KABANATA 2

3714 Words
MAQI’S P.O.V. NAGPAHATID AKO KAY manong taxi driver sa bahay ni Mama. Bumaba ako at inayos ko muna ang sarili ko dahil ayokong makita ni Mama ang pag-iyak ko. Huminga ako nang malalim at nag-doorbell. Ilang saglit lang ay nakita ko na ang paglabas ni Mama habang nakasuot ito ng roba niya na pantulog. “Oh, Maqi, gabing-gabi na. Bakit ka napasugod dito?” sabi niya at pinagbuksan ako. Agad akong yumakap pero agad din niyang inalis ang yakap ko. “Ano bang kailangan mo? Wala ka na bang pera? Sandali, kukuha ako sa loob,” sabi niya kaya pinigil ko siya agad. “Ma, hindi po gano’n. Gusto ko lang po kayong makita.” ‘At masandalan . . .’ iyon sana ang gusto kong idagdag pero tila umurong ang dila ko. “Ano bang kaartehan ’yan, Maqi? Iyon lang ba ang pinunta mo at inistorbo mo pa ang pagtuturo ko kay Cynthia,” sabi niya na ikinasikip ng dibdib ko. Napatingin ako kay Cynthia na lumabas na rin. Matanda lang ako ng tatlong taon sa kanya. I’m 24 now kaya nasa 21 siya. Sumasali siya sa mga audition sa singing contest na pangarap ko rin. Pero dahil gusto ni Cynthia ay wala akong magawa kundi i-give up iyon. “Anyway, narito ka rin naman, pwede mo bang ituro kay Cynthia kung paano ang tamang pagbirit?” biglang mahinahong sabi ni Mama. “Sige po . . .” tugon ko. Ayos na iyon at kahit papaano ay magkaka-bonding kaming magkapatid. Magkapatid lang kami ni Cynthia sa ina at siya ay kumpleto ang pamilya niya. Napahinga ako nang malalim at sumunod sa kanila. Malaki rin ang bahay nila Mama. Isang attorney kasi si Tito kaya may kaya ito sa buhay. At hindi rin naman kasi mabubuhay si Mama kapag naghirap siya. Laki sa luho at mayaman din kasi ang mga magulang ni Mama, pero itinakwil siya ng pamilya niya dahil sumama siya noon kay Papa para magtanan. Pero nauwi rin naman sa hiwalayan ang namagitan sa kanila ni Papa kaya naging komplikado lalo ang buhay ko. Sa practice at record room kami dumiretso. Mga nakakalat na song book at mga record ng cd ng magagaling na mang-aawit ang naabutan ko. Naupo ako at kinuha ang headset para pakinggan ang pagkanta ni Cynthia. Nagsimula na siya at napangiwi ako dahil mataas agad ang tono niya na masakit sa tainga. “Medyo mataas ang tono mo agad. Dapat ay normal lang. Tsaka mo lang itataas kapag nandoon ka na sa mismong nota na mataas,” pagtuturo ko sa kanya. “Okay, anak. Ulitin mo,” sabi ni Mama kay Cynthia na umirap lang. Sanay na ako sa ganyang ugali niya, pero hindi ko na binibigyan ng kahulugan dahil tinuturing ko siyang nakababatang kapatid. Inulit nga niya gaya ng sabi ko at medyo ayos na sa simula, pero hindi naman niya ngayon nasasabayan nang maayos ang tugtog. “Nahuhuli ka sa tugtog ng kanta. Dapat alam mo kung paano sumabay sa tono,” instruksyon ko. Umirap na naman siya at padabog na binaba ang headset mula sa pagkakaalis sa tainga niya. “Puro na lang mali ang sinasabi mo, pero tama naman ang pagkakanta ko,” inis niyang sabi sa akin. “Pero tinuturo ko lang naman sa ’yo kung paano ang tama. Hindi mo ba naririnig—” “Enough, Maqi. Sige na nga, umuwi ka na lang at baka mas lalong uminit ang ulo sa ’yo ni Cynthia.” Napabuka-sara ang bibig ko at napahinga ako nang malalim dahil sa sinabi ni Mama. “Sige po, Ma.” Tumayo ako at bebeso sana ako nang lumapit siya kay Cynthia. Napakurap ang mata ko dahil sa pagpigil ko sa ambang pagngilid ng luha ko. Kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng record room. Hindi ko malaman kung bakit ganoon makitungo si Mama sa akin, wala naman akong ginawa kundi ang maging mabuting anak. Kahit na ayaw kong i-give up ang pangarap ko noon na maging singer ay binitiwan ko na lang para kay Cynthia. Ang akala ko ay mag-iiba na ang pakikitungo ni Mama at magugustuhan na niya ako dahil naging mapagbigay ako, pero parang ganoon pa rin, parang hindi pa rin niya ako itinuturing na anak. Naisipan kong maglakad-lakad muna habang binubuhos ko ang sakit ng nararamdaman ko. Nagpunta ako kay Mama para may masabihan ng pinagdaraan ko ngayon, pero nabigo lang din ako at ang masakit pa ay para lang akong isang hayop na pinagtabuyan. Napapahid ako ng luha ko at naisipan na maupo muna sa isang upuan na nasa tabi ng puno. Kinuha ko ang litrato namin ni Mama no’ng bata pa ako. Tanging ito lang ang meron akong litrato namin na kasama si Papa. NARRATOR’S P.O.V. HINDI ALAM NI Maqi na may sumusunod sa kanya mula pa kanina. Nakaupo at nakahalukipkip na pinanonood ng isang lalaki ang naglalakad na parang pasan ang buong mundo na si Maqi. Nakita niya ang pag-upo nito pati na rin ang pagdaloy ng luha nito sa mukha kahit nasa malayo pa siya. “Boss, lalapitan na ba namin siya?” tanong ng isa niyang tauhan. “’Wag. Hayaan n’yo siya,” seryosong sabi niya. Bumaba siya ng kotse at lumakad papunta sa harap ng kotse niya. Naupo siya sa hood habang nakahalukipkip na pinagmasdan ito, pero napatayo siya nang mapansin na may isang lalaking naka-jacket na papalapit dito. Kinuha niya ang silencer gun sa coat niya at ikinasa iyon. Inuma niya iyon at pinaputok sa gawi ng lalaki. Bumulagta ito nang matamaan ito sa ulo. “Boss!” tawag ng mga tauhan niya kaya tiningnan niya ang mga ito na may pagbabanta. Natahimik ang mga ito nang makuha ang tingin niya. Tumingin siya muli sa dalaga na pasakay na ng taxi. “Sundan n’yo siya hanggang makauwi sa apartment niya,” utos niya na agad naming sinunod ng mga ito. Nang makaalis ang dalaga ay lumapit siya sa lalaking bumalagta at tiyak na wala ng buhay. Tiningnan niya ito at gamit ang paa ay tinagilid ang katawan nito. “Wolf trigger. Tsk! Anong balak n’yo sa pagmamay-ari ko?” aniya. Nakita niya kasi ang tattoo ng isang lobo habang may ekis sa gitna nito. Ito ang grupo ng mga dumudukot sa mga kababaihan upang gawing taga-aliw sa isang casa kung saan nagtutungo ang mga negosyanteng mga illegal naman ang negosyo. Kinuha niya ang cell phone sa bulsa niya at may tinawagan. “Bring my baby here in five minutes,” utos niya sa kausap sa kabilang linya at ibinaba na agad ito. At makalipas ang apat na minuto at ilang segundo ay napatingin siya sa wrist watch niya bago napangisi. “3 . . . 2 . . . 1 . . .” bilang niya at pagkatapos ay nakarinig na siya ng humaharurot na isang motor. Huminto sa harap niya si Kier at hinubad ang helmet. “f**k s**t, Mr. Esteban! Panira ka talaga ng buhay!” bulyaw nito. Tumayo siya at sinalo ang susi. “’Wag mo akong sisigawan, Perez,” banta niya rito. “Okay, okay. Nasaan ba ang mga tauhan mo at ako ang inistorbo mo, Mr. Esteban?” Hindi siya sumagot at binuhay na lang ang motor niya. “Linisin mo ’yang kalat. At pagkatapos, alamin mo kung bakit nais kunin ng Wolf Trigger si Maqi,” utos niya rito at agad nang pinaharurot ang motor bago pa ito makasagot. KIER’S P.O.V. BAGO PA AKO makasagot ay umariba na paalis ang lokong Esteban. Napailing ako at tumingin sa kawawang nilalang na nakatikim ng bala nito. “Masyado namang binilisan ni Esteban ang pagpatay rito, mahihirapan pa tuloy ako. Basta kay Maqi, napakabilis niya.” Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Bien. “Tang ina! s**t! Ahhh!” “Peste ka, Bien! Pinarinig mo pa ang pag-ungol mo!” bulyaw ko rito dahil nakakadiri. Kinikilabutan talaga ako sa mga ganyang gawain. “Inggit ka lang, Perez! Tang ina! Ang sarap!” sabi pa nito. “Tang ina mo rin! ’Wag mo ngang i-kwento, salaula ka!” “Asus! Bakla ka nga ’ata, Perez. Kalalaki mong tao, nandidiri ka.” Alam ko na nakangisi na ito ngayon. “Gago! Hindi mo ako katulad na kung kani-kanino pumapatol! Puntahan mo ako sa street na ito . . . . May basura si Esteban,” sabi ko sa kanya. “Himala at pinatay niya agad?” “You know Maqi Ria Ivañes?” “Yeah. What the f**k! ’Wag mong sabihin na nagsisimula na siya?” “Oo. At ewan ko kung anong plano niya,” sabi ko at napailing na lang. “Sige, pupunta na ako, alam ko naman na name-miss mo ako kaya ako ang tinawagan mo,” pang-asar pa nito. “Ulol mo!” bulyaw ko, pero ang gago ay pinatayan na ako. Binulsa ko na lang muli ang cell phone at nagsindi ng sigarilyo habang hinihintay si Bien. MAQI’S P.O.V. NAKAHIGA NA AKO sa kama at nakatingin sa kisame ng aking kwarto. Tahimik at patay na ang lahat ng ilaw. Ako lang naman din kasi ang mag-isa sa apat na sulok ng apartment na ito. Inupahan ko ito para sa sarili ko. Hindi rin naman kasi ako pwede sa bahay ng Papa ko dahil may sariling pamilya na rin ito na hindi rin gusto ang presensya ko. Mas lalo naman kay Mama, dahil hindi naman kami magkasundo ni Cynthia. Napakalungkot ng buhay ko dahil wala man lang akong makasama ni isa sa pamilya ko. Napakalungkot ang mag-isa at wala ka man lang mapaglabasan ng sama ng loob. Natigil ako sa pagmumuni-muni nang tumunog ang phone ko hudyat na may tumatawag sa akin. Kinuha ko agad ito sa side table at tiningnan kung sino ang tumatawag. Nakita kong si Richmond pala iyon kaya kahit wala akong gana ay sinagot ko na. “Hello . . .” tamad kong bungad. “Maqi, may event sa Bulacan ang Dad ko bukas. Kailangan na naroon ka dahil inaasahan ka ni Dad.” Napahinga naman ako nang malalim sa sinabi nito. Bumangon ako at sumandal sa head board ng kama. “Pwede bang ’wag na lang akong sumama? Pwede mo namang dalhin ang babae mo para naman malaman na ng buong pamilya mo ang ginagawa mo,” sarkastikong sabi ko. “Ano bang pinagsasabi mo?” maang-maangan pa niya. “’Wag na tayong maglokohan, Richmond. Alam ko na nambababae ka. Kitang-kita ko kung paano ka makipaglampungan sa iba. Pwede ba, umamin ka na kina Papa at sabihin mo na maghihiwalay na tayo dahil ayaw mo na. Please, kahit iyon lang ay may magawa kang mabuti sa akin.” “Ayoko. Tsaka kung pinagbibigyan mo lang ako sa mga kailangan ko ay baka hindi na ako maghanap pa ng iba,” sabi niya na kinainit ng ulo ko. “Sige, sunduin na lang kita bukas. Bye—” sabi pa niya. Inis na ibinaba ko ang tawag para masabi lang na hindi niya ako maunahan sa pagbaba ng linya. Nasapo ako ng noo at bumaba ng kama dahil hindi rin naman ako makakatulog sa dami ng sakit na nararamdaman ko ngayong araw. Parang sasabog na rin ang utak ko sa kakaisip sa mga problema ko. Lumabas ako ng apartment habang nakahawak sa balabal na nasa balikat ko. Bumaba ako ng hagdan at naupo. Napatingala ako sa kalangitan at nakita ko na wala man lang mga bituin. “Pati ang mga bituin sa langit, ayaw man lang akong damayan,” wika ko at napailing ako. Napatingin ako sa gate at napakunot ako ng noo nang makita ko ang isang lalaki na nakasakay sa motor. “Sino ka?” Nangahas akong magtanong pero natatakot din ako dahil baka kung ano ang gawin nito sa akin. “Open this gate,” utos nito. At nang maging pamilyar na sa akin ang boses niya at matapatan siya ng ilaw nang lumakad siya palapit sa gate ay napatayo na ako at kinabahan. Bakit siya narito? Paano niya natunton ang bahay ko? “Paano mo nalaman ang bahay ko?!” tanong ko habang nililibot ang mata ko upang makahanap ng pandepensa kung sakali mang may gawin siyang masama sa akin. “Tsk!” asik niya at napanganga ako dahil walang kahirap-hirap niyang tinalon ang gate na bakal. Nakakita ako ng kahoy na makapal at nang makalapit siya ay pinalo ko iyon sa kanya. “Umalis ka rito!” sigaw ko at balak ko pa sana siyang hampasin nang mabitiwan ko ang kahoy dahil nakita ko na may tumulong dugo mula sa mukha niya. Napatakip ako ng bibig dahil bigla akong nakonsensya. Hindi ko alam kung hahawakan ko ba siya. “S-sorry . . .” sambit ko. Tinuro ko ang noo niya. “M-may sugat ka.” Agad niyang hinawakan ang noo niya at pinunasan lang iyon gamit ang laylayan ng coat niya. Hinawakan niya ako sa pulso kaya agad akong nataranta. “Sandali! Saan mo ako dadalhin?!” pigil ko sa kanya nang kaladkarin niya ako. Binuksan niya ang gate at hinatak ako palapit sa motor niya. Kinuha niya ang helmet at sinuot sa akin. Sinara niya ang gate at lumapit muli sa motor bago sumakay. “Sakay,” utos niya. “Huh?” Napatanga ako. Bakit naman ako sasakay at sasama sa kanya? “Sakay sabi,” mariin niyang ulit. “Pero—Teka!” Nabigla ako nang hatakin niya ako. “Sumakay ka na kundi sapilitan kitang isasakay,” utos niya muli sa malamig na tono. Kaya dahil sa kaba ay sumakay ako kahit hindi ako marunong. Nang makasakay ako ay hindi ko alam kung saan kakapit? “Tsk,” asik niya nang mukhang nahulaan na ang problema ko. Kinuha niya ang pareho kong braso at nabigla ako nang iyakap niya ang mga ito sa kanya. “’Wag mong tatanggalin kung ayaw mong mahulog,” banta niya kaya napalunok ako at napakapit sa tiyan niya nang mahigpit nang bigla niyang pinaharurot ang motor. Nakapikit ako at mahigpit na nakakapit sa kanya dahil natatakot ako sa mabilis niyang pagpapatakbo. “Open your eyes, baby. Hindi mo makikita ang dinaraan natin kung pipikit ka,” sabi niya bigla mula sa mahabang katahimikan mula nang makaalis kami sa apartment ko. “Ayoko! Nakakatakot ang bilis mo!” sigaw ko para marinig niya. “Trust me . . .” sambit niya. Napahinga naman ako nang malalim at dahan-dahang dumilat. At ang una kong nakita ay ang magandang mga ilaw sa kahabaan ng tunnel sa gilid ng parke. Napangiti ako dahil ang ganda. “Ang ganda . . . ” namamanghang sabi ko. Napaiyak ako dahil sa ganda at kakaibang pakiramdam na dala nito sa akin. Hindi ko alam kung nasaan na kami, pero ngayon ko lang nakita ang mga ilaw na naghuhugis puso sa napakahabang kalye na ito. Nang mawala na ang kalyeng dinaraanan namin ay ang isang pader naman na may mga nakapinta na iba’t ibang 3D painting na parang totoo talaga at buhay na buhay kapag nakasakay ka sa motor. Ang mga nakapinta roon ay ang isang dagat na may palubog na araw. Meron ding mga dolphin na galing mula sa tubig. At meron ding isang batang babae na kalaro ang kanyang magulang. Mapait akong napangiti dahil mabuti pa ang batang babae sa painting ay ramdam ko na may magulang siya. Ako na totoong tao ay parang walang magulang na umaaruga. Nawala na ang mga pader at napansin ko na dumilim na. Umalis ako sa pagkakasandal sa likod niya at tumingin sa paligid habang nakakapit sa polo niya at tiyan. “Nasaan tayo?” tanong ko. Hindi siya sumagot at dineretso niya lang ang pinakagitna ng dinaraanan namin. Hininto na niya ang pagpapatakbo at pinatay ang motor. Bumaba ako at inalis ang helmet. Bumaba rin siya at lumapit sa isang bench na tila sadya ang pagkakagawa. Tanaw rin ang mga ilaw na nagmumula sa baba kung saan ay mga ilaw sa kabahayan at building ng cities ang makikita. Naupo siya sa bench na narito at sumandal siya bago humalukipkip. Alangan man ay lumapit din ako at maingat na naupo sa tabi niya na may malayong distansya sa kanya. “Bakit mo ako dinala rito?” tanong ko mula sa mahabang katahimikan. “Nothing,” maikli niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya. Nakapikit siya habang nakahalukipkip at nakadekwatro. “’Wag ako ang titigan mo. Hindi gagaang ang loob mo kung ako ang tititigan mo,” biglang dagdag pa niya kaya napaiwas ako ng tingin. Huminga ako nang malalim at tumingin sa mga ilaw. Wala ngang bituin sa langit, meron naman sa lugar na ito. Napangiti ako dahil ngayon ko lang napagtanto kung bakit niya ako dinala rito. Ewan ko kung bakit alam niya ang nararamdaman ko ngayon, pero at least, gumaan ang loob ko dahil sa ginawa niya. “Alam mo ba na lagi kong kinokonekta ang bituin sa nararamdaman ko. Kapag malungkot ako, hindi sila nagpapakita. Pero kapag masaya ako, napakarami naman nila at kumukutitap pa sa ganda. Mabuti pa sila, alam ang nararamdaman ko. Pero ang mga magulang ko, hindi na yata nila maramdam ang nararamdaman ko,” sabi ko. Kahit na ayaw man niya akong pakinggan ay sasabihin ko ito dahil siya lang ang tanging malalabasan ko ngayon ng sama ng loob. Hindi naman niya ako lubusang kilala kaya ayos lang na magkwento ako. “’Wag mong pilitin ang isang tao na mahalin ka pabalik, dahil mas masakit ang ipagsiksikan mo ang sarili mo sa isang tao na hindi naman nakakabuti para sa ’yo,” wika niya na ikinayuko ko. “Siguro nga. Sana pala hindi na lang nila ako dinala sa mundong ito kung parang isang bagay lang din naman ako sa kanila na hindi kapakipakinabang at pababayaan na lang,” sabi ko at napabuntonghininga. “Tsk. Napakadrama mo,” sabi niya at tumayo. Nabigla ako nang hawakan niya ang pulso ko at itinayo ako. Dinala niya ako sa harap niya habang nakaharap sa kawalan. “Sumigaw ka at ilabas mo lahat ng hinanakit mo sa magulang mo o kahit na sa kanino. Nakakatulig ang pagdadrama mo,” bulong niya at umalis sa likod ko. Lumingon ako sa kanya na lumayo sa akin at may sinindihang sigarilyo. Napahinga ako nang malalim at tumingin muli sa tanawin. Kung ilalabas ko ba lahat ay gagaan na nga ba ang pakiramdam ko? Sana nga . . . Pumikit muna ako at napakuyom ng kamay bago dumilat. Nilagay ko sa magkabilang gilid ng bibig ko ang pareho kong kamay. “Ma! Pa! Bakit ganyan kayo?! Hindi n’yo ba alam na may anak pa kayo! Bakit hindi n’yo man lang ako naaalala ’pag may family bonding kayo?! Bakit hindi n’yo man lang naaalala na batiin ako sa kaarawan ko?! Bakit hindi n’yo man lang alam na nasasaktan ako sa tuwing hindi n’yo ako pinapansin?! Noong graduation ko, hindi man lang kayo pumunta! Noong sasabitan ako ng award, hindi n’yo man lang ako sinabitan! Ni minsan hindi n’yo pinuntahan ang isa man lang sa event sa school ko! Bakit hindi n’yo man lang ramdam ang effort ko para pansinin n’yo?” Napahinga ako nang malalim at napahawak sa dibdib ko. Napaiyak ako nang mailabas ko lahat. Napakarami ko pang gustong sabihin pero parang sasabog na ang puso ko, dahil kada babanggitin ko ang mga mahahalagang araw sa buhay ko na hindi man lang nag-effort ang magulang ko ay nasasaktan ako. Napatingin ako sa braso ko nang may unti-unting pumatak. Tumingala ako at mapait na napangiti dahil maging ang kalangitan ay sumasabay sa pag-iyak ko. Pumikit ako at dinama ang ulan nang bigla na lang umulan nang malakas. “s**t! Let’s go!” sabi nang baritong boses na inis at hinatak na ako palapit sa motor niya. Sinuotan niya ako ng helmet at pinaupo sa unahan niya. Napakapit ako sa hawakan nang paandarin na niya iyon. “This is your fault,” aniya habang maingat na nagmamaneho. Naiilang ako dahil para siyang nakayakap sa akin, pero hindi ko na lang pinahalata. “Simula ngayon ay ayokong nakikita ang pag-iyak mo. Nabasa pa tuloy ang baby ko sa pagdadrama mo,” sabi niya na kinakunot ng noo ko. “Huh? Sinong baby?” “Edi itong sinasakyan mo!” tugon niya. Napanguso ako dahil ito lang pala. Mas madrama naman pala siya. “Ito lang pala . . .” “Hindi lang basta, basta ito. Mas mahal pa ito sa buhay ng boyfriend mo,” sabi niya. “Bakit, magkano ba ito para ikumpara mo sa tao?” “Baka ’pag sinabi ko, malula ka lang,” sabi niya. “Kunwari ka pa. Baka naman mumurahin lang ito,” sabi ko at natawa. “One million,” sabi nito. “Huh?” “One million dollar ang halaga nito.” Napanganga ako sa sinabi niya. One million tapos dollar pa?! Humalakhak siya sa tapat ng tainga ko kaya napalayo ako nang kaunti. “Sabi ko sa ’yo, ’wag mo nang itanong . . .” bulong niya. Tama siya. Dapat nga hindi ko na tinanong pa. Nakabalik na kami agad at paghinto namin sa apartment ko ay tumila na ang ulan. Bumaba ako habang hinuhubad ang helmet niya. Inabot ko ito sa kanya kaya kinuha niya at sinabit sa manibela ng motor niya. Napatingin siya sa akin dahil hindi pa ako pumapasok. “Why?” pagtatanong niya. “Gusto ko lang sana na magpasalamat . . .” nahihiya kong sabi. “Don’t worry, may bayad ’yon. Kaya ihanda mo ang sarili mo dahil malaki akong maningil,” sabi niya at ngumisi. Aapela pa sana ako nang bigla niyang pinaharurot na ang motor niya. Napahinga ako nang malalim at hindi ko alam pero napangiti ako. Ngayon ko lang din napansin na parang nawala ang kaba at inis ko sa kanya. Siguro ay dahil siya ang taong nagawang pagaanin ang loob ko. “Salamat, Esteban!” sigaw ko kahit na hindi na niya siguro narinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD