KABANATA 1 - OFFER

3735 Words
BUMABA SI JOE upang kumain nang hapunan. Nagtataka siya kung bakit napakatahimik ng kanilang bahay? Lumakad siya patungong sala habang tinitignan kung nasaan ang mga tao sa bahay. Tinungo niya ang dinning area at doon nakita niya ang Papa niya na parang luging-lugi habang tulala na nakatingin sa pagkain nito. Napatingin sa kanya si Mercy---ang madrasta niya na hindi niya ka-goodvibes. Katabi nito ang anak ng madrasta niya na napaka-maldita rin. Kung hindi lang dahil sa Papa niya ay baka pinalayas na niya ang mga ito sa pamamahay nila. Feeling ng mga ito ay matagal nang nakatira sa bahay nila at kung makaasta sa kanya 'pag wala ang Papa niya ay parang mga anak ng demonyita. "Hi, Pa." bati niya sa ama at humalik sa pisngi nito bago naupo. "Bakit parang nalugi kayo sa itsura ng mukha niyo?" tanong niya pagkaraan habang sumasandok ng kanin. "Paano, maba-bankrupt na ang company ng Papa mo. Kung tumulong ka kasi sa opisina kesa maglasing ka tuwing gabi sa bar, edi sana hindi mangyayari iyon." sabi ni Mercy na kinainit ng ulo niya. "Oh. . . Nagsalita ang malaki ang naambag. Ikaw nga d'yan, panay lang bili ng mamahaling mga gamit, hindi mo naman pera ang nilulustay mo. Kung alam ko lang, kaya mo kinakapitan si Papa ay dahil sa pera." sabi niya rito na kinausok ng ilong nito. "Wala ka talagang modo! Manang-mana--" "Enough! Nasa harap kayo ng hapagkainan kaya galangin niyo naman." suway at pigil ng Papa niya sa pagpapalitan nila ng maanghang na salita ni Mercy. Masama lang siyang tumingin sa witch na iyon pati sa anak nito na inirapan pa siya. "Malaki na ang problema ko, kaya 'wag niyo nang dagdagan pa." dagdag pa ng Papa niya kaya napabuntong-hininga siya. "Pa, bakit ba bigla na lang na-bankrupt kayo? Nito lang ay sabi niyo ay malakas ang kompanya niyo? Tapos ngayon bankrupt na?" tanong niya rito habang sinubo ang laman ng kutsara niya. "Meron kasing malaking company na malakas ngayon sa industriya. Meron tayong utang sa bangko pero nababayaran ko naman. Ngunit nang sabihin ng bangko na may isang company ang nagpabagsak sa company natin, at gusto daw nitong bilin ang buong building natin. Syempre bilang marami na tayong utang ay sasang-ayon agad ang bangko doon at wala na nga akong nagawa pa roon." sabi nito. Napahinto siya sa pagsubo ng biglang nag-flashback sa utak niya ang iniwang banta sa kanya ni Drake. Napatayo siya ng ma-realize iyon. Napakuyom siya ng kamay dahil tinotoo nito ang banta nito. Hindi siya sumunod sa sinabi nito at ngayon nga ay gumaganti na ito. "Pa, aalis lang po ako." paalam niya sa ama at humalik sa pisngi nito at mabilis na lumabas ng dinning area. Umakyat siya sa kwarto niya at nagbihis. Kung kailangan niyang magmakaawa rito na ibalik ang company ng ama niya ay gagawin niya, dahil importante iyon sa kanila. Sa kanyang ina na namayapa ito nanggaling, kaya alam niya na importante din ito sa Papa niya. Pinundar ito ng magulang niya kaya hindi siya papayag na mawala iyon. Napahigpit ang hawak niya sa manibela habang hinihintay ang pag-usad ng mga sasakyan sa harap niya. Lalong umiinit ang ulo niya dahil sa traffic. Masama na nga ang nangyayari sa kanya, masama pa rin ang magiging mood niya dahil sa tagal ng pag-unsad ng mga sasakyan. Naniniwala talaga siya na walang forever pero sa traffic meron. Pinark niya sa parking-han ng company ni Drake ang sasakyan. Bumaba siya ng kotse at sinuot ang shade. Suot niya ay isang stripe horizontal black and white polo na may nakapaloob na strap sando na white habang nakaparagan sa lumang ripped jeans na suot niya. Naka-high heels siya na itim habang nakatarintas ng pigtail ang buhok niya. Pumasok siya sa loob ng building at agad siyang hinarangan ng gwardya kaya huminto siya at inalis ang shades niya. "Miss, bawal kang pumasok habang hindi mo binibigay ang I.D mo." sabi nito. "Naku, manong, kilala ako ng boss mo. Kaya papasukin mo ako kung ayaw mong masisante." sabi niya rito at tinapik ito sa balikat. Sinuot niya muli ang shades at hahakbang na sana para tumuloy ng hawakan siya sa braso ng gwardya. "Miss, lumabas ka na kung ayaw mong kaladkarin kita. Ako ang mapapagalitan 'pag nagkataon." sabi pa nito pero hindi siya napigil. Kaya naman ay hinawakan siya nito sa braso at kinaladkad siya pero hindi siya nagpapatangay kaya halos maghatakan sila. "Aray, Manong!" ngiwi niyang sabi dahil napahigpit ang hawak nito sa braso niya. "What are you doing?" sabi ng isang maawtoridad na boses kaya napahinto sila sa paghihilaan. Yumuko ang gwardya habang hawak-hawak pa rin siya. "Good Morning, Sir. Pasensya na po sa gulo, nagpupumilit po kasing pumasok--" Nabigla siya ng tanggalin ni Drake ang kamay ng gwardya sa braso niya. Hinapit siya sa baywang ni Drake kaya napasinghap pa siya. "Ang lakas ng loob mong saktan at hawakan siya. You are fired!" sambit ni Drake rito na halos magpadaundong sa buong building. Hindi na pinagsalita ni Drake ang gwardya at kinaladkad na siya. Pilit niyang inaalis ang braso nito sa baywang niya pero mahigpit itong nakahawak kaya hindi niya matanggal. Pagdating sa opisina nito ay halos madapa pa siya ng bitawan siya nito bigla. "What are you doing here?" malamig nitong tanong at lumakad ito palapit sa table nito at naupo sa swivel chair. Umayos siya ng tayo at lumakad siya palapit rito at huminto sa tapat ng table nito. "Bakit mo dinadamay ang company ni Papa? Napakababaw mo naman para idamay siya dahil hindi ako sumipot sa sinasabi mong kasal!" galit na sabi niya rito. Sumandal ito sa swivel chair nito at tumingin sa kanya ng seryoso. "Anong akala mo na dahil sa hindi mo lang pagsipot kaya inaakala mo na galit ako at naghihiganti? At iniisip mo rin ba na ako ang dahilan kaya bumagsak ang company ng ama mo?" nauuyam nitong sabi. "hindi ko alam na mataas pala ang tingin mo sarili. Talaga lang na pabagsak na ang negosyo niyo kaya hindi nakakapagtaka na bumagsak na ito. Sa akin, walang napakababaw na dahilan kung para sa negosyo. Ang negosyo ay negosyo, at ikaw. . . wala lang sa akin kung pumayag ka man o hindi." sabi nito na halos kinakirot ng dibdib niya. Napakuyom siya ng kamay at halos pinipigilan na mapaiyak. Napaiwas siya ng tingin dahil ayaw niya na makita nito ang pangingilid ng luha niya. Napatango siya sa sinabi nito "Okay. . . Kuha ko na. Sige, aalis na ako." sabi niya rito at agad na tumalikod. Paglabas niya ay bumuhos ang luha niya. 'Yung hinanda niyang tapang na harapin ito ay nawala ng dahil lang sa masakit na salita nito na nagpahina ng loob niya. Hindi niya makayanan dahil naroon parin ang feelings niya para sa binata. Nakarinig siya na may paparating kaya agad niyang pinunasan ang pisngi at sinuot ang shade. Lumakad na siya at nakasalubong niya ang HR na humawak noon sa mga applicant. Tumango lang siya rito at pilit na ngumiti bago lagpasan ito. Paglabas niya ng elevator ay may biglang tumawag sa kanyang cellphone---si Tita Edit niya. Agad niya itong sinagot dahil baka importante. "Yes po, Tita?" magalang niyang pamungad. Kapatid ng Papa niya ang Tita Edit niya. Mabait ito at ito ang gumagabay sa kanya nang mawala ang kanyang ina. Nagpapasalamat siya at meron pa siyang Tita na madadamayan, dahil ang Papa niya ay tingin niya wala ng oras para sa kanya. Simula lang na dumating ang madrasta at imbyernang anak nito ay para siya pa ang na-echapwera sa bahay. Siya na tunay na anak, siya pa ngayon ang nagmamalimos ng atensyon na mas binibigay pa sa anak ni Mercy na si Nancy. "Joe, Hija, pumunta ka ngayon rito sa hospital. Biglang nahimatay ang Papa mo at ngayon ay nasa emergency room pa." sabi nito na nagpakaba sa kanya. Agad siyang napatakbo at marami na siyang nababangga na pumapasok sa building pero wala siyang pakialam, dahil mas kailangan niyang magmadali dahil nag-aalala siya para sa Papa niya. Agad niyang pinasibat ang sasakyan paalis sa company ni Drake at pinuntahan ang hospital na sinabi ng Tita niya. Panay ang bigkas niya ng panalangin para sa kanyang Papa. Kahit naman nawalan na ito ng oras sa kanya ay hindi parin nawawala ang pag-aalala niya rito. Ito na lang ang natitira sa kanya kaya ayaw niya na mawala pa ang Papa niya sa buhay niya. Pagdating sa hospital ay agad siyang pumasok sa loob ng hospital. Nagtanong siya sa nurse na nasa station kung saan ang emergency room. Agad nitong tinuro sa gawing kaliwa kaya agad niyang pinuntahan iyon. Nakita niya agad sa labas ng emergency ang Tita Edit niya. "Tita!" tawag niya rito na kinalingon nito. Agad siyang lumapit at yumakap rito. "Tita, ano pong nangyari kay Papa? Kamusta na po siya?" tanong niya rito pagkabitaw ng yakap. "Dadalawin ko talaga kayo kaya ako nandoon, pero pagpasok ko sa loob ng bahay niyo ay walang katao-tao, tanging katulong lang." sabi nito kaya tumango siya bilang signal na ipagpatuloy nito ang pagkwe-kwento. "Nalaman ko sa katulong na nag-away daw 'yung Papa mo at si Mercy. Ang sabi ng katulong niyo, kaya daw nagkabaon-baon na sa utang ang Papa mo ay dahil daw kay Mercy na walang ginawa kundi lustayin ang pera ng Papa mo---at nalaman 'yon ni Bernard. Jusko! Napaka-gold digger talaga ng Mercy na 'yun! Kung naabutan ko lang, hindi lang sampal at sabunot ang aabunutin no'n sa akin, kundi paghuhubarin ko siya na naglalakad sa kalye. Dahil tiyak na pera din ni Bernard ang ginamit na pambili ng mga damit niya." Napakuyom siya ng kamay at pumatak ang luha niya dahil sa nalaman. Oras na may mangyari sa Papa niya ay sisiguraduhin niya na magsisisi ang walanghiya niyang madrasta at isama pa ang anak nito. Bumukas ang pinto ng emergency room kaya napapahid siya ng luha at nilapitan nila ang doctor. "Doc, anong lagay ng kapatid ko? Ayos na ba siya?" tanong ng Tita Edit niya. "Naging normal na ang heartbeat ng pasyente pero ngayon ay na-stroke siya at may tendency na mahirapan na siyang makagalaw ng maayos." sabi ng doctor na nagpaluha sa kanya. Natulala siya dahil sa nalamang kalagayan ng kanyang ama. "Pero pag-stable na siya at nakapagpahinga na ay pwede na siyang sumailalim sa therapy para ma-exercise ang ugat at katawan niya. Baka sakali na dahil sa therapy ay makagalaw siya at bumalik ng konti sa normal ang kalagayan niya." dagdag pa ng Doctor kaya tumango-tango siya. At least meron pang chance na makabalik sa normal ang lagay ng katawan ng Papa niya. Dahil kung tatanungin siya ay hindi niya kayang makita na nahihirapan ito. Aalagaan niya ito sa abot ng makakaya niya para tuluyang gumaling ito. - TUNOG NG MACHINE at buga ng aircon ang maririnig sa buong silid na in-okupa ng kanyang ama. Nakaupo siya sa gilid ng kama nito habang hawak ang kamay nito para iparamdam rito na narito lang siya sa tabi nito. Bumukas ang pinto kaya napalingon siya at nakita niya ang Tita Edit niya. Nagpunta kasi ito sa cashier ng hospital para makapaghulog ng pambayad sa hospital. "Joe, may problema tayo. Napakalaki nang sinisingil ng hospital. Wala naman akong masyadong pera dahil naipasok ko na rin sa puhunan ng negosyo ko." sabi nito. "Sa pera po ni Papa, tiyak po na meron pa siyang natitira." sabi nya at ambang tatayo para umuwi ng magsalita ang Tita niya. "Wala ng pera ang Papa mo, Joe. Ninakaw ng madrasta mo ang laman ng bolt ng papa mo. Kaya pala inatake ng husto ang Papa mo dahil natuklas siguro niya na limos na ang pera na tinatago niya." sabi nito na kinalata niya. Mga walanghiya! Sisiguraduhin niya talaga na pagbabayarin niya ang mag-ina na iyon! Pero kailangan niyang gumawa ng paraan para makahanap ng pera. Wala pa naman siyang ipon dahil wala pa naman siyang work. Bigla ay parang may lumabas sa isip niya. Kinuha niya ang leather backpack niya at lumapit sa Tita niya. "Tita, pwede po ba na makisuyo sa inyo na kayo po muna ang bahala kay Papa? Gagawa lang po ako ng paraan para makahanap ng pera. Promise po, pagbalik ko ay makakabayad na tayo." sabi niya rito. "Pero saan ka kukuha? 'Wag mo sanang ilagay sa alanganin ang sarili mo, Joe. Lalong mahihirapan ang ama mo oras na malaman na ang ipinambayad mo sa bills niya ay ang sarili mo." sabi nito at alam niya ang pinupunto nito. "Pangako, Tita. Hindi po ako bababa sa level na iyon. Sige po, aalis na po ako. Salamat talaga, Tita." sabi niya rito at humalik siya sa pisngi nito. Lumapit muna siya sa Papa niya at humalik sa noo nito. Hinaplos-haplos pa muna niya ang mukha nito bago siya tumalikod at lumabas ng kwarto. Gusto niyang matawa sa sinabi niya sa Tita niya. Sa gagawin nga niya ngayon ay para na rin niyang ipangbabayad ang sarili niya. Dahil oras na pumayag siya sa contract ay hindi niya alam kung ano na ang mangyayari. Pero para sa Papa niya ang gagawin niya, kaya kahit mahirapan siya ay kakayanin niya. - FORD CORPORATION AGENCY NARITO SIYA SA harap muli ng building ni Drake. Oo, ito ang naisip niya na makukuhanan ng pera. Kakapalan na niya ang mukha, kahit magmukha pa siyang gold digger rito. "Miss, pwede ko bang makausap ang boss niyo? May kailangan lang akong sabihin sa kanya." tanong niya sa HR na nakasalubong niya sa top floor. "Okay, Miss. Wait a minute. Tatanungin ko muna si Sir." sabi nito kaya tumango siya habang pisil-pisil ang daliri dahil hindi niya maitanggi na kinakabahan siya. Ilang saglit lang din ay tapos na kausapin ng HR si Drake mula sa telepono. "Miss, pumasok ka na raw." sabi nito kaya nagpasalamat siya rito at tinungo na niya ang opisina ni Drake. Humugot muna siya ng maraming hininga bago kumatok ng tatlong beses. "Come in." sabi ng baritong boses nito. Lalo siyang kinabahan dahil hindi lang sa muli nilang paghaharap kundi sa lamig ng mga boses nito. Binuksan na niya ang pinto at dahan-dahan na pumasok. Pagkasara niya ng pinto ay humarap siya at hinanap kung nasaan ito? Wala kasi ito sa table nito. Naroon pala sa glass window kung saan nakatayo ito doon habang tumatanaw sa tanawin mula sa opisina nito. "Sabihin mo na ang kailangan mo." biglang sabi nito na kinagulat pa niya. Tumikim muna siya at nilakasan ang loob. "Papayag na ako sa kasal." sabi niya na kinahalakhak nito at humarap sa kanya. "Oh, really? Pero paano 'yan, wala na akong balak sa inaalok ko sa 'yo nung una mong pagpunta rito? Dahil nakahanap na ako ng babae na pwede kong ipagpalit sa 'yo." nauuyam na sabi nito na may kasamang ngisi sa mga labi. Para siyang sinaksak ng tatlong beses sa sinabi nito. At para siyang binagsakan ng kumukulong tubig sa pagkapahiya niya. Napatango siya dahil wala na pala, pero kailangan niyang mangutang, kahit ano mang kapalit ay gagawin niya. "Kung gano'n ay pautangin mo na lang ako. Pangako, ibabalik ko sa 'yo 'yon oras na makahanap ako ng pera. Please, kailangan ko lang ngayon." pagmamakaawang sabi niya rito at tinignan ang mga mata nito na walang emosyon. Binaba nito ang baso na may lamang alak na hawak nito sa lamesa sa harap ng sofa. Lumapit ito sa kanya kaya hindi niya maiwasan na umatras pero sinenyasan siya nito na tumigil kaya napayuko siyang huminto dahil hindi niya makayanan ang tingin nito at ang pagkabog ng dibdib niya sa tuwing lalapit ito. Nang makalapit ito ay hinawakan siya sa baba para i-angat ang tingin niya sa mukha nito. Hinawi nito ang buhok niya na tumikas mula sa pagkakatirintas. "Paano kung pautangin kita," panimula nito na binitin pa siya, "pero ang kapalit ay ang sarili mo?" pagpapatuloy nito na kinalaki ng mata niya. "A-anong ibig mong sabihin?" nautal niyang tanong rito. "Papautangin kita kung papayag ka na magpakasal sa papel at ibibigay mo ang buong sarili mo sa akin. Tutal, mukhang handa ka naman kaya ka lumapit sa akin." sabi nito na ibig niyang sampalin dahil hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. Ganito na ba talaga ang Drake na kilala niya? Ibang-iba na nga ito mula noon. Wala na itong pakialam sa maaaring maramdaman niya mula sa masasakit na salita na binibitawan nito. Pumikit siya dahil tama naman ito, kaya siya may lakas na mangutang dahil hinanda niya ang sarili sa maaaring hingin nitong kapalit. "Sumagot ka, Joe. Papayag ka ba? Pero kung hindi ay maaari mo nang lisanin ang opisina ko kung ayaw mo." sabi nito habang hinahaplos ang mukha niya.. Pinigil niya ang kamay nito at inalis sa pagkakahawak sa mukha niya. Dumilat siya at tumingin sa mga mata nitong walang emosyon. "Sige, pumapayag ako. Ilang buwan ba ang bisa ng kontrata 'pag nagpakasal ako sa 'yo?" pagpayag niya na kinatiim-bagang nito pero agad din itong ngumisi. "What a smart lady, ha?" sabi nito, "depende kung kailan ako magsasawa sa 'yo. Kapag nagsawa na ako ay ako mismo ang puputol ng kasal." dagdag nito at tumalikod sa kanya. Napamaang siya at muli na namang sinaktan nito ang damdamin niya ng matatalim nitong salita. Kinuha nito ang coat sa upuan nito kung saan nito sinabit. Sinuot nito iyon at may tinatawagan. Sinenyasan siya ni Drake na maupo, kaya naupo siya sa sofa. "Risa, come here in my office. Dalhin mo rito 'yung pinatabi ko sa 'yo." dinig niyang sabi ni Drake sa Risa na nasa kabilang linya. At meron muli itong dina-dial na ewan ba niya kung bakit ang daming tinatawagan? Bumukas ang pinto at pumasok doon 'yung HR na babae. Siguro ito 'yung Risa. May bitbit itong medyo malaking kahon na puti na parang lalagyan ng gown o damit? "Isuot mo 'yan, Joe." utos sa kanya ni Drake. Aapila pa sana siya kung bakit siya pinagsusuot nito? Pero hindi na niya nagawa ng bumalik muli ito sa kausap sa kabilang linya. "Heto, Miss. Halika samahan kita sa comfort room ni Sir." sabi ni Risa kaya tumango siya rito at nginitian dahil mukha naman itong mabait. Sumunod siya rito. Lumabas sila sa isang back door ng opisina ni Drake at namangha siya dahil parang isang kwarto na pala iyon. Napaisip tuloy siya kung dito ba natutulog si Drake? "Dito nagpapalipas si Sir 'pag ginagabi siya sa trabaho o wala siyang ganang umuwi sa tinitirahan niya." Sabi ni Risa na tila nabasa ang iniisip niya kaya napatango na lang siya. "Heto, isuot mo ito at para maayusan ko ang mukha mo." sabi pa nito. "Huh? Bakit kailangan mo pa akong ayusan?" taka niyang tanong. Ngumiti ito bago siya sagutin. "Malalaman mo rin. Sige na, magbihis ka na at baka mainip na si Sir." sabi nito kaya wala siyang nagawa kundi buksan ang kahon na nilapag nito sa kama. Pagbukas niya ay napabuka-sara ang bibig niya dahil isang puting dress na napakaganda. Inangat niya ito at nakita niya ang design nito. Pa-cube ito habang ang pambaba ay fitted siya na tiyak na kukurba ang korte ng katawan niya. Napakadulas ng tela at napakalambot. Meron pang mga diamonds sa bawat disenyo ng dress. Tumingin siya kay Risa pero busy ito sa pag-aayos ng make up kaya hindi na siya nagtanong at tinungo ang banyo. Malaki din ang banyo parang katuad sa mga hotel na may class. Hinubad niya ang suot na damit at tiniklop. Saka niya naman sinuot 'yung dress na ang zipper ay nasa gilid kaya hindi siya nahihirapan na isuot. Tumingin siya sa salamin at napangiti siya dahil bagay sa kanya. Pero nang mapababa siya ng tingin sa paa niya ay napangiwi siya dahil rubber shoes ang suot niya sa pang-paa. Napailing na lang siya dahil ang baduy. Binitbit na niya ang damit na pinaghubaran at lumabas na ng banyo. Napatingin sa kanya si Risa at tinignan siya mula ulo hanggang paa. At kagaya niya ay napangiwi ito ng makita ang shoes niya. "Halika na, aayusan na kita." sabi na lang nito kaya lumapit na siya rito. Naupo siya sa harap ng salamin at sinimulan na nitong lagyan siya ng make up sa mukha at ayusin ang buhok na pa-messy bun na medyo may lawit na hibla ng buhok niya sa harap at kinulot nito iyon. At inaamin niya na parang gumanda siya. Hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko, pero marami namang nagsasabi na maganda daw siya. Kamukha niya raw ang Mama niya na naging beauty queen noon. May maamo at maliit siyang mukha. Ang mata niya ay pabilog na may mahahabang pilik-mata. At ang ilong ay matangos habang ma-umbok ang pareho niyang pisngi na parang pusa 'pag ngumiti. At ang labi niya ay may hati sa gitna na nagpa-sexy sa labi niya. Maputi siya at makinis. Ang sukat ng body naman niya ay 34-23-35. Alaga din niya ang katawan niya sa gym kaya hindi nakakapagtaka na maganda ang hubog ng katawan niya. "Ayan! Tapos na." sabi ni Risa kaya napabalik siya sa sarili. "Ang ganda-ganda mo pala lalo 'pag may ayos." puri pa nito kaya ngumiti siya rito. "Salamat." sabi niya rito. "Walang anuman. Utos lang din ni Sir kaya bawal na hindi sundin. Isuot mo nga pala itong high heels na katerno niyang suot mo." sabi nito at may kinuha na high heels sa ilalim nung lamesa. Hindi naman kataasan kaya okay na. Kulay itim iyon na mukhang mamahalin. Tumayo siya sa pagkakaupo at hinubad ang sapatos niya. Tapos sinuot na niya ang pinasusuot nitong high heels na saktong-sakto sa paa niya. "Ayan, ready ka na. Lumabas ka na at ililigpit ko pa ito. Tiyak na naiinip na si Sir." Tumango siya at huminga ng malalim bago lumakad palapit sa pinto. Binuksan na niya ang pinto at lumabas siya. "Napakatagal namang pag-aayos 'yan." banas na pamungad ni Drake sa kanya na nakaharap muli sa tanawin at humarap sa kanya. At nang makita siya ay nakita niya ang pagbuka-sara ang bibig nito habang tinitignan siya mula ulo hanggang paa. Bigla ay nailang siya sa tingin nito kaya halos magdikit ang paa niya sa pagkailang. Lumapit ito sa kanya kaya lalo siyang hindi mapalagay. Paglapit nito ay pumulupot ang isa nitong braso sa baywang niya at hinapit siya na kinasinghap niya. "You're so gorgeous." papuri nito habang tinitignan siya sa mata pababa sa labi niya na kinakagat-kagat niya. "and later, you will be mine. Alone." pagpapatuloy nito na kinakilabot niya. Lalo ng pagdiinan nito ang salitang 'alone'. Hinatak na siya nito palabas habang mahigpit itong nakakapit sa baywang niya. Habang siya ay parang kinukuryente sa mabakal na kamay nitong nakalapat sa baywang niya na parang mababali sa pagkakahawak nito. Tila pagkatapos ng araw na ito ay pakiramdam niya wala na siyang kawala rito. At alam niya na magsisimula na rin ito na paghigantihan siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD