bc

Bettina Serina FORD SERIES 7 [Completed] Tagalog

book_age16+
22.5K
FOLLOW
168.6K
READ
age gap
brave
comedy
sweet
bxg
witty
like
intro-logo
Blurb

The famous Bettina Serina Ford---ang tinatawag na brat princess doll na anak ng isang sikat na businessman, mafia, fashion designer at painter na sina Dimitri and Beatrice Ford. Everyone admires her charm, beauty, and confidence. What she want is what she get.

Meron din siyang marupok na puso kaya mabilis siyang na-inlove sa kaibigan ng Kuya niya na si Chadler Yuan. Nagkaroon sila nang sekretong relasyon dahil ayaw niyang malaman ng Kuya Duke niya ang relasyon nila. At ang isa pang kadahilanan ay dahil sa dugong dumadaloy kay Chad. Isa itong chinese, kaya ayaw sa kanya ng pamilya nito.

Nagtungo siya sa country club kasama ang mga sinasabing kaibigan. Ang hindi niya alam na ang club na pinasukan niya ay ilegal pala na para sa mga foreigner na kumukuha ng p********e.

Sa isang iglap, dumating ang police team at inaresto ang lahat ng tao na nasa club. Even her. Siya ang natatanging naaresto sa kanilang magkakaibigan, dahil iniwan siyang mag-isa na lango sa alak.

Meet the handsome Lieutenant General Rico Dominic Esquivar. Ang seryosong police man na umaresto kay Bettina sa club. Nanggagalaiti siya sa galit nang malaman niya na napakabata pa ni Bettina. She's only 15 years old for God's sake. He hates girls trying to be a mature woman. At naiinis siya sa mga babaeng nagtutungo sa club para ipakita ang balat sa ikli ng kasuotan. And he hates her because she's so liberated at her age.

Siya ang matinong pulis na dedikado sa kaniyang trabaho. At ang matinong pulis na magpapatino sa bratty princess ng mga Ford.

chap-preview
Free preview
SIMULA
I RECEIVED A text. Napangiti ako pero agad ko ring inalis bago napatingin sa mga kaibigan ko. We are here in the cafeteria. Tumayo ako kaya napatingin sa akin si Charmaine, Daisy, at Jessie. "Where are you going, Tina?" Charmaine asked. "May nakalimutan lang ako sa room. Mauna na ako sa inyo." Magsasalita pa sana si Daisy pero agad na akong tumalikod. Napahinto ako nang makita ko sila Tanya Chen. Kasama niya ang mga friends niyang chinese din. Ngumiti siya kaya tumango lang ako at nilagpasan na sila. She's a chinese. And I don't know but I'm insecure to her. Sana may chinese blood din ako. Sa pinakalikod ng school ako nagpunta. Tiningnan ko pa ang paligid bago ako nagmadaling tinahak ang likod habang palinga linga sa paligid. Napasinghap ako nang may humila sa akin. Pero napangiti ako nang isandal ako nito sa pader at kinorner ako. "Bakit hindi ka sumagot sa text ko?" tanong niya at kinilig naman ako nang titigan niya ako. Gwapo siya at ang mga mata niyang singkit ang mas nagpapa-aliwalas pa ng itsura niya. "Nasa tabi ko ang mga friend ko kaya paano ako makakasagot." Napatango siya at tumingin sa labi ko kaya napakagat ako ng labi habang ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko. Para ring umiikot ang sikmura ko at tila may mga paru-parong naglalaro doon. "I miss you." Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi ko akalain na sa magkaiba naming agwat ng edad ay magugustuhan niya ako. At malungkot man dahil hindi namin pwedeng ipaalam sa iba ang relasyon namin. Dahil una, bestfriend siya ng Kuya Duke ko. At oras na malaman ni Kuya ang relasyon namin ni Chadler Yuan or Chad ay baka magalit ito sa akin at sa kanya. Pangalawa, masakit sa parte ko na malaman na hindi niya pa ako pinapakilala sa parents niya. Sabi niya ay dadating din kami doon, kaya naniniwala ako at naghihintay. Unti-unting lumapit ang mukha niya kaya napakuyom ang kamay ko habang palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko. Parang nanginig ang labi ko at may elektrisidad akong naramdaman nang lumapat ang labi niya sa labi ko. Lumapat iyon at para akong nanigas sa kinatatayuan ko dahil inaamin ko na first kiss ko iyon. Ngumiti siya sa akin nang bitawan niya ang labi ko. Napangiti ako habang nakatingin sa gwapo niyang mukha. "I have a gift for you," aniya. "Talaga?" tumango siya at may kinuha sa bulsa ng pants niya. Napatakip ako nang bibig nang makita na kwintas iyon. God. Napapaypay ako sa sarili at hindi ko mapigilan na kiligin. "This is the sign that you are important to me," aniya kaya napangiti ako ng maluwag. One year na kami at isang taon na naming tinatago ang relasyon namin. At tuwing may selebrasyon sa relasyon namin ay palagi niya akong binibigyan ng regalo. Kapag nasa bahay siya ay pasimple ang tinginan namin. At minsan kapag lumalabas siya sa entertainment room namin ay hindi siya lumalabas para mag-CR o magpahangin. Nagtatago kami para yakapin ang isa-isa sa pagkamiss. Minsan naririnig ko na engage na raw siya. Pero sinasabi niya na hindi daw totoo iyon. Gusto kong maniwala sa sabi-sabi dahil mismong si Tanya Chen ang nagsasabi na fiancé niya si Chad. Mayaman din ang pamilya ni Tanya dahil marami rin silang negosyo all over the country. Pero naniniwala ako kay Chad. Hindi naman niya ako lolokohin at hindi kami aabot ng isang taon kung hindi niya ako mahal. "Mamaya, date tayo." Ngumiti ako sa pang-anyaya niya habang nakaupo na kami sa bench na natatabunan ng mga puno kaya walang makakakita sa amin. Nakaakbay siya sa akin na lihim kong kinakilig. "Saan naman?" tanong ko habang nakatingin sa kamay namin na magkasiklop. "Sa bahay." Nang sabihin niya iyon ay napaayos ako ng upo at napatingin sa kaniya. Napabuka-sara ang bibig ko na kinangiti niya. "Ayoko na magduda ka sa pag-ibig ko. Kaya ngayong anniversary natin ay ipapakilala kita sa parents ko." "Talaga? Sure ka?" Hindi ako makapaniwala na ngayon niya ako ipapakilala. Gosh. Hindi ako handa. Dapat pala mas maganda pa ang sinuot ko ngayon. Baka malaman nila na sobra akong bata para kay Chad. "Oo. Ano, gusto mo ba?" Napaisip ako dahil kinakabahan talaga ako. Pero determinado na tumango ako sa kaniya kaya napangiti siya at pinisil ang ilong ko. "Uy, tulala ka?" Nawala ako sa iniisip ko tungkol sa date namin sa bahay nila Chad nang pukawin ako nila Charmaine. Napahinga ako ng malalim at muling tiningnan ang itsura ko sa salamin ko. "Tingin niyo ay presentable na ang itsura ko?" Natawa sila at nagkatinginan kaya umirap ako dahil iisa lang ang sasabihin nila. "You are so gorgeous, Bettina." "Yeah. Yeah," sabi ko na lang at inayos ang bangs ko na bagong gupit lang. Napangiti na naibaba ko ang salamin at agad na kinuha ang phone ko. Tumingin muna ako kela Daisy at nang makita na hindi sila nakatingin ay agad kong tinext si Magnolia; my bestfriend. Tinext ko na binigyan ako ni Chad ng kwintas at napangiti ako sa reply ni Magnolia na masaya siya para sa akin. Si Magnolia lang ang nakakaalam ng pagtingin ko kay Chad. Kasi mapagkakatiwalaan siya at never siyang nagdaldal ng sekreto mula pa nang maging magkalaro kami nung bata pa kami. Mas sasaya ako kung matutupad na maging pamilya namin si Ate Nestle at Magnolia. At sana ay ang mga kapatid ko ang makatuluyan nila. Nakita ko na nagkakamabutihan na sina Sangko at Magnolia at ganoon din sina Ate Nestle at Kuya Duke. Sobrang saya ko nga nang tumira sila sa amin. Hindi na lamang ako ang nag-iisang babae bukod kay Mommy ang nakatira sa bahay. Ang hirap kaya ng kasama mo ay puro barako. Tapos malakas mantrip. Pero kapag sila ang pinagtripan ko ay mga pikon naman. Pagkatapos ng class ay agad akong umalis. Sabi ni Chad ay sa likod ng school na lang daw kami dumaan upang walang makakita. Dala niya ang motor niya at yumakap ako sa bewang niya habang napapangiti dahil excited na akong ma-meet ang parents at pamilya niya. Napakaganda ng katawan ni Chad nang mahipo ko ang tiyan niya na tila may pandesal din. Nang tanungin ko kung anong size ng paa niya ay eight lang. Pero okay na 'yun, basta maganda ang katawan. Sa isang chinese style house kami nagtungo. May dragon na nakaukit pa sa gate nilang gawa sa kahoy at gaya sa paniniwala nila ay meron ding nakasabit na lucky chain sa bawat haligi ng bahay. Malaki rin ang bahay nila Chad dito sa Maynila. Mabuti nga at nakapuslit kami dahil kilala naman si Chad at mas lalo na ako. Kaya hindi maghihinala ang tauhan nila Dad na iba na ang pupuntahan namin. Alam din ni Kuya na tutulungan lang ako ni Chad na bumili ng importanteng sangkap sa project ko na wala sa isla kaya hindi na sila naghinala. Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Chad kaya napatingin siya sa akin. "Kinakabahan ako." Ngumiti siya at pinisil ang kamay kong hawak niya. "Don't worry, I'm here beside you." Tumango ako at nagkaroon ng kapanatagan ang loob ko dahil sa sinabi niya. Tinahak na namin ang makasaysayan pa atang chinese na bahay nila. Dahil halatang matagal na rin silang nalalagi rito. At bawat parte ng bahay ay makikitaan mo ng sign na may lahi silang chinese. Nakarinig kami ng mga boses kaya palala ng palala ang kaba ko. Nang makarating kami kung nasaan ang mga boses ay bumungad sa amin ang mga tao na nakaharap sa hapagkain at tila sila nagkakatuwaan habang nag-uusap. Nagulat ako nang makita ko si Tanya at nawala ang kasiyahan nila nang mapatingin silang lahat sa amin. "Finally, Chadler, you're here... But who is this lady?" Napatingin ako sa ginang na nakasuot ng magarang kasuotan habang ayos na ayos ang kanyang buhok. Kinabahan ako dahil nag-iba ang timpla ng mukha nito nang mapatingin ito sa kamay namin ni Chad na magkahawak. "She's Bettina Serina Ford, Mama. My girlfriend." Ngumiti ako sa Mama pala ni Chad at nais ko sanang bumeso pero napamaang ako nang makatanggap ako ng sampal mula rito. "Mama!" Agad na nilagay ako ni Chad sa likod niya at para akong natulala sa nangyari. "How dare you to bring that girl here. Hindi ka na nahiya kay Tanya na fiancé mo." Totoo..totoong fiancé niya si Tanya? "Enough, Sandra." Tumingin ako sa ginoo at napayuko ako nang makita na mas istrikto at tila mas labag ang loob nito sa akin. "Son, alisin mo ang babae mo rito at humingi ka ng sorry kay Tanya bilang paggalang mo sa kaniya." Nanikip ang dibdib ko dahil ramdam na ramdam ko ang hindi pag welcome sa akin ng pamilya ni Chad. Napahinga ng malalim si Chad at napatingin ako sa kanya nang hilahin niya ako para talikuran ang pamilya niya. Paglabas namin ay hindi ko mapigilan na mapaiyak. Kita ko ang inis sa mukha ni Chad. "Tara na, sa labas na lang tayo kumain," aniya at hinila muli ako. Para akong tuod na sumabay sa kaniya. Kaya ba hindi niya ako mapakilala sa pamilya niya ay ganito ang mangyayari? "Sandali!" Napahinto kami nang marinig namin ang boses ni Tanya. Nakita ko na kasunod niya ang bestfriend niya na masama ang tingin sa akin. "I thought you're an angel, Bettina. Nakikipagngitian ka pa sa akin, 'yun pala ay mang-aagaw ka." Napalunok ako at tiningnan siya. Mas matanda siya sa akin at dalawang taon lang ang agwat nila ni Chad. Mabait si Tanya dahil iyon ang palagi kong naririnig sa iba. At kita ko naman dahil marami siyang kaibigan sa school. Hindi tulad ko na pakiramdam ko ay nilalapitan lang ako dahil kami ang may-ari ng school. Dahil kami ang may-ari ng isla. "Enough, Tanya," Napatingin ako kay Chad na nakikipagtagisan ng tingin kay Tanya. Batid ko na merong nakapaloob na emosyon sa tingin ni Chad para kay Tanya. "I'm sorry, I didn't know." Agad ko silang tinalikuran at mabilis akong naglakad kahit hirap ako sa suot kong ankle boots. Hindi pa ako nakakalayo nang may pumigil sa braso ko. Napatingin ako kay Chad. Hinila niya ako patungo sa motor niya kaya napatingin ako kay Tanya. Nakikita ko sa reaksyon niya ang sakit at selos. Para bang lubos siyang nasasaktan sa nakikita niya. Tahimik lang ako habang nakatingin sa dinadaanan namin. Mahaba ang naging biyahe lalo't sa Maynila pa kami galing. Nawalan na ako ng ganang kumain kaya sinabi ko na iuwi niya na lang ako. Tinungo namin ang port at sumakay na ng barko upang maisakay din ang motor ni Chad. Nanatili si Chad sa isla dahil alam ko na gusto niya rin na nandoon siya dahil nandoon ang mga kaibigan niya. At hindi ko alam kung nandoon din siya dahil ako ang dahilan, o dahilan niya ay dahil doon din nag-aaral si Tanya. "You like her, right?" I asked. Ako na siguro ang tanga na girlfriend na nagtanong ng ganoon. Kita ko ang kaseryosohan niya at hindi siya umimik sa sinabi ko. "Kaya ba hindi mo ako madala sa pamilya mo dahil alam mong aayawan nila ako?" "Yes...I don't want to hurt you." Napatango ako at mapait na ngumiti habang nakatingin sa dagat na tanging nagliliwanag lang sa paligid ay ang buwan. Maganda ang panahon kaya maganda din ang paghampas ng alon. Banayad at tila nasa kondisyon. "Totoo palang arrange na kayo ni Tanya." Hindi siya sumagot kaya napatingin akong muli sa kanya. Kita ko ang pagtingin niya sa malayo. At tila meron siyang iniisip na hindi ako ang dahilan. Ganito pala ang masaktan. "I don't like her," tumingin siya sa akin at humarap bago ako hawakan sa mukha kaya napayuko ako, "I love you, Bettina. At kahit na hindi nila gusto ang relasyon natin ay ipaglalaban kita. Kaya sana ay wag kang mawalan ng pag-asa sa atin, ha?" Tumango ako at nakaramdam ng paggaan ng pakiramdam sa sinabi niya. Pagdating sa port ay napatingin ako sa kanya nang mapahinto siya. Nakatingin siya sa phone niya at kita ko na tila nabalisa siya. "Bettina," tumingin siya sa akin at napaatras, "I'm sorry, but I need to go back in Manila.." Magsasalita pa sana ako nang agad siyang tumalikod sa pagmamadali habang kita na meron na siyang kinocontact sa phone niya. Napasinghap ako dahil hindi naman ako dapat masaktan dahil tila emergency ang pupuntahan niya kaya siya nagmamadali. Pero hindi ko malaman sa sarili ko kung bakit ako nasasaktan. Humarap na ako sa nilalakaran ko at nilakad ko lamang ang dalampasigan. Huminto ako nang makarating ako sa gitna ng dalampasigan. Tinanaw ko ang mga taong nagtatampisaw pa sa dagat. "Bettina!" Agad akong napalingon nang marinig ko ang boses ni Mags. Napangiti ako dahil kakatawag ko lang sa kanya, tapos agad din siyang nakarating. Pumuslit lang siya dahil alam niyang susundan siya ni Sangko. "Saan ka galing? Kanina ka pa hinahanap ng parents mo." Lumapit ako sa kaniya at alam kong nagulat siya nang yakapin ko siya. "Namasyal lang mag-isa." Napahinga siya ng malalim at naramdaman ko ang paghagod ng kamay niya sa likod ko. "Sa akin ka pa ba magkakaila?" aniya kaya bumitaw ako ng yakap at nginitian siya. "Balita ko ay girlfriend ka na ni Sangko," panunukso ko upang lumihis sa akin ang usapan. Namula siya kaya lalo akong napangiti. Mabuti pa si Mags. Alam kong hindi siya masasaktan kay Sangko dahil wala rin namang hadlang sa kanila. "H-Hindi pa no," kaila niya kaya napataas ang kilay ko. "Really? Hindi pa? So, talagang may pag-asa si Sangko?" lalo siyang namula kaya napangiti ako lalo. "Bakit ba sa akin napunta ang usapan? Ano, may problema ba kayo ni Chad?" Nawala ang ngiti ko sa tanong niya. Napahinga ako ng malalim at naglakad bago naupo sa buhangin. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko kaya nagkaroon ng katahimikan. "Ayaw sa akin ng pamilya niya. At..arranged to be married na pala sila ni Tanya." Napasinghap siya kaya mas niyakap ko ang binti ko. "Anong sabi ni Chad?" Tumingin ako sa kanya at ngumiti kahit gusto kong maiyak. "Sabi niya mahal daw niya ako at ipaglalaban." "Ayun naman pala. Kaya wag ka nang malungkot. Tsaka bata ka pa, dapat hindi mo muna iniisip iyan. Kung talagang kayo ni Chad hanggang sa matagal na panahon, kayo talaga. Pero kung hindi, dapat na tanggapin dahil baka merong plano si God kaya hindi siya para sa'yo." Napangiti ako sa sinabi at sumandal ako sa balikat niya bago ko yakapin ang braso niya. "Parang dami mong hugot sa buhay ngayon, Mags. Sabagay, tiyak na maraming paandar si Sangko sa'yo kaya nag-uumapaw sa kilig ang nararamdaman mo." "Ano ka ba, hindi ganoon." Tiningnan ko siya at natawa ako, "Bakit ka namumula? Ayyieee!" Tumayo siya at umiwas sa panunukso kaya natawa ako. Si Mags talaga ang kaibigan ko na kita ko ang totoong pagkatao. Kaya nga sana ay wag nang pakawalan ni Sangko dahil gusto ko na maging totoong pamilya ko siya. - SINUNOD KO ANG sinabi sa akin ni Mags na wag munang isipin ang ganoong problema. Pero ngayon ay iniiwasan ko muna si Chad at maging si Tanya. At tsaka hindi ako si Bettina kung magpapakita ako ng kahinaan. Kaya taas-noo pa rin akong naglalakad sa buong school at hindi pinansin ang bawat tingin ng mga estudyante. Kasabay ko sila Charmaine nang makasalubong ko sila Tanya. Hindi siya mukhang manunugod dahil tila may nais lang siya. "Bettina, can we talk?" Napahinga ako ng malalim at tumango ako. Tumalikod siya kaya sumunod ako sa kaniya. Hindi na kami sinundan nila Charmaine at mga kaibigan niya. Sa garden kami nagpunta. Naupo siya sa bench kaya sumunod ako at naupo nang may ilang distansya sa kaniya. "Chad and I are engaged." Tumango ako dahil alam ko naman iyon. Bakit niya pa inuulit? Para ipamukha sa akin, ganoon? "I love him.. And I know he love me too." Tumingin siya sa akin na may nangingilid na luha kaya napamaang ako. "Dati ko siyang boyfriend." Natigalgal ako at ramdam ko ang pagnginig ng kamay ko pero hindi ko pinahalata na naaapektuhan ako. "Bakit mo sinasabi iyan?" Humugot siya ng hangin at nagpahid ng luha. Napatingin ako sa braso niya na tila may saksak ng karayom. "Dahil iniwan ko siya noon kaya lang kami nagkahiwalay. Iniwan ko siya noon dahil kailangan kong magpagamot para hindi ako mawala sa mundong ito. Bumalik ako na akala ko ay magiging okay muli kami. Pero para siyang malamig na yelo ang pakikitungo niya sa akin ngayon. Pero ginawa ko ang lahat para muli siyang bumalik sa akin. Masaya ako dahil arrange kaming dalawa. Maaari siyang mapunta sa akin. Pero nagalit siya at akala niya ay ako ang may kagagawan kaya na-aarange kami... Gusto ko siyang bumalik sa akin, Bettina. Gusto kong makasama siya hanggang sa huli kong hininga." "Hindi kita maunawaan. 'Di ba magaling ka na kaya ka bumalik?" Tumingin siya sa mga mata ko at hinawakan ang mga kamay ko kaya napatingin ako doon. "Bumalik ang sakit ko. Hindi pala successful. Ang leukemia ay naririto pa rin sa katawan ko." Hindi ko mapigilan na bumilis ang t***k ng puso ko sa sinabi niya. Nahihirapan ako dahil naaawa ako sa kaniya at nahihirapan ako dahil kaya siya nakikipag-usap sa akin ay para hilingin na pakawalan ko na si Chad. Lutang na lutang ako sa klase at pansin iyon nila Daisy. Napatingin ako sa phone ko nang may nag-text at nakita kong si Chad iyon. Chad: Please, meet me at the coffee shop. Alam ko ang sinasabi niyang coffee shop. Iyon yung coffee shop na tago kaya malaya kaming nakakapagdate noon ng walang nakakakita. "Saan ka na naman pupunta, Bettina? Hindi ka na nakakasama sa bonding namin." "Next time, Charmaine. Sorry." Agad ko na silang tinalikuran at tumakbo na ako. Sumakay ako sa kotse kung saan ang driver ko ay si Kuya Jeffrey. Alam niya ang mga lihim na pagtatagpo namin ni Chad. At nakiusap ako sa kaniya na wag sabihin kela Dad o kela Kuya iyon. Hinawakan ko ng husto ang phone ko habang kinakabahan akong nakatingin sa daan kung saan patungo sa coffee shop. Kinuha ko ang salamin ko at pansin ko ang pagkaputla ko kaya nagpahid muna ako ng pink lipstick. This past few days, nakalimutan ko na ang pag-aayos. Sa sobrang stress ko ay nawala ako sa dati kong routine. "Kuya Jeffrey, iwan niyo na ako." Tumango siya kaya bumaba na ako ng kotse. Inayos ko pa ang skirt ng uniform ko at humugot ng hangin bago humakbang sa coffee shop. Pagpasok ko ay agad kong nilibot ang tingin at napatingin ako kay Chad na nakatingin sa iniinom niyang tubig habang nasa isang sulok. Naglakad ako palapit at huminto sa gilid niya. Napaangat siya ng tingin at kita ko ang kaginhawahan nang reaksyon niya nang makita ako. "Bettina," tumayo siya at pinauna akong maupo bago siya naupo sa tabi ko. Tahimik lang ako habang siya ay pinakikiramdaman ako. "Chad, I think this relationship---" "Let's order first," aniya na pinigil ako sa sinasabi ko. Napatingin ako sa kamay niya nang hawakan ang kamay ko at pinagsiklop sa kaniya. Umorder siya habang pisil-pisil niya ang kamay ko. Napahinga ako ng malalim dahil sa mga ganitong bagay ay madali akong bumigay sa kaniya. Kung sana ay hindi siya sweet, gentleman, at mabait, edi sana ay madali lang sa akin na makipagkalas sa kaniya. "I love you, Bettina. Please, don't ever leave me, ha?" aniya at tumitig siya sa akin habang hinahalikan ang likod ng palad ko. "Chad, ayaw sa akin ng pamilya mo. Paano pa kaya kung magkatuluyan nga tayo, hindi naman ako welcome sa kanila? Masaya pa rin ba iyon?" Binitawan niya ang kamay ko at napatingin ako sa kamay niya nang akbayan niya ako. Tumingin ako sa kanya at para akong pinanlalambutan ng tuhod sa nakakalusaw niyang tingin. "Still, I love you. Wala silang magagawa kung nagmamahalan tayo. At alam ko na magugustuhan ka nila. Dahil hindi ka naman mahirap na magustuhan." Pinipigil kong hindi mapangiti, pero hindi ko pala kaya. Napangiti ako kaya napangiti siya. Nagulat ako nang nakawan niya ako ng halik sa labi. "Are we clear now? No break-up?" Umiling ako kaya napangiti siya. Nakangiti ako na yumakap sa kanya. Siguro nga ay hindi din ako dapat maging padalos-dalos sa desisyon ko. Baka pagsisihan ko lang kung mag-break kami ni Chad. Hindi na ako nagpasundo kay Kuya Jeffrey at si Chad na mismo ang naghatid sa akin gamit ang kotse niya. Sabi ko ay sa malayo ako ihatid para walang makakita, pero makulit siya at hinatid ako mismo sa harap ng bahay namin. Wala naman daw tiyak na makakapansin sa amin dahil ihahatid niya lang naman daw ako. Kaya pagdating sa harap ng bahay ay agad akong nagbaklas ng seatbelt at agad na bumaba. "Bettina," Napahinto ako sa paghakbang palayo sa kotse niya nang tawagin niya ako. Lumapit siya sa akin at may nilahad kaya napangiti ako dahil sa pagmamadali ko ay nakalimutan ko ang bag ko. "Thanks." Tumingin ako sa kaniya at napasandal ako sa kotse nang lumapit pa siya. Napalunok ako at kinakabahan na napatitig sa kanya. Bumaba ang mukha niya kaya napapikit ako at napahigpit ang hawak ko sa bag ko nang dumampi ang labi niya. Napakalakas ng kabog ng dibdib ko at para akong nanghihina sa pagdampi ng labi niya sa akin. "Bettina!" Nanlaki ang mata ko at agad kaming nagbitaw ni Chad nang marinig ang galit na boses ni Kuya. God! Patay!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
311.9K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.4K
bc

POSSESIVE MINE

read
970.6K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

My Stranger Husband

read
7.2M
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook