bc

MAFIA BROTHER OWNED HER [COMPLETED] Tagalog

book_age18+
39.7K
FOLLOW
279.6K
READ
forbidden
possessive
sex
kidnap
family
escape while being pregnant
arrogant
goodgirl
bxg
like
intro-logo
Blurb

Dimitri Sergio is a mafia boss. He is cruel and a heartless man who can kill if needed. Napasok siya sa ganung uri ng trabaho dahil sa naging malabong pagsasama ng kanyang pamilya.

Beatrice Ford is an adopted daughter. For seventeen years of existence, she never has freedom. Pero ang kalayaang nais niya ay makakamit lamang kapag nakatungtong na siya ng disi-otso.

And despite of being a sibling, Dimitri Sergio secretly loved his adopted sister. He wants her to be his. Kahit bawal ang pag-ibig niya ay wala siyang sinasantong batas.

At iyon ang kinaiinisan ni Beatrice sa kanya. Ang pagiging maangkin at mahigpit nito sa kanya. Isa lang ang naisip ni Beatrice para makawala siya sa pagiging mahigpit nito at iyon ay ang tumakbo palayo sa kapatid niya. Pero hindi siya hahayaan ni Dimitri na makatakas at makalayo.

At para mangyari iyon ay isang desisyon ang ginawa ni Dimitri na hindi niya pinagsisisihan.

He raped and impregnated her. Makakawala pa kaya si Beatrice sa kamay ng isa sa kinatatakutan na Mafia Boss?

chap-preview
Free preview
SIMULA
MARAMING TAO ANG dumalo sa mansyon ng pamilyang Ford upang saksihan ang ipakikilalang anak na babae ng mag-asawang Ford.       Sa nakalipas na labing walong taon ay naging mailap sa mga tao ang babaeng ampon ng mga Ford. At para na rin sa seguridad nito ay pinatiling pribado ito upang walang magtangka nang masama sa babae. Dahil kung tatanungin, ang Ford ay kilalang mayamang pamilya sa kanilang lugar. Kaya hindi rin maiwasan na marami ang nagtatangkang kalabanin sila gamit ang dahas.     At dahil gusto na rin nilang malaman ng ibang tao na may meron silang isang prinsesa sa bahay ay napagpasyahan ng mag-asawa na ipakilala ito sa lahat. Hindi sila nag-imbita ng media upang maging pribado pa rin ang kanilang anak.     Sa harap ng salamin ay masayang nakangiti si Beatrice. Maganda, elegante, at tiyak na mabibighani ka sa kanyang ayos. Gawa pa ng isang sikat na fashion designer na galing sa France ang kanyang suot. Isa itong strapless cube balloon gown na kulay puti at may nakapalibot pang diamond sa bawat tela nito. May suot din siyang mahabang kulay puting gloves sa kanyang dalawang kamay, na gawa pa sa malambot at madulas na tela.     Kinulot din ang dulo ng kanyang blonde na buhok habang nakapusod ang kalahati nito na nilagyan pa ng koronang maliit sa tuktok. Hindi makapal at hindi rin manipis ang kanyang make-up, sakto lamang ito sa maputi at makinis nitong kutis. Ang manipis niyang mga labi ay pinahiran ng pulang lipstick na lalong nagpatingkad sa kanyang kutis.     “I’m so excited.” Hindi matawaran ang kanyang saya hindi dahil kaarawan na niya, kung hindi dahil maaari na siyang makalabas ng mansyon at makisalamuha sa ibang tao.     Dati kasi ay hindi siya pinayagan ng mga taong kumupkop sa kanya na lumabas ng mansyon. Kaya lumaki siyang walang kaibigan, laging libro lang ang kaharap upang maiwasan ang pagkabagot, home schooled din siya at graduate na ng high school.     Napagkasunduan kasi nilang dapat siyang sumunod sa mga ito at mananatili lamang siya sa bahay para na rin sa kanyang kaligtasan.     Nauunawaan niya iyon. Ngunit may hiniling siya sa mga ito na kapalit. Na sa pagtungtong niya ng disi-otso ay maaari na niyang gawin ang lahat ng kanyang gustong gawin.     At ngayon nga ang araw na kanyang pinakahihintay. Kinakabahan siya sa maaaring mangyari, lalo na sa gagawin niyang pagharap sa mga tao mamaya.     “Oh! You’re so gorgeous, Darling.” Napabaling ng tingin si Beatrice nang may magsalita mula sa pintuan. Napangiti siya nang makita ang kanyang ama na si Anthonio.     “Thanks, Dad. You look great with your suit, mas lalo kayong bumata,” papuri niya na kinahalakhak nito kaya lumabas ang wrinkles. Pero hindi rin maitatanggi na may kagwapuhan itong tinataglay kahit na matanda na.     “Alam na alam mo talaga kung paano ako pangingitiin, Darling. Manang-mana ka talaga sa ina mo,” nakangiti nitong sabi at lumapit sa kanya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa upuan at yumakap sa ama pagkalapit nito sa kanya.     “Naku, Dad, hindi ko po kayo binobola. Ang gwapo n’yo pa rin kaya nga po nagseselos pa rin si Mommy kapag may babaeng umaaligid sa inyo.” Bumitiw siya ng yakap dito at inaya itong maupo sa kama.     “Talaga nga naman ang mommy mo. Nagseselos pa rin kahit na sa kanya lang naman ako nagpapapansin. Well, totoo naman ang sinabi mong gwapo ang daddy mo kaya hindi ko siya masisisi.” Napailing siya sa kalokohan ng ama at humilig na lang siya sa balikat nito.     “Dad,” aniya at yumakap sa baywang nito.     “Yes, Darling?” tugon nito at hinaplos ang kanyang buhok sa maingat na paghaplos upang hindi magusot.     “Maraming salamat po sa inyo ni Mommy. Kung hindi n’yo po ako inampon, siguro wala pa rin po akong matatawag na pamilya. Sobra-sobra po talaga ang pasasalamat ko dahil kayo ang naging pamilya ko. Hindi ko po tuloy alam kung papaano ko po kayo pasasalamatan sa pagmamahal at pag-aalaga n’yo sa akin,” madamdamin niyang pahayag.     “Shhh, hindi naman kami humihingi ng kapalit ng mommy mo. Minahal ka namin dahil mabait, mapagmahal, at sweet kang bata. Ang gusto lang naman namin ay maalagaan ka nang maayos at mahalin bilang tunay na anak. Pero kung gusto mo talagang bumawi, ang gusto ko lang ay huwag kang magbabago at lagi mong iingatan ang sarili mo. Gusto rin sana naming makapagtapos ka ng pag-aaral at marating mo ang gusto mong abutin. ’Yon lamang ang hiling ko, anak.”     Lalong napangiti si Beatrice sa sinabi ng kanyang ama. Hindi niya alam pero ang swerte niya sa mga taong kumupkop sa kanya. Wala na siyang ibang mahihiling pa sa pamilya niya. Kuntento na siya.     Mababait din ang mga tunay na anak ng kanyang mga magulang, maliban lang sa panganay na si Dimitri, ang tinatawag niyang kuya.     May pagka-masama kasi ang ugali nito. Lagi siyang kinokontra nito sa mga gusto niyang gawin. Mabuti nga at umalis ito para mangibang bansa. Naging tahimik ang kanyang buhay, wala nang sumasalungat sa kanya. Lalo pa ngayon dahil sasabihin na niya ang kahilingan niya sa mga magulang nila—ang maging malaya. Tinuon niya talaga iyong sabihin habang wala ito, dahil nakasisiguro siyang kapag nalaman nito iyon ay kokontra at pipilitin lang nito ang mga magulang nila na huwag sundin ang gusto niya.     “Narito ka na pala, Anthonio, hindi mo man lang ako sinabay. Ano bang pinag-uusapan n’yo at tila masyado kayong seryoso? Kaarawan pa naman ng ating prinsesa ngayon,” pag-uusisa ng kanyang ina na si Helen sa bungad pa lang ng pinto. Maamo ang mukha nito at may kagandahang tinataglay. Dati itong isang beauty queen na ang sabi ay binuntis daw agad ng kanyang ama para daw wala nang umagaw pa.     Natutuwa siya dahil may kapilyuhan pala ang kanyang ama noong kabataan nito. Inis na inis ang kanyang ina noong ikinukwento iyon sa kanya. Dapat sana ay sasali ito sa isang international pageant pero hindi natuloy dahil kinidnap ito ng ama niya at binuntis. Kaya wala nang chance pa na sumali uli. Pero hindi naman daw ito nagsisisi, dahil mahal na mahal nito ang daddy niya. Kung siya ang nasa katayuan ng kanyang ina ay ayaw niya ng ganoon. Ang gusto niya ay isang lalaking maginoo, mabait, at iyong susuyuin siya. Hindi iyong namimilit at seloso.     “Wala. Masaya lamang kami ng anak natin at kinakabahan din sa mangyayari sa kaarawan niya. Hindi na kita hinintay, dahil anong oras ka pa matatapos sa pagme-make-up mo? Naunahan ka pa ng anak mo sa pag-aayos.”     Natawa siya nang paluin ng mommy niya sa braso ang daddy niya. Parang mga bata ito na nag-aasaran. Ito ang gustong-gusto niyang nakikita sa kanyang mga magulang, ang pagmamahal ng mga ito sa isa’t isa.     “Ikaw talaga, Anthonio, puro ka kalokohan. Alis nga d’yan, gusto kong mayakap ang anak natin. Naku, dalagang-dalaga na talaga, pwede nang maligawan.” Namula siya sa sinabi ng mommy niya. Hindi siya sanay sa ganoong topic, naiilang pa siya dahil nga hindi pa naman siya nakakasalamuha ng ibang lalaki.     “Mom!” pikon niyang sabi na kinahalakhak ng mag-asawa.     “Huwag ka nang mahiya, Darling. Dadating ka rin naman doon. At kapag may lalaki kang magugustuhan, dapat ay huwag mong ililihim sa amin, ha?” sabi ng mommy niya kaya tumango siya kahit ayaw niya sa ganoong usapan. Wala pa naman siyang balak na mag-entertain ng boys. Ang gusto lamang niya ay maranasan din ang mga ginagawa ng mga kabataang kaedaran niya na hindi pa niya nararanasan sa buong buhay niya.     Napalingon sila sa pintuan nang may kumatok. Bumukas iyon at dumungaw ang organizer ng event niya.     “Kailangan n’yo na pong bumaba, marami na pong bisita ang nag-aabang sa inyo,” balita nito, kaya tumayo na sila.     “Sige, sabihin mo na susunod na kami,” utos ng daddy niya habang inaayos nito ang nagusot na formal suit.     “Masusunod po.” Umalis na ang organizer kaya sila na lang uli ang naiwan sa kwarto niya.     “Let’s go, ladies. Naghihintay na ang ating mga bisita,” aya ng daddy niya.     Masaya at sabay-sabay nilang nilisan ang kwarto niya upang tunguhin ang pagdadausan ng kanyang kaarawan. Kinakabahan man pero nananabik din siya. This is it! Makakamtan na niya ang kahilingan niya. At sana ay hindi masira ang kanyang gabi.                 “LADIES AND GENTLEMEN, please welcome our birthday celebrant, Ms. Beatrice Ford! Together with her parents, Mr. and Mrs. Ford!” pagpapakilala ng emcee na nasa stage. Umikot ang ilaw at tumapat iyon sa hagdan mula sa stage sa itaas. Tumapat ang spotlight kay Beatrice at sa mga magulang niya. Mabuti na lamang at nasa tabi niya ang mga magulang, kung hindi ay baka nangatog na ang tuhod niya sa sobrang kaba at pagkailang mula sa mga taong nakatutok ang mga mata sa kanila. Napuno ng palakpakan ang buong lugar, nakangiti silang bumaba at lumapit sa gitna kung nasaan ang microphone.     “Good evening, everyone. Gusto kong pasalamatan ang lahat ng dumalo sa kaarawan ng aming nag-iisang prinsesa. Maraming salamat! Sana ay mag-enjoy kayo at mabusog sa mga pinahanda naming salusalo,” paunang bati ng kanyang ama sa mga bisita na mga nakangiti at pumapalakpak sa kanila. Matapos magsalita ng ama ay ganoon din ang ginawa ng kanyang ina. Kaya naman kinabahan na siya nang siya na ang babati. Huminga muna siya ng malalim at tinatagan ang loob upang hindi mabulol.     “Maraming salamat po sa inyong lahat sa pagdalo sa aking kaarawan. Ito po ang unang pagkakataong humarap ako sa maraming tao, kaya pasensya na po kung kinakabahan ako.” Napahalakhak naman ang lahat kaya medyo nawala ang kaba niya. “Sana po ay mag-enjoy po kayong lahat ngayong gabi. Magandang gabi po,” maligaya niyang pagpapatuloy bago ngumiti nang malapad. Humarap siya sa mga magulang niya na masayang nakatingin sa kanya at naka-thumbs up pa!     Inaya na siya ng mga ito na maupo sa isang princess chair na kulay pula at napalilibutan ng mga bulaklak.     Naging masigla at masaya ang birthday party ni Beatrice. May kaunting palaro na inihanda at may mga mensahe siyang natanggap mula sa iba’t ibang tao ngunit hindi niya kilala ang mga iyon. Ganoon pa man din ay maluwag niya iyong pinakikinggan.     Maya-maya lang ay nagsimula na rin ang sayaw para sa 18th roses. Ang unang nagsayaw sa kanya ay ang kanyang ama.     “Nagustuhan mo ba ang hinanda namin para sa ’yo, anak?” tanong ng ama habang mabagal silang sumasayaw.     Ngumiti siya rito at yumakap. “Yes, Dad, I like it. I mean I love it! Very much!” buong puso niyang sabi. “Thank you for this, Dad.”     “You’re welcome, anak. Alam mo namang pagdating sa ’yo ay ibibigay namin ang best namin, kaya masaya ako at nagustuhan mo,” masaya nitong sabi at tinapik-tapik siya sa likod.     Huminto na sila nang matapos ang turn ng daddy niya at para isayaw naman siya ng iba. Kahit hindi niya kakilala ang mga nagsasayaw sa kanya ay ayos lang. Mas lalo siyang sumaya nang sumunod ang kapatid niyang si Xander. Nilahad nito ang isang kamay na may hawak na rose. Pang-17th roses ito. Akala niya ay hindi na ito makadadalo dahil busy rin ito sa kompanya. Nagulat siya nang hindi pala nito nakalimutan ang kaarawan niya.     Kinuha niya ang rose na nilahad nito at kumapit siya sa kamay at balikat nito bago sila nagsimulang sumayaw.     “You are so gorgeous, Sis. Kaya hindi ako magtataka kung bakit ang tagal kang isayaw ng mga kalalakihan dito,” bungad nito. Imbes na batiin siya ay binola at inasar pa siya nito. Pinalo niya nang mahina ang braso nito na kinahalakhak nito.     “Heh! Nambola ka pa. Lagi mo nga akong tinatawag na pangit noon. Nasaan na ang Xander na palaging nambu-bully sa akin noon?” pagsakay niya sa kinakapatid at kuya rin niya. Ngunit hindi niya tinatawag na kuya ito dahil ayaw naman nito. Ang dami talaga nitong kaartehan! Pero kung sa pagitan ni Xander at ng Kuya Dimitri niya, ito ang pinaka-close niya. Magka-vibes kasi sila ng ugali nito.     “Well, wala muna siya ngayon dahil talaga nga namang napakaganda ng kapatid ko. Mabuti hindi namatay ang make-up artist? Akala ko mahihirapan silang pagandahin ka.” Piningot niya ito sa tainga dahil sa sinabi nito, nagsisimula na naman itong mang-asar. Tawa lang ito nang tawa habang sumasayaw sila. Sayaw pa nga ba ang ginagawa nila o harutan na?     Naputol lang ang harutan nila nang mapasinghap ang mga tao at huminto ang kapatid niya sa pagsasayaw na parang nagulat. Napatingin siya rito na nagtataka at nilibot niya ang tingin sa paligid dahil biglang tumahimik. Lalo siyang naguluhan na ganoon din ang expression ng mga bisita habang nakatingin sa likod niya.     “It’s my turn, brother.” Nanigas siya kinatatayuan at kinabahan siya nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Ngayon ay alam na niya kung bakit ganoon ang reaksyon ng lahat.   Because her Kuya Dimitri is back! And she’s dead.     Copyrights 2016 © MinieMendz Book version 2019

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAFIA SERIES 6: MY LORD

read
343.8K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
533.7K
bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
342.0K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
311.9K
bc

Run Honey Run / Mafia Lord Series 4 Completed

read
317.1K
bc

His Obsession (Tagalog)

read
89.3K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
197.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook