KABANATA 1

4029 Words
Hammer Sumandal ako sa head board ng kama at napahilot sa bridge ng ilong ko. I have many thoughts in my head and including that the girl nurse in the hospital. "Honey, thank you for wonderful night. I know you like me too." Tumingin ako sa babaeng hindi ko matandaan ang pangalan. Pinagapang niya ang daliri sa hubad kong dibdib. "Leave." sabi ko at hinawi ang kamay niya bago ko kunin ang cigarette at sinubo. "But--" "Leave now, b***h!" sigaw ko at tinignan ito ng malamig. Napamaang ito pero pagkaraan ay parang tumigas ang mukha nito bago nagdadabog na umalis ng kama. Sinuot niya ang damit at aalis na sana siya ng pigilan ko siya. "Wait.." Napangiti siya na humarap muli sa akin, "Yes, Honey?" Tsk. "Throw this in the garbage bin." utos ko at nilahad sa kanya ang gamit na condom. Ang nakangiti niya kaninang mukha ay napalitan ng pagkainis bago padabog na kinuha sa akin iyon. Humithit ako ng sigarilyo bago ibuga. "Arrogant Jerk!" sigaw nito bago umalis. Napailing na lang ako at bumangon mula sa kama. Kaya ako nagpasyang kumuha ng condo para hindi malaman ng kung sino mang babae ang tunay na bahay ko. Tiyak na mag-iisip lang si Mommy ng iba kapag ginawa kong mag uwi ng mga babae. All girls for me are the same. They think I like them after s*x. Tsk. I just want their body. I don't like to commit in any serious relationship. No string attouch will be fine. Lumabas ako ng veranda at tumanaw sa tanawin. Napalingon ako sa kabilang veranda ng makarinig ng pagbuksan ng pinto at napamaang ako ng makita ang babaeng nurse sa Esteban hospital. Nakatalikod siya sa akin pero napatingin ako sa katawan niya dahil naka-towel lang syta habang may kinukuha sa sampayan niya. Nang humarap siya ay akala ko magugulat siya pero tumango lang ito bago pumasok sa loob na katabi kong condo. Napamaang ako habang hindi ako makapaniwala na doon siya sa katabi kong condo nakatira. Pero baka may iba siyang kasama. Baka si Doc Sato. Napaayos ako ng tayo ng lumabas muli siya at tumingin sa akin. "Sino ka nga ba?" tanong niya. Natawa ako na hindi makapaniwala dahil hindi man lang niya ako kilala. Director ako ng hospital na pinagtatrabahuan niya pero hindi man lang niya ako natandaan. "Hammer." simpleng tugon ko. Tumango siya, "Ah.. Soul." aniya. "Huh?" hindi ko pa naunawaan nung una pero nang tignan ko ang mata niya na mga walang buhay ay napagtanto ko na pangalan niya ang sinasabi niya. "My name." tumango ako, "Sige.." sabi pa niya at kinuha ang nakasabit na bra na kulay itim bago siya pumasok muli. Sinilip ko pa siya pero malabo na dahil hindi kita sa pwesto ko. Ngumisi ako dahil tila alam ko na kung bakit siya lumabas muli. Umalis ako ng veranda at pumasok sa loob. Nagsuot ako ng simpleng t-shirt at pants. Lumabas ako ng unit ko at tumungo sa kabila kung saan syya naka-room. Pagtapat ko sa pintuan niya ay nag-doorbell ako at hinintay na pagbuksan niya. Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto at niluwa no'n ay siya. "Bakit?" tanong niya. "Huh?" na-blanko pa ako dahil nakita ko siya na nakasuot ng t-shirt at pantalon. Hindi ko naisip ang sasabihin ko kung bakit ba ako nagpunta rito. Tila mali ang pagkakaakala ko. "May sasabihin ka ba?" tanong niyang muli. Napamulsa ako at tumikhim, "Hindi ko akalain na dito ka pala nakatira." "I'm new here." sabi niya. Tumango ako bago napangiti. Bago lang pala siya. Akala ko matagal na siya rito at baka hindi ko lang napapansin. "Come in." Napatingin ako muli sa kanya ng ayain niya ako. Binuksan niya ng maluwang ang pinto bago siya tumalikod kaya pumasok ako at sinara ang pinto. Tinignan ko kung may iba pa siyang kasama pero tila nag-iisa lang siya. Napansin ko ang mga nakakalat niyang damit sa sofa. At kakaunti lang ang gamit. "Mag-isa ka lang nakatira dito?" tanong ko. Lumingon siya mula sa pagsilid ng mga damit niya sa maleta niya. "Yeah." simpleng tugon niya at wala man lang akong makitang ibang reaksyon niya kundi flat lang. "Ah.. Anyway, you are the nurse in Esteban hospital. Are you new in services or what?" C'mon, Hammer. This is not you. You are not like this. "Yeah... Pwede kang mag-hire ng private investigator para hindi ka magduda." Natawa ako at umiling, "No need.. I'm just curious because I'm not familiar to your face." "Maupo ka. Ikukuha lang kita ng maiinom." Sinundan ko siya ng tingin ng tumalikod na siya dala ang maleta niya. Tumingin ako sa paligid bago naupo. Napatingin ako sa naupuan ko at napangisi ako bago tumingin kung saan tumungo si Soul. Nang wala na siya ay tumingin ako sa panty niyang maroon na hawak-hawak ko. Very sexy panty, huh? Na-imagine ko tuloy kung anong itsura niya habang suot ito. Kanina habang naka-towel siya ay kita ko ang makinis niyang balat at balingkinitan niyang katawan. Nang marinig ko ang yapak niya ay agad na binulsa ko ang panty niya at lihim na bumuga ng hangin. "Mag meryenda ka muna." aniya at nilapag ang juice at burger. Fuck. I don't like Juice and burger. Naupo siya sa katapat kong upuan at yumuko. Napatikhim ako at napahinga ng malalim. Pinagmasdan ko siya at tila hindi siya 'yung tipong tao na mahilig dumaldal. Nag-angat siya ng tingin at tumingin sa hinanda niyang meryenda sa akin. "Hindi mo ba gusto?" tanong niya. "Ah, hindi.. I mean hindi ako kumakain at umiinom ng burger at juice." Tumango siya, "Pasensya na.. Heto lang ang meron ako." sabi niya. "It's okay. No need to say sorry." agap ko. Kinuha niya ang burger at kumagat siya. Pinanood ko lang siyang kumain at bigla akong natawa sa isip ko dahil kelan pa ako nanood ng kumakain. Tsk. Bigla siyang inubo kaya agad na kinuha ko ang juice niya at inabot sa kanya. Uminom siya at napahinga ng malalim. "Hindi ka pa ba kumakain?" tanong ko. Umiling siya, "Hindi. Ayos na ako rito." Tsk. Hindi pa pala siya kumakain tapos inaalok pa sa akin ang burger. Tumingin ako sa wrist watch ko at nakita ko na masyado ng gabi. Tumayo ako kaya napatingin siya sa akin. Agad na lumapit ako sa kanya at inagaw ang hawak niyang burger. Nilagay ko iyon sa plato at hinawakan ko siya sa braso bago hinila patayo. "Bakit?" takang tanong niya. "Let's go to my pad. Ipagluluto kita ng maayos na pagkain." Inakay ko na siya at napangiti ako dahil hindi na siya nagpumiglas. Paglabas namin ay napahinto ako ng makita si Doc Sato. Nagkatapat kami at nakita ko ang seryoso niyang tingin bago napatingin kay Soul na hawak ko. "Doctor Esteban.." aniya. Napatingin ako kay Soul na inalis ang kamay ko sa braso niya. "Saan mo siya dadalhin?" tanong ni Doctor Sato kaya tumingin muli ako rito. "Hindi pa siya kumakain kaya ipagluluto ko sana." tugon ko. Tinaas niya ang dala niyang pagkain, "No need.. May dala ako sa kanya." Nilagpasan niya ako para lumapit kay Soul at inakay na niya si Soul. Tumingin ako kay Soul na medyo yumuko sa akin bilang pasensya. Hindi ako makapaniwala at napatingin sa pinto ng sumara na ito. Sino ba siya sa buhay ni Soul? Napailing ako at bumalik na lang sa condo ko. Pabagsak na naupo ako sa sofa at sumandal bago napahimas sa labi ko. Iniisip ko kung boyfriend niya kaya si Doctor Sato? Pero hindi naman nag-react si Doctor Sato na mananapak na lang gaya ng ibang boyfriend ng babaeng landiin ko lang ay sumasama na kahit may nobyo pala. Nilabas ko ang cellphone ko para tawagan si Nelson. Pero napahinto ako at napailing bago hinagis sa sofa ang cellphone ko dahil bakit ba kailangan ko pang malaman.. Tumayo ako at tinungo ang banyo para mahimasmasan. Pumikit ako habang tumatapon sa akin ang tubig galing sa shower. Hinagod ko ang buhok ko at dumilat bago isandal ang kamay sa glass wall ng banyo ko. Damn.. I can't stop thinking of them. Iniisip ko kung ano kayang ginagawa nila sa unit ni Soul. Tsk. It's not my business anymore. Maybe he's her boyfriend. Tila close din sila para puntahan ni Sato ng ganitong oras si Soul. Pinatay ko ang shower at lumabas ako ng shower habang tinatapis ko ang towel sa ibabang katawan ko. Humawak ako sa lababo at tumingin sa salamin. I know I'm good looking but when she saw me a while ago hindi man lang niya ako nakilala. At hindi man lang siya natulala gaya ng nakikita kong expression ng mga babaeng nakakasalamuha ko. "Aist! This is crazy!" sinipa ko ang trash bin at lumabas ng banyo. Kinuha ko ang isang towel ko at nagpunas ako ng buhok. Tinungo ko ang kitchen at kumuha ako ng tubig. I need a cold water. Maybe I'm just dehydrate for thinking that girl. - Sonata I was facing behind him as he prepared food. Hindi na ako magtataka kung bakit sumulpot si Abe. Meron siyang sasabihin. "How's your third meeting with him?" Tanong niya. "What brings you here?" imbes na sagutin ang tanong niya tinanong ko rin siya. Ngumiti siya na humarap sa akin habang hawak ang isang plato at nilapag sa kitchen bar na nasa harap ko. "Nothing. I just want to bring you food." tinignan ko siya at napailing siya, "Okay. Sinabi ni Boss na ibigay ko sa 'yo ito." Napatingin ako sa nilapag niya at nakita ko ang maliit na baril. Napahinga ako ng malalim at tumalikod kay Abe. "Gusto kong mapag-isa, Abe. Iwan mo na ako." Pagkatapos kong sabihin iyon ay lumakad na ako. Nagtungo ako sa kwarto at naupo sa kama. Mas mahalaga pa sa kanya ang organization. Mas gusto niya na mapatay ko agad ang James Esteban na iyon kesa alalahanin ang buhay ko. I don't want to do this but this is my father want. Ayokong pumalpak muli dahil baka tuluyan na kalimutan ako ni Papa. Kumatok si Abe sa pinto ng kwarto pero hindi ako tumugon o tumayo. "Kumain ka pa rin ng maayos, Soul! Aalis na ako!" sabi niya. I know pinipilit ni Abe na maging mabuti sa akin dahil lamang kay Papa, utos ni Papa, nais ni Papa. Kailanman ay wala akong kaibigan dahil sa trabaho palang noon nila Papa kaya iniiwasan ako. Ayos lang iyon dahil ayoko rin. Isang panggulo lang sa buhay iyon. At si Abe ay hindi ko siya tinuturing na kaibigan kahit na iyon ang sinasabi niya. Hindi ko na lang pinapansin dahil para sa akin ay wala lang iyon. Nahiga ako sa kama at tumingin sa kisame. Pumikit ako at napahawak ako sa dibdib ko ng makaramdam ng sakit. Huminga ako ng malalim at habang iniinda ko iyon ay hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Sa liwanag na nanggagaling sa araw ay tuluyan akong napadilat. Umaga na pala. Bumangon ako at napabuntonghininga. Tumingin ako sa liwanag na tumatama sa akin. Tumayo ako at lumapit sa kurtina. Sinara ko iyon at lumabas ako ng kwarto. Tinungo ko ang kusina para maghanap ng makakain. Nakita ko ang hinanda kagabi ni Abe na pagkain na hindi ko nakain. Masyado nang na-expose at baka sira na. Inamoy ko pero ayos pa naman kaya kumuha ako ng kutsara at kinain ko. Hindi ako makalasa ng pagkain simula palang ng bata ako. Kaya hindi ko alam kung ano bang masarap na pagkain. Kung sira na ba o hindi. Kung maalat ba o matabang. Pero wala na akong pakialam as long as mabusog ako. Uminom ako ng tubig ng matapos ako. Naalala ko na kailangan ko nga palang pumasok sa Esteban hospital bilang nurse. Hindi naman talaga ako nurse pero dahil kay Abe ay naging nurse ako kahit peke. Ewan ko lang kung matuklasan agad iyon ni Hammer Jackson Esteban kung magaling na private investigator ang kukunin niya. Kaya kailangan kong magmadali dahil baka agad niyang matuklasan ang lahat. Ayokong pumalpak muli. Kailangan na mapabagsak ko na si James Esteban. Paglabas ko ng unit ko ay saktong labas rin ni Hammer. Well he's gorgeous man with that serious face. "I'm Hammer." pakilala niya. Tumango lang ako kahit naguguluhan sa pagpapakilala niya. Naglakad na ako para tumungo sa elevator. Napansin ko ang pagsabay niya sa paglakad. Well he's so tall. I think his height is six or seven something. Hanggang kili-kili niya lang ako. Sumakay kami ng elevator at kami palang ang tao. Nag-ring ang phone niya kaya napansin ko na kinuha niya sa bulsa ng slacks niya at sinagot agad. "Yes? Who are you? I don't remember you... Bye." Well may pagkabastos rin siya at walang modo. Narinig ko na babae ang kausap niya at tila hinahabol habol pa siya. Hindi ko na lang inabala pang pansinin. "Sumabay ka na sa akin." aniya ng makababa kami ng elevator at makalabas ng building. Lumapit siya sa isang black sport car. "No, thank you. I have my motor." simpleng tugon ko. Napahinto siya at gulat na napalingon, "Really? You know how to drive the motor?" Tumango ako at sumakay sa motor ko na katabi pa pala ng car niya. Kinuha ko ang helmet ko at binuhay ang motor. Nabigla naman ako at napalingon sa kanya ng bigla siyang sumakay. "Nakalimutan ko na wala na nga palang gas ang sasakyan ko." Hindi ko alam kung totoo ang sinabi niya pero inabutan ko na lang siya ng isang helmet. Nang masuot niya ay pinaandar ko na ang motor. Napatingin ako sa mga kamay niya na yumakap sa baywang ko. "Can you please move your hands? I can't breath!" sabi ko. "What?" aniya tila nagbibingi-bingihan kaya napailing ako at binilisan ang pagmamaneho. Hindi naman siya mukhang takot pero makakapit ay parang takot. "When did you start learning to drive a motor?" tanong niya. Saglit na nilingon ko siya at napahinga ako ng malalim. "Since I was twelve." tugon ko. That time my Dad taught me how to drive any cars. 'Yun pa ang araw na marami siyang time sa akin. "Wow! You are really interesting." aniya. "What makes me interesting? I'm just simple and boring." "Because you are cold girl." Napailing ako at hindi na pinansin ang paliwanag niya. Sigurado dahil akala niya magkatulad kami. Nang makarating sa hospital ay hininto ko na ang motor sa harap. Hinubad ko ang helmet ko at lumingon sa kanya. "Thanks for the ride." aniya at binigay ang helmet na sinuot niya. Tumango lang ako at bumaba na rin ng motor ng bumaba siya. Binitbit ko ang dala kong bag at binulsa ang susi ng motor. Napatingin ako sa mga empleyado ng hospital na nakatingin sa amin tila gulat habang nagbubulungan sila. Hindi ko na pinansin at dere-deretso akong naglakad habang alam kong nakasunod si Esteban. Tinungo ko ang locker room at nilagay doon ang bag at jacket ko. Kinuha ko ang uniform ng nurse at nagbihis. Sakto na tapos na ako ng magpasukan ang ibang nurse. "Hey, girl." Lumingon ako sa kumalabit sa akin, nakatingin sila ng kasama niyang isa pa. "Are you dating Director Hammer Jackson?" tanong nito. Sinara ko ang locker ko at bago ako tumalikod ay sinagot ko sila. "Sumabay lang siya sa akin, nag-date agad? Maling hinala kayo." Napasinghap sila sa sagot ko pero hindi ko na pinansin at lumabas na ako. Pinagtitinginan ako at bulungan ng mga nakakasalubong kong nurse. Tsk. I get annoyed with them. Why don't they stop staring at me. Lumapit ako sa nurse section para mag-log. Nakita ko na nag-uusap rin ang mga nurse doon pero hindi ako ang pinag-uusapan ng mga ito. "Si Director Esteban tinanggihan na naman ang nais na magpa-opera sa kanya. Head surgery." "You know naman na heart surgery lang ang tinatanggap niya.. Pero alam niyo nakakapagtaka na 'yun lang ang nais niya kung alam naman niya lahat kung paano gagamutin ang ibang sakit." "He's heartless kaya wag kayong magtaka kung trip niya iyon." Umalis na ako dahil puro chismisan lang pala tungkol kay Hammer. Nagtungo ako sa room one kung saan maraming pasyente ang naka-room doon. Tinignan ko ang dextrose nila kung maayos ang daloy. I know how to perform the nurse duty so it's not hard to my part to do this. Pinag-aralan ko ito gaya ng tinuro ni Abe. Si Abe ay totoong doctor sa japan pero ang totoo ay mga myembro ng assassin lang ang ginagamot niya. Lahat ng malalang case ay nagagamot niya. Pero kailangan din niya ng tulong ko kapag mga break bones ang kailangan. Para hindi na raw siya titingin sa x-ray and monitor kapag nagpe-perform siya ng operation. Hindi naman mahirap malaman ang sanhi kapag mga bali lang sa buto. Sabihin natin na lahat ng bali at sakit ay alam ko ang pakiramdam. Kaya nung operahan ang bata ay alam kong arms and legs break bone ang natamo niya. "Ms. Kingston, please, pakitignan muna ang pasyenteng ito. May sasaglitin lang ako sa director office." Tumingin ako sa babaeng blonde ang hair at mestisa. Siya ata ang head nurse rito. Tinignan ko ang name niya at nabasa ko na siya si Coleen. Tumango ako sa pinababantayan niyang pasyente na lalake na naghihingalo. Lumapit ako doon at hinawakan ang pump para pigain para umayos ang hininga nito. "Diyos ko, bakit ba ang tagal ng doctor? Baka anong mangyari sa anak natin." Panay ang iyak ng pamilya ng lalake tila ba mamamatay na ang anak nila. In his case he had a heart attack. "Nurse, hindi naman mamamatay ang anak ko, 'di ba?" "He is.." napasinghap sila sa sinabi ko. "Sino ka para sabihin 'yan? Walang modong nurse! Umalis ka nga d'yan!" sabi ng isa nilang kamag-anak na babae at inagaw sa akin ang pump. Nagdatingan na rin ang ibang nurse kasunod si Nurse Coleen. "What happened here? Bakit ang guardian ng patient ang nag-pump, Ms. Kingston?" tanong sa akin ni Nurse Coleen. "Walang modo 'yang nurse niyo! Sabihin ba naman na mamatay ang asawa ko!" Tinignan ako ni Nurse Coleen at napailing siya. "You can leave now, Ms. Kingston. We can do this. At papunta na rin si Director rito." Tumalikod na ako pero napatingin ako kay Hammer na papunta rito. Nagpatuloy ako sa pag-alis at nilagpasan ito ng magkasalubong kami. "Stay with me, Soul." Pinigil niya ako sa braso at napaharap akong muli ng hilahin niya ako. Nagpatingin sa amin ang lahat lalo na si Nurse Coleen na napatigil. "Director, you should not invite her here.. The guardian of the patient--" "'Wag mo akong turuan ng dapat kong gawin, Coleen. At wala akong pakialam sa opinion ng guardian. They want my service, so deal with my wants." Binitawan na ni Hammer ang braso ko ng makalapit sa patient. "Tell me his case, Soul." aniya habang tinitignan ang mga mata ng patient gamit ang lens. "Heart attack." tugon ko. "Bakit ba narito pa ang nurse na 'yan? Walang modo na sabihin na mamamatay ang asawa ko!" muling sabi ng asawa ng patient. "Alisin niyo rito ang mga ito." utos ni Hammer habang seryoso sa ginagawa.. Tumingin ako sa mga kamag-anak ng pasyente. Mga hindi sila makapaniwala na pinalayas sila ni Hammer. Nang maalis ang mga kamag-anak ay tumingin si Hammer sa mga nurse. "Bring him to the operating room." utos niya at tumingin sa akin, "Follow me, Soul." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na syta. Hindi ko na pinansin ang kakaibang tingin at bulungan ng mga nurse at sumunod na ako kay Hammer. Nasa wash room siya ng makapagsuot siya ng lab gown. Naghuhugas siya ng kamay kaya gano'n rin ako. "Just stay at my side. Sabihin mo sa akin ang dapat kong gawin." Tumingin ako sa salamin at kita kong nakatingin siya sa akin. "Bakit pa? Magaling ka naman sa lahat ng sakit." Ngumisi siya tila ba may nasabi ako na kakaiba. "You know me that much, huh?" aniya. Pero hindi ako nagbigay ng anumang reaksyon doon. "May problema ba doon?" tanong ko na kinailing niya pero napangiti siya. "Wala, napagtanto ko lang na kinikilala mo pala ako." Tumango ako, "Masama ba?" Natawa siya, "Aist. Stop asking. Let's go." Naglakad siya kaya sumunod ako. Nagtungo kami sa operating room at nandoon na rin ang mga nurse at si Nurse Coleen. Sinuotan niya ng gloves si Hammer at ako naman ang nagsuot ng akin. Sinimulan na namin ang operation at tinignan muna ang vital sign ng pasyente pati ang condition nito para masigurado na kakayanin nito ang operation. Nang ayos na ay pinatulog siya at sinabi ko kay Hammer ang dapat gawin. Hindi ko alam kung wala ba talaga siyang alam pero base sa pag opera niya ay may alam siya. Kumuha ng tissue si Nurse Coleen at pinunasan ang noo ni Hammer. Binigay ko naman ang hinihinging gamit ni Hammer. Tumingin ako sa taas kung saan pinapanood ng ibang doctor ang ginagawa ng nag-o-operate na kapwa nila doctor. At bigla akong napakuyom ng kamay ng makita si James Esteban. "Soul." Tila mabilis ang pagkakataon. Siya na mismo ang lumalapit. "Soul." Napalingon ako bigla kay Hammer ng tawagin niya ako. Nakatingin pala sa akin lahat kaya umayos ako. Binigay ko ang hinihingi niya. Hindi ko akalain na nawala ako sa focus. Pasimpleng tumingin muli ako sa pwesto ni James Esteban.. You are dead now.. Pagkatapos ng successful operation ay nakahinga na sila ng maluwag. Sumunod ako sa kanila palabas. Nahuhuli ako kaya agad na lumiko ako sa kabilang daan at nang makita ang stock room ay agad na pumasok ako doon. Hinubad ko ang face mask, gloves, at hair net. Maging ang lab gown. Binuksan ko ang kahon at kinuha ang black jacket ko at mask. Nang ayos na ay tumingin ako sa kisame. Ni-lock ko muna ang pinto bago ako umapak sa hagdan na narito. Nang maabot ang kisame ay tinulak ko ang pinaglalabasan ng hangin. Umakyat ako sa taas at nakita ko pa ang mga daga't ipis. Maingat na umapak ako sa matitibay na kahoy. Nilabas ko ang cellphone ko at ginamit ang lente. Tiyak na sa office ng CEO ang punta ni James Esteban. Dahil siya ang CEO. Nang makarating ako sa alam kong spot ng CEO office ay tumapat ako sa butas kung saan lumalabas ang hangin. "What's the problem, Apo?" rinig kong tanong ni James Esteban. "'Yung bagong nurse hindi ko na nakita ng lumabas ako ng operating room." Tsk. "Gusto mong ipahanap ko?" rinig kong sabi ng hindi pamilyar na boses. "Okay, Nelson. Bring her here." Shit! Kailangan kong bumalik sa stock room. "Ano bang pangalan at itsura?" rinig kong tanong nung Nelson. "Soul. Kapag nakakita ka ng malamig na tingin at flat na reaksyon, siya na 'yon." Narinig ko ang tawa ni James Esteban. "Tila meron kang katulad, Apo. She's interesting." "Yeah, you're right, Lo. She's interesting." "Well, I want to meet her." Pero kung aalis ako ngayon ay baka wala ng pagkakataon. Kinasa ko ang silencer gun at umusog ako para maghanap ng magandang pwesto. Napangisi ako ng lihim ng makita ko na si James Esteban. Medyo nilusot ko sa butas ang dulo ng baril ko at hinawakan ko ang trigger habang unti-unti kong hinahatak. Nang lumabas na ang bala ko ay aasahan ko na si James Esteban ang tatamaan pero napamaang ako ng biglang tumayo si Hammer. Agad na napaalis ako sa pagkakasilip sa butas at nagmadaling umalis sa pwesto. Shit. Mabilis akong gumapang upang magtungo sa stock room. Konting oras lang ang kailangan ko para makaalis dahil tiyak na malalaman nila na ako ang bumaril. Nang makarating sa butas ng stock room ay inangat ko muli ang bakal bago tumalon kasabay ng pagbagsak ko sa bakal para magsara. Nagpagpag ako ng kamay at tinago sa legs ko ang baril. Sinuot ko ang suot ko kanina at tinago ko ang suot kong leather jacket at mask. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at paglabas ko ay sumilip ako. Nang walang tao ay agad na lumabas ako at sinara ang pinto. Napaayos ako ng suot sa hospital mask at yumuko ako ng makasalubong ko ang tauhan ng mga Esteban. Nang malagpasan ko sila ay lumiko ako sa kanan pero napahinto ako ng may humawak sa braso ko. "Mabuti't nagpakita ka na.. Tara, dadalhin kita sa mga Esteban." sabi nito at hinatak ako. © MinieMendz
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD