bc

Violence of Love (COMPLETED) TAGALOG

book_age18+
11.6K
FOLLOW
48.5K
READ
billionaire
spy/agent
possessive
sex
age gap
goodgirl
police
drama
bxg
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Prinsipyo sa kinalakihang batas ang tanging mas matimbang kay Dante Soriano. Wala siyang sinasanto basta lumabag sa batas. Nagkaroon siya ng proyekto kung saan merong isang drug lord na kanyang sinubaybayan. At nalaman niya na meron itong isang anak na babae, si Anna Francia Garcia, na lumaking isang mabait na anak, maganda at masipag sa pag-aaral. Walang araw na hindi ito tinutukso patungkol sa ama nito na isa daw drug lord. Hindi nito pinapaniwalaan ang mga akusa dahil alam nito na isang malaking company ng chlorine ang negosyo ng ama niya. Hanggang sa mag kakilala si Dante at Anna, at lalong lumalim ang pagtingin ni Dante sa dalaga na noo'y minamasdan lamang sa malayo.

Imbes na ang drug lord ang subaybayan ni Dante ay hindi niya namalayan na si Anna na ang kanyang sinusubaybayan.

Ngunit darating din sa punto na aabot sa kalituhan si Dante. Kalituhang magiging sanhi para ang prinsipyo niya na tuluyang mababali ng dahil lamang kay Anna.

Mas matimbang kaya sa kanya ang batas na prinsipyo na niya sa buhay o ang pag-ibig niya kay Anna?

chap-preview
Free preview
Simula
SIMULA BUSY ANG KAMING lahat na estudyante sa pagsagot sa test exam ngayong araw. Madali lang naman ang exam kung nag-review, pero kapag hindi ay sisisihin pa ang gumawa ng test exam kung bakit nahirapan.. Kaya ako ay inaayos ko ang pag-aaral para din sa akin 'to. Inayos ko ang pagkakasuot ng aking salamin sa mata dahil nahuhulog ito sa pagyuko ko. Inilipat ko sa next page ang test paper ng may napukaw ng atensyon naming lahat. "Excuse me, Misis Catibay. Pinapunta po ang lahat ng estudyante sa oval field. May nag-anunsyo daw po na may bomba sa school." hinihingal at pawisan mula sa pagtakbo na balita ng isang estudyante lalake na dito din nag-aaral. Nataranta at nagkagulo naman ang mga kaklase ko dahil sa sinabi nito. "Omg! Bomb?! I'm so scared!" paghi-histerical ni Amy at binitbit na ang mamahaling bag niya. Graciano bag ang tatak. Alam ko ang ganyang uri ng brand. Sikat dito sa lugar namin ang gumagawa n'yan. Tapos na-feature pa sa isang international news and magazine ito. "Alam naman nating lahat na meron tayong kaklase na ang ama niya ay isang drug lord. Baka ama nito ang naglagay ng bomba." pagpaparinig nila. Hindi ko sila pinansin at inayos ko na lamang ang gamit ko. "Agree! Drug lord ang ama niya, kaya natitiyak ako na baka siya rin. Hahaha!" parinig naman ni Amy. Alam ko naman na ako ang pinapatamaan nila. Ako lang naman ang inaasar nila na nagdodroga daw si Papa. Hindi magagawa ni Papa ang ganoong bagay, dahil alam ko na isang chlorine ang business namin. Sinabi ni Papa iyon sa akin, kaya kay Papa lamang ako maniniwala. Everytime na pumapasok ako sa school, wala na silang ibang bukang bibig kundi iyon. Nasasaktan ako para kay Papa, dahil na-judge agad siya na hindi pa naman nakikilala ng lubusan kung ano siya. "Hahaha! Umiiwas kasi totoo. Hindi na ako magugulat kung isang araw patay na ang ama niya. Poor her." patuloy pa rin sila sa pagpaparinig habang nakasunod sa likod ko. Naikuyom ko ang mga kamay ko at pinikit ko ng mariin ang mga mata ko para pakalmahin ang sarili ko. Ayokong labanan sila, pero binigyan lamang nila ako ngayon ng dahilan para labanan sila. Humarap ako sa kanila at lumapit. "Bawiin niyo ang sinabi niyo! Hindi isang drug lord ang Papa ko! You guys are so easy to judge him but you'll never know my Papa so much!" nasasaktan kong sabi. Imbes na matinag sila ay nginisihan at tinawanan lamang nila ako. Pero ang mga mata ko ay naka-focus lamang kay Amy. Nginisihan niya ako na para bang inaasar pa ako. "Bakit naman namin babawiin kung totoo naman? Your father is a drug lord, and you. . .is the drug lord's daughter in town, right girls?" Hindi ko na napigilan ang galit ko kaya sinabunutan ko siya. Naramdaman ko na sinabunutan din niya ako. Pinagtutulungan na nila ako, pero hindi ko sila uurungan! "Stop all of you!" rinig ko na sigaw ng isang lalaking lalaki at baritong boses, pero hindi ako mapapahinto nito. Walang makakapigil sa akin dahil matagal ko nang tinitiis ang pambu-bully nila Amy. Namalayan ko na lang na may umawat sa akin at inilagay ako sa balikat nito. Para akong sako ng bigas na binuhat lamang. Sinuntok ko ito sa likod dahil nahulog ang eye glasses ko sa ginawa niya. This man, argh! Base sa katawan nito ay malaking tao ito. Sumasakit lamang ang kamay ko sa kakahampas sa kanya dahil parang sa bato ako sumusuntok. "Put me down, Mister!" hindi niya ako pinansin bagkus mas lumakad pa siya. Nahihiya ako dahil pinagtitinginan na kami ng mga estudyante. Tumingin ako kung saan ba ako nito dadalhin. I'm not sure kung principal office na ba ito? Nanlaki ang mga mata ko nang malaman ko na ang lalakeng ito ay patungo nga sa principal office! "Hey! Mister, please put me down. Nahihilo na ako." pakiusap ko. Lalo akong kinabahan ng hindi siya nakinig. Sino ba siya para ganituhin ako? Muntik pa akong mabuwal ng ibaba niya ako. Napahawak ako sa noo ko. "Mister Soriano, hindi ko inaasahan na nandito ka pa. Akala ko ay nakaalis ka na." Malabo ang mata ko kaya hindi ko maaninag ang mukha ng sinasabi ng principal. Soriano? Who's that? "This lady. . ." Panimula nito sa mariing tono. I know he's pointing at me right now, "Give her punishment." dagdag pa niya. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Bakit ako lang? "Wait. . . Bakit ako lang? Dapat isama niyo rin si Amy at chicken pet niya." angal ko. Nakarinig ako ng bungisngis pero nawala din ng may tumikhim. "No. Only her." giit nitong Soriano na 'to! Naku, oras na makakakita lang ako ng malinaw, yari ka talaga sa akin! "But, Mister P---" aangal pa sana ako ng kumontra na naman itong si Soriano. "Ok, Mister Soriano, I will give you the rights to give her punishment." sang-ayon ni Mister P. "Thanks, Mister Ramos." Sabi ni Soriano. "No! No! You guys are so unfair!" reklamo ko ngunit may humatak na sa akin. Pilit ko na tinatanggal ang de bakal niyang kamay ngunit hindi ko magawa. "Saan mo ba ako dadalhin, ha?" asar kong tanong. "Malalaman mo rin, kaya wait ka lang, babe." pang-asar na sabi nito. "Who's babe? I'm not your babe. I have my name. I'm Anna." bulong ko. "Hahaha! I know." natatawa nitong usal. Ano bang nakakatawa? Joke ba ang sinabi ko? Tsk, baliw ata 'to, e. "Wait, Mister, wala akong makita. Kunin mo nga 'yung eye glasses ko na nahulog." pakiusap ko. Wala rin naman na akong magagawa kung papalag pa ako. Dahil tila nakapag-decide na sila sa penalty na sinasabi nila. Huminto siya at bumitaw sa akin. Nagtataka naman ako kung bakit. "Okay na?" tanong niya nang isuot niya ang salamin ko. Inayos ko naman ang pagkakakawit nito sa tainga ko at tsaka ko palang siya tinignan. Nagulat pa ako dahil ang lapit pala ng mukha niya sa akin na kinainit ata ng pisngi ko. "Ano ba! Uso ang space. . ." kunwari'y mataray kong taboy sa kanya. Paano tingin ko ay namula lalo ako. Ang gwapo pala nito. "Namumula ka.." sabi at tawa niya. Sinipa ko ang hita niya at iniwan siya. Gosh! Namumula na nga ako, inaasar pa niya ako. "Hey! Wait! 'Wag kang tumakas." pigil nito sa akin kaya huminto ako. "Hindi ako tatakas, kukunin ko lang ang mga gamit ko." pagkatapos kong sabihin iyon ay lumakad na akong uli. Alam ko na nasa likod ko lang siya, pero hindi na niya ako pinigilan pa. Pagdating ko sa hallway kung saan ko naiwan ang bag ko. Ayun, parang pinagsisipa pa ang nadatnan kong itsura ng bag ko. Pinagpag ko na lang ito at sinukbit ang strap sa magkabilang balikat ko. Paglingon ko ay naroon si Mister sa dulo ng hagdan, kaya lumapit ako sa kanya. "Ano ba ang penalty ko ng magawa ko na?" tanong ko rito. Nakatingin siya sa akin na parang binabasa ang nasa isip ko. Malalim siyang tumingin at serious type din siya. 'Yun ang nakikita ko sa expression ng mukha niya. I don't know kung ano siya, pero base sa uniporme niya ay isa siyang police? Sundalo? Agent? "Sumama ka sa akin at ako ang magdadala sa 'yo sa main office." tumalikod na siya pagkatapos niyang sabihin iyon. Sumunod ako sa kanya papuntang parking lot. Pinatunog niya ang remote ng isang bugatti veyron na black at red color. "Wow!" manghang bulalas ko. Narinig ko ang tawa niya tila tuwang-tuwa sa kamangmang ko. "Napaka-mahal ng sasakyan mo." hindi tanong 'yun kundi pagsasabi lamang ng totoo. Grabe, nasa 3.4 million dollar ang halaga ng ganyang sasakyan. May pera kami pero hindi namin kaya bumili ng ganyang kamahal na kotse. Billionaryo siguro siya? "Get in!" sagot lang niya at binuksan ang kabilang pinto sa front seat. Gentleman. Lumapit ako sa kotse niya at sumakay. Namamangha kong inilibot ang paningin ko sa gwapo niyang sasakyan. Ang sarap upuan ng car sear niya. Dahil malambot at hindi masyadong matigas. Tapos may small screen tv, may dvd player, ibang accessories, at ang car wheel ay ang ganda ng design. Sumakay siya kaya umayos ako ng upo dahil baka isipin pa nito na ignorante ako sa ganitong sasakyan. "Seatbelt please.." pakiusap niya. Tumango ako at nag-seatbelt. Tahimik lamang ako sa buong byahe, pati siya. Wala naman din akong itatanong, dahil sabi niya sa pupuntahan na lang daw namin niya ipapaliwanag ang gagawin ko. "Quiet?" Lumingon ako sa kanya mula sa pagtingin sa labas ng bintana. Seryoso siya na nagmamaneho habang nakapatong ang kaliwang braso niya sa bintana. "Wala naman akong sasabihin." sagot ko. "Tsk. At least ask my name." asik niyang sabi. Para bang kasalanan ko pa na hindi ko tinanong ang pangalan niya. "Okay, Mister, what's your name?" pilosopo kong tanong. Pero may nag-uudyok din naman sa kalooban ko na alamin ang pangalan niya. "Tsk. 'Wag kang pilosopo. I'm Dante." nagsusungit pa, sasabihin din naman pala niya ang pangalan niya. "Okay." sabi ko na lang at lumingon uli sa bintana. "Ano? Simpleng okay lang?" banas niyang tanong. Napangiti naman ako habang nakatingin sa labas ng bintana. Hahaha! Pikunin pala siya. "Bakit, ano bang gusto mong sabihin ko pa?" pinipigilan kong matawa at sineryoso ko ang tono ko. "Just asking. . .ahh, whatever. " putol-putol at nasusura niyang sabi, kaya umiling na lang ako. Huminto na ang car niya kaya napatingin ako sa kanya na salubong ang kilay. Anong problema nito? "We're here!" masungit niyang anunsyo at bumaba nang sasakyan. Aba't! Kanina gentleman, ngayon ay hindi na? Bumaba na lang ako at hindi na pinansin ang kinikilos nito. Kakakilala palang namin ay nagsusungit na agad ito. Nilibot ko ang tingin sa pinagdalhan sa akin ni Mister at napansin ko na parang nasa lugar ako ng mga pulis o agent? Dami kong nakikita na naglalaro ng shooting gun sa paligid. "Hoy! Babae, come here!" pukaw sa akin ni Mister. Tumuloy ako sa pagpasok at nabigla ako na hindi pala sila pulis, parang agent ata. Dami kong nakikita na computer, lamesa, at landline phone. Black and blue background ang kulay ng establishment at tila mga bakal ang mga pintuan. "Ano bang gagawin ko dito?" tanong ko sa kanya na naupo sa isang recliner pagpasok sa isang office at may lamesang kahoy sa harap niya na kadalasan kong makita noon sa office ni Papa tuwing dinadala niya ako, pero since highschool ay hindi na. Tinignan ko ang name plate ni Mister sa lamesa at binasa ang nakasulat. Captain and Agent Dante Soriano. Agent nga! Tumingin ako sa paligid ng office niya. Pang lalaki talaga at malinis ang loob. Walang masyadong abubot, puro paper files, at ilang naka-display na collective ng robot na may baril lamang ang nakikita ko. "Dito kita dinala para mabantay ko ng maayos ang parusa mo. Ikaw muna ang secretary ko." sabi niya na nakapukaw ng atensyon ko. Napamaang ang bibig ko at hindi makapaniwala na tumingin sa kanya. Nangingiti siya sa naging reaksyon ko ngunit halata na pinipigilan niya. "Bakit naman ako pa ang ginawa mong secretary? Wala akong alam sa trabaho niyo. At bakit iyon pa, wala na bang iba?" angal ko. "Meron naman. Ikaw ang magbabantay sa makukulit na mga tauhan ko, but I don't like my idea." suggest niya pero babawiin din naman. Grabe din utak nito, noh? Hirap i-explain. "Sige, 'yun na lang. Mas madali pa 'yon." pagpupumilit ko. Sumalubong ang kilay niya tila tutol sa gusto ko. "No. You will be my temporary secretary. No more buts." pagtatapos niya sa usapan tila ba wala nang p'wedeng makabali sa salita niya. "Tsk, nagmungkahi tapos babawiin din pala." bulong ko. "What?" mariin niyang tanong. "Wala po, Sir. Ang sabi ko ituro niyo na po sa akin ang gagawin ko ng masimulan ko na." parang tanga kong sabi habang pilit na nakangiti sa kanya. "Maupo ka na lang muna. " sabi niya at may tinawagan sa telepono. "Agent Dex, bring us... cofee or juice?" sabi niya at sabay baling sa akin. "Juice." tugon ko. "Yeah, juice and cake. " pagpapatuloy niyang sabi sa kausap niya sa kabilang linya at binaba na ang tawag. "Maupo ka na lang muna sa sofa, wala pa akong iuutos." sabi niya habang may pinipirmahan. Naiinis na naupo naman ako sa sofa at sumimangot ako. 'Hay, boring!' ani ko sa isip. May nakita ako na papeles na nakakalat sa lamesang nasa harap ko, kaya umayos ako ng upo at hinawakan ito. Tinignan ko kung ano ito. Mga sangkot sa iba't ibang ilegal na gawain na mga nakadetalye lahat ang pagkakakilanlan. Nabigla ako ng biglang nawala sa kamay ko ang mga papel. Napatingala ako sa gumawa no'n at nakita ko na si Dante ang kumuha. "Narito lang pala 'to." sabi niya at bumalik sa upuan. Napataas ako ng kilay sa kinikilos nito. "Good day, Sir." sabi ng pumasok na lalake na nakasuot din nang uniform na kagaya ng kay Mister Dante, ngunit naiiba lang si Mister Dante sa design. Maputi, singkit, at hindi masyadong katangkaran ang pumasok na lalake, sakto lang. May bitbit siya na tray. Siguro siya ang tinawagan ni Mister Dante. "Ilagay mo na lang d'yan, Dex." tugon ni Mister Dante na tuloy sa pagpirma. Tumingin sa akin itong Dex at nanlaki pa ang mata. Napaturo siya sa akin tila hindi makapaniwala. "Ikaw! Ikaw ang babaeng gus---" bago pa niya matapos ang sasabihin ay pinigil agad siya ni Mister Dante. "Stop, Perez!" maawtoridad na banta ni Dante, kaya natigil sa pagsasalita si Dex. Nagtataka ako sa gusto nitong sabihin. "Anong ako?" curious kong tanong. "A-ahh. . . I-ikaw. . ." putol-putol nitong sabi, habang tumitingin kay Mister Dante, "Ikaw pala ang bago niyang secretary." nakahinga niyang maluwag na pagtatapos sa sinabi. Tumango ako bilang tugon. Iyon lang pala, akala ko kung ano na. "Sige, maiwan ko na kayo." Tumalikod na ito at lumabas. Kinuha ko ang juice at ininom. Sumubo ako ng cake ng maalala ko na kay Dante nga pala 'yung isa, kaya binalingan ko ito. Namula naman ako ng malaman na nakatitig pala ito sa akin. "A-ah, ano, 'yung cake at juice mo." nakaturo kong sabi sa juice at cake. Tumayo siya at lumapit sa gawi ko. Napaliyad naman ako ng bigla siyang yumukod sa akin pagkalapit niya. Napapalunok ako na nakatingin sa kanya. "Ang dungis mo palang kumain." nakangiti niyang sabi at pinunasan ng daliri niya ang gilid ng labi ko. Umayos siya ng tumayo at naupo sa isang sofa, habang ako ay tulala pa rin. Napaayos lang ako ng upo ng marinig ko ang halakhak niya. Hindi ko siya tinignan at dahan-dahan na kinain ang cake. Nakakahiya!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

YOU'RE MINE

read
893.6K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
533.8K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
312.0K
bc

Run Honey Run / Mafia Lord Series 4 Completed

read
317.1K
bc

POSSESIVE MINE

read
970.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook