bc

ONE SIDED WIFE

book_age18+
2.3K
FOLLOW
6.2K
READ
arranged marriage
drama
bxg
cheating
secrets
love at the first sight
selfish
like
intro-logo
Blurb

Lucian will accept her fate when she marries Sancho, even though she knows that he is her sister's boyfriend. She is already in love with Sancho. That she would rather hurt her sister than hurt her.. The two love each other when she intervenes. And she knew that what she had done would not be easy.

But will Sancho love her in the end? Or will she be the only one to love in the end.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Bilis, Cian! Baka mahuli tayo." maligayang aya ni Jillian kay Lucian habang palabas sila ng gate. Tinakasan nila ang bodyguard nila para lang magpunta sa basketball court sa kabilang subdivision. "Saan ba kasi tayo pupunta? Baka pagalitan tayo ni Mommy." mahinang tanong niya habang pilit niya sumasabay sa kapatid sa pagtakbo. Pareho sila ng suot kaya para silang kambal, pero mas matangkad si Jillian dahil mas matanda ito sa kanya ng limang taon. Eighteen years old palang siya pero si Jillian ay twenty-three na. Pero kahit malaki na sila ay hindi pa rin sila hinahayaan na walang bodyguard at lumalabas ng bahay na mag-isa. "Sandali lang naman tayo. Gusto ko lang siya makita." Napahinga ng malalim si Lucian at walang magawa kundi sumama sa kapatid. Mahal na mahal niya ang kapatid at sobrang saya lang kapag palagi silang magkasama. Kaya lahat ng sabihin ng Ate Jillian niya ay sinusunod niya. Humantong sila sa sinasabi nitong basketball court at may grupo ng lalake na naglalaro sa court. Nahiya siya dahil sila lang ang babae. "Ang gwapo niya talaga." nangangarap na sabi ni Jillian. Tinignan niya ang tinitignan nito at napansin niya ang pawisan na matangkad na lalake na suot ang ternong jersey na red. Maputi, medyo mapungay ang mga mata, magandang lalake, at tila ito kumikinang kahit na pawisan. Napalingon sa kanila ito kaya bigla siyang kinabahan at natuod sa kinatatayuan. "Lucian, wait mo ako dito. Lapitan ko lang ang crush ko." Hindi niya marinig ang kapatid. Nakatingin pa rin siya sa lalake na nakatayo habang nagdi-drible. Nilapitan ito ng kapatid niya kaya napababa siya ng tingin. Ito ang crush ng kapatid niya. Muli siyang tumingin sa mga ito at nakita niya na lumingon sa kanya ang lalake at kapatid niya. Kumaway si Jillian sa kanya kaya ngumiti siya at kumaway pabalik. Naisipan niya na maupo sa bleacher at hintayin na lang doon ang kapatid. Naiinip siya dahil nagtagal ang pakikipag-usap ni Jillian kay Sancho. Nainis siya kaya umalis siya sa pagkakaupo sa bleacher at lumapit sa kapatid na nakikipagngitian sa lalake. "Ate Jillian, umuwi na tayo. Baka magalit na si Mommy." aya niya sa kapatid kaya napalingon ang mga ito. "Atat ka naman masyado, Little sister. Mamaya na kayo umuwi." ngiting sabi ng lalake kaya napikon siya rito. Kung kanina kinakabahan siya rito, ngayon naiinis siya. "Uuwi na kami. And don't call me little sister because you are not my brother. Hmp!" Nagtawanan ang teammates nito na narinig pala ang sinabi niya. Nahiya siya bigla. "Huwag niyong pikunin ang kapatid ko. Sige, aalis na kami." Sabi ni Jillian kaya nakahinga siya ng maluwag. Nagulat siya ng halikan sa pisngi ni Jillian ang lalake. Nagkantyawan naman ang teammates nito at si Sancho ay ngumiti naman. Napasimangot siya at nakita ni Sancho ito kaya ngumiti ito ng mapangasar sa kanya. "Grabe, ang gwapo niya talaga." masayang sabi ni Jillian habang naglalakad na sila pauwi. Tahimik siya at wala sa mood makinig sa sinasabi nito, "uy, galit ka ba? Pasensya ka na sa kanila. Binibiro ka lang nila." "Hindi ako galit, Ate. Kinakabahan lang ako baka mahuli tayo ni Mommy at magalit sa atin." sabi niya pero hindi iyon ang totoong dahilan ng pag-a-alburoto niya. "Easy ka lang. Sinisiguro ko sa 'yo na hindi tayo mahuhuli ni Mommy. Basta, kapag nakalusot tayo ay sasamahan mo ulit ako na makipagkita kay Sancho." "Pero, Ate---" "Promise?" hindi na nakaangal si Lucian ng magbitiw sila ni Jillian ng promise. Katunayan na kahit anong mangyari ay susuportahan nila ang isa't-isa. "Promise.." - THE NEXT DAY, muling tumakas sila para lang makipagkita si Jillian kay Sancho. Kasa-kasama siya dahil hindi niya pwedeng pabayaan ang kapatid niya sa lalakeng hindi pa nila kilala ng lubusan. Baka mamaya anong gawin nito sa kapatid kaya dapat lang na bantayan niya. May date ang mga ito kaya kahit inis siya na nasa lalake ang atensyon ng kapatid ay wala siyang magawa kundi ang sundan ang mga ito kahit saan man magpunta ang mga ito. Nasa mall sila at magkahawak kamay ang mga ito. Napapalingon nga ang ibang tao sa dalawa dahil sobrang sweet. Nainis siya dahil pati siya nadadamay ng tingin dahil mukha siyang aso na nakabuntot. Kaya binilisan niya ang lakad para maabutan lang ang dalawa. Pinaghiwalay niya ang mga ito kaya napahinto ang mga ito sa paglalakad at napatingin sa kanya. "Bakit, Lucian?" Tanong pa ni Jillian. "Pandemic ngayon. At baka sitahin tayo dahil magkadikit pa kayo. Social distancing po." Natawa si Sancho kaya sinamaan niya ito ng tingin. "Okay. Social distancing daw, Babe." mapang-asar na sabi ni Sancho. "Ano ka ba. Huwag mong surahin si Lucian, baka hindi na ako samahan n'yan. Sige ka, hindi na tayo makakapag-date ng ganito." suway ng kapatid niya sa lalake. "Okay, Babe. Sarap lang asarin ng kapatid mo, palaging pikon." Nainis siya sa narinig pero tumalikod na ito kaya ibig niyang batuhin ito ng suot niyang sapatos kung hindi lang masama na gawin iyon. "Pasensya na, Sis. Ewan ko ba kay Sancho at mapang-asar ngayon. Ikaw lang naman ang naaasar niya ng ganyan." paumanhin ni Jillian. "Sabihin mo, Ate, na talagang mapang-asar siya. Sa susunod, hindi na talaga ako sasama." nakasimangot niyang sabi na agad kinabahala ni Jillian. "Please, 'wag naman. Kailangan kita para magkita pa rin kami ni Sancho. Kaya please, samahan mo pa rin ako." "Bakit kasi ayaw mo pa sabihin kela Mommy na may boyfriend ka na?" Tanong niya. Hindi naman sobrang strict ng parents niya para itago na lang ang relasyon nito. Napabuntonghininga si Jillian, "Ayoko lang ma-disappoint si Daddy. Nangako ako sa kanya na magtatapos ako ng pag-aaral na hindi nagbo-boyfriend. Kaya ayoko muna sabihin hangga't hindi nangyayari iyon." Napatango siya. Saksi siya sa sipag ni Jillian sa pag-aaral. Nursing ang kinukuha nitong course habang siya ay nasa first year palang sa kursong fashion designing. Nakahiligan niya na mag-drawing ng mga dress at manahi na din. At siguro dahil iyon ang namana niya sa Mommy niya na isang fashion designer ngayon. Nasa isang restaurant sila at para hindi siya makasagal ay mas pinili niya na maupo sa ibang lamesa habang nasa kabilang lamesa ang dalawa. Umiinom siya ng mango shake habang ang dalawa ay sweet na sweet na nagsusubuan pa. Napahinga siya ng malalim at kinuha na lang ang bagong iphone pad niya na pinagdo-drawingan niya. Kesa tumanghod sa dalawa ay lilibangin na lang niya ang sarili. Nag-sketch siya ng dress na gusto niya gawin. Mommy niya ang gumagawa ng dress nila pero sometimes ay sinusubukan niya na gumawa ng sarili niyang damit. Para mas lalo niyang mapag-aralan ang kursong kinuha niya. "Powder room lang ako, Babe." Napaangat siya ng tingin ng magsalita at tumayo ang kapatid niya. Nagpaalam ito kay Sancho na magbabanyo. At pumayag naman si Sancho. Tumingin sa kanya ang kapatid niya. "Ikaw, hindi ka ba magre-retouch?" Umiling siya, "Ayos lang ako." tugon niya. Tumango ang kapatid niya kaya binalik na niya ang mga mata sa dino-drawing. Nakaalis na ang kapatid niya ng magsalita si Sancho. "Anong ginagawa mo?" tanong nito sa kanya. "Wala. Nagdo-drawing lang." tugon niya na hindi tinitignan ito. "Talaga? Patingin nga." Napatingin siya rito na tumayo at lumapit sa kanya. Tinignan nito ang ginagawa at nakita niya na ngumiti ito, "Wow! Ang galing mo pala sa sketch." Pakiramdam niya ay nag-init ang pisngi niya. Inaamin niya na parang may humaplos sa puso niya ng puriin nito ang gawa niya. "Thanks." Tipid niyang sabi at binalewala ang nararamdaman. "I-drawing mo nga ako habang nakaupo." pakiusap nito. Nagtaas siya ng kilay, "At bakit ko naman gagawin iyon?" "Wala. Gusto ko lang." sabi nito at ngumisi. "Pwes, hindi ko gagawin. Ano ka, swerte?" irita niyang sabi. "Oo, swerte ako. Sancho Lhuilier ako." Napairap siya muli at i-off niya ang Ipad bago ilapag sa lamesa. "What ever. Susundan ko lang si Ate." sabi niya at iniwan ito para makaiwas sa pakikipagbangayan rito. Nagtungo siya sa banyo ng mga babae para hanapin ang kapatid, pero napatago siya sa isang pader ng bigla niyang makita ang kapatid na may kasamang ibang lalake habang palabas ng banyo. Hindi siya makapaniwala. Tinignan niya ang mga ito at kiniss ng Ate niya ang lalake bago maghiwalay ang mga ito. Agad na umalis siya sa pinagtataguan at inunahan ang kapatid na bumalik sa lamesa nila. "O, para kang natuklaw ng ahas?" Tanong ni Sancho. Napatingin siya rito at hindi niya alam kung bakit nagawa ng kapatid niya ang bagay na iyon lalo pa't kasama nito ang boyfriend nito na nasa kanyang harapan ngayon, "Hey! Ayos ka lang?" kinaway nito ang kamay sa mukha niya kaya agad na tumango siya. "Ayos lang ako." tugon niya habang para pa rin siyang lutang. "Okay. Para kang nakakita ng multo. Tsaka, bakit ang bilis mong nakabalik? Nasaan si Jillian?" Sasagot sana siya ngunit palapit na ang kapatid niya. "Sorry, natagalan." paumanhin ni Jillian at ngumiti ng sweet kay Sancho. Bigla ay nakaramdam siya ng inis sa kapatid. Bakit ganito ito? Akala niya ay mahal nito si Sancho. Bakit may hinalikan pa itong iba? "Ayos lang, Babe. Akala ko nga magtatagal ka pa dahil sinundan ka ni Lucian." Natigilan si Jillian at napatingin sa kanya. Nagkatinginan silang dalawa, "pero agad ding bumalik si Lucian." Ngumiti si Jillian at humarap muli kay Sancho. "Sinundan niya lang ako. At dahil pabalik na ako kaya bumalik na siya." pagsisinungaling nito. Hindi niya alam bakit nagsinungaling ito? Hindi niya maintindihan ang lahat. Naguguluhan siya. Sino ang lalakeng hinalikan nito? Pagkatapos ng date ng mga ito ay umuwi na sila. Naglalakad na sila pabalik. Tahimik lamang siya. "You saw me, didn't you?" tanong nito. "Anong nakita ko?" kaila niya. Natawa si Jillian, "I know, you saw me." Huminto si Lucian at hinarap ang Ate Jillian niya. "Ano bang ginagawa mo? Akala ko ba mahal mo si Sancho? Bakit may iba ka?" inis niyang tanong. Ngumiti si Jillian tila balewala ang inis niyang tanong. "Yes, I love him. Sometimes men is not enough. Maraming nagkakagusto sa akin, kaya bakit mag-i-stick ako sa isa, 'di ba?" Hindi siya makapaniwala. Parang siya ang nasaktan para kay Sancho. "Tigilan mo na ito, Ate. Hindi ka ganyan." seryosong sabi niya. "Pabayaan mo ako, Lucian. Lovelife ko 'to." pagkatapos nitong sabihin iyon ay naglakad na itong muli at dumeretso sa bahay nila. Naiwan siyang natigilan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Forced Marriage |COMPLETED|

read
325.2K
bc

Unloved by the billionaire

read
397.3K
bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
698.8K
bc

Wanted Ugly Secretary

read
2.0M
bc

Sexytary |SPG|

read
537.8K
bc

Mrs. Moore: The Queen of my Heart (book 2) -SPG

read
403.6K
bc

Loving The Billionaire |SPG

read
249.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook