bc

Boss Baby (ESTEBAN SERIES NEXT GEN)

book_age18+
11.1K
FOLLOW
38.0K
READ
possessive
one-night stand
forced
pregnant
arrogant
goodgirl
drama
bxg
heavy
servant
like
intro-logo
Blurb

Nasa trenta anyos na si French Nicole Lacubtan, kaya nais na niyang magkaanak sa lalong madaling panahon. Sa kadahilan ay palagi na lang siyang tinutukso ng mga kaibigan niya na hindi na daw siya magkakaanak pa sa edad niya. Mawawala na ang edad niya sa kalendaryo, kaya naman ay nangangamba siya na hindi na nga magkaanak. Lalo't may lahi ang pamilya niya na mga tumatandang dalaga. Maswerte na lang ang ina niya dahil naihabol pa siya bago ito mag-fourty. Kaya naman ay nakumbinsi siya ng kaibigan na magpabuntis na lang. Wala naman kasi siyang boyfriend, dahil sino ba ang magkakagusto sa katulad niyang manang manamit, hindi kagandahan, at palagi pang subsob sa trabaho? Kaya naman, para magkaanak ay naghanap sila ng friend niya ng lalakeng may magandang lahi na p'wedeng bayaran para buntisin siya.

Pero ang isang misyon ay naging disaster. Nabuntis nga siya, ngunit maling lalake naman. At lalo siyang nalagay sa alanganin dahil sa nagawa niyang pagkakamali ay naging bangungot sa kanya.

Hindi niya akalain na ang ama ng pinagbubuntis niya ay siyang magiging amo pala niya.

chap-preview
Free preview
SIMULA
NGAYON PA LAMANG ako nakapunta sa ganitong klaseng lugar. Inayos ko ang salamin sa aking mata at nagpasalamat sa bartender na nilapag ang inorder kong alak. Sa katunayan ay first time kong iinom ng alak. Kinakabahan ako sa gagawin ko pero desperada na 'ko. Napaiwas ako ng tingin habang nakaupo sa high chair. Sumimsim ako ng alak na kay pait-pait at nakakasulahok ang lasa. Pinagtitinginan ako ng mga dumadaang costumer ng bar at natatawa sila habang tinitignan ako. Alam ko na kakaiba ang suot ko kesa sa ibang babae na narito at magaganda ang suot tapos ang sexy pa nila. Nakasuot lang ako ng bulaklaking blusa at sarado ang lahat ng butones nito hanggang leeg ko. Tapos hanggang paa ko pa ang haba ng bulaklakin kong saya, sabayan pa na naka-flat shoes lang ako. Mukha akong nerd sa suot kong salamin pero wala akong choice kasi nakasanayan ko na rin dahil sa kalabuan ng mata ko. Ang buhok ko naman ay pusod na pusod na pinahiran ko pa ng baby oil para hindi tumikwas ang baby hair ko. Nilapag ko ang baso sa table at binuksan ang dala kong bag. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang kaibigan kong si Beth. "Hello, Beth, bakit wala pa 'yung lalakeng kausap natin? Baka nag-backout na 'yun, ah?" "Chill ka lang, Bes. Na-traffic lang siya, malapit na daw." Huminga ako ng malalim, "Okay. Kinakabahan kasi ako, baka hindi siya tumuloy." "Bes, chill ka lang nga. 'Tsaka, kwento mo sa 'kin kung magaling, ha?" Nag-init ata ang pisngi ko sa sinabi ni Beth. Napaubo ako kaya kinuha ko ang alak at nilagok ko iyon ng deretso. Huminga ako ng malalim ng maubos ko ang laman ng baso at tinakpan ko ang speaker ng cellphone ko dahil baka may makarinig ng pag-uusap namin ni Beth. Nakakahiya talaga! "Ano ka ba, Beth! Nakakahiya ka! Bakit ko naman ike-kwento pa sa 'yo?" pabulong kong suway sa kanya. Gumagala rin ang mata ko upang malaman kung may makakarinig ba. "Syempre first time mo, Bes. Kaya dapat sabihin mo sa akin dahil bestfriend mo ako. Nakakaloka! Excited na ako!" Napailing na lang ako, "Hay, naku. Sige na nga. Ba-bye na at baka dumating na ang kausap natin." Napahalakhak siya na parang loka-loka. "Alright. Good luck, Bes. Galingan mo!" Napangiwi na lang ako sa tono niya at pinatayan ko na siya ng tawag. Huminga ako ng malalim at sinilid ko muli ang cellphone ko sa bag. Gumala ang paningin ko sa paligid at tumingin muli ako sa bartender. "Isa pang order, please." Tinignan ako nito tila ba ayaw pa akong abutan, pero sinalinan rin naman ang baso ko. Nagpasalamat ako at nilagok ko muli ang alak. Kinakabahan talaga ako at hindi ako mapakali dahil malapit na daw ang lalakeng kausap namin. Huminga ako ng malalim at tumingin sa paligid habang inom lang ako ng inom upang mapakalma ang sarili ko. Habang naghihintay sa lalakeng kausap namin ay hindi ko namalayan na napaparami na ang inom ko ng alak. Umiikot na ang paningin ko pero pilit kong ginigising ang sarili ko dahil kailangan ko pang gawin ang misyon ko para sa sarili. Hindi p'wedeng mapurnada pa 'to. Pinilit kong tumingin sa paligid dahil baka narito na ang lalakeng kausapin namin ni Beth. May naaninag ako na isang lalake na parang palapit sa akin, kaya kahit na parang umiikot na ang paningin ko ay pinilit kong umalis sa kinauupuan ko at tumayo ng tuwid. Tumingin ako uli sa lalake habang hindi ako makapaglakad ng maayos. Huminto ako sa harap nito at muntik na akong mabuwal kung hindi lang ako nito nasalo. "Are you okay?" Inayos ko ang salamin sa mata ko at tinignan ang mukha ng lalake. Hindi ko maaninag ng husto ang kabuuan ng mukha niya dahil umiikot talaga ang paningin ko at isabay pa ang kalabuan ng mata ko na lalong lumabo dahil sa epekto ng alak. Napangiti ako at napaturo sa kanya. "I-ikaw ang lalake, 'di ba? T-tara na sa room.." may hinalukat ako sa bag ko habang pa gewang-gewang ang tayo ko at todo alalay naman siya. Nilabas ko ang susi ng room at pinakita sa kanya, "I-ito ang room number. . . . ." Napapikit ako ng tuluyan na akong nilamon ng kalasingan ko. Nakaramdam lang ako ng kakaiba dahil parang may humahawak sa katawan ko. Dumilat ako pero Malabo pa rin ang paningin ko at wala akong suot na salamin. May lalake sa harap ko. Ito na siguro ang lalakeng nakausap namin ni Beth. Amoy alak rin siya ng halikan ako. Nanlaki ang mata ko. Hinahalikan? Naalala ko na ito ang first kiss ko! Bakit ganito? Bakit nakakakaba ang halik niya? Bakit parang tinatangay ako at nahahawa sa init ng katawan niya na ngayon ay nakapatong na pala sa katawan ko. Napapikit ako sa biglang sakit na naramdaman ko at napakapit ako sa balikat niya. Gusto kong umayaw ngunit iniisip ko na kailangan kong tiisin ito. Napakasakit pala at halos gusto kong kamutin ang likod ng lalake sa sobrang sakit ng p********e ko ng basagin niya ito. Hinalikan niya uli ako habang ramdam ko ang paggalaw niya. Hindi ko alam ang gagawin dahil wala akong alam sa pakikipagtalik. Hinayaan ko kung ano ang gawin niya sa katawan ko. Nakisabay lang ako at halos hindi ko alam ang gagawin ng may kakaiba akong nararamdam sa katawan ko. Natigilan ako at napakapit sa katawan ng lalake ng bigla na lang manginig ang katawan ko. Maging ang lalake ay ganoon din. Pinilit kong dumilat at maaninag ang lalake pero malabo talaga. Napapikit uli ako at hindi ko na alam ang sunod na nangyari ng kainin uli ako ng dilim. Nakaramdam ako ng lamig kaya kinapa ko ang kumot ko, pero natigilan ako dahil may matigas akong nakapa. Unti-unti akong dumilat at nung una ay malabo pa ang nakikita ko, pero nang makapag-adjust konti ay lumingon ako sa kabilang gilid at may naaninag akong lamesa. Kinapa ko ito at nang may makapa akong eye glasses ay kinuha ko ito at sinuot. Nang malinaw na ang paningin ko ay tumingin ako uli sa nakapa ko kanina na parang matigas. Napaupo ako sa gulat sa nakita ko pero napangiwi ako at napadaing sa sakit ng may maramdaman akong hapdi at sakit sa p********e ko. Nang mapagtanto ko ang lahat ng nangyari ay napatutop ako sa bibig at napasinghap. Napatingin ako sa lalake, at ang magandang katawan nito ay natatakpan lamang ng kumot maging ang maselang parte ng katawan nito. Mabalahibo at mahahaba ang mga binti nito habang ang mga paa ay malaki. Napatingin ako sa dibdib nito at mabalahibo din. Mamasel naman ang mga bicep nito at moreno ang balat nito. Nang mapatingin ako sa mukha nito ay lalo akong napatutop ng bibig ng makita na ibang lalake pala ang nakatalik ko. Hindi 'yung lalakeng kausap namin na bubuntisin ako. Kumabog ang dibdib ko ng gumalaw ito kaya kahit masakit ang buo kong katawan ay nataranta ako sa pag-alis sa kama. Nakita ko ang mga pinaghubaran kong damit sa sahig at pinulot ko ito agad. Patay! Ano ba 'tong nagawa ko? Gusto kong sabunutan ang sarili ko habang mabilis na lumalabas ng room at bitbit ang bag ko. Hindi ko na muling tinignan ang lalake pagkatapos kong mag bihis, dahil natakot ako na baka oras na magising ito ay magulat ito kapag nakita ako. Baka kasuhan pa ako no'n. Huminga ako ng malalim at liyong-liyo na ako sa lahat ng nangyayari. Agad akong nagpara ng taxi ng makalabas ng hotel. Napa-sign-of-the-cross pa ako at humingi ng pasensya sa lahat ng pagkakasala ko. Pinalo ko ang noo ko dahil sa katangahan ko. Dahil sa kalasingan ko ay hindi ko man lang nalaman na maling lalake pala ang katalik ko kagabi. Napalundag naman ako sa gulat ng mag-ring ang cellphone ko mula sa loob ng bag. Huminga ako ng malalim at kinuha sa loob ng bag ang cellphone ko. Nakita ko si Beth ang tumatawag. "Good morning, Bes. Alam ko na galit na galit ka ngayon. Nakatulog na ako kagabi kaya ngayon ko lang nabasa ang text ni Jeff. Hindi na pala siya tumuloy sa pagkikita niyo. Sorry, bes." Napamaang ako at napalunok. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko at nababaan ko tuloy siya ng tawag. Napapalo ako sa pisngi ko dahil lalo akong naliyo sa lahat ng nangyari. Paano ko sasabihin kay Beth na ibang lalake ang nakatalik ko kagabi? Kinakabahan ako dahil baka mamaya ay may sakit pala ang nakatalik ko, lalo't hindi naman siya 'yung pinag-examine namin para makasiguradong walang sakit ang bubuntis sa akin. Lalo akong hindi mapakali sa naisip ko kaya pinara ko agad ang taxi kahit malayo pa ako kami sa tinitirahan ko. Huminga ako ng malalim ng makalabas ako ng taxi. Hindi ako makahinga sa problemang ginawa ko. Napahawak ako sa poste at pumikit para pakalmahin ang sarili ko. "Relax, Nicole.. 'Wag ka na lang mag kwento kay Beth. Basta kung ano mang mangyari, mabuntis ka man, ay hindi mo sasabihin sa kanya kung sino ang nakatalik mo. Tsaka mo na lang aalahanin na mag paliwanag kay Beth kapag kaya muna talagang mag sabi." Napatango pa ako sa sarili tila kinukumbinsi ko ang sarili ko at napabuga ako ng hangin. Napasandal ako sa poste at dumilat. Napatulala ako at inisip ang itsura ng lalake. Inaamin ko na sobra-sobra ang kagwapuhang taglay ng lalake kumpara sa lalakeng nakausap namin ni Beth. Pakiramdam ko ay namula ang buong mukha ko ng maalala kung anong nangyari sa amin. Kahit lasing ako ay ramdam ko ang bawat halik at haplos niya sa katawan ko na para bang nakakapaso. At ang sakit na pagkabasag ng p********e ko ay hindi ko makakalimutan. Dahil pakiramdam ko ay umabot hanggang matres ko ang pagkalalake niya. Napatapik ako bigla sa dalawang pisngi ko para magising dahil nahihibang na pala ako habang ini-imagine ang nangyari sa amin. Napaupo ako at napasubsob sa tuhod ko. Gusto kong maiyak dahil baka namukhaan ako nito. Baka mamaya ay may sakit ito at mahawa ako. Sa mukha nito at klase ng pag-angkin niya sa katawan ko ay mukhang hindi niya first time iyon. Kaya kinakabahan ako dahil baka iba't-ibang babae na ang nakatalik niya at baka may mga dalang virus. Uso pa naman iyon ngayon. Napaangat ako ng tingin ng may tumama sa ulo ko. Napatingin ako sa nahulog sa ulo ko at isang barya iyon. Napatingin ako sa mga tao at naghahagis sila ng barya sa akin kaya agad akong tumayo. Naglakad ako ng mabilis palayo sa kanila. Naman! Pinagkamalan pa akong pulubi. Napahinga ako ng malalim at lugo-lugong naglakad sa tulay. Natutulala na lang ako at panay ang buntong-hininga ko. Napaisip ako... Hindi naman siguro ako nakilala ng lalake? At hindi naman siguro magtatagpo pa ang landas namin? At least natuloy na ang plano ko. Sana lang ay magkatotoo ang wish ko. "Manang, palimos po" May biglang lumapit sa akin na mga batang palaboy. Iniwan ko sila dahil tawagin ba naman akong Manang. Trenta pa lang naman ako, ah. Grabe sila! Pero kaya nga ako desperada na magkaanak dahil trenta na nga ako. Hay, naman! Bakit ba kasi nagpaabot pa ako sa ganoong edad? Huminto ako at pinagdikit ang mga kamay ko at pinikit ang mga mata ko. "Lord, please, sana ay magkaanak na po ako. Desperada na kung desperada, pero ayoko pong matulad sa mga tita ko na mga matandang dalaga. Kahit isang anak ay ayos na po sa akin." Huminga ako ng malalim at napailing na dumilat. Pero bigla akong nahiya ng makita na pinagtitinginan pala ako ng mga tao sa paligid ko at natatawa sila sa akin. Napatakip naman ako ng mukha at mabilis na umalis doon. Agad akong pumara ng tricycle para magpahatid sa amin dahil malapit na rin naman ako sa bahay. Nakakaloka ang araw na ito. Parang may hatid na pagkapraning ang lalakeng iyon kaya nahawa ako. Pumara agad ako ng matapat sa bahay namin. Nagbayad ako sa driver at bumaba. Kinalma ko ang sarili ko pero bumagsak pa rin ang balikat ko dahil sa dami ng iniisip ko ay hindi ko magawang kumalma. Napapalo ako sa noo ko habang papasok sa gate, pero bigla akong nagulat ng may sumabog sa harap ko na kinalundag ko pa. Nang makita na pamilya ko lang pala ang may pakana ay napabuga ako ng hangin at walang gana na lumapit sa kanila. "Happy birthday, NicNic!" Bati nila. Yeah. Ngayon nga pala ang 31st birthday ko. It means thirty-one na ako. Halos ayoko na nga mag-birthday dahil lalo lang pinapaalala sa akin kung gaano na ako katanda. Ang mga kapitbahay namin na kaedaran ko lang ay may mga anak at asawa na. Sa baryo namin ay ako na lang ang walang anak. Kaya ilap rin ang pamilya namin dahil nga tuksuhin kami na pamilyang manang. Hindi naman sa ganoon at hindi nila alam ang issue sa pamilya namin. Talagang hindi lang nag-asawa ang mga tita ko dahil tulad ko sila na wala namang nanliligaw. Dahil nga sa kanila kaya ganito ako manamit. Simula bata ay napaka-istrikta na nila at mahigpit sila sa klase ng pananamit. Masyado rin silang protective dahil ako lang naman ang nag-iisa nilang pamangkin. Si Inay ay nadisgrasya lang. At ang nakakaloka, imbes na maiyak sila na nadisgrasya si Nanay ay natuwa pa sila.. Kaya daw tumandang dalaga ang mga tita ko ay dahil sinumpa daw ang pamilya namin. Na hindi na dadami ang lahi namin dahil sa kasamaan ni Lolo na sumakabilang buhay na gaya rin ni Lola. Kaso, hindi naman totoo, dahil bakit si Inay na bunso sa kanila ay nagkaanak? At ako nga iyon. "Happy birthday, Anak. Thirty-one ka na ngayon. Alam ko na nape-pressure ka sa amin at sa sinasabi ng ibang tao. Kaya ayos lang kung hindi na kami magkaapo ng mga tita mo, ang mahalaga ay mag-enjoy ka kahit pa tumatanda ka na." ani ni Inay. "Wala na ba talagang pag-asa ang pamilyang ito? Sinuwerte lang ata kami sa 'yo, Maria." sabi ni Tita Rosalinda kay Inay. "Kung kay Kiko ka na lang kaya magpa-buntis, NicNic?" Napangiwi ako sa sinabi ni Tita Rosas. Si Kiko na mas malala pa sa akin ang itsura. Ano kaya kalalabasan ng anak namin? "Magpapahinga lang po muna ako." walang gana kong paalam at nanlalata na naglakad na ako para pumasok ng bahay. Umakyat ako ng hagdan mula sa labas at pagdating sa taas ay hallway na ng mga kwarto. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at pumasok. Napasandal ako sa pinto ng masara ko ito. Napahinga ako ng malalim at naglakad palapit sa kama. Binaba ko doon ang bag ko at naupo ako. Naisip ko uli ang lalake. Parang nakita ko na siya pero hindi ko lang matanto kung saan. Napahiga ako sa kama pero napangiwi ako ng maramdaman ang sakit ng balakang. "Aray." ngayon ko lang naramdaman ang sakit ng katawan ko. Sobra bang nag-enjoy ang lalakeng iyon kaya ganitong para akong nabalian ng balakang. Naupo ako habang nakahawak sa balakang ko. Bumuga ako ng hangin ng maraming beses at napahawak ako sa butones ng blouse ko. Isa-isa kong inalis ito pero napahinto ako ng mapansin na parang may kulang na isang butones sa blouse ko, pero nakiba't balikat na lang ako at pinagpatuloy ang pag-alis sa mga butones. Nang maalis ang lahat ng butones ay hinubad ko ang blouse ko. Napatingin ako sa katawan ko at napaayos ako ng salamin sa mata ko upang masiguro kung tama ba itong nakikita ko. Ang dami kong pula-pula sa balat at bakat din ang sipsip. Grabe naman ang lalakeng iyon! Parang pinutakte ang balat ko. Tumayo ako ng dahan-dahan at lumapit sa salamin. Tinignan ko ang katawan ko at bakat talaga ang pula. Napatingin ako sa leeg ko at halos mamula ako dahil mayroon din itong kiss mark. Matatanggal kaya 'to? Kinuskos ko ng daliri pero ayaw maalis. Tumigil ako at napahawak sa labi ko. Kahit kakaunti lang ang naalala ko kagabi ay malinaw sa isip ko at pakiramdam ang halik ng lalake. Kinikilabutan nga ako habang hinahalikan niya. Napakatamis at mapangahas siyang humalik. Wala akong alam sa halik, pero alam ko ang kinikilos ng labi niya kaya nasabi kong mapangahas. Umiling ako at tinapik ang pisngi ko. Kalimutan mo na iyon, Nicole! Ang mahalaga ay lalo kang mag dasal para matuloy ang pinapanalangin mo. Kundi, baka maniwala na talaga ako na wala na ngang pag-asa. Nahiga ako uli sa kama para mag pahinga saglit, dahil mamaya ay papasok pa ako sa pinagtatrabahuan ko. Sa pagpikit ng mata ko ay nakita ko uli ang mukha ng lalake na napaka-gwapo. Napangiti ako at hindi ko mapigilan na magpabaling-baling ng higa dahil inaamin ko na kinikilig ako. Nang hindi ko na talaga kaya itong nararamdaman ko ay napabangon uli ako at tumayo. Lumapit ako sa pinto at inumpog ang ulo ko doon. "NicNic! Kung babasagin mo rin lang ang bungo mo, halika rito at ako ang babasag." sita ni Tita Rosas. Napanguso ako at napahawak sa ulo ko. Aist! Makapag handa na nga lang at makapasok kesa ma-stress sa nangyayari sa akin. PAGDATING SA TRABAHO ko ay agad na sinalubong ako ni Beth at agad siyang humingin ng tawad. Sinabi ko naman na pinapatawad ko na siya at hindi ko na lang sinabi ang nangyaring one night stand sa pagitan ko at sa estrangherong lalake. Nakokonsensya ako dahil nagsinungaling ako sa bestfriend ko, pero ayoko na lumaki pa iyon dahil aminin ko man o hindi ay pabor sa akin ang nangyari. Dahil kung walang nangyari sa amin ng lalake, edi nganga ako, dahil hindi naman sumipot ang naka-deal naming lalake. Pareho kami ng pinapasukang trabaho ni Beth---sa Jara World---na isang hotel, restaurant, resort, and amusement park, at isang sikat na pasyalan ngayon. Hindi naman mataas ang ranggo namin ni Beth dahil house keeping lang kami sa hotel. At sa pagkakaalala ko ay ngayon ata ipapakilala ang bagong boss namin. Actually, si Sir Louie Vergara ang siyang nangangasiwa sa amin, pero ngayon ay mayroon atang mauupo sa puwesto ni Sir Jam Philip Esteban para pangasiwaan iyon. "Hi, Nicole!" bati ng mga kasamahan ko ng makarating ako sa locker room namin. Bumeso ako sa kanila habang nagmamadaling sinuot ang name plate ko. "Haggardo versoza ka na naman, Bes." ani ni Beth na binuksan ang locker niya na katabi lang ng akin. "Wala namang magbabago kahit pa hindi ako haggard. Tsaka konting foundation, lipstick, at suklay lang ay ayos na." kinuha ko ang salamin ko sa mukha at foundation. Nag-retouch ako ng mukha dahil kailangan na presentable pa rin kahit na wala naman akong hilig sa make-up. "Ang hard mo sa sarili mo. Dapat kasi ay mag-contact lens ka at palitan mo na ang style mo. Manang na manang ka. Paano ka talaga magkakaanak n'yan? Baka kaya hindi na sumipot ang lalake dahil kinikilabutan sa 'yo." Ganyan ka pranka magsalita si Beth. Sanay na ako dahil kaya niya sinasabi 'yan ay para turuan ako, pero wala, magkaiba talaga kami. Hindi rin naman sobrang ganda si Beth, pero may ganda naman siya kumpara sa akin. Sexy rin siya manamit at papalit-palit ng boyfriend.. Mula elementary ay classmate ko na siya kaya siya ang pinaka-bestfriend ko sa lahat. "Hayaan mo na, ayos na ako, hindi ko na kailangan." Agad niya akong hinarap sa kanya kaya nabigla naman ako. "Ano? Hindi mo na kailangan? Bakit? May ibang yumugyog sa 'yo?" Tinakpan ko ang bibig niya dahil ang lakas ng pagkakasabi niya. Nahiyang ngumiti ako sa mga katrabaho namin na napapatingin sa amin. Tinignan ko si Beth na pilit inaalis ang kamay ko sa bibig niya. "'Wag ka ngang maingay.' Suway ko sa kanya at napahinga ako ng malalim bago binitawan ang bibig niya. "Umamin ka nga, Bes, hindi ka na virgin?" mahinang tanong niya. Tinignan ko siya at siguro p'wede ko naman sabihin sa kanya, sa kanya lang. Tumango ako ng dahan-dahan kaya napatili siya. Sinuway ko siya kaya nag-piece sign siya sa mga kasama namin. Agad niya akong hinatak sa dulo ng locker room at nakaharap kami sa pader. "Ano? Bakit nagsinungaling ka sa akin? Guilty pa naman ako dahil nag-back out ang nirereto ko, tapos 'yun pala ay nagkawang-gawa ka sa sarili mo. Ano, anong itsura ng guy? Gwapo ba? Yummy? Magaling ba sa kama? Anong size ng manhood niya?" Halos maubusan ako ng hininga sa sari-saring tanong ni Beth na halos ikapula ko. "A-ano kasi, nalasing ako kagabi, kaya hindi ko na tinignan ang mukha ng lalake at agaran na rin akong umalis. Basta may nangyari, pero hindi ko maalala kung paano kami nag gano'n. Alam mo na. . ." nahihiya kong sabi at nagsinungaling na rin sa part na hindi ko nakita ang mukha ng lalake. Napangiwi ako ng hampasin niya ako sa braso kaya hinatak ko ang buhok niya para makaganti. "Ang tanga-tanga mo naman, Bes. Nandoon na, e. So, paano natin malalaman kung ano ang magiging lahi ng anak mo kapag nabuntis ka?" "Grabe ka! Lahi talaga? Ginawa mo naman akong aso." Humalukipkip siya at tinignan ako habang ngiting-ngiti. "Pero in ferness, hindi ka na virgin, Bes. Hay, maganda sana kung nakita mo ang mukha ng guy para ma-stalk natin at malaman natin kung ano ba siya. Malay mo rich guy, edi, bongga ka day! Pero hindi naman ba, foreigner?" umiling ako, "Sayang naman, baka ma-typehan ang beauty mo kung sakaling foreigner nga iyon." Inirapan ko siya, "Ewan ko sa 'yo. Buti na lang, kabisado ko na ang bunganga mo. Sakit mo magsalita." "Bes, pranka lang tayo. Tsaka hindi kita nilalait, nagsasabi lang ako ng totoo." Niyakap niya ako kaya siniko ko siya ng mahina para umalis ng yakap, pero hindi naman siya umalis at hinalikan pa ako sa pisngi kaya diring-diri na pinunasan ko ang pisngi ko na kinatawa niya. "Hoy! Kayong dalawa. Start your work. Tama na ang chismisan at kailangan n'yong kumilos ng mabilis dahil ngayon ang dating ng bagong boss natin." Napaayos kami ni Beth ng sitahin kami ni Ma'am Ayessa. "Yes, Ma'am." tugon namin ni Beth at mabilis na naglakad para umalis ng locker room. Naglakad kami para sana kunin ang gamit namin sa panlinis pero nagkatinginan kami ni Beth ng tumunog ang bell hudyat na kailangan naming mag punta sa entrance para sa salubungin sa bagong boss namin. Halos mag madali kami ni Beth kahit hirap din kami sa paglalakad dahil naka-high heels pa kami pareho. Naroon na agad sa bungad ng entrance ang ibang katrabaho naming house keeping, attendant, bell boy, at front office staff, maging ang mga manager at matataas ang rango sa hotel. Tumayo kami ng deretso pahalang na tig dalawang row sa bawat side kung saan dadaan ang bagong boss namin. Nasa pangalawang row kami ni Beth habang tuwid na tuwid ang tayo. Habang ang mga kamay ay nakadikit sa aming tiyan at magkasiklop. Ang mga house keeping ay pink ang uniform na para na rin kaming flight attendant sa design ng suot namin. Habang ang matataas ang rango ay brown at black. Tumingin ako sa entrance ng may humintong sasakyang itim. Bale tatlong kotseng itim na magagara at halata mong mayaman ang sakay dahil napaka-kinis ng sasakyan para bang hindi nadadapuan ng ano mang alikabok o dumi. Bumukas ang mga pinto ng kotse at nagbabaan ang mga kasama ng bagong boss namin. Ang gitnang kotse na sakay no'n ang siyang huling bumaba. "Lakasan n'yo ang pamungad na bati n'yo at ayokong mapahiya." Sabi sa amin ni Ma'am Ayessa kaya mahinang tumugon kami sa pag-unawa sa sinabi niya. Tumingin kami sa entrance ng makababa na ang bagong boss namin. Nanlaki ang mata ko at napaayos pa ako ng salamin sa mata ko upang tignan kung tama ba ang nakikita ko. Pero nang makita ko nang malinaw ang mukha ng lalakeng huling bumaba at ngayon ay nauuna siyang maglakad habang seryoso ang tabas ng mukha na pumasok ng hotel. Bigla akong hindi mapakali sa kinatatayuan ko dahil kinakabahan ako na baka makilala ako nito. Ang lalake lang naman kasi na boss ko pala ay walang iba kundi ang lalakeng naka-one night stand ko! Agad akong napayuko ng mag yukuan ang lahat ng staff. Dinig na dinig ang tunog ng mga sapatos at halos itago ko ang mukha ko sa ginawang pagyuko ko upang 'wag lang niya akong makilala. "Welcome to Jara's World, Sir!" bati ng lahat kaya nakisabay ako habang nanginginig ang boses ko. Medyo inangat ko ang tingin ko upang malaman kung nasaan na ito, pero nanlaki ang mata ko at agad na niyuko uli ang ulo ko ng mapalingon ito sa gawi ko. Huminto siya paglalakad kaya napahinto rin ang mga nakasunod sa kanyang mga board members. "Patay! Si Jobert, yari." bulong ni Beth. Tumingin ako kay Beth at nakataas na pala siya ng tingin. Kaya dahan-dahan pa akong nagtaas ng mukha. Nakahinga ako ng maluwag ng mapagtanto ko na kay Jobert pala ito huminto na nasa unahan lang hilera namin. "I saw you yesterday, right?" maangas nitong sabi habang pinapagpag ang uniform ni Jobert na ngayon ay nakayuko na, "So, I don't want to see you anymore. You're fired." Napamaang ako sa sinabi nito. Sinundan ko ito ng tingin at naglakad na ito na parang nakapaskil sa buong pagkatao niya na "'Wag humarang. Ang humarang ay giba!" "Ano ang ginawa mo at pinatalsik ka, Jobert?" tanong ng mga kapwa niya bell boy. "Siya 'yung lalake sa bar na pinagtripan kong basagan ng bote sa ulo. Hindi ko naman akalain na siya ang anak ni Sir Jam." Napailing sa kanya ang lahat at isa-isa ng umalis ang mga katrabaho namin at iniwan na nanlulumo si Jobert. "May pagkamalupit pala ang boss natin. Pero Bes, super duper gwapo niya. God! Ang hot! Ang bango-bango pa niya sa suot niyang formal suit. Tapos ang lakad, parang modelo ng calvin klein. Jusko! Gaganahan ata akong mag trabaho ngayon." Panay ang yugyog sa akin ni Beth habang ako ay nanlulumo rin gaya ni Jobert dahil ang lalakeng iyon ay iisa lang pala ang pinagtatrabahuan namin. Paano kung makilala niya ako? Paano kung tanggalin din niya ako sa trabaho dahil mandidiri siya sa akin oras na makilala niya na ako ang naka-one night stand niya? "Hoy, Bes! Tulaley ka na naman. Ano, ini-imagine mo si Sir?" Agad akong umayos ng postura at inilingan siya at iniwan ko siya sa kinatatayuan niya. "Ayiiiee! Nakakakilatis ka rin pala ng gwapo. Nagba-blush ka, Bes. Ano, mga ganoong ka-gwapo ba ang naka-s*x mo?" Tinakpan ko ang bibig niya at pinanlakihan ko siya ng mata. "Tumahimik ka nga! T-tsaka hindi gwapo ang lalakeng nakakuha ng dangal ko." Binitawan ko ang bibig niya at nandidiri na pinunas ko sa panyo ko ang laway niya. Dilaan ba naman ang kamay ko. "Pwe! Ang pait ng kamay mo." aniya na napapangiwi, "Pero anyway, malas mo naman, Bes. Pangit ba talaga ng naka-one night stand mo?" Tumango ako kahit gusto ko ng lumuhod kay Beth sa dami ng kasinungalingan na sinabi ko sa kanya. Pero lalong ayokong ipagsabi kung sino ang naka-one night stand ko. Mahirap na, baka lalo lang akong malagay sa maling sitwasyon. TULAK-TULAK KO ang cart na gagamitin ko sa paglilinis ko habang natutulala ako. Niliko ko sa daan patungo sa kabilang hallway ang cart kung saan ang rooms na naka-assign sa akin, pero nanlaki ang mata ko at agad na niyuko ko ang mukha ko ng makita na makakasalubong ko ang bagong boss namin kasama ang mga tauhan niya. Kumakabog ang dibdib ko habang todo tago ako ng mukha sa cart. Nang malagpasan ko sila ay nakahinga ako ng maluwag. "Wait." Napahinto ako at nanginig ang kamay na humawak sa cart habang hindi ko pa rin siya hinaharap. Mas lalo akong kinabahan ng marinig ko ang yapak niya hudyat na palapit siya sa akin. Huminto siya sa likod ko dahil ramdam ko iyon. "Face me." utos niya kaya napapikit ako at bumitaw sa cart. Nanginginig na unti-unti akong humarap sa kanya habang nakayuko pa rin. Halos pigilan ko ang hininga ko at hindi nag-aangat ng mukha. "B-bakit po, S-Sir." "You are the house keeping attendant, right?" tanong niya. "O-opo.." tugon ko habang nauutal pa ako. "Kung gano'n ay gawin mo ng maayos ang trabaho mo. Hindi ka sinu-swelduhan para lang makakita ako ng ganitong dumi sa hotel." Nabigla ako ng ilapat niya sa noo ko ang nahulog na papel galing sa cart ko. Napahawak ako sa papel habang natulala sa ginawa niya. Napaangat ako ng tingin at nakita ko na lang ang likod niya. Pero napaisip ako. Ibig sabihin ay hindi niya ako namukhaan? Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Pero bigla naman sumama ang tingin ko sa kanya dahil sa ginawa niya. Napakasama naman pala niya! Gwapo nga, pero ang ginawa niya sa akin na dikitan ng papel ang noo ko na parang pader ay hindi katanggap-tanggap. Mabuti na lang talaga at hindi ko nasabi kay Beth kung sino ang naka-one night stand ko dahil tiyak na pagsisisihan ko lang. Copyrights © MinieMendz

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
72.8K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook