bc

The Heartless Doctor's Love

book_age18+
9.8K
FOLLOW
35.8K
READ
revenge
possessive
kidnap
arrogant
drama
tragedy
bxg
first love
lies
serial-killer
like
intro-logo
Blurb

Pagiging Doctor ang pinili ni Hammer Jackson Esteban na kanyang propesyon. Isang surgeon at pinakamagaling na batang doctor. Ngunit isa rin siyang walang puso na hindi pinapansin ang damdamin ng ibang pasyenteng tinatanggihan niya kapag nais siyang kuning maging doctor. Hindi alintana ni Hammer ang tawag sa kanya ng ibang tao dahil gagawin niya lang ang nais niya kung kailan niya gusto.

Pero makatanggi pa kaya siya kung ang babaeng dumadanas ng sakit ang manganib ang buhay. Makaya niya kayang gamutin ang puso ng babaeng puno ng lamig at dilim. Ang babaeng nais siyang saktan upang makamit ang ninanais.

'Love can manipulate people but not mine..' -Hammer.

© MinieMendz

chap-preview
Free preview
SIMULA
Hammer I've been annoyed by the press media before but I have to show respect for Grandpa James. All the cameras are focus on us. Everyone was waiting for what Grandpa would say while we were here in front of the hospital. "Nasabi ko na noon na kung sino ang unang magkaka-interest sa pagiging doctor sa aking mga apo ay ibibigay ko sa kanya ang hospital." Lolo said. Bumaling sa akin si Lolo na may ngiti at hinawakan ako sa balikat. Katabi niya ako dahil gusto niya lang. "This is my grandson, Hammer, and he will replace my position in the hospital." dagdag niya. Ngumiti ako kay Lolo pero agad ding nawala ang ngiti ko ng mapatingin sa paligid at may maramdamang kakaiba. Tumingin ako kay Theo at tinanguan ko ito bilang signal. Bago pa makaalis sila Theo ay may bagay na tumama na sa braso ko. Shit! "Are you alright, Apo?" tanong ni Lolo na kalmado lang gaya ko habang umaagos ang dugo sa braso ko. "Yeah. I need to find that sniper." ani ko na tinaguan nito pero kita ko ang pag-aalala sa mga mata nya. He's my Grand father after all. Agad na sumunod ako kela Theo habang hinuhubad ang suot kong suit. Tumingin ako sa paligid. Limang pung pulgada ang layo ng bumaril sa akin kaya alam ko na baka isa sa building ang pwesto niya. I swear you will face the hell after you ruined my suit. Tss. Tinalian ko ng panyo ang sugat ko ng tumigil ito sa pagdurugo. Mabuti't dumaplis ang bala dahil kung hindi ay kailangan ko pa na alisin sakali sa braso ko ang bala. Napangisi ako dahil tila hindi pa masyadong sanay ang gumawa nito. "Senyorito, clear, no one here." Dinig kong sabi ni Theo sa kabilang linya ng puntahan nila ang kabilang building. Kaya tumingin ako sa isang building kung saan ay isang konekta sa hospital. Tumakbo ako pero may nakabangga ako. "Sorry.." Tumingin ako sa babaeng nakabangga ko. Hindi ko na 'to pinansin dahil baka makatakas pa ang bumaril sa akin. Mabilis kong inakyat ang hagdan hanggang makarating ako sa rooftop. Pagdating doon ay wala na akong naabutan. Sumilip ako sa baba at sa pwesto ko kanina ay tamang-tama ang hula ko na dito pumuwesto ang sniper. "I'm late. The sniper is not here." ani ko. - Sonata Isang malakas na sampal ang natamo ko pero wala akong ano mang reaksyon. Sanay na ako. Manhid na ang buong katawan ko sa klase ng sakit.. "Tangna! Wala ka talagang silbi! Isang misyon lang ay pumalpak ka pang bata ka!" Lumuhod ako sa aking ama, "Patawad, Papa." Tumawa ito bago ako nito sinabunutan at tinayo ng walang ingat. Malakas na sinuntok ako nito sa mukha at binalibag kaya halos mahilo ako at dumugo ang labi ko. Napaubo ako at biglang nanghina ng may dugong tumulo mula sa noo ko ng tumama ako sa pader. "Ilang beses ko nang sinabi sa 'yo na wag kang papalpak dahil maliit lang ang pagkakataon natin na ma-tyempuhan ang James Esteban na iyon pero pumalpak ka pa rin!" Napangiwi ako ng hampasin ako nito ng sintron. Hindi ako umaangal dahil kapag gagawin ko ay lalo lamang siyang manggigigil na saktan ako. "Boss, tama na, wala ring saysay 'yan." Dumilat ako at napatingin kay Abe. Sumandal ako sa pader at napahawak sa mahapdi kong sugat dulot ng paghampas sa akin ng ama ko. "Wag mong papaalisin ang batang 'yan hanggang hindi gumagaling sa pagpatay! Peste!" Tumingin ako kay Papa na nilisan na ang kwartong kinasasaldakan ko. Mula nang mamatay si Mama dahil sa mga naging kaaway din ni Papa ay naging ganyan na siya sa akin. Sa akin niya ang binubuntong ang inis nya tuwing hindi niya nakukuha ang gusto. Isang assassin sina Papa at Mama na hawak ng isang mafia group. Bata palang ay tinuro na nila sa akin kung paano ang pumatay. Ngunit hindi ko magawa dahil noon ay masaya pa ako tuwing kalaro ko si Mama. Kaya balewala rin ang lahat ng tinuturo sa akin. Those days I can see the lights but now it's all the dark. And my father is gone also. I'm alone to this dark and I like it. Walang ibang makakakita ng kung ano ang nasa loob ko. Wala. "Bakit pumalpak ka?" Naupo si Abe sa lamesa habang nagsasalin ng alak. Hindi ko siya sinagot at dahan-dahan na tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sahig. Napapikit ako ng makaramdaman ng hilo ngunit umiling ako para maalis ang hilo ko. "Need my help?" tanong nya. Tumingin ako rito at napahinga ako ng malalim bago tumango. Pumikit ako at agad niya akong nasalo. Hindi ko na dinilat ang mga mata ko ng maihiga niya ako sa isang higaan. "Alin ang target niyong Esteban kanina?" tanong niya. Dumilat ako at napatingin sa kanya na ginagamot ang noo ko. "Maingay ka pa sa babae." sabi ko sa malamig na tono. Ngumisi siya. Pumikit na lang muli ako at inalala ang nangyari kanina. Nais ko sanang patamaan ang mafia lord ng Esteban pero dahil nabigla ako ng makita na para siyang nakatingin sa akin kaya sa katabi nitong lalake naitama ang bala ko. "Gusto mong malaman kung sino ang natamaan mo?" bakas sa tono ni Abe ang pang-uudyok. "Hindi na, wala rin namang saysay.." "Okay, sabi mo.." Si Abe at Ako ay magkasingtanda lang sa edad na bente kwatro. Halos sabay na rin kaming lumaki bilang assassin. Dating kanang kamay ang ama ni Abe ni Papa. Ngunit dahil sa mga Esteban daw kaya namatay ang parents nya. Minsan nakakainis na rin ang makita si Abe palagi pero walang pagpipilian dahil siya lang din ang malalapitan ko at hindi ako magagawang saktan ni Papa kung nand'yan siya. - Hammer I can't find who's the sniper. The cctv in front of that building was break and all the records are gone. Well it's interesting. Magaling siyang magtago pero hindi pa siya expert sa pamamaril. Kung ako ang target niya malamang sa dibdib o ulo niya dapat ako patatamaan.. "Good morning, Doc." Hindi ko pinansin ang bumabati sa akin habang naglalakad ako.. Agad na nagtungo ako sa operating room pagkatapos kong magpalit ng lab gown. "What's her cases?" I asked. "Stage 4 heart cancer." tugon ng nurse. Tumingin ako rito at nakita ko na isang sexy at magandang babae. Si Coleen. "How's her condition?" "It's all good, Doc. You can proceed now to operation room." sabi ng isang lalake na tumingin sa condition ng patient. Naglahad ako ng kamay kaya inabot sa akin ang tools para simulan ko na ang operasyon. Every second is important because this is the life. I choose to operate the heart surgery to see if all heart cases are the same.. After the forty five minutes I'm done. Tinignan ko ang patient bago ako tumalikod. "I let the rest to all of you." ani ko sa lahat ng nasa paligid ko. Tumingin ako kay Lolo na nasa taas na pinapanood ang pag-surgery ko sa pasyente. Tumango ako bago lumabas ng operating room. Lahat ng sinuot ko sa operating room ay hinubad ko at sinuot ko ang suot ko kanina. Lumabas ako para puntahan si Lolo sa office. The Esteban hospital is the largest hospital in pampanga. I can say that this is also the most popular among the other hospital. This hospital is important to Lolo. He said that this is his comfort place. This is the place why he and Grand Ma become one. "Lolo." Naabutan ko ito na nakaupo sa sofa habang kasama ang kanang kamay na si Nelson.. Tumango sa akin si Nelson kaya tumango ako. Lumuhod ako sa harap ni Lolo kaya hinawakan nito ang balikat ko. "Good job. You are really great today, Grandson." papuri nito na kinangiti ko. Isang malaking karangalan kung pupuriin ka niya. Idol ko si lolo pero ayokong maging mafia kagaya niya. Kaya ang pagiging doctor ang paraan para maipakita ko na isa ako sa mag-aalaga ng property niya. "Thanks, Lolo." Tumayo na ako at naupo sa katapat nitong upuan. "Sa lahat ng sakit, bakit heart surgery lang nais mong gamutin?" tanong ni Nelson. "Nothing. Curious lang ako kung iba-iba ba ang cases ng puso." "Ano naman ang natuklasan mo ngayon?" Umiling ako, "Nothing.. Still the same case." Natawa si Lolo at napailing tila sinasabi na isang kalokohan lang ang ginagawa ko. Alam ko na nakakatawa ang ginagawa ko pero hindi ko rin alam kung bakit obssess akong malaman ang lahat tungkol sa heart. Uminom ako ng tubig pagkaalis ni Lolo at Nelson ng hospital. Sumandal ako sa Vending machine habang iniisip kung ano pa ang magiging reaksyon ng puso. "Excuse me.." Napatingin ako sa babaeng nasa harapan ko. Hindi ko siya kilala dahil mukhang bago palang siya rito. Malamig ang tingin at walang emosyon ang mga mata. Nang hindi ako umalis ay malakas niyang sinipa ang vending machine. Tinignan ko siya na kinuha ang isang inumin kahit hindi siya naghulog ng barya. Napangisi ako sa technique niya. Tumalikod na siya pero bago siya umalis ay medyo lumingon siya sa akin. "Hindi mo mahahanap ang hinahanap mong sagot dahil tila wala ka naman no'n." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay lumakad na siya paalis. I don't get it what she said but I find her interesting. "Doc!" Tumingin ako kay Coleen. Agad siyang nakalapit. "Doc, kailangan kayo sa operating room. May naaksidenteng bata." Tinapon ko sa basurahan ang bote ng mineral at tsaka ako pumamulsa sa pants ko. "Call Doctor Suarez for that." I said. "Doc, kayo ang gusto ng guardian ng patient." Hindi ko na ito sinagot at naglakad na ako pero napahinto ako ng mapatingin ako muli sa babae. Tila sinasabi ng tingin nito na tama siya. Umalis na ito kaya sinundan ko siya ng tingin hanggang mawala ito sa paningin ko. Pero hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa akin para sundan ito.. Agad na inilang hakbang ko ang stairs para maabutan ko siya pero pagbaba ko ay hindi ko na siya makita. Where is she? "Emergency! Mr. Sato, please proceed to operating room!" sabi sa voice call ng hospital. Lumakad ako patungo sa board room dahil nakita ko na nagpuntahan lahat ng doctor doon. Pagpasok ko ay napatingin sa akin ang mga surgeon sa iba't-ibang case ng sakit. Tumingin ako sa operating room kung saan kita sa salaming ang buong operating room. Napatingin ako sa pumasok na doctor na naka-lab gown. Hindi siya si Doctor Suarez. Sinundan ko ng tingin ang doctor na iyon at lumingon ito sa akin. "Siya si Doctor Abe Sato. Ang magaling na doctor from japan." sabi ni Mr. Pariñas. Naupo ako sa upuan at pinanood ang gagawin nito. "Siya ba 'yung balita na magaling na japanese doctor?" "Yeah.. Twenty four years old lang siya pero very successful na bilang surgeon sa lahat ng cases. Very private din siya pero may ilang information din na malalaman sa kanya gaya ng ilan na ang nagamot niya na mahirap kaso ng mga sakit." "He's interesting." Napatingin ako sa isa pang pumasok at natigilan ako ng makilala ko ang taong iyon. Walang iba kundi ang babae kanina sa vending machine. Lumapit ito kung nasaan si Doctor Sato at hindi ko man lang alam na nurse pala ito. "Alam niya kung saan agad ang pinsala." "Sa kaso ng aksidente ng bata ay nabali ang buto at marami ang dugong nawala. Tingin ko ay malabo nang maka-recover ang bata sa sobrang pinsalang tinamo nito." Papalit-palit ng komento ang mga doctor habang pinapanood manggamot ang Doctor na iyon. Sino ba sila? Bakit pakiramdam ko ay may kakaiba sa kanila? Tinignan ko ang babae na wala man lang ginagawa kundi ang tumayo lang sa tabi ni Mr. Sato. 'Imposible! Sinasabi ba ng nurse na iyon ang dapat gawin kay Mr. Sato?' ani ng isip ko. Tumingin ako kay Doctor Sato na ngumiti ang mga mata kaya alam kong nakangiti ito. "Ano naman ang silbi ng nurse doon? Wala siyang ginagawa at tila tuod." ani ng isang doctor na kasama namin. "Hindi niyo ba nakikita.. Sinasabi niya kung saang parte ang napuruhan sa katawan ng bata. Tila kahit hindi tumingin ay kita na niya ang sanhi." sabi ni Mr. Pariñas sa katabi niyang doctor. "What? Paanong magagawa ang ganoong kadelikadong operasyon? Sigurado ba kayong magaling talaga ang Doctor Sato na 'yan?" "He is.." ani ko na kinatingin nila sa akin ngunit nakatingin lang ako kay Doctor Sato na iyon at sa nurse ng matapos na sila sa operasyon. Napatingin sa akin ang Doctor Sato at tila may sinasabi ang tingin niya. Hinawakan niya sa kamay ang babaeng nurse para akayin na palabas ng operating room. Hindi ako mapakali dahil gusto kong malaman kung sino sila. Tumayo na ako para agad na puntahan sila. Agad na nagmadali ako sa paglalakad, ngunit napahinto ako ng makasalubong ko na sila. Nang maalis ang face mask sa mukha nila ay kita ko ang pagngiti ni Doctor Sato. "Ikaw siguro si Doctor Esteban?" "Yes. Congratulations for your successful operation." Ngumisi ito, "Wala iyon. Simple lang ang inabot ng batang iyon kesa sa una kong pasyenteng nagamot." Tumingin ako sa babae na naglakad na ito para umalis at parang may sariling mundo. "She's tired. I have to go, Doctor Esteban. Nice meeting you.." Umalis na rin ito sa harap ko kaya nilingon ko sila. Hindi ko alam kung bakit interesado ako sa kanila lalo na sa babae. Naalala ko ang sinabi ng babae. Hindi ko daw mahahanap ang hinahanap kong sagot dahil wala daw ako no'n. Paano niya nalaman ang iniisip ko? - Sonata "Soul.." Nagbalik ako sa sarili ng hawakan ako sa balikat ni Abe. Napahinga ako ng malalim. "Thank you for your help, Abe." Tumingin ako sa kanya ng parehong balikat ko na ang hinawakan niya. "You don't need to do this. I can do this on my own." Umiling ako sa sinabi niya, "'Wag mong sabihin 'yan, Abe. Kahit na umayaw ako ay ito ang gusto ni Papa." Napahinga siya ng malalim, "Anong napag-usapan niyo ni Esteban?" Naalala ko ang pagtanggi ni Esteban na gamutin ang bata. Sa nabasa ko tungkol sa kanya ay hindi siya gumagamot ng ibang sakit bukod sa heart surgery. Napailing ako dahil walang pusong katulad niya ay heart surgery pa ang pinili. Wala siyang puso sa paggamot sa batang nangangailangan.. Sabagay, pareho lang kami. Ginawa ko lang ito kasama si Abe dahil sa misyon namin. At iyon ay ang makuha ang inaasam ni Papa na makamit. At gagawin ko ang lahat ng nais niya para makuha ko lang at mapasaya siya. Dahil wala ng importante sa akin kundi si Papa, wala nang iba.. © MinieMendz

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.3K
bc

His Obsession

read
72.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook