Story By MinieMendz
author-avatar

MinieMendz

ABOUTquote
I am not the best author in the world, but I can prove someday that I can be the one of the best. Filipina writer Please support my paid/signed stories. Please read my stories for more stories to come. If you are a new reader, this is what you should read first. Esteban Series: The Mafia Lord James Esteban The Cruel Mafia: Wrong Move The Crowned Mafia Boss: His Obsession The Greek Innocent Mistress Grace Jane Ford Series: Mafia Brother Owned Her (Dimitri and Beatrice) Duke Sean Ford Series 1 Drake Ashton Ford Series 2 Diesel Aaron Ford Series 3 Deorico Alesano Ford Series 4 Seige Ford Series 5 Samuel Ford Series 6 Bettina Serina Ford Series 7 Benjamin Apollo Ford Series 8 Short Stories: Until When Part 1 Until Forever Part 2 Possessive Stories: Violence of Love In Vega\'s Arms
bc
Boss Baby (ESTEBAN SERIES NEXT GEN)
Updated at Feb 17, 2022, 05:08
Nasa trenta anyos na si French Nicole Lacubtan, kaya nais na niyang magkaanak sa lalong madaling panahon. Sa kadahilan ay palagi na lang siyang tinutukso ng mga kaibigan niya na hindi na daw siya magkakaanak pa sa edad niya. Mawawala na ang edad niya sa kalendaryo, kaya naman ay nangangamba siya na hindi na nga magkaanak. Lalo't may lahi ang pamilya niya na mga tumatandang dalaga. Maswerte na lang ang ina niya dahil naihabol pa siya bago ito mag-fourty. Kaya naman ay nakumbinsi siya ng kaibigan na magpabuntis na lang. Wala naman kasi siyang boyfriend, dahil sino ba ang magkakagusto sa katulad niyang manang manamit, hindi kagandahan, at palagi pang subsob sa trabaho? Kaya naman, para magkaanak ay naghanap sila ng friend niya ng lalakeng may magandang lahi na p'wedeng bayaran para buntisin siya. Pero ang isang misyon ay naging disaster. Nabuntis nga siya, ngunit maling lalake naman. At lalo siyang nalagay sa alanganin dahil sa nagawa niyang pagkakamali ay naging bangungot sa kanya. Hindi niya akalain na ang ama ng pinagbubuntis niya ay siyang magiging amo pala niya.
like
bc
The Heartless Doctor's Love
Updated at Feb 14, 2022, 12:59
Pagiging Doctor ang pinili ni Hammer Jackson Esteban na kanyang propesyon. Isang surgeon at pinakamagaling na batang doctor. Ngunit isa rin siyang walang puso na hindi pinapansin ang damdamin ng ibang pasyenteng tinatanggihan niya kapag nais siyang kuning maging doctor. Hindi alintana ni Hammer ang tawag sa kanya ng ibang tao dahil gagawin niya lang ang nais niya kung kailan niya gusto. Pero makatanggi pa kaya siya kung ang babaeng dumadanas ng sakit ang manganib ang buhay. Makaya niya kayang gamutin ang puso ng babaeng puno ng lamig at dilim. Ang babaeng nais siyang saktan upang makamit ang ninanais. 'Love can manipulate people but not mine..' -Hammer. © MinieMendz
like
bc
THE MALE RULER WOMAN
Updated at Dec 19, 2021, 16:46
Hindi naman siya kagandahan pero bakit kaya siya pa ang pinag-aagawan? Pilit niyang umiiwas pero ang mahanging hatid na dala ng mga hari ay hindi niya maiwasan. Naiipit siya sa mga tinaguriang hari ng Esteban University. Takot siya lalo na sa King of Devil na si Greyson Martin Esteban, ang pinakamasamang nilalang na ata na nakilala niya. Kabaligtaran sa hinahanga niyang si Lincoln Porter Smith, ang hari na isang Angel, Mabait, at Gentleman para sa kanya. Hindi niya kailanman hiniling na mangyari sa kanya na magustuhan siya ng dalawang hari na tingin niya ay bangungot sa buhay niya. The Obsession of Greyson Martin Esteban. READ AT YOUR OWN RISK!!!!!
like
bc
IN VEGA'S ARMS
Updated at Oct 2, 2021, 05:04
Damon Vega is a businessman but also known as the possessive hot boyfriend of Venice Santillan.. Walang ibang nakakapagpahupa ng galit nito kundi si Venice lamang, na isa namang model at the same time ay designer. Matagal na silang nagsasama ngunit nang tumagal ay may napansin at nalaman si Venice kay Damon na kinasakit ng puso niya. She thought he love her the way she love him, pero mali pala. Dahil nalaman niya na kaya pala siya nito nagustuhan ay dahil kamukha siya ng dati nitong nagugustuhan. Pero paano kung mali pala siya? Paano kung talagang mahal siya nito at ibang klase lang ang lalim ng pagmamahal nito? Mas masasaktan ba siya kung malaman niyang baliw na baliw ito sa kanya, na tipong nasasakal na siya.
like
bc
ONE SIDED WIFE
Updated at Aug 4, 2021, 08:31
Lucian will accept her fate when she marries Sancho, even though she knows that he is her sister's boyfriend. She is already in love with Sancho. That she would rather hurt her sister than hurt her.. The two love each other when she intervenes. And she knew that what she had done would not be easy. But will Sancho love her in the end? Or will she be the only one to love in the end.
like
bc
The Cruel Mafia Boss: Wrong Move [ COMPLETED] Tagalog
Updated at Aug 1, 2021, 04:47
Maqi Ria Ivanes----isang dalaga at anak na pinagkaitan ng mundo. Lumaki siya nang walang nag-aalala at nagmamahal sa kanya. Nagkaroon siya ng nobyo ngunit puro pasakit lamang ang ibinibigay nito sa kanya. Nakatadhana nga yata na puro sakit na lamang ang mararamdaman niya. Dahil simula rin nang makilala niya ang isang lalaki na kumuha sa puri niya ay hindi na siya tinigilan nito. Minahal niya ang lalaki, ngunit ang lahat pala rito ay puro kasinungalingan lamang. Dahil lahat pala sa binata ay planado na. Planado na kung paano siya mapapaibig at kung paano siya magagamit laban sa kanyang ama. Ang hindi niya alam ay may malaki palang bahagi sa kanyang buhay ang lalaking ito. Gab S'ven Esteban---isang binata na nangungulila sa kanyang minamahal na kababata na si Maria. Buong akala niya ay patay na ito, kaya naman nang siya ay maging ganap na malakas at maging mafia boss ay nagplano siya na bigyan ng hustisya ang pagkamatay nito. Tandang-tanda pa niya ang pumatay sa kanyang Maria kaya nang makilala niya ang isa sa mga nakakaalam sa taong iyon ay nagplano siya na mapalapit sa dalagang si Maqi para paibigin at para mapalapit sa ama nitong tauhan ng hinahanap niyang taong pumatay kay Maria. Pero imbes na paibigin niya ito ay siya mismo ang nabihag nito. Ngunit nang malaman niya ang buong pagkatao nito ay pinaghalong saya ngunit pangamba ang kaniyang naramdaman na baka sa oras na malaman nito ang naging motibo niya ay baka iwanan siya nito. At sa pangalawang pagkakataon ay iniwan nga siya ni Maqi Ria Ivanes o mas tamang sabihin na . . . ni Maria Corazon Walter ang kababata niya na nariyan na pala sa tabi niya. Ang babaeng noong bata pa lamang siya ay minahal na niya ito.
like
bc
Violence of Love (COMPLETED) TAGALOG
Updated at Jul 14, 2021, 06:37
Prinsipyo sa kinalakihang batas ang tanging mas matimbang kay Dante Soriano. Wala siyang sinasanto basta lumabag sa batas. Nagkaroon siya ng proyekto kung saan merong isang drug lord na kanyang sinubaybayan. At nalaman niya na meron itong isang anak na babae, si Anna Francia Garcia, na lumaking isang mabait na anak, maganda at masipag sa pag-aaral. Walang araw na hindi ito tinutukso patungkol sa ama nito na isa daw drug lord. Hindi nito pinapaniwalaan ang mga akusa dahil alam nito na isang malaking company ng chlorine ang negosyo ng ama niya. Hanggang sa mag kakilala si Dante at Anna, at lalong lumalim ang pagtingin ni Dante sa dalaga na noo'y minamasdan lamang sa malayo. Imbes na ang drug lord ang subaybayan ni Dante ay hindi niya namalayan na si Anna na ang kanyang sinusubaybayan. Ngunit darating din sa punto na aabot sa kalituhan si Dante. Kalituhang magiging sanhi para ang prinsipyo niya na tuluyang mababali ng dahil lamang kay Anna. Mas matimbang kaya sa kanya ang batas na prinsipyo na niya sa buhay o ang pag-ibig niya kay Anna?
like
bc
BENJAMIN APOLLO FORD SERIES #8
Updated at Jul 10, 2021, 08:18
Lahat ng himpapawid ay kanyang liliparin. Maging ang malalim na dagat ay kanya ring lalanguyin. Pati ang pagpapansin ay kanya na ring gagawin, makuha lamang ang pagtingin ng kanyang iniibig. Ang madikit pa sa pandikit na si Nyebe ay patay na patay sa pinakabunso ng mga Ford na si Benjamin Apollo Ford. Siya na ata ang malinaw pa sa radyo kung wagas makapag-broadcast ng feelings niya sa buong mundo . Kahit na hindi siya pinapansin ng supladong si Benjamin ay todo pa rin siya sa paghahabol rito. Pero siguro kahit ano mang bagay sa mundo ay nasisira din, gaya lang din ng puso niya. Nawasak ang puso niyang patay na patay kay Benjamin ng mismo nitong nilibing ang puso niya sa mga salita nito na nagbigay ng malaking impact sa kanya. Naging sirena siya na naging bula at bigla na lang naglaho. Katulad rin ng pangalan niya na isang nyebe na natunaw at lumipas. At sa taong lumipas ay muling nagkita ang landas nila ni Benjamin, na sa pagkakataong iyon ay hinahanap pala siya ng binata. Pero sa pagkakataon na ring iyon ay hindi na niya kilala pa si Benj. Ang prince charming niya na ngayo'y naghahabol sa kanya.
like
bc
SAMUEL FORD SERIES #6 [COMPLETED]
Updated at Jun 13, 2021, 06:47
Kilala si Samuel Ford bilang isang maginoo, masunurin, tahimik, suplado, at matalino. Buong buhay niya ay puro papuri ang natatanggap niya galing sa ibang tao. Hindi siya santo, may lihim rin siya na bawal sa mata ng kanyang pamilya, at nang ibang tao.. Na kailanman ay hindi matatanggap maging ng diyos.. "I Like Her. I Love Her. But I can't fall for her." -Samuel. Dugo sa dugo. Ngunit ang pagtibok ng kanyang puso ay walang kinikilalang dugo.
like
bc
DIESEL AARON FORD SERIES 3 [COMPLETED]
Updated at May 27, 2021, 08:38
Bata palang ay ibig nang makalaya ni Akina Kobayashi sa palasyong tila naging hawla niya. Hindi man niya nais na iwanan at takasan ang mga magulang niya ay wala siyang pagpipilian kundi ang tumakas para sa kanyang kalayaan. Sa tulong ng kaibigan na si Shin ay nakaalis siya ng japan at sa pilipinas siya napadpad. Kailangan niyang magtago, at para hindi siya mahanap ng Daddy niya ay nagpalit siya ng profile---Sa katauhan ng isang Jhaycee Akina Flores---na simpleng babae, mahirap sa buhay, at boyish um-awra. Sa pagpunta niya sa pilipinas ay hinanap niya ang taong kilala niya na lubos na makakatulong sa kanya, ang tinatawag niyang Auntie Isabelle. Tinulungan siya nito at pinatira sa bahay nito. Ito rin ang tumulong sa kanya upang ibahin ang imahe niya. At dahil sa amo nitong si Beatrice Ford ay nakapasok siya sa eskwelahan ng BF Island, kung saan makikilala niya ang pangatlo sa mga ford na si Diesel Aaron Ford, na isa sa tinaguriang campus crush, leader ng Bangtan boys, at isang singer at dancer. Ngunit sobrang mainitin ang ulo, makulit, at kapag gusto niya ay iyon dapat ang masunod. Si Jhaycee ang isa sa nakaranas ng pambu-bully mula kay Diesel. Pero balewala lamang kay Jhaycee ang napakaisip-bata na pambu-bully ng binata. Ngunit dahil sa pambu-bully ni Diesel sa dalaga ay hindi niya aakalain na mahuhulog ang loob niya para rito. Lahat sa paligid ni Diesel ay nagiging rosas kapag naiisip ang dalaga. Hindi pa niya maamin nung una, pero kalaunan ay nalaman na ng binata na umiibig na pala siya sa dalaga.
like
bc
SEIGE FORD SERIES 5 [COMPLETED]
Updated at May 12, 2021, 08:57
Sa walong magkakapatid na Ford ay si Seige ang pinakamahilig mangtrip. Grade school palang ay palagi siyang laman ng guidance office. Si Seige ang sakit sa ulo ng mag-asawang Dimitri at Beatrice. Nang mag-highschool at kolehiyo siya ay isa siya sa binansagang Campus Crush ng West Cassex University, kung saan nag-aaral rin ang mga kapatid niya. Hindi na niya kailangan pang lumapit sa mga babae dahil ang mga babae na mismo ang kusang lumalapit sa kanya. Pero isang araw, sa isang visit school activity ng school nila sa ibang school sa maynila. Graduating na si Seige sa college bilang law student kaya kailangan niya rin makita at may iba pang malaman sa ibang professor sa ibang school para mas matutunan ang mundo ng batas. Napadpad si Seige sa pinakagarden kung saan tahimik at payapa, pero may nakita siyang babae na nakaupo habang natutulog sa isang table. Balak niya sanang pagtripan ngunit natigilan siya na makita ang malaanghel nitong mukha. Balak sana niyang nakawan na lang ito ng halik ng tawagin siya ng mga kaibigan niya. Napurnada pa ang binabalak niya at tila siya asong nabahag ang buntot na napatakbo ng magising ito bigla. Magawa pa kaya niyang mapakapag biro sa babaeng hindi kayang lumaban sa kanya at hulog ng langit ang kabaitan. At kung kelan siya nag seryoso ay doon pa siya tila napag tripan ng pagkakataon. Dahil sa paningin ng babaeng nagugustuhan niya ay isang biro lang ang lahat ang feelings niya.
like
bc
DEORICO ALESANO FORD SERIES 4 (COMPLETED) TAGALOG
Updated at Mar 11, 2021, 03:20
Ang binansagan na playboy sa pamilyang Ford ay walang iba kundi si Deorico Alesano Ford. Ang pang-apat na anak at pangatlo sa triplets.. Umibig ang binata ngunit nasaktan ng mamatay ang kanyang unang pag-ibig dahil sa isang aksidente. Sa sobrang sakit ng pagkawala ng kanyang kasintahan ay minabuti niyang hanapin ang taong may sala. Nakilala niya ang isang dalaga na kanyang magiging kapitbahay. Puno ng galit agad ang kanyang naramdaman na makita ito. Pero hindi niya akalain na ang babaeng paghihigantihan niya ay isa pa lang bulag. Ngunit namuo pa rin sa isip niya na dapat na paghigantihan niya ito. Gagamitin niya ang appeal niya upang makuha ito. Ngunit tila pinaglalaruan lamang siya ng mga taong nasa paligid niya. Dahil ang akala niyang patay na dating kasintahan ay buhay pa pala. Bigla na lang itong lumitaw sa kanyang harapan. Ngunit ang dati niyang nararamdaman rito ay bigla na lang naglaho. Para sa iba na ang tinitibok ng puso niya. Para sa babaeng dapat ay pinaghihigantihan niya. Hindi niya maintindihan ang sarili. Nalaman na lang niya na sobra na pala siyang nahuhulog sa dalagang si Lara Evangelista.
like
bc
Drake Ashton FORD SERIES 2 [Completed]
Updated at Aug 15, 2020, 03:34
Drake Ashton ay isang nerd pero heartrob sa Campus---snob, smart, tall, dark and handsome ang bansag sa kanya. Pero nang siya ay umibig at masaktan ay nagbago siya. Ginawa niya ang lahat para gantihan ang babaeng nagpabago ng ugali niya. Sapilitan man pero ginawa niya ang bagay na alam niya na wala ng takas pa ang babaeng iyon sa kanya. Si Joe Lin Ramos, ang babaeng inibig ni Drake. Dahil sa isang dare ay meron siyang nasaktan na tao. Pero hindi niya inaakala ng sapilitan siyang pakakasalan nito. At ang alam niya ay isa lang ang dahilan.. Upang gantihan siya.
like
bc
DUKE SEAN FORD SERIES 1 [ COMPLETED] Tagalog
Updated at Aug 4, 2020, 05:27
Si Duke Sean Ford ay bata pa lang ay pangarap na ang maging isang sikat na car racer. Sa edad na disi-otso ay natupad ang pangarap niyang iyon. Siya rin ang panganay na anak ng sikat at kinakatakutan na si Dimitri Sergio Ford na isang Mafia Boss. Bukod sa pagiging car racer ay may katangian si Duke na talagang kinaiinisan ng babaeng gusto nito; at iyon ay ang pagiging possessive nito. Bukod sa pangarap ni Duke na maging car racer ay meron pang kinahuhumalingan ang binata. Mailap sa kaniya ito, lagi siyang iniiwasan pag parating na siya. At para bang may sakit siya na maaaring makahawa. Bata pa lang ay parang aso't-pusa na sila. At ang kinahuhumalingan nito ay ang simpleng dalaga na si Nestle Rin Ramirez. Maganda ang dalaga at masunuring anak. Matalino rin ito at mabait. Kaya naman hanggang sa magdalaga ito ay mas lalong lumalalim ang pagkagusto ng binata rito. Inaamin ni Duke na habang tumatagal ay parang hindi na niya maalis sa sistema niya ang dalaga. Lagi siyang nakasunod kung saan ito magpunta. Maging ang school na pinapasukan nito ay siya ring pinapasukan niya. Nagkaroon ito ng boyfriend na kinagalit niya. Kaya hindi makakapayag si Duke na ang babaeng kinababaliwan niya ay madali lang na maaagaw sa kaniya. Gumawa siya ng paraan para makuha ito. Kahit masama ay ginawa niya..Hindi siya susuko hanggang makuha niya rin ito. Nestle Rin Ramirez.. Duke Sean Ford's Property. Ang kay Duke ay kay Duke. Kaya pag kaniya na, hindi na niya hahayaan pang makuha ng iba.
like
bc
Bettina Serina FORD SERIES 7 [Completed] Tagalog
Updated at Jul 15, 2020, 04:32
The famous Bettina Serina Ford---ang tinatawag na brat princess doll na anak ng isang sikat na businessman, mafia, fashion designer at painter na sina Dimitri and Beatrice Ford. Everyone admires her charm, beauty, and confidence. What she want is what she get. Meron din siyang marupok na puso kaya mabilis siyang na-inlove sa kaibigan ng Kuya niya na si Chadler Yuan. Nagkaroon sila nang sekretong relasyon dahil ayaw niyang malaman ng Kuya Duke niya ang relasyon nila. At ang isa pang kadahilanan ay dahil sa dugong dumadaloy kay Chad. Isa itong chinese, kaya ayaw sa kanya ng pamilya nito. Nagtungo siya sa country club kasama ang mga sinasabing kaibigan. Ang hindi niya alam na ang club na pinasukan niya ay ilegal pala na para sa mga foreigner na kumukuha ng prostitute. Sa isang iglap, dumating ang police team at inaresto ang lahat ng tao na nasa club. Even her. Siya ang natatanging naaresto sa kanilang magkakaibigan, dahil iniwan siyang mag-isa na lango sa alak. Meet the handsome Lieutenant General Rico Dominic Esquivar. Ang seryosong police man na umaresto kay Bettina sa club. Nanggagalaiti siya sa galit nang malaman niya na napakabata pa ni Bettina. She's only 15 years old for God's sake. He hates girls trying to be a mature woman. At naiinis siya sa mga babaeng nagtutungo sa club para ipakita ang balat sa ikli ng kasuotan. And he hates her because she's so liberated at her age. Siya ang matinong pulis na dedikado sa kaniyang trabaho. At ang matinong pulis na magpapatino sa bratty princess ng mga Ford.
like
bc
Until Together [UNTIL Part 2] Complete Tagalog
Updated at Jul 13, 2020, 07:41
Sa kabila ng isip batang katangian ni Yuka ay minahal siya, tinanggap, at inalagaan ni William. Pagkatapos ng lahat ng nangyari ay mas naging protektado ni William si Yuka. Walang araw na hindi nangangamba si William na baka hindi niya muli ma-protektahan si Yuka, kaya nag-desisyon siyang palaging isama ito kahit saan man siya magpunta. Ngunit makakamit pa kaya ni William ang inaasam na katahimikan sa piling ni Yuka, kung ang taong nasaktan ay pilit na ginugulo ang buhay nila? Magagawa bang protektahan pa ni William si Yuka kung palagi itong takaw disgrasya? At paano ang gagawin ni William kung ang pagmamahalan nila ay nagbunga at naging sanhi para lalo siyang mangamba.
like
bc
Until When [UNTIL PART 1] Complete Tagalog
Updated at Jul 13, 2020, 07:28
Yuka is the special child. Isang isip bata na nasa katawan ng isang dalaga---malambing, iyakin, at isang masunuring dalaga. Sa loob ng labing siyam na taon sa buhay nito ay pinoprotektahan siya palagi ng taong nasa paligid niya. Ayaw na lumalabas siya o lalapit sa ibang tao dahil natatakot ang mga nakapaligid sa kanya na saktan na lamang siya ng kung sino. Ngunit sa kabila ng pagiging isip bata ay merong tinatawag si Yuka na 'Kuya'---si William---ang kilalang matinee hunk idol na sikat na sikat sa buong bansa. There's something to Yuka that William can't resist---at 'yon ay sa kabila ng pagiging isip bata ng dalaga ay marunong itong walain ang lahat ng bigat na kanyang nararamdaman. Posible bang sa kabila ng pagiging isip bata ni Yuka ay magkaroon ito ng lalakeng mamahalin siya sa kabila ng kapansanan niya? At paano rin kung may isang pangyayari na hindi inaakala ni William na mangyayari.
like
bc
The Mafia Lord: James Esteban [COMPLETED] Tagalog
Updated at Jul 6, 2020, 00:20
The heartless, handsome, and the most powerful mafia boss—James Esteban. Sa edad na sampung taon ay niluklok na siya bilang pinakabatang mafia ng bansa. Nang dahil sa galing sa pakikipaglaban ay marami na agad ang natatakot na kalabanin siya. Batak sa training at napakaikli ng pasensiya. Lahat din ng kaniyang gusto ay dapat na nakukuha niya. Sa kaniyang pagbisita sa ospital na pagmamay-ari ng kanilang pamilya ay doon niya natagpuan ang pinakamagandang sanggol na nakita niya sa kaniyang tanang buhay. Matatawag siguro siyang ‘child abuse’ dahil sa unang beses pa lamang niyang makita ito ay nahumaling na agad siya rito. Kaya naman dineklara niya na magiging kanya ang babaeng sanggol na si Gabriella Cruz. Kaya niyang gawin ang lahat kahit pa gamitin ang sitwasyon ng magulang ni Gabriella. Naging matagumpay siya dahil nakuha na niya ang permiso ng magulang ng sanggol, ngunit kailangan niya pang maghintay na maging disiotso ang edad nito upang kanya ng maging pagmamay-ari. Wala siyang pakialam kung mas bata ito sa kanya, dahil ang importante lamang ay makuha niya ang gusto niya. Walang siyang pakialam kung lumabag siya sa batas, dahil kaya niyang kontrolin ang lahat kahit pa ang batas. Ang tanging kaya lamang siyang kontrolin at paamuhin ay ang ‘baby’ niya—Ang mafia’ng si Gabriella. 
like
bc
The Greek Innocent Mistress: Grace Jane [COMPLETED] tagalog
Updated at Jul 1, 2020, 23:29
Walang ideya si Grace nang mapadpad siya sa isla kung saan niya makikilala ang general na si Atreo. Nagising na lang siya na wala nang maalala. Ang tanging alam lang niya ay ang kanyang pangalan. No'ng una pa lang ay tila ilap na sa kanya ang lalake, ngunit kahit gano'n ay na-attract pa rin siya rito. Hanggang lumalim ang atraksyon na naging dahilan para ibigin niya ito. Sa kabila ng misteryong bumabalot sa pagkatao ng lalake ay hindi niya mapigilang ibigay ang sarili rito nang buo-buo. Ngunit sa isang iglap ay magbabago ang buhay niya nang malaman niya na ang lalaking iniibig pala niya ay mayroon na pa lang iba. At ang mas masaklap ay nalaman niya na isa lamang siyang hamak na kabit nito.
like
bc
MAFIA BROTHER OWNED HER [COMPLETED] Tagalog
Updated at Jun 1, 2020, 19:32
Dimitri Sergio is a mafia boss. He is cruel and a heartless man who can kill if needed. Napasok siya sa ganung uri ng trabaho dahil sa naging malabong pagsasama ng kanyang pamilya. Beatrice Ford is an adopted daughter. For seventeen years of existence, she never has freedom. Pero ang kalayaang nais niya ay makakamit lamang kapag nakatungtong na siya ng disi-otso. And despite of being a sibling, Dimitri Sergio secretly loved his adopted sister. He wants her to be his. Kahit bawal ang pag-ibig niya ay wala siyang sinasantong batas. At iyon ang kinaiinisan ni Beatrice sa kanya. Ang pagiging maangkin at mahigpit nito sa kanya. Isa lang ang naisip ni Beatrice para makawala siya sa pagiging mahigpit nito at iyon ay ang tumakbo palayo sa kapatid niya. Pero hindi siya hahayaan ni Dimitri na makatakas at makalayo. At para mangyari iyon ay isang desisyon ang ginawa ni Dimitri na hindi niya pinagsisisihan. He raped and impregnated her. Makakawala pa kaya si Beatrice sa kamay ng isa sa kinatatakutan na Mafia Boss?
like
bc
The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog
Updated at Jun 7, 2019, 21:35
Walang-wala si Hera no’ng panahon na kinakailangan ng kaniyang pamilya ang tulong niya. Iba’t ibang raket na ang pinasok niya pero hindi pa rin sapat iyon para matustusan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya. Kaya naman nang may isang kaibigan na nag-rekomenda sa kanya ng trabaho ay sinunggaban agad niya ito kahit na hindi pa niya alam kung ano iyon. Dahil sa laki ng bayad ay hindi na siya nagdalawang-isip pa at kahit hindi na tinanong ay sumige na agad siya. Nalaman niya na isang binatang lumpo pala ang kailangan niyang alagaan. Naging mahirap din dahil napakasungit nito at napakamisteryoso. Pero wala naman na siyang reklamo dahil para na rin ito sa perang binayad sa kanya. Pero habang tumatagal ay tila naiipit siya. Hindi niya mawari kung bakit bigla na lang hindi siya makaalis. Palagi itong nakamasid sa galaw niya. Palaging pinapakialam pati ang pakikipag-komunikasyon niya sa mahal niya sa buhay. Nang oras na matapos ang kontrata niya rito ay nabigla siya nang ayaw na siya nitong paalisin. Nagmakaawa ito at hindi rin niya alam kung bakit hindi niya ito natiis. Hanggang isang araw ay may nangyari sa kanila na hindi niya napigilan. Inangkin siya nito at tila iyon pa ang mas nagpahirap sa sitwasyon niya. Dahil mas lalo nitong hindi siya pinakawalan at lalo siya nitong kinulong kasama nito. “Hindi mo ako puwedeng iwanan, Hera. Dahil baka hindi kita mahabol oras na gawin mo iyon. Mahina man ako sa paningin mo, pero kaya kong gawin ang lahat. Kaya subukan mong umalis, tingnan natin kung ano ang kaya kong gawin sa iyo sa oras na iwanan mo ako.” Ayaw na ni Hera dahil alam niya na isang obsession lamang ang nararamdaman nito para sa kanya. At tiyak niya na walang pagmamahal na nakapaloob doon.
like