CHAPTER 1 - TRANSFEREE

3258 Words
NESTLE Nagtatawanan kami ni Hana, habang papasok ng university. Kinikwento niya kasi yung muntik na niyang pagkalate daw. Yun pala maaga pa. Dahil sa pagmamadali, ayun kamuntikan na daw siya magpagulong-gulong sa hagdan nila. Napapailing na lang ako sa kinikwento nito. Hindi ko alam kung totoo ba iyon? Minsan kasi lagi akong niLoloko ni Hana. Tumingin ako sa mga estudyante na nagsisiksikan habang tinitingnan ang bulletin board. Nagkatinginan kami ni Hana at tiningnan din ang pinagkakaguluhan ng mga estudyante. "Miss, anong meron?" tanong ni Hana sa babaeng nasa harap namin. Lumingon ito at binalik muli ang tingin sa tinitingnan nito. Hindi ko makita kasi natatabunan ng mga ulo. "Sabi rito, meron daw bagong estudyante na lumipat dito," sabi nung babae. Napahinga naman ako ng malalim dahil yun lang pala. Bakit kailangan pa pagkaguluhan? "Really? Gwapo ba ang transferee?" naeexcite na tanong ni Hana. Napapailing ako dahil lalake agad ang naisip. Matatawa talaga ako pag babae ang transferee. "Ano ba, Hana. Gwapo na naman ang nasa isip mo. Paano kung babae iyon? Bigti na, ganun?" saway ko rito. "Actually, boys daw ang transferee. Galing daw sa kalaban ng school natin," singit nung babae. "Oh, di ba. Boys daw. Shocks. Excited na ako. Kailangan ko magpaganda, baka makajackpot ako kahit isa," sabi ni Hana na kinikilig ang tumbong. "Hay! Bahala ka na nga diyan. Sumunod ka na lang sa room, pag tapos ka nang kiligin," walang gana kong sabi. Iniwan ko na siya doon at lumakad na sa hallway. Inayos ko ang I.D. ko dahil bumaliktad pala. Mag-aangat na sana ako ng tingin ng bumunggo ako. Napaatras ako at napahawak sa noo ko. Masakit dahil tumama ako sa isang tao. Nag-angat ako ng tingin at nakita ang isang maputi na lalaki. Tila bago lang dito, dahil ngayon ko lamang siya nakita. "Sorry, Miss. Nasaktan ka ba?" mahinahon at may pag-aalala nitong sabi. "Oo. Ayos lang ako. Sige," sabi ko na lang at aalis na sana sa harap niya nang humarang siya sa daanan ko. Napataas naman ako ng kilay. "Ah miss.. pwede mo bang ituro ang principal's office dito. Bago lang ako, kaya hindi ko pa kabisado ang university niyo," pakiusap nito. Tumingin ako sa wrist watch ko at napansin na medyo maaga pa naman. Kaya tumango ako rito na kinaliwanag ng mukha nito. He's like a boy next door. He's handsome and I think 5'6 ang height. His smile makes your heartbeat fast. But not to me. Hindi ko lang siguro siya type. Maybe kung meron pa siyang ipapakita, baka mapahanga ako. "Thanks," nakangiting sabi nito kaya napukaw ako mula sa pagtitig sa kaniya. "Sumunod ka na lang sa akin," sabi ko na lang at tumalikod. Iniisip ko. Siya siguro yung tinutukoy na transferee sa bulletin. Pag nalaman ni Hana na nauna kong makita ang transferee kesa sa kaniya, tiyak na magwawala iyon. Hahaha! Tila hindi para sa kaniya ang inaasam niya. "You're beautiful when you're smiling," bigla akong napatingin sa tranferee na ito na nasa tabi ko na pala. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Nagkamot pa siya ng ulo tila nabigla din siya. "Totoo naman. Hindi kita binobola. I swear!" nakataas pa ang kamay nito. Tumingin na lang ako sa harapan at hindi na pinansin ang sinabi niya. "By the way, I'm Khalil," pagpapatuloy nito. Tumango ako dahil wala naman akong sasabihin. Hindi ko naman tinatanong ang pangalan niya. "Ikaw?" pagtanong nito. "I'm Nestle," sabi ko. "Hmm.. I heard that name. I think it's a product company, right?" nag-iisip pa nitong sabi. "Yeah," walang gana kong sabi. Ang daldal pala nito. Hindi nauubusan ng topic. Pag ako pa naman tiyak na walang aasahan sa akin. Boring ako kausap at walang maibatong tanong. "Your name is unique and.. cute," papuri nito. This is the sign na ginagawa niya ang gawain ng mga mabubulaklak ang dila. At first, he will compliment you. At pag nauto ka na, ay tiyak.. may gagawin na siyang move sa'yo. Nakita ko ang principal ng school na papasok pa lang. Kaya agad ako lumapit. "Good morning, Ma'am Reyes. May transferee po na hinaHanap kayo," magalang kong sabi. Tumingin ako kay Khalil at pinalapit. "Siya po, Ma'am. Sige po mauna na po ako," sabi ko muli at nag paalam na rin. "Wait Ms. Ramirez! Pwede ba na ikaw na ang magturo sa kaniya kung saan ang room niya. Tutal magiging kaklase mo rin siya," request ni Mrs. Reyes. Hindi naman ako makatanggi dahil tama naman ito. Magkaklase pala kami. "Sige po," pagpayag ko. "Okay. Salamat. Sumunod muna kayo sa akin. May ibibigay lang ako kay Mr. Enrique," sabi nito at binuksan ang pinto ng office nito. Sumunod kami ni Khalil kay Mrs. Reyes tulad ng sabi nito. - Paglabas namin ng office niya ay tahimik lang kami. "Salamat nga pala," pagbasag ng katahimikan ni Khalil. Tumingin ako rito saglit at binalik din ang tingin sa dinaraanan. "Salamat para saan?" takang tanong ko. "Sa pagsama sa akin sa principal's office. Buti pala ikaw ang natanungan ko. Magkaklase pala tayo," natutuwa nitong sabi. "Wala iyon. Siguro kung iba din ang mahingan mo ng tulong, tiyak na tutulungan ka rin," sabi ko. "Siguro nga," nasabi na lang nito. Napahinto kami ni Khalil sa paglalakad nang makita ang mga estudyante na nagtatakbuhan patungo ng oval. Nagkatinginan kami at sumunod sa mga estudyante. Huminto kami sa likod ng mga estudyante na nakaabang sa harap ng gate. Napakunot noo ako nang mapansin na nasa unahan pa talaga si Hana. "Hana! Hana!" tawag ko. Pero ang lukaret hindi ako marinig dahil nakikipagsabayan sa tilian sa mga kahilera niyang babae. Inikot ko ang paningin at napansin kong halos lahat ng estudyante ay narito. Naguguluhan ako kung sino ba ang inaabangan nila? May artista bang Dadating? 'Oh my god! Excited na akong makita ang crush kong car racer. I can't believe na rito siya mag-aaral for real,' kinikilig na komento ng isang babae. Sa seksyon B ata itong babae. Nakikita ko siya pag dumadaan ako sa room nila. 'Bakit kaya siya lumipat? Balita ko, hindi lang isa ang transferree sa school,' sabi nung lalakeng nasa harap namin. "NANDIYAN NA SIYA!" sigaw ng isang lalaking estudyante na tumatakbo palapit sa pwesto namin. Tila galing pa sa siya sa labas, na tila inaabangan talaga ang pagdating ng car racer. Car racer? May kilala akong nagcacar racer. Pero imposible naman na iyon ang bagong transfer. At kung siya iyon, baka magsimula nang magulo ang high school year ko. Umatras kami ng mag-atrasan ang estudyante. Bumukas ang gate at unang pumasok ay ang black sports car. Grabe naman. High school pa lang meron na silang sasakyan. Pero bakit sa school pa namin sila nag-aral kung mayaman naman sila. Marami din ibang school na maganda rin at tiyak na doon sila nababagay. Ang sumunod na pumasok ay kulay silver na sports car din. Nagparking ang itim at sumunod ang silver kaso may pagitan sa gitna nila. Napatingin kami sa mabilis na pagpapaatakbo ng sasakyan na kulay gold. Napahinga ako ng malalim dahil hindi sasakyan ni Duke ang isa diyan. Pero ano bang alam ko sa sasakyan niya. Maliban lang dun sa pula na lagi niyang dala. Bumukas ang pinto at napahanga pa kami dahil pataas iyon bumukas. Nakita ko ang paa ng driver ng itim at bumaba doon ang parang pamilyar pero hindi ko lang maalala kung saan. Nagtilian ang kababaihan, dahil gwapo ang bumaba. Pero parang ang angas ng dating. Lalo pa nagtilian na bumukas na ang pinto ng silver na sasakyan. Sa mga suot pa lang na shoes ay mamahalin na. Nang makita na ang mukha ng bumaba ay lalong nagtilian ang kababaihan. Semi kalbo ang lalaki na parang pang ramp model. Ngumiti ang dalawa kaya dinig na dinig ko ang pinakamalakas na tili ni Hana. Natawa na lang ako dahil tila hihimatayin si Hana. Pero biglang natahimik ang lahat ng padaskol na bumukas ang pinto ng kulay gold na sasakyan. Pinakahuli sa kanila at tila pinakalider pa. Nasa gitna e. Lol. Parang sa mga palabas.. slowmotion ang paglabas ng bida. Tumayo at sinara na nito ang sasakyan. Ngunit nakatalikod siya kaya hindi kita ang mukha. Napansin ko ang black earring niya sa kaliwang tenga. Bigla ay kinabahan ako. Kilala ko si Duke na laging may suot na itim na hikaw. At yung tangkad ng lalaki ay kagaya ng kay Duke. Napaatras ako nang humarap na ito. Bumungad sa lahat ang badboy look ni Duke. Nakataas ang buhok nito na madalang niya i-style. Seryoso din ang mukha nito habang sinusukbit ang bag sa balikat nito. Pinatunog nito ang sasakyan at nilibot ang tingin sa buong campus. Tumalikod ako dahil hindi ko gusto ang nangyayari. Bakit siya lumipat? Guguluhin na naman niya ako. Anong bang gusto niyang mangyari at talagang nagtransfer pa siya rito? Ngayon na rito siya mag-aaral. Tiyak na gugulo na ang high school life ko na walang gumugulo. "Wait Nestle!" tawag ni Khalil. Hindi ko siya pinansin at lumakad lang ng diretso. Naabutan niya ako at sumabay sa paglalakad ko. "Bakit ka biglang umalis? Kilala mo sila?" usisa niya. Hindi ako sumagot tila naunawaan naman niya na pinasasalamat ko. Hindi ako makakasagot dahil inis na inis na talaga ako kay Duke. Nakakatakot na ang pagsunod-sunod niya. Dapat ay sabihin ko ito kay Miss Ganda. Baka matulungan niya ako. Pagdating sa classroom ay konti pa lang ang nasa loob. Tila naroon ang iba nakatunghay kela Duke. Tinungo ko ang seat ko at naalala ko na wala pa nga pa lang seat si Khalil. May bakanteng silya sa tabi ko rito sa pangalawang row sa huli. Meron din namang silya sa pinakahuli. "Khalil, mamili ka na lang diyan ng seat mo. Mga wala pa naman nakaupo dyan," turo ko sa likod ko. "Diyan sa tabi mo, pwede ba maupo?" sabi nito habang nakaturo sa tabi ko. Tumango ako dahil wala namang nakaupo doon. Tapos sa kanan ko ay si Hana ang nakaupo. Naupo ito at nilapag ang bag nito sa desk niya. Habang ako ay kinuha ang assignment ko para ireview. "FRIEND!!" nabigla ako sa sigaw ni Hana na tumatakbo pa lang palapit sa room. Grabe ang lakas ng boses niya. Parang may microphone. Hinihingal na huminto ito sa harap ko at naupo sa upuan niya. Pinapaypayan pa nito ang sarili gamit ang kamay niya. Binuklat ko na lang ang notes ko dahil alam ko naman ang sasabihin niya. "Friend, alam mo na ba kung sino ang bago transferee?" hinihingal pa rin nitong tanong. "Yes," maikli kong tugon at binuklat sa next page ang notes. "Edi alam mo na na si Duke?" tanong ulit nito. Tumango ako dahil busy ako sa pagbabasa. "Grabe, yan lang ang reaksyon mo? Hindi ka man lang ba nagulat na lumipat siya? At alam nating dalawa na ikaw ang dahilan," sunod-sunod nitong pag-tatanong. "Kahit naman nagulat ako.. Ano ba ang magagawa ko? Iiwasan ko na lang siya para hindi niya ako magulo," kalmado kong sabi. "Paano mo naman siya iiwasan.. aber? Kahit malaki ang university natin, tiyak na magkikita pa rin kayo. Haler, marami pang araw ang buong year natin. Hindi malabo magkasalubong kayo o di kaya ipaHanap ka niya," "Ayoko na pag-usapan iyan, Hana. Please.," naririndi kong sabi. "Okay. Tatahimik na ako," sabi niya. "Excuse me, pero ano bang pinag-uusapan niyo?" biglang singit ni Khalil. "At sino ka? Bago ka lang no?" pag-uusisa ni Hana kay Khalil. "Yes. I'm new here. By the way I'm Khalil Enrique... You are?" pakilala ni Khalil. Atat namang inabot ni Hana ang kamay ni Khalil. "I'm Hana Faye Gomez. Bestfriend ni Nestle," pakilala ni Hana at wala atang balak bitawan ang kamay ni Khalil. "Pwede ba magbitaw na kayo. Nasasakal ako ng braso niyo," sabi ko sa dalawa. Nahiya naman si Hana tila natauhan na hindi pa niya binibitawan ang kamay ni Khalil. Napaayos naman kami ng upo nang dumating na si ma'am. Narito na pala ang lahat ng kaklase ko, hindi ko namalayan. "Class, sabi ng ating principal may bagong estudyante daw ngayon. Sino ba iyon? Please raise your hand," panimula ni ma'am. Tumingin kami kay Khakil na nagtaas ng kamay. "Please stand up. Care to tell us about yourself," sabi muli ni ma'am at naupo sa harap ng desk nito. Tumayo si Khalil at pinakilala ang sarili niya. Habang si Hana ay pisil ng pisil sa braso ko habang kinikilig na nakatingin kay Khalil. Pinalo ko ang kamay niya kaya napabitaw siya at nginusuan ako. Habang nagpapakilala si Khalil ay biglang bumukas ang pinto. Nagtilian ang mga kaklase ko nang makita sila Duke. Kinabahan ako dahil anong ginagawa nila rito? Lagpas si Duke ng year sa akin ng isang taon. Kaya hindi maaari na maging classmate ko siya. Napatayo si ma'am at tumingin kela Duke. Nilapitan sila ni ma'am at sinuri. "Who are you boys? Are you in my class?" tanong ni ma'am. "No, miss. Nandito po kami, dahil hinahanap po namin si Nestle Ramirez," sabi nung semi kalbo. "Best, hinahanap ka," bulong ni Hana. Napalunok naman ako nang bumaling si ma'am at mga classmate ko sa akin. "Nestle, may naghaHanap sa'yo. Harapin mo ito nang magpatuloy na tayo sa discussion," sabi ni ma'am at lumakad pabalik sa lamesa niya. Hindi ko alam kung lalabasin ko ba sila. Nakakainis. Talaga naHanap nila agad ako. "Best, tumayo ka na," bulong muli ni Hana. Kaya wala akong nagawa kundi tumayo at lumakad palapit sa pinto. Pagdating ko sa pinto ay nakita ko si Duke na nakatalikod habang nakasandal sa bakal na harang ng hallway. Nasa itaas na palapag kasi ang room ko. Kaya kailangan ng harang para walang mahulog. Nakita ko ang paglapit ng dalawa kasama nito at kinalabit si Duke. Lumabas ako ng pinto at sinara iyon. Ayoko na makita kami ng mga kaklase ko. "Anong ginagawa mo rito? At bakit ba ginugulo mo ako?!" inis kong sabi. Humarap si Duke at tumingin sa dalawa. Sineniyasan niya ito gamit ang tingin kaya lumayo ang dalawa. Lumapit si Duke kaya umatras ako. Pero hinuli niya ang braso ko at kinaladkad ako. "Ano ba! Bitawan mo nga ako!" galit kong sabi habang nagpupumiglas sa paghawak niya. Dinala niya ako sa hagdan dahil walang tao doon. Sinandal niya ako sa pader at kinorner ako. Hinawakan ko ang dibdib niya para ilayo siya ng kaunti. "Sa wakas, araw-araw na kita makikita," malambing nitong sabi, habang hinahaplos ang mukha ko. Umiwas ako ng mukha at tinulak pa siya. "Pwede ba, kung ang paglipat mo rito ay para guluhin ako. Wag mo na ituloy! Pag-aaral ang pinupunta ko rito. Hindi tulad mo, puro kayabangan lang ang gusto," galit kong sabi at itinulak pa siya. Nakalayo siya kaya sinamantala ko iyon para makaalis. Pero nabigla ako nang hatakin niya ulit ako at isandal. At lalo akong nabigla nang halikan niya ako sa labi. Sinuntok ko ang dibdib niya at tinulak para lumayo siya. Pero mas lalo lang nitong hinalikan ang labi ko at hindi ko maiiwas dahil hawak niya ang mukha ko. Galit na tinulak ko siya at sinampal. Pinahid ko ang labi ko habang tumutulo na ang luha ko. Ngumisi siya habang minamasahe ang pisngi. "Napakamaniyak mo! Hindi ko alam kung anong kasalanan ko kung bakit mo ako ginaganito! Sana ay hindi na kita nakilala, bastos!" galit kong sabi sa kaniya at tumalikod na. Pero nabigla ako nang makita ko ang kaibigan ni Duke na kinukunan kami ng video. "Ano yan ha? Mga Siraulo! Akin na yan!" sinugod ko ang mga ito at pilit kinukuha ang cellphone nila. Sinipa ko ang binti ng pula ang buhok kaya napatungo siya. Kaya agad kong hinablot ang cellphone niya. Pero nabigla ako nang hatakin ang bewang ko ni Duke at inagaw sa akin ang cellphone niya. "May proof na hinalikan kita. Kaya ngayon ay girlfriend na kita, maliwanag?" bulong nito sa tenga ko. Inalis ko ang kamay niya at lumayo sa kaniya. Kinabahan ako sa sinabi niya na may video na nung hinalikan niya ako. "Please, tama na! Hindi kita gusto! At lalong hindi ko pinangarap na maging girlfriend mo! Kaya sige, kung iyan ang ikasasaya mo. Ipakita mo sa lahat ang video. Pero hindi mo ako kahit kailan magiging girlfriend!" mariin kong sabi at tumakbo na. Pinahid ko ang luha ko lalo na nang may makakasalubong ako. Napakasama niya! Balak niya pa akong iblackmail. Dumirestso ako sa C.R at agad na tumapat sa faucet. Minumog ko ang bibig dahil hanggang ngayon ramdam ko pa ang paghalik ni Duke. Tumingin ako sa salamin at napansin ang pagkapula ng labi ko. Kumuha ako ng tissue at pinahid ang labi ko. Pero naiinis na hinagis ko iyon sa salamin dahil sa sobrang galit kay Duke. Isama pa ang mga kaibigan nito na mga sulsol! Talagang kinuHanan pa kami ha! Pero paano na? Alam kong tototohanin ni Duke ang sinabi niya. Lalo't may alas na siya na ipapanakot sa akin, para sundin ang gusto niya. Pero kahit kailan hindi ko pinangarap na maging girlfriend niya. To be his girlfriend is the worst. Kilala siyang playboy na mahilig maglaro. At ayokong masama sa listahan niyang iyon. At alam ko warfreak ang mga fans niyang babae. Nababasa ko noon sa mga kuha na litrato nang time na nasa isa siyang karera. May pinost ang isang fan na babae at sinabing girlfriend daw siya ni Duke. Inulan tuloy siya ng hate comments at threat. Hindi ko alam bakit gano'n magpatayan ang nga babae kay Duke. Pati mAling asal ay nagagawa ng mga babaeng iyon, para lang wag maagaw ang iniidolo nila. Napahinga ako ng malalim at inayos ko muna ang sarili. Ayokong mapansin ng mga kaklase ko at ni Hana na umiyak ako. Tiyak na maraming tanong ang ibabato niya. Paglabas ko ay nagmamadali na ako sa pagpunta sa room ko. Nalate na ako sa lesson dahil kay Duke. - DUKE "Dude, anong gagawin namin dito sa video?" tanong ni Chad habang pinapanood ang kissing scene namin ni Nestle ko. Napahawak ako sa labi ko, dahil parang nalalasahan ko pa rin ang mga labi niya. Hindi ko sana siya hahalikan pero nang makita ko ang mapula niyang labi ay hindi na ako nakapagpigil. Her lips is like a marshmallow. Soft and sweet. I want to taste more of it. I want to feel her lips to mine. f**k! I don't know. Pero lalo akong naaadik sa kaniya. "Akin na!" kinuha ko ang cellphone niya at nilabas ko ang akin. Pinasa ko ang video at binura ko ang kopya ni Chad. Kailangan ko pa rin ito para madali ko makuha ang gusto ko. Alam kong takot siya sa scandal. Sino ba naman ang hindi? Pero kung ito lang ang paraan ay gagawin kong ipanakot sa kaniya ito. And this week, I'll make sure.. she will be my girlfriend. I smiled like an idiot. "I know that smile, dude. It's so creepy," nakangising sabi ni Xenon habang nakasandal sa pader. Nandito pa kami sa pinagdalhan ko kay Nestle. Gusto ko munang mag-isip ng plano bago pumasok sa boring na klase. Bakit kasi ang tagal namin tumanda? Gusto ko na siyang mapangasawa. Pero seventeen pa lang siya. Ako eighteen na kaya siguro pwede na ako. "A bad scenery flashed his mind, dude," sabi ni Chad at nakipag fist bump kay Xenon. Hindi ko na pinansin ang mga Siraulo. At nagfocus ako sa pagprivate ng video namin ng Nestle ko. Nahinto ako sa pagtingin-tingin sa cellphone ko nang magvibrate ito. Binuksan ko ang text. It's from Coach Magno. My car racer coach. He texted me that I have a game this evening. Damn! Nakalimutan ko. Balak ko pa naman ihatid si Nestle sa kanila. Pero paano? Pagkatapos ng class this morning, kailangan ko nang umalis. Umalis ako sa pagkakasandal sa pader na kinatingin ni Xenon at Chad. "Fuckers, may game nga pala ako mamaya. Sasama ba kayo?" aya niya. "Paano ang plano mo?" tanong ni Chad. "Siguro hindi pa ngayon. Bibigyan ko siya ng oras na makapag-isip. At pag tapos na ang palugit ko, hindi ako papayag na wala pa ring sagot na nakukuha," wika ko. Nakipagfist bump ako sa dalawa at ngumiti. Ito na ang simula ng paglalapit namin ni Nestle. At gagawin ko ang lahat para mahulog siya sa akin ng tuluyan. Hindi pwedeng ako lang ang hulog na hulog, dapat siya rin. Para kung sakAling may balak siyang iwan ako, masakit para sa kaniya. At hindi niya kaya na mawala ako sa buhay niya. Dahil ako... alam ko na hindi ko siya kayang mawala. Hinding-hindi...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD