CHAPTER 3

2737 Words
❤ Seige ❤ MALALIM AKONG NAPABUGA ng hangin habang walang gana na nakatingin sa labas ng classroom. Halos dalawang linggo na ang nakakalipas at nailibing na rin ang magulang ni Magnolia pero hindi pa rin siya pumapasok. At naiintindihan ko naman iyon, pero paano ako? Hindi ba niya alam na 'pag hindi niya ako makikita ay mamalasin siya? Ang palagpasin ang kagwapuhan ko ng isang araw ay isang nakakahinayang na pagkakataon. Ang dalawang linggo pa kaya? Hindi ba niya alam na bagot na bagot na ako dahil boring pala 'pag wala siya. Ang mundo ko ay hindi makulay dahil wala akong nakikitang Magnolia na lumiliwanag tuwing nand'yan siya. "Mr. Ford.." Aist! Ngayong araw na lang ako mananatili sa school nila. Hindi ko na siya makikita lalo na kapag naka-graduate na ako at kumuha ng board exam. "Ma'am, ako na ang bahala na tawagin si Segi." Mas lalong hindi ko na siya makikita kapag busy na ako. "Si Magnolia!" Napatayo ako at parang tanga na napatingin sa labas. "Hahahaha!!" Napuno ng halakhak ang buong room dahil sa pagtawa ng mga kaklase ko dahil sa naging reaksyon ko. Tumingin ako kay Paul na pigil na pigil ang tawa kaya kinutongan ko siya. "Mr. Ford, I've been calling you many times but your mind seems to be occupied. Can I know why?" Napangisi ako, "Ma'am, break time na." sabi ko. "What?" taka niyang tanong. Tumunog ang bell na lalo kong kinangisi. Tumingin si Mrs. Dimaculangan sa wrist watch niya. "but I still have 5 minutes before the end of class." ani ni Mrs. Dimaculangan. "Well, baka Ma'am sira na ang orasan ng relo niyo." sabi ko habang sinusukbit ang bag ko sa isang balikat ko. "goodbye, Ma'am." paalam ko at hinawakan ko si Paul at Lawrence sa mga balikat nila para dalhin sa labas. Pagdating namin sa labas, doon sa mismong walang tao, doon ko sila pinagbabatukan. "Kayong dalawa. Bakit niyo ko pinagtripan sa loob ng classroom, ha?!" "Segi, si Paul lang 'yon. Hindi ako nagsalita." Si Lawrence. Kaya tumingin ako kay Paul na nag-piece sign. "Ang ayoko sa lahat 'yung binibiro ako, lalo na kung hindi timplado ang mood ko." sabi ko sa mga ito. "Segi, si Magnolia. . ." Si Paul habang may tinuturo sa likod ko. "Ako ba pinag-t-tripan mo talaga, ha?" banas kong sabi rito at handa ko na sanang kotongan ng pagpilitan pa niya. "Totoo nga, Segi. 'Ayun siya." Si Lawrence naman. Kaya naman lumingon nga ako at doon nakita ko si Magnolia na naglalakad palabas kasama ang isang lalake. Nagkatinginan kami nila Paul at agad-agad na sinundan ang mga iyon. "Saan kaya sila pupunta? Sino kaya 'yung lalake?" Si Lawrence na tanong ng tanong habang ako ay focus lang ang mga mata sa kalsada habang nasa tabi ko si Paul. May sasakyan ang lalake pero mas gwapo pa rin ang sasakyan ko. Tapos kulang pa ang lalake ng sampung paligo bago niya malamangan ang kagwapuhan ko. Lumiko ang sasakyan nito at ang kinagulat ko ay sa isang motel sila pumasok. "Bakit sila pumasok doon?" si Paul. Napahigpit ang kapit ko sa manibela habang nakahinto kami sa labas ng motel. "Baka naman may pinuntahan lang sila na nag-check in d'yan. At hindi naman tiyak na magagawa ng tulad ni Magnolia ang alam niyo na." si Lawrence. Galit na pinaandar ko na ang sasakyan ko paalis sa motel na iyon. "Segi, tignan muna natin. Baka nagkakamali lang tayo." Pigil ni Paul. "Ano pa ang titignan natin doon? Pakialam ko ba kung sumama siya sa lalakeng iyon. At siguro nagkamali lang ako ng pagkakakilala sa kanya. Hindi naman pala mahinhin. Tss. Nasa loob ang kulo." irita kong sabi at binilisan ang pagmamaneho. Mabuti pala babalik na ako ngayon sa isla at hindi ko na siya makikita. Ayoko nang makita siya! - ❤ Magnolia ❤ DALAWANG LINGGO NA ang nakalipas mula ng mawala sila Inay. Hindi pa rin ako nakaka-move on. Ang lungkot na ng bahay at lalo lang kaming nasasaktan ni Ate tuwing mahihibang kami na akala namin ay tinatawag nila kami. Parang ume-echo pa rin sa pandinig namin ang boses nila. Ang masayang boses nila. Hindi ako um-attend muna sa school dahil hindi naman ako makakapag-focus. Pero ngayong araw na kinahapunan ay pumunta ako sa school para magpaalam sa mga professors ko. Sabi ni Ate ay lilipat daw kami. Sila na raw ang mag-aayos ng paglilipatan kong school. "Magnolia!" napalingon ako ng may tumawag sa akin---si Kuya Nestor, ang asawa ng kapitbahay namin na kahit nasa edad na trenta ay nag-aaral sa Emerald sa kursong I.T. "Bakit, Kuya?" tanong ko. "Maaari mo ba akong tulungan? Manganganak na kasi ang misis ko." sabi nito. "Ho? Saan po si Ate Jane? Dapat madala na agad siya sa hospital." "Magnolia, wala kaming pera pang bayad sa hospital. Kaya lumalapit ako sa 'yo para ikaw na lang ang magpaanak sa Misis ko, please.." pakiusap nito. Batid ko ang pagsusumamo niya. "Hindi maaari na ako, Kuya Nestor, dahil nag-aaral palang ako. Pero kung dadalhin natin sila sa hospital ay makakabuti kay Ate Jane. May philhealth ba kayo?" "Oo, meron." "Gano'n naman po pala. Makakabawas iyon sa babayaran niyo sa hospital. At lalo na kung normal manganak si Ate jane at hindi cesarean section." nakangiti kong sabi. "So, paano? Tara na, Kuya? Doon pa rin ba kayo sa motel naninirahan?" pagtatanong ko. Ang alam ko Tatay ni Kuya Nestor ang may-ari nung motel kaya hindi na sila nagbabayad. "Oo, doon pa rin. Wala naman kasi kaming pera na pampagawa ng bahay. Kaya nga nagsusumikap ako na mag-aral at magtrabaho na rin para 'pag naka-graduate na ako ay makakabili na ako ng sarili naming bahay." sabi niya habang binubuhay na ang makina ng owner niya. "Hayaan niyo. Dahil sa kasipagan at pagmamahal niyo kay Ate Jane ay tiyak na gagantipalaan kayo ni God. Walang imposible sa kanya. Basta ba naging mabuti kang nilalang na kanyang nilikha." payo ko. "Sana nga at magdilang anghel ka, Magnolia." - PAGDATING SA MOTEL room nila Kuya Nestor ay dinig ko na agad ang pagsigaw ni Ate Jane sa tonong nasasaktan. Pinahinga ko siya ng malalim at tinignan ko kung pumutok na ang panubigan niya. Iyon kasi ang turo sa amin. Kapag pumutok na ang panubigan ay delikado na dahil palabas na ang bata. Nang makita ko na hindi pa naman ay pinabuhat ko na kay Kuya Nestor si Ate Jane palabas ng motel room nila para dalhin na sa hospital. Mabuti na lamang at merong malapit na hospital kaya madali naming naidala si Ate Jane na sakto naman ay pumutok na ang panubigan niya. Nasa labas na kami ng emergency room habang hinihintay na matapos manganak si Ate Jane. Si Kuya Nestor ay hindi mapakali at paroon at parito siya kung maglakad. Nang bumukas ang pinto ay napatayo ako. Habang si Kuya Nestor ay agad na lumapit sa doctor. "Ayos na ba ang mag-ina ko, Doc? Successful ba ang panganganak ng misis ko?" "Oo, Mister. Maaari na kayong pumasok." sabi ng Doctor at tinapik ang balikat ni Kuya Nestor. "Tara, Magnolia." aya ni Kuya. Saktong nag-ring ang cellphone ko kaya pinauna ko na si Kuya Nestor na pumasok. Si Ate Nestle ang tumatawag. "Magnolia, nasaan ka na? Narito na sila Duke para sunduin tayo." sabi ni Ate. "Oo, pauwi na ako, Ate. Wait lang." sabi ko at binaba na ang tawag. Pumasok ako sa loob para makapagpaalam kela Ate Jane at Kuya Nestor. Nakita ko na masaya silang nakatingin sa baby nila. Napalingon si Kuya Nestor ng mapansin ako. "Kuya, Ate, magpapaalam na ako. Hinahanap na ako ni Ate." sabi ko at tumingin sa baby nila. "Wow! Ang cute niya. Babae pala ang baby niyo." "Oo, babae nga ang una namin." sabi ni Ate Jane. "Pero salamat, Magnolia. Kung hindi mo kami tinulungan ay baka sa bahay pa ako manganak ng dis oras. Ito kasing si Nestor ang duwag. Takot daw siya at baka mahimatay 'pag nakakita ng dugo." natatawang pagpapatuloy ni Ate Jane. Napangiti naman ako, "Walang anuman iyon, Ate Jane." ani ko. "Sige, mauna na ako. Baka magalit pa si Ate ko 'pag nagtagal pa ako." paalam ko na. Tumango sila at ngumiti sa akin. Lumabas na ako ng room nila na masaya. Masaya ako dahil nagsasama ng mabuti sina Ate Jane at Kuya Nestor. At alam ko na magiging mabuti silang magulang sa baby nila. Pagdating sa bahay ay meron ng mamahaling sasakyan na nakaparada sa harap ng bahay namin. Naroon na rin si Ate sa labas at tila naiinip. "Ang tagal mo naman. Saan ka ba nagsusuot?" sermon niya kaya ngumiti ako. "Nanganak kasi si Ate Jane, Ate. Tinulungan ko lang." Tugon ko at tumingin kay Kuya Duke. "Hi, kuya." bati ko na kinatango niya. "Gano'n ba. . . Oh, heto ang gamit mo. Tara na at baka gabihin pa tayo lalo." aya na ni Ate. "Ate, saan ba tayo titira?" tanong ko habang sakay na kami ng kotse. Si Kuya Duke ang driver habang nasa front seat si Ate at ako ay nasa backseat. "Sa amin, Magnolia." si Kuya Duke ang sumagot. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Sa kanila? Edi ibig sabihin ay makakasama namin ang pamilya nila? "Sa inyo? Hindi ba nakakahiya iyon? Ate, maghanap na lang tayo ng iba." "Sinabi ko nga kela Miss ganda, kaso si Miss ganda na mismo ang may sabi na doon na daw tayo. Tapos si Duke ay ginatungan pa." tugon ni Ate. Kinabahan ako bigla dahil hindi ko alam kung paano makikisalamuha sa mga Ford. Kahit naman nakita ko sila sa burol nila Inay, iba pa rin 'yung sa iisang bubong kami titira. - ❤ Seige ?❤ I'M HERE AT my room. Miserable and flirting with other girls in the Social Media. But no one got my attention. Inis na ginulo ko ang buhok ko na never ko pang ginawa dahil isa ito sa nagpapagwapo sa akin. Nakasuot lang ako ng boxer short ngayon dahil pakiramdam ko ang init-init ng panahon. "Seige, bumaba ka na at meron tayong bisita! Kakain na rin!" sigaw ni Mommy mula sa labas ng pinto ko. "Later, Mommy!" tugon ko. "Bumaba ka agad! Baka may kababalaghan ka pang ginagawa d'yan, ha!" Napailing ako dahil iba rin itong si Mommy, ang lawak ng imagination. Kinuha ko ang wallet ko at sa pagbukas ko ay larawan ni Magnolia ang bumungad. Kinupit ko lang ito sa bahay nila nung tulungan ko siyang linisin ang bahay nila. "You wasted the opportunity to get me. Hindi ka na makakahanap ng katulad ko, akala mo, ah. Kaya simula ngayon ay hindi na kita gusto." sabi ko habang parang tanga na kinakausap ang isang litrato. Napailing ako at hinagis na lang kung saan ang wallet ko bago ako patalon na bumaba ng kama. Lumabas ako ng kwarto ko na shirtless at boxer short lang ang suot. Pababa na ako ng hagdan ng makarinig ako ang mga boses. At kay Mommy ang nangingibabaw. Nang makababa ako ay bumungad sa akin ang buong pamilya ko at merong dalawang babae na nakatalikod sa gawi ko. "Tila may malaking salo-salo, ah?" bungad ko at lumakad palapit sa mga ito. Napatingin sa akin ang lahat maging ang dalawang babae. Nang mapatingin ako sa mga mukha ng mga ito ay para akong natuod at umakyat ata lahat ng dugo ko sa ulo ng masilayan ko si Magnolia. "Anak, hindi ka man lang nagsuot ng damit pang itaas bago ka bumaba rito. Nakakahiya sa mga bisita natin." sermon sa akin ni Mommy. Kaya naman ay dali-dali akong bumalik sa taas. Napangiwi pa ako ng matisod ako sa hagdan dahil sa pagmamadali ko. Shit! Bakit siya narito? Pagpasok ko sa loob ng kwarto ko ay agad ako kumuha ng towel at pumasok ng banyo. Nag-shower agad ako pagkatapos ay nag-toothbrush, nagpabango. Lumabas ako ng banyo at pumili ng maayos na damit. Nag-wax pa ako ng buhok. Suot ko ang gray gym pants ko at black v-neck shirt na sukat na sukat sa katawan ko. Maganda ang katawan ko. May apat na abs na konting gym pa ay achieve ko na ang six packs abs ni Kuya Duke pati ang perfect biceps and board shoulder niya. Kumindat ako sa harap ng salamin at lumabas na. Inamoy ko muna ang sarili ko bago tuluyan ng bumaba para saluhan sila. Wala na sila sa living room kaya sa dinning area na ako tumuloy. Dinig ko ang mga boses nila pati na rin ang pagkalansing ng mga kubyertos. Pagpasok ko ay agad na hinanap ng mga mata ko si Magnolia. Katabi siya ng Ate niya at swerte dahil may bakante pa sa tabi ni Magnolia. "Ano ba 'yan, Anak, ang lakas ng pabango mo. At naligo ka pa, kakain lang naman tayo." sita ni Mommy. "Oo nga, Mommy. Dati naman kahit naka-brief ay lumalabas siya ng kwarto. Ngayon tila nagpapagwapo. Bakit kaya?" pang-aasar ni Diko Deo. Sinamaan ko ng tingin ito dahil ibulgar ba naman na naka-brief lang ako minsan. Damn! Baka ano pa ang isipin ni Magnolia. Nakakainis talaga mga kapatid ko! Hindi ko na pinansin ito at tinungo ko ang upuan na bakante sa tabi niya. Malapit na ako ng biglang maupo si Benj doon. "Hey, bubwit! Doon ka sa tabi ni Mommy." banas kong sabi sa kanya at aalisin ko sana ito sa upuan ng biglang umiyak ito. "Dito ka na sa tabi ko, Seige baby. 'Wag mo nang patulan ang kapatid mo, matanda ka." saway sa akin ni Mommy.. "But Mommy--!" reklamo ko. Nagpabango pa naman ako tapos hindi ko man lang makakatabi si Magnolia. Tumingin ako kay Magnolia na tahimik lang at nakatingin sa plato niya. May naisip ako. Napangisi ako dahil sa bright idea na lumabas sa isip ko. Ayaw niya umalis sa upuan ko, ah. Binitbit ko ang upuan habang nakaupo si Benj. Gulat na gulat sila sa ginawa ko pero wala akong pakialam. Nilapag ko siya sa tabi ni Mommy at kinuha ko ang isang upuan. "Siraulo talaga. Patulan ba naman ang bata." natatawang komento ni Kuya Duke. "Bakit ba gustong-gusto mo d'yan, anak? Dati naman ay nagpapakalong ka pa sa akin habang sinusubuan kita." "Mommy!" banas kong suway sa kanya dahil napapahiya na ako. Lalo pa at humalakhak ang mga gunggong kong kapatid. "At kelan naman nangyari iyon? Wala akong maalala." tanggi ko at napatingin kay Magnolia na natawa rin. Bullshit! Balak ba ibunyag ni Mommy ang lihim ko? "Asus! Ako ba ay niloloko mo, Seige baby? Baka gusto mong ipakita ko pa sa ating bisita ang video." panunukso ni Mommy. "Bakit ka ba tumatawa?" sita ko kay Magnolia na natahimik. "Galit ako sa 'yo kaya 'wag kang tumawa." inis kong sabi sa kanya. "Wala na, nabaliw na." Si Diko Diesel. "Malala na kamo." Si Diko Deo. "Torpe kamo." si Kuya Duke. "Stop all of you. Seige, don't act like a child. May bisita tayo---hindi pala---may bagong kasama tayo sa bahay. Kaya mag-behave ka." suway sa amin ni Dad, lalo na sa akin. Pero ang kinapalakpak ata ng tenga ko ay ang huling sinabi ni Dad. "Anong sabi niyo po, Dad? S-sila sa atin na titira?" nauutal ko pang tanong. Naniniguro lang na hindi ako nagkakamali ng dinig. "Oo, dahil silang dalawa na lang ang naiwan nila Aling Nelia kaya naisip namin na dumito na sila sa bahay dahil maluwag naman ang bahay natin." sabi nito. Tumayo ako at umalis ng dinning area. Nagpunta ako sa kitchen at nagtatalon sa tuwa. "Yes! Yes! Yes! s**t!" sabi ko at napapasuntok pa ako sa hangin. Humawak ako sa dibdib ko na parang tumatalbog-talbog ata ito dahil sa sobrang saya. Iniisip ko palang na araw-araw ko na siyang makikita, p'wedeng makausap, at syempre may pagkakataon na baka gapangin ko pa. Lol. Akala ko buong araw akong beast mode pero tila gusto ko na ang araw na ito. Damn! Hindi mapaglagyan ang saya ko. Humarap ako para sana bumalik na sa hapagkainan ng makita ko si Bettina na bini-video-han ako. "Mom! May ginagawa na naman kabaliwan si Sangko! Na-video-han ko!" tawang-tawang sabi ni Bettina na hinayaan ko lang. Ganyan ako kagwapo kaya gustong-gusto nila na bini-video-han ako.. Hindi ako magagalit dahil nasa magandang mood ako ngayon. Napatingin ako sa laruan kong ipis na kinangisi ko. Kailangan ng warm welcome ni Magnolia. Exciting 'to. ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD