KABANATA 2 - TITIG

1784 Words
Nagtalukbong ako ng unan sa tenga dahil biglang nag-ingay ang cellphone ko. Argh! Sino ba ang istorbong iyon? Natutulog pa ako, e! Ginulo-gulo ko ang buhok ko at umupo. Kinuha ko ang cellphone ko sa side table at sinagot ang tawag na hindi tinitignan kung sino ba 'yon. "Hello?" Nakarinig ako ng pagtikim bago ako nito sinagot. "Bad Morning?" Halos mabitawan ko ang cellphone ng makilala ko ang boses ng tumawag. Huminga muna ako ng malalim bago ito sinagot. "Ikaw pala ang tumawag. Kakagising ko lang kasi." napakagat ako ng labi at humiga muli sa kama. "I see..." Naghintay pa ako kung may idudugtong pa siya ngunit tila wala na. "Bakit ka nga pala napatawag?" tanong ko. "Ha? Nothing. I just want to greet you. Good morning." Napangiti naman ako at namula. "Gano'n ba. Good morning din!" bati ko pabalik. "Boss, ayain niyo na." Napakunot noo ako ng makarinig ako ng ibang boses sa kabilang linya. "Sino 'yun?" nakarinig pa ako ng kalabog na parang nahulog. Ano ba 'yon? "Wala lang 'yon.. Gusto ko sana ita---" Napatingin ako sa cellphone ko ng mawala si Dante sa kabilang linya. Na-lowbat na pala ang phone ko. Ano kaya ang sasabihin niya? Tumayo ako at kinuha ang charger sa table. Tumingin ako sa orasan at nakita na alas sais medya na. Shit! Male-late na pala ako. Nagmamadali ako sa pagkuha ng towel at tumakbo sa banyo. Ayos din pala ang pagtawag ni Dante, nagising ako. Kung hindi, naku, baka hanggang ngayon ay nakahilata pa ako. Minadali ko na ang morning ritual ko at nagmamadali na bumaba. Hindi na ako makakasabay kay Papa mag-breakfast dahil late na ako. "Oh, anak, bakit nagmamadali ka?" napatingin ako kay Papa na nakaupo sa sofa habang nagkakape at may hawak na dyaryo. "E, Papa, male-late na po ako!" lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi. "Alas singko pa lang naman, ha? Maaga ka pa." napanganga naman ako at tumingin sa relo na nakasuot sa wrist niya. Rolex ang brand ng watch ni Papa. Matagal na niya itong sinusuot. Bigay daw ni Mama sa kanya kaya iniingatan niya. Pabagsak na naupo ako sa sofa dahil sa inis. Nagmadali pa naman din ako, tapos maaga pa pala. Napatingin ako kay Papa na humahalakhak. Napasimangot ako dahil pinagtatawanan niya ako. "PAPA!" suway ko. Tumigil siya pero naroon pa rin ang konting tawa niya. "Ano ka ba, Anak, natutuwa lang ako. Bakit kasi nagkamali ka pa sa pagtingin ng oras? May iniisip ka siguro, no?" "Wala po! Sino naman po ang iisipin ko?" kaila ko. "So, tao ang iniisip mo? Wala naman akong binabangit na sino. Sabi ko lang may iniisip ka." Tila naman ako namula at hindi nakahuma sa sinabi niya. Oo nga pala, wala siyang sinabing sino. Shit! Lutang ka talaga, Anna! "AYAN NA SI Ma'am." anunsyo ng isa namin kaklase na lalaki na malapit sa pinto. Isinilid ko na ang librong binabasa ko sa bag at umayos ng upo. Iniwan lang kami ni Ma'am saglit, dahil pinatawag ni Mr. P lahat ng teachers. "Okay, Class.. Hindi ba, nasabi ko sa inyo na magkakaroon tayo ng isang field trip?" natuwa naman ang klase, maging ako rin. Isa lang ibig sabihin ng field trip, kundi enjoy! Yes!!! "Alam ko na masaya kayo, pero iniba ng prinsipal ang pupuntahan natin. Gusto niya na may activities pa rin na gagawin kahit na field trip." dagdag na paliwanag ni Ma'am Catibay. Napadaing naman kami. Akala namin mag-e-enjoy lang, may activities din pala na gagawin. "E, Ma'am, saan po ba tayo pupunta?" tanong ni Calsey. Mayaman ang pamilya niya at leader siya ng cheering squad. Unfortunately isa siya sa tuta ni Amy. "Oh, mabuti inatanong mo 'yan. Pupunta tayo ng province sa bantayan island. Magka-camping tayo doon at may games din tayo na gagawin habang naroon." may kinuha si Ma'am sa table niya na papel. "Ito ang mga listahan ng mga estudyante na magkakasama sa bus. At kung sino ang katabi niyo sa bus ay siyang makaka-partner niyo sa activity, understand?" tumango kami at hinintay ang sasabihin niya. "Renz Pascual at Tanya lopez. Amy Rasiano at Daniel Esguera. Calsey Manuban at Rafael Tinib.." Marami nang nababanggit si Ma'am, ngunit 'yung name ko ay wala pa. Sabagay, baka wala rin naman na makipag-partner sa akin. "Anna Francia Garcia at Darrel Lazada." nabigla ako ng sabihin na ang pangalan ko at ka-partner ko pa si Darrel, ang Mr. Campus ng school. "Wait, Ma'am! Dapat ay hindi niyo na lang i-partner si Darrel kay Anna. Baka malasin pa 'yan. Dapat kami na lang ni Darrel." sabat ni Amy. Nagtawanan ang mga kaklase ko dahil sa sinabi niya. Napayuko ako ng ulo dahil sa kakahiyan. "Ma'am! Okay lang po na partner ko si Anna." nahihiyang sabi ni Darrel kaya napatingin ako sa kanya. Napatingin siya sa akin at ngumiti. Namula naman ako at nagbaba ng tingin. Ngayon lang ako pinansin ni Darrel. Actually, ako pala ang hindi namamansin. Akala ko kasi baka kagaya rin siya ng mga kaklase ko na hindi nakikipaglapit sa akin. Gwapo si Darrel, matalino, tahimik, mayaman, mestiso, at tingin ko ay nasa 5'4 ang height niya. Sila 'yung may negosyo ng chicken inasal. Nadaan kami minsan ni Papa doon. At sinabi ko na bumili kami ng chicken na tinda, kasi mukha talagang masarap. At hindi naman ako nabigo, dahil talagang masarap at ma-sauce 'yung chicken kaya hindi na kailangan ng sawsawan. "Oh, 'yun naman pala. So, ayos na ang lahat?" wala nang naging reklamo sila Amy dahil si Darrel mismo ang sumang-ayon, "Oo nga pala, 'wag niyong kakalimutan na magsuot o magdala ng rubber shoes, dahil may game nga tayo," paalala ni Ma'am. Tumango kami bilang pag-intindi. "Before mag-five ng umaga dapat nasa bus na kayo. Dahil ang mahuhuli ay iiwanan. Maliwanag ba, class?" dagdag ni Ma'am. "Yes, Ma'am!!" sabay na sabay na sagot namin. Naalala ko, buti last day na ng parusa ko. Makakasama talaga ako. Yes!!! "Okay, Class, see you tomorrow." paalam ni Ma'am. Tumayo na kami. Inayos ko na ang gamit ko na hindi ko pa pala nalalagay sa loob ng bag ko. "Hi, Anna." nabigla naman ako sa paglapit ni Darrel. "Hi din.." nahihiya kong bati pabalik. Inayos ko ang eye glasses ko at tumayo ng maayos. "Bukas nga pala, gusto mo na sunduin ka namin? Para sure ako na hindi ka ma-late." naupo siya sa arm chair ng isang upuan, kaya nakita ko sa likod niya sila Amy na masama ang tingin sa akin. Nag-marcha na ang mga ito palabas ng classroom. "A-ahh.. A-ano.. Nakakahiya naman. Okay lang naman kahit 'wag na. Tutal may driver naman si Papa na maghahatid sa akin." Ngumiti siya at tumango. "Sige.. Bukas na lang." pagkasabi niya no'n ay umalis na ito ng room. Habang ako ay naiwan na tulala. Totoo ba 'yun? Nginitian niya ako? Napakagat labi ako habang sinukbit na ang bag ko sa magkabilang balikat ko. Lumabas ako ng room na malalim ang iniisip. Hindi naman kasi maitatanggi na magkaroon ako ng konting paghanga sa kanya. Dati iniisip ko na hindi naman ako nito papansinin, kaya inalis ko ang paghanga ko rito. Tapos ngayon nga na magka-partner pa kami at gusto niya ako maka-partner. Iniisip ko palang ay kinikilig na ako. Napahawak ako sa noo ko ng bumangga ako sa matigas na bagay. Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko tuloy naramdaman na may tao na pala. Napatingala ako at sumalubong sa akin ang salubong na kilay at nakatikom na bibig ni Dante, ngunit kumukibot ang labi niya tila pinipigilan niya na sumigaw o bumuga ng maanghang na salita. "What took you so long, ha?" tanong niya. Napahinga muna ako ng malalim at umayos ng tayo. "Sakto lang naman ang labas ko. May sinabi kasi si Ma'am sa amin na importante." paliwanag ko. Natanggal naman agad ang pagdikit ng kilay niya at napabuga siya ng hangin. "Para saan iyon?" tanong niya habang nakahawak sa baywang niya. Mas lumabas ang ugat sa bicep niya. Ang yakap na yakap na uniform niya ay bagay sa matikas niyang katawan. "Wala lang 'yon. Tungkol lang sa field trip namin bukas." tugon ko. "Field trip? Saan?" nagsalubong uli ang kilay nito at naiinip na naghintay ng isasagot ko. "Basta field trip. Bakit ka ba nagtatanong? Hindi ka rin naman kasama doon. At oo nga pala, last day ko na, 'di ba?" tumango siya pero malalim ang iniisip niya. "Let's go." aya niya at tumalikod na para maglakad papunta ng kotse niya. "HI, MISS ANNA!" bati ni Dex. Ngumiti ako rito at kumaway. Mga nagdya-jogging sila sa labas. "Anna, anong oras ang field trip mo?" biglang tanong ni Dante sa akin habang nakahawak sa baywang at nakamasid sa mga kasamahan niyang agent. "Mga five ng umaga siguro. Bakit mo natanong?" nagtataka ako kung bakit niya pa natanong. "Wala. Mag-iingat ka don." nasamid naman ako sa sinabi niya at peke na natawa. "Ano ka ba. Syempre.. Bakit ko naman papabayaan ang sarili ko, noh?" sabi ko. Hindi na siya nagkomento at pumasok na siya sa loob. Nakibat bilikat na lang ako at sumunod sa kanya. NAG-UNAT AKO NG braso at naghikab. Ang dami kasi namin pinagsama samang files. Pinagsama namin 'yung mga tapos na sa hindi pa. Napatingin ako kay Dante na nakapikit habang nakasandal ng upo sa recliner niya. Ang haba pala ng pilik mata niya, tapos ang ilong ang tangos din. Lalaking-lalaki ang hugis ng panga niya, tapos ang labi ay parang mas mapula pa sa labi ko. "Huwag mong titigan, baka matunaw." napaidtad ako ng may bumulong sa akin. Nanlalaki ang mata ko na lumingon kay Dex na nakangisi sa akin. Umayos siya ng tayo at umiling-iling na nilapitan si Dante. Hindi ko man lang namalayan na nakapasok na pala si Dex. Gano'n ba ako ka-occupied para hindi mapansin na nakapasok na si Dex at nakita ang paninitig ko kay Dante? Napatakip ako ng mukha dahil sa kahihiyan. "Anong nangyayari sa 'yo, Anna?" inalis ko ang kamay ko sa mukha ko at napaayos ako ng upo. Umiling ako kay Dante at napalunok. Paano ba naman nanunukso na nakatingin si Dex sa akin habang kunwari pa na may binabasa. "Ah.. Ano.. Wala, wala!" iling ako ng iling kaya nagtataka si Dante na nakatingin sa akin. Napagbuntonghininga siya at tumayo. "Okay, let's go." aya niya at bumaling kay Dex na pilyong nakatingin pa rin sa papel. "Ano bang nangyayari sa 'yo, Dex?" nakakunot noo niyang tanong naman kay Dex. Kinabahan naman ako bigla. "Wala, boss. Tinitignan ko lang ito, baka kasi matunaw." Sagot ni Dex na kinahiya ko.. "Tsk. Kung ano, ano sinasabi mo. Let's go, Anna." pinandilatan ko ng mata si Dex nang tumalikod si Dante. Binitbit ko na ang bag ko at lumabas. Nakakahiya ka na talaga, Anna! Argh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD