KABANATA 1

3749 Words
LUNCH BREAK AY namamahinga ako matapos kong kumain. Nakaramdam ako ngayon ng antok dahil na rin sa puyat at pagod ko kagabi. Isabay pa ang pananakit ng balakang ko kaya agad din akong napagod. "Nicole.. Nicole.." Napadilat ako at napaayos ako ng upo ng makita ko si Jane na katrabaho ko. "Bakit?" "Pumunta ka daw sa private pool sabi ni Mam Ayessa. Dalhan mo raw si Sir Jace ng towel at robe." Tila ako nagising sa sinabi niya. Napatayo ako at napabukas-sara ang bibig ko dahil ibig kong umayaw ngunit napatingin ako sa kamay ko ng ilagay ni Jane doon ang towel at robe. "Ako talaga ang inuutasan, pero kasi kinakabag ako. Please, ikaw na lang magdala, ha? Sige. Salamat." Nakahawak siya sa tiyan niya na mabilis umalis. Hindi naman ako mapakali dahil hindi ko pa handa na makaharap muli si Sir Jace. Pero wala na akong choice dahil kundi baka masisante pa ako. Napahinga ako ng malalim at lumakad na habang dala ang towel at robe na tuping-tupi. Habang palapit na palapit na ako sa private pool area ay pakabog na pakabog naman ang dibdib ko sa kaba. Lumunok ako at napahinto sa golden door kung saan may nakasulat sa pinto na private pool. Pinakalma ko ang sarili kahit nanginginig na ang buong katawan ko. Hindi ko alam pero takot na akong makaharap siya lalo't sobrang sungit pala niya. "Nicole, anong ginagawa mo d'yan?" Napalingon ako kay Sir Louie at bigla akong nahiya dahil nakita pa niya na para akong tanga na nakatunganga sa pinto habang hindi mapakali. "A-Ah, papasok po sa private pool." Ngumiti ito at lihim akong napangiti dahil ang gwapo din nitong si Sir Louie. Kapatid niya 'yung si Ma'am Hera na asawa ni Sir Jam. Tumingin siya sa pinto at pinagbuksan pa ako na lalo kong kinahiya. "Pumasok ka na at baka hinihintay na ni Jace iyan." "S-Sige po." Tumango siya at ngumiti na naman kaya nahiyang tumugon ako ng ngiti rito. Tumingin muli ito sa hawak niyang record files at umalis na sa tabi ko. Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa mawala siya ng lumiko siya sa hallway. Tumingin ako sa pinto na nakabukas na at lumunok muna ako ng maraming beses bago humakbang. Dahan-dahan akong pumasok at maingat ko ring sinara ang pinto ng makapasok ako. Tumingin ako sa paligid at isang pang-olympic pool agad ang bumungad sa akin. May mga sun-lounger din sa paligid at mga halaman na nakapaso. Lumakad ako habang tinitignan sa pool kung nasaang parte si Sir Jace. Hindi ko siya matanaw dahil nga malaki ang pool. Kung iwan ko na lang kaya rito ito para hindi na kami magkaharap? Pero baka ako ang mapagalitan kung hindi ko gagawin ng maayos ang trabaho ko. "Sir Jace.." mahinang tawag ko. Wala pa ring umaahon kaya lumakad pa ako. Nang makita ko ito na lumalangoy na patungo sa hagdan ng pool ay bumuga muna ako ng hangin bago nagmadaling lumapit sa hagdang tinutungo niya. Huminto ako at kasabay ng paghinto ko ay pag-ahon nito kaya tumalsik ang tubig at napapikit ako dahil tumalsik sa mukha ko ang tubig. Dumilat ako at lumabo ang salamin ko dahil may ilang patak ng tubig doon. Hinubad ko ang salamin ko para punasan ang salamin nito at agad ko ring sinuot habang pinupunasan ko ang mukha ko. Tumingin ako kay Sir Jace ng makaahon ito at napatanga ako na napatingin sa katawan nito ng bumalandra ito sa mga mata ko habang paahon siya mula sa pool. Tumutulo ang tubig mula sa buhok niya pababa sa katawan niya. Hindi ko mapigilan na mapatingin sa maganda niyang katawan at moreno niyang balat na para bang napakaperpekto ng bawat muscle at guhit ng katawan niya. Naka trunk short siya kaya napasamid ako at napamaang dahil bakat ang umbok niya. "Towel." aniya sa malalim na tono kaya nagising ako sa pagkakatulala sa katawan niya at natarantang kinuha ko ang towel at nanginginig pa akong inabot iyon sa kanya habang hindi makatingin sa kahihiyan. Kinuha niya iyon pahaklit at agad siyang nagpunas ng buhok at naglakad. Lumapit siya sa sun-lounger pero napahinto syia at nilingon ako. Napalunok naman ako at napababa ng tingin dahil nakakaba ang tingin niya. "Are you nuts?" "P-Po?" "Put that robe to me, tsk." asik niya sa akin. "O-Opo.." Agad akong lumapit sa kanya at pumunta sa likod niya. Hinawakan ko ang roba at nilahad sa kanya. Nilusot niya ang mga kamay hanggang matakpan na ang katawan niya. Humarap siya sa akin kaya bumalandra na naman sa mga mata ko ang dibdib niya na mabalbon at ang biyak-biyak niyang tiyan na puro muscle. "Anong tinitingin-tingin mo?" "H-Huh?" agad akong napaiwas ng tingin sa dibdib niya at napatingin ako sa mukha niya dahil nahuli niya akong pinagmamasdan ang katawan niya. Napalunok naman ako at napaayos ng salamin sa mata. May tinitignan siya sa leeg ko kaya napahawak ako sa leeg ko, "W-Wala na po ba kayong ipag-uutos?" Tinali niya ang sinturon ng roba at naupo siya sa sun-lounger bago ako sinenyasan gamit ang kamay niya na parang tinataboy. "U-Uhh, s-sige po.." Tumalikod ako sa kanya at humakbang na ako para sana magmadaling umalis, ngunit nanlaki ang mata ko ng dumulas ang mga paa ko na nakaapak ng tubig ng hindi ko napapansin. Napapikit ako dahil akala ko ay mapapaupo ako sa sahig. Pero napadilat ako at nanlaki ang mga mata ko na napalingon kay Sir Jace na siyang naupuan ko. Banas ang mukha niya dahil napakandong ako sa kanya. Agad akong napatayo pero napaupo akong muli sa kanya dahil dumudulas na naman ang suot kong sapatos. "I-I'm s-sorry, S-Sir." nagkakanda-utal kong paumanhin at inalis ko ang sapatos ko, saka ako mabilis na tumayo dahil nakakahiya na ang pag-upo ko sa kandungan niya. Umalis ako sa naapakan kong tubig at tumingin ako sa kanya. Banas ang mukha niya habang nakatingin sa akin. "Leave!" Agad akong yumuko ng maraming beses bago naisipan na kumaripas ng takbo. Napapalo ako sa noo ko ng maraming beses habang hawak ang high heels ko. Nang makalabas ako ay napasandal ako sa pinto at hingal na hingal akong lumanghap ng hangin. "Ang clumsy-clumsy mo, Nicole!" Patuloy ako sa pagpalo ko sa noo ko at lumapit ako sa pader para i-umpog ang ulo ko doon. Napangiwi ako at tumigil habang nakahawak sa noo ko. Tinignan ko ang sapatos ko at naiinis ako rito dahil mga pahamak ito. "Kainis naman! Ilang oil kaya nilagay ni Inay rito? Hindi ko na ito isusuot pa! Kainis!" Pero wala rin akong choice ngayon kundi ang isuot ito. Tumingin pa ako sa pintuan at nainis sa lalakeng iyon. Napakasungit! Parang laging banas. Pero kanina habang nakaupo ako sa kanya ay naramdaman ko ang umbok niya na naupuan ko. Tapos para akong nauupo sa sumisiklab na upuan na hindi kailanman man ako magiging komportable. Naglakad na ako habang dala-dala ang panlulumo ko sa sarili dahil doon pa talaga umiral ang pagkalampa ko. Nang makarating sa house keeping department ay nakita ko si Beth na napatingin sa akin. "Para ka naman nalugi sa itsura mo, Bes? Anong nangyari?" "A-Ah, wala.." lumapit ako sa kanya at kela Jane. "Pasensya ka na talaga dahil ikaw pa ang nagdala ng towel kay Sir." Umiling ako kay Jane at lumapit sa mga bagong labang blanket na kailangan plantsahin at tiklupin. "Ayos lang.." "Bakit, napagalitan ka ba, Nicole?" Tumingin ako kay Jane at umiling dahil halatang guilty siya. "Ayos lang, hindi naman masyado." "Sorry." Tumango na lang ako at hibang na ginawa ang trabaho ko. Lumapit sa akin si Beth habang siya ang nagtitiklop at si Jane ang namamalantsa. "Anong tunay na nangyari, Bes?" Kilala ko na siya. Malakas ang pakiramdam niya na meron pang nangyari sa akin kaya parang nanlulumo ako. "Wala.. Nadulas lang ako sa harap ni Sir." "What?!" Pinatahimik ko siya dahil baka marinig pa kami sa labas at masita kami. "Ang clumsy mo talaga, Bes. Sa harap pa talaga ng ating napaka gwapo, napaka sarap, napaka hot, at napaka sungit na boss nadulas? Hahaha.." Tinignan ko si Beth dahil napaka suportive talaga niyang bestfriend. "Tsk." "Pero, Bes, aminin, masyadong nakaka intimidate si Sir kaya ka nadulas." Inilingan ko siya at hindi na pinansin. Pero napaisip ako at nag-init ang pisngi ko ng maalala kung ilang beses pa akong napaupo kay Sir Jace. Iyon na ata ang pinaka nakakabanas na nangyari sa buhay ko dahil sa pagkalampa ko. Pinagpatuloy ko na ang ginagawa at nang matapos ay lumabas ako ng house keeping department habang tulak-tulak ang mga cart kung saan nakalagay ang gamit na panlinis ko. Tinungo ko ang front desk para kumuha ng key card para sa lilinisin kong room. "Key card sa room 306, 104, 274." Tumango si Ailyn kaya tumingin muna ako sa malaking flat screen t.v sa lobby habang hinihintay na ibigay sa akin ang card. Nakita ko na isang commercial ng pabango ang umeere. Napangiti ako dahil ang napakagandang si Ms. Giuliana Jimenez, ang model no'n. "Oh, she's so gorgeous.. I heard she's Sir Jace girlfriend." Napamaang ako sa narinig kong chismisan ng ilang front desk staff. G-Girlfriend ni Sir Jace si Ms. Giuliana? "Nicole.." Napatingin ako kay Ailyn na banas na tila kanina pa ako tinatawag. "Ah, sorry." Kinuha ko ang key card na inaabot niya at panay ang paumanhin ko rito na kinailing nito. Binulsa ko ang key card at muling tumingin sa t.v. Napakaganda nga ni Ms. Giuliana. Kaya hindi nakakapagtaka kung ang maging nobyo niya ay kapantay niya. Ang alam ko lang kay Ms. Giuliana ay modelo ngunit may make-up line din siya at perfume line. Yung ineendorse niya ay iyon ang product ng perfume line niya. Sikat na sikat rito si Ms. Giuliana dahil binansagan din siyang Goddess. At maraming lalakeng humahanga sa taglay niyang ganda, alindog, at ka-sexyhan. Habang narito na ako sa room na nililinisan ko ay naisip ko na mabuti na lang pala at hindi ko sinabi kay Beth kung sino ang nakatalik ko kagabi. Dahil tiyak na makakasira ako ng relasyon. Magiging malaking lihim ko ito kung sakali. Alam ko na mahihirapan akong itago pero kailangan. Nang matapos ako sa isang room ay tulak-tulak ko ang cart patungo sa elevator para pumunta sa second floor. Para sa pangalawang lilinisan ko. Nang bumukas ang elevator ay napalundag pa ako sa gulat ng may maliit na batang babae na sosyal ang outfit. Naka shade, naka animal coat pa, naka dress na pambata na itim, at naka heels pa na pambata rin. May nakasabit sa braso niya na bag na pula at ang mas napansin ko ay naka red lipstick ito. Pumasok ako habang hindi ko mapigilan na mapalingon rito. May dalawa siyang bodyguard sa tabi na parang mga posteng nakatayo habang naka formal suit na suot at with shades din. Ngumisi ang bata kaya napaiwas ako ng tingin at naguguluhan na tumingin na lang sa pinto ng elevator. Ang creepy ng ngisi ng bata. Nang narito na ako sa second floor ay tinulak ko ang cart ko ngunit nagtaka ako dahil parang bumigat. Kaya nahirapan tuloy akong itulak ito sa hallway. Huminto ako sa saglit para huminga at pagkaraa'y tinulak ko muli. Nang matapat ako sa room na lilinisan ko ay kinuha ko ang key card sa bulsa ng apron ko at binuksan ang pinto. Tinulak ko muli ang cart kahit sobrang bigat nito. Grabe, hindi naman ganito dati kahit naglalagay ako ng maruming mga kumot. Pero ngayon ay sobrang bigat kahit isang room pa lang ang nalilinis ko. Nang makapasok ako sa room ay nagpahinga lang ako saglit. Yumuko ako para kunin ang panlinis ko pero nagulat ako na napaatras ng bumulaga sa akin ang bata na kanina'y nasa elevator. "Finally.." aniya at lumabas mula sa ilalim ng cart ko. Umayos ako ng tayo habang hindi pa rin makapaniwala na nakatingin sa kanya. "Anong ginagawa mo d'yan, bata? Naku, baka hanapin ka ng mga kasama mo.." "Your name?" imbes na sagutin ang tanong ko ay nagtanong rin siya. "Uhh, Nicole.." "Okay. 'Wag mong sasabihin na narito ako." "Huh?" Imbes na sagutin ako ay inalis niya ang suot na animal coat at bag, saka niya nilapag sa kama ang mga iyon. Tinaas niya kaunti ang mga kamay niya at tumingin siya sa akin na kinaguluhan ko. "Buhatin mo ako at iupo sa kama." "S-Sige.." hinawakan ko siya sa ilalim ng kili-kili niya at binuhat paupo sa kama. Ang liit niya pero ang bigat. "Okay, maglinis ka na. Don't mind me.." "Pero--" "Shhh.. I said don't mind me.." Ang awtoridad naman ng tono ng batang ito at parang matanda na kung kumilos. "I'm ten years old." Impit na natawa ako sa sinabi niya. "Ano? Ten? Parang four years old ka lang." Kumuno't ang noo nito. "Are you insulting me?" Nagpigil ako ng tawa at umiling. Napaasik siya at napatingin ako sa legs niya ng mag cross legs siya. Napatakip ako ng bibig dahil pati biyas niya ay maikli. Para siyang batang naka high heels na hindi naman dapat. "Sure ka bang ten years old ka na?" "Yeah. You need my birth certificate?" Umiling ako at ngumiti na lumuhod sa harap niya. "'Wag kang maglikot rito at pagkatapos ko ay dadalhin kita sa front desk dahil baka hinahanap ka na ng mga kasama mo." Kahit ang liit niya para sa edad na ten ay ang gandang bata naman. Namumula pa ang cheeks na alam kong natural. Ang kinis pa ng kutis at ang cute ng maliit niyang height. "Ayoko. Dalhin mo ako sa kuya ko." "Huh? Kuya mo? Saan?" "Dito nag-work si Kuya." Napatango naman ako at tumayo na. "Okay. Pero sandali lang at tatapusin ko lang ang paglilinis ko dahil baka masesante ako." Tumango siya at nahiga kaya napangiti ako. Ang cute niyang kausap at parang sarap alagaan. Kung magkakaanak man ako ay sana kasing cute niya. Nagpatuloy ako sa paglilinis at inuna ko muna ang mga kalat sa paligid. Nag-vacuum din ako at pagkatapos ay sa banyo naman ako. Nang matapos ay kama naman ang inayos ko. Kaso pinapahirapan ako ng batang ito dahil nang paalisin ko muna siya sa kama ay imbes na bumaba ay sumampa siya sa likod ko kaya wala akong choice dahil kapit na kapit siya sa leeg ko. Nagpalit ako ng kobre kama habang nakayuko dahil nga ang bigat din ng batang ito. "What is this?" Napatigil ako sa pagpalit ng punda ng unan ng tusukin ng daliri ng batang ito ang leeg ko. "Huh?" "This. The red mark." Namula naman ako at nasamid dahil hanggang ngayon ay bakat pa rin pala ang kiss mark. At nakita pa iyon ng bata kahit nakatakip ng scarf ng uniform ko. "Ah, wala iyan, kagat lang ng langgam." "No, I think this is a lip bite." Ano ba naman 'to? Bakit ang talino nito? Hindi ko ata magogoyo. "'Wag munang pansinin. Nagkagatan lang kami ng bestfriend ko." "Okay." Bumuga ako hangin at nagpatuloy na sa ginagawa ko para madala ko na rin siya sa sinasabi niyang kuya. Nang matapos na ako sa paglilinis ng room ay hawak ko na ito sa kamay habang ang isang kamay ko ay tulak-tulak ang cart. Nasa hallway na kami patungong lobby pero napahinto ako at binitawan ang kamay niya ng tumunog ang phone ko. Inay: Anak, ibili mo nga ako ng gamot sa sakit ng ulo pagkauwi mo. Napahinga ako ng malalim dahil tiyak na inaatake na naman si Inay ng migraine. Ako: Sige po. Magpahinga na lang po kayo ng hindi na masyadong sumakit ang ulo n'yo. Matapos kong replyan si Inay ay binulsa ko na ang phone ko at tumingin sa gilid ko para sana muling hawakan ang bata, ngunit napatingin ako sa paligid at sa likod ko dahil hindi ko makita ang bata. "Nicole.." Tumingin ako kay Sir Louie na nagtataka kung bakit huminto ako sa gitna ng hallway sa lobby. "Ah, may hinahanap lang pong bata. Narito lang po kasi siya sa tabi ko tapos nawala ng malingat lang ako." Tinignan ko ang ilalim ng cart dahil baka lumusot na naman sa ilalim ng cart ko, pero wala naman doon. "Bata? Bakit may kasama kang bata?" "Dadalhin ko po sana sa front desk para matulungan akong hanapin ang kuya nung bata.." Napatango si Sir. "Sige, patignan muna lang sa cctv at baka kung saan lumusot ang bata." "Sige po." Nang umalis si Sir Louie sa harap ko ay napakamot ako ng pisngi at tumingin sa paligid. "Bata? Where are you?" Saan kaya nagsuot ang batang iyon? Hindi ko pa naman natanong ang pangalan niya. Tinulak ko ang cart at tinungo ang cctv department gaya ng suhesyon ni Sir Louie. "Dito sa bandang hallway ng lobby iyon, e." Hindi makita ang bata dahil marami rin ang dumaan no'n ng hindi ko napansin.. Saka naman ang dating ni Sir Louie. "Istorbo ka sa trabaho ko." Nasungitan tuloy ako ng maintenance na nakatoka sa cctv ngayon dahil wala naman siyang makita na sinasabi ko. Lumabas ako at inis na nilingon ko pa ang pinto na pinaglabasan ko. "Ang sungit! Hmp!" Bakit kaya ang susungit ng tao ngayon? Parang nagtatanong lang, e. Napabuntong-hininga ako at hiniling ko na sana ay nahanap na ng bata ang kuya niya ng hindi naman ako mag-isip na baka nawala ito rito. Sa laki ng Jara World at mahihirapan akong nahapin ito kung sakali. Tinulak ko na muli ang cart para puntahan ang isang room na hindi ko pa nalilinisan. Tumapat ako sa elevator at hinintay na bumukas ito. Nang bumukas ay pumasok ako at napaangat ako ng tingin para tignan ang iba pang tao sa elevator. Pero napamaang ako ng bumungad si Sir na nakapikit habang nakasandal sa elevator. Napaabante ako ng may magpasukan rin. Nanlaki ang mata ko ng mapadikit ako kay Sir. Pilit kong umatras kaso agad na napuno ang elevator sa dami ng pumasok. Napadilat ito at tumingin sa akin na may talim ang mga tingin niya. "S-Sorry po, S-Sir.." Lumingon ako sa likod ko at kaya pala agad napuno dahil matabang babae ang nasa likod ko. Hindi ako makaatras kaya lalo pa akong nadidiin sa katawan ni Sir na sobra kong kinailang. Napatingin ako muli kay Sir at napasinghap ako ng hawakan niya ako sa baywang at namalayan ko na lang na ako na ang nakasandal sa pader ng elevator ng pagpalitin niya ang posisyon namin. Pumatong ang mga kamay niya sa magkabilang gilid ng ulo ko kaya nanlalaki ang mata ko habang nanigas na ako sa kinatatayuan ko. Tumatama ang hininga ni Sir sa akin kaya nawala ang gulat ko at napatingin ako sa mukha njya. Maputla siya at mabibigat ang hininga na kinataka ko. "S-Sir.." "I-I need air.." nanghihinang sabi niya. "P-Po?" Dumilat siya kaya nabigla ako ng makita ang mapanganib niyang tingin. Nagulat ako ng hawakan niya ang panga ko kaya napabuka ako ng bibig. Nanlaki ang mga mata ko at lalo pa akong nanigas sa kinatatayuan ko ng lumapat ang labi niya. "Give me air." bulong niya ng ilayo niya kaunti ang labi at muli ilapat ang labi niya sa akin matapos sabihin iyon. Napahugot ako ng hangin habang parang hinihigop niya ang hininga ko. Para akong pinalalambutan ng tuhod sa nangyayari ngayon. Lumibot ang paningin ko at napatingin sa amin ang mga kasama namin sa elevator na napanganga. Sinong hindi mapapanganga? Halos gawin akong oxygen sa klase ng pagsupsop ni Sir sa labi ko. Nanginginig ang mga kamay ko at pumikit ako dahil para akong nauubusan ng hangin. Kumakabog ang dibdib ko at hindi ko alam kung bakit para akong dinadala sa ibang dimensyon ng kanyang labi. Pero napanguso ako ng mawala ang labi ni Sir. Kaya dumilat ako at umakyat ata ang dugo sa mukha ko ng makitang naiwan akong mag-isa sa elevator at nakita ko na lang ang likod ni Sir. Napahawak ako sa labi ko. Napapikit ako at napapalo sa noo ko dahil bigay na bigay pala ako. Agad kong tinulak ang cart ng makita na malapit ng magsara ang pinto ng elevator. Nang makalabas ako ay tumingin ako sa magkabilang parte ng hallway para hanapin si Sir at nang hindi ko na makita ay napabuntong-hininga ako. Ano kaya nasa isip no'n at hinalikan ako para kumuha ng hangin. Saka bakit kaya siya namutla bigla? Napahawak ako sa labi ko at muli kong natikman ang klase ng halik niya katulad din ng paghalik niya kagabi. Napapalo ako muli sa noo ko dahil balak ko sanang yumakap sa kanya at tumugon kung hindi lang siya agad nawala. "Hoy!" Napalundag ako sa gulat ng gulatin ako ni Beth. Natawa siya sa itsura ko kaya napaayos ako ng salamin sa mata ng malaglag ito sa mata ko. "Para kang tanga. Pangiti-ngiti ka tapos panay ang palo mo sa noo." "Kainis ka naman! Bakit ka ba nanggugulat?" "Kanina pa kasi tinatawag ng matanaw kita rito. Tapos ikaw ay parang hindi mo naririnig. Anong nangyari sa iyo at para kang nanuno?" Umiling ako at hindi pinahalata kay Beth ang nararamdaman ko. "Wala. Saan ka ba papunta?" "Tapos na ako sa naka assign ko rito. Ikaw?" "Papunta pa lang sa naka assign sa akin." sabi ko. "Ah, ganoon.. Oo nga pala, nalaman ko na girlfriend pala ni Sir Jace si Ms. Giuliana." Natigilan ako at parang nawala ang kinikimkim kong kilig ng banggitin niya si Sir Jace at si Ms. Giuliana. "Pero sabagay, bagay naman sila. Kaso sinasabi ng mga chismosa na swerte daw ni Ms. Giuliana dahil tiyak na ito ang pakakasalan ni Sir Jace sa near future.." Tumikhim ako at ngumiti kay Beth. "Bakit parang hindi ka naman sang-ayon doon?" Gusto kong batukan ang sarili ko dahil bakit ako kinikilig sa lalakeng may nobya na. Ang tanga ko dahil kung ako si Ms. Giuliana ay masasaktan kapag nalaman niyang may nakahalikan ang nobyo niya na ibang babae. "Kasi kung talagang siya na ang papakasalan ni Sir Jace, dapat pinakasalan na siya noon pa lang, 'di ba?" Napailing ako sa kanya. "Syempre malay mo si Ms. Giuliana ang ayaw pa." Inismiran ako ni Beth. "Sus! Kung ayaw niya, baka magsisi siya kapag naagaw sa kanya si Sir. Ang tipo pa naman ni Sir ang habulin at hindi na dapat pinapakawalan." aniya na tila pinagpapantasyahan pa si Sir. "Ewan ko sa iyo. Sige na, baka masisante pa tayo dahil nagchichismisan pa tayo rito." "What ever." Natawa ako at tinulak ang cart ko ng pumasok na si Beth sa elevator. Pero nawalan ako ng gana sa katotohanan na hindi dapat ako matuwa na mahalikan ng kagaya ni Sir. At saka baka wala lang din rito ang ginawa nito. © MinieMendz
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD