KABANATA 1

3663 Words
Apat na oras sa dalawang klase ang aking binilang bago ang pinakahihintay kong oras. Kanina pa umiikot ang aking mata kasabay ng pag-ikot ng kamay ng orasan sa classroom. Hindi sana ako ganitong matutuliro kung hindi lamang ako nataranta sa pagtingin ng Esteban na iyon sa akin, edi sana rin hindi ko nahulog ang I.D ko. Kailangan ko iyon, importante sa akin iyon, dahil marami ang pinanggagamitan no'n. Hindi ako makakapasok ng school kapag wala iyon. Hindi ako makakapunta ng library kapag wala iyon. Hindi din ako makakalibre sa pagkain sa cafeteria kapag wala iyon. Kaya sobra-sobra ang halaga no'n sa akin. Sa malakas na pagkalampag ng tunog ng kampana ay agad na napatayo ako. Hindi ko gawain ang mabilis na paglisan ng silid aralan, pero ngayon ay kailangan. "Hi, Juliet!" nakasalubong ko ang mga nerdy kaya nginitan ko ang mga ito. "Kita na lang sa cafeteria, Guys." Nagtataka sila pero hindi ko na pinansin. Mahigpit ang yakap ko sa dalawang libro ko habang mabilis ang lakad ko. Sa open ground, sa tapat ng flag pole, agad na napaluhod ako sa damo. Masusing sinuyod ko ang tingin ang buong lupa na may damo. Pagapang ang paghahanap ko at wala akong pakialam kung madumihan ako. Nasaan na ba kasi 'yun? Nang mapatingin ako ng ilang pulgada lang sa aking kinaluluhudan ay may nakita akong puti na parang maliit na card. Nanlaki ang mata ko at napangiti ako na agad na gumapang palapit doon, pero bago ko pa maabot iyon ay may biglang pumulot no'n. Napatingin ako sa malinis, itim na sapatos, mamahalin, at tila hindi nadadapuan ng ano mang dumi na itim na leather shoes. Unti-unting napaangat ang paningin ko at sumalubong sa akin ang nakangisi niyang labi, matangos niyang ilong, may hikaw niyang tenga, at ang mga mata niyang may bagsik at talim na tingin na nakatingin sa akin. Nanginginig na napaatras ako habang gulat na gulat at tila naninigas ako sa kinalulugmukan ko. Sumipol-sipol na tinignan niya ang I.D ko at tumingin siya na may tingin na hindi ko magugustuhan. "Juliet. Efrenella. Policarpio." buong diin niyang bigkas sa pangalan ko. Kinikilabutan ako at halos manigas na talaga ako sa kinauupuan ko. Kaya pala kakaiba ang ihip ng hangin. Dahil may kakaiba palang masamang hangin na parating. Diyos ko, hindi ko hiniling ang ganito. Bakit nagkakaganito? Anong nagawa ko? Wala naman akong naalala na may kasalanan ako sa inyo, Lord. Nagdilim lalo ang paligid ko kaya napatingin din ako sa mga alagad niyang nakatingin sa akin at mga nakangisi. Para na akong nasa impyerno. Parang lahat ng nasa paligid ko ay demonyo. "Boss, tila takot na takot sa 'yo.." Natawa si Greyson sa sinabi ng alagad niyang may hikaw rin sa tenga, at makikita mo na bad boy na bad boy ang mababakas sa buong itsura nito. "Ganito ang mga tipo ko.." nakangising sabi ni Greyson at tumayo, "Tumayo ka d'yan, kunin mo ito sa classroom ko." dagdag nito at ngumisi bago tumalikod habang tinataas sa ere ang I.D kong hawak niya tila ba nanunuksong habulin ko siya. Napahalakhak ang mga alagad niya habang napapailing na nakatingin sa akin at sumunod sa demonyo nilang amo! Sinundan ko sila ng tingin habang ako ay tila dinala sa bangungot ng buhay ko. A-ang I.D ko... Gusto niyang kuhanin ko sa lugar kung saan hindi ko maaaring puntahan. Gusto kong maiyak dahil sa sobrang pagkabanas at problemado kong utak. Nakukulta na ang utak ko at hindi ko na magawang makatayo dahil hanggang ngayon ay parang narito pa rin sila at bumubulong at tumatawa na parang mga demonyo. Napapikit ako ng may tumakip sa mukha ko. Natigilan ako ng maamoy ko ang nakahahalinang mabangong amoy ng pabango. Dahan-dahan ko itong inalis at bigla akong nasilaw kaya napapikit ang mata ko. Tinakip ko ang kamay ko upang hindi ako masilaw sa araw. Nang maka-adjust ako ay doon ko nasilayan ang nakakasilaw na kagwapuhan ni Lincoln! Pakiramdam ko ang maputla kong mukha ay biglang nag-init at namula. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at ang mata ko ay nanlalaki habang hindi makapaniwala na nakatingin sa kanya. "Are you okay?" Nananaginip ba ako? Tinatanong niya ako kung ayos lang daw ako. Napakaamo at napakabait ng kanyang boses. Napakagwapo niya at nasisilaw ako doon. Naglahad siya ng kamay kaya napalunok ako at mas dumoble ang kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay nakalutang ako at nananaginip. Parang nakawala ako sa bangungot at ngayon ay nasa pinakamagandang panaginip na ako. Tumayo ako dahil nahihiya akong humawak sa kamay niya. Nakakahiya at marumi ang kamay ko. Nagpagpag ako ng uniporme ko habang nakayuko. "I'll help you." Napaangat ako sa kanya ng tingin at hindi ko alam ang ibig niyang sabihin. Napangiti siya na kinapula muli ng mukha ko. Nginitian niya ako? Tama ba ang nakikita ko? Nginitian niya ako? Napatitig ako sa ngiti niya. Para bang may nakakatuwa sa mukha ko at sobra siyang nasiyahan.. Sa kanyang ngiti na ngayon ko lamang nakita. Napakaputi ng ngipin niya at ang labi niya ay napakaluwang ang pagkakabanat sa sobrang tamis ng kanyang ngiti. "'Wag ka na umiyak at tutulungan kita na kumuha ng panibagong I.D." Napabuka-sara ang bibig ko sa sinabi niya. Tumalikod na siya kaya napaayos ako ng tayo. "Let's go." aya niya. Hindi na talaga ako makapaniwala sa nangyayari. Pinalo-palo ko ang pisngi ko baka sakaling magising ako at isang kahibangan lang ito lahat, pero nang mapatingin ako sa kanya ay naglalakad na siya habang nakapamulsa at nakatingala sa kalangitan. Kusang napahakbang ang mga paa ko pasunod sa kanya. Hindi ko mapigilan ang lihim kong pagngiti dahil totoong-totoo na kinausap at nilapitan ako ng isang haring napakakisig. Pakiramdam ko ay nabubuo na ang kwentong binabasa ko. Pakiramdam ko, ako ang babaeng nasa libro. Napahinga ako ng malalim at napailing. Hindi! Hindi ko dapat isipin iyon. Hindi dapat na mag-ilusyon ako. Baka naaawa lang siya sa akin kaya tinutulungan ako. Kaya 'wag ka dapat assuming Juliet! Napansin ko na sa office of the Identification Data kami papunta kaya napahinto ako. Dere-deretso lang siya sa paglakad kaya sa paghinto ko ay nataranta tuloy ako sa pagsunod sa kanya dahil maiiwan na niya ako. Napatingin agad sa amin ang mga nasa office. Napayuko ako ng makita ang pagtataka sa kanilang mukha habang nakatingin sa amin. Sino ba naman ang hindi magtataka? Ang kilala, sikat, at isa sa mga hari na si Lincoln Porter Smith ay kasa-kasama ko. Nakakagulat na ang kagaya kong low profile ay kasama ang isang high profile at Almighty king na si Lincoln. "Mrs. Paterson, kailangan niya ng I.D ngayon." "At bakit ikaw ang kukuha ng I.D niya, Mr. Smith? At hindi na p'wedeng magbigay muli sa mga Low Profile ng I.D hangga't walang matinong dahilan." masungit na wika ng matandang office registrar. "Matinong dahilan na siguro ang pagkuha ni Greyson sa I.D niya? Alam mo siguro ang kahihinatnan kapag wala siyang I.D." Tinignan ni Lincoln si Mrs. Paterson, at dahil sa sinabi niya ay agad na humarap si Mrs. Paterson sa computer. Napangiti na humarap si Lincoln sa akin at lumapit siya. Hindi ko pala talaga alam ang eskwelahang pinapasukan ko kahit ilang taon na ako rito. Kailangan ng malakas na pangalan bago agad makuha ang nais mo. Kung hindi ako tinulungan ni Lincoln ay baka sumusuong na ako ngayon sa demonyo. "S-salamat." hindi ako makatingin sa kanya dahil nahihiya ako. Ngayong meron na akong bagong I.D, sobra-sobra ang pasasalamat ko sa kanya. "No problem... Anyways, I'm Lincoln Porter Smith." Napatingin ako sa kanya na naglahad ng kamay. Nakangiti siyang muli habang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit siya ngumingiti at tumitingin sa isang kagaya ko. Ganito ba talaga siya kabait? Hindi naman kagulat gulat iyon dahil kahit sa malayo ko lang siya natatanaw ay alam ko na napakabait niyang binata, pero ngayon ay mismong sarili ko ang nagpatunay no'n. Hindi ko alam ang gagawin kung dapat ko bang tanggapin ang mga kamay niya. Pakiramdam ko ay napakadumi ng kamay ko para ilapat sa kanya. Natawa siya at siya na ang kumuha ng kamay ko na kinapula na naman siguro ng aking mukha. Nagtaasan ang balahibo ko at para akong nakalutang habang ramdam na ramdam ko ang napakalambot niyang kamay. "You are Juliet Efrenella Policarpio, right?" napakaamo ng kanyang pagtatanong. Para siyang nag-iingat kung paano bigkasin ang aking pangalan. At parang alam naman na niya pero nais niyang kumpirmahin ko. Hindi ko alam na gaya sa mga libro at pelikula ay meron talagang kontrabidang sisira ng iyong mala-fairytale story kung saan nagsisimula ng magkainlaban ang mga bida pero meron at meron talagang kontra na siyang sisira sa moment ng dalawang bida. Parang mababali ang braso ko ng may biglang humila nito. Sa amoy ng hangin ay isang masamang hangin ang hatid no'n. Napasubsob ako sa matigas na parang pader na dibdib nito na siyang kinahilo ko. Para ring napilay ako dahil hanggang ngayon ay ramdam ko ang matigas na kamay na siyang nakahawak sa braso ko. Tumingala ako at halos ang hilo ko ay nawala ng masilayan ko ang pang-asar na ngisi ng taong hindi ko nanaisin na malapitan. Napaatras ako pero binalik ako nito kaya napasubsob na naman ako sa matigas nitong dibdib. "Kahit kailan epal ka talaga, Lincoln." matigas at walang modong sabi ni Greyson. Para naman akong nahawakan ng anghel ng may humila din sa kabila kong braso. Napangiwi ako dahil pareho nilang hinihila ang braso ko. "Wag mong pairalin ang pagkaisip bata mo, GM." Humigpit ang hawak ni Greyson sa braso ko at nabigla ako ng hatakin niya ang bigay na I.D ni Lincoln sa leeg ko at halos mapaubo ako ng malakas niyang sinaksak sa akin ang kinuha niyang I.D ko noon. Binitawan niya rin sa wakas ang braso ko kaya agad kong hinawakan ang dati kong I.D na padarag niyang nilagay sa dibdib ko. Napatingin ako kay Demonyo at nakita ko ang asar niyang ngisi habang hinaharap kay Lincoln ang bagong I.D ko lang. Pinutol niya iyon sa mismong harap ni Lincoln at harap ko. "Next time, 'wag kang epal, Lincoln. Mind your own business." Pagkatapos sabihin iyon ni Greyson ay tumingin ito sa akin kaya napayuko ako. Napatingin ako sa kamay kong hawak ang dati kong I.D na binalik ni Demonyo, at hindi ko napansin na nangangatog na pala iyon. "Tsk." Matapos niyang asikan ako ay tumalikod na siya. Napahinga ako ng malalim at tsaka nag-angat ng tingin. Doon ko lang napansin na halos lahat ng estudyante ay narito, maging ang mga alagad ni Greyson at Lincoln. Kita ko kung paano ako tignan ng mga high profile student kaya mas dumoble ang kaba ko. "Sorry. Are you alright?" Napatingin ako kay Lincoln at kita ko sa mukha niyang napakaamo ang pag-aalala. Nagawa ko na lang na tumango at mapayuko. "This is the first time." ani niya kaya napatingin ako sa kanya. Kita ko ang tingin niyang may pagkabahala sa akin. Hindi ko maunawaan ang sinabi niya at parang kinakabahan ako sa idudugtong niya, "Greyson is dangerous." dagdag niya nga. "A-anong ibig mong sabihin?" Tinignan niya ako na parang tinatantya niyang ang reaksyon ko. Para bang tinitignan niya kung kakayanin ko ba ang susunod niyang sasabihin. "Nevermind. Basta kapag nakita mo siyang paparating, tumakbo ka na lang hanggang sa abot ng makakaya mo." Naguguluhan ako sa payo niya, pero tama naman siya, talagang kapag nakita ko muli ang demonyong iyon ay tatakbo na ako kesa pagtripan niya muli. "Pero kapag ako ang kasama mo, poprotektahan kita at sisiguraduhin kong hindi ka masasaktan ni Greyson." Bumilis na naman ang t***k ng puso ko, hindi dahil sa kaba, kundi sa kakaibang feelings habang sinasabi iyon ni Lincoln. Ngumiti siya at hinawakan ang ulo ko kaya napayuko ako. Napamaang ako at parang ang paligid namin ay nagliliwanag at kami lamang dalawa ang tao. Parang may nahuhulog na mga bulaklak at may tumutugtog na isang love song. "I need to go." Doon lamang ako nagising ng magsalita siya muli. Napamaang pa ako at napatango ng dahan-dahan na kinangiti niya. Pinanood ko siya na tumalikod na kasama ang mga grupo niya para magpunta sa lugar kung saan nababagay ang haring kagaya niya. Napahawak ako sa dibdib ko dahil hanggang ngayon ay kumakabog ito. "Para na akong hihimatayin sa sobrang kagwapuhan niya." hibang kong sabi. "Juliet!" Napalingon ako kay June dahil sa pagtawag niya. Kita ko ang pag-aalala sa mukha niya at nang makalapit siya ay agad niya akong hinila kaya napasunod ako sa kanya. Pagdating sa low profile building ay nagtago muli kami sa pader, hingal na hingal na sumandal. "Juliet, you're dead." Hinarap ako ni June at tinignan niya ako muli na may pag-alala. "Bakit kasama mo ang dalawang hari? Ngayon ay tiyak na ikaw na ang sentro ng mga high profile." Hindi siya mapakali kaya mas lalong hindi din ako mapakali sa sinabi niya. Ngayon ay bumalik muli ang kaba ko, lalo na at nandoon nga sa eksena ang lahat ng estudyante. "A-anong gagawin ko?" tanong ko sa kanya. Baka pa niya masagot ang katanungan ko ay may biglang sumulpot na limang lalakeng estudyanteng high profile sa harap namin. Ngumisi sila at nabigla ako na hawakan nila ako sa magkabilang braso. "S-saan niyo ako dadalhin? Bitawan niyo ako! June!" "Bitawan niyo siya!" rinig ko pang sigaw ni June pero kinaladkad na ako ng mga lalakeng ito. Hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin basta namalayan ko na lang ay tinulak nila ako pasalampak sa sahig. Napatingin ako sa paligid at doon ko nakita na may ilang babae na nasa isang room. Nakahalukipkip ang braso na lumapit sa akin ang isang sexy at magandang babae na si Nancy Stephen. Ang pang pito sa pinakamataas na high profile girl student sa buong Esteban. "Ganito ba ang itsura ng pag-aagawan ng two kings? I don't think so." Napahalakhak sila sa panlalait sa akin ni Nancy. Napayuko ako at hindi makalaban sa kanilang pang-iinsulto. Tama naman sila. Bakit nga ba ako pag-aagawan ng dalawa, wala namang kaagaw-agaw sa akin? "Pero Nancy, alam natin at alam mo na never pa humawak sa babae si King Greyson." Dahil sa panunuksong iyon ng kasamang babae ni Nancy ay nag-iba ang mood ni Nancy. Napangiwi ako ng hablutin nito ang buhok ko at tinayo ako sa pamamagitan no'n. Tinulak niya ako sa mga kalalakihan na agad akong hinawakan sa magkabilang braso. "Sige, pakita niyo sa kanya ang mangyayari oras na magpapansin siya muli kay GM." utos ni Nancy. "B-bitawan niyo ako! Ano ba!" nagpumiglas ako sa hawak ng mga kalalakihan. Hiniga nila ako sa sahig at napaiyak ako ng sirain nila ang butones ng blouse ko. Hindi ko maigalaw ang mga kamay at paa ko dahil hawak-hawak iyon ng iba, habang may isa na hinahalikan ako sa leeg. "T-tama na! Please!" Halos magmakaawa ako pero puro halakhak ang naririnig ko. Mga hayop sila! 'Pa, Ma, tulungan niyo ako. Tulungan niyo po ako.' Sa tunog ng isang ice cream bell ay natigilan ang mga lalakeng pinagtutulungan ako at nais na pagsamantalahan. Maging sila Nancy ay natigil sa paghalakhak. "Nancy move again?" Pinilit kong tumingin sa taong pakiramdam ko ay siyang pinadala sa akin nila Papa upang matigil sila Nancy. Dahil sa baha kong luha ay hindi ko maaninag ang taong iyon. Base boses ay babae siya. Nakakasilaw ang kaputian niya. Naka-boots at nakasuot ng uniform ng Esteban high. "Cienti." ani ni Nancy na tila nawala ang pagkamaldita niya. Cienti? Sino siya? "Never ka naman magugustuhan ni Kuya, kaya dinadaan mo sa pambubully ang selos mo? You are so low, Nancy." Naupo ako kahit nanghihina mula sa pagpupumiglas. Hawak-hawak ko ang blouse kong nasira upang hindi ako makitaan. Umiiyak ako at napayuko dahil kamuntikan na 'yon. Narinig ko ang pagtunog ng takong kaya napaangat ako ng tingin ng huminto ito sa harap ko. Agad na napayuko ang mga kalalakihan sa babaeng ito na tila mga nabahag ang buntot. Ang haba ng legs niya at ang kinis niya ay parang porselana sa kinis at puti. Maikli rin ang skirt niya at coca-cola ang baywang niya. Nang mapatingin ako sa kanyang mukha ay natulala ako sa kagandahan niya. Nakangiti siya kaya lalo akong natulala dahil ang ganda-ganda niya. Ang buhok niyang alagang-alaga na itim na itim at mahaba. Wala siyang make-up pero ang ganda-ganda pa rin niya na parang naka-make up ang kanyang mukha. "Are you okay?" naupo siya at pumalumbaba na tinignan ako. Tumango ako kaya napangiti siya lalo, "Alam mo ba kung saan merong pinakamasarap na ice cream?" Napakuno't noo ako sa tanong niya, pero tumango ako na lalong kinangiti niya. "Dalhin mo ako doon, please.." Hindi ko alam ang nangyari basta ngayon ay kasama ko ito. Sa napakagandang kotse kami nakasakay habang pinahiram niya sa akin ang kanyang jacket. Nililibot ko ang paningin ko sa kotse niya. Ang ganda ng kotse, ang sarap sumakay, at ang bango pa. Ngayon lamang ako nakasakay sa ganito at ngayon ay alam ko na ang pakiramdam ng mga High profile student habang sakay sila ng kanilang mamahaling kotse. Tumingin ako kay Cienti at nakita ko siyang may hawak na magazine. Napaka-classy niya tignan. Lahat sa kanya ay nagsusumigaw ng karangyaan. "Ah, d'yan na lang po, Manong." sabi ko ng mapansin na muntik na kaming lumagpas sa pagdadalhan ko kay Cienti. "Narito na tayo?" Tumingin ako kay Cienti at tumango. Tumingin siya sa labas bago kami pagbuksan ni Manong driver ng pinto. Nauna akong bumaba at hinintay ko si Cienti. "Masarap ang ice cream dito, pero baka hindi p'wede sa 'yo dahil pang mahirap lang ito." babala ko agad na kinangiti naman niya. Inaya ko siya at pumasok kami sa karinderya nila Aling Rose. "Oh, Juliet, maaga ka ata? At sino 'yang kasama mo?" Napapatingin sa amin---este kay Cienti ang mga kumakain at maging sila Aling Rose. Agaw pansin kasi ang pagiging sosyal ng ayos ni Cienti kaya tuloy napangiti ako. "Aling Rose, siya si Cienti, gusto niya na matikman ang pinakamasarap niyong ice cream." Napanganga si Aling Rose at tinignan ako kung sigurado ba ako. Kinindatan ko siya at alam na niya ang ibig kong sabihin. Agad na pinagpag ko ang upuang bangko at sinenyasan ko si Cienti na maupo. Naupo siya at nag-cross legs kaya agad akong tumingin sa ilang lalakeng kumakain na napapatingin sa legs niya kaya hinubad ko ang bigay na jacket niya at tinakip ko sa legs niya na kinatingin niya. Ngumiti ako at kinuha ang bagong laba at nakatupi pang sapin ng lamesa nila Aling Rose sa gilid. Iyon ang binalabal ko sa aking blouse. "Where's the menu?" tanong niya habang nililibot ang tingin sa paligid. "Ah, ginagawa ka na ni Aling Rose ng ice cream. Maghintay ka lang at sure akong magugustuhan mo iyon." paniniguro ko na kinangiti niya. "Talaga?" Tumango ako at napatitig muli sa kanya. Hindi ko akalain na hindi pala siya maarte. Basta ba para siyang naninibago pero nais niyang tuklasin kung nasaan siya ngayon. Alam ko na hindi ko dapat siya dinala dito dahil hindi bagay sa kanya na naririto, pero mukhang ayos lang sa kanya. "Heto na, Juliet." Napatingin ako kay Aling Rose at napatingin ako sa tray na bitbit niya habang nakapatong doon ang ice cream na nag-uumapaw sa gatas ng baka at cheese na gawa din sa gatas ng baka. Natikman ko ito ng bigyan ako ni Aling Rose, at masasabi ko na napakasarap. Nanunuot ang masustansyang gatas ng baka. Hindi siya masyadong matamis at hindi din siya nakakaumay kapag kinakain. At kapag naubos mo lahat ng isang baso ay masasabi mo na lang na parang bitin. Pinunasan ko ng tissue ang kutsara na gagamitin ni Cienti. Binigay ko sa kanya iyon na agad niyang kinuha. Tinignan ko siya na nag-scoop nang ice cream at sinubo. Napatigil siya at kita ko na parang nanlaki ang mata niya. Natawa ako ng sunod-sunod niyang tinikman ang ice cream. Nag-thumbs up ako kay Aling Rose na napangiti. "Senyorita, Master GM." lumapit ang driver ni Cienti at inabot ang malaki at magandang cellphone na nakita ko. Wala akong gano'n kaya hindi ko alam kung magkano ang presyo no'n. GM? Saan ko nga ba narinig iyon? Napahagikgik si Cienti kaya nawala ako sa iniisip. Nakatingin siya sa cellphone niya habang humahagikgik tila may nakita siya o nabasa na kung ano sa cellphone niya. "This is so exciting!" aniya at tila tuwang-tuwa. Kumuha ako ng tubig at nilahad sa kanya matapos niyang ubusin ang huling scoop ng ice cream. Kinuha niya iyon at ininom bago siya tumayo. Tinignan niya ako habang nakangiti. Naglahad siya ng kamay sa driver niya at nakita kong may kinuha sa bag na mamahalin si Manong. Isang malaking wallet na ang tatak ay LV. May kinuha si Cienti doon at nanlaki ang mata ko ng may nilahad siya sa aking bugkos ng pera na puro isang libo. Agad na winasiwas ko ang mga kamay ko bilang pagtanggi sa nais niya, pero ngumiti siya at kinuha ang kamay ko bago ilagay ang lahat ng iyon sa akin. "He's so mad and I like it. Pinagbantaan ba naman ako, akala naman niya aagawin kita sa kanya." aniya na hindi ko maunawaan. Humarap siya kay Aling Rose at nakita kong kumuha siya ng ilang isang libo bago ibigay kay Aling Rose na natutulala rin, "I love your ice cream. Pa-take out po ako, Misis." aniya kay Aling Rose na napangiti. "Kahit sa 'yo na lahat ng gallon." nakangiting tugon ni Aling Rose kaya napailing ako na tinignan ito na nagmadaling bumalik sa kusina niya. Hinarap muli ako ni Cienti at kinuha niya ang dalawa kong kamay na kinagulat ko. Napatingin ako sa kanya at ngiting-ngiti siya. "Can I call you Ate?" nanabik niyang tanong. Napangiti naman ako na nahihiya. Ngayon lang ata ako natutuliro sa isang babae. Pakiramdam ko ay hindi na ako babae dahil kay Cienti. "O-oo naman... Kung gusto mo, ayos lang." Nabigla naman ako ng yakapin naman niya ako. "Thank you, Ate!" Napa-'huh?' na lang ako dahil imbes na ako ang magpasalamat sa kanya ay siya pa ang nagpapasalamat na tila napakalaki ang nagawa ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD