bc

SAMUEL FORD SERIES #6 [COMPLETED]

book_age18+
14.1K
FOLLOW
41.3K
READ
forbidden
family
others
drama
others
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Kilala si Samuel Ford bilang isang maginoo, masunurin, tahimik, suplado, at matalino. Buong buhay niya ay puro papuri ang natatanggap niya galing sa ibang tao. Hindi siya santo, may lihim rin siya na bawal sa mata ng kanyang pamilya, at nang ibang tao.. Na kailanman ay hindi matatanggap maging ng diyos..

"I Like Her. I Love Her. But I can't fall for her." -Samuel.

Dugo sa dugo. Ngunit ang pagtibok ng kanyang puso ay walang kinikilalang dugo.

chap-preview
Free preview
Simula
SA PINAKILALA AT pinasikat na university sa BF Island---Ang West Cassex University---kung saan alam ng lahat na doon nag-aaral ang magkakapatid na Ford. Mag-isa lamang na bumaba sa isang magarang kotse ang isang binata. Sumisilaw sa mga babae ang maputi at very neat nitong kompostura na lalong nakapagbigay ng pagkagusto sa mga kababaihan na pinagpapantasyahan ang binata. Sukbit-sukbit niya ang bag sa isang balikat habang nakapamulsa sa bulsa ng school pants niya ang isang kamay niya at tahimik na nilalakad ang hallway ng school na kanyang tinatahak. May nakapasak rin na ear phone sa tenga niya habang pinapakinggan ang kantang nakapukaw sa kanya. "Good morning, Prince!!" Nagtilian ang mga kababaihan ng madaan sila ng binata. Ngumiti ang binata na kinalumpasay ng mga kababaihan sa kilig. Napahinto siya nang may huminto sa harap niya na isang maliit na babae na may suot pang ribbon na pang-ipit sa buhok nito. Yumuko ito at may nilahad sa kanyang liham. Kinuha niya ito at napangiti siya na nilapit ang mukha rito. "Thank you." napatakip ng bibig ang babae sa gulat ng ngitian at ilapit nito ang mukha sa kanya na kinasinghap ng lahat ng estudyanteng nasa paligid na nakasaksi. Mas lalong napasinghap ang lahat ng halikan ng binata sa pisngi ang babae na kinatuod nito. "Oh my god!" napasinghap ang isang babae at nahimatay na kinasalo ng dalawa pa nitong kaibigan. Mga queen bee ng WCU. Dahil sa binigay na atensyon ng binata sa babae ay agad na nagsilapitan ang fan girl niya at inabot ang mga regalo nito sa kanya na malugod at may ngiti niyang tinanggap. "Thank you so much, Guys. I'm going now." Nagtanguan ang mga ito kaya bitbit ang mga regalo, liham, at bulaklak na bigay sa kanya ay nagpatuloy na siya sa paglalakad. Siya si Samuel Ford, labing siyam na taong gulang, pang-anim sa magkakapatid na Ford. Sophomore level sa college na ang kinukuha ay isang Fine Arts. May taas na six foot one at may timbang na seventy-four kilos.. Nasa pangatlong terms na siya sa kolehiyo. School, bahay, at minsan ay out of town kasama ng pamilya niya ang tanging ginagawa niya sa araw-araw. Wala siyang oras sa barkada kaya wala siyang matatawag na barkada dahil ang tanging nais lamang niya ay katahimikan.. Masaya syya ngayon kaya hindi niya masisisi ang mga kapwa nyya estudyante kung bakit gano'n ang mga reaksyon ng mga ito sa inasal niya kanina. Dahil hindi naman siya gaya ngayon na tumatanggap ng mga regalo galing sa mga babaeng humahanga sa kanya. Kilala siyang suplado, masungit, at walang ano mang nilalapitan na estudyante. Binansagan nga syanyg Campus prince na hindi niya pinagtutuunan ng pansin dahil masyadong kababawan ang mga endearment ng mga estudyante sa kanya. Pagpasok nyta sa room ay gano'n din ang naging eksena. Mga babaeng lihim na kinikilig habang sinusundan siya ng tingin. Inabot niya sa grupo ng mga kalalakihan na kaklase niya ang mga regalo na agad naman na kinuha ng mga ito at pinag-agawan ang tsokolateng binigay sa kanya. Sa kanyang upuan ay muli siyang tumanaw sa bintana at lihim na napangiti. Napatingin siya sa desk niya at nakita niya ang inukit niyang bilang araw na kanyang pinaghahandaan. Hinaplos niya ito at napangiti siya dahil nanabik na siya na dumating araw na kanyang pinakahihintay. Nagsimula ang klase at tahimik lamang siyang nakikinig habang gumuguhit. Gumuguhit siya ng isang larawan na may isang lalakeng nakatitig sa isang magandang babae na nakangiti habang nagsusukat ito ng damit. "Oh, you're so good, Mr. Ford. I can see the story behind your art work. Is that you?" Agad na sinara niya ang sketch pad at napakuyom siya ng kamay habang hawak ang lapis na pang drawing niya. Tumikhim ito at iniwan siya kaya napabuntonghininga siya at binuklat muli ang kanyang tinatapos na ginuguhit. Niligpit niya ang gamit at agad siyang tumayo ng mag-dismiss na ang professor nila sa klase. Mabilis ang kanyang lakad upang makarating lamang sa kanyang sasakyan. Hinagis lang niya sa back seat ang kanyang bag at agad na binuhay ang sasakyan. Pinaandar na niya at agad niyang iniwan ang eskwelahan upang magtungo sa port. Nakatanggap siya ng mensahe galing sa kanyang Tita Manilyn na kailangan nito ng kasama sa pagsundo sa anak nito sa airport. Pagdating sa port ay nakita na niya ito, kasama ang Tito Alexander niya at maging ang bunsong anak ng mga ito na si Zach. Inayos niya muna ang kanyang sarili at agad siyang bumaba ng kotse upang lapitan ang mga ito. "Oh, Samuel, what are you doing here?" tanong ng naguguluhan na si Alexander. "Hon, pinasama ko siya. Gusto niya daw salubungin rin si Catherine." "Gano'n ba.. Kung gano'n ay halika na kayo at narito na ang yatch." Ngumiti siya sa Tita Manilyn niya at ginulo niya ang buhok ni Zach na kaedaran lamang ni Benj na pitong taon na. Nakipag-apiran ito kaya natawa siya at binuhat ito upang sumakay na sila sa yate. "Tito, totoo po bang hindi na babalik si Catherine sa state? Dito na rin po siya mag-aaral?" tanong niya habang nakaupo sila sa sofa sa loob ng yatch na parang isang sala ng bahay ang itsura. "Hindi ko pa alam sa Anak ko... Siguro, dahil baka nahihirapan rin siya sa kinukuha niyang kurso sa state." Tumango siya at uminom ng tubig. Marami pa silang pinagkwentuhan pero tinikom na niya ang bibig upang 'wag nang matanong patungkol sa pinsan niyang si Catherine. Naging mabagal para sa kanya ang naging byahe nila bago sila nakarating sa airport sa maynila.. Nasa arrival area sila---nakatayo at nakatingin sa mga pasaherong kabababa lang ng eroplano. Focus lamang ang kanyang mata sa pagtingin upang agad na mahanap si Catherine kung nakalabas na ba ito. Napatingin siya kay Zach na hinahatak ang polo niya at napangiti siya na lumuhod rito upang itanong kung anong nais nito. "Bakit, Zach Bro." "Wiwi ako." Napatingin siya sa Tita Manilyn niya upang sabihin sa mga ito ang dinadaing ni Zach, ngunit busy rin ang mga ito sa pagtanaw sa parating ni Catherine. Tumayo siya at hawak ang kamay ni Zach. "Tita, mag-wiwi daw si Zach. Samahan ko lang po." "Ano? Hindi, ako na lang. Naabala ka na nga, tapos maaabala ka pa kay Zach." Umiling siya at ngumiti rito upang sabihin na ayos lamang sa kanya. "Ayos lang po, d'yan lang naman po ang banyo." "O, sige, bilisan niyo at baka parating na si Catherine." Tumango siya at agad na hinila si Zach patungo sa comfort room ng airport. Matapos niyang mapabanyo si Zach ay inaya na niya ito at mabilis silang bumalik kung nasaan ang tito't tita niya. Ngunit siya ay napahinto ng malapit na sana sila sa Tita niya ng mapatingin siya sa kayakap ng kanyang Tito na si Catherine. Napatingin ito sa kanila at ngumiti. "Hi, baby bro." "Ate!" binitawan niya si Zach na bumitaw sa kanya at tumakbo sa Ate nito. Nakatitig lamang siya rito at lihim siyang napalunok habang dinudumbol ng kaba ang kanyang dibdib. Matapos magyakapan ng magkapatid ay tumayo si Catherine at napatingin sa kanya. Ngumiti ito at naglakad palapit sa kanya. "Hi, Samuel. Kumusta ka na?" tinignan siya nito mula ulo hanggang paa at muling tumingin sa mukha niya, "Tila mas naging makisig ka." Ngumiti siya at hindi na niya napigilan ang sarili kaya agad niya itong niyakap na kinatawa nito at niyakap rin siya ng pabalik na kinasaya pa niya. Mahigpit ang yakap niya rito na halos ayaw na niyang bitawan pa. Sobra niya itong na-miss kaya maging ang mabangong pamilyar na amoy nito ay nanuot sa kanyang ilong. "I miss you, Candy." "Oh, I miss you, too, Samuel." Bumitaw siya ng yakap ngunit nakahawak parin siya sa baywang nito habang nakatitig rito.. "I have a gift for you." nakangiti niyang sambit na kinangiti nito at hinawakan siya sa mukha bago pisilin ang pisngi niya. "Well, ano naman iyon? Dala mo na ba?" sumilip pa ito sa likod niya, maging sa gilid niya at napatingin ito sa mata niya habang nakataas ang kilay na nagtatanong kung nasaan ang regalo niya para rito. "Sa BF Island ko na ibibigay sa 'yo." "Okay." ngumiti ito at inalis ang kamay niya sa baywang nito bago siya akbayan. "Mom, Dad, may girlfriend na siguro itong si Samuel. Ang gwapo na at malaki na ang katawan. Hindi tulad noon na totoy pa." "Hoy, wala akong girlfriend, ha!" suway niya rito sa panunukso nito. Napahalakhak ang tito at tita niya habang siya ay napapalunok dahil seryoso siya at hindi nagbibiro, hindi katulad ng iniisip ng mga ito na akala ay nakikisakay siya sa panunukso ni Catherine. "Oo, wala pa atang girlfriend 'yan. Baka maunahan pa siya ni Benjamin." "Tama na 'yan. Halika na kayo at kumain muna tayo bago umuwi sa isla." Agad na tinulungan niya ang tito niya sa pagbitbit sa bagaheng uwi ni Catherine. Sinabayan niya ng lakad si Catherine at hinawakan niya ito sa kamay kaya napatingin ito sa kanya at inalis ang kamay niya bago ito kumapit sa braso niya. Hindi niya maalis sa dalaga ang titig niya na ngayon ay kumakain na sila sa isang exclusive, luxurious, at sikat na restaurant sa maynila na kanilang napagdesisyunan na kainan. Magkatabi sila ni Catherine habang nasa kabilang upuan naman ang parents nito at si Zach. "So, kumusta na rin sila Tita, Samuel? Sila Kuya Duke? Ikakasal na pala ito." Pinunasan niya ang bibig matapos maisubo ang kinain. Nilunok niya ang kinain at tumingin kay Catherine. "Ayos naman sila Mom. At oo, ikakasal na si Kuya kay Ate Nestle." "Abay ka raw, Anak. Partner kayo ni Samuel." "Kaya nga po ako napauwi rin dahil sa anyaya ni Kuya Duke." Gusto pa ata niya ngayon pasalamatan ang Kuya niya dahil rito kaya napauwi rin si Catherine. "Hindi ka na ba babalik sa state?" kinakabahan siyang itanong iyon, pero hindi niya pinahalata at casual lang siyang nagtanong habang kinakain ang pagkain niya. "Hmmm, hindi na. May Fashion Designer na naman na course sa WCU, 'di ba?" bumaling sa kanya si Catherine kaya pasimple niyang nilihis ang paninitig rito at uminom siya ng tubig bago tumango rito. "Mabuti naman at naisipan mong umuwi na, Catherine. Dito ay mapapanatag ako na ligtas ka, kesa sa ibang bansa na minsan ka lang namin mapuntahan.." sabi ng Tito niya. Umayos siya ng upo ng ipatong ni Catherine ang kamay nito sa balikat nyya at ipinatong rin ang baba nito doon habang nakatingin sa parents nito. Napahawak siya sa hita niya at pasimpleng humawak siya sa baywang ni Catherine. Sa mata ng parents ni Catherine at ng dalaga ay wala lang ang napakadikit nilang turingan sa isa't-isa na halos pagkamalan na silang magsyota. Pero para sa kanya ay sobra ang turing niya kay Catherine. Sobrang-sobra. "Naku si Dad, nanermon na naman. Kaya nga po napadesisyunan kong umuwi na dahil ayoko na pong mapagod pa kayo sa pagpunta doon. Tsaka natapos ko na rin ang course ko sa fashion kaya napagdesisyonan ko na rin pong umuwi na rin po. Gusto kong ma-experience ang school nila Samuel. Na-excite ako ng ibalita niyo na talagang may bagong school sa Isla." "Maganda sa school namin, Candy.. Doon din nag-aaral sila Bettina na third high school na." Tumingin sa kanya si Catherine at napangiti na lalo nitong kinaganda. Ngumiti siya habang nakatitig sa mga mata nito. "Namiss ko rin ang gorgeous mong kapatid. Tiyak ako na fashion din ang kukunin niya pagdating sa college, right?" "Oo, tama ka." Ngumiti ito at umayos na ng upo kaya wala siyang choice kundi bitawan ang baywang nito upang magpatuloy muli sila sa pagkain. Nang matapos sila sa pagkain ay dumeretso na sila sa airline para sumakay ng chopper para madaling makapunta sa Bf Island. Kaya hindi sila agad nakapag-chopper sa Isla ay dahil lahat ng chopper ay nagamit at naiwan rito sa airline sa maynila. Kaya ngayong pabalik na sila ay ang chopper na ang sinakyan nila para mapabilis ang pagdating nila sa isla. Magkatabi parin sila ni Catherine. Nasa window side ito at pinagmamasdan ang ibaba na puro ilaw na lang ang makikita dahil madilim na ang buong paligid dahil gabi na. "Nakakamiss talaga ang pilipinas, lalo na ang lugar natin." "Oo nga, namiss din kita." Lumingon ito at ngumiti bago siya sikuhin na kinangiti niya. "Bumubulong-bulong ka d'yan. Anong sinabi mo?" "Wala." umiwas siya ng tingin habang nakangiti. Tinusok ng daliri nito ang pisngi niya kaya hinawakan niya ang kamay nito at mahigpit niyang hinawakan. "Asus. Baka mamaya ay bad words 'yan, Samuel.... Pero mukhang malabo, dahil good boy ka." Tumingin siya rito kaya nagkalapit ang mukha nila. Napalunok syya at tumitig sa mata nito na kita niya ang kumikislap nitong magandang mga mata na gustong-gusto niyang natititigan. "Always a good boy 'to." bulong niya. "Talaga bang wala kang girlfriend? Sa gwapo mong 'yan, asus, maniwala ako." Sumandal ang likod nito sa bintana habang nakaharap ito sa kanya. Tinaas nito ang mga paa at pinatong ang mga binti sa hita niya kaya hinawakan niya ang mga binti nito upang hindi ito mahulog. "Wala nga akong naging girlfriend, ang kulit mo." "Oo na, naniniwala na.. Pero Samuel, ayos ba sa school mo? Kinakabahan tuloy ako na baka hindi ako welcome doon." "'Wag kang kabahan dahil narito ako palagi sa tabi mo. At welcome na welcome ka, sisiguraduhin kong iwe-welcome ka ng WCU." "Salamat naman kung gano'n. Sawa na rin ako sa dami ng brat sa school na nakakaaway ko dahil agaw atensyon daw ako. Like, Duh, sobrang ganda ko ba para sabihin nila iyon?" "Because you're so beautiful. Kaya 'wag kang magtaka kung bakit agaw atensyon ka." Hinampas ng dalaga ang balikat niya na kinangiti niya. Hinilot niya ang binti nito kaya napatingin siya rito ng umayos ito bigla ng upo. "Ano ka ba, 'wag mo nang hilutin at marumi pa ang binti ko.. Maalikabok" Muli niyang kinuha ang mga binti nito at pinatong sa hita niya. "Marumi man o hindi ang mga paa mo, wala sa akin iyon." aniya at hinilot niya ang mga binti nito na may suot na stocking. "Okay, mapilit ka... Hay, sarap mo palang magmasahe." Napangiti siya at tumingin rito. Umayos ito ng upo at humalukipkip habang nakasandal sa bintana. Pinagpatuloy niya ang pagmasahe rito at hindi niya namalayan na nasa isla na pala sila. Tumingin siya kay Catherine at nakita niya na nakapikit na ito tila nakatulog na. "Oh, tara na... Nakatulog na pala 'yan. Napagod siguro sa byahe." wika ni Manilyn na bumaling kay Alexander, "Hon, buhatin mo si Catherine at ako na d'yan kay Zach." "Ako na po, Tita." ako niya na kinatango nito "O, sige, salamat, Hijo." Nauna na ang mga ito na bumaba kaya naman hinawakan niya ang likod at likod ng hita ni Catherine bago siya tumayo habang buhat ito. Bumaba sila ng chopper at naglakad siya palapit sa parents nito. "Isakay mo na lang siya sa van, Samuel. Kami na ang bahala sa kanya." "Samahan ko na po kayo hanggang sa pag-uwi. Dala ko naman po ang kotse ko, kaya sa akin ko na lang po isasakay si Candy." "Nakakahiya naman sa 'yo, pero sige, sumunod ka na lang sa amin." Tumango siya sa Tito niya at tinignan niya ang mga ito na tumalikod na. Naglakad na rin siya palapit sa kotse niya na dinala ng mga tauhan ng Dad niya sa airline. Nang maayos na ihiga niya sa front seat si Catherine ay mabilis siyang umikot sa kabilang side at sumakay sa driver seat. Napangiti siya na tinignan ito bago nya paandarin ang sasakyan pasunod sa van na sakay ang Tito at Tita nya. Ilang saglit lang din ay narito na sila sa bahay na pinatayo ng mga ito malapit lang din sa bahay nila. May bahay rin ang mga ito sa maynila, pero ang palaging inuuwian ng mga ito ang bahay na pinatayo rito sa isla para malapit lang din ang Tito nya sa kapatid nito na parents nya. Nakarating na sila sa bahay ng mga ito, buhat-buhat na nya si Catherine papasok. Alam nya ang kwarto nito kaya malaya syang nilalakad ang malawak na pasilyo ng second floor ng bahay ng mga ito. Maingat nyang hiniga si Catherine sa kama nito at naupo sya sa gilid nito. Hinawi nya ang buhok na tumatabing sa mukha nito at hinaplos nya ang pisngi nito habang tinitignan nya itong natutulog. "This is the great day for me, Candy. I can see you everyday I want." Umungot ito at tumagilid ng higa patalikod sa kanya. Nilapit nya ang mukha sa mukha nito at hinalikan nya ang pisngi nito. Alam nya na hindi dapat, pero hindi nya mapigilan na iba ang maging turing nya kay Catherine. Mahal nya ito hindi bilang pinsan, kundi mahal nya ito bilang dalagang kanyang nais na maging kasintahan. Kinumutan nya ito at tumayo na sya. Napangiti sya at nilapag sa side table nito ang regalo nyang sinabi nya rito. Bukas ay hindi na katulad ng dati ang buhay nya, dahil narito na ito, tiyak na mas gaganahan na sya sa araw-araw kasama ito. He's inlove to her cousin. It's incest, but he don't care. Ito ang nais nya. Ito ang gusto nya. Kaya walang makakapigil sa nararamdaman nya

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.7K
bc

His Obsession

read
72.8K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook