KABANATA 1 - UNKNOWN TEXT MESSAGE

1799 Words
NAKAPALUMBABA AKO HABANG pinaglalaruan ang labi ko. Bored na bored na ako sa opisina ni Dante. Wala naman siyang pinapagawa sa akin. Kung sana ay pinauwi na lamang niya ako baka ngayon palang ay natutulog na ako. Anong oras na ba? Nanlaki ang mata ko nang makita ang oras. 6pm na. Wala naman akong ginawa kundi ang umupo sa opisina niya... Tumayo ako at kinuha ang bag ko. Narinig ko ang pagtigil niya sa paglipat ng papel na binabasa. "Where are you going?" tanong niya. Napairap ako sa tanong nito. Hindi pa ba obvious? Tsk. "Uuwi na po ako, Mister. Gabi na at baka hinahanap na ako ni Papa. Bukas ko na lang ipagpapatuloy ang pag-upo---este ang pagiging secretary mo." Lumakad na ako palapit sa pinto at binuksan ito, pero nabigla ako ng isara iyon ni Dante. Napakabilis naman niyang umalis sa kinauupuan niya kanina at abutan ako. "Wait a minute." pigil nito sakin at lumapit sa lamesa niya. Inayos niya ang files na pinipirmahan at binabasa niya kanina. Nilagay niya iyon sa isang envelope at inilagay sa loob ng drawer ng lamesa niya. Kinuha niya ang cap niya at sinuot pagkaraan ay lumapit na siya sa akin. "Let's go." aya nito. Tumango ako at binuksan muli ang pinto. Hinintay ko siya na pinapatay ang ilaw at isinara na ang pinto. Lumakad na kami palabas habang nakikita ko pa ang iba niyang agent na tila bente kwatro oras na magtatrabaho. "Wait here. . . Kukunin ko lang ang kotse." bilin niya kaya tumango ako. Napahawak ako sa braso ko ng humangin. Ang lamig na sa labas hindi katulad kaninang tanghali hanggang hapon ay sobrang init. Inayos ko ang eye glasses ko ng may tumamang ilaw sa akin. Palapit na ang car ni Dante.. Pagkahinto niya ay bumaba ako ng hagdan at lumapit sa sasakyan niya. Bumaba rin siya at pinagbuksan ako ng pinto. Nasa mood lang pala ang pagiging gentleman nito. Umayos ako ng upo ng makasakay ako at sinuot ang seatbelt sa katawan ko. "Mag-dinner muna tayo bago kita ihatid sa inyo." aya niya. Lumingon ako sa kanya at umiling, "Huwag na, baka hinihintay na rin ako ni Papa." tanggi ko. Ayoko na hindi ko nasasabayan si Papa sa pagkain. Kami na nga lang dalawa sa buhay tapos hindi ko pa siya sasamahan sa hapagkainan. Alam ko malungkot si Papa kapag nag-iisa. Minsan nga, hindi muna siya kumakain hangga't hindi pa ako bumababa o lumalabas ng kwarto. Mahal na mahal ko ang Papa ko, kaya nasasaktan ako kapag may mga tao na hinuhusgahan siya. Ayokong umalis sa tabi niya at gusto kong protektahan si Papa. "Ano ba ang work ng Papa mo?" bigla niyang tanong. Napalingon ako sa kanya na seryoso ang mukha habang nakatingin sa daan. "May company si Papa na pagawaan ng chlorine," tugon ko. Tumingin ako sa cellphone ni Dante ng tumunog iyon, "Cellphone mo tumutunog. May tumatawag sa 'yo." pukaw ko sa kanya. Lumingon siya ngunit binalik rin niya ang paningin sa kalsada. "Answer the call." utos niya. "Ha? Why me? Hindi naman sa akin 'yan." tanggi ko. "I'm driving, okay? Kaya sagutin mo na." sabi nito. Huminga ako ng malalim at tinapat sa tenga ko ang cellphone niya. iOS 9 white. Ang ganda ng phone niya. "Hello?" sagot ko. "Who's this? Nasaan si Dante?" mataray na tanong ng isang babae sa kabilang linya. "Nagda-drive po!" sagot ko. Lumingon si Dante kaya sinenyasan ko siya at pinakita na number lang. Umiling siya at sinenyasan ako na sagutin. "Ibigay mo sa kanya.. Gusto ko siyang makausap." her demand. "But he's driving. Just call him again later, okay? Bye!" binaba ko na ang tawag at nilapag sa tabi niya ang cellphone niya. "Girlfriend mo 'yun, di ba?" tanong ko. Para naman bigla akong nahiya sa tanong ko. Sabihin pa nito na chismosa ako. "No!" agap nito. Napalingon ako sa kanya uli dahil sa sagot niya. "Bakit parang maka-demand akala mo girlfriend mo siya?" tanong ko at tinuro ang bahay namin nang matanaw ko na ito. "Diyan na lang sa tabi." ngayon ko lang napagtanto, hindi ko nga pala tinuro sa kanya ang bahay ko. Sinawalang bahala ko na lang iyon at hinawakan ko na ang bag ko at humarap sa kanya na nagtatanggal ng seat belt. "Thank you sa paghatid. Huwag ka nang mag-abala na bumaba, kaya ko na." sabi ko. Binuksan ko na ang pinto at sinara. Nagulat ako na bumaba talaga siya. "Wait!" pigil niya sa akin. Narito pa rin ako sa tapat ng pinto ng kotse niya ng lumapit siya sa akin. "Bakit?" takang tanong ko. Nakatayo siya sa harap ko at nakatitig sa akin ng matagal. "I'll fetch you tomorrow." sabi niya. "Naku, 'wag na! Kaya ko na pumunta bukas sa opisina niyo." tanggi ko sa alok niya. "Sige," paalam ko. Gumilid ako para makaraan ngunit humarang uli siya. Tumingala ako sa kanya habang nakakunot ang noo. "Bakit?" napasandal naman ako bigla sa pinto ng kotse niya ng iharang niya ang isang kamay sa gilid ko at isinandal sa car niya. "Hindi ko girlfriend 'yon.. Wala lang sa akin ang babaeng iyon." paliwanag niya. Ano naman pakialam ko kung hindi niya girlfriend iyon? Bakit pa siya nagpapaliwanag? "Ah, okay. 'Yun lang pala.. Wala ka naman dapat na ipaliwanag sa akin. Sige, pasok na ako." Nakahinga naman ako ng maluwag nang makaalis na ako. Masyado siyang nakaka-intimidate. Parang nakakapanghina ng tuhod ang presensya niya. Lumingon ako sa kanya na nakapamulsa habang hinihintay ako na pumasok. Kumaway ako na tinanguan niya. Pagpasok ko sa gate ay narinig ko na rin ang pag-andar ng car niya. Nangingiti at napapailing ako na pumasok sa bahay. "Tila masaya ang unica hija ko, ha?" bungad ni Papa. Humalik ako sa pisngi niya at humawak sa braso niya. "Wala po. Masaya lang po ako dahil ligtas ako nakauwi sa pinaka-guwapo kong Papa." lambing ko na kinatawa niya. "Ikaw talaga, ang galing mong mambola." aniya at natawa muli. "Hindi po pambobola iyon. Nagsasabi lang po ako ng totoo." nakangiti kong sabi. "Oh, siya, siya! Halika na. Nakahanda na ang pagkain. Kumain na tayo." aya niya. Tinungo namin ang dining area at naupo sa upuan. Nag-serve sila Manang ng food. "Wow! Dami naman nito Papa? Mauubos ba natin ito?" natatawa kong bulalas. "Okay lang 'yan. Para may kakainin sila Merly mamaya." tumango naman ako at nagsandok ng kanin. Pagkatapos ay sumubo na rin ako dahil gutom na ako at natatakam sa masarap na ulam. "Oo nga pala, Anak. May boyfriend ka na ba?" halos ibuga ko ang kinain ko ng magtanong siya about sa boyfriend thingy na 'yon. "Wala po, Pa! Sino po ba magtatangka na magkagusto sa akin?" tanggi ko agad at uminom ng tubig. "Bakit naman wala? Maganda ka kagaya ng iyong ina. Tapos mabait na bata, masipag, at matalino pa." papuri niya. "Papa, syempre ama ko kayo kaya nasabi niyo 'yan. Hindi naman po talaga ako maganda." umiling ako at nagbaba ng tingin sa pagkain ko. "You are so beautiful, Anak. Believe me," seryoso niyang papuri. "Gusto ko na kapag nakapag-boyfriend ka ay 'wag mong kakalimutan ang sarili mo. Gusto ko na magtira ka para sa sarili mo. Para kapag sinaktan ka man ng kung sino, hindi ka masyadong masasaktan." payo niya. Tumayo ako at lumapit sa kanya upang yakapin siya, "Thanks, Papa. Napakabait niyo po at para sa akin ay kayo na ang the best na ama sa buong mundo." tinapik niya ang likod ko at bumitaw. "Salamat, Anak. Sige na, ipagpatuloy mo na ang pagkain mo.." Naupo muli at pinagpatuloy ang pagkain ko. PABAGSAK NA NAHIGA ako sa kama. Hinimas-himas ko ang tiyan ko dahil sa kabusugan. Ang sarap talaga magluto ni Manang. The best!! Minsan iniisip ko rin kung paano din kaya magluto si Mommy. Kung masarap din kaya? Ako kasi, hindi ako marunong. Nasusunog pa kapag sinusubukan ko. Napapailing na nga lang sa akin si Manang Merly kapag tinuturuan nila ako. Paano, nakakalimang try na ako pero hindi pa rin perfect ang pagluluto ko. Take note, Itlog lang 'yun, ha. Napaupo ako ng marinig ko ang cellphone ko na tumunog. Kinuha ko iyon sa bag ko at tinignan kung ano 'yon. One message pero hindi naka-register ang number. Binuksan ko ito para malaman kung sino ba 'yung nag-text. Wala naman akong kaibigan sa school. Si Papa, Tita Oli, Manang at ibang tauhan ni Papa lang ang nakakaalam ng number ko. I'll fetch you to your school tomorrow. No more buts. Good night! Isa lang naman ang boses na pumapasok sa isip ko habang binabasa ang text nito. Si Dante. Nag-textback ako at sinave ang number niya. Nilagay ko ay 'Mr. Sungit' Hay! Kulit naman. Sinabi na 'wag na, e. Whether you like it or not, susunduin kita. I'm the boss. Just follow my command. Okay po, Boss! In-off ko na ang cellphone at tumayo ako. Inaantok na rin ako. Gusto ko muna maglinis ng katawan bago matulog. Wala namang assignment na binigay dahil wala rin naman masyadong lesson kanina at dahil din sa eksenang nangyari kaya naudlot ang klase. Ginawa ko na ang seremonya ko sa banyo at pagkatapos ay lumabas din ako. Nagpupunas ako ng buhok ng tumunog ang cellphone ko tila may tumatawag ng buhayin ko muli ito. Nilapitan ko ito at tinignan kung sino. Si Dante na naman! Nagustuhan naman ata na makipag-usap nito sa akin? Sinagot ko ito at tinapat sa tenga ko ang cellphone habang nakaupo na ako sa kama. "Hello?" "Bakit hindi ka sumagot sa text ko?" inis ang tono ng boses niya. Napakunot-noo naman ako dahil napaka-demanding nito. Mukhang bagay sila nung babae na tumawag sa kanya kanina. Pareho silang demanding. "Malay ko ba na nag-text ka uli. Excuse me po, nalilinis ako ng katawan kaya hindi ko alam na nag-text ka. At pinatay ko rin kasi ang cellphone ko." sagot ko at tinigil ang pagpunas sa buhok ko sa pagkainis. "Tsk." Napamaang ako ng binaba nito ang tawag. Aba't! Siya pa ang may ganang magalit? Grr! Kainis 'yon, ah. Ngayon lang ako naka-encounter ng gaya niya. Kakakilala palang namin ay may pagka-bossy na agad siya. "Bahala ka! Sungit!" inis kong sabi sa cellphone na para bang kausap ko pa siya. Gigil na hinawakan ko ang cellphone ko at nilapag sa side table. Nag-blower ako ng buhok at nag-pray pagkatapos. Nahiga na ako pagkatapos ng lahat. Pinikit ko ang mga mata ko ngunit sandali lang din ay napadilat ako. Pagulong-gulong ako sa kama ko dahil hindi ako makatulog dahil pumapasok si Dante sa isip ko. Argh! Nakakainis ang lalaking iyon! Pati sa pagpikit ko ay naroon siya! Nagtakip ako ng unan sa mukha at pumikit, pero bumangon ako at kinuha ang muli ang cellphone ko. Nagtipa ako ng text at pagkatapos ay pinatay ko na muli ang cellphone ko at humiga na ako uli. Good night, Sungit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD