bc

Drake Ashton FORD SERIES 2 [Completed]

book_age18+
23.0K
FOLLOW
134.2K
READ
revenge
dark
possessive
family
second chance
drama
bxg
wild
like
intro-logo
Blurb

Drake Ashton ay isang nerd pero heartrob sa Campus---snob, smart, tall, dark and handsome ang bansag sa kanya. Pero nang siya ay umibig at masaktan ay nagbago siya. Ginawa niya ang lahat para gantihan ang babaeng nagpabago ng ugali niya. Sapilitan man pero ginawa niya ang bagay na alam niya na wala ng takas pa ang babaeng iyon sa kanya.

Si Joe Lin Ramos, ang babaeng inibig ni Drake. Dahil sa isang dare ay meron siyang nasaktan na tao. Pero hindi niya inaakala ng sapilitan siyang pakakasalan nito.

At ang alam niya ay isa lang ang dahilan..

Upang gantihan siya.

chap-preview
Free preview
SIMULA
HINATAK NI JASMINE si Joe sa lugar kung saan nagtitipon-tipon ang mga samahan ng mga frats sa kanilang school. "Jasmine, saan ba tayo pupunta?" tanong niya rito. "'Di ba gusto mong maging katulad namin?" tanong sa kanya nito kaya napatango siya. "Oo." "Kung gano'n ay kailangan mong sundin ang ano mang ipag-uutos nila." sabi nito. Si Jasmine ay isang campus queen na hinahanga ni Joe. Gusto niya na makasama sa grupo nito para makatanggap din ng kasikatan sa school. Pagdating sa lugar ay naroon na ang lahat ng kasapi. Mga nakaupo habang naka-korteng pabilog nang upo sa damuhan. At nakatayo naman doon sa gitna ang tagapagsalita ng grupo. Naupo sila sa likod at tumingin sa nagsasalita upang pakinggan ito. "Lahat ng narito ay ibig sabihin lang gusto niyo talagang maging kasapi ng aming grupo. At balita ko ay meron bagong kasapi na hindi pa dumaraan sa pighati." sabi ng babae na kulay itim ang labi dahil sa lipstick. Napakaitim ng mata dahil sa eyeliner na napaka-kapal ng pagkakalagay. At may hikaw din ito sa labi at tatlo sa tenga. At may burloloy na mga kwintas na may design na bungo gaya sa bracelet nito na itim. "Ikaw iyon, Joe." sabi sa kanya ni Jasmine at tinulak siya para tumayo. Kaya naman ay dahan-dahan siyang tumayo. "Ikaw ba iyon?" tanong ng babae kaya tumango siya rito. Ngumisi ito at tinignan siya mula ulo hanggang paa. "Hmmm.. Maganda at sexy ka. Tila may naisip na akong ipagagawa sa 'yo." sabi nito. "Ano 'yun?" tanong niya pero pakiramdam niya ay hindi niya magugustuhan ang ipagagawa nito. "Matagal na akong banas na banas sa Ricafort na iyon. Kaya gusto ko na paibigin mo siya," sabi nito na kinamaang niya. "Ano, gagawin mo ba?" tanong nito pero hindi siya agad makasagot. "dahil oras na tanggihan mo ang utos ko, lahat nang member na narito ngayon ay may parusang ibibigay sa 'yo na hindi mo magugustuhan." dagdag pa nito. "S-sige.. Gagawin ko." tugon niya na kinangiti nito at kinapalakpak ng grupo. "Magaling! Sige, magbalik na kayo. Baka meron pang makakita sa atin," sabi nito sa lahat. Kaya nagtayuan na ang grupo at isa-isang nag-alisan. Aalis na rin sana siya ng pigilan siya nito, "ikaw, babae. Gawin mo na ngayon ang tungkulin mo. Paibigin mo siya at sasabihan kita kung kelan mo siya iiwanan." sabi nito sa kanya at ngumising lumisan ito. TULALANG NAGLALAKAD SI Joe ng mapadaan siya sa garden ng Campus. At doon ay nakita niya si Drake, nagbabasa ito ng libro mag-isa. Humugot siya ng hangin at lumapit rito. "Hi." bati niya rito nang makalapit siya sa harap nito. Nag-angat ito ng tingin at binaba ang binabasa na libro. Tumango ito habang nakatingin sa kanya. Dahan-dahan siyang naupo sa tabi nito at namayani ang katahimikan. "pansin ko na palagi kang nagbabasa ng libro tungkol sa law. Balak mo bang maging attorney balang araw?" tanong niya rito. "Hmm.. Maybe." tugon nito. "Bakit naman hindi ka sure?" nakangiti niyang tanong. "Because my Dad is a businessman. And I want to be like him." sabi nito kaya tumango siya. Sa totoo lang ay wala siyang alam sa buhay ni Drake. Basta ang alam lang sa buong campus ay siya si Drake Ricafort. At wala namang nakakaalam bukod sa school director kung anong pamilya ba ang pinanggalingan ni Drake. Nagkwentuhan pa sila at nagkapalagay na sila ng loob. Hindi naman pala snob si Drake gaya ng inaakala ng mga estudyante sa school. Kung snob ito, siguro ay hindi siya nito kinausap at baka pinagtabuyan lang siya. Kaya masasabi niya na maling-mali talaga na maniwala sa sabi-sabi lang. - DUMAAN ANG MGA araw at mas naging malapit pa si Joe at Drake sa isa't-isa. Sinundo siya ni Drake sa classroom para sabay silang mag-lunch o meryenda. Tapos lagi din itong nag-o-offer na ihatid siya at syempre um-oo siya dahil kahit ayaw man niyang aminin ay nagkagusto na rin siya rito. Nasa favorite spot sila nito---sa garden---at kumakain sila ng burger habang nagtatawanan. "Joe, wait!" pigil nito sa pagsubo niya sa burger kaya nagtataka na binaba niya ang burger mula sa bibig niya. Nagulat siya nang punasan ng daliri nito ang labi niya. Nagkatinginan sila at halos malagutan siya ng hininga ng dahan-dahan nitong nilapit ang labi nito sa kanya. Hinalikan siya nito at para siyang natuod dahil first kiss niya ito. Bumitaw ito at nakangiti na tumingin sa kanya. "Joe, alam ko na mabilis. Pero pwede bang tayo na? Gusto kita noon pa," sabi nito na lihim niyang kinakilig. Napakamot ito ng batok at napayuko dahil matagal siyang hindi nakaimik. Napabuntong-hininga ito at nag-iwas ng tingin. "sige, wag mo nang sagutin. Siguro ay hindi ka pa handa o wala kang gusto---" "Sige." tugon niya rito. Mabilis itong napaharap sa kanya at umuwang ang labi nito. "Really?" tuwang-tuwa na paniniguro nito, "please, say it again! Say it again!" tuwang-tuwa na pangungulit nito. "Ang sabi ko ay sige, tayo na, gusto rin naman kita, e." sabi niya at ngumiti. Natawa siya ng mapatayo ito at napasuntok sa hangin. Naupo muli ito at niyakap siya kaya yumakap siya rito pabalik. At sa hindi sinasadya ay napadako ang mata niya mula sa malayo. Nakita niya sila Jasmine kasama ang leader ng frat. Mga nakangisi ito habang pinanood sila. Bigla ay parang may nagbara sa lalamunan niya ng maalala na meron nga palang pinapagawa ang mga ito sa kanya. Para siyang nanlumo at natulala. Kung alam lang niya, hindi na sana niya ninais na maging famous. Dahil ngayon pa na gusto na niya si Drake. At ayaw niya na masaktan ito. Pero paano? Paano kung mamatay siya sa parusa ng mga ito? "Ngayon na, Joe. Break up with him. Gusto kong makita ang pag-iyak ni Ricafort." sabi ni Irish na leader ng frat. "Irish, pwede bang iba na lang ang ipagawa mo? Ayoko ng gawin ang pinagagawa niyo. Ayokong saktan si Drake." pakiusap niya sa mga ito. "Baka nakakalimutan mo, mapaparusahan ka oras na hindi mo gawin ang pinag-uutos ko? At hindi lang matinding parusa, kundi tiyak na mamatay ka rin," banta ng mga ito sa kanya na kinaiyak niya. "Now, Joe. Break up with him or else." bantang sabi pa nito at tinalikuran na siya. Napahagulgol siya at napasandal sa pader. Ngayon palang ay nasasaktan na siya. Ayaw niya mang gawin pero natatakot siya sa maaaring gawin ng mga ito. Siguro 'pag nakaalis na siya sa grupo at nagawa na niyang makipag-break, saka niya aayusin ang sa kanila ni Drake. Sa ngayon ay kailangan niyang isakripisyo ang relasyon nila. Kaya naman sa mismong third monthsary nila ay nagkita sila sa favorite spot nila. May bigay itong flowers and chocolate pero hindi niya tinanggap. "Hey, are you okay, Hon?" nag-aalala nitong tanong at hinawakan siya sa mukha pero umilag siya at walang emosyon na tinignan ito. "Drake, ayoko na." sabi niya rito na kinatawa nito. "What?" natatawa nitong tanong. "Are you sick, Hon?" dagdag pa nito pero hindi siya nagbigay ng kahit anong reaksyon. "Ayoko na. Hindi naman talaga kita mahal. Masyado kang boring at duwag. Nagsawa na ako kaya gusto ko nang makipag-break." seryosong sabi niya at pinilit na 'wag mapiyok. "No! No! I know you love me, Hon." sabi nito na nangingilid ang luha. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa bench at matapang na hinarap ito. "Hindi na kita mahal! Dahil meron na akong iba! Ayoko na! Kaya break na tayo! Hindi na kita mahal kaya 'wag mo nang ipilit pa!" sigaw niya rito. Nagulat siya ng lumuhod ito at kumapit sa binti niya. "Please... don't do this to me. I love you very much. Please, bawiin mo. Sabihin mo na mahal mo ako." pagmamakaawa nito kaya napatakip siya ng bibig upang pigilan ang paghagulgol. Inalis niya ang kamay nito sa binti niya at agad siyang tumalikod rito. Napahinto siya saglit ng mapatingin siya sa puno kung saan kitang-kita niya sila Irish na tila tuwang-tuwa dahil nasasaktan sila ni Drake. Tumakbo siya palabas ng campus habang humahagulgol. Parang sasabog ang dibdib niya sa sobrang sakit. "Patawad, Drake. Patawarin mo ako. Hindi ko gusto ito. Sana ay mapatawad mo pa ako." aniya sa isip at sumakay ng sasakyan nila at sinabihan niya ang driver niya na umalis nang campus para umuwi. Lumipas ang isang linggo ay hindi siya pumasok. Nung una ay palagi siyang nagkukulong sa kwarto at hinihiling na sana mag-text o 'di kaya ay tumawag si Drake para naman kahit paano ay malaman niya na maayos ito. Pero bigla siyang kinutuban nang hindi na ito nagte-text at hindi siya nito pinupuntahan sa bahay nila. Kaya naisipan niya na pumasok sa school para malaman kung kamusta na si Drake. At ang nagpasakit ng puso niya nang malaman niya ang nangyari kay Drake. Sabi ng mga natanungan niya na mga kaklase nito ay hindi na daw ito pumasok two weeks ago na. Kung kelan ang araw na nag-break sila. At sabi din ng mga ito ay nag-transfer na daw ito sa ibang school. Para siyang mamamatay sa sakit dahil tuluyan na ngang nawala ang pinakamamahal niya. Nang dahil sa katangahan niya ay nasaktan ito at umalis. Ngayon ay wala siyang alam sa pagkatao nito. Wala siyang alam kung saan na ito hahanapin. Ginamit na niya ang lahat ng maaaring magamit niyang site sa social media upang hanapin ang account ni Drake, pero wala siyang nakita. Puro mga kapangalan lang. Kaya naman simula noon ay parang wala na siyang buhay na pumapasok sa school. Lagi siyang tumatambay sa favorite spot nila para umasa na magpapakita ito doon sa kanya. Pero wala na talaga. Wala na ito. Wala na ang Drake niya. - AFTER FIVE YEARS....... Ang sakit na nadarama niya ay unti-unti ng humilom, pero sa puso niya ay nandoon ang panghihinayang at pagmamahal niya para sa binata. Nakapagtapos na siya ng pag-aaral sa kursong Information Technology. Ngayon ay naisip niya na mag-apply bilang sekretarya. Meron kasing big time company na naghahanap daw ng sekretarya. At dahil napuyat siya sa pagha-hang out kasama ng friend niya ay nakalimutan niya na meron siyang interview kinabukasan. Kaya nang maalimpungatan at makita ang oras ay dali-dali siyang tumayo ng kama at mabilisang naligo at magbihis ng formal suit. Nag-make up siya ng light at hindi muna niya inipitan ang buhok dahil basa pa. Pagdating na lang siguro doon. Inis na inis siya dahil traffic pa pero mabuti at ilang saglit lang ay umusad na ang mga sasakyan. Pinarada na niya ang sasakyan nang makarating sa company na ina-apply-han niya at dali-daling bumaba ng sasakyan bitbit ang bag at folder na naglalaman ng resume niya at ilang dokumento na baka kailanganin. Tumingin siya sa building na mataas sa kanyang harapan at humugot ng malalim na hininga. Pumasok siya ng building at lumapit sa front desk. "Miss, saan dito 'yung apply-han ng mga secretary position?" tanong niya sa babae. "Doon sa top floor. Bilisan mo, Miss, dahil nagsisimula na. Ayaw pa naman ng boss ng company namin na mga late comers." sabi nito kaya agad siyang tumango at nagpasalamat. Dali-dali niyang hinahanap ang top floor na sinasabi nito. At sa wakas nakita na rin niya. Inayos niya ang sarili at lumapit sa mga nakapila. Lumapit siya sa babaeng kumukuha ng resume at binigay ang resume niya. Pinapila siya sa mga nakaupo na at maghintay na lang na tawagin ang pangalan niya. Naupo siya sa pinaka-huli at sumandal sa dingding. Napahinga siya ng malalim dahil sa pag-akyat palang sa top floor ay hirap na siya. Sana naman ay magbunga ang hirap niya. Napapatingin siya sa mga lumalabas na mga tapos nang ma-interview at naguguluhan siya dahil puro umiiyak ang mga ito 'pag lumalabas. Nakibat-balikat na lang siya dahil baka hindi matanggap ng mga ito ang resulta kaya luhaang lumabas. Lumipas ang isang oras ay sa wakas dalawa na lang sila. Tumayo na ang babaeng nauna sa kanya. At doon palang siya nilukuban ng kaba ng mapagtanto niya na siya na ang susunod rito. Inayos niya ang sarili at pinakalma. Hindi dapat siya kabahan dahil baka hindi siya makapagsalita ng maayos kapag ini-interview na siya. Ilang saglit lang ay bumukas ang pinto at luhaan din na lumabas ang babae at dali-daling umalis. "Miss Ramos, your turn," pukaw sa kanya ng babaeng HR. Tumayo siya at humugot ng malalim na hininga, "and good luck. Sana ay ikaw na ang makapasok." sabi pa nito kaya tumango siya rito at nagpasalamat. Kumatok siya ng tatlong beses at binuksan ang pinto na hindi naman tumugon ang nasa loob. Sumilip muna siya at tuluyan ng pumasok. Agad siyang napatingin sa table ng boss na mag-i-interview sa kanya. Nakatalikod ang swivel chair nito kaya hindi niya makita ang mukha nito. Atty./CEO Ford? 'Yun lang kasi ang nakalagay sa name plate sa table nito. "Before we proceed to the interview, first sign the papers on my table," malamig na boses na sabi nito. Napakunot-noo siya dahil parang may kahawig ang boses nito? Pero nakibat-balikat na lang siya at lumapit sa table sa tabi ng sofa. Doon niya kasi nakita ang papers na sinasabi nito. "make it fast." malamig nitong pagmamadali sa kanya. Kaya nataranta siya at dali-daling pinirmahan ang mga papel na hindi binabasa ang nakasulat. Nais niya sanang basahin pero hindi niya alam kung bakit kabadong-kabado siya. Nang matapos siya sa pagpirma ay napaangat siya ng tingin at tumingin sa lalaki para sabihin na tapos na siya. Pero natuod siya ng makita niya ang lalakeng matagal na niyang hindi nakikita. Wala man itong salamin na suot sa mata pero kilala niya ang mukha nito. Ang napaka-gwapong mukha na parang may nagbago na. Malamig ang mata, nakatikom ang mga labi na walang kangiti-ngiti, at ang mga panga nito ay nagtiim-bagang tila galit. "It's nice to see you again, Joe." sabi nito na malamig na boses bago tumayo. Napaatras siya ng lumakad ito palapit sa kanya. "D-drake??" hindi siya makapaniwala na ito ang Drake na minahal niya. Ibang-iba na ito. "Mabuti naman at naalala mo pa ang pangalan ko." sabi nito at lumapit sa kanya kaya napasandal na siya sa pinto sa kakaatras niya. "I-i. . .have to go.." nauutal niyang paalam at humarap sa pinto para buksan. Pero napasinghap siya ng hulihin nito ang baywang niya kaya napapikit siya ng mapasandal siya sa katawan nito. "No. . .not now, Joe," bulong nito sa tainga niya habang mahigpit na nakapulupot ang mga braso nito sa baywang niya tila walang balak na pakawalan siya. "No, after you agreed to our contract that you will marry me." sabi nito na kinadilat niya. Nagpumiglas siya sa hawak nito.. Nagpapasalamat siya at nagtagumpay siya. Hinarap niya ito na merong nanlalaking mga mata. "Anong sinasabi mo? Wala akong maalala sa contract na sinasabi mo na papakasalan kita." mariin niyang sabi rito. Ngumisi ito na parang demonyo. "Pumirma ka sa contract. See for yourself." sabi nito kaya napatingin siya sa papel na bumagsak sa sahig mula sa pagkakahawak niya kaya agad niyang pinulot iyon. Binasa niya ang nakalagay at para siyang hindi makahinga ng mabasa ang nakasulat. Nakasulat doon ay isang agreement na nagsasabi na siya ay handang magpakasal kay Drake. At lahat ng sasabihin ni Drake ay kailangan daw niyang sundin. Dahil oras na lumabag siya ay maaaring ma-bankrupt ang business ng magulang niya. At doon kitang-kita ang pirma niya na sumasang-ayon siya. Yung pinirmahan niya lang kani-kanina lang. Hinarap niya ito at binato rito ang papel, pero hindi ito natinag na lalo niyang kinagalit. "Hindi ako magpapakasal dahil niloko mo ako! Kaya walang bisa 'yan!" sigaw niya rito. Nagtiim-bagang ito at nagdilim ang mukha nito na kinatakot niya. Mariin siyang hinawakan sa braso at hinaklit na kinaaray niya.. "Sino ba sa ating dalawa ang manloloko, ha?! 'Di ba ikaw?" galit nitong sabi na kinamaang niya. Hinawakan siya nito ng mariin sa chin kaya halos mapangiwi siya sa higpit no'n. "Oras na hindi ka dumating sa susunod na araw para sa civil wedding, tandaan mo na agad-agad na maghihirap kayo at pupulutin sa putikan," banta nito sa kanya na malamig at seryoso ang boses. Binitawan na siya nito kaya napaatras siya. "Leave. . .Baka ano pang magawa ko sa 'yo." sabi nito kaya dali-dali siyang tumalikod rito at binuksan ang pinto. Paglabas niya ay nakita niya ang babaeng HR na gulat ng makitang umiiyak siya. Hindi niya pinansin ito at dali-daling nilisan ang floor na iyon. Hindi niya akalain na makikita niya muli si Drake, pero ibang-iba na ito, para itong naging malupit dahil nakayanan na siyang saktan. Sa tingin niya ay siya ang may kagagawan nito sa binata. Tiyak na gumaganti ito ngayon kaya gusto nitong magpakasal para pahirapan siya at saktan. Pwes! Hindi niya gagawin. Hindi na siya babalik muli sa company nito para hindi na niya makita ito. Akala niya oras na magkita sila nito muli ay makakahingi siya ng tawad, pero mukhang hindi siya nito mapapatawad base sa klase ng pagtrato nito sa kanya ngayon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.4K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
533.7K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
311.9K
bc

MAFIA SERIES 6: MY LORD

read
343.8K
bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
342.0K
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

Run Honey Run / Mafia Lord Series 4 Completed

read
317.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook