bc

The Cruel Mafia Boss: Wrong Move [ COMPLETED] Tagalog

book_age18+
40.8K
FOLLOW
254.8K
READ
possessive
sex
one-night stand
forced
second chance
badboy
goodgirl
drama
lies
cruel
like
intro-logo
Blurb

Maqi Ria Ivanes----isang dalaga at anak na pinagkaitan ng mundo. Lumaki siya nang walang nag-aalala at nagmamahal sa kanya. Nagkaroon siya ng nobyo ngunit puro pasakit lamang ang ibinibigay nito sa kanya. Nakatadhana nga yata na puro sakit na lamang ang mararamdaman niya. Dahil simula rin nang makilala niya ang isang lalaki na kumuha sa puri niya ay hindi na siya tinigilan nito.

Minahal niya ang lalaki, ngunit ang lahat pala rito ay puro kasinungalingan lamang. Dahil lahat pala sa binata ay planado na. Planado na kung paano siya mapapaibig at kung paano siya magagamit laban sa kanyang ama. Ang hindi niya alam ay may malaki palang bahagi sa kanyang buhay ang lalaking ito.

Gab S'ven Esteban---isang binata na nangungulila sa kanyang minamahal na kababata na si Maria. Buong akala niya ay patay na ito, kaya naman nang siya ay maging ganap na malakas at maging mafia boss ay nagplano siya na bigyan ng hustisya ang pagkamatay nito.

Tandang-tanda pa niya ang pumatay sa kanyang Maria kaya nang makilala niya ang isa sa mga nakakaalam sa taong iyon ay nagplano siya na mapalapit sa dalagang si Maqi para paibigin at para mapalapit sa ama nitong tauhan ng hinahanap niyang taong pumatay kay Maria. Pero imbes na paibigin niya ito ay siya mismo ang nabihag nito. Ngunit nang malaman niya ang buong pagkatao nito ay pinaghalong saya ngunit pangamba ang kaniyang naramdaman na baka sa oras na malaman nito ang naging motibo niya ay baka iwanan siya nito.

At sa pangalawang pagkakataon ay iniwan nga siya ni Maqi Ria Ivanes o mas tamang sabihin na . . . ni Maria Corazon Walter ang kababata niya na nariyan na pala sa tabi niya. Ang babaeng noong bata pa lamang siya ay minahal na niya ito.

chap-preview
Free preview
SIMULA
MAQI’S P.O.V. NAPATAWA AKO NANG pagak habang panay ang punas ko sa aking luha. Tinungga ko pa muli ang bote ng alak na hindi ko alam kung pang ilang beses ko na ba. Kaya ako ngayon narito ay dahil lang naman sa boyfriend ko na wala nang ginawa kundi ang mambabae. Kung pwede lang sana . . . kung pwede lang sana na makipag-break sa kanya, baka ginawa ko na. Pero tiyak na magagalit si Papa oras na makipag-break ako. Hindi ko alam kung bakit pa ako nalagay sa ganitong sitwasyon. Gusto ko lang naman na maging belong ako sa pamilya ko. Pero bakit feeling ko, hindi ako kasali? Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para ipakita ko kung gaano ko sila kamahal. Sinakripisyo ko na nga ang pangarap ko dahil mahal ko ang kapatid ko na si Cynthia, pero bakit feeling ko kulang pa rin. Hindi ko pa rin maramdaman ang pagiging magulang ng magulang ko. Tinungga ko muli ang bote ng alak hanggang sa kahuli-hulihang patak nito. Natawa pa ako dahil ubos na pala. Tumayo na ako mula sa kinauupuan kong high chair at naisip kong mag-banyo dahil nakaramdam ako ng pag-ihi. Hindi ko alam kung saan ba ako pupunta dahil masyado na yata akong kinain ng ispirito ng alak. Napatingin ako sa isang hagdan at napahinga nang malalim dahil nakita ko na yata ang C.R. “Tanga mo talaga, Maqi.” Hinampas ko nang mahina ang noo ko dahil para na akong nabobobo sa kalasingan. Napakapit ako sa hawakan ng hagdan dahil nakaramdam ako ng hilo. Pagewang-gewang akong naglalakad hanggang sa makaakyat ako sa taas. Wala akong makita na tao kaya hilo man ay nagtataka rin ako. “N-naligaw yata akooo . . .” Napahagikhik na lang ako sa kalasingan. Tumingin ako sa paligid habang naglalakad. May nakita akong pinto kaya doon ay lumapit ako sa paniniwalang iyon na ang banyo. Pagkalapit ko ay pinihit ko na ang pinto dahil naiihi na talaga ako. Pagpasok at kababaling ko pa lang ay baril agad ang nakatutok sa akin na kinagising ng diwa ko. Hindi ko alam na may nangyayari palang negosasyon dito. Napatingin sa akin ang lahat ng armadong lalaki na kinakaba ko. Pero hindi ko maintindihan kung totoo ba ang nakikita ko o nag-iilusyon lang ako. Parang boyfriend ko kasi itong nakaupo sa isang couch na mahaba at maraming armado na kalalakihan na nakapalibot sa kanya. Alam ko na wala naman siyang mga bodyguard, pero nang may tumabi ritong babae ay nag-init ang ulo ko. Kaya walang pagdadalawang-isip na lumapit ako sa harap n’ya. Wala man lang siyang reaksyon nang makita ako at naka-cross legs pa siya habang nakasandal sa couch at may hawak na baso na may laman na alak. Nakapulupot pa sa kanya ang isang malanding babae na ito. Sinampal ko siya na kinaagap ng mga tauhan niya. “Hayop ka talaga! Hindi mo na ako nirespeto!” sigaw ko sa kanya na halos matumba pa ako dahil sa paghawak sa akin sa magkabilang braso ng mga tauhan niya. Nagpupumiglas ako pero hindi ko kayang makaalis sa pagkakahawak ng dalawang lalaki. Ang lalaki ng katawan ng mga ito at parang mga bakal ang kamay kung humawak. Tumayo ang boyfriend ko na si Richmond kaya lalo kong gusto na makawala para masampal ko pa muli siya. Pero hindi ko inaasahan nang bitiwan ako ng mga tauhan niya at siya naman ang humapit sa baywang ko palapit sa katawan niya. Bubuka pa sana ang bibig ko nang may magtakip dito at sa ilong ko ng panyo na may nakakahilong amoy. Unti-unti ay parang mahihimatay na ako pero bago pa ako mawalan ng malay ay nakita ko ang pagngisi niya na tila ba may balak siyang gawin. NAPAUNGOL AKO NANG makaramdam ako ng isang basang bagay na humahalik sa aking pisngi pababa sa aking panga. Bukod doon ay dama ko rin ang mainit at malaking kamay na humahaplos sa aking dibdib. Ramdam ko ang pagtanggal niya sa suot ko hanggang sa panloob na lang ang matira sa akin. Parang nasa isang malambot akong higaan ngunit malamig ang paligid, pero unti-unting umiinit dahil sa kakaibang pinapalasap niya sa katawan ko. Gusto kong dumilat at pigilan kung sino man ang pangahas na gumagawa nito pero hindi ko alam kung bakit wala akong lakas. “Hmm . . .” Napaungol akong muli nang makaramdam ng init sa aking dibdib. Para bang may uhaw na uhaw na humahalik dito. Napaarko ang katawan ko nang mariing hinawakan nito ang dibdib ko kasabay ng mariin din nitong paghalik. Napakapit na lang ako sa kumot habang ginagawa niya iyon. Halinlinan na hinahalikan na nito ang dibdib ko at nakaramdam din ako ng sakit dahil sa tindi ng pagkasabik niya rito. Alam ko na malaki ang hinaharap ko pero kahit kailan ay wala pang nakakahawak nito maski ang boyfriend kong si Richmond. Hindi ko gusto na ibigay sa kanya ito dahil nga alam kong babaero siya at walang balak na seryosohin ako. Naramdaman ko na bumaba pa ang labi ng estranghero sa tiyan ko na binibigyan na rin niya ng halik. Dinilaan niya ang pusod ko na kinakiliti ko. Parang napakaeksperto ng kanyang labi dahil masyado na akong nahihibang kaya hinayaan ko na mangyari ito. Parang may paruparo din na nasa loob ko na nagliliparan dahil sa sensasyon na nararamdaman ko ngayon. Gusto kong dumilat nang pagpartehin niya ang binti ko pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa akin, basta ay lalong napaarko ang katawan ko sa ginagawa ng lalaking ito. “Ahhh! A-ayoko na please!” Nagmakaawa ako na tigilan na niya dahil nauubusan na ako ng lakas at hininga sa sensasyong binibigay niya. Nagpasalamat pa ako nang huminto siya pero inalis lang pala niya ang panty ko at naramdaman ko ang pagkubabaw niya sa akin. Labi ko naman ang kanyang hinarap. Napahawak ako sa leeg niya habang sumasabay sa mainit niyang paghalik na halos malasahan ko pa ang maalat-alat at manamis-namis na labi niya na tila galing pa siya sa pag-inom ng alak. May naramdaman akong kakaiba sa pagitan ng aking hita. “Hah!” Napabitaw ako ng halik nang hindi ko makayanan ang halik niya. Huminto siya at kahit wala akong karanasan ay parang alam ko na ang susunod niyang gagawin. Napahawak ako sa dibdib niya na para bang nais ko siyang pigilan dahil kahit wala ako sa sarili ay nakakapag-isip pa rin ako nang tama, pero huli na dahil napaiyak na lang ako sa tindi ng sakit na nararamdaman ko. “M-masakit! T-tig-il!” napapaiyak na pigil ko sa kanya. “Shhhh . . . wala pa, nagsisimula pa lang ako. ’Wag kang mag-alala, dadahan-dahanin ko para sa ’yo, baby.” Paos ang boses niya habang hinahalikan niya ang tainga ko at nakahawak na siya ngayon sa baywang ko na parang pinipigil ako sa paglikot. “Damn! Sisiguraduhin kong magiging akin ka pagkatapos nito.” Hindi ko na inintindi ang sinabi niya dahil wala ng ibang sentro ang isip ko kundi ang sakit na dinulot niya. Halos makamot ko na ang likuran niya dahil sa tindi ng sakit. Hinawakan na muli niya ang dibdib ko at ang sunod na nangyari ay alam ko na sobrang bumigay ako sa lalaking hindi ko naman kilala. KINABUKASAN, SA PAGBUKAS ng aking mga mata ay namulat ako sa hindi pamilyar na lugar. Madilim ang paligid dahil natatakpan ng kurtina ang araw. Puro itim naman ang lahat ng kulay pati ang pintura. Tatayo sana ako nang may matigas at mabigat na bagay na nakapulupot sa katawan ko. Kinakabahan na lumingon ako sa kanang bahagi ng kama at nanlaki ang mata ko nang makita ko na may isang lalaki na nakayakap sa akin. Pinagmasdan ko ang mukha niya at masasabi kong gwapo siya, pero hindi ko na inisip pa iyon dahil mas kumpirmado ko na may nangyari sa amin nang makaramdaman ako ng sakit sa pagitan ng hita ko. At ramdam ko rin na hubad pa ang katawan ko sa ilalim ng kumot. Napaiyak ako at natulala saglit dahil wala na ang pinakainiingatan ko. Oo, naalala ko na hindi ko man lang siya napigilan. Pero kailangan ko nang umalis dahil mas lalo akong manlulumo kapag naabutan ko pa siya na magising. Inalis ko ang kamay at binti niya nang dahan-dahan sa katawan ko at dahan-dahan na bumangon ako sa kama. Napangiwi ako dahil sa sakit mula sa pagitan ng hita ko at nanginginig pa ang mga tuhod ko. Pinulot ko ang nagkalat kong damit pati na ang panloob ko mabilisang isinuot iyon. Kinuha ko na rin ang bag ko para makaalis na, pero bago ako tuluyang umalis ay lumingon ako sa kanya at pinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi ko na hahayaan na magsalubong pa kami ng landas. Dahil isang pagkakamali lang ang lahat ng ito na dapat ay hindi na maulit pa. TULALA AKO SA kawalan habang hindi ko pa rin matanggap na may nangyari sa amin ng lalaking iyon. Lagot ako kay Papa oras na malaman niya iyon. “Uy, Maqi! Bakit tulala ka d’yan?” pukaw sa akin ni Mariz na isang katrabaho ko rito sa news network. Yes, nagtatrabaho ako sa public affairs sa isang sikat na network. Isa akong broadcaster. “Wala. ’Wag mo muna akong pansinin.” Umiwas ako ng tingin at inaayos na lang ang mga papel na nakakalat sa desk ko. “Wala ba talaga? Pansin ko na parang ang blooming mo lalo ngayon. Nadiligan ka na ba?” Birong panunukso niya lang iyon, pero para sa akin ay isang sampal iyon sa katotohanan. Kung alam niya lang . . . nadiligan na nga ako ng isang lalaki na hindi ko naman kilala. “Ano ka ba! Kung ano-anong pinagsasabi mo.” Hindi ako halos makatingin sa kanya dahil baka malaman pa niya na tama siya sa sinabi niya, kaya sa papel na lang muli tumutok ang paningin ko. “Iyon kasi ang pagkakaalam ko. Well, baka naman inspired ka dahil sa boyfriend mo.” Napailing ako dahil sa sinabi niya. Isang kalokohan yata iyon. “Kahit kailan ay hindi ako magiging inspired sa kanya kung puro pambabae lang ang ginagawa niya.” Irita na kung irita, pero kapag pinag-uusapan talaga si Richmond ay kumukulo ang dugo ko. “Bakit kasi ayaw mo pang makipag-break sa kanya?” Umiling ako sa tanong niya. “Hindi pwede, Mariz. Magagalit si Papa sa akin kapag ginawa ko ’yon.” Napailing siya sa sinabi ko. “Hay! Hindi ko alam kung bakit sinusunod mo ang Papa mo kung nasasaktan at nahihirapan ka lang sa relasyon n’yo ng malandi mong boyfriend.” Inis at mainit din ang dugo niya kay Richmond kaya nga best friend ko si Mariz dahil nauunawaan niya ako. Siya lang naman ang maituturing ko na best friend dahil siya lang ang laging nand’yan na maaari kong paglabasan ng sama ng loob. Kahit NBSB si Mariz ay maganda siya at sexy rin lalo na’t masyadong sexy siya manamit na may pagka-liberated. Hindi tulad ko na simple at conservative nang kaunti. Hindi ako sanay magsuot ng sexy pero kagabi ay napasuot ako nang wala sa oras dahil gusto kong magrebelde. Pero dahil din sa desisyon kong iyon ay nawala pa tuloy ang pinakainiingatan ko na nais ko lang sana ibigay kapag may tamang lalaki na para sa akin. Matapos ang saglit na chikahan ay naging abala na kami sa trabaho. May nagre-retouch sa mukha ko dahil malapit na akong sumalang para mag-ulat ng balita. “Okay, done, Maqi.” Ngumiti ako sa makeup artist ko at tumango ako bago nagpasalamat dito. Binasa ko ang news na ibabalita ko habang nakatayo na ako at naghihintay na lang ng signal para simulan ang pagbabalita. “Hi, Maqi!” bati ni Carlos na kapareha ko sa pagbabalita. Ngumiti ako rito. Mabait sa akin si Carlos at laging ngumingiti kaya magaang siyang ka-trabaho. “Hello, Carlos,” tugon ko. “May bagong dating na bagong news update, alam mo ba?” tanong niya na kinailing ko. Tiningnan ko ang papel pero wala naman doon. “Wala pa. Bakit, ano ba ang bago? Baka magkamali pa ako nito.” “Ibabalita natin ang pagdating ng isang heir ng Esteban sa bansa at na-scoop ito na may buhat-buhat itong babae palabas ng bar. Naku, tiyak na tataas ang rating natin oras na ibalita natin iyon. Dahil marami na rin ang curious na curious sa pagkatao ng mga Esteban kaya marami ang uhaw na makasagap ng balita patungkol sa kanila. Lalo na at kilala sila na pinakamakapangyarihan sa bansa.” Napatango ako sa sinabi niya. Narinig ko na rin ang pamilya ng Esteban, dahil sila lang naman ang pinakamayaman sa bansa at malaki ang impluwensya. Iyon nga lang, masyadong pribado ang pamilya nila at walang sino man ang nakakakuha ng kahit anong detalye tungkol sa buhay nila. Napahinga ako nang malalim dahil bigla akong kinabahan. Ewan ko ba pero feeling ko hindi ko magugustuhan ang mangyayari. “Okay! We start in one minute. Stand by team!” anunsiyo ng direktor namin kaya huminga ako nang malalim habang hinahanda ang sarili. At makalipas nga ang isang minuto ay nagsimula na kaming umere. BREAKING NEWS “Isa raw sa heir ng mga Esteban ang namataan sa isang sikat na bar kung saan ay may nakakuha rito ng litrato habang may buhat-buhat na isang babae,” balita ni Carlos. “At ayon din sa pagsisiyasat ng aming team ay kinilala na si Gab S’ven Esteban ang nasa bar na iyon. Para mas makilala natin siya, ito ang litrato niya na mahirap mahagilap,” balita ko naman. Nag-flash sa screen ang mukha ni Esteban at halos mamutla ako at pangatugan ng tuhod nang makilala ko ito. Litrato iyon ng lalaking nakatalik ko no’ng nakaraang gabi lamang. Wala siyang emosyon sa litrato bukod sa mga mata niya na matatalim kung tumingin. Aaminin ko na gwapo siya sa larawan lalo na sa personal, pero nakakatakot pala kapag tumingin ka sa mata niya na parang malamig pa sa yelo. Kaya pala parang pamilyar ang damit ng babae, dahil ako iyon na pinagpapasalamat ko dahil hindi nakuhanan ang mukha ko. Natuliro ako at nawalan ng focus sa pagbabalita dahil sa natuklasan ko. “Maqi, ikaw na,” bulong ni Carlos kaya bumalik ako sa pag-iisip. “A-at ayon sa scoop na iyon ay tiyak na malaking bahagi ang babae sa buhay ni Gab S’ven Esteban. Napag-alaman din na dinala nito sa isang sikat na luxurious pad ang babae kung saan ay alam ng lahat na pagmamay-ari ng mga Esteban iyon,” balita ko at may lumabas muling litrato. Napatili ang isang I.T. expert namin habang nakahawak sa telepono ng network kaya hindi sinasadya na mapalingon ako. Tumayo siya at lumapit sa direktor namin. May pinaskil na manila paper para basahin namin. At lalo akong kinabahan sa nakasulat. “At sa hindi inaasahang pangyayari, maririnig natin ang panayam ni Mr. Gab S’ven Esteban na nasa kabilang linya na ngayon,” nakangiting sabi ni Carlos. “Good evening, Mr. Esteban,” sabi pa ni Carlos habang ako ay pigil ang hininga at parang gusto ko nang tumakbo para makaalis. “Hi, baby. Mabuti’t hindi mo na ako pinahirapang hanapin ka. Sinabi ko na sa ’yo na akin ka na simula nang makuha kita. Isang maling galaw mo lang ay sinisiguro ko na hindi mo magugustuhan ang gagawin ko. Susunduin kita sa trabaho kaya ’wag na ’wag mong susubukang tumakas,” sabi niya sa kabilang linya at binaba na ang tawag na kinataka ng lahat ng staff, direktor, at pati ni Carlos. Habang ako ay parang natuod at nilukuban ng takot. Akala ko ay sa wakas hindi ko na siya makikita pa. At alam ko na sa katulad niya ay balewala na ang nangyaring iyon sa amin. Pero bakit pa niya ako hinahanap? At sa klase ng pagbabanta niya ay natakot ako para sa sarili ko, dahil sa katangahan at pag-iilusyon na siya ang boyfriend ko, at pagbibintang na nagtaksil sa akin si Richmond, tapos nagkakamali lang pala ako kaya ito tuloy ang kahihinatnan ko. Natatakot ako na matuklasan ito ng lahat kaya kailangan ko siyang kausapin na tigilan na ako at kalimutan na ang nangyari. Hindi ko gustong magulo ang buhay ko nang dahil sa kanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
311.9K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
533.7K
bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
342.0K
bc

MAFIA SERIES 6: MY LORD

read
343.8K
bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
320.8K
bc

Run Honey Run / Mafia Lord Series 4 Completed

read
317.1K
bc

My Husband Is A CEO Boss

read
470.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook