KABANATA 1

3003 Words
NARRATOR’S P.O.V. SAMANTALA, SA APAT na sulok ng napakalaking opisina kung saan kitang-kita ang siyudad ng Maynila, nakaupo sa isang swilver chair ang isang Gab S’veb Esteban habang binabasa ang papeles tungkol sa mga nawawalang pera sa kanyang kompanya. Sa edad pa lang na bente-sais ay nagawa na niyang magkaroon ng sariling kompanya na hindi umaasa sa pera na galing sa kaniyang ama. Ito mismo ang nagturo sa kanya ng bagay-bagay na dapat kung gusto mong makuha ang isang bagay ay gamitan mo ng isip at tapang, hindi lang dapat palaging aasa kung saan ay alam mong may kakapitan. At tinuro din sa kanya na ’wag na ’wag maniniwala sa isang tao dahil kahit gaano mo pa pinagkakatiwalaan ang isang tao ay tiyak na may gagawin pa rin ito pagtalikod mo. Kaya naman ay bago niya marating ang pwestong kinalalagyan niya ay matinding hirap ang pinagdaan niya. Ang hirap na iyon ay nagbunga dahil meron na siyang malaking kompany na bunga ng sariling pagsisikap niya. Ngunit isang lihim ito sa mga tao na nasa labas na siya ang may-ari ng malaking G.E Estate. Hindi lang iyon ang meron siya, dahil meron din siyang yacth, restaurant, hotel, resort, clothing line, cars, theme park, at mataas na bilang ng iba’t ibang bank account. Pero sa kabila ng maraming pera ay wala siyang oras para sa sarili niya, at lalong wala siyang oras na makipagrelasyon sa mga babae. Hanggang s*x at fling lang siya sa mga nakakasalamuha niya at hindi na hihigit pa roon. Ang mga magulang naman niya ay nasa ibang bansa pa dahil nag-honeymoon muli ang mga ito matapos ang muling pagpapakasal ng mga ito sa abroad. Nauna lang siyang umuwi dahil marami pa siyang dapat na gawin sa bansa. Lalo pa’t marami rin siyang kaaway sa paligid na handang pabagsakin siya, at nagsisimula na ang mga ito ngayon. “Sir, bakit n’yo po ako pinatawag?” bungad ng sekretarya niya na si Faye. “Ipatawag mo ang manager at treasurer na humahawak sa department ng clothing line. And tell them to proceed in the conference room tomorrow.” Malamig na boses ang matutunugan sa kanya habang inuutos iyon. Agad namang yumukod ang sekretarya niya at agad din na lumabas. Napabuga pa ito ng hangin dahil sa kaba. “Oh, ano, tanggal ka na ba?” tanong ng isang kasamahan niyang lalaki na empleyado rin. Inirapan niya ito. “Excuse me, mauuna ka muna bago ako,” mataray niyang tugon dito. “Nagtatanong lang naman. Ngayon ka lang kasi tinawag ulit ni Sir. At alam nating lahat na oras na may magkamali, paglabas mo pa lang sa opisina niya, luhaan ka na. Tsaka naturingan kang secretary pero minsan ka lang naman niya ipinatawag. Nag-secretary pa siya, ’di ba?” sabi nito at bumaling sa kasamahan nila na nagtanguan. “Oo nga. Hindi porket gwapo at sobrang yaman niya, magkamali lang ang isa sa atin eh, aalisin na niya agad. Napakasama at napakaantipatiko pa kung mag-utos,” sabi naman ng isang babae na nakatikim ng lait noon kay Gab. Biglang nagyukuan ang mga nakaupo sa kanila-kanilang desk nang makita nila ang paglabas ni Gab mula sa opisina nito. ’Yong dalawang empleyado ay reklamo pa rin nang reklamo. “Mayabang kasi dahil mayaman. Kung nagkapalit kami ng estado sa buhay at gawin ko kaya sa kanya ang ginagawa niya sa atin, tingnan natin kung saan siya pupulutin,” tugon ng lalaking empleyado sa katrabaho nitong babae na nagrereklamo rin. “Kung gano’n, kaya mo bang marating ang estado ko?” maawtoridad at malamig na boses ang nakapukaw sa dalawa. Bigla ay nanlamig ang dalawa na humarap kay Gab na walang ano mang mababakas na ekspresyon sa mukha. “S-Sir . . .” nauutal na bigkas ng dalawa. “Kaya n’yo bang marating ang estado ko ngayon, oo o hindi?!” tanong niya sa mga ito. Umiling ang dalawa kaya napangisi siya. “Ayoko nang makita ang pagmumukha n’yo rito.” Bago pa maka-react ang dalawa ay nakaalis na si Gab. Naiwang luhaan ang dalawa at wala ng trabaho kinabukasan. Naglakad si Gab na parang hari at hindi maitatanggi ang angking kakisigan nito sa suot nitong business suit na nagpapakita ng kadisentehan, ngunit may malakas na awra na pangingilagan ng kung sino man ang makakasalubong niya. Sumakay siya sa elevator na siya lang mismo ang nakakagamit. At sa pagkakataong iyon ay may ibang sumakay—isang babae na sa tingin niya ay isa sa mga empleyado niya. Tila balak pa siya nitong akitin. Tinulak niya ito na kinabagsak naman nito sa sahig palabras ng elevator. Kitang-kita iyon ng mga empleyado na nakatingin lang dahil ayaw nilang mawalan ng trabaho. “Bullshit! Nagkaroon ka pa ng lakas na hawakan ako, hah?! You are fired! Don’t ever show your slut face again here,” malamig at mariin niyang sabi rito bago sumara ang elevator. Naiwan na luhaan ang babaeng gusto sanang akitin si Gab para sakali na tumaas ang ranggo niya . . . pero isa rin siya sa mga empleyadong natanggal ngayong araw lang na iyon. Ganyan ang kakaharapin ng mga gustong pumasok sa lungga niya. Siya ang hari at walang ibang kokontra pa roon. Paglabas niya ng elevator ay hawak niya ang cellphone upang tawagan ang mga tauhan niya, pero napahinto siya sa paglalakad nang may isang balita na biglang nag-flash sa isang LED screen T.V. sa lobby na kinaroroonan niya. Napangisi siya nang makita rin niya sa wakas ang nais niyang ipahanap dapat. “Hindi mo na ako pinahirapan pang hanapin ka, baby,” sambit niya habang may ngising demonyo na hindi gugustuhing makita ng kung sino man. MAQI’S P.O.V. PALABAS NA AKO kasabay ang ilang ka-trabaho ko sa network. Wala si Mariz dahil may pinuntahan ito na tila importante kaya hindi ko na inusisa pa. Nakikipag-usap ako sa mga katrabaho ko habang pababa na kami ng hagdan nang magulat ako na may biglang humarang sa amin na pitong lalaki. Pare-pareho silang nakaitim ng suot. “Kayo ba si Miss Maqi?” tanong ng isa. Nagkatinginan kami nila Kathy at Pauleen dahil ako pala ang hanap ng mga ito “Opo, bakit n’yo ako hinahanap?” tanong ko kahit na kinakabahan na ako. “Pinapasundo ka ni Boss sa amin,” sabi ng isa na isang long hair. “Sinong boss? At bakit naman sasama si Maqi sa inyo?” tanong ni Kathy na himala ay nagkalakas ng loob. Nerd kasi ito at siya ang writer sa network namin. Nagkatinginan ang mga ito, may kinuha na cellphone ’yong long hair tsaka inabot sa akin. Kaya kahit kinakabahan ay kinuha ko at naka-set na pala sa isang tawag ang cellphone. Nanginginig ang kamay ko dahil may hula na ako kung sino ang nagpapasundo sa akin. “S-sino ’to?” sambit ko pagkatapat ko ng cellphone sa tainga ko, at nakarinig agad ako ng halakhak. “Nakalimutan mo na agad ako, baby? Anyway, sumama ka sa kanila dahil kundi, may ilalabas akong video na tiyak na aayawan mo,” sabi ng malamig na tinig na naging pamilyar na sa akin. Kumabog ang dibdib ko sa kaba at takot dahil sa sinabi niya. Nanginginig ang kamay ko kaya nabitiwan ko ang cellphone habang tila ako natuod sa kinatatayuan ko. “Maqi, ayos ka lang? Sino ba ’yong tumawag? Masamang tao ba?” usisa nila Pauleen. Umiling ako at kahit na takot na takot ako ay kailangan kong sumama upang makausap ang Esteban na iyon. Hindi ko maintindihan kung bakit pa niya ako pinagbabantaan para sumunod sa kanya. “Okay lang ako, Kathy, Pauleen. Sige, mauna na kayo.” “Huh? Pero baka anong gawin sa ’yo ng mga ’yan kapag sumama ka.” Masaya ako dahil nag-aalala talaga sila Kathy sa akin. “Salamat sa pag aalala, pero ayos lang ako, kaya ko ito. Sige, mauna na kayo.” Nag-alangan man ang dalawa ay dahan-dahan nang tumalikod ang mga ito. Nang mawala sa paningin ko sina Kathy ay humarap na ako sa tauhan ni Esteban. Ayaw ko man ay napipilitan akong sumakay sa kotse. Pinagbuksan pa ako ng pinto at sinara din agad nang makasakay ako. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga ito pero sana ay walang mangyari sa akin na masama. Hindi ko pa naman lubusang kilala ang Esteban na iyon. Tapos nagawa na akong pagbantaan nito kaya sigurado ako na hindi maganda na makipaglapit ako rito. Gagawin ko na lang ang lahat para tigilan na niya ako. Ilang minuto lang din ang tinagal ng byahe at huminto na kami sa isang fine dining restaurant. Alas-singko na rin at malapit nang dumilim, pero bakit tila wala namang katao-tao sa loob ng restaurant? “Miss Maqi, pumasok na kayo at naghihintay na si Boss sa inyo,” sabi ng long hair nang pagbuksan ako nito ng pinto. Agad naman akong bumaba at lumakad nang dahan-dahan palapit sa entrance ng restaurant. Huminga muna ako nang malalim at pinakalma ang loob dahil kinakabahan talaga ako. Tinandaan ko ang mga sasabihin ko at kailangan kong maging matapang. Hindi niya ako pwedeng bantaan dahil hindi ko siya uurungan. Nang makakuha ng lakas ng loob ay matapang na akong pumasok sa loob ng restaurant. Pinagbuksan ako ng isang waiter na tila inaabangan talaga ang pagpasok ko. “Welcome, Miss Maqi, this way po,” bati nito at iginiya ako kung saan ang lamesa ni Esteban. “Ah, kuya, bakit walang katao-tao?” tanong ko at pinigil siyang maglakad “Reserved na po kasi ni Sir Esteban ang buong restaurant,” sabi nito kaya tumango na lang ako at sumunod sa kanya. Sa gitnang lamesa ako nito dinala kung saan may spotlight at may mga kandila pa sa paligid na parang isang romantic na date ang tema. Nakita ko siya na parang hari na nakaupo habang nakahalukipkip ang mga braso at nakapikit ang mga mata. Kahit na nakapikit ay napakakisig niya pero ramdam mo ang maawtoridad at malamig niyang awra. Dumilat ito na tila naramdaman ang pagdating namin. Yumukod naman ang waiter dito at iniwan na kami. “Sit,” utos niya sa maawtoridad na tinig. Hindi ako makapaniwala na inutusan talaga ako. Grabe! Nakikita ko na napakaantipatiko niya. Naupo ako at hindi pa ako nakakaayos ng upo nang ibigay niya agad sa akin ang isang bugkos ng bulaklak na halatang mamahalin. Nagtataka na tumingin ako sa bulaklak at sa kanya. “Bakit mo naman ako binibigyan ng ganito? Tsaka bakit tayo lang ang tao rito?” tanong ko habang nilapag ang bulaklak sa tabi ng upuan ko. “Tsk. Ang daldal mo,” sabi niya at nagtaas ng kamay saka pumitik na tila may sinesenyasan. Agad na naglapitan ang mga waitress at may nilapag na pagkain sa harap namin. Corn soup with garlic. “Now. Eat,” mariing utos niya muli sa akin. “Pero hindi—” “Damn it! Ayaw niya, palitan n’yo! Bakit ba ito pa ang hinanda n’yo?!” nagulat ako sa biglang pagbulyaw niya sa mga waiter at waitress. Napayuko lang ang mga ito. “Ah, Sir, ito po ’yong in-order n’yo . . .” lakas-loob na sabi nung tingin ko ay manager. “What the! So it’s my fault now!? Change her soup now,” utos nitong si Esteban. Sandali. Bakit ba napaka-OA nito? Wala naman akong sinabi na ayaw ko. “Ah, Ate, ’wag na, okay na sa akin ito,” baling ko sa manager kaya napatingin sa akin si Esteban. “Akala ko ba ayaw mo? Tsk. Ang dami mong arte,” sabi niya. “Aba! Sinabi mo ba na maarte ako?! For your information wala akong sinabing ayaw ko. Ikaw itong napaka-OA na hindi man lang ako pinapatapos na magsalita!” inis na bulyaw ko sa kanya. “Kung gano’n bakit napakadaldal mo? Kumain ka na nga lang, tsk!” asik na sabi niya at umiwas ng tingin saka nilagok ang wine sa baso niya. Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at napabuntonghininga na lang ako. Kinuha ko ang soup spoon at humigop na ako paunti-unti ng sabaw. Natahimik na rin sa wakas ang paligid. Tahimik lang din siya at napapatapik ang mga daliri niya sa lamesa. Kaunti lang din naman ang soup kaya naubos ko na rin agad. Nagpunas ako ng bibig gamit ang tissue at nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nahuli ko siyang nakatitig pala sa akin at nang makita na nakatingin ako ay agad siyang napaiwas ng tingin, napatikim, at uminom naman ngayon ng tubig. Pagbaba niya ng baso ay siyang dating ng mga waitress na nilapag naman ang main course na isang pork steak na kinanguso ko. “Why?” tanong niya nang mapansin siguro ang reaksyon ko, kaya napatingin ako sa kanya. Salubong na naman ang kilay niya at tila bubulyawan na naman ang mga waitress kung aayawan ko. “Wala bang rice? Mabubusog ba ako sa kapiranggot na ito?” tanong ko at kinapalan ko na ang mukha ko dahil ang totoo ay gutom na rin naman ako. Parang ngayon lang naman siya nakarinig ng gano’n at parang isa akong alien na tiningnan niya at tsaka siya napailing. Inutusan niya ’yong manager at agad namang kumilos ang mga ito at kinuha ako ng cup of rice. Nagsimula na ako at nilantakan na ang pagkain. Grabe, ang sarap pala ng steak nila rito. Hindi na kasi ako nakakain sa ganito dahil sila Papa at Mama ay kasama ang sarili nilang pamilya at hindi naman nila ako gusto na makasalo. Bigla ay napabagal ang kain ko at bigla akong nakaramdam ng lungkot, pero hindi ko pinahalata at sumubo na lang muli ako para maubos na. Kailangan ko na siyang makausap para tigilan na niya ako. Nang matapos ako ay uminom ako ng tubig at nagpunas ng labi gamit ang tissue. Tumingin ako sa kanya at nabigla ako nang makita ko na nakangiti siyang nakatitig na naman sa akin. Pinagtaasan ko siya ng kilay kaya umayos siya ng upo at hinagod ang medyo may kahabaan niyang buhok habang 3/4 ang gupit ng buhok niya sa gilid at likod. Blonde ang hair niya at makinis ang mukha niya na maputi. Matangos ang ilong at ang mata naman niya ay parang abo ang kulay. Mahaba rin ang pilik-mata niya at pantay-pantay at maputi ang ngipin. Ang labi naman niya ay sakto lang na medyo mapakal at mapula. Matangkad din siya at halata sa mga biceps nito na malaki ang muscle ng katawan niya. Nang ibalik ko ang paningin ko sa mukha niya ay nakangisi siya habang tinitingnan ako na nahuli na tumititig sa kanya. “Are you done eye raping my face and body?” tanong niya na kinainit ng mukha ko sa pagkapahiya. “Hindi ko nire-rape ang mukha at katawan mo. Kasi marami na akong nakitang ganyan, kinukumpara ko lang,” depensa ko na kinatiim-bagang at kinadilim ng anyo niya. Natakot naman ako bigla at napayuko. Humugot siya ng hangin at napatapik muli ng daliri sa lamesa. “Okay. Let’s talk about last night . . .” sabi niya kaya napaangat ako ng tingin. Lihim muna akong napabuntonghininga para ihanda ang sasabihin ko. “Kaya ako nakipagkita sa ’yo ngayon ay gusto ko sana na kalimutan na ang nangyari. At sana ay ’wag mo na akong guluhing muli,” sabi ko na kinahalakhak niya na tila ba nababaliw na ako sa sinabi ko. “It’s a no, Maqi,” sabi niya na kinakunot ng noo ko. “Anong ibig mong sabihin?” tanong ko dahil . . . bakit ayaw niya na tigilan ako? “Dahil gusto kong maging akin ka. Sinong may sabi na titigilan na kita? Simula nang markahan ko bawat parte ng katawan mo ay sinabi ko na sa ’yo na akin ka. Kaya subukan mong gumawa ng hakbang para lumayo sa akin . . . sisiguraduhin ko na malalaman ng lahat ang nangyari sa atin,” banta niya na halos kinagimbal ko. Nangilid ang luha ko at tumayo. Binuhos ko sa kanya ang tubig na kinapikit niya pero wala akong pakialam kung sino pa siya. “Sino ka para pagbataan ako, ha?! Wala kang karapatan na angkinin ako! At lalong wala kang karapatan na bantaan ako na ibubunyag mo sa iba ang nangyari sa atin! Tigilan mo na ako!” pabulyaw kong sabi at halos manginig ako sa galit. Pagkatapos kong sabihin iyon ay aalis na sana ko sa lamesa nang biglang humarang sa harap ko ang mga tauhan niya. Pilit akong dumadaan pero hinaharangan nila. Napasinghap ako nang may humapit sa baywang ko kaya halos mapasubsob ang mukha ko sa dibdib nito. “Hindi mo ako kilala, Maqi. Ang ayoko sa lahat, ’yong sumusuway sa gusto ko. Tandaan mo na babantayan at papasundan ko ang bawal galaw mo. At oo nga pala, gusto ko na makipag-break ka na sa boyfriend mo. At ’pag hindi mo ginawa, ako mismo ang gagawa para mas madali na sa ’yo,” bulong niya. Tinulak ko siya sa dibdib kaya napalayo siya. Nakangisi siya kaya galit akong tumingin sa kanya habang nangingilid ang luha ko. Tumakbo na ako at lumabas ng restaurant. Mabuti at meron agad taxi na dumaan kaya agad din akong nakasakay. Hindi ko alam ang gagawin ngayon. Hindi ko alam kung anong nagawa ko para ganituhin niya ako. Hindi ako isang bagay na basta na lang niya pwedeng angkinin. At binalaan pa talaga niya ako para sumunod! Napahagulhol ako dahil litong-lito na ako. Kapag hindi ko siya sinunod ay baka sabihin niya kina Papa ang nangyari sa amin, at tiyak ako na mas lalo akong mawawalan ng lugar sa pamilya ko kapag nangyari iyon. At isa pa, paano ko magagawang makipag-break kay Richmond kung ito rin ay magiging dahilan para magalit si Papa sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD