bc

DUKE SEAN FORD SERIES 1 [ COMPLETED] Tagalog

book_age16+
29.2K
FOLLOW
230.8K
READ
possessive
family
brave
sporty
bxg
childhood crush
first love
school
like
intro-logo
Blurb

Si Duke Sean Ford ay bata pa lang ay pangarap na ang maging isang sikat na car racer. Sa edad na disi-otso ay natupad ang pangarap niyang iyon. Siya rin ang panganay na anak ng sikat at kinakatakutan na si Dimitri Sergio Ford na isang Mafia Boss. Bukod sa pagiging car racer ay may katangian si Duke na talagang kinaiinisan ng babaeng gusto nito; at iyon ay ang pagiging possessive nito. Bukod sa pangarap ni Duke na maging car racer ay meron pang kinahuhumalingan ang binata. Mailap sa kaniya ito, lagi siyang iniiwasan pag parating na siya. At para bang may sakit siya na maaaring makahawa. Bata pa lang ay parang aso't-pusa na sila.

At ang kinahuhumalingan nito ay ang simpleng dalaga na si Nestle Rin Ramirez. Maganda ang dalaga at masunuring anak. Matalino rin ito at mabait. Kaya naman hanggang sa magdalaga ito ay mas lalong lumalalim ang pagkagusto ng binata rito.

Inaamin ni Duke na habang tumatagal ay parang hindi na niya maalis sa sistema niya ang dalaga. Lagi siyang nakasunod kung saan ito magpunta. Maging ang school na pinapasukan nito ay siya ring pinapasukan niya. Nagkaroon ito ng boyfriend na kinagalit niya. Kaya hindi makakapayag si Duke na ang babaeng kinababaliwan niya ay madali lang na maaagaw sa kaniya. Gumawa siya ng paraan para makuha ito. Kahit masama ay ginawa niya..Hindi siya susuko hanggang makuha niya rin ito.

Nestle Rin Ramirez.. Duke Sean Ford's Property. Ang kay Duke ay kay Duke. Kaya pag kaniya na, hindi na niya hahayaan pang makuha ng iba.

chap-preview
Free preview
SIMULA
SIMULA NESTLE’s POV 'Tapos na ang laban sa araw na ito. At tila sa bawat taon ay wala pang nakakatalo sa binansagang Speed King. Bata pa lang ay saksi na ang lahat sa galing at bilis sa pagtatakbo ng sasakyan. Bonus pa ang looks na talaga hinahangaan ng ilang kababaihan. Ang tanong ng marami meron na kayang napupusuan ang isang Duke Sean Ford?' Ito ang balita na pinapanood sa akin ni Hana. Tungkol lang pala kay Duke. "Grabe friend! Sino kaya ang maswerte magugustuhan ni Sir. Duke? Hay! sana makajackpot ako kahit isa lang sa mga Ford," nangangarap na lintaya ni Hana. My best friend and my childhood friend. Kasambahay din ang kaniyang ina ng pamilya Ricafort. At masaya ako dahil may kaibigan akong maituturing. "Wala namang swerte diyan. Malas lang ang magkakagusto, dahil sa sama ng ugali,” komento ko habang pauwi na kami sa kanilang bahay. Graduating na kami ng high school, kaya pursigido ako sa pag-aaral ko, para makakuha ng scholarship. Hindi ko naman maaaring iasa na lang palagi sa magulang ko iyon. Dahil alam kong hirap na ang mga ito sa pagtatrabaho. "Ano ka ba!" napangiwi ako dahil sa lakas ng hampas ni Hana sa braso ko. Ganyan iyan pag salungat sa sinasabi niya. Laging nanghahampas na hindi na bago sa akin. "Masiyado ka namang mapanghusga. Di ba bata pa lang ay magkakilala na kayo? Bakit ganun ka magsalita tungkol sa kaniya?" "Wala! Basta ayoko na pag-usapan pa iyong lalakeng iyon," sabi ko na lang para tumigil na siya. Napababa ako ng palda ko ng humangin ng malakas dahil sa kotseng dumaan. Napahinto kami ni Hana nang may humintong tatlong sasakyan. Sa kotse pa lang.. alam mo na kung sino ang nagmamay-ari no'n. "Halika na, Hana," aya ko at hinawakan ko na siya sa braso para kaladkarin. Pero nabigla ako ng harangin kami ng dalawang lalake. Umatras kami at nag-angat ako ng tingin. Galit akong humarap sa kanila. "Umalis nga kayo sa daan naming," galit kong sabi. "Hindi pwede.. Gusto kang makita ni boss," nakangising sabi nung isang pula ang buhok. Napatingin kami nang bumukas ang pinto ng isang kotseng pula. Isang mamahaling sports car na ang dinig ko ay nag-iisa lang ang sasakyan na ito sa Pilipinas. Bumaba doon ang naka black leather jacket na si Duke. Yes. Sila na naman. Ngumiti ito ng magtagpo ang tingin namin. Umirap at umiwas lang ako ng tingin. Habang si Hana ay nakakapit na sa braso ko, halatang kinakabahan. "Flowers for you, mine," sabi nito pagkalapit sa harap ko. "Pwede ba! Sa iba mo na lang ibigay iyan. Dahil hindi ako tumatanggap ng bulaklak, lalo na pag-galing sa’yo!" irita kong sabi at hinila na talaga si Hana. Dahil kahit matapang ang loob ko pagsalitaan si Duke ng ganun, ay natatakot pa rin ako sa presensiya niya. Hindi ko alam ang gagawin para patigilin siya. Walang araw na hindi ito nakasunod. Parang lahat ng galaw ko, alam niya. He's so demanding and arrogant. Gusto lagi ang kaniya ang nasusunod. "WHAT THE!" sigaw ko ng hatakin nito ang kamay ko at inilagay sa kamay ko ang bulaklak. "Ayoko ng tinatanggihan mo ang binibigay ko. Gusto ko lagi mong kukunin, maliwanag ba?" malamig nitong sabi. Hinatak ko ang kamay ko mula sa kaniya at hinila ko na si Hana, para lumayo doon. Hinihingal pa kami ng makarating kami sa kanila. "Friend, nanliligaw ba sa’yo si Sir Duke?" usisa ni Hana na naupo habang hinihingal. "Hindi.. Nananakot lang iyon," galit kong sabi. "Kung hindi, bakit nag-effort pang bigyan ka ng flowers at hinarang pa tayo?" Umiling ako dahil ayoko na magsalita. Hindi ko alam, bakit ako ang laging ginugulo ni Duke. Nung bata pa kami ay nagagawa ko pa siyang asarin. Para kaming aso't-pusa noon. Pero ng maghigh school ako, napansin ko na parang kakaiba na ang kilos ni Duke. Lagi siyang nakasunod, lagi may sinasabi na akala mo ay pagmamay-ari niya ako. At heto nga, may paflowers-flowers pa siya. Nagpapasalamat ako na sa school ko ay wala akong Duke na makikita. Dahil kung ako ang masusunod, sana ay wag na kaming magkasalubong ng landas. Gaya ng bansag ng iba.. Isa siyang siga, demanding, at balita ko playboy kahit na eighteen pa lang. Habulin ng babae dahil sa looks, money at fame. Kaya ang laki ng ulo. Akala mo lahat magkakagusto sa kaniya. Hula ko kaya lapit ng lapit iyan, dahil ako lang ata ang walang gana siyang pansinin. Gusto niya ng mahirap na laro. Gusto niya ng thrill. Kaya alam ko, pinaglalaruan lang ako nito. Kaya kahit anong mangyari.. Iiwasan ko siya. Matapos ko lang ang high school. Mapapakalayo na ako. Dahil balak ko sa Maynila na ako mag-aral. Mas magandang doon ko ipursue ang pag-aaral ko, kesa rito na alam kong lagi lamang may gugulo sa akin. - Pag-uwi sa bahay ay nakita ko agad si Magnolia. Ang bunso kong kapatid na babae. Grade six na ito kaya kahit na ganun ay hilig pa rin ang paglalaro. Kami lang ang magkapatid, dahil ayaw na manganak pa ni Nanay. "Hello Ate Nestle!" bati ng mga kalaro ni Magnolia. Siguro maraming nagtataka bakit ganun ang pinangalan sa amin. Ewan ko ba kela Nanay at Tatay. Puro sa company product ng ice cream kami pinangalan. Siguro mahilig si Nanay nung buntis siya sa ice cream. "Ate, saan galing ang flowers mo?" intriga ng kapatid ko. "Wala ito, nakita ko lang. Kung gusto mo iyo na lang," nakangiti kong sabi. Agad itong tumango habang gandang-ganda na nakatingin sa bulaklak. Inabot ko sa kaniya at pumasok na ako sa loob ng bahay. Wala pa ang magulang namin. Dahil tiyak na nasa mansyon pa ang mga ito ng Ricafort. Nagsaing na ako ng kakainin namin mamayang gabi dahil tiyak na pagod sila Nanay pag-uwi. Pagkatapos ko makapagluto ay nagbihis at gumawa muna ako ng homework ko. Madami iyon kaya kailangang gawin agad ng maaga. Mabuti nga at naintindihan ko ang bawat turo. Fourth year na ako at mahirap na. Paano pa kaya kung nasa kolehiyo na ako? Mas mahirap. Balak ko na accounting ang kunin ko. Sabi ng iba mahirap daw iyon pero susubukan ko pa rin. Tumingin ako sa bintana at napansin na gabi na pala. Wala pa ba sila Nanay? Inayos ko muna ang gamit ko nang makarinig ako ng ugong ng sasakyan. Dahil nasa bahay lang ako ay isang short-shorts at sando ang suot ko. Naiinitan kasi ako kahit na gabi na. Sirang-Sira na talaga ang panahon. Ber months na, dapat ay amihan na. Bumaba ako ng kwarto ko ng marinig ko ang boses nila Nanay na may pinapapasok. "Sino kaya ang bisita?" nasabi ko na lang. "Nay! Tay!" tawag ko at nagtungo ng pinto. Paglabas ko ay nakangiti akong tumingin kela Nanay. Pero nang mapadako ang tingin ko sa tinitingnan nila ay parang gusto ko na lamunin ng lupa. "Anong ginagawa ng lalake este ni Sir Duke dito?" irita kong tanong. Nakita ko ang seryosong pagdaan ng mata niya sa akin mula ulo hanggang paa. Hinatak ko si Magnolia para takpan ang katawan ko. Kung alam ko lang na pupunta rito si Duke, hindi sana ako nagsuot ng ganito. "Wag kang ganyan, anak. Siya ang naghatid sa amin dito. Pinapapasok ko nga para rito na maghapunan," saway sa akin ni Nanay. Oo alam ko naging bastos ako, pero kasi sino ba hindi magugulat na pupunta ito rito. "Sir, dito na po kayo maghapunan. Bilang pasasalamat sa paghatid niyo sa amin ng asawa ko," sabi ni Tatay. "Okay. Tutal gutom na rin ako," nakangising sabi nito habang nakatingin sa akin. Sinamaan ko ito ng tingin, dahil halata namang way niya lang iyon para makapasok ng bahay. Tiyak na sinadya niya ihatid sila Nanay para mangbwisit dito. Nauna na akong tumalikod dahil wala naman na akong magagawa para paalisin ito. Umakyat na lang ako sa kwarto ko, kesa makipagplastikan sa lalaking iyon. Naupo muli ako sa harap ng desk ko. Actually, tapos na ako sa assignment ko. Nirereview ko na lang para pag may tanong ang teacher namin, may maisasagot ako. "Rin Anak! Bumaba ka na at makakain na!" tawag ni Nanay. "Opo!" sagot ko at niligpit ang mga libro at notes ko. At dahil ayoko ng suot ko ay nagpalit ako ng jogging pants at loose shirt. Pagbaba ko ay wala na sila sa sala.. Nasa kusina na sila dahil doon ako nakarinig ng ingay ng kurbyertos at boses. Pagpasok ko ay nakaupo na si Tatay, Magnolia at Duke. Habang si Nanay ay nagsasandok ng ulam. Nagpunta ako sa likod ni Magnolia para palipatin ng upuan sa tabi ni Duke. Iyon na lang ang bakante. "Bakit Ate?" inosente nito tanong. Sineniyasan ko siya gamit ang mata. Nakahinga naman ako ng maluwag nang lumipat ito. Kaya favorite ko itong kapatid, alam na alam pag may sineseniyas ako. Naupo na ako sa upuan ni Magnolia na katapat ni Duke. Tahimik itong nakaupo at pansin kong kanina pa nakasunod ang tingin pagpasok ko ng kusina. Sa plato ko lang ako nakatingin, dahil hindi ko kaya ang tingin niya. Masiyado nakakaintimidate na parang nakikita ang lahat sa buong pagkatao mo. "Sir, tikman niyo ito. Si Rin ang nagluto nitong adobo," pagmamalaki pa ni Nanay. Sana hindi na lang sinabi ni Nanay. Wala na akong balak na sabihin pa iyon, eh! "Really? Well let's see," komento nito na tila may paghanga na mababakas sa boses. Nag-angat ako ng tingin ng magsandok siya ng isang manok. Tiningnan ko kung ano ang magiging reaksyon niya. Nag-angat ito ng tingin kaya nagsalubong ang mata namin. Dinilaan nito ang labi tila sarap na sarap. Agad akong nagbaba ng tingin at nagsandok na lang ng sarili kong pagkain. "Tama kayo, Nay. Masarap. Pwede na po mag-asawa ang anak niyo," komento nitong muli. Halos mabulunan ako kahit wala pa akong kinakain. Seriously, Nay? At what the mag-asawa? Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang pag ngiti niya. Sinamaan ko siya ng tingin dahil hindi ako natutuwa sa pinagsasabi niya. "Naku, Sir. Hindi pa maaaring mag-asawa si Rin. Masiyado pang bata," sabi ni Nanay. "Paano kung mayaman naman at kaya siyang buhayin. Payag po kayo?" pagpipilitan nito. "Naku, Nay. Kumain na lang po tayo. Walang kwenta lang ang pinag-uusapan niyo," sabi ko para matigil na si Duke. Natahimik naman si Duke at ramdam ko ang malalim nitong tingin. "O siya! Siya! Kumain na tayo,” sabi ni Tatay. Sa buong hapunan namin ay tahimik lamang ako. Sila Nanay at Tatay lang ang kumakausap kay Duke. Napukaw lang kami nang may tumunog na galing sa cellphone. Napaangat ako ng tingin ng manggaling iyon kay Duke. Tiningnan ko siya na kinuha sa bulsa nito ang cellphone nito. Tumingin ito sa akin kaya agad ako nagbaba ng tingin. "Excuse me. Sagutin ko lang," sabi niya at tumayo. Naiwan kami ng pamilya ko na tahimik. Hanggang sa ako na naman ang pagtuunan nila ng pansin. "Napapansin ko na may iringan kayo, Rin. Dapat ay hindi mo kinakausap ng ganun si Sir Duke,” pangaral ni Nanay. "Nanay, may gusto po ba si Kuya Duke kay Ate?" biglang singit ni Magnolia. "Ano ba naman iyan, Magnolia! Kung ano-ano pinagsasabi mo," depensa ko. "Oo nga anak. Parang napapansin ko ang pagtingin sa’yo ng binata ni Sir Dimitri. At parang may gusto siyang ipunto kanina," sabi naman ni Tatay. "Wala po iyon. Nagkakamali lang kayo ng pagkakaintindi. Tsaka kahit anong sabihin niyo, hindi po ako magkakagusto sa kaniya," wika ko. "Wag kang magsalita ng tapos, Anak. Baka magback fire iyan sa’yo," makahulugang sabi ni Nanay. Natahimik kami nang pumasok na si Duke. "Nay, Tay, mauna na ako. Pinapauwi na ako ni Mommy," paalam nito. "Ah ganun ba. Sayang at hindi ka pa tapos kumain. Ibalot mo na lang kaya itong ulam," suhesyon ni Nanay. "Sige ho," agarang sagot ni Duke. Kumuha naman si Nanay ng maliit na plastic bag at naglagay ng ulam doon. "Rin, hatid mo sa labas ang Sir," utos ni Nanay. "P-po?" nabigla kong sabi. "Dali na. Hatid mo lang sa pinto," pagpilit sa akin ni Nanay, kaya wala akong nagawa kundi tumayo. Nauna na akong lumabas ng kusina habang ramdam ko ang pagsunod nito. Lumabas ako sa pinto para makaraan siya. "Sige," sabi ko na lang at papasok na sana nang hatakin ako nito sa braso. "Kailangan ko ng energy sa pagDadrive," makahulugan nitong sabi. "Eh ano namang paki ko," mataray kong sabi at hininaan lang ang boses. Inalis ko ang pagkakahawak niya pero masiyadong madiin. "Meron," nakangising sabi nito at hinatak ako palapit sa kaniya. Nabigla ako nang yakapin ako nito ng mahigpit. "Akin ka lang, tandaan mo yan," bulong nito malapit sa tenga ko. Tinulak ko siya sa dibdib kaya napahiwalay na ito sa akin. "Never! Hindi ako sa’yo!" inis kong sabi at agad nang tumalikod at pumasok sa loob. Sinara ko ang pinto namin at napahawak ako sa dibdib nang bumilis iyon. Pinakalma ko ang sarili at pinilig ang ulo. "I'm not his. Never!" mahina kong sabi at pumunta na ng kusina nang marinig ko ang ugong ng sasakyan niya paalis. - DUKE’s POV I'm so happy while driving. This is the first time na mayakap ko siya. And it feels like heaven. She has a warm and soft body. Para bang gusto kong yakapin magdamag. Naaalala ko na naman ang suot niya kanina. She’s so hot and sexy. Her legs is like a porcelain. Her waist is like a shape of a coca-cola bottle. And her clevage kahit konti lang ang nakita ko, alam ko meron. Lalo akong naaatat na maging akin siya. Gusto ko na sanang diretsuhin ang magulang niya. Gusto ko na siyang maging asawa. Pero bata pa daw. Tsk. Kaya ko siyang buhayin lalo't kumikita na ako sa pagkarera ko. Kaya pwede nang maging asawa ko siya at sa bahay lang siya. Tapos mag-aabang siya sa akin pag-uwi ko. Gusto ko na siyang makasama ng matagal. Gusto ko na siyang angkinin na akin lang. Hindi ako nakakatulog pag hindi ko siya nakikita. I know. I'm a crazy lover boy. But I don't care. When we were young, ganito na ang nararamdaman ko kay Nestle. Akala ko dahil bata lang kami kaya talaga ganun lang. Pero nung nag thirteen siya at ako ay fourteen na no'n.. mas lalo kong nakumpirma na iba na ang nararamdaman ko. Lalo't nang malaman ko na marami pa lang nagkakagusto sa kaniya. Doon ko napansin na selos na selos ako. Ayokong may nagkakagusto sa kaniya. Gusto kong ako lang, walang iba. Kaya nga kahit magkaiba kami ng school, may kakilala akong nagbabantay sa kaniya. Nagrequest na ako kay Dad na ilipat ako ng school. Kailangan pa daw dumaan kami sa batas ng school. Hindi daw porket kaya niya bayaran ang daniyos ay gagamitan na lang daw ng impluwensiya niya. Kaso napakatagal naman. Malapit na matapos at gagraduate na si Nestle pero hindi pa ako nakakalipat. Mas madali ko siyang mababantay pag nasa mismong campus nila ako. Mas mainam na ako ang magbantay kesa ipagkatiwala ko sa iba. Bumusina ako nang makarating na ako sa harap ng mansyon. Pinagbuksan ako ni Oscar, my Dad's right hand. Pinarada ko ang sasakyan ko sa sarili kong paradahan. Dahil si Daddy ay marami ding sasakyan. Kaya pinagawa ako ng sarili ko. Patalon akong bumaba ng sasakyan ko at sinukbit ko ang jacket sa balikat ko. Pinaikot-ikot ko ang susi sa hintuturo ko habang lumalakad papasok ng bahay. Nakita ko si Bettina na naglalaro ng manika nito. "Hey, bro! Whatz up!" bati ni Diesel na palapit sa gawi ko habang may bitbit na iphone tablet. Padaskol ako naupo sa sofa at hinalikan sa ulo si Bettina. "Where's Mom?" I asked. Naupo si Diesel sa kabilang sofa. "She's upstairs. Pinapatulog si Baby Benjamin," sabi nito. Yes. Hindi na si Bettina ang bunso dahil nanganak na naman si Mommy. Hindi ko alam kung ilang anak ba ang gusto ni Daddy. Dahil sa tingin ko si Mommy na ang may ayaw. "Anong progress sa panliligaw mo Kuya? Sinagot ka na ba?" tanong ni Diesel habang focus ang mata sa tablet nito. "Soon. tiyak na magiging girlfriend ko siya," nakangisi kong sabi. Nag-angat ng tingin si Diesel at ngumisi din. "Ang tanong, sagutin ka kaya? Balita ko, wala namang gusto sa’yo si Nestle. Ikaw lang daw ang mapilit," pang-aasar nito. Kinuha ko ang unan sa sofa at binato sa kaniya. "Asshole! Gusto ako ng Nestle ko. And I promise you.. This year, she will be mine,” "Anong she will be mine yang naririnig ko, ha?" sabi ni Mommy kaya napaangat kami ng tingin. Nasa hagdan siya pababa. Nagtungo siya sa gawi namin pagkababa niya. "Ano yung narinig ko ha? Duke?" naniningkit ang mata na sabi nito. Napangiti ako. She's beautiful and she looks young at the age of 36. Hindi ko masisisi si Dad kung bakit lagi binubuntis si Mom. Mukha pa kasing dalaga kahit walo na ang anak. I want Nestle to be like my Mom. Pero alam ko hindi ko siya maaaring pwersahin. "It's nothing, Mom," pagkakaila ko. Dahil pag oras na malaman nito na si Nestle ang pinag-uusapan namin ay tiyak na tututol ito. "Kuya said, he wants Ate Nestle to be his girlfriend," pagsingit at pagsusumbong ni Bettina. Napaupo ako ng maayos nang dumaldal ang kapatid ko. Magsasalita pa sana ito nang takpan ko ang bibig niya. "Duke, bitawan mo ang bibig ng kapatid mo," utos ni Mommy. Pinisil ko ang pisngi nito para makaganti. "At tama ba ang sabi ng kapatid mo? Si Nestle gusto mo maging girlfriend ha?" mataray na sabi ni Mom. "Wala namang problema doon, Mom? Sinabi ko rin sa kaniya na akin na siya," sabi ko. "God Duke! Masyado pang bata si Nestle. Pati na rin ikaw. Please, give her time to finish her study before you make a move," pangaral ni Mom. "Pwede namang pagsabayin. Mag-aaral kami pero girlfriend ko siya," hindi ko mapaawat na sabi. Ayaw ko ng ganitong usapan. Ayoko na pinipigilan ako sa gusto ko. Hindi naman ako makakagulo kay Nestle. Gusto ko lang malaman ng iba na akin siya. Gusto ko may label kami. "Tigilan mo ako, Duke Sean! Hindi makatwiran ang gusto mo," galit na sabi ni Mommy. "Anong problema at galit na galit ka misis ko?" tanong ni Dad na kakarating lang. Tumayo ako at nag-excuse. Ayokong marinig pa ang pagtutol din ni Dad. Pabagsak akong nahiga sa kama ko at pumikit. Mukha agad ni Nestle ang nakita ko. Napasabunot ako ng buhok dahil kahit anong gawin ko, hindi ko siya maalis sa sistema ko. "Ano bang ginawa mo, Nestle? At baliw na baliw ako sa’yo. Kasalanan mo ito, kaya dapat tugunan mo ang pagkabaliw ko," kausap ko sa sarili. Naupo ako nang may kumatok. Hinintay ko lang na pumasok, kahit alam ko kung sino iyon. Pumasok si Dad na may dalang papel. "Son, I don't like the way you talk to your Mom," sabi nito. Hindi ako sumagot pero alam ko ang kasalanan ko. May nilahad itong papel sa harap ko. "Ano ito, Dad?" walang ganang tanong ko. "Look for yourself,” nakangiting sabi nito. Kinuha ko ito at binuksan ang white envelope. Tumambad sa akin ang mga papers ko na nagsasabing estudyante na ako ng Emerald University. Napatayo ako at hindi makapaniwala na tiningnan iyon isa-isa. Tumingin ako kay Dad na nakangiti at nakibit-balikat. Niyakap ko siya sa sobrang tuwa. "Thanks, Dad,” Tinapik nito ang likod at bumitaw na kami ng yakap. "No problem, Son. Ihiling mo lang na hindi ito ikagalit ng Mommy mo. Baka hindi ako patabihin no'n sa higaan," natatawang sabi ni Dad. "Don't worry, Dad. Hindi kayo kayang tiisin ni Mom," nakangiti kong sabi. "Yeah..,” sabi nito at tinapik ang balikat ko. "Son, promise me.. Wag kang gagawa ng bagay na pagsisisihan mo. Hindi kita pinagbigyan, para lang sa walang kabuluhan," payo nito. Tumango ako dahil alam ko ang ibig niyang ipahiwatig. Tinapik ulit nito ang balikat bago lumabas. Nang makalabas si Dad ay agad akong nagdial kay Xenon. "Oh.. Ford?" sagot ni Xenon. "Good news, dre," nakangiti kong sabi at hindi mapakali na palakad-lakad sa loob ng kwarto ko. "What?" tanong nito. "Pwede na akong lumipat sa Emerald School," balita ko. "Really? So magpapalipat na rin kami?" "Bakit.. makakalipat din ba kayo agad?" takang tanong ko. Kasi ako matagal bago aprubahan ang transfer paper ko. "Oo naman. Madali lang, pag nirequest ko kay Dad. Ano sabihan ko na rin si Chad?" sabi nito. "Sige.,” sagot ko na lang at binaba na ang tawag. Tila hindi talaga ako gustong palipatin nila Dad.. Napakatagal pa ng hinintay ko, bago nila ako nailipat. Pero dahil nakalipat na ako. Wala na silang magagawa pag naroon na ako. Gagawin ko ang gusto ko. Ngumisi ako at nahiga muli sa kama ko. "Excited na ako.. Mine ko," ani ko at pumikit.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.5K
bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
342.1K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
50.0K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
312.0K
bc

ZACH HOFFMAN

read
225.6K
bc

MAFIA SERIES 6: MY LORD

read
343.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook