Kabanata 1 - Feelings

3162 Words
Summer days, maraming turista ang dumadayo sa BF Island lalo't maganda ang araw at alon ng tubig. May mga nagtatakbuhang mga batang babae na nakasuot ng bathing suit habang ang ilang batang lalake ay nakabrief.. "Ah, I missed this." Nilanghap ni Catherine ang masarap na hangin na hatid ng magandang panahon at magandang paligid. Nakaupo sya sa isang tela na nakalapag sa maputing buhangin. She's wearing a pair of floral bikini revealing her fair and flawless skin. "Here.." Napangiti sya at kinuha ang bigay na sunblock ni Samuel na naupo sa tabi nya. Pinatakan nya ng kaunti ang palad nya at pinahiran ang legs nya, maging ang braso at tiyan nya. Pilit nyang inaabot ang likod ngunit hindi nya maabot dahil nahihirapan sya lalo't nakaupo. "Ako na.." inagaw sa kanya ni Samuel ang sun block at nagpunta sa likod nya na kinangiti nya. "Thanks." "Uh, I'm excited to feel the water. Hindi ko na muling naranasan ang ganito dahil masyado akong busy sa study ko." Napangiti si Samuel habang pinapahiran ang likod ni Catherine. Maingat ang pagdampi ng mga kamay nya tila isang babasaging bagay ang katawan ni Catherine para sa kanya. "Wag kang mag-alala, dito ay kahit kailan ay mararanasan mo ang dagat. Hindi ka na rin naman masyadong gugol sa school." "Tama ka," napangiti si Catherine at tumayo kaya natigil si Samuel sa paglagay sa kanya ng lotion. Hinubad nya ang sun glasses at hinagis sa towel na kinauupuan nya. Maging ang tsinelas ay hinubad nya bago humarap kay Samuel na nakatingala sa kanya, "Let's swim!" Napailing si Samuel at agad na nilapag sa towel ang sunblock. Hinubad nya ang suot na summer white sando at maging tsinelas na suot bago tumakbo pasunod kay Catherine. Pinisikan sya ng tubig ni Catherine kaya natawa sya at hinabol ito habang umiiwas sa pagtapon nito ng tubig sa kanya. Nang maabutan nya ito ay agad nya itong hinuli sa bewang at hindi pinakawalan habang ito ay napatili at napahagikgik. "Let me go, Samuel. Promise, I'll stop." Hingal na hingal si Catherine sa ginawang pagtakbo sa tubig upang hindi maabutan ni Samuel, pero nabigo sya at nahuli parin nito. Humarap sya rito at nagpunta sa likod nito. Sumampa sya kaya agad na hinawakan nito ang binti nya kaya mahigpit syang napayakap sa leeg nito. "Gusto ko sa malalim pa, kaya mo ba?" "Yeah.." Napangiti sya at sinandal ang baba sa balikat nito. Napakalaki na ng pinagbago ni Samuel. Dati ay hindi pa mamuscle ang balikat at braso nito, at hindi din ito katangkaran. Tila lahat ay nagbago sa nagdaang mahabang taon ng hindi sila nagkikita. Sa looks ni Samuel ay tiyak nya na kapag nasa state ito ay nasisiguro nya maraming girls ang mahuhulog rito. Hindi naman bago na maganda ang genes ng pamilyang ford, dahil maging ang daddy nya ay nakakuha no'n. Hindi sa pagbubuhat ng bangko; maganda naman sya pero wala syang nakuhang ford sa side ng Dad nya. Sabi ng ilan ay sa mommy nya nakuha ang beauty nya. She's okay with that, because her mom is so gorgeous. A beauty queen material. Nilubog nya ang isang kamay sa tubig na kitang-kita nya sa linaw ng asul na asul na dagat. Nawawala ang stress nya mula sa flight nya nung nakaraan. Stress reliver talaga ang Bf Island para sa kanya. "Catherine.." Pilit na nilungunan ni Samuel si Catherine ng hindi ito umimik. Bumalik na sya sa pangpang at walang pagtutol na natanggap rito. Lumakad sya palapit sa pinag-iwanan ng gamit nila at marahan nyang inupo si Catherine na sinalo nya agad ito upang huwag bumagsak. Napangiti sya dahil nakatulog pala ito. Napailing sya dahil ito lang ang nakita nya na nakakatulog sa dagat. Naupo sya at sinandal nya ito sa kanya. Tumingin sya sa langit at napangiti bago bumuga ng hangin. May nagtatakbuhang mga bata at naghaharutan na mapapadaan sa kanilang harapan. "Sshhh.." sinenyasan nya ang mga ito na kinahinto ng mga ito. "She's your girlfriend, Kuya pogi?" "What do you think?" mahina nyang tanong. "Bagay po kayo." "You think?" tumingin sya sa batang lalake na nagsabi no'n. Tumango ito maging ang mga kasama nito na sang-ayon sa sinabi ng batang lalake. Napangiti sya na sinundan ang mga bata na tumakbo na paalis. Napatingin sya kay Catherine na gumalaw at unti-unti ng nagising. "Gosh, nakatulog ako?" Umalis ito sa pagkakasandal sa kanya at nag-unat ng braso. Yumakap ito sa mga binti nito at tumingin sa kanya. "Nakakahiya sa'yo." "It's okay." ngumiti sya at pinatong ang braso sa tuhod bago tumingin sa dagat na rinig na rinig ang hampas ng alon tila may mensahe iyon na pinapahatid. Kung pwede lang nya na idaan sa mga alon ang damdamin nya para sa dalagang katabi nya ay baka ginawa nya iyon. Pero malabo iyon, malabong maunawaan ng dalaga iyon. "Samuel, ano ang dream girl mo?" nagtatanong ang mga mata ni Catherine ng lingunin nya ito. Tumingin sya sa mga mata ito at lumunok ngunit agad ring umiwas.. My dream girl is you.. Gusto kong ipagsigawan, pero alam kong lalayuan mo ako kapag ginawa ko iyon, Catherine. "Hay, I'm tired." tumayo sya at tinignan ito bago inoffer ang kamay nya. Malugod nitong tinanggap ang kamay nya habang may tingin na binibigay sa kanya na hindi nya kayang tignan. "Umiiwas ka. Ayiiiee! May crush na si Samuel!" "Wala." mahigpit nyang hinawakan ang kamay nito na sumusundot sa bewang nya. "Bakit hindi mo masabi? Sige nga, sabihin mo kung wala talaga." Napahinga sya ng malalim at binitawan ang kamay nito bago sya tumakbo palayo rito. "Ang daya!" Natawa sya at huminto ng makarating na sila sa bahay nito. Nakahalukipkip na humarap ito at naniningkit ang mga mata nito, kaya natawa sya na napaiwas ng tingin. "Sabihin mo na, sasabihin ko rin ang akin." Napatitig sya rito at hindi nya alam kung dapat ba nyang sabihin. Pero gusto nya rin malaman ang interest nito sa gusto nitong lalake. "Well, I like simple and sweet girl.." "Hmm, anu pa?" "Sinabi ko na ang akin, yung iyo naman." Umalis ito sa pagkakahalukipkip at naglakad na patalikod habang nasa likod nito ang mga kamay. Lumakad sya pasunod rito habang hinihintay ang sasabihin nito. "Ang gusto ko sa lalake yung dadalhin ako sa isang tila fairytale place. Gusto ko rin sa lalake yung medyo matured at ituturing akong prinsesa." Tinignan nya ito at hinawakan nya ang pisngi nito na kinahinto sa paglalakad. Hinaplos nya ng marahan na kinataka ng dalaga.. "Sigurado akong matutupad iyon.." Paulit-ulit na umeecho sa isip ng Dalaga ang tila palaisipang sinabi sa kanya ng binata. Ngunit niwaglit nya sa isipan iyon at nagfocus na lamang sa kanyang pag-ayos ng mukha at buhok. Hindi na nya kailangan ng make-up artist dahil kaya nyang ayusan ang sarili kung saan nagagamit nya ang natutunan nya patungkol sa fashion. She simply curl the tips of her hair. And her make-up is suit to her gown. A blossom pink gown. Tumayo sya sa harap ng pa-vertical na salamin kung saan kitang-kita ang kanyang buong anyo. Nilagay nya ang pabilog na nababalutan ng paikot na bulaklak sa kanyang ulo. She's like a princess. A goddess princess. Her simple looks make her attractive fine lady. "My. My. My." Napangiti sya at lumingon sa taong nakita nyang pumasok mula sa salamin.. Nakasuot ito ng formal gown para sa kasal na dadaluhan nila. Kasal ni Duke and Nestle.. "I am gorgeous, Mom?" "Ofcourse, mana ka sa akin, e." Napangiti sya at tinignan ang gown nya na sobrang nagagandahan sya. Lahat ng gown sa kasal ay nabalitaan nyang gawa ng Tita Beatrice nya. Matagal na nyang iniidolo iyon kaya nga ang fashion industry ang napili nyang larangan. Pakiramdam nya kasi noong bata sya ay ang dali lang at naisipan nya noon na magagawan na nya ng damit ang mga laruan nyang manika. Hindi naman sya nabigo dahil natapos nya, pero wala pa sya sa kalingkingan ng Tita nya. At tanggap nya iyon at inaamin. Kaya gusto nyang magsumikap pa upang maging katulad ng Tita nya. "Dalaga na talaga ang anak ko.." Lumapit ito at tinignan ang gown nya kaya nanatili lamang sya na nakatayo hanggang makalapit ito. "Anyway, tumawag sa akin si Bosch," pinagtaasan sya ng mommy nya ng kilay tila naiintriga ito, "Bakit hindi ka nagpaalam man lang sa kanya, Anak?" Napahinga sya ng malalim at humarap muli sa salamin. Gusto nyang itago ang problema sa pagitan nya at ni Bosch, pero kilala nya ang mommy nya.. Alam nyang alam nito na may problema. "Mom, alam kong busy sya at ayokong abalahin pa sya. Alam din naman nya na uuwi na ako." "Anak, magsabi ka kapag may pinoproblema ka. Narito lang ako, hindi lang bilang mommy mo, kundi bestfriend mo sa lahat ng bagay." Napangiti sya at humarap muli rito. Yumakap sya dahil ito ang gusto nya sa mommy nya. Masyadong maalalahanin at hindi na nangungulit kung ayaw nya talagang sabihin. "Thanks, Mom." "Welcome, Anak.... Let's go, it's already time.." Nagbitaw sila ng yakap at may ilang retouch para sa final get up si Catherine bago sila sabay na bumaba para umalis na. Pero nagulat pa sya ng makita si Samuel na nag-aabang din sa kanila. "Nakalimutan ko nga pala. Nagprisinta sya na sya na ang maghahatid sa'yo dahil kami ng Dad mo ay susunod nalang." "Oh...I see." Gulat man ngunit hinayaan na nya at bumaba na sya ng tuluyan sa stair na kinaangat ng tingin ng binata. Hindi makahuma ang binata ng makita nya ang pagbaba ni Catherine sa hagdan. Napakaganda nito sa suot nitong gown. Ang kasimplehan nito ang mas nagpalakas pa ng t***k ng puso nya. "You're here.." Tumikhim sya upang hindi mahalata ng dalaga ang pagkatulala nya sa kagandahan nito. Para siguro syang tanga na natulala. Nais nyang batukan ang sarili dahil masyado syang halata. Tumayo sya at nagpamulsa sa suot na slocks. Ngumiti sya rito at tinitigan nya ito sa mata. "You're beautiful as always." "Thanks, but why are you here? I mean, ayos lang naman na wag mo na akong sunduin dahil nandyan naman sila Dad." Tinignan nya ito tila hindi nya alam ang sasabihin kaya napahawak sya sa batok nya habang ang isang kamay nya ay napakuyom sa bulsa sa sobrang tense na nararamdaman nya. "Ano ka ba Anak! Wag ka na magtanong dahil baka malate pa kayo.. Mas importante kayo dahil kayo ang abay. Sige na." "Okay, Mom.. Sunod po kayo." Bumeso sya pagkatapos bumeso ni Catherine sa Mom nito. Ngumiti si Manilyn sa kanya kaya ngumiti sya rito. His Tita is so sweet and kind to him. That's why he feel that she like him for her daughter. "Mag-iingat kayo sa daan, ingatan mo si Catherine." "I will, Tita... Sige po, mauna na po kami." Tumango na ito kaya bumaling sya kay Catherine na ngumiti sa kanya. Inoffer nya ang braso kaya agad itong kumapit na kinangiti nya. Nang makaupo si Catherine sa front seat kung saan sya pinapasok ni Samuel, tsaka naman biglang nag-ring ang phone nya. Tinignan nya pero hindi nya sinagot, dahil alam nya kung sino ang tumatawag. Tiyak na makokonsensya lamang sya oras na sagutin nya ang tawag. "Bakit hindi mo sagutin? Sino ba 'yan?" Sinilid nya sa pouch nya ang phone at bumaling sa binata na nakita nyang nakasunod ang mata sa phone nyang sinilid nya sa pouch. "Prank call." "Pwede bang makita?" "Bakit mo naman titignan, ha? Bakit, baka akala mo girls iyon at gusto mong maging ka textmate?" "Tsss." She win. Gusto nyang matawa. Hindi nya alam kung bakit ayaw na ayaw ng binata na tinutukso nya ito sa ibang girls.. "Stop teasing me, Candy." "High blood ka naman agad, Samuel Ford.." Hindi ito umimik sa pang-aasar nya kaya napangiti sya. Dahil kahit anong pang-aasar ang gawin nya ay hindi sya nito pinapatulan. "Catherine, pwede bang malaman ko kung gaano ako kaimportante sa'yo?" Hindi nya napaghanda agad ang agad-agad na tanong nito. Pero ngumiti sya at tumingin rito. "Sobrang importante ka sa akin. Mahal kita at mananatiling mahalaga ka sa akin." Napapikit sya at mabuti nakaseat belt sya, dahil baka sumubsob pa sya sa dash board sa sobrang lakas ng pagpreno ni Samuel. Hinarap sya nito sa pamamaraan ng paghawak nito sa balikat nya, at nakita nya ang tuwa sa mga mata nito maging ang ngiti sa labi na kinatitig nya rito. "Really? You love me? And I'm important to you?" Hindi ito magkandaugaga sa sunod-sunod na tanong habang kita nya ang sobrang kasiyahan nito kaya napangiti sya at piningot ang ilong nito. "Ofcourse, SamSam!" Imbes na magalit sa tawag nya rito at niyakap sya nito ng mahigpit kaya tumugon sya at mahinang tinapik ang likod nito. "I love you, too, Candy." Napangiti sya at bumitaw ng yakap. Hinawakan nya ito sa magkabilang pisngi at pinisil. "Mahal talaga ako ni Samsam." "Geez.." Natawa sya at hinawakan ang mga kamay nya para alisin sa pagpisil sa pisngi nito. Umayos sya ng upo at maging ito na nagpatuloy na sa pagnamaneho. Tinignan nya ito at napangiti sya ng makitang ngiti-ngiti ito habang panaka-nakang nakatingin sa side window nito. Yes, she love him...but as a cousin. Samuel is very important to her. Ito lang sa mga pinsan nya ang kaclose nya at ito lang ang nagtanggol sa kanya kapag may mga bata noon na pinagtitripan sya. Dati ay naalala pa nya nung paalis sya ng bansa para mag-aral sa state. Nagalit ito at ayaw syang paalisin. Doon nya unang nakita na umiyak si Samuel at nagmamakaawa na wag syang umalis. Sobra silang close sa isa't-isa kaya hindi nya ito masisisi. Sya man ay parang ayaw nyang iwanan ito, pero mas kailangan nyang magpunta sa state para mag-aral sa nais nyang kurso. Hindi naman pwede ito dahil ayaw din ng Tito at Tita nya na umalis ito ng bansa hangga't wala sa legal na edad. Kaya ang ginawa nya para matigil ito ay sinabi nya na hindi nya ito kakalimutan at hindi nya ito ipagpapalit kahit kanino man. Hindi nya akalain na tumalab at gumaang ang pakiramdam nya na madali itong nakakaintindi. "A promise is a promise, Candy. Don't break it." Ang pagbabanta nito noon ay nagbigay sa kanya noon ng goosebump sa katawan. Pero alam nya na ayaw lang nito na masira ang pinangako nya. At ginawa naman nya. Dahil nag-iisa lang itong cous-friend nya. "What's on your mind?" Tumingin sya kay Samuel na pinarada ang kotse ng makarating na sila sa church. Nakita nya na nasa labas pa naman ang iba at hindi pa dumadating bride kaya nagstay muna sila sa kotse para hintayin rin ang family nya. "Nothing." ngumiti sya rito na nakatingin sa kanya. "Are you sure?" Natawa sya at mahinang sinuntok ang braso nito. Kinuha nito ang kamay nya at mahigpit na hinawakan. "Ayan ka na naman sa pagkaimbestigador mo, Mr. Ford." "Anong problema doon? Tinatanong lang kita dahil malalim ang iniisip mo... Kasama ba ako doon?" Napangiti na kinuha nya ang kamay mula rito at bumaba sya ng kotse. Napahinga sya ng malalim at tiningala ang napakagandang langit. Sumandal sya sa kotse habang hawak ang bulaklak nya. Napatingin sya sa binata na tumabi sa kanya at sumandal rin. "Actually, ikaw nga ang naiisip ko." Napatingin ito sa kanya pero umiwas din ito ng tingin. "Really?" "Yeah.. Naisip ko noon ang pinagsamahan natin. Nakakamiss pala nung bata tayo." Tumingin sya rito at nakita nya na nakatingala ito sa langit. Nasisinagan ng araw ang mukha ni Samuel. Ang reflection ng mukha nito ay kitang kita. Ang bridge ng ilong nito na matangos at sobrang nakakalakeng tignan. Ang panga nito na nakakadagdag ng charisma sa binata kapag napapatiim-bagang ito. Napakagwapo at wala kang mapipintas sa mukha nitong perpekto. Napakaswerte ng babaeng mamahalin ni Samuel, at masaya sya oras na malaman nya kung sino ang maswerteng babae. Nakita nya ang paghinto ng puting magarang kotse sa harap ng church. Agad silang napaayos ni Samuel ng makitang nariyan na ang bride maging ang pamilya nya. Bumati sila ng pamilya nya sa pinsan nyang si Duke. At pumuwesto na sila para maglakad sa aisle, syempre si Samuel ang partner nya. Marami syang nakitang mga tao sa simbahan na hindi pamilyar sa kanya pero tila sa side ng pakakasalan ni Duke ang mga iyon. Habang pinapanood nya ang kasal ay naisip nya bigla ang dream wedding nya. Gusto nya kapag ikinasal sya ay yung hindi pa nagagawa ng iba. Nakakatawa ba na maisip nya na gusto nyang ikasal sya sa matubig? Ikasal sya habang umaandar ang chopper? Ikasal sya habang umaandar ang eroplano? Ikasal sya sa magubat? Napakaweird ng dream wedding nya. Hindi nya alam pero gusto nya iyon. Gusto nyang malaman kung ang lalakeng papakasalan nya ay willing na gawin iyon. Siguro ay gusto nya lang malaman kung hanggang saan ang kayang gawin ng lalakeng nasa isip nya ngayon. "Whooo! Diesel!" Pumalakpak at napangiti sya ng si Diesel ang nakasalo ng garter na hinagis ng kuya nito. Matapos ang ceremony ng kasal ay sa reception na sila tumuloy. Nakita nya na may something sa waitres at kay Diesel. She think that her cousin is inlove to that girl. Her girl instinct feel that. "Candy.." Tumingin sya kay Samuel ng maglahad ito ng kamay kaya napangiti sya na tinanggap ang kamay nito. Natawa sya at nagpahila rito. Sa isang garden sa reception sya nito dinala. "Catherine, nakita mo ba ang gift ko sa'yo?" "Oo, bakit mo natanong? Matagal na iyon, ah.." Naupo ito sa balon na may mga nakapalibot pang bulaklak. May takip ang balon kaya walang maaksidenteng mahulog doon. "Hindi mo ba nagustuhan? Matagal kong hinintay na sabihin mo kung nagustuhan mo ba iyon at kung anong reaction mo." Napangiti sya na nagtataka at tumabi sa binata sa pag-upo. Humakipkip sya at natawa ng maalala nya ang niregalo nito. "Ah, yung guhit kung saan isang lalake? Ikaw ba yun, Samuel?" Nakita nya ang pagkuno't noo nito at napansin nyang napaisip ito bago nya narinig na napamura ito. Napaalis sya sa pagkakasandal sa balon at gulat na napaturo sya rito. "You cursed?!" Tumalikod ito kaya agad syang nagpunta sa harap nito at hinarap sa kanya. Napangiti sya habang gulat na gulat na nakatingin rito. "Hindi ko akalain na marunong ka palang gumano'n.." "Hindi naman ako santo.." umiwas agad ito ng tingin at kita nya ang pagpula ng mukha nito. "Okay...nakakagulat lang dahil hindi naman ganun ang pagkakakilala ko sa'yo." Napatingin sya sa dumaan na paru-paru at napangiti sya dahil ang ganda nito. Susundan sana nya ngunit napahinto sya at biglang napaharap kay Samuel ng iharap sya nito. Nagtataka na napatingin sya rito. Nakatingin ito sa kanya ng seryoso. "Ako parin naman ang nakilala mo.. Hindi ako nagbago. At hindi din ako santo, Candy. Kaya ko rin gumawa ng kasalanan para sa mahal ko." Hindi nya maintindihan ang sinasabi nito. Nailang sya bigla pero hindi nya pinahalata at hindi na nya binigyan ng kahulugan. "A-aah, let's go back. Baka hinahanap na nila tayo." Hindi na nya hinintay na magsalita ito at nauna syang naglakad pabalik. Pero napahawak sya sa dibdib nya at napapikit ng makaramdam ng kakaiba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD