maging grupo. Wala na kaming tambayan. Pinalayas na kami ng tunay na naghaharian sa lugar namin." pagmamakaawa nito. Napangiwi ako dahil ang pangit niyang umiyak. "s**t! Bitawan mo ako kundi sasamain ka sa akin." Banta ko. "Pero--" Sinamaan ko siya ng tingin kaya napabitaw siya. Agad akong lumayo sa kanya at pinagpag ang paa ko. Kinikilabutan ako 'pag may ibang humahawak sa akin. Huminga ako ng malalim at inayos ang jacket ko. Humalukipkip ako at tumingin kay Bruno. "Papayagan ko kayong manatili sa tambayan namin pero ang maging grupo niyo ay hindi ako sang-ayon." sabi ko sa kanila. Agad na napatayo si Bruno at ambang lalapit sa akin ng pigilan ko siya sa noo niya gamit ang hintuturo ko. "Hep! 'Wag kang lalapit." pigil ko kaya agad siyang lumayo ng kaunti. "Okay. . .," huminga ako ng malalim at tumingin kela Paul. "dahil ginulo niyo ang tambayan namin gusto kong linisin niyo 'yan." utos ko kela Bruno. "Masusunod, Ford. Loy, Betong, umpisahan niyo nang ayusin ang ginulo niyo." utos nito sa dalawang kasama niya na napapakamot ng ulo bago sinunod si Bruno. "Ford, kung kailangan mo ng backup ay handa kaming tumulong. Bayad namin ito sa pagpapatira mo sa amin." baling nito sa akin. "No need.. I don't need your help." "'Wag kang pasiguro, Ford. Lahat ng tao ay kailangan ng tulong." "Tss." asik ko dahil napakayabang talaga nitong Bruno na ito. Hindi ko tuloy alam kung tama bang ipagamit sa kanila ang tambayan namin. Napakapa ako sa bulsa ko ng mag-ring ang cellphone ko. Tinignan ko sino ang tumatawag. Si Mommy! Agad kong sinagot dahil tiyak na sermon ang aabutin ko oras na magtagal ako sa pagsagot ng tawag niya. "Hello, Mommy?" malambing kong bungad. "Nasaan ka bang bata ka? Sabi ng lola mo ay wala ka pa raw sa bahay." "May pinuntahan lang ako saglit, Mommy. Pauwi na rin po ako. Bakit niyo nga po pala natanong?" "Umuwi ka na at doon ko muna iniwan kela Mama si Benjamin at Bettina." sabi nito. Napakunot-noo ako sa pagkalito, "Bakit niyo iniwan doon sila Benj?" tanong ko. Dinig ko ang mabigat na pagbuntong-hininga niya, "May mabigat kasi na dinadala ngayon sila Nestle. At dahil malapit din sa atin ang pamilya nila ay tutulong kami ng Daddy mo at Kuya mo kela Nestle ngayon." "Ho? Hindi ko maintindihan, Mommy." Bigla akong kinabahan sa lungkot ng tono ng boses ni Mom. Bigla kong naalala si Magnolia. "Wala na kasi ang magulang ni Nestle at Magnolia. Kaya nga makikiramay kami at habang busy kami sa pagtulong ay bahala ka na muna na bantayan ang mga kapatid mo, okay?" sabi nito na kinagulat ko. Patay na ang magulang nila Magnolia? Bigla kong naalala si Magnolia na umiiyak habang nagmamadali sa pagsakay sa jeep. Shit! Dapat pala sinundan ko na siya kanina, kesa harapin ang walang kwenta na si Bruno. "Segi! Saan ka pupunta?!" tawag ni Paul at Lawrence sa akin. "Kayo na ang bahala d'yan, may pupunta lang ako." sabi ko sa kanila habang nagmamadaling lumapit sa kotse ko. Agad kong pinaharurot paalis ang sasakyan at tinawagan kong muli si Mommy para tanungin kung nasaan sila. "Narito kami sa hospital. Bakit mo tinatanong?" "Si... Magnolia po ba nand'yan din?" alanganin kong tanong. "Ah, si magnolia.. Umuwi na siya kasama ng tauhan ng Daddy mo. Aayusin raw niya ang bahay nila para sa burol ng kanilang magulang." "Gano'n po ba. . . Sige po." "Hep!" pigil niya sa akin ng akmang ibababa ko na ang tawag. "umuwi ka na, Seige. Oras na malaman kong hindi mo binantayan ang mga kapatid mo, yari ka sa akin." babala nito. "But, Mommy--" bago pa ako makaprotesta ay binaba na ni Mommy ang tawag. "Naman! Ang laki-laki na ng mga iyon, bakit sa akin pa pinapabantayan?" Napahinga ako ng malalim at agad na pinaharurot ang sasakyan patungo sa bahay nila Lola Helen. Bumusina ako pagdating ko sa harap ng gate. Agad naman akong pinagbuksan ng guard nila Lola. Pagbaba ko ay patakbo akong pumasok sa loob ng bahay nila Lola. Napatingin agad ako sa sala dahil narinig ko agad ang boses ni Brat. "Oh, apo! Mabuti at umuwi ka na." sabi ni Lola ng mapansin ako. Pababa kasi siya ng hagdan ng pumasok ako. "La, aalis lang po muna kami nila Bettina." paalam ko at nagmano rito bago lumapit kay Benj. "Huh? Saan naman kayo pupunta? Pinagbilin kayo ng Mommy mo sa akin." "Saglit lang po kami, La." tugon ko at sinenyasan ko si Brat. Binuhat ko si Benj. Napabuntong-hininga ako dahil ang bigat na nito. "Saan ba tayo pupunta, Sangko? Nagpaalam ka ba kela Mommy, ha?" sunod-sunod na tanong ni Bettina habang nakasunod sa akin patungo sa kotse ko. Binuksan ko ang pinto ng Backseat. "Get in. Sa byahe ko na lang ipapaliwanag sa 'yo at nagmamadali ako." sabi ko rito at inupo si Benj doon. Umikot agad ako sa driver seat at sumakay. Binuhay ko ang makina at tumingin sa dalawa. "Aray, Benj! 'Wag mong sabunutan ang buhok ko! Ang tagal-tagal kong inayos 'yan, e." inis na suway ni Bettina kay Benj. Napailing ako at pinaandar na ang sasakyan paalis sa bahay nila Lola. Napapatapik ako ng daliri ko sa manibela dahil sa pagkainip. Ang traffic kasi sa kalyeng nadaanan namin. Nang umusad na ay agad kong binilisan na. Nakita ko na ang kanto nila Magnolia kaya niliko ko na ang sasakyan. May naglalakad na Ale kaya hininto ko saglit ang sasakyan at binaba ang salamin ng bintana. "Excuse me, Ale. Magtatanong lang sana ho ako kung saan po ang bahay nila Magnolia?" pagtatanong ko. "Kela magnolia ba?" tumango ako, "doon sa may gate na kahoy at may punong mangga na malaki." turo nito na agad kong nakuha kaya napangiti ako at nagpasalamat bago pinaandar ang sasakyan papunta doon. "Anong gagawin natin sa bahay nila Ate Nestle? At bakit mo kilala si Magnolia?" tanong muli ni Bettina. "Wala. Kailangan lang natin makiramay." sabi ko at tumingin sa bahay nila Magnolia pagkahinto ko ng sasakyan, "dito muna kayo." bilin ko sa dalawa at 'tsaka ako bumaba ng sasakyan. Lalapit na sana ako sa gate na kahoy ng lumabas bigla si Magnolia. Mugto ang mata niya habang may nilalabas na isang sakong basura at nilagay sa isang gilid. Pumasok na siya kaya agad kong binuksan ang gate na kahoy at pumasok. Lumakad ako palapit sa mismong pinto ng bahay nila. Hindi kalakihan ang bahay nila pero up and down ang style. Napatingin ako kay Magnolia na yumuyugyog ang balikat habang nakatingin sa isang larawan. Dahan-dahan akong pumasok na hindi lumilikha ng ingay. Pagkalapit ko sa likod niya ay inangat ko ang kamay ko upang kalabitin siya pero hindi ko alam kung bakit tila nagdadalawang-isip pa ako. Nagulat ako ng bigla siyang humarap. At maging siya ay nagulat ng makita ako. Pero agad ko siyang niyakap at hinaplos ang ulo. "Gawin mo akong pamunas at sandalan mo, ayos lang sa akin." bulong ko sa kanya.. Tinutulak-tulak niya ako pero hindi ko siya binitawan at mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya. Pumikit ako habang pinapakiramdaman ang t***k ng puso ko na lalong lumalakas dahil yakap ko ang babaeng ito. Bakit ganito? Anong nararamdaman ko? Bakit nararamdaman ko ito sa babaeng ito? "Anong ginagawa mo rito?" Napabalik ako sa sarili ko ng marinig ko ang mahinahon at mahinang tinig ni Magnolia. "Huh?" takang tanong ko at napatingin ako sa mga kamay ko na nakapormang yakap. Agad kong binaba ang kamay ko dahil sa kahihiyan. Napatalikod ako at pinalo ang noo ko dahil nahihibang na naman ako. s**t! Bakit ba ako parating ganito? Argh! What happen to you, Seige?! Umayos ako ng tayo at inayos ko muna ang buhok ko bago siya hinarap. "Nabalitaan ko ang nangyari sa mga magulang mo kaya narito ako para tulungan ka." sabi ko. "Huh? Pero nakakahiya.. 'Wag na. Kaya ko naman ito." tanggi niya. "Ano ba ang lilinisin rito? Aalisin ba ang t.v at divider?" sabi ko na hindi pinansin ang pagtanggi niya. Lumapit ako sa t.v nila na tila bagong bili pa. Naramdaman ko na humawak siya sa braso ko na kinalakas na naman ng t***k ng puso ko. "Nakakahiya talaga. Kaya ko naman, e. Ako na d'yan." nahihiya niyang sabi. Binaba ko muna ang t.v na binuhat ko. Hinarap ko siya na may malaking ngiti sa labi. Syempre ngiti ko palang ay hulog na hulog na ang mga babae at walang makakatanggi sa ngiting ito. "Minamaliit mo ba ang katawan ko, ha? Baka gusto mong makita kung gaano ka-build ang katawan ko? At sinasabi ko sa 'yo na kaya kong buhatin kahit ang divider niyo." sabi ko habang hinuhubad ang suot kong jacket. "Teka.. Wala naman akong sinabi. Nakakahiya naman na ipapabuhat ko pa sa 'yo ang mga gamit--" "Shh.." pigil ng daliri ko sa bibig niya para hindi na siya mag-salita. Kinuha ko ang kamay niya at pinahawakan sa kanya ang jacket ko, "don't worry, hihingi ako ng kapalit pagkatapos nito." nakangiti kong sabi na alam kong mabibighani siya sa ngiti ko. Binuhat ko muli ang t.v. at tinanong siya kung saan ko ilalagay. Sinabi naman niya na sa kwarto daw nila. Pagkatapos kong ilagay ang t.v sa kwarto nila ay napatingin ako sa loob ng kwarto. Nakita ko ang nakadikit na larawan niya kasama si Ate Nestle. Meron rin siyang picture kasama ang magulang niya. Napatingin ako sa larawan niya na nakangiti habang tinatangay ng hangin ang mahaba at itim na itim niyang buhok. May hinihipan siyang cake ng kunan ang larawang iyon. Ang ganda niya kahit sa litrato. Kinuha ko ang larawan niya na nakasabit sa pader. "'Wag 'yan!" nabigla ako ng may biglang sumigaw. Napatingin ako kay Magnolia na namumula ang pisngi at dali-daling lumapit sa akin. Aagawin niya sana ang litrato niya ng itaas ko ito. At dahil mataas ako kumpara sa kanya ay tinalon niya iyon pero hindi pa rin niya abot. "Patingin lang.." nakangiti kong sabi. "Teka lang.. Ibigay mo muna sa akin 'yan." kinakabahan niyang sabi at pilit na inaabot ang litrato niya na naka-frame. Iniwasan ko ang kamay niya at lumayo sa kanya para tumigil siya. Pero tila determinado siya at bakas ng kaba sa mukha niya. Tinignan ko ang larawan niya at hindi sinasadya ng mapatingin ako sa likod ng frame. May papel doon na nakaipit. Kukunin ko sana ng maabot niya ang larawan niya at dahil napalakas ang pagdamba niya ay muntik na siyang madulas kaya agad ko siyang hinawakan sa baywang at sinalo. Nagkatinginan kami habang naka-bend ang katawan niya at nakatunghay ako sa kanya habang nakaalalay ang mga kamay ko sa likod niya. Mas lalo siyang namula sa kadahilanan ng pwesto namin. Napaiwas siya ng tingin kaya malaya kong natitigan ang labi niya. Mas hinapit ko siya kaya napatingin siya sa akin. Agad kong binaba ang mukha ko para mahalikan siya. "Ahem!" Agad na tumayo si Magnolia at tinulak ako kaya napabitaw ako sa baywang niya. Napapahawi siya ng buhok at tumalikod sa akin. "Kaya naman pala. Kinalimutan tayo ng magaling nating kapatid dahil meron pala siyang binibiktima na magandang dilag." pagpaparinig ni Bettina na siyang umepal sa moment namin ni Magnolia. Tumingin ako kay Brat na hawak sa kamay si Benj. Bumelat si Brat sa akin na kinatagis ng panga ko sa inis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD