Kabanata 2 - Getting Closer

2971 Words
Nyebe Summer night at kailangan kong gawin ang lahat para naman magkaroon na ako ng friend. Nakita ko si Emerald at Ruby Rose na naiwan sa classroom habang nag-uusap. Popular din sila sa university at malapit din sila kay Benj. Kaibigan din nila si Warren at Max. "Ummm.." Nagulat sila ng mapansin ako. Napabuntong hininga sila. "Anong kailangan mo?" tanong ni Ruby Rose. "Ah, pwede akong maging aswang para mapasaya ang buong klase." Nagulat sila. Hindi ko naman sinasadya pero narinig ko kasi sila na nagpaplano para naman exciting daw ang summer night namin. Gusto kong may gawin para naman malaman nila na hindi naman dapat ako iwasan. "Bakit mo naman gagawin iyon?" tanong ni Emerald. Napayuko ako, "Para hindi na ako iwasan. Hindi naman talaga ako anak ng aswang at hindi din ako nakakakita ng aswang." Natahimik sila pero pagkaraan ay napahalakhak si Emerald habang si Ruby Rose ay naiyak pa. "Bakit ka ba umiiyak?" sita ni Emerald kay Ruby. "Hindi ko akalain na sasabihin nya iyon. Nakakaiyak ang kabayanihan nya." Napailing si Emerald at tumingin sa akin, "Sige, kung yan ang gusto mo. Pero sekreto lang natin 'to?" Tumango ako at ngumiti na kinamutla nila pero hindi ko na pinansin iyon at masaya na umalis ako ng classroom. Mananakot lang naman ako tapos ay tiyak na magugustuhan na nila ako. Tiyak na mag-eenjoy sila sa summer night out. - Benj "Where's Nyebe?" tanong ko. Narito na ang buong klase sa kagubatan para puntahan ang bundok sa tabi ng isla. "Ewan." sabi ni Max. Tinignan ko ang bawat estudyante na narito at nilapitan ko sila Emerald. "Nakita nyo si Nyebe?" "Hindi." ani ni Emerald. "'Di ba ma--" Ngumiti sa akin si Emerald at hinatak si Ruby habang takip ang bibig nito. Hindi ko na pinansin ang dalawa at hinanap si Nyebe. - Emerald/Ruby "Sekreto lang ang pananakot ni Nyebe, Ruby." ani ni Emerald. Napakamot si Ruby ng ulo at natawa, "Sekreto ba?" Napaasik nalang si Emerald na napahalukipkip ng braso. "Whhaaaa!!" "Saan nanggagaling ang sigaw na 'yon?" ani ng kaklase nilang lalake na kinangisi ng dalawa. - Nyebe Suot ko ang itim na dress na hanggang paa ko. Habang ang kulot kong buhok na mahaba at makapal ay nakalugay. Narito ako sa puno at napangiti ako dahil effective ang una kong pananakot. May nakita akong naglelente kaya umayos ako. Dapat ay ibang style naman. "Estabilano y polito casabele." nagbigkas lang ako ng salita na kung ano-ano kahit hindi ko rin naman gets. Tapos ang boses ko ay iniba ko na nakakatakot. Nang malapit na ang kaklase kong may dalang lente ay lumitaw ako mula sa pagtatago sa puno at nakababa ang ulo ko. Narinig ko ang pagsinghap nito kaya napatingin ako rito, pero natigilan ako ng makita si Benj. "Tsk. Anong ginagawa mo?" inis nyang tanong. "Ah, playing a monster." "W-What?" aniya na hindi makapaniwala. Napatitig ako sa kanya habang kinakabahan ako dahil nakakahiya na si Benj pa ang tinakot ko. Baka isipin nya na aswang talaga ako. Naupo sya na patore habang nakasubsob ang mukha nya sa tuhod nya at nakalaylay ang mga kamay nya tila ba may nais nyang itago sa akin na emosyon. "Don't look at me like that. It's embarrassing." Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko dahil natakot nga ata sya. "P-Pasensya na. H-Hindi ko nais na takutin ka. H-Hindi naman ako aswang." Nahihiya na naupo rin ako at napasulyap ako sa kanya ng mag-angat sya ng tingin. Hindi na sya nagsalita pa at kita ko sa mukha nya na tila malalim ang iniisip nya, kaya kinabahan ako na baka hindi na nya ako pansinin pa ulit. "Nyebe Perez!" Napatingin ako kela Emerald at Ruby, napatayo ako ng tumayo si Benj. "May kinalaman kayo sa pananakot nya?" tanong ni Benj. "Wala, ah.." "Hindi. Ako ang nagkusa na gawin iyon." Napatingin sa akin si Benj at napahinga ng malalim kaya napayuko ako. "I organize this night. Dapat ay sinabi mo man lang sa akin.." aniya tila ba disappointed. Ang summer night ay nasira ng dahil sa akin. Pinagplanuhan pala ng maayos nila Benj ang summer night tapos ako pa ang sumira. "Dapat kay Nyebe ay pahirapan, e. Halos atakihin ako sa puso sa pananakot nya." "Oo nga!" "Stop! Babae parin sya para gawin nyo sa kanya ang mga sinasabi nyo." sabi ni Benj. "Kinakampihan mo sya, Benj! Hindi tama ang ginawa nya na sirain ang summer night. Bakit pa kasi sinama sya." Napayuko ako habang narito sa labas ng classroom. Rinig ko lahat ng hinaing sa akin ng mga kaklase ko. Pati tuloy kay Benj ay nagagalit sila dahil pinagtatanggol nya ako. Baka masira ang popularity ni Benj dahil sa akin. Tumakbo ako paalis ng classroom. Sa c.r ako nagtungo at tahimik na umiyak. Hindi ko na dapat sinubukan pang gumawa ng paraan para magustuhan nila ako. Lalo tuloy nila akong kinasuklaman. "Nakakatakot talaga si Nyebe. Sobrang puti tapos ang buhok ay parang buhok ng mangkukulam. Napagkamalan tuloy syang aswang." "Sinabi mo pa." Binuksan ko ang pinto ng cubicle na ginamit ko at tumingin ako sa dalawang babae na namutla ng makita ako. "Umm.. Tapos na ako, pwede nyo ng gamitin ang--" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng wala pang ilang segundo na kumaripas ng takbo ang dalawa. Ganito na nga siguro ang sitwasyon ko. Mabuti ng mapag-isa nalang ako, kesa masira ko pa si Benj sa lahat. Ang pagiging malapit nya sa klase na hinahanga ko ay baka masira kung lalapit pa ako sa kanya. Baka iwasan din sya ng mga kaklase namin kung kakausapin ko pa sya o lalapitan. Baka nga hindi na rin nya ako lapitan ngayon mula ng masira ko ang summer night na inorganize nilang magkakaibigan. Pumasok ako ng classroom at alam kong nakatingin sila sa akin lahat. Naupo ako sa upuan ko at nakayuko lamang ako. Bumalik sila sa mga ginagawa nila at naging halo-halo na ang boses na naririnig ko habang ako ay tahimik lang na nakaupo at nakayuko. - Emerald Napatingin ako kay Nyebe at nakonsensya kami ni Ruby dahil kahit hindi naman namin nais na gawin nya iyon ay kasalanan parin namin kung bakit nya nagawa iyon. Kaya naman nagkatinginan kami ni Ruby ng lunch break na. Lumapit kami kay Nyebe at hinatak namin ito. "Bakit?" mahina nyang tanong. "May baon ka." Napaangat sya ng tingin at tumango, "Oo." nilahad nya sa amin ang lunch box nya pero hinila ko lang sya at sa tagong garden kami nagpunta. "Pasensya na, dahil sa amin kaya nagawa mo 'yon." sabi ko at nagcross leg. "Oo nga. Sensya na, Nyebe." paboyish na sabi ni Ruby at inakbayan si Nyebe. Napailing ako dahil ganyan talaga si Ruby. Boyish pero girl naman sya. "Naku, hindi kayo dapat humingi ng pasensya sa akin. Kasalanan ko rin. Gusto ko kasi na magkaroon ng kaibigan kaya akala ko, dahil sa gagawin ko ay matutuwa sila." Hindi ko alam kung bakit ganun nya kagusto na mapalapit sa mga kaklase namin. Inosente sya na alam naman namin na patay na patay sya kay Benj. Wala namang masama sa itsura nya, ang buhok nya lang talaga ang agaw pansin dahil sa sobrang kakulutan. Pati na rin ang kaputian nya na parang maputla. Kaya napagkakamalan syang aswang. "Tama na ang drama, kumain na tayo at gutom na ako," sabi ni Ruby, "Patikim nga ng baon mo Nyebe." dagdag pa ni Ruby kaya ganadong binuksan ni Nyebe ang baon nya at pagkakita ko ay japanese food. "Wow! Mukhang masarap." bulalas ng matakaw na si Ruby. "Masarap talaga ito dahil Mama ko ang nagluto." tinukso sa tinidor ni Nyebe ang sushi at sinubo kay Ruby. Sinubuan nya rin ako kaya ngumiti ako at sinubo ko ang bigay nya. Napatango ako dahil masarap nga. - Nyebe Iba ang saya ko dahil hindi ko akalain na lalapitan ako ng mag bestfriend na ito. Noon, kinaiilagan ko sila dahil ang tingin ko sa kanila ay mahirap silang kausapin at nakakatakot din para silang siga. Si Emerald ay sexy at maganda. Si Ruby ay may pagkamaangas pero maganda rin at boyish kung kumilos. Pagkatapos ng break ay bumalik na kami sa room. Nakaupo ako sa upuan ko at napatingin ako kay Benj na kasama ang dalawa na sina Max, warren, at iba pa naming kaklaseng lalake. Napatingin sya sa akin kaya umiwas ako ng tingin. Huhuhu hindi ko na sya lalapitan o kakausapin. Ayokong masira ang popularity nya sa school. Hanggang nakaw-tingin nalang muli ako. "Class, heto ang test paper nyo. Bibigyan ko kaya ng isang oras para sagutan." umubo si Mr. Dimaculangan ng matapos syang magsalita. "May sakit kaya si Sir?" "Baka. Pansin ko na parang maputla sya mula palang kanina." Napatingin ako kay Sir. Nagulat sya at nagpaalam agad bago kumaripas ng alis kaya napayuko ako dahil natakot din siguro sya sa akin. Nakatingin ako sa test paper ko at napahigpit ang hawak ko sa ballpen habang nangingilid ang luha ko. Hindi na nagpaparinig sa akin ang mga kaklase ko at hindi na rin nila ako pinapansin. Alam ko na ganito ang mangyayari. Tanggap ko na. Bitbit ko ang bag ko habang nakayukong naglalakad para umuwi na. Napaangat ako ng tingin ng may mapansin ako na nakaupo sa isang upuang bato at nasa gitna ay isang puno. Napamaang ako ng makita si Benj na tumayo at hinarap ako. Napalunok ako at napayuko muli. Naglakad ako para sana iwasan sya pero nahinto ako ng magsalita sya. "Bakit mo ako iniiwasan?" Napatingin ako sa kanya at nagsimulang mangilid ang luha sa mata ko kaya napatakip ako ng mukha. "Ayokong masira ang popularity mo kaya iiwasan na kita!" umiiyak kong sabi habang takip ko ang mukha ko. Nabigla ako ng hatakin nya ang kamay ko paalis sa mukha ko kaya napatingin ako sa kanya na gulat na gulat. "Hindi kita maintindihan kaya sabihin mo sa akin ng maayos." Napasinghot ako at muling umiyak, "Dahil sa pagtatanggol mo sa akin kaya iniwasan kita para hindi na sila magalit sa'yo. Baka masira ang popularity mo dahil sa akin." Binitawan nya ang kamay ko at natawa sya na kinatigil ko sa pag-iyak. "Wala naman sa akin iyon. Aist. Akala ko naman kung ano na.." Ang ngiti nyang iyan. Ngayon ko lamang nakita. Parang bumilis ng bumilis ang t***k ng puso ko habang nakikita ko na ngumiti pa sya na lalo nyang kinagwapo. "Don't do that again. I don't care if they hate me, just don't you avoid me again, okay?" Hindi ako makapaniwala na ngumiti at tumawa sya sa harapan ko. At hindi sya galit kahit pa mawala ang popularity nya dahil sa akin. Sinabay nya ako pauwi kaya ang saya-saya ko. "Oh, mabuti naman at tila masaya ka na ulit ngayon, Apo." Nagmano ako kay Lolo at Lola na nagmemeryenda sa garden ng maabutan ko. Napangiti ako dahil pansin pala nila na malungkot ako kahapon. "Masaya lang po ako. Sige po, Lola, magpapaturo po ako kay Mama na magluto." Nakangiti na tumango sila kaya masayang pumasok ako sa bahay. Nakita ko si Mama na may nililista na naman. "Mama, turuan nyo po ako magluto." sabi ko na kinaangat nya ng tingin. "Talaga, anak? Hindi ka ba nilalagnat?" Napasimangot ako, "Mama!" Natawa sya at tumayo, "Binibiro ka lang. Nakakapagtaka na ikaw mismo ang nagsabi na gusto mong matuto." ngumiti sya ng mailigpit ang mga listahan nya, "Sige na, magpalit ka na ng suot mo at bumaba ka agad para turuan na kita." Tumango ako at mabilis akong umakyat sa taas. Nagbihis ako at suot ko ang mahabang light blue na bulaklakin kong bestida habang may nakapaloob na puting sweater na hanggang kamay ko ang haba ng manggas. Bumaba ako at excited na pumunta ng kusina. Nakita ko si Mama na nakaapron habang naihanda na nya ang mga ingredients. "Mama, nagustuhan ng kaklase ko ang sushi nyo. Turuan nyo po ako na magluto no'n." "Sige ba. Madali lang ito kaya alam kong matututunan mo agad." Ngumiti ako at tinignan si Mama na nagsimula ng ituro sa akin ang proseso ng pagluluto nya sa sushi. Napangiti ako dahil madali lang pala at naeenjoy ako dahil ang saya palang gumawa ng sushi. Nang matapos ay sinubukan kong gawin ang tinuro nyang sushi at pinatikim ko sa kanya. Napathumbs-up sya kaya napangiti ako dahil marunong na ako. Tinuruan rin ako ni Mama na magbake at halos hindi na ako umalis sa kusina dahil na-e-enganyo ako sa pagtuturo nya. Napahiga ako sa kama ko at tinaas ang kumot ko hanggang balikat ko. Naging busy ako sa pagluluto kaya tuloy hindi ko naabutan ang pagsuswimming ni Benj. Pero napangiti ako ng maalala ang sinabi nya. Atleast kahit papaano ay alam ko na hindi sya galit at hindi nya ako nais na umiwas sa kanya. Pumikit ako at hiniling ko na sana maging maayos na ang lahat. At sana rin maging kaibigan ko na rin sila Emerald. - Kinabukasan ay umuulan. Kaya nagdala ako ng payong dahil maglalakad lang ako. Kahit na gusto akong ihatid ni Lolo ay hindi na ako napaghatid dahil alam ko na gagamitin din nila iyon. At gusto ko rin na maglakad dahil hindi ang ulan ang makakasira ng araw ko. Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ang tahol ng isang tuta. Nakita ko ang isang inabandong tuta habang nakalagay sa kahon. Nababasa sya ng ulan kaya naawa ako. Galit nya akong tinahulan pero napahinga nalang ako ng malalim at binaba ang payong ko para payungan sya. Kahit tuta ay takot sa itsura ko. Napailing ako at natawa nalang. "Sino kaya ang aampon sa'yo?" sabi ko habang nakatingin sa kanya na galit parin akong tinatahulan. Umayos ako ng tayo at naglakad na ako kahit pa nababasa na ako ng ulan. Pagdating sa university ay nagpagpag ako ng suot kong coat. Sa room ay pinunasan ko ang buhok ko gamit ang panyo ko. "Thanks, Pre." Napatingin ako sa pinto at nakita ko si Benj kasama si Max at Warren maging ang mga kaklase kong lalake. Nakakatuwaan sila kaya umiwas ako ng tingin at pinagpatuloy ko ang pagpunas ko sa buhok ko. Pero maya-maya lang ay napatigil ako ng may towel na naglagay sa ulo ko. Napatingin ako kay Benj at ngumiti sya sa akin na kinatitig ko sa kanya. "Hindi kaya ng panyo lang na patuyuin ang basa mong buhok. Basa na ang uniform mo. Wala ka bang extra?" "Huh?" umiling ako. "Wala kang dala?" napatingin ako kay Ruby at pumamewang sya. Natawa sya na para bang may bright idea sya, "Mabuti nalang at narito ang p.e uniform ko." Napamaang ako at hindi makapaniwala na papahiramin nya ako. Binuksan nya ang locker nya sa room. At napabahing si Emerald ng ipagpag ni Ruby ang p.e uniform nya. "God, Ruby! Bakit napakaalikabok ng p.e uniform mo?" Natawa si Ruby, "Sensya na, matagal ko na ring hindi nagagamit itong lumang p.e uniform ko." Binigay sa akin ni Ruby ang p.e uniform nya kaya nagpasalamat ako ng marami. Agad akong nagtungo sa c.r at habang nagbibihis ay narealize ko na kung gaano kabait ni Ruby at Emerald. Hindi ko akalain na ang inaakala kong siga at mataray na magkaibigan ay mabait pala. Gusto kong maging friends sila, kaso baka sila ay ayaw naman sa akin. Bago bumalik sa room ay nagpunta ako ng cafeteria para bumili ng inumin para naman makabawi sa kabaitan nila. Tatlong coffee ang binili ko. Pagbalik ko sa room ay wala sila at maging si Benj. Kaya nilapag ko sa desk nila ang coffee. Umalis muli ako ng room para bumalik sa cafeteria ng may makalimutan akong bilhin. - Benj Nagtataka na napatingin ako sa desk ko ng may nakalapag na coffee. Nagtungo kasi ako sa locker ko para dalhin ang basa kong damit kaya matagal akong nawala. Napatingin ako kela Emerald at napatingin ako sa hawak nila. Coffee din na nakalagay sa lata. "Sino ang nagbigay nito?" tanong ni Emerald kay Hosana. "Si Nyebe." Nang sabihin nito kung sino ay agad akong tumakbo palabas. Bababa na sana ako ng hagdan ng makasalubong ko si Nyebe. Napaangat sya ng tingin kaya napaayos ako ng tayo. "Thanks." tinaas ko ang coffee na bigay nya. "Pasasalamat ko iyan sa pagpapahiram sa akin ng towel." Ngumiti ako, "No, ako dapat ang magpasalamat." May nais sana akong sabihin ng mapatingin ako sa hawak nya. "Kanino 'yan?" Napatingin sya sa hawak nya, "Ah, para 'to sa puppy na nakita ko sa daan. Ipapainom ko mamaya." "Yung puppy na may payong." sabi ko. Napatango sya at napangiti. Napangiti rin ako. Kaya pagkatapos ng klase ay sabay naming binalikan ang puppy. Hindi na umuulan. Kinuha ko ang payong na pula na nakapayong sa aso at nakita ko ang pangalan ni Nyebe na nakasulat sa hawakan ng payong. "Hindi ko alam na sa'yo pala itong payong na ito." sabi ko. "Hindi ko rin alam na mapapansin mo pala ang tuta." tugon nya. Napatitig sya sa akin kaya umiwas ako ng tingin at napatakip ng bibig. Uminit na naman ang pisngi ko dahil sa titig nya. "Painumin mo na nga sya." sabi ko at umiwas ng tingin. "Sino kaya ang aampon sa kanya? Hindi pwede sa amin ito dahil may hika si Lolo." aniya. Napahinga ako ng malalim habang nakatingin sa kanya. "Ako na ang mag-uuwi sa kanya." nang ambang titingin sya ay sa puppy ako tumingin. "Talaga?" masayang sabi nya kaya napangiti ako at binitbit ang tuta matapos nitong makainom. Tinignan ko sya, "Tara na." tumango sya at ngumiti kaya umiwas ako ng tingin at humarap sa kotse. Pinauna ko syang pumasok at sumunod ako. Nang una ko syang makita sa harap ng bahay namin ay nakita ko kung gaano sya kagandang ngumiti. Kahit masyadong kulot ang buhok nya ay maganda naman sya na malayo sa nakikita ng iba, at mas gusto ko iyon dahil ako lang ang nakakakita ng ganda nyang hindi pa napapansin ng iba. Selfish ako at ayokong may ibang makakita ng nakikita ko kay Nyebe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD