KABANATA 1

3996 Words
UNDER ARREST PATAKBO AKONG UMAKYAT sa taas at dali-dali akong pumasok sa kwarto ko habang umiiyak. Natatakot ako dahil galit si Kuya sa akin, pero naiinis ako dahil bakit ang dami namang hadlang sa pagmamahalan namin ni Chad. Ngumawa ako ng ngumawa at padapa akong nahiga sa kama ko. Naramdaman ko na bumukas ang pinto kaya sinubsob ko ang mukha ko sa pink pillow ko. "Ate, why are you crying?" Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ang maliit na boses ni Benj. Naramdaman ko ang pag-akyat niya sa kama at niyakap niya ako habang nakadapa na nakahiga siya sa likod ko. "Umalis ka nga d'yan. Can't you see I'm crying?" "I'm crying also, Ate." Mas lalo akong napaiyak dahil nakikiiyak din itong si bunso. Kahit naman lagi ko siyang pinapaiyak ay siya ang pinakasweet na Baby Benj na dinadamayan ako kahit pa hindi naman niya nauunawaan ang mga nangyayari. Bumangon ako kaya naalis siya sa likod ko. Nag-indian seat ako at tiningnan siya na naupo rin. "Galit sa akin si Kuya, Bunso." "Oh, you look like a panda, Ate," aniya at tinuro ang mata ko kaya inismiran ko siya at inabot ko ang mirror ko. "Oh my God!" Para akong umiiyak na kulay itim ang luha ko. God! Nagkalat ang mascara ko at lagpas din ang lipstick ko. Napahawak ako sa mukha at napasimangot nang tawanan niya ako. "Benj, stop it," saway ko at inabot ang wipes. Pinahiran ko ang mukha ko upang alisin ang make-up ko. "Bakit galit sa'yo si Kuya?" tanong niya na akala mo ay ang tanda-tanda na niya. Natigilan ako sa pagpunas sa mukha ko at natulala ako nang maalala ang galit na mukha ni Kuya habang sinuntok niya sa mukha si Chad. Nag-aalala ako para kay Chad. At nag-aalala din ako dahil tiyak na ngayon ay sira na ang friendship nila. At ngayong nabulgar ang relasyon namin, mas natatakot ako na baka paghiwalayin nila kami. "Because I love his bestfriend. Si Chad." Napatingin ako sa kaniya nang sumimangot siya at humalukipkip. "I don't like him for you, Ate." Umirap ako at nahiga. Pati ba naman siya. Agad akong napatalukbong ng kumot nang pumihit ang pinto. "Tina," God! Si Mommy... "Tina, hindi sinasadya ng kuya mo na pagsabihan ka ng ganoon. Alam mo naman na he loves you so much and he just want to protect you." Hindi pa rin ako umimik dahil nahihiya ako kay Mommy. May yumakap sa akin kaya alam kong si Benj iyon. Rinig ko ang pagbuntong-hininga ni Mommy at paglundo ng kama sa paanan ko. "Bakit nilihim mo ang relasyon niyo ni Chad? Hindi naman ako galit dahil nauunawaan ko na dalaga na talaga ang princess ko. Kaya maaari mo bang sabihin kay Mommy kung bakit mo tinago?" Nagdadalawang isip ako kung aalisin ko na ang kumot. Nang hindi ko siya harapin ay tila sumuko na si Mommy. Napakagat ako ng labi. "Okay, hindi muna kita pipilitin. Pero wag kang magmukmok dito.... Baby Benj, tara muna sa baba." "Ayaw. Sasamahan ko po si Ate." Nakakainis naman si Benj. Bakit ayaw pa niyang sumama? Paano ako makakaemote nito? "Okay, pero mamaya ay bumaba na kayo para sa hapunan natin." Narinig ko ang papalayong yapak ni Mommy at nang magsara ang pinto ay inalis ko ang kumot sa mukha ko at tiningnan si Benj. "Sumunod ka na kay Mommy," sabi ko. "Ayaw," yumakap ito lalo kaya napahinga ako ng malalim. "Dali na. Mag-eemote pa ako," inalis ko ang kamay niya pero ayaw niya talagang bumitaw. "I love you, Ate," Natigilan ako sa sinabi niya pero agad akong napangiti.. "Talaga? Love mo ako, Baby Benj?" Kiniliti ko siya kaya tawa siya ng tawa. Natawa ako at huminto. "Yes," tugon niya kaya lalo akong napangiti. Kamukhang-kamukha ni Benj si Lolo. Kaya kamukha rin niya si Daddy. Natigil ako sa pagtingin kay Benj nang tumunog ang phone ko. Agad kong kinuha at nang makita kong si Chad ang tumatawag ay agad ko ring sinagot. "C-Chad, are you okay?" (I'm okay, Bettina.. Galit sa akin ang kuya mo at gusto niya na layuan na kita... Please, sumama ka sa akin. Magtanan na tayo ngayon.) Napamaang ako sa sinabi niya. Napatingin ako kay Benj na nakatingin sa akin tila ba binabasa ang reaksyon ko. Napatikhim ako dahil kinakabahan ako. "C-Chad, sure ka ba?" (Of course, I am. You love me right?) Napahinga ako ng malalim dahil hindi ko alam ang magiging desisyon ko. Pero ayokong malayo kay Chad. I love him so much. "O-Okay." (Good. Susunduin kita rito sa harap ng bahay niyo. Basta gumawa ka ng paraan para makalabas, hmm?) Tumango ako kahit na hindi naman niya nakikita. "S-Sige." Binaba ko na ang phone at natulala. Kinakabahan ako sa gustong mangyari ni Chad. Pero ang ibig sabihin ng pagtatanan namin ay handa niya akong piliin kesa sa lahat. Kinilig naman ako doon. Pero nawala ang ngiti ko nang may bumato sa akin sa mukha ng unan. "Benj!" "Are you crazy, Ate? Why are you smiling?" "Paki mo ba? Lumabas ka na nga at istorbo ka sa moment ko." Nangilid ang luha nito kaya umirap ako at bumaba nang kama. Agad akong nagtungo sa closet ko para ihanda ang dadalhin kong damit. Narinig ko ang lumalagabog na pagsara ng pinto kaya napailing ako at hindi na pinansin ang pagdadabog ni Benj. Tiningnan ko ang mga dadalhin ko. Dapat ay fashionable para naman handa din ako kahit saan kami magtungo ni Chad. God! I'm so excited! Sinilid ko na sa maletang dadalhin ko ang lahat ng isusuot ko. Nang matapos ako ay tinungo ko naman ang banyo. Nagbabad ako sa bathtub para naman mabango ako kapag magkasama na kami ni Chad. Napakagat ako ng labi dahil bakit iba ang naiisip kong eksenang mangyayari sa amin oras na magtanan kami at lumayo. Napatakip ako ng bibig at napatili sa kilig. Napapadyak ako at nilubog ko ang ulo ko sa tubig dahil hindi ko mapigilan na kiligin. Lalo na nang maalala ko ang naging kiss namin kanina. Umahon ako at napatakip muli nang bibig bago tumili. Hindi na ako mapakali. Agad akong bumangon sa bathtub at nagshower naman ako. Pagkatapos ay lumabas na ako habang binubuhol ang sinturon ng roba at lumapit ako sa tukador para mag blower ng buhok. Nang matuyo na ang buong buhok ko ay nagpahid ako ng cosmetic product na ginagamit ko at syempre hindi mawawala ang pink lipstick ko. Nang matapos ako ay muli kong tinungo ang walk-in closet ko. Napahawak ako sa labi ko habang pumipili ng outfit ko. Dapat sexy pero wholesome. Napili ko ang red shorts and pink sleeveless top. At tinernohan ko ng black sandals ko. Napangiti ako at lumabas ng room. Nang ayos na ay tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at napangiti ako dahil ang ganda ko talaga. Nag-ring ang phone ko kaya dali-dali akong lumabas dahil baka si Chad muli ang tumatawag. Pagtingin ko ay natigilan ako dahil hindi nakarehistro ang number. Pero baka si Chad ito at nagpalit lang siya ng number. Kaya sinagot ko ang tawag. "Hello, Chad?" (....) Napatingin ako sa phone ko dahil baka namatay ang tawag. Pero nasa kabilang linya pa rin naman ang katawagan ko. Ibababa ko na sana nang magsalita ang nasa kabilang linya. (Bettina..) Nabigla ako nang marinig ko ang boses ni Tanya. "Bakit?" (Let him go, Bettina..) "At bakit ko naman gagawin iyon?" napakuyom ako ng kamay sa inis. "Dahil sa'yo kaya maaaring alisan ng pamana si Chad. Kaya let him go. He's not destined for you. He's mine. Lahat ay hindi naayon sa inyo." Natigilan ako pero agad akong napataas ng kilay at pilit na ngumiti. "'Yun naman pala, eh, eh di hintayin mong ang tadhana ang kusang magpahiwalay sa amin. Hindi ka naman manghuhula para malaman kung hindi ba kami. I don't want to let him go.  He's mine and he's not yours." Napasinghap siya kaya agad ko na ring pinatay ang tawag bago pa siya makasagot sa sinabi ko. Napapaypay ako sa sarili dahil sobra-sobra ang pagkainis ko. If I know she's trying to make kwento-kwento para masira kami ni Chad. Hmp! Inis na tinungo ko muli ang walk-in closet at hinila ko ang maleta ko palapit sa bintana. Nang madala ko na ay napahinga ako ng malalim at nagpagpag ng kamay. Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang pagpihit ng pinto. Kaya dali-dali akong lumapit sa kama at nahiga. Nagtalukbong ako ng kumot at tuwid na tuwid sa pagkakahiga. "Tina, bumangon ka na at kakain na tayo," si Diko Drake. "I'm full!" Napakagat ako ng labi nang biglang kumalam ang tiyan ko. Natawa si Diko Drake kaya napasimangot ako. "Okay, sabi mo, e. Kapag nagutom ka ulit ay bumaba ka. Takaw mo pa naman. Tiyak na gutom na gutom ka na--este tiyak na magugutom ka ulit." Humalakhak ito kaya napanguso ako. Nang sumara na ang pinto ay hinawi ko ang kumot at napahinga ng malalim. Hihintayin ko na lang na sumapit ang hating gabi bago ako tumakas. Kahit na gusto kong bumaba para kumain ay tiniis ko hanggang sa sumapit ang hating gabi. Dali-dali akong bumangon at kinuha ko ang mga kumot para pagdugtong-dugtongin. Hindi ako pwedeng bumaba sa baba dahil tiyak na makakagawa ako ng ingay. Kaya mas safe na sa bintana na lang ako dumaan. Nang ayos na ay hinila ko ang pinagdugtong-dugtong ko na mga kumot at binagsak sa labas ng bintana. Tinali ko sa haligi ng bintana at tumingin ako sa baba nang may sumitsit. "Tara na," Napangiti ako nang makita si Chad. Tumango ako at bumalik sa kama para kunin ang sling bag ko. Pagkatapos ay lumapit muli ako sa bintana at sinilip si Chad. "Ihahagis ko d'yan ang bag ko. Saluhin mo." "Sige, ihagis mo sa akin." Tumango ako at hinawakan ko ang maleta ko. Nahihirapan pa akong iangat sa bintana ang maleta ko dahil super duper bigat. Napahinga ako ng malalim nang masampa ko sa bintana ang maleta ko. Sumilip ako kay Chad na nag-aabang sa baba. "Ihahagis ko na. Saluhin mo, ha?" "Sige," aniya na hinihinaan ang boses. Agad ko nang binagsak ang maleta kaya napapagpag ako ng kamay. Sinilip ko muli si Chad at napatakip ako ng bibig nang makita na napahiga siya sa lupa habang nakadagan sa kanya ang maleta ko. "S-Sorry.." "Awts! Bakit hindi mo sinabi na maleta pala ang bag mo? Ang bigat." Nakonsensya ako habang napapakagat sa daliri ko. Bumangon na siya at tiningala ako. Napahinga ako ng malalim at humugot ng lakas para bumaba. Humawak ako ng mahigpit sa kumot at dahan-dahang bumaba.. Tumingin ako sa baba at konti na lang ay malapit na ako. Malapit na ako pero nanlaki ang mata ko nang mawala sa pagkakatali sa haligi ang kumot. Napapikit ako at napabitaw sa kumot, pero napadilat ako nang masalo ako ng isang bisig. "Are you okay?" Ngumiti si Chad kaya nakahinga ako ng maluwag at ngumiti na tumango sa kaniya. Binaba na niya ako kaya inayos ko ang sarili ko. Napatingin ako sa kaniya nang hawakan niya ako sa kamay. "Let's go," tumango ako at ngumiti. Hinila na niya ako at maging ang maleta ko. Binuksan ko ang pinto sa front seat nang kotse niya habang siya ay nilagay sa backseat ang maleta ko. "Saan nga pala tayo pupunta?" tanong ko nang makasakay siya. "Kahit saan, basta hindi nila tayo mahahanap." Tumango ako at napangiti. Tinahak na namin ang daan patungo sa kabilang bayan. Napahawi ako sa buhok ko at inipit ko sa tenga ko. "Ah, Chad.." "Yes?" tumingin ako sa kanya nang saglit na binalingan niya ako. "Totoo bang inalisan ka ng mana dahil sa akin?" Tiningnan ko siya at hinintay ang tugon niya pero hindi siya umimik at napahigpit ang kapit niya sa manibela. Napahinga ako ng malalim dahil tila wala siyang balak na magsalita. "Yeah.." Napatingin akong muli sa kanya nang sumagot siya... So, it's true? At hindi nagsisinungaling si Tanya. "Pero wala akong pakialam doon. Kaya ko naman na magtayo ng sarili kong business at alam ko na makakapag-ipon ako ng sarili kong pera. Kaya wag mong isipin iyon, hmm?" Tumango ako pero nakaramdam ako ng sakit dahil talagang lubos ang pagkadisgusto sa akin ng pamilya niya. Nag-ring ang phone niya na nasa dashboard at nakita ko na Mama niya ang tumatawag. Binalewala niya ang tawag nito kaya napapisil ako sa daliri ko. Hindi pa nagtatagal ang tawag ng Mama niya ay may tumawag muli sa kanya. At nakita ko na si Tanya na ang tumatawag. Akala ko ay babalewalain niya rin pero nagulat ako nang sagutin niya agad. "Yes?" aniya sa malamig na tono. (Chad, come back home! Tanya is now critical!) boses iyon ng friend ng kaibigan ni Tanya na garalgal dahil sa pag-iyak. Napakapit ako sa seatbelt nang biglang ipreno ni Chad ang kotse lalo pa't may humarang sa amin bigla na sasakyan. Kinabahan ako nang makita ang paglabas ng parents ni Chad sa kotse at sinugod kami. Binuksan ng Mama ni Chad ang side ng pinto ko at nabigla ako nang hatakin ako nito palabas. "You are such a w***e! You ruined everything even my son's life!" Napatulala ako nang sampalin ako nito. Tumingin ako kay Chad na natulala habang nasa pwesto niya pa rin habang wala man lang ginawa upang ipagtanggol ako. "I-Im," tumingin sa akin si Chad na may pagsusumamo, "I'm sorry, Bettina, but she needs me right now." Doon pa lang ay para na akong hindi makahinga. Napaatras ako nang itulak ako paalis ng Mama ni Chad sa pinto at siya ang sumakay sa front seat bago ako sinaraduhan ng pinto. Napatingin ako sa maleta ko nang itapon iyon ng Dad ni Chad. "Wag mo ng guluhin ang utak ng anak ko. Naguguluhan lang siya at nais niya lang na paghigantihan si Tanya. Pero alam namin na he's still inlove with her. You are just his rebound." Natulala ako hanggang sa marinig ko ang pag-alis ng mga sasakyan. Napapaypay ako sa sarili at natawa. "Gosh! This is not okay to me! I'm Bettina Serina Ford! Hindi niyo pwedeng gawin sa akin ito!" Huminga ako ng malalim sa galit kong pagsigaw. God! May pa-sabi sabi pa siya na 'He will protect me no matter what will happen.' Ngayon na kailangan ko ng proteksyon mula sa kaniya ay tila siya isang bahag na aso na hindi na mapakali nang malamang may nangyayari ng masama sa fiancé niya. I swear! Pagsisihan niya at ng pamilya niya na inalipusta nila ang kagaya kong Ford. I love him but God! I am a rebound? Really? One f*****g year! Ang tanga ko! Gosh! "Ma'am!" Napaasik ako at nagdadabog na lumapit sa kotse ni Joaquin na tiyak na pinasunod sa akin nila Dad. "Ang maleta ko," ani ko at sumakay sa backseat. Napakuyom ako ng kamay dahil pinipigilan ko ang emosyon na mapaiyak. Bakit ganoon ang reaksyon niya? Bakit parang balewala ako nang marinig niya lang na masama ang lagay ni Tanya? So, he still love her? Like what his Mama said. "Ma'am, nag-aalala na po sila Sir." Napapikit ako at mas nanikip ang dibdib ko dahil handa ko palang layasan ang pamilya ko para sa kaniya. At kinain ako ng konsensya ko dahil sa araw na ito ay imbes na humingi ako ng sorry ay dinagdagan ko pa ang kasalanan ko. Huminga ako ng malalim at agad na pinalis ang luha sa mata ko. Kinuha ko ang salamin ko at nakakainis dahil stress na stress na ang face ko. Huminga ako ng malalim at sinilid ko ang salamin sa sling bag ko. Nang makarating kami agad sa bahay ay para naman akong inugat sa upuan. Natatakot akong bumaba at hindi ko alam ang gagawin kong paliwanag. "Ma'am.." Bumaba na ako at inayos ko ang sarili ko bago humakbang ng marahan. Humugot ako ng hangin dahil pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko. Hindi pa rin maalis sa akin ang lahat ng masasakit na salitang binato sa akin ng parents ni Chad. Pagpasok ko ay nakita ko sila Daddy at Mommy na nasa sala. Napaiyak na ako nang mapatayo si Mommy. "Tina! Anak ko!" "Mommy!" umiiyak na tumakbo ako kay Mommy at yumakap. "Sir, Ma'am, hinarang po sila ng parents ni Mr. Chad. At iniwan na lang po sa kalsada pagkatapos sabihan ng masasamang salita." Gusto kong sabunutan si Kuya Joaquin dahil bakit niya pa sinabi. Napahigpit ang kapit ko kay Mommy nang marinig ang pagmumura ni Dad. Ayokong tumingin sa kaniya dahil alam kong mas nakakakaba kapag si Dad ang nagalit. "How dare them! Wala silang karapatan na itrato ng ganoon ang anak natin, Mister! Do something! I want to file a case for insulting our Baby Girl!" Bumitiw ako kay Mommy at umiling sa kaniya. "Mommy, wag na po.. Please," nagmakaawa ako dahil kapag nangyari iyon mas lalo lang magkakagulo at baka kumalat pa ito sa buong isla. "No, they insulted you, so I want to teach them a lesson," sabi ni Dad na puno ng awtoridad ang tono kaya napayuko ako. Pinaupo ako ni Mommy sa sofa at tumabi siya sa akin habang yakap ako. At si Daddy ay may tinawagan at kinakabahan ako dahil tila seryoso nga siya. Napatingin kami kay Ate Nestle na siyang baba sa hagdan at nakita kami. Tinanong ito ni Mommy kung bakit gising pa siya at kinuwento naman ni Mommy ang nangyari sa pagitan namin ng parents ni Chad. "What's the problem, Hija?" tanong ni Daddy. "A-Ano po kasi. Wala po si Duke sa kwarto niya. Itatanong ko lang po kung nakita niyo siya?" aniya. "Huh? Bakit wala sa kwarto niya si Duke, Mister? Inutusan mo na naman ba?" naghisterikal agad si Mommy nang malamang wala si Kuya Duke. Agad naman akong nakaramdam ng pag-aalala para kay Kuya. Hindi na mapakali sila Mommy, Daddy, at Ate Nestle.. Hanggang sa dumating ang mga tauhan ni Dad para sabihin na sumugod si Kuya sa kampo ng kalaban. At nang may tumawag kay Dad ay doon namin nalaman na na-aksidente na pala siya. Sobra ang panlalamig ko sa takot at konsensya dahil nawala si Kuya nang hindi man lang ako nakakahingi ng sorry sa kaniya. Sobra ang sisi ko sa sarili ko dahil nainis pa ako sa kaniya imbes na unawain kung bakit niya ako hindi hinahayaan na magkaroon man lang ng relasyon sa mga kaibigan niya. Kung nakinig ako at hindi pinairal ang pagiging immature ko ay sana ay hindi ako ganitong nagsisisi. Buong magdamag kaming naghintay para sa mga rescue team na naghahanap kay Kuya. Pero napaiyak at naawa ako kela Mommy at Ate Nestle na mas sobrang naghihinagpis. Napaiyak ako at napayuko. This is all my fault! Pumutok ang balita ng pagkawala ni Kuya at pumutok din sa school ang balita sa relasyon namin ni Chad. At nakikita ko sa social media site ko ang hate messages na natatanggap ko mula sa mga kaibigan ni Tanya. Nagmukmok ako sa room ko at hindi ako pumasok sa school. Hindi ako makakapasok ng ganito ang sitwasyon ng nangyayari sa akin at sa pamilya ko. "Tina, bakit hindi mo sinabi sa amin na may lihim pala kayo ni Chad," si Charmaine. "Oo nga. Akala ko ba ay friends tayo? You hid your secret to us," si Daisy. Umirap ako at hindi ko sila sinagot. "Is it true na rebound ka lang daw ni Chad?" Napaupo ako sa sinabi ni Jessie. Tila ako tinamaan sa sinabi niya. "Saan niyo naman nalaman 'yan?" "Pinagkakalat ng friends ni Tanya. Narinig daw nila mismo kay Chad at ang totoo daw ay mahal pa rin ni Chad si Tanya. Ginawa ka lang daw niyang rebound para pagselosin si Tanya," si Charmaine. Napakuyom ako ng kamay at mas grumabe ang sakit na nararamdaman ko. Talagang sinabi ni Chad iyon? I want to curse but no.. Hindi pwede sa dyosang kagaya ko iyon. "Wag mo nang iyakan iyon. Kung gusto mo ay sumama ka na lang sa amin." Napatingin ako sa tatlo. Sa daming nangyari ay para na akong nalilito. Sobra-sobra ang sakit na nararamdaman ko pero ayoko sana na ipakita sa kanila. Pero kusang tumulo ang mga luha ko lalo na dahil kay Chad ay nagalit sa akin si Kuya. At ngayon na nawawala si Kuya ay hindi man lang ako nakahingi ng tawad sa ginawa ko. Mom and Dad are busy searching. ganoon din si Ate Nestle na kita ko ang kapaguran. At ang mga kapatid ko ay wala ring magawa at naghihintay na lang ng himala na makita si Kuya. Nakatulala lang ako sa bintana habang kasama ko ang tatlo. Si Jessie ang nagmamaneho habang nasa backseat ang dalawa na si Charmaine at Daisy. Nasa front seat ako at tulalang iniisip ang lahat ng nangyari sa buhay ko at buhay ng pamilya namin. Magpapakasaya lang ako ngayon, pero pagkatapos nito ay aalisin ko na sa sarili ko ang pag-ibig ko kay Chad. Hinding-hindi na muli ako maiinlove. Ang dyosang kagaya ko ay hindi lang rebound. Baka gawin ko pang bola si Chad para ishoot sa basket nang malaman niya kung sino ang tinatawag niyang rebound. "Let's go, Girls. Magpakasaya tayo ngayon dahil ito na ang huling araw ko bilang rebound. Dahil sisiguraduhin kong makikita nila ang tunay na Bettina." Ngumisi ako na tumingin kela Daisy at napatango sila at napangiti. Bumaba ako sa sasakyan to reveal my dress. Isang pink backless dress na above the knee. Nakamessy bun ako at syempre hindi mawawala ang kagandahan ko. Hawak ko ang pouch ko na naglakad with confidence. Chin-up and classy walk. Actually, this is my first time to enter a bar. Very cheap ha. This is not my taste. "This is cheap, Jessie. Nagbihis ako ng ganito pero parang ang baho ng amoy ng bar at tila mga p********e ang mga babae dito." Napatikhim sila sa panlalait ko. Umirap ako dahil alam nila na ayoko sa mabaho. Ayoko sa cheap place. At lalong ayoko sa hindi ako nababagay. But I don't have any choice. I want to relax at siguro ayos na ito. Tumingin ako sa paligid dahil mukha namang nagkakasiyahan ang mga lalake habang may mga kasamang babae. Dami palang lovers dito. Puro waitress ang girlfriend ng mga costumer na lalake rito. Napadaing ako dahil nabangga ako sa matigas na katawan. Nang mapaangat ako ng tingin ay nakita ko na simple lang ang suot ng lalake na may suot na black cap sa ulo. "I know I'm gorgeous, kaya wag mo na akong titigan. Tsk," Makatingin kasi ang gwapong lalakeng ito akala mo manghang-mangha. Nag-iba ang reaksyon niya sa serious na reaksyon. Hay, kota na ako sa gwapo at seryoso. Kaya alam ko na hindi na tatalab ang gwapong lalakeng ito na mas gwapo pa kay Chad. "Let's go, Girls," Umirap ako sa lalake at hinawi ko siya pero hindi ko magawa dahil matigas siya. Kaya umirap muli ako at ako na ang nakiraan. "Oh my gosh! Tina, he's so hot! Bakit ginano'n mo ang gwapong katulad niya? Baliw ka na ba?" kinikilig na sabi ni Daisy. "Yeah, I'm a crazy broken hearted girl. At alam ko na gwapo siya pero kagaya lang siya ni Chad. So, no.. He's not hot for me." "Geez. Ang bitter mo. Wag ka namang pahalata," sabi ni Jessi pero inirapan ko lang sila. Napatingin ako sa kabilang lamesa at doon naupo ang lalake. Gosh. May gagawin pa atang masama ito sa akin dahil ang sama ng tingin tila ba gigil na gigil. Alam ko naman na sobrang ganda ko. Pero pangalandakan bang titigan ako. Tsk. "He's watching us," ani ni Jessie. Hindi ko na sila pinansin dahil inom lang ako ng inom ng alak. Kahit hindi ko kaya ay uminom pa rin ako dahil gusto kong makatulog na lang para naman hindi na ako mag-iisip mamaya sa pagtulog ko. Mabuti na lang at busy sila Mommy kaya hindi nila malalaman pa ang pagbabar namin. Kilala naman ng mga brothers ko sila Charmaine kaya alam nila na sa birthday party lang kami pupunta. Nagdodouble na ang paningin ko kaya napahalumbaba ako bago napapikit. "Oh my gosh!" Napadilat ako at lasing na napatingin kela Jessie. Natataranta sila sa pagtayo. "A-Alright. D-Dance! D-Dance! Y-Yeah!" lasing kong sabi dahil tiyak na makikipagsayaw lang ang mga iyon. Tumayo ako para sana maki-join. May lalakeng dadaanan ako kaya hinawakan ko ito sa kamay para itaas sa ere sa posisyong enjoy na enjoy. "Walang kikilos! Mga pulis ito!" Biglang nawala ang lalake sa harap ko nang marinig iyon. Nagkakatakbuhan na ang mga tao habang ako ay naguguluhan na nakatingin lang. "You're under arrest. Sumama ka." Nagising ata ang diwa ko nang may magposas sa akin. Napatingin ako sa lalakeng nakabangga ko na agad akong hinila. "God! Let me go! Asshole!" Napahinto siya dahil nagwawala ako para magpumiglas. Pero ganoon na lang ang gulat ko nang buhatin ako nito na parang sako. "This is k********g! I swear you're dead! I'm a Ford! No one can do this to me!" "Sa presinto ka na lang magpaliwanag, Miss," Natawa ako ng banas dahil iyon lang ang sinabi niya bago ako iupo sa backseat. Argh! Lintek! Lintek! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD