bc

THE MALE RULER WOMAN

book_age18+
10.3K
FOLLOW
46.6K
READ
possessive
arrogant
badboy
goodgirl
boss
student
kicking
bully
campus
school
like
intro-logo
Blurb

Hindi naman siya kagandahan pero bakit kaya siya pa ang pinag-aagawan? Pilit niyang umiiwas pero ang mahanging hatid na dala ng mga hari ay hindi niya maiwasan. Naiipit siya sa mga tinaguriang hari ng Esteban University. Takot siya lalo na sa King of Devil na si Greyson Martin Esteban, ang pinakamasamang nilalang na ata na nakilala niya. Kabaligtaran sa hinahanga niyang si Lincoln Porter Smith, ang hari na isang Angel, Mabait, at Gentleman para sa kanya. Hindi niya kailanman hiniling na mangyari sa kanya na magustuhan siya ng dalawang hari na tingin niya ay bangungot sa buhay niya.

The Obsession of Greyson Martin Esteban.

READ AT YOUR OWN RISK!!!!!

chap-preview
Free preview
SIMULA
Nagpunas ako ng pawis bago nanlalata na naupo at sumandal sa locker. Hinubad ko ang gloves sa kamay ko at kita ko ang hirap na hirap kong mga kamay. Kinuha ko ang band aid sa bulsa ng pantalon ko at kinagat ko ang dulo nito para buksan ang balot. Nilapat ko sa sugat ko ang band aid at napahinga ako ng malalim habang hinahaplos ang parteng may band aid. Ilang sugat pa kaya ang lalapat sa kamay ko bago ako makaahon sa paghihirap kong 'to? Umiling iling ako at nagawang ngumiti upang palakasin ang loob ko. Konting-tiis na lang at kapag nakapagtapos na ako sa kursong education ay makakaalis na rin ako rito. Hindi ko rin siguro mararanasan muli na masugatan ang mga kamay ko dahil sa paglilinis ko. Imagine, buong building na ito ang nililinis ko, syempre, may mga kasama ako pero dahil hindi pa rin sapat iyon dahil napakalaki ng building na ito. Maging ang napakalaking salamin ng building ay pinupunasan ko kahit pa takot na takot ako sa mataas. Pero kinaya ko, kung gusto kong kumita para na rin pandagdag sa baon ko at ibang pangangailangan ko. "Ingat sa pag-uwi, Juliet!" Ngumiti at kumaway ako sa mga co-workers ko na sila Mylene. Iba ang destinasyon ng daan ng bahay nila sa uuwian ko, kaya palaging mag-isa akong umuuwi. Kahit pagod na ay kailangan ko pa ring lakarin ang malayong daan para makarating lamang sa apartment kung saan ako nakatira. Mag-isa na lamang ako sa buhay, dahil wala na akong magulang, wala rin naman akong kapatid. Kaya kahit bata pa ay batak na ako sa trabaho para makapag-aral ako ng high school hanggang kolehiyo. Mabuti na lamang at scholar ako sa kolehiyo. Marami pa akong nadadaan na bukas na mga establisyamento at naparaan ako sa isang fast food chain. Napahinto ako at napalunok ng biglang kumalam na ang sikmura ko habang tinitignan ang masarap na pagkain na kinakain ng mga taong nasa loob ng fast food chain. Nakakainggit ang mga taong kayang bumili ng kanilang pagkain sa mamahaling kainan. Ni minsan ay hindi pa ako nakakapasok d'yan. Kahit fastfood pa 'yan. "Oh, Juliet!" Ngumiti ako kay Aling Rose na may-ari ng isang karinderya. Dito, dito lamang ang palagi kong pinupuntahan para kumain. Hanggang dito lang ang kaya ng budget ko. "Aling Rose, alam niyo na." Naupo ako sa isang bangkong upuan habang ang lamesa ay mahaba at may balot ng linoleum. Kaharap ko ang television kaya nakinood muna ako habang hinihintay ang niluluto ni Aling Rose na order ko. "Ang tagapagmana ng Esteban Empire Group ay namataan na nanggugulo sa isang bar. Usap-usap ay dahil napikon lamang si Greyson Martin Esteban kaya niya binugbog ang ilang kalalakihan na ngayon ay sinugod sa hospital at agaw-buhay." Balita sa t.v. "Talaga nga naman, ang mga pinagpalang mayayamang kabataan ay sinasayang lang ang pera sa mga walang kwentang bagay." komento ni Aling Rose at nilapag ang kanin maging ang ulam na paborito ko sa lahat. Giniling na may itlog pugo. "'Di ba, doon ka nag-aaral sa Esteban University, Juliet?" Tumango ako kay Mang Rey na nagpupunas ng lamesang iniwan ng kakaalis lang na costumer. Asawa ni Aling Rose si Mang Rey na parehong mabubuti sa akin kaya dahil sa kagandahang asal nila ay hindi ako kailanman kumakain sa ibang karinderya dahil gusto ko sa kanila napupunta ang binabayad ko. "Opo." Pinagdaop palad ko ang aking mga kamay at saglit na nanalangin bago simulan na kainin ang pagkaing nakalapag sa aking harapan. "Edi nakikita mo ang tagapagmana ng Esteban Empire?" kuryosidad na pagtatanong ni Mang Rey. "Hindi po.." tugon ko kahit punong puno pa ang bibig ko ng kinakain ko. "Huh?" Kita ko ang pagtataka sa kanilang mukha at maging si Aling Rose ay nakuha na ang atensyon dahil lamang sa tagapagmana ng Esteban. "Hindi ko po kasi ka-level ang ganyang mayaman sa school. Kaya may sarili silang building kumpara sa tulad kong low standard student." "Wow! Grabe naman pala kayaman talaga ng mga Esteban." "Sinabi niyo pa!" sang-ayon ko at sunod-sunod na sinubo ang kanin na may kahalong ulam hanggang sa mapuno ang bibig ko. Wala akong pakialam sa gaya ng mga Esteban. Sa dami ng pinoproblema ko ay iisipin ko pa ba ang mga kagaya nila? Alam ko na maraming tao ang nakakakilala sa kanila dahil sa sikat sila sa buong bansa maging sa ibang bansa. Takot ang mga kagaya kong mahirap sa mayamang kagaya nila. Kaya sino ako para pakialaman at isipin pa ang kagaya nila? Isipin niyo na kung pati ang bigas na produksyon ng mga kumakayod na magsasaka ay kanilang hawak. Kaya itong kinakain ko ay tatak Esteban. Kaya sino sa mga kagaya ko ang hindi pang-iilagan ang kagaya nila? Takot akong magutom, kaya ang pagiging hangin ko sa eskwelahan ay pinasasalamatan ko. Oo, para lamang akong hangin na dinadaanan ng mga high profile student sa Esteban. Wala naman kasing kapansin pansin, kaganda ganda ang isang katulad ko. Ang tanging maipagmamalaki ko lamang ang mataas kong marka upang kahit paano ay hindi ako isang kawawang nilalang na estudyante sa Esteban University. "Paalam, Aling Rose, Mang Rey!" Kumaway sila sa akin at ngumiti kaya napangiti ako na tumalikod na at nilisan ang kanilang karinderya. Napahawak ako sa tiyan ko dahil sa kabusugan. Solve na solve na ang aking tiyan, kaya tanging paglilinis ng katawan at pag-aaral na lang ang aking tututukan pagdating sa bahay. Dahil kinabukasan ay kailangan ko na muling pumasok sa eskwelahang tanging mag-aangat sa akin sa estadong kinalulugmukan ko ngayon. "Ate Juliet!" Napahinto ako sa paglalakad ng salubungin ako ng mga batang hamog. Batang hamog, dahil sa musmos nilang edad ay kumakayod sila kahit dis oras na ng gabi. Upang magtinda ng sampaguita, candy, at iba pang produkto na pinapatinda sa kanila ng kinukuhanan nila. "Oh, lalarga na kayo?" Tanong ko. Nakipag-apiran ako kina Tolits, Chichay, Potpot, at Kring-kring na parang barkada ko na rito sa squater area kung saan din ako napapabilang. Mga pito at walong taon pa lamang ang mga batang ito, kaya kahit gusto kong tulungan sila ay hindi ko rin magawa dahil pare-pareho lang naman kami ng mga estado. "Opo! Kayo po?" Tugon ni Chichay na marungis pa at tila hindi pa naliligo mula pa nung isang araw. Ang suot-suot niya ngayon ay iyon din ang suot-suot niya kahapon. Maging sila Tolits, Kring-Kring, at Potpot ay gano'n din. "Uuwi na ako at mag-aaral. Kayo, dapat na mag-iingat kayo sa kalsada at kapag may masasamang tao kayong nakasalubong ay tumawag agad kayo ng pulis para hindi kayo mapahamak o tumakbo agad kayo pauwi." Tumango sila at ngumiti bago nila ako sabay-sabay na niyakap kaya napangiti ako na ginulo ang kanilang buhok. "Sige po, Ate Juliet!" Tumakbo na sila kaya pinanood ko sila hanggang mawala na sila sa aking paningin. Kung bibigyan lamang ako ng maraming pera ng panginoong maykapal ay una kong gagamitin iyon sa lahat ng taong narito. Lahat sila ay tinuring kong pamilya kahit pa hindi ko sila kadugo. Sila lang din kasi ang matatawag kong pamilya dahil nga wala naman akong pamilyang matatawag ngayon. Tumingin ako sa larawan ng aking magulang matapos kong makapaligo at makapag-aral. Hinaplos ko ang kanilang larawan. Namatay sila dahil sa car accident. Wala namang may gusto no'n at siguro ay iyon din ang nakatadhana kung kelan sila kukunin ng diyos na maykapal. "Pa, Ma, gabayan niyo po ulit ako bukas. At sana ay hilingin niyo po na mabilis na akong makapagtapos ng pag-aaral para naman makapagturo na ako at sumahod ng malaki." Nahiga na ako sa matigas kong higaan na tanging sapin lang ay karton. Ang unan ay puro palaman ng plastick, habang ang kumot ay pinagtagpi-tagping tela na tinahi para sa akin ng kapitbahay kong si Aling Baby. Kaawa-awa ang katulad ko. Pambili ng unan, sapin, at kumot ay wala ako. Paano, dito palang sa apartment nauuwi ang sinasahod ko, tapos ang liit-liit pa. Tanging itong maliit na kwarto ay nagiging sala at kusina ko na. May maliit na banyo na tanging pag-upo sa bowl at paliligo ko na nakatayo ang tanging space sa sobrang liit no'n. Sanay na ako dahil ilang taon na rin ako rito. Maging ang lamok, langgam, at anumang insekto ay balewala na sa akin dahil maging sila man ay suko na sa akin. Wala silang dugo na makukuha sa akin dahil sa kapayatan ko. Petite daw ako at sexy sabi ng ilan, ngunit mga bulag lamang sila kaya hindi nila nakikita na para akong kawayan.. Tinanggal ko ang ipit na pumupusod sa mahaba kong buhok. Inayos ko ang bangs ko at pumikit na para matulog na upang makakuha ng lakas para gamitin sa panibagong bukas na darating sa kinabukasan ko. "Gising na Juliet.. Anak.." Bigla ay napadilat ako, napatingin ako sa paligid bago napakusot ng mata ko. Narinig ko na naman si Mama at Papa. Kaya natutuwa ako dahil pakiramdam ko narito sila sa tabi ko at binabantayan ako. Maliwanag na, kaya dali-dali akong bumangon. Inayos ko muna ang higaan ko bago ako nagmadali na kinuha ang nakasabit kong tuwalya na kahit papaano ay nakabili ako ngunit luma na rin ito dahil sa tagal ko ng ginagamit ito. Madali ko lang ginawa ang seremonya sa banyo bago lumabas upang isuot ang naayon na uniporme ng eskwelahang pinapasukan ko. Nagsipilyo na rin ako at tanging pagpahid lamang ng pulbo ang pinahid ko sa mukha bago ako lumarga habang nagsusuklay kahit nasa mismong daan na ako. Wala akong pakialam sa itsura ko basta mabilis lang akong makarating sa paaralan ko. Nilakad ko lang din iyon at pagdating sa daan ng Esteban University property ay may ilan lang akong nakita na naglalakad, habang sa gitna ng daan ay sunod-sunod ang dagsa ng mga magarang sasakyan sakay ng mga high profile na estudyante. "Juliet!" Napahinto ako sa tapat ng flag pole kung saan ang open ground. Nakangiti ang isang binata na nakasuot ng salamin at may mga braces sa ngipin na si June. Isang nerdy na isa sa kilala ko sa school. Kabababa lang niya sa kotse kung saan ay hatid siya ng kanyang driver. Mayaman din si June, ngunit hindi siya katulad ng ibang high profile. Si June ay isang mabait at mapagkumbabang mayamang nakilala ko. Sumasama siya kahit sa kagaya kong low profile. Hindi ko nga alam kung bakit siya sumasama sa akin, kung pupwede naman siyang makihalubilo sa kagaya niyang high profile. "Oh, June!" May nilahad siya kaya tila nag-twinkle-twinkle ang mga mata ko sa pinakita niya. Isang paborito kong aklat na isang fairytale story. Hindi man halata pero isa sa libangan ko siguro ang pagbabasa ng mga fictional love story. Gustong-gusto ko kasi ang mga maginoo, mabait, at may paninindigang lalake gaya sa nababasa ko sa mga libro, na alam ko na sa totoong buhay ay kakaunti na lang siguro ang merong pag-uugali na gaya sa libro. "Lincoln Porter Smith!" Biglang may sumigaw no'n kaya napatingin kami ni June sa mga estudyanteng agad na nagsilabasan at nakikipagsiksikan pa para makita ang sakay ng isang magarang motor na pang sport racer. "Greyson Martin Esteban!" Kasunod na dumating ang humahangos at walang kaingat-ingat sa pagpreno ng isang magarang kotse na kulay puti. Umangat ang pinto ng kotse nito na inaamin ko na nakakamangha dahil kakaiba iyon, pero hindi ang sakay nito. Napatitig ako sa nakasakay sa motor ng alisin nito ang helmet nito. Parang kumikinang ang pag-iling ng kanyang ulo kaya maging ang kanyang gintong buhok ay kumikinang. Napakaamo ng kanyang mukha, napakakinis at napakaputi na parang nyebe. Ang maganda niyang mata na napakaganda ang hugis, ang kanyang ilong na perpekto ang tangos, ang kanyang labi na napakapula, at ang hugis ng kanyang mukha ay napakaganda na siyang nagpaperpekto sa kanyang mukha. Binaba nito ang zipper ng suot nitong leather jacket kaya lumantad ang suot nitong uniporme ng school. Napakalinis niyang tignan, napakaaliwalas. Ang pagtayo niya mula sa pag-alis sa pagkakaupo sa motor ang siyang nagpakita ng kanyang katangkaran. Napakaganda niya para sa isang lalake. Lahat sa kanya ay kapuri-puri. Kaibahan naman no'n ang sakay ng puting kotse. Nang bumaba ito ay parang nasa isang sementeryo ang lahat. Gulo ang buhok nito na may ilang hibla na tumatakip sa kanyang noon at kilay. May dalawang hikaw ito sa isang tenga. Ang hilatsa ng mukha nito ay hindi ko masasabi na isang maginoo at mabait. P'wede naman siya sa perpekto dahil gwapo siya lalo't anak siya ng gwapo't magandang mag-asawa na si Mr. Gab S'ven Esteban and Mrs. Maqi Ria Esteban, pero kung iyon lang ang babasehan ay nakakawalang ganang pagpantasyahan siya. Sa mata palang niya na may matatalim na tingin, sa ilong niyang matangos na sabi ng matatanda kapag nakikita ang mukha niya sa balita ay isang palatandaan daw na babaero, at ang labi niya na mas higit na nakakakilabot, dahil sa pagngisi nito na animo'y parang palaging may binabalak. Dinig na dinig ang walang modo niyang pagsara ng pinto sa kotse niyang parang balewala sa kanya kung masira. Sinuklay ng daliri nito ang buhok niya habang nakangisi at pumikit. Nakasuot siya na halos lahat ng kulay ay itim. Itim na leather jacket, itim na v-neck t-shirt, itim na pants, at itim na sapatos. Mas matangkad siya kay Lincoln kaya para siyang kapre. Malalaki din ang built ng katawan niya at tingin ko kapag bumunggo ako doon ay tiyak na para akong papel na liliparin. Focus na focus ang mga estudyante, lalo ngayon lang muli nagkasabay na dumating ang dalawang hari. Nagsulputan din ang kanilang mga sangay tila may namumuong gyera. Napatingin ako kay Lincoln na binalewala si Greyson na nakangising nakatingin sa kanya. Napakaamo talaga ng mukha ni Lincoln, kaya panira talaga ng araw itong si Greyson kung sakali na bibigwasan niya ang mukha nito. Nakasunod ako ng tingin kay Lincoln at napahinto ito pero dumeretso naman pagkaraan. Napayakap ako sa librong binabasa ko bago lihim na napangiti. Para siyang prinsipeng nasa libro na binabasa ko. Kaya nga umaasa ako sa libro at medyo naniniwala sa binabasa ko dahil sa kagaya niyang lalake na talagang mapapatunayan kong meron pang kagaya niya katulad sa binabasa ko. Bigla ay parang umihip ang masamang hangin kaya napatingin ako kay Greyson at hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako? Pero nakita ko na parang dumeretso ang tingin nito sa gawi ko. Bigla ay pinangatugan ako ng katawan at pasimpleng nagtago sa likod ni June. Ayaw na ayaw kong mapapatingin siya sa akin, hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin oras na mangyari iyon. "What's her name?" Agad na mabilis akong tumalikod habang hatak-hatak ko na si June. Tila alam niya ang ibig kong sabihin kaya umalis kami kung saan mismo nakatingin si Greyson. "I. SAID! WHAT'S. HER. NAME?!" Agad na nagtago kami sa pader kung saan ang hallway sa building ko. Napabuga ako ng hangin habang hingal na hingal. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako. "Juliet, tingin ko... ikaw ang tinuturo niya." Umiling-iling ako kay June habang nanginginig. "H-hindi. B-bakit naman ako mapapansin no'n?" "Sana ay walang nakapansin sa atin na high profile student, dahil kung mangyari iyon ay tiyak na yari ka kapag nalaman nila na ikaw iyon." "Hindi nga sabi ako 'yun, June!" Hindi. Hindi ako 'yun. Ayoko. Ayokong ngayon pa. Letche talaga! Sana hindi nga ako. Napahawak ako sa I.D ko para sana gawing pamaypay dahil parang hindi ako makahinga, pero gano'n na lang ang kaba ko ng inangat ko ang tali ay wala ang I.D ko. "J-June, ang I.D ko..." Tumingin siya sa akin mula sa pagsilip sa pader. "Ano? 'Wag mong sabihin..." "N-nahulog ata sa open ground." Pareho kaming namutla pero mas lalo na ako dahil para akong hihimatayin sa sobrang mutla na ata ng nararamdaman ko. Napapikit ako at nanginginig ang kamay kong nakahawak sa tali. Sana... Sana hindi niya nakuha. Diyos ko, ano bang kamalasan itong nangyayari sa akin? Okay lang na sa ibang bagay ako malasin, 'wag na 'wag lang makuha ang atensyon ni Greyson Martin Esteban. Dahil oras na mangyari iyon ay hindi ko alam kung magiging maganda pa ang dating tahimik kong buhay sa eskwelang ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
74.4K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.7K
bc

Behind The Billionaire's Contract

read
25.3K
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
42.1K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.6K
bc

My Serbidora owns me. George Zoran Zither

read
29.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook