Kabanata 1 - Stalker

2381 Words
Nyebe Halos lahat ng estudyante na nakikita ako ay pinagtitinginan ako. Lagi nalang ganito simula ng magsimula akong pumasok sa eskwelahan na pinasukan ko. Ang West Cassex Elementary. Alam ko naman na weird ang buhok ko dahil kulot hanggang anit at nakataas pa. Anong magagawa ko kung ganito na ang buhok ko mula palang ng ipanganak ako. "Si Benj.." "Dito na daw sya mag-aaral." Napahinto ako at napatingin sa mga estudyante na nagtatakbuhan. Nang maunawaan ko ang sinabi nila ay napatakbo rin ako pasunod sa kanila. Pero napahinto ako at napatingin kay Benj na naglalakad habang nakapamulsa sa suot nyang pants ng school. Hindi nya pinapansin ang mga nakatingin at bumabati sa kanya. Kasama nya ang school director kaya naman napagilid ako. Para akong pinamulahan ng pisngi habang nakatitig sa kanya. Ang gwapo at linis nya tignan sa ayos nya habang suot ang uniform ng school. Huminto sya at napaidtad ako ng tumingin sya sa akin. Agad din syang umiwas at naglakad muli. Napamaang ako habang tila ako pinamulahan lalo ng pisngi ng matitigan ko ang mata nya. Napasunod ako ng tingin at parang nanlaki ang mata ko ng makita kung saan sila huminto. Sa classroom ko! Nagtakbuhan ang mga estudyante para silipin si Benj sa classroom ko. Napatakbo rin ako at huminga ako ng malalim bago pumasok. Pero bago iyon ay ngumiti ako sa mga estudyante at ininggit ko sila dahil kaklase ko si Benj. Umirap sila kaya lihim na napahalakhak ako. Nakita ko sya na naupo sa dulo ng silya kaya nanghinayang ako dahil nasa third row ako. Kaya hindi ko sya katabi at hindi ko sya matititigan. Lumapit ako sa upuan ko at naupo.. Sinabit ko ang bag ko sa gilid ng desk ko. Napangiti ako dahil parehas kami ng classroom at ibig sabihin ay magkaklase kami. Palagi ko na syang makikita at posible rin na makausap. Narinig ko ang bawat papuri kay Benj at natuwa ako dahil tama sila sa lahat ng papuri nila. Napahigpit ang pagkakasiklop ng kamay ko na nakapatong sa desk ko dahil pinaghalong saya at kaba ang nararamdaman ko. Mula ng makita ko sya ay palagi na akong nakasilip sa bahay nila. At alam ko na nagtataka sila Lola at Mama kung bakit panay na ang daldal ko para lang malaman ang background ng pamilya ni Benj. Pero kakaunti lang ang alam nila Lola kaya kakaunti palang din ang nalalaman ko. Dumating ang teacher namin at kahit na nagtuturo ito ay parang nakalutang parin ang pakiramdam ko sa kaalamang kaklase ko sya. "Wala na kayong pag-asa kay Benj. Mga matured na babae ang type nya, hindi mga kaedad nya." Parang may sumundot sa sentido ko ng marinig ko ang pag-uusap ng mga karatig na estudyante. Narito ako sa korridor naglalakad para pumunta sa cafeterian at kumain. Ibig sabihin ay ganun ang mga type ni Benj sa babae? Napatingin ako sa baba at sa may puno kung saan kita ang soccer field ay nakita ko na nandoon si Benj na nakahiga sa damuhan. Napangiti ako at napaisip. Agad akong tumakbo at tinungo ng mabilis ang cafeteria. Hingal na hingal ako na lumapit sa drinks machine. Alin kaya rito ang masarap. Gusto kaya nya ng juice? Pero baka mas gusto nya ang coffee? Kung yung dalawa kaya ang bilhin ko? Tapos isang cake pie? Napatango ako at naghulog ng barya. Napangiti ako na kinuha ang lahat ng napili ko at umalis na ako ng cafeteria. Tinungo ko kung saan ko sya nakita pero nagtaka ako ng makita ko na wala na sya. Saan kaya sya nagpunta? Napahinga ako ng malalim at naupo sa kinahigaan nya kanina. Napatingin ako sa mga binili ko. Napabuga ulit ako ng hangin dahil ako rin pala ang kakain nito. Pero nabigla ako ng may bigla nalang bumagsak mula sa taas ng puno at halos umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo ko ng makita ko na si Benj pala iyon. "Ummm.." magsalita ka Nyebe! Pagkakataon mo na! "I don't like coffee or juice." "Ehh?" Hindi sya nagsalita at nang maunawaan ko ang sinabi nya ay agad akong napatayo. "H-Hindi naman 'to sa'yo." halos gusto kong batukan ang sarili ko dahil bakit ganun ang sinabi ko. Hindi sya nagsalita kaya hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko. Ano na, Nyebe? Napahiya ata sya. Naman! Bakit kasi ganun ang sinabi ko? "Ah, k-kukuha nalang kita ng iba." Nakayuko sya habang nakaupo at nakasandal sa puno at hindi ko makita ang mata nya dahil sa buhok nyang tumatakip. Kaya naman agad akong tumakbo pabalik ng cafeteria. Pero napapalo ako sa noo ko ng hindi ko naitanong ang gusto nya. Tumingin ako sa mga drinks na nasa machine at nakita ko ang milk, soda, water at blend juice. Dahil hindi ko alam ang gusto nya ay pinili ko ang apat. Kaya tuloy ang dami kong bitbit. Nagmadali ako sa pagbalik at napangiti ako dahil nandoon pa sya. "A-Ah, milk?" Hindi sya umimik kaya tinapon ko ang milk. Kinuha ko ang blend juice. "B-Blend juice?" Nang hindi sya muli umimik ay pinanghihinaan na ako ng loob. "S-Soda." Nang maglahad sya ng kamay ay napangiti ako at nanginginig pa ang kamay ko na inabot sa kanya. Napaupo ako na malayo sa kanya at napayuko ako bago lihim na napangiti. Ininom ko ang mga hindi ko binili at wala akong choice kundi inumin ito kahit pa sumakit man ang tiyan ko dahil sa pinaghalo-halong inuming ito. Dahil sayang ang baon ko kung hindi ko rin papakinabangan. Kinuha ko ang isang cake pie at nahihiyang nilahad sa kanya. Kinuha nya iyon kaya napangiti ako habang nakayuko parin. Lumakas ang hangin at ang sarap sa pakiramdam dahil hindi ko akalain na makakasabay ko sya sa pagkain ngayon. Napakaganda ng araw na ito at hindi ko ito makakalimutan. Lalo pa't pinakita ko na sa mga estudyante rito ang pagkagusto ko kay Benj.. At hindi ko alam kung napapansin nya ba iyon pero kada taon namin sa elementary ay pinapakita ko iyon sa kanya o 'di kaya'y alam naman siguro nya ang pagpapansin ko para malaman nya ang feelings ko. Natanggap kaya nya ang bawat sulat ko tuwing maglalagay ako sa desk nya? Oo, lagi kaming magkaklase dahil inaalam ko talaga kung anong room sya mapupunta. At inaalam ko rin kung saan sya minsan pumupunta. Ngayon ay fourteen years old na kami at freshman na kami rito naman sa west cassex university. Habang nadadagdagan ang edad namin ay mas lalo syang gumagwapo. At pansin ko nga na mas type nya ang matured woman. Lalo na ang bagong student teacher na si Ms. Rica Daniella Esquivar. Napasiklop ako ng kamay habang nakayuko. Hindi na nya ako pinapansin mula ng dumating ang student teacher. At dahil wala namang gustong makipagfriend sa akin dahil weird daw ako kaya wala akong mapagsabihan ng damdamin ko. Alam ko na weird ang buhok ko pero bakit sila natatakot sa akin kapag kakausapin ko palang sila? Tumunog ang bell hudyat na lunch break na. Nagtayuan ang mga kaklase ko para lumabas, habang ako ay nakaupo lang at tulala. "Benj, sabay na tayo." Napatingin ako kela Warren Lee at Max Leigh at nasaksihan ko kung gaano naging kalapit ni Benj at naging kaibigan mula palang ng elementary kami ang dalawa. Naging popular lalo si Benj dahil hindi naman sya naging masama sa mga estudyante, at kahit suplado ang reaksyon nya tuwing may kakausap sa kanya ay hindi nakakabawas iyon ng pagiging popular nya sa school. Nakakainggit. Sa akin ay walang lumalapit man lang. Kapag magtatry akong kumausap ay nanginginig na agad sa takot at tatakbo palayo. Lumabas si Benj kasama nila Warren at Max. Napahinga ako ng malalim at tumayo na. Hawak ko ang sulat ko muli kay Benj para ibigay na sa kanya ito ng kusa at harapan na para malaman na nya talaga ang feelings ko sa kanya. Kailangan kong gawin ito para hindi na ako palihim na nagbibigay sa kanya ng sulat. Maraming estudyante sa cafeteria pero hindi naman naging mahirap sa akin na hindi makita si Benj at kaibigan nya. Pero naibaba ko ang ulo ko ng makita ko na kasama nila si Ms. Daniella. Naibulsa ko ang sulat ko para sa kanya at umalis ako ng cafeteria. Sa isang tagong lugar ako nagtungo at naupo sa bench. Napahikbi ako habang nakayuko ng magsimulang manubig ang mga mata ko. Kinuha ko ang sulat sa bulsa ng palda ko at nabasa ito dahil sa patak ng luha ko. Pero nawala ang sulat sa paningin at kamay ko ng may umagaw nito. Napaangat ako ng tingin at napamaang ako ng makita si Benj. Napatayo ako ng agad syang umalis habang dala ang sulat ko. Napangiti ako at napapahid sa luha ko. Napatalon pa ako sa tuwa at napasiklop ng kamay. Kinuha nya talaga ang sulat ko? Hindi ba ako nagkakamali lang? Tinignan ko ang kamay ko at wala akong hawak na sulat. Natuwa ako at muling naupo muli. Ibig sabihin ay nababasa nya ang sulat ko? Napangiti ako at hindi ko mapigilan na sumaya ang araw ko dahil pinansin nya muli ako. "Narinig nyo ba ang confession ng girl. God! Loveless." "Ano ka ba. Masanay ka na ngayon dahil lagi ng aalingawngaw ang radio sa buong university. Kakairita nga ang confession dahil patay na patay sa lalake." Napakuyom ako ng kamay habang narito sa loob ng cubicle ng c.r ng babae. Nang umalis sila ay tsaka ako lumabas. Napatingin ako sa salamin at ngumisi. Umalis ako sa c.r at tinungo ang radio station ng university. "Oh, nyebe, nandito ka na naman." Si Sir Omar ang representative at namamahala ng radio station ng school. "Pwede na po ba akong magconfess?" alam ko ang ngiti ko ay nakakatakot pero ganun ako maglabas ng excitement ko. "S-Sige." namumutlang sabi nya kaya agad akong lumapit at naupo sa harap ng audio system. Nang matapos ang kantang pinapatugtog ay lumunok ako ng maraming beses sa kaba dahil hudyat na nang pagsisimula ng confession ko. "Muling nagbabalik ang programa para sa mga damdamin na hindi masabi. Ngayon naman ay may isa akong kasama na gustong magsabi ng kanyang nararamdaman na hindi nya masabi. Pakinggan natin sya." Tumango sa akin si Sir kaya huminga ako ng malalim at humawak sa dibdib ko na kumakabog-kabog. "Magandang tanghali sa inyong lahat. Ngayon ay gusto kong sabihin ang nararamdaman ko sa isang tao na gustong-gusto ko." - Benj "Sino kaya iyong nagsasalita?" sarkastikong sabi ni Max. Nakahalukipkip ako habang nakaupo sa upuan ng cafeteria habang nakapikit. "Mula palang ng makita ko sya sa mismong bahay nila ay nagkacrush na agad ako sa kanya. Ang gwapo nya kasi at ang linis tignan. Kaya mula ng malaman ko rin ang buong pangalan nya nung unang beses ko syang makita ay mas lalo kong gustong makilala sya. Benjamin Apollo Ford; hindi mo ako kilala kaya sasabihin ko ito. Gusto kita. At sana wag mong itapon ang mga sulat ko. Nakalista rin d'yan lahat ng nagastos ko sa'yo dahil nagpapalibre ka sa akin noon. Pero sinasabi ko lang naman, hindi naman kita sinisingil." Napahalakhak sila Max at alam ko na ako ang tinitignan ng mga gunggong na ito. Napaasik ako at napailing. "Alam mo ba na ang saya-saya ko kapag napapansin mo ako kahit hindi mo naman ako kinakausap. Pwede pala iyon. Pero siguro ako lang ang nakakaramdam no'n dahil iyon ang gusto kong iparamdam sa sarili ko na pinapansin mo ako. At alam mo ba na ilang distant lang bahay natin. Kaya nakikita kita palagi." "Grabe din ang lakas ng tama nitong si Nyebe. Pasecret-secret pa ay alam naman ng buong WCU na sya iyon." Si Warren. "Ang pag-ibig ko sa'yo ay parang lotto. Tayaan mo ako, siguradong panalo ka na agad." Natawa sila Max at maging ang mga tao sa cafeteria. Napatakip ako ng bibig habang nanatiling nakapikit. - Nyebe "Sure ka ba na sekreto lang ang confession mo? Parang nagbigay ka ng hint." Ngumiti ako ng malaki kay Sir Omar. Finally, nasabi ko rin kahit pa hindi man harapan ay nasabi ko parin. "O-Opo. Hehe.." Napakamot ito ng ulo at napailing sa akin. Umalis na ako sa confession room at napahuni ako ng kanta habang masaya na naglalakad para bumalik na sa room ko dahil tapos na tiyak ang break time. Pinagtitinginan ako ng mga estudyanteng nakakasalubong ko. Nagtawanan sila at nagbulungan kaya napailing ako at pumasok sa classroom ko. Napahinto ang mga kaklase ko sa ginagawa nila ng pumasok ako. Napakuno't noo ako at lumapit sa upuan ko. "Nyebe, lakas din ng fighting spirit mo." "Hahaha oo nga." Naguluhan ako. Nalaman ba nila na ako ang nagsalita sa radio at nagconfess? Napatingin ako sa pumasok at nakita ko si Benj kasama ang dalawa na si Warren at Max. Ngumisi si Max ng makita ako. Hindi man lang ako sinulyapan ni Benj at deretso lang syang naupo sa upuan nya sa likod kasama ang dalawa. Napayuko ako habang binabatak ko ang buhok kong kulot dahil ganito ang ginagawa ko kapag naguguluhan ako. "Class! May summer night tayo." nagpunta sa harapan si Warren para sabihin iyon. Sya kasi ang president ng room. Nagkaroon ng kanya-kanyang bulungan ang lahat at puro sila masaya dahil exciting daw. "Maganda 'yan!" si Emerald. Tinignan ko ito at ngumisi ito sa akin kaya napaidtad ako at umiwas ng tingin. Pagkatapos magsalita ni Warren sya namang dating ni Mr. Dimaculangan. "Class! Kailangan ng volunteer para sa paglilinis ng bawat paligid ng WCU. Sino ang gustong magvoluteer?" Lumilikot ang mata ko sa kanan at kaliwa ko. Walang gustong magvoluteer. Napakislot ang kamay ko habang nag-iisip kung magvovoluteer ako. Wala naman akong gagawin sa summer break. "Ummm.." nagtaas ako ng dahan-dahan ng kamay kaya napasinghap si Mr. Dimaculangan. "Mag vovolunteer ka?" Tumango ako kaya nagbulungan ang mga kaklase ko. "O-Okay." alanganin pang sabi ni Mr. Dimaculangan. Parang nakahinga pa ng maluwag ang mga kaklase ko ng magvoluteer ako. "Hindi tama na sa kanya lang ipapagawa ang buong paglilinis sa WCU. Ako rin, magvovolunteer." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Benj. Sa unang pagkakataon ay hindi ko akalain na magsasalita sya para sa akin. Pero hindi sya tiyak sanay. Baka mahirapan lang sya, kaya... "Umm... K-Kung gano'n po ay hindi na ako magvovolunteer." "Then I don't go." Lumingon ako kay Benj at tila nagalit sya kaya kinabahan ako dahil galit sya sa akin. "O-Okay, kayong dalawa nalang." Nagkaroon ng bulungan ang mga kaklase ko at sinasabi nila na ginagamit ko volunteer work para magpapansin. Hawak ko ang water sprinkler at nagdidilig ako ngayon ng halaman para sa pag-uumpisa ng volunteer work ko. Napatingin ako kay Benj na nakasandal lang sa pader at nakapikit. Napamaang ako at hindi ko mapigilan na mapatitig sa kanya dahil ang gwapo-gwapo nya talaga. Napadilat sya kaya nahuli nya akong nakakatitig. Ngumiti ako pero sya ay napaayos ng tayo. "Ingat!" Naguluhan ako sa sinabi nya at doon ko lang naunawaan ang sinabi nya ng may nahulog palang bagay sa ulo ko. Pero hindi ko naramdaman ang impact dahil sa kulot at makapal kong buhok. Kinuha ko ang nahulog sa buhok ko at nakita ko ang isang basag na paso. Tumingala ako at nakita ko na umalis ang nakasilip doon. Napatingin ako kay Benj na agad umalis kaya pinagpatuloy ko nalang ang pagdidilig. Okay lang na hindi nya ako tulungan. Ayoko syang mapagod. Napangiti ako ng maalala na tutulungan nya sana ako pero mapilit ako na wag nalang at sinabi ko na maupo nalang sana sya sa bench pero tumayo nalang sya at sumandal sa pader. Hindi sya nagsasalita kapag magkasama kami. Pero masaya ako dahil ngayon pinapansin na nya ako hindi katulad noong grade school days namin. Lagi syang nakabuntot kay Ms. Daniella. Hindi na bumalik si Benj at madilim na rin ng matapos ako sa pagdidilig ko sa mga halaman. Bitbit ko ang hand bag ko at naglakad ako palabas ng school. Binuklat ko ang secret notebook ko at dito nakasulat ang lahat ng schedule ni Benj. Napangiti ako dahil mamayang gabi ay tiyak na magsuswimming na naman sya sa kanila. Hohoho Napatakip ako ng bibig habang may kakaibang tawa na lumalabas sa bibig ko. Agad na iniwasan ako ng makakasabay ko sa paglalakad at mabilis silang nauunahang maglakad palayo. Lalakarin ko lang ang mula school pauwi sa amin. Malapit lang naman at ayokong gumamit pa ng kotse nila Lolo dahil ginagamit din nila iyon kapag aalis. May humintong sasakyan kaya napatingin ako doon. Nanlaki ang mata ko ng makilala ko ang kotse kaya pilit kong tinitignan ang tao sa loob mula sa bintana, kaso tinted. Nang bumukas ang bintana sa driver seat ay nakita ko si Manong driver ni Benj. "Sumabay ka na, Miss." Parang nagtwinkle-twinkle ang mata ko sa sinabi nya. Wala ng tanggi-tanggi pa at mabilis pa sa isang segundo na nakasakay na agad ako. "Hehe Benj, salamat." sabi ko habang nakatingin kay Benj na walang reaksyon at sa bintana lang nakatingin. Tumingin ako kay Manong Driver at ngumiti ako rito ng malaki mula sa rear mirror nya. Tumingin muli ako kay Benj at hindi ko mapigilan na mapangiti habang nakatitig sa kanya. Gosh. Ang bango-bango nya. Ang gwapo-gwapo nya kahit nakaside view. "Benj, anong gamit mong face wash?" tanong ko at nilabas ko ang notes ko para isulat doon ang malalaman ko pa sa kanya. Hindi sya sumagot kaya inamoy ko nalang sya kahit pa medyo malayo. Hmm.. Amoy mint. Tapos amoy baby din. "Aha! Baby johnson soap gamit mo." Napalingon sya at salubong ang kilay, "Tsk." tumingin muli sya sa bintana tila inis. "Edi, baby johnson mint soap." Sinamaan nya ako ng tingin kaya nagpiece sign ako habang ngiting-ngiti. Hindi na nya ako pinansin kaya napanguso ako. Ano kaya ang gamit nya? Nang biglang may lumabas na idea sa isip ko ay napangiti ako na parang evil. Malalaman ko rin. Kaya pagdating sa bahay nila ay bumaba na ako. Yumuko ako ng maraming beses bilang pasasalamat. Nang makapasok na kotse sa loob ay pilit kong sinisipat parin ang loob ng bahay nila. Hindi pa ako nakakapasok ng bahay nila at gusto kong makapasok para naman makapag-stalk kay Benj. Nang ambang isasara ang gate ay nagulat pa si Yaya Lyn sa akin. "Diyos miyo kang bata ka. Ginulat mo ako. Bakit nasa labas ka pa?" Napangiti ako at binati ito, "Ah, Yaya Lyn, kapag magtatapon po kayo ng basura ngayon, pwedeng ibukod nyo po ang kay Benj tapos ibigay nyo sa akin." Natawa sya, "Eh, ano naman ang gagawin mo doon? Marumi na iyon tapos kukunin mo pa." "Sige na po.. Akin nalang.." Ngumiti sya, "O sige.. Umuwi ka na at magpalit ka na ng damit. Ilalabas ko na ang basura ni Benj." Ngumiti ako at tumango, " Salamat, Yaya Lyn." kumaway ako at masayang napapatalon pa ako na naglakad patungo sa bahay namin. "Oh, Nyebe, nariyan ka na pala. Magpalit ka na ng damit mo at tara tuturuan kitang magluto." Si Mama na may nililista. Businesa woman si Mama ngayon at pagtitinda online ang trabaho nya. At may maliit na japanese restaurant din sya na mabenta naman. "Next time nalang, Mama, may gagawin pa po ako." "Nyebe!" sermon ni Mama pero ngumiti lang ako at umakyat sa taas. Pagdating sa room ko ay agad kong binitawan ang bag ko sa kama at agad akong lumapit sa bintana ko. Binuksan ko ang bintana at tinignan ang bintana ni Benj. Nakasara pa kaya napahinga ako ng malalim at sinara ang bintana ko. Ano kaya ang ginagawa nya? Hindi kaya nagbibihis sya?. Namula naman ako at napahagikgik. Kapag nagsuswimming sya ay gamit ko ang telescope ko at pinapanood ko syang maligo. Kabisado ko na ang paglangoy nya pati ang kulay ng short and trunks na sinusuot nya sa bawat schedule nya sa swimming. Nagbihis ako at agad ring bumaba. Tinungo ko ang tapat ng bahay nila Benj at hinintay si Yaya Lyn. Habang naghihintay ako ay may humintong sasakyan na ordinaryo. Parang jeep. At napamaang ako ng makita ang kapatid ni Benj na babae kaya agad akong nagtago sa halamanan. May kasama syang matangkad na lalake at dalawang bata. Ang isang ay baby pa. Mga three years old siguro tapos ang isa ay tila six years old. "Mommy, it's beautiful." turo ng batang babae na pink na pink ang namumutakti sa kasuotan nya at ganun din ang mommy nya na kapatid ni Benj. Napaturo sila sa kinatataguan ko kaya hindi ako mapakali. "Oh, nalanta na ba ang halaman ni Mommy? Bakit brown na?" Napatakip ako ng bibig ng batakin ng kapatid ni Benj ang buhok ko. God. Napagkamalan pang bulok na dahon ng halaman ang buhok ko. "Oh, Bettina, narito pala kayo. Anong tinitignan nyo d'yan?" si Yaya Lyn. "Lanta na ang halaman ni Mommy, Ya. Pakialis ang mga nasunog na dahon." "Huh? Wala naman ata akong nakitang bulok na dahon d'yan ng magdilig ako kanina.." ani ni Yaya Lyn. Napaface palm nalang ako dahil nakakainis ha. Hindi man sadya pero parang lait na lait na ang hairlalu ko, "Oo nga pala. Hindi pa kaya nagpupunta rito si Nyebe. Sabi nya ay kukunin nya ito." "What's that, Ya?" tanong ng kapatid ni Benj. "Basura ni Benj." natatawang sabi ni Yaya Lyn. "Really? Ano namang gagawin d'yan?" "Ewan ko ba doon sa batang iyon.. Baka natagalan lang magbihis... O sya-sya, pumasok na kayo at may meryenda do'n. Magmeryenda muna kayo at pauwi na rin siguro ang parents mo." Nang magpasukan sila at maiwan si Yaya Lyn ay agad akong lumabas sa kinatataguan ko na kinagulat ni Yaya Lyn. "Disyomiyo! Ginulat mo ako." "Iyan na po ba?" nakangiti kong tanong habang nakatingin sa black garbage bag. Napahinga sya ng malalim, "Oo, pero kung hindi mo naman kailangan ang ilan ay itapon mo. Baka magalit pa ang pamilya mo kung dadalhin mo pa ang basura ni Benj sa inyo." "Opo. Salamat po, Yaya Lyn." Ngumiti ito kaya masayang kinuha ko ang garbage bag at dinala sa bahay namin. Agad na tinungo ko ang kwarto ko at agad na binuksan ang garbage bag. Binuklat ko ang plastick at binuhos lahat ng laman sa sahig. Napangiti ako ng makita ang mga ginagamit nya sa mukha, katawan, at ubos na pabango. At meron ring mga sulat at lahat ng iyon ay hindi galing sa akin. Binuksan ko ang mga sulat at natatawa nalang ako dahil walang-wala ang mga sulat ng admirer ni Benj sa sulat ko. Binalik ko na sa plastick iyon at basura na talaga iyon. May nakuha pa ako at toothbrush ni Benj! Whaaa!! Hinalikan ko ito at hindi ko mapigilan na matuwa. Narito pa ang laway ni Benj at kinikilig ako sa kaalamang iyon. Hinalikan ko pa ito at tinabi para isama sa collection ko. Nang wala na akong iba pang mapag-interesan sa mga basura ni Benj ay binalik ko na ang mga papel at ilang lalagyan na ginagamit sa buong kwarto ni Benj. At bumaba ako para ilagay sa labas iyon dahil kukunin na tiyak ng truck ng basura ang mga basura namin. Pumasok muli ako sa loob at sa kwarto ko para balikan ang mga nakuha ko sa basura ni Benj. Lahat ng brand ng ginagamit nya ay sinusulat ko sa secret notes ko. At ang toothbrush nya syempre hindi ko hinugasan at tinabi ko sa toothbrush ko para laging maganda ang araw ko kapag nagtotoothbrush ako at makikita ko iyon. Tinignan ko ang buong kwarto ko at makikita kung gaano ako karaming poster picture ni Benj na pinagawa ko pa at dinikit sa bawat dingding. Nanghihingi ako ng litrato kay Yaya Lyn at pinapagawa kong poster iyon. Kaya nga alam na rin nila Mama kung sino ang crush ko. Pabagsak na nahiga ako sa kama at kinuha ko ang unan ko na may print ng mukha ni Benj. Napangiti ako dahil hindi ko talaga mapigilan ang saya ko dahil parang napapalapit na ako sa buhay ni Benj. Hindi ako susuko. Alam ko na magugustuhan din nya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD