bc

The Mafia Lord: James Esteban [COMPLETED] Tagalog

book_age18+
26.7K
FOLLOW
169.8K
READ
possessive
sex
family
age gap
powerful
brave
sweet
like
intro-logo
Blurb

The heartless, handsome, and the most powerful mafia boss—James Esteban. Sa edad na sampung taon ay niluklok na siya bilang pinakabatang mafia ng bansa. Nang dahil sa galing sa pakikipaglaban ay marami na agad ang natatakot na kalabanin siya. Batak sa training at napakaikli ng pasensiya. Lahat din ng kaniyang gusto ay dapat na nakukuha niya.

Sa kaniyang pagbisita sa ospital na pagmamay-ari ng kanilang pamilya ay doon niya natagpuan ang pinakamagandang sanggol na nakita niya sa kaniyang tanang buhay. Matatawag siguro siyang ‘child abuse’ dahil sa unang beses pa lamang niyang makita ito ay nahumaling na agad siya rito. Kaya naman dineklara niya na magiging kanya ang babaeng sanggol na si Gabriella Cruz.

Kaya niyang gawin ang lahat kahit pa gamitin ang sitwasyon ng magulang ni Gabriella. Naging matagumpay siya dahil nakuha na niya ang permiso ng magulang ng sanggol, ngunit kailangan niya pang maghintay na maging disiotso ang edad nito upang kanya ng maging pagmamay-ari.

Wala siyang pakialam kung mas bata ito sa kanya, dahil ang importante lamang ay makuha niya ang gusto niya.

Walang siyang pakialam kung lumabag siya sa batas, dahil kaya niyang kontrolin ang lahat kahit pa ang batas.

Ang tanging kaya lamang siyang kontrolin at paamuhin ay ang ‘baby’ niya—Ang mafia’ng si Gabriella. 

chap-preview
Free preview
SIMULA
KANOR’S P.O.V NANLALATA AT BAGSAK ang balikat ko habang papunta sa kwarto na kinaroroonan ng mag-ina ko. Kasalukuyan kami ngayong nasa ospital. Hindi ko alam kung saan kukuha ng pera para sa pambayad ng gastos sa panganganak ng asawa ko sa bunso kong anak na si Gabriella. Pati na rin pambayad sa renta ng bahay at kuryente ay pinoproblema ko, tapos ay kailangan na ring operahan ang panganay kong anak na si Calvin. Pinuntahan ko na lahat ng kakilala at kamag-anak na pwedeng pag-utangan, pero wala akong nahiram ni kusing. Huminga ako nang malalim at pipihitin ko na sana ang pinto ng kwarto nang may biglang tumawag sa akin. “Mr. Cruz!” sigaw ng isang lalaki. Nilingon ko ito at nakita ko ang isang lalaki na naka-business suit attire. Tantiya ko ay nasa edad bente pataas na ito. “Mr. Karlorito Cruz, right?” tawag nito sa akin. “Ako nga. Bakit, anong kailangan mo sa akin?” tanong ko. “Ako nga po pala si Atty. Alfred Bautista,” pakilala nito at naglahad ng kamay. Agad ko namang tinanggap iyon kahit naguguluhan pa akong nakatingin dito. “Attorney po ako ni Mr. Esteban, ang may-ari nitong hospital. Nalaman po kasi niya na hindi pa po kayo nakakabayad ng gastos n’yo rito sa hospital,” sabi nito na nagdulot ng kaba sa akin. Ipapakulong ba nila ako dahil sa hindi pagbabayad ng utang namin? “Maaari bang bigyan n’yo pa kami ng palugit para makabayad ako? Gagawa ako ng paraan, basta ’wag n’yo lang po kaming ipakulong,” nagmamakaawang sabi ko at lumuhod dito. Kailangan ko itong gawin upang bigyan pa nila ako ng pagkakataon. “Mali po kayo ng iniisip, hindi po kayo ipakukulong ni Mr. Esteban. Sabi niya sa akin ang lahat daw po ng gastos at utang n’yo sa iba ay babayaran niya, pati ang pagpapagamot sa anak n’yong panganay ay siya na rin ho ang sasagot, ngunit may kondisyon ho siya sa lahat ng iyon,” sabi niya sa akin. Hindi ko mapigilan ang mabuhayan ng loob dahil parang biyaya ang na rinig ko mula sa kanya. Ngunit kinakabahan din ako sa magiging kondisyon nito. “A-ano ang kondisyon niya?” nauutal kong tanong. “Ang kondisyon ni Mr. Esteban ay ang anak n’yo pong babae. Kapalit ng lahat ng utang n’yo at may ibibigay rin ho siyang malaking halaga sa in’yo, basta po ay pumayag kayo sa kagustuhan niya,” mahinahong sabi nito. Kumabog ang dibdib ko sa galit. Bakit ang anak ko pa ang gusto nilang maging kapalit? “B-bakit ang anak ko? Pwede naman akong magtrabaho sa kanya hanggang sa mabayaran ko ang lahat ng utang ko. Bakit ang anak ko pa? Hindi ako makakapayag sa kondisyon n’yo, iba na lang, ’wag lang ang anak ko,” pagmamakaawa ko rito. Hindi maari na ang anak ko ang magiging kabayaran sa lahat ng ito. “Pasensya na, ngunit ang anak n’yo po ang gusto niya. ’Pag hindi po kayo sumang-ayon sa gusto niya, baka mapahamak lang din kayo at ang pamilya n’yo,” sabi nito na kinaiyak ko. Akala ko, sa wakas ay may mabuti nang tutulong sa amin, ngunit may kapalit pala ang lahat. “Hindi! Hindi ako papayag sa gusto niya! Magbabayad ako basta bigyan n’yo ako ng palugit, nagmamakaawa ako . . .” umiiyak na pakiusap ko rito. Diyos ko! Tulungan n’yo ako, hindi ko na po alam ang gagawin ko. Tinapik niya ang balikat ko—tila binibigyan ako ng lakas ng loob. “Gusto ko man po kayong tulungan, ngunit baka pamilya ko po ang madamay. Pag-isipan n’yo ho ulit ang kondisyon ng amo ko, dahil kahit na hindi pa kayo sumang-ayon, alam ko po na magagawa pa rin ni Mr. Esteban ang gusto niya. Hindi n’yo pa kilala si Mr. Esteban, lahat po ng bagay ay kaya niyang makuha, kahit makapanakit pa siya ng kapwa. Sige po, mauna na ako. Ito nga pala ang phone number ko. Kung magbago pa ang pasya n’yo, tawagan n’yo lang ako,” naaawang sabi ng abogado. Napaupo at umiiyak na lang ako sa mga nangyayari. Paano na? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Tulala lang akong nakatingin sa numero na ibinigay sa akin. NARRATOR’S P.O.V. MULA SA MADILIM na opisina ay may nakaupong binata sa isang swilver chair. Habang sumisimsim ito ng alak ay nakatitig ito sa kuhang litrato ng isang batang babae. Hindi niya alam ngunit nang makita niya ito ay parang gusto na niya itong angkinin na parang sa kanya. Nagkagulo ang mga tauhan ng ospital nang malaman nilang dadalaw ang may-ari. Lahat ay hindi handa sa biglaang pagdating nito. Mula sa entrance ng ospital, may pumarada na armadong mamahaling sasakyan at mula doon ay lumabas ang isang binata na hindi mababakasan ng kahit anong emosyon sa mukha. Kapag tiningnan ka ay parang mangangatog ka sa kaba. Isabay mo pa ang armado nitong bodyguard na kasama nito. Nilibot nito ang buong gusali upang tingnan ang mga nangyayari, ngunit nang mapadaan ito sa ward ng mga sanggol ay napahinto ito ng paglalakad at tumitig sa isang sanggol na mahimbing na natutulog. Hindi niya alam ngunit napatitig siya rito nang matagal. Napasinghap naman sa gulat ang mga nakapaligid dito na mga doctor, nurse, at bodyguard dahil bigla na lang itong ngumiti habang tumititig sa bata. Ngayon lang kasi nila ito nakitang ngumiti. “Anong pangalan niya?” tila mapanganib at malamig niyang tono na tanong. “G-Ga-b-briella Cruz po, Lord . . .” nauutal na sabi ng doktor na kaharap nito. Naka-assign ito sa ward ng mga bagong panganak na bata. “I see. Magandang pangalan, kasing ganda ng kanyang mukha,” nakangiting papuri nito sa sanggol na babae. ‘At gusto ko siyang maging akin,’ marka niya sa kanyang isip habang nakatitig pa rin sa bata. Habang pinagmamasdan niya ang sanggol ay bigla na lang itong pumalahaw na siyang ikinangisi niya. “Gusto mo ba sa akin, sweetheart?” Parang binubulong niya rito ang sinasabi ng kanyang isip. “Dahil ikaw, gustong-gusto ko. ’Wag kang mag-alala, mapupunta ka sa akin,” nakangising niyang sabi sa isip. Pumitik siya ng daliri upang isenyas na aalis na siya, pero bago siya umalis ay sinulyapan niya pa ito nang isang beses. “L-Lord . . .” Napukaw siya sa kanyang pag-alala sa bata nang magsalita ang inutusan niya upang tuluyan nang mapasakanya ang batang babae. Hindi naman siya kumibo at sumimsim lang ng alak habang hinihintay ang sasabihin nito ukol sa pinagagawa niya. “Lord, patawad po. Hindi pa ho pumapayag ang ama ng bata sa gusto n’yo.” Kahit natatakot ay nagawa pa rin ni Alfred na magsalita, dahil alam niya na ayaw nitong naghihintay nang matagal. Nagulat siya nang bigla na lang paputukin nito ang baril sa direksyon niya. Nahigit niya ang kanyang hininga dahil sa sobrang gulat, akala niya ay natamaan na siya ng bala nito. “Ang ayoko sa lahat ay ’yang babagal-bagal sa trabaho. ’Di ba sinabi ko na hindi ka babalik dito hangga’t hindi mo dala ang magandang balita, Bautista. Kaya bago kita mapatay, lumayas ka sa harap ko ngayon din. Baka sa bungo mo na tumama ang bala ng baril ko,” malamig at walang emosyon na sabi niya kay Alfred habang nililinis na ang hawak niyang baril. Yumukod naman si Alfred at nanginginig sa takot na lumisan ng opisina nito. Nagsalin ang binata ng alak at tumayo sa harap ng malaking bintanang salamin sa opisina niya. Para siyang hari na tinitingnan ang nasasakupan niya. Napaisip at ngumisi siya na parang may hindi magandang pinaplano. Tiningnan nito ang litrato ng sanggol na babae, habang hinahaplos-haplos na parang mamahaling kristal na iniingatan. “Lahat ng magustuhan ko ay nakukuha ko. Lahat ng haharang sa daraanan ko ay papatayin ko. At ikaw sweetheart, ang gusto ko. Kaya papatayin ko kung sino man ang maglalayo sa ’yo sa akin,” wika niya bago nilagok ang alak na hawak niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
312.0K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
342.1K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
533.8K
bc

His Obsession (Tagalog)

read
89.4K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook