CHAPTER 1

1298 Words
Dimitri is back BEATRICE    DAHAN-DAHANG LUMINGON SI Beatrice sa likod niya at bumungad sa kanya ang nakangisi niyang kuya na si Dimitri habang nakatingin sa kanya. Wala pa ring pinagbago ang itsura nito, maliban lang sa balbas sa pagitan ng patilya at baba nito. Bumagay ito sa lalaki dahil may kaputian din itong taglay.     Napalunok siya at ngumiti nang mapakla sa lalaki. Siguro kung may tinik lang ang rosas na hawak niya ay kanina pa siya natinik sa sobrang diin ng pagkakahawak niya sa mga ito. Kinakabahan kasi siya at nabigla dahil sa biglaan nitong pag-uwi, hindi niya inaasahan iyon.     “He-hello, K-Kuya. Ang aga mo yatang umuwi?” mahinang bati niya, pero halos binulong na lang niya ang huli. Lalo na nang lumapit ito sa kanila ni Xander na tahimik lang sa tabi niya. Hindi niya alam kung bakit tumahimik na lang ito bigla.     “Bakit? Ayaw mo bang makita ang mukha ko?” bitin na tanong nito at nilapit ang bibig sa tainga niya. “O baka dahil nangangamba kang baka maudlot ang paglabas mo rito sa mansyon?” mariin nitong pagpapatuloy na kinatulos niya ng tayo. Umayos uli ito ng tayo habang nakatingin at nakangisi sa kanya. Napakuyom siya ng kamay at binalingan ang mga magulang nila upang humingi ng tulong, na agad namang nahulaan ng mga ito. Lumapit ang mga magulang nila sa kanila. Pumagitna ang kanilang ama habang ang kanilang ina ay nakaalalay sa kanya, tila pinapahiwatig na huwag siyang aalis sa tabi nito.     “Please, Dimitri, huwag mong sirain ang kaarawan ng kapatid mo,” mariing wika ng kanilang ama. Umiling-iling at pagak lang na tumawa ang Kuya Dimitri niya.     “Oh, c’mon! Ganito ba ang ibubungad n’yo sa akin, Dad? At bakit n’yo naman naisip na sisirain ko ang birthday party ng aking kapatid?” nakakalokong sabi ng kuya niya, habang nakangisi ito na tila sinusura pa ang kanilang ama na ngayon ay namumula na sa galit. Nabahala siya kaya hinimas niya ang likod nito upang pakalmahin. Huminga nang malalim ang kanilang ama at hinarap ang mga bisita.     “Humihingi ako ng paumanhin sa kaguluhang ito. Pasensya na rin kung tatapusin na namin ang selebrasyon,” paumanhin ng kanilang ama sa mga bisita na agad namang nagsitayo at binati muna siya bago nag-alisan.     Nanghihinayang siya dahil hindi man lang natapos ang engrandeng kaarawan niya. Lagi na lang nasisira ang mga masasayang bagay sa buhay niya dahil sa kanyang kuya. Ni hindi niya alam bakit ito ganito sa kanya.     Minsan ay naiisip niyang siguro ay dahil hindi pa siya tanggap nito. Lagi pa nitong sinasabi sa kanya na kailanman ay hindi siya nito gustong maging kapatid at ayaw nito na tinatawag niya itong kuya. At dahil din sa ugali nito kaya hindi ito kasundo ng ama.     Nang makaalis na ang halos lahat ng bisita ay binalingan sila ng kanilang ama na may seryosong mukha.     “Sumunod ka sa opisina ko, Dimitri,” mariin nitong utos sa kapatid niya. Pagkasabi ay lumakad na ito at iniwan sila sa pinagdausan. Kumapit siya sa braso ng kanyang ina at sinabay siya nito sa paglalakad papasok sa loob. DIMITRI      NAIWAN SI DIMITRI at ang kapatid niyang si Xander na wala yatang balak umalis sa kinatatayuan. Hindi na sana niya ito papansinin at hahakbang na sana siya nang ito ang pumigil sa kanya.     “Talagang umuwi ka pa rito, bastardo? Lahat na lang ng bagay na nagpapasaya sa kapatid natin ay sinisira mo!” galit na wika sa kanya ni Xander. Hinawi niya ang kamay nito mula sa pagkakahawak sa balikat niya at nakapamulsa siyang tumayo sa harap nito. Tumaas ang sulok ng labi niya habang tinitingnan ang kapatid—mata sa mata.     “It’s nice to see you again, brother. Thank you for your beautiful greetings, I appreciate it,” sabi niya sa nauuyam na tono. Kinuwelyuhan siya nito at tuluyan nang namula dahil sa galit. Nakipagtagisan siya rito ng tingin na lalo nitong kinagalit.     “Huwag na huwag mong lalapitan si Beatrice, binabalaan kita! Dahil kahit kapatid kita, sisiguraduhin kong mauubusan ka ng hininga sa gagawin ko!” banta nito. Sumeryoso siya at malakas na tinulak ito dahilan kung bakit napaupo sa sahig ang lalaki. Sinipa niya ito sa mukha at inapakan sa dibdib upang hindi na makatayo. Diniin niya ang pagkakaapak niya rito habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kapatid.     “Hindi ikaw o sino man ang makakapigil sa gusto kong gawin. Whether you like it or not, ang gusto ko pa rin ang masusunod, kaya huwag kang pakialamero! Dahil kahit kapatid din kita,” mariin niyang tugon, nilabas ang baril na nasa pocket lang ng coat niya, at tinutok iyon kay Xander, “sisiguraduhin kong babaon sa bungo mo ito oras na makialam ka pa!” pagpapatuloy niya bago niya inalis ang pagkakatapak sa dibdib nito. Umalis na siya at binalik uli ang baril sa pocket niya at ngumiti na tila may binabalak, base pa lang sa klase ng kanyang pagngiti.     “Father, ikaw naman ang haharapin ko. At ikaw ang susunod, Beatrice ko,” aniya sa isip bago tinungo ang opisina ng kanyang ama. BEATRICE         MOM, BAKIT BA palagi niya akong ginugulo? Wala naman akong ginawa sa kanya para tratuhin niya ako ng ganito! Hindi po kaya, hindi niya ako gustong maging kapatid kaya niya ako laging ginugulo?” madamdaming wika ni Beatrice sa kanyang ina nang tumabi ito sa kanya sa pag-upo sa kama at niyakap siya upang pakalmahin.     “Shhh, huwag mong isipin ’yan, anak. You know your brother. Masyado lamang mainitin ang ulo niya at ang gusto niya ang dapat na laging nasusunod. Huwag kang mag-alala, sisiguraduhin kong hindi na mauulit ito. Kakausapin ko ang kuya mo na tigilan na niya ang ginagawa niya,” pagpapakalma sa kanya nito habang hinahaplos ang kanyang likod. Bumitiw ito at tiningnan siya habang nakahawak sa magkabila niyang pisngi. “Ang mabuti pa ay maglinis ka na ng katawan at magpahinga ka na lang. Don’t stress yourself, okay?” Tumayo na ito mula sa pagkakaupo sa kama. Tumango siya at ngumiti nang kaunti.     “Good night, Darling,” sabi pa nito at humalik sa noo niya.     “Good night, Mom,” tugon niya at humalik sa pisngi ng ina. Umalis na ito sa harap niya at hinatid na lamang niya ito ng tanaw hanggang sa isara nito ang pinto.     Napahilamos siya ng mukha at hindi pa rin siya mapalagay, lalo’t narito ang kuya niya. Paano na ang freedom niya? Ngayon na narito na ito, natitiyak niyang gagawa na naman ito ng hindi maganda.     Minabuti na lang niyang magbabad sa bathtub para guminhawa ang pakiramdam niya.     Ni-lock muna niya ang pinto bago tinungo ang walk-in closet. Pumili siya ng isang pink sweat pants na gustong-gusto niyang pinantutulog. Komportable kasi siya sa ganoong uri ng tela. Malambot at maginhawa sa pakiramdam suotin. Pumili rin siya ng maluwag na damit at isa sa lacy panties niya. Hindi na siya nag-abala pang kumuha ng bra dahil hindi siya sanay na naka-bra habang natutulog. Well, sabi rin ng iba, it’s good for the women like her na huwag magba-bra kapag natutulog dahil maaari kang makaiwas sa sakit gaya ng breast cancer.     Kinuha na niya ang panibagong towel at lumabas na ng walk-in closet niya. Hinanda niya ang kakailanganin sa paliligo bago hinubad ang kanyang gown. Lumabas siya sa banyo at nilapag iyon sa kama.     Pumikit siya habang ninanamnam ang init ng tubig at bango ng ginamit niyang sabon. At least kahit papaano ay nawala ang iniisip niya, nare-relax ang utak niya habang naliligo.     “Perfect na sana ang lahat sa pamilya ko kung hindi lang gano’n si Kuya Dimitri. Ngunit talaga yatang walang perpekto sa mundo. Lahat ng gustuhin mo ay hindi ibibigay sa ’yo,” aniya at napayakap sa tuhod niya. Hindi niya mapigilang malungkot sa nasira niyang kaarawan. Sana ay maging mabait na sa kanya ang kuya niya. Sana.     Copyrights 2016 © MinieMendz Book Version 2019
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD