bc

BENJAMIN APOLLO FORD SERIES #8

book_age18+
13.9K
FOLLOW
43.0K
READ
stalker
possessive
brave
drama
comedy
sweet
bxg
humorous
campus
first love
like
intro-logo
Blurb

Lahat ng himpapawid ay kanyang liliparin. Maging ang malalim na dagat ay kanya ring lalanguyin. Pati ang pagpapansin ay kanya na ring gagawin, makuha lamang ang pagtingin ng kanyang iniibig.

Ang madikit pa sa pandikit na si Nyebe ay patay na patay sa pinakabunso ng mga Ford na si Benjamin Apollo Ford. Siya na ata ang malinaw pa sa radyo kung wagas makapag-broadcast ng feelings niya sa buong mundo . Kahit na hindi siya pinapansin ng supladong si Benjamin ay todo pa rin siya sa paghahabol rito.

Pero siguro kahit ano mang bagay sa mundo ay nasisira din, gaya lang din ng puso niya. Nawasak ang puso niyang patay na patay kay Benjamin ng mismo nitong nilibing ang puso niya sa mga salita nito na nagbigay ng malaking impact sa kanya.

Naging sirena siya na naging bula at bigla na lang naglaho. Katulad rin ng pangalan niya na isang nyebe na natunaw at lumipas. At sa taong lumipas ay muling nagkita ang landas nila ni Benjamin, na sa pagkakataong iyon ay hinahanap pala siya ng binata. Pero sa pagkakataon na ring iyon ay hindi na niya kilala pa si Benj. Ang prince charming niya na ngayo'y naghahabol sa kanya.

chap-preview
Free preview
Simula
Nyebe Gaya ng bola, para akong tumalsik sa napakalayong lugar ng itapon ako ng malakas ng isang sasakyan palayo sa aking kinatatayuan. Pero wala akong sakit na natamo. Dahil mas masakit pa ang pagkadurog ng puso ko. "Nyebe..anak." Umiiyak si Mama. Ang luhang hindi ko kayang tignan. Mahina si Mama. Kung talagang mahal nya si Papa ay sana pinaglabanan nya at hindi sya sumuko. Hindi dapat nya sinusuko kung mahal nya. Iyon ang pananaw ko noon. Sampong taon akong naging bahagi ng lugar rito sa Osaka, Japan. Hindi kami japanese, dito lang talaga kami namalagi. Masaya kami noon, pero ngayon ay kita kong unti-unting nawasak ang pamilya ko sa tuluyang pagkakahiwalay ng magulang ko. Bitbit ni Mama ang isang bag na naglalaman ng aming damit at ilang gamit. Yakap-yakap ko pa ang manikang regalo sa akin ni Papa. Ang regalo nya sa akin ng huli kaming nagkasama at masaya pa ang pamilya ko. Hindi ako umiyak dahil naiinis ako kung bakit hindi pinaglaban ni Mama si Papa. Gusto kong sabihin na napaduwag ni Mama. Kung ako ang magkakagusto sa lalake ay sisiguraduhin kong hindi ako titigil para ipakita ang pagmamahal ko. Kahit pa dumaan pa ako sa matarik na tulay. Kahit languyin ko pa ang dagat. Kahit awayin ko pa ang lahat ng babae na hahadlang ay hindi ako susuko at ipapakita ko sa mundo na kung ano ang akin. "Allice, tara na kayo." Nakatingin lamang ako sa mga taong sumundo sa amin. May dala silang sasakyan. Nandito na kami sa pilipinas kung saan talaga nakatira si Mama noon. Kung saan talaga kami nababagay. Lola at Lolo ko ang sumundo sa amin mula sa airport. Walang bumabanggit kay Papa. Iniiwasan nila na pag-usapan. Nakatingin lamang ako sa bintana ng kotse. Sa isang isla na raw nakatira sila Lola kaya doon kami patungo. Namimiss ko si Papa. Gusto kong awayin ang babaeng umagaw kay Papa sa amin. Pero kahit na bata palang ako ay nauunawaan ko na pangalawa lamang kami. At iyon ang hindi ko hahayaang mangyari sa akin. Kung magmamahal ako ay gusto ko na ako ang una. Na ako lamang at wala ng iba. Napakaganda ng lugar na aming narating. Mula sa madaling araw na pagbyahe ay umaga na kaming nakarating rito sa isla na tinitirahan nila Lola. Kitang-kita ko ang maasul na dagat na kumikislap dahil sa napakagandang araw na tumatama sa buong paligid. Hindi ako nakatulog dahil hindi ko rin naman magagawa. "Nyebe apo, dito na kayo titira ng Mama mo. Nagustuhan mo ba." Malaki ang bahay at pansin ko na malalaki ang bawat bahay rito. Lalo na ang kapitbahay namin na puting-puti ang kulay at sobrang laki. Tumango na lamang ako. May mga tauhan sila Lolo na kinuha ang dala naming bag. Inaya ako ni Mama kaya sinulyapan ko pa ang malaking bahay bago ako napahakbang papasok sa bahay. Tila mapera sila Lola dahil ang ganda ng bahay nila at may mga kasambahay pa at driver. Naupo ako sa sofa ng maupo si Mama. Tahimik lamang ako habang yakap ang manika ko. "Kumain muna tayo bago kayo magpahinga, Anak." sabi ni Lola kay Mama. "Sige, Mom." Umalis si Lola at tumawag ng pangalan tila pangalan nung kasambahay. Kami nalang ang naiwan ni Mama. "Anak, galit ka ba sa akin?" tanong nya ngunit hindi ako sumagot at umiwas lang ako ng tingin, "Mauunawaan mo rin balang-araw kapag malaking-malaki ka na, pero sa ngayon ay sana maunawaan mo ako at para na rin ito sa ikabubuti natin." Hindi ko naman kailangan na umabot sa puntong maging mature na ako para lang maintindihan ang sitwasyon. Naiintindihan ko na kaya nga ako naiinis ngayon dahil bakit kami umabot sa ganito. Inaya na ako nito sa kusina ng tawagin na kami ng kasambahay. Tahimik lamang ako hanggang sa hapagkainan. Kapag nagtatanong sila Lola ay sumasagot ako pero tipid lang. Pagkatapos kumain ay umakyat si Mama sa taas. Kaya naisipan kong lumabas ng bahay para makita ang paligid. Ang hangin ay kay lamig na masarap ring langhapin. Napakalinis at aliwalas ng lugar at ng isla. Ang gaganda at naglalakihan pa ang mga bahay na kahilera ng bahay nila Lola. "Oh, hija, wag kang lumabas, baka mawala ka." sabi ni Manong driver. "Dito lang po ako sa labas ng gate." Napakamot ito ng ulo, "Sige, pero wag kang lalayo." Tumango ako at lumabas. Naglakad ako para tignan muli ang malaking bahay. Sumilip ako sa gate nito at napamaang ako dahil ang ganda-ganda ng bahay nila at garden. Napamaang ako ng bumukas ang gate. Kaya umalis ako sa pagkakasilip. Nang bumukas ang parehong gate ay nakita ko na ang kabuuan ng bahay. Napakaganda ng bahay pero merong napakapukaw sa akin. Lumabas ang isang lalake na tingin ko ay kaedad ko sa loob ng bahay. Parang lumakas ang t***k ng puso ko ng makita ko kung gaano sya kagwapo. Ang desente rin nyang maglakad tapos ang linis-linis nyang tignan sa suot nya. Sumakay ito kotseng itim kaya hindi ko na sya nakita. Ano kayang pangalan nya? Umandar na ang kotse at napalunok ako dahil dadaanan ang kotse. Pilit kong sinisilip ang loob ng kotse pero masyadong madilim. Tinted masyado. Napahinga ako ng malalim at tinanaw ang palayong kotse na sakay ang lalake na sa kauna-unahang pagkakataon ay sa kanya lamang ako nagwapuhan. "Hija.." Gulat na napatingin ako sa nagsalita at nakita ko ang isang babae na medyo maedad na rin. "May kailangan ka ba rito?" mabait nyang tanong. Pagkakataon ko na ito. "Ah, sino po yung lalakeng gwapo na sumakay ng kotse?" Natawa ito, "Ah, si Benj. Ang anak ng nagmamay-ari ng bahay na ito." Ang gwapo naman pala ng name nya. Kasing gwapo nya. Napangiti ako, "Saan po sya pupunta?" "Ewan ko do'n sa batang iyon. Baka sa kapatid nya." Napatango ako at napangiti, "Ano po ang full name nya." Natawa ito, "Bakit mo gustong malaman? May crush ka kay baby benj, no?" Namula naman ako kaya natawa ito at medyo lumapit sa akin. May kinuha sya sa bulsa nyang ballpen at maliit na papel. May sinulat sya at nang ibigay nya sa akin ay kinuha ko. "Iyan ang full name nya. Sige, pasok na ako, bumalik ka na rin sa inyo." Napangiti ako, "Salamat po. Ako po si Nyebe." "Yaya Lyn nalang." aniya kaya tumango ako at kumaway sa kanya bago tumakbo pabalik sa bahay nila Lola. Tinignan ko ang pangalan at sobra akong napangiti ng malaman ang buong pangalan ng lalake. Benjamin Apollo Ford. Crush ko na sya. Sana ay makita ko ulit sya. "Nyebe.." Nakikita ko ang lalake na tumawag sa pangalan ko. Hindi ko sya kilala. Napangiti sya at mabilis na lumapit sa akin at niyakap ako. "Finally, I found you." aniya. Pero merong kamay na humila sa akin kaya napabitaw sa akin ng yakap ang lalake. "Sino ka para yakapin ang fiancé ko?" si Anthony. Tumingin ako sa lalake at nakatitig ito sa akin tila ba kilala nya ako at may nais sya sabihin. "Sorry, pero hindi kita kilala." pagkatapos kong sabihin iyon ay nagpahila ako kay Anthony ng akayin nya ako. Lumingon pa ako sa lalake at nakasunod parin sya ng tingin. At may dalawang lalake na biglang lumapit sa kanya at tumingin rin sa akin. Bakit nya alam ang pangalan ko? Bakit parang nakita ko na sya pero hindi ko maalala kung saan? Napapikit ako ng mata ng makasakay sa kotse. Iniisip ko kung saan ko ba nakita ang lalake? Pero napadilat ako ng hawakan ni Anthony ang kamay ko na nasa kandungan ko. "Wag mo na syang isipin. Baka napagkamalan ka lang." tumango ako. Si Anthony ang fiancé ko. Ang lalakeng una kong nakita sa pagbukas ng mata ko mula sa pagkakatulog ko two years ago. At wala akong naalala sa nakaraan ko. Ang huli kong naalala sa alaala ko ay ang pag-iwan sa amin ni Papa. Malabo naman na napagkamalan lang ako ng lalake. Dahil tiyak na kaunti lang ang katulad ng pangalan ko. Kung gano'n ay sino ang lalakeng iyon?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
72.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook