bc

DIESEL AARON FORD SERIES 3 [COMPLETED]

book_age16+
18.6K
FOLLOW
72.8K
READ
possessive
family
tomboy
kickass heroine
confident
sweet
bully
campus
enimies to lovers
friendship
like
intro-logo
Blurb

Bata palang ay ibig nang makalaya ni Akina Kobayashi sa palasyong tila naging hawla niya. Hindi man niya nais na iwanan at takasan ang mga magulang niya ay wala siyang pagpipilian kundi ang tumakas para sa kanyang kalayaan.

Sa tulong ng kaibigan na si Shin ay nakaalis siya ng japan at sa pilipinas siya napadpad. Kailangan niyang magtago, at para hindi siya mahanap ng Daddy niya ay nagpalit siya ng profile---Sa katauhan ng isang Jhaycee Akina Flores---na simpleng babae, mahirap sa buhay, at boyish um-awra.

Sa pagpunta niya sa pilipinas ay hinanap niya ang taong kilala niya na lubos na makakatulong sa kanya, ang tinatawag niyang Auntie Isabelle. Tinulungan siya nito at pinatira sa bahay nito. Ito rin ang tumulong sa kanya upang ibahin ang imahe niya. At dahil sa amo nitong si Beatrice Ford ay nakapasok siya sa eskwelahan ng BF Island, kung saan makikilala niya ang pangatlo sa mga ford na si Diesel Aaron Ford, na isa sa tinaguriang campus crush, leader ng Bangtan boys, at isang singer at dancer.

Ngunit sobrang mainitin ang ulo, makulit, at kapag gusto niya ay iyon dapat ang masunod. Si Jhaycee ang isa sa nakaranas ng pambu-bully mula kay Diesel. Pero balewala lamang kay Jhaycee ang napakaisip-bata na pambu-bully ng binata. Ngunit dahil sa pambu-bully ni Diesel sa dalaga ay hindi niya aakalain na mahuhulog ang loob niya para rito. Lahat sa paligid ni Diesel ay nagiging rosas kapag naiisip ang dalaga. Hindi pa niya maamin nung una, pero kalaunan ay nalaman na ng binata na umiibig na pala siya sa dalaga.

chap-preview
Free preview
SIMULA
SIMULA "MISU, YOUR OTŌSAN is waiting for you." katok ng butler ng pamilyang Kobayashi sa pinto. Napangisi si Akina at gamit ang pinagduktong-duktong na tela ng kumot ay bumaba siya sa bintana ng kwarto niya gamit ang mga telang iyon. Sukbit-sukbit niya sa kaniyang balikat ang isang back pack para dalhin sa kanyang pagtakas. Nang malaman niya na sakto na siya sa puno ay ginamit niya ang mga paa para itulak ang sarili patungo doon. Buong lakas niyang binuhos ang pwersa sa pagtalon at 'tsaka siya bumitaw sa kumot para abutin ang sanga. Napangiti siya ng makalambitin na siya sa puno. Tumingin siya sa ibaba at nakita niya na hindi na masama ang kababagsakan niya. Bumitaw siya sa puno at pumikit. Naramdaman niya ang pagbagsak ng katawan niya sa truck ng basura. Naka-garbage bag naman lahat kaya hindi siya masyadong narumihan. Tumingala siya sa palasyong naging kulungan niya. Nais niyang maging malaya at hindi kino-control ng kahit sino, kaya gagawin niya ang lahat para makalayo. Agad siyang bumaba sa truck at may kinuha siya sa bulsa ng pantalon niya na isang remote control. Pinindot niya ang red button at maya-maya lang ay heto na ang pinaka tatago niyang motorcycle bike na bigay mismo ng kanyang bestfriend. Sumakay agad siya sa motor at pinaharurot paalis sa lugar. Napataas siya ng isang kamay at napangiti habang nagsusumigaw sa saya. "Wooooh!! I'm free now!" sigaw niya habang minamaneho ang motor sa kahabaan ng daan na walang anumang sasakyan ang dumaraan. Napangiti siya na humawak muli sa manibela at pinaharurot sa bahay na pinagkakatiwalaan niyang tao. Pagdating sa house nito ay hininto na niya ang motor at bumaba. "Shin!" excited na tawag niya sa bestfriend niya. Pumasok siya sa bahay nito at pagbukas pa lang ng pinto ay napaubo na siya. Hinawi niya ang usok na sumalubong sa mukha niya at tuluyang pumasok. Hinahanap niya ang kaibigan na tila nag-experiment na naman. "Baby ko!" Parang bata ito na sumigaw at nakita niya na nakasuot ito ng lab gown at salamin. At puno ng uling ang mukha at kasuotan nito. Ambang yayakap ito sa kanya ay pinigil niya agad ito sa noo na kinanguso nito. "Tsss. . . Don't you dare. And stop pouting, you really look like a duck." malamig niyang sabi rito na kinapadyak ng paa nito hudyat na nag-i-inarte sa kanya. "Ang tagal mo kayang nakulong, baby ko. Nakakatampo naman." reklamo nito sa kanya. Kung nagtataka kayo kung bakit fluent ito sa Tagalog ay dahil pure Filipino ang parents nito. Maging ang Mommy niya ay purong Pinoy, pwera lamang sa Otōku (Daddy) niya na purong Japanese naman. Kaya half Japanese-half Pinoy siya. Marunong rin siyang mag-Tagalog dahil sa lenggwahe ng kanyang Mommy. Super bait ng Mommy niya kaso kabaliktaran naman ito ng Daddy niya na super strict, to the point na halos ayaw na siyang palabasin ng mansion at gusto na tumutok lamang siya sa pag-aaral. "Huwag mo 'kong artehan, Shin. Kailangan ko ng tulong mo." sabi niya rito at lumapit siya sa sofa na halos wala nang maupuan sa sobrang daming imbento nitong unan na nakatambak sa sofa. Pabagsak siyang naupo sa sofa ngunit agad siyang napatayo ng manginig siya. "f**k s**t!" mura niya at masamang tinignan si Shin na nag-piece sign sa kanya bilang paumanhin. "Hahaha! You're so funny, baby." Pinagtawanan pa talaga siya nito. 'Sarap bigwasan' ani ng isip niya. Hindi na siya naupo dahil sa dami ng kalat ay hindi niya alam kung saan ba safe maupo. "Anyway, baby. Ano nga pala ang gusto mong itulong ko?" seryoso na nitong tanong at lumapit sa table nito kung saan ito nagre-research ng mga experiment nito. Kinuha nito ang swivel chair nito at inalok sa kanya. Tinignan muna niya ito upang malaman kung may binabalak ba ito, ngunit ng makita niya na walang kahina-hinala sa tingin nito ay naupo siya at pinatong mga paa sa table. "Igawa mo 'ko ng new profile. 'Yung hindi ako makikilala bilang Akina Kobayashi." sabi niya rito na kinakunot ng noo nito. "What? New profile? Bakit nais mong ibahin ang pagkatao mo?" inis nitong tanong. "Kailangan kong magpakalayo muna, Shin. May nais si Daddy sa akin ngunit ayoko ng ninais niya, kaya isa lang ang naisip ko kundi ang tumakas." sabi niya. "Ganoon ba. . . Sige." pagpayag agad nito na kinangiti niya. Isang kunsintidor na kaibigan talaga itong si Shin. Napailing na lang siya at kinuha ang isang mansanas. Kinagat niya ito ngunit naihagis din niya kay Shin iyon dahil ang siraulong kaibiga ay nag-imbento na naman ng peke. Napakatigas ng mansanas, parang sumakit pa ang ngipin niya. "Ouch! Bakit mo naman ako binato, baby?" daing nito habang nakahawak sa likuran nito. "Huwag mo nga akong tawaging 'baby', nakakairita! 'Tsaka, nakakabwisit ka! Hindi ko na alam kung alin ba ang totoo o peke sa mga gamit mo." banas niyang sabi rito. Ngumuso ito at umalis sa harap niya na kinakunot ng noo niya. Ilang saglit lang din ay bumalik din agad ito na may dala nang umuusok pang ramen noodles na agad niyang kinatakam. Umayos siya sa pagkakaupo at nang mailapag nito sa harap niya ang ramen ay agad niyang kinuha ang chopstick na bigay nito at inalis ang takip ng ramen. Inamoy-amoy pa niya ang aroma nito. Amoy pa lang ay nakakabusog nang sikmura. "Arigato gozaimas." pagpapasalamat niya sa itaas habang magkasiklop ang kanyang mga kamay at nakapikit kanyang mga mata. Dumilat siya pagkatapos magdasal at agad na nilantakan na niya ang ramen noodles. Habang busy siya sa pagkain ay inaayos naman ni Shin ang mga kailangan niya. Mga ilang minuto ang ginugol niya sa pag-ubos lamang sa ramen, bago siya napadighay sa sobrang kabusugan. Ngayon na lang muli siya nabusog ng ganoon. "Here, baby." Agaw pansin na sabi ni Shin at may inabot sa kanya na papel. Nilapag niya ang chopstick sa tray bago niya binasa ang mga nakalagay na information na ginawa nito. Name: Jhaycee Akina Flores Age: 18 years old. Birth place: Bf island "Bf island?" tanong niya dahil ngayon lamang niya narinig ang lugar na iyon. "Bf Island: doon nakatira si Aunt Isabelle. Doon tayo titira pasamantala." sabi ni Shin na lalong kinakunot ng noo ni Akina. "Anong tayo? Sino may sabing kasama ka?" "Syempre sasama ako. Boring ang life ko kung hindi kita makikita at makakasama, Baby." nakanguso nitong paliwanag na inilingan niya agad. "Hindi pwede, Shin, anak." Napalingon sina Akina at Shin ng mag salita ang ama ni Shin na si Salvacion. "Pero, Papa!" nagrereklamong reaksyon ni Shin, kaya tumayo na si Akina at lumapit kay Shin para takpan ang bibig nito. "It's okay, Tito. Hindi ko po isasama si Shin hanggang hindi siya nakaka-graduate ng high school." sabi ni Akina sa seryosong tono. "Mabuti at nauunawaan mo, Akina. Hindi makaka-graduate 'yang batang 'yan dahil puro imbento ang inatupag." sabi ni Salvacion. "Nariyan ka pala, Akina." biglang sulpot ng Mama ni Shin na si Rosalinda. "Good evening, Tita." bati ni Akina at yumukod rito kaya nabitawan na niya ang bibig ni Shin. "Mama, Papa, sasama ako kay Baby!" maktol ni Shin na parang bata kaya piningot niya ito sa tenga. "Hindi nga pwede, Shin. 'Pag nakatapos ka na ay 'tsaka mo na lang ako sundan, ha? 'Di ba, tita?" sabi ni Akina at bumaling kay Rosalinda na ngumiti. "Tama siya, anak. Papayagan ka lang namin 'pag nakita na namin ang diploma mo. Kaya. . . please, grumaduate ka naman, anak." hiling ni Rosalinda sa anak. Napahinga ng malalim si Shin bago bumaling kay Akina na nakahalukipkip na nakatingin sa kanya. "Basta! Susunod ako sa 'yo sa pilipinas." sabi ni Shin kay Akina. "Sa pilipinas ba nakatira si Aunt Isabelle?" natutuwang paniniguro ni Akina, dahil gustong-gusto niyang makapunta ng pilipinas. Palaging nilalarawan ng Mommy ni Akina ang pilipinas na pinagmulan nito. Kaya nais niyang makita kung saan nga ba nakatira noon ang Mommy niya. "Oo, hindi mo ba nabasa sa profile?" Tugon ni Shin sa kanya kaya umiling siya rito at muling binasa ang profile niya. Birth country: Philippines Sex: Female Details: One of the boys and poor citizen. "What the! Anong kalokohan ito, Shin?" tanong niya kay Shin ng mabasa niya na may pa-details-details pa itong nalalaman at one of the boys? Siya? "Bakit, anong masama sa nabasa mo? Mas lalong hindi ka makikilala kung ganyan ang profile mo." sabi nito habang nakaupo na sa table nito. "Tsss. . . Ano 'yon? Pati pananamit ko ay ibabahin ko?" banas niyang tanong na kinangiti ni Shin na tiyak na may binabalak na naman. "Exactly!" sabi nito at umalis sa pagkakaupo sa table at hinawakan siya bigla sa kamay bago hinatak paalis sa kinatatayuan niya. "Teka, Shin! Saan mo ba ako dadalhin?" irita niyang tanong rito. "Basta. Dapat dito pa lang ay iba na ang anyo mo. Tiyak na pinapahanap ka na ng Daddy mo ngayon." sabi nito sa kanya habang hinihila siya kung nasaan ang kwarto nito. Napahinga siya ng malalim dahil wala na siyang pagpipilian. Tama naman ito. Natitiyak niya na sa mga oras na ito ay pinapahanap na siya ng Daddy niya. Pagdating sa room nito ay may hinahalungkat ito sa closet nito. Pinagkukuha ang mga bagong damit nito at nilapag lahat sa kama. Napahalukipkip ng braso si Akina at napairap sa nakita. Dahil alam na niya ang pinaplano ng kaibigan. "Baby, ito ang isuot mo." natutuwa nitong sabi sa damit na pinapasuot nito kung saan may naka-imprinta pang spiderman. "Tss. . . So childish." wika ni Akina na kinanguso naman ni Shin. Inaasahan na magugustuhan, ngunit kabaliktaran. Lumapit si Akina sa mga damitan ni Shin at tinignan isa-isa ang damit. May nakita siyang polo na pula at bonnet na kinangiti niya, "heto na lang, mas komportable pa ako rito kesa sa pinapasuot mo." sabi pa niya rito. "Okay, isuot mo na bago ka umalis." sabi nito kaya tumango siya at binitbit na ang polo nito habang palabas ng kwarto nito. Pumasok siya sa C. R sa labas lang ng kwarto nito. Lumapit siya sa salaminan at napahinga ng malalim. Kung kailangan niyang gawin ito para tuluyan siyang makalaya ay gagawin niya. Kung gusto niyang makalaya ay kailangan niyang subukan lahat ng paraan para mangyari ang lahat ng inaasam. Hinubad niya ang suot na jacket at crop top para isuot na ang polo. Tinupi niya pa ang manggas nito na hanggang siko niya. Sakto naman ang suot niyang pants na bumagay naman sa polo ni Shin. Pinusod din niya ang mahabang buhok at sinuot ang bonnet para itago ang mahabang buhok. Napangiti siya ng makitang nagmukha na siyang boyish sa ayos niya. Tumikhim siya at napamulsa ang mga kamay sa bulsa ng pantalon at tumayo na parang lalake. "Ahem! Hi, I'm Jhaycee." wika niya sa tonong malalim na boses. Napatingin siya sa salamin at napailing dahil para siyang tanga, "tss! Ang sagwa." bulalas niya at napahinga ng malalim bago naisipan na lumabas na at tigilan ang kalokohan. Pumasok siyang muli sa kwarto ni Shin at nakita niya na ine-empake na nito ang mga damit na nais nitong ipahiram sa kanya. "Huwag na, Shin. Bibili na lang ako sa pilipinas ng damit ko." pigil niya rito kaya napaangat ito ng tingin. "Pero baka kailanganin mo rin ito?" Umiling siya, "Hindi na. Bibili na lang ako kesa isuot 'yan. Ang baduy ng taste mo sa damit." "Napaka harsh mo talaga, baby." nakanguso nitong sabi, "anyway, ipangako mo sa akin na 'wag na 'wag kang tatanggap nang manliligaw doon?" bilin pa nito na kinatawa niya habang nakatingin rito na hindi makapaniwala. "Ano ba 'yang pinagsasabi mo? Wala sa isip ko 'yan." sabi niya rito na kinangiti naman nito. "Mabuti naman." mahinang sabi nito. "Mabuti naman?" ulit niya sa narinig. "Wala. Oh? Paano? Tara na? Ihatid na kita." sabi nito kaya tumango siya. Napatingin siya sa automatic wrist watch niya kung saan ay parang cell phone ito na maaaring tawagan. Nakita niya na tumatawag ang Otōsan niya. Agad niyang hinubad ang wrist watch at tinapon sa basurahan ni Shin. "Mabuting hindi nila ako ma-detech." aniya at tumingin kay Shin na ngumiti. ~ PAGDATING NILA SA Kansai International Airport, nagpaalam ang dalawa sa isa't-isa at niyakap ni Shin si Akina dahil matagal niya itong hindi makikita. "Mag-iingat ka doon, baby. Basta 'pag may problema ay agad mo 'kong tawagan." sabi ni Shin kay Akina habang nakayakap ito sa dalaga. "Oo na." walang ganang sabi ni Akina. Bumitaw si Shin at humawak sa be mga balikat ni Akina, "Alam mo pa ba ang number ko? Wait.." sabi nito at nagmamadaling kinapa ang bulsa. Kinuha nito ang wallet at ang calling card nito. Tumingin muli si Shin kay Akina at inabot ang calling card. "Heto. Para hindi mo makalimutan." sabi nito. Binalik ni Akina rito ang calling card at inayos sa balikat ang pagkakasukbit ng back pack niya, "Hindi na. Kahit baliktarin ko pa ang numero ng cell phone number mo ay kabisado ko na." sabi ni Akina at ngumiti. Natuwa naman si Shin sa narinig. Sumaludo si Akina kay Shin bago umatras palayo sa kaibigan, "hanggang sa muli, Shin." paalam niya. Malungkot na ngumiti sa kanya si Shin at kumaway kaya tumalikod na siya. Napahinga siya ng malalim bago napangiti. "Sa wakas, magagawa ko na rin ang gusto ko." sabi niya sa sarili at masayang naglakad papasok sa departure area ng airport. ~ PHILIPPINES HINDI MATAWARAN ANG ngiti ni Akina ng makaapak na rin siya sa pilipinas. Dinipa niya ang mga braso at sinimoy ang hangin na kinabahing lang niya. Napahimas siya sa tungkil ng ilong dahil hindi sariwa ang hangin na tumama sa kanya. Tapos mausok, maalikabok, at mainit pa sa pakiramdam ng klima. Pero kahit na, masaya siya at malaya na siya. Agad siyang tumingin sa iPad tablet na dala niya para alamin kung paano siya makakapunta sa Bf island na sinasabi ni Shin sa kanya. Habang lumalakad siya palayo sa airport ay busy ang mga mata niya sa paghahanap. Ililipat pa lang niya sana sa information na pinadala ni Shin, nang sa isang iglap ay nawala ang iPad sa kamay niya. Napatanga pa siya sandali bago tumingin sa mga kamay niya, baka nadikit lang sa likod ng palad niya ang tablet niya, pero wala talaga. Napaangat siya ng tingin at nakita niya na isang batang lalake ang tumangay ng iPhone niya. Nagtagis ang bagang niya at tinaas ang pants niya para makatakbo siya agad at mahabol ito. Nagbilang siya ng tatlo bago kumaripas ng takbo para habulin ang batang humablot sa tablet niya. Malayo-layo ang tinakbo nila at maging ang isang eskinita ay dinaanan na nila. Hingal na hingal siya habang hinahanap kung saan nagtago ang batang paslit. Nilibot niya ang bawat kabahayan para hanapin ang bata, pero napahinto siya sa isang bahay na gawa sa pinagtagpi-tagping plywood na ginawang pader at ang bubong na yero na pinatungan lamang ng gulong. "P*tang in* mong bata ka! Ibigay mo sa akin 'yan." dumadagundong ang narinig niyang sigaw ng isang lalake, kaya lumapit siya sa pinto kung saan niya naririnig ang sigaw na 'yon. Ngunit nabigla siya ng lumabas ang batang paslit na hawak-hawak ang iPad niya, kaso napahinto ito ng tumama ito sa katawan niya. Agad itong nagtago sa likod ng hita niya, kaya napaangat siya ng tingin nang may lumabas pang tao. "Sino ka? Umalis ka nga d'yan at tatamaan sa akin ang bwisit na batang 'yan!" parang tigre sigaw ng lalake at hinawi siya, ngunit dahil sinanay siya sa taekwondo ng kanyang Daddy kaya may alam siya sa depensa. Hinawakan niya sa kamay ang lalake at pinilipit iyon na kinaaray nito. "Wala kang awa sa bata. Nais mo pa akong dampian ng marurumi mong kamay." malamig niyang wika rito at binitawan din naman ang kamay nito. "E, Gag* ka pala!" sabi muli nito na pagalit at ambang susugurin siya ng ilabas niya ang isang daan libong pera na kinahinto nito. "Isaksak mo sa bunganga mo ito, mukhang pera!" galit niyang sabi at pinasak niya sa bunganga nito ang isang daan libo bago niya buhatin ang batang paslit. Lumisan sila sa bahay na 'yon at lumakad palayo sa eskinita. Sa isang parke sa gilid ng kalsada sila huminto at inupo niya ang bata sa malinis na maaaring upuan bago siya lumuhod sa harap nito. "Bakit mo nagawa ang bagay na 'yon?" tanong niya rito. "Utos niya." sagot nito. "Hindi mo ba alam na masama 'yon? Ang bata mo pa para gawin ang bagay na 'yon." sabi niya at inayos ang buhok nito. Hindi niya maintindihan ngunit magaang ang loob niya sa bata. May itsura ang bata at tila may lahi pero fluent ito sa Tagalog kaya baka nakalahi lang din gaya niya. "Nasaan ang mga magulang mo? Bakit ka nila hinahayaan na gawin ang bagay na 'yon?" Tanong niya. "Wala na po akong magulang. Si Tiyo ang nagturo sa akin na gawin 'yon." sabi nito kaya napapikit siya at napakuyom ng kamay dahil galit na galit siya sa ganoong klaseng tao, ngunit kinalma niya ang sarili at tumayo. Tumingala sa kanya ang bata sa ginawa niya. "Anong pangalan mo?" Tanong muli niya. "Allen." sagot nito kaya napangiti siya at nilahad ang isang kamay sa harap nito. "Allen, gusto mo bang sumama sa akin?" tanong niya rito na agad nitong kinatango at humawak sa kamay niya. - SAKAY NG ISANG barko sina Akina at Allen patungo sa Bf Island. Dumadaong daw sa Bf Island ang barko kaya doon na sila sumakay kesa sa chopper na hindi na niya binalak, baka mang hinala pa ang mga tao doon. Kailangan niyang mag panggap na mahirap kung gusto niyang maging malaya. Ilang oras ata ang naging byahe ng barko bago i-anunsyo ng isang lalake na narito na sila sa BF Island. Namangha siya sa linis, lawak, at nakakalagot ng hininga na kagandahan ng isla. Kumikislap ang asul na asul na kulay ng karagatan dahil tumatama ang araw sa tubig kaya maliwanag na nakikita ang ganda ng tubig. Maging ang buhangin ay pino at puting-puti. Isama pa ang mga nakatayong establisyamento sa paligid at maging ang trade mark ng BF Island na kitang-kita kahit sa pwesto niya. May mga puno din ng niyog na matataas at maraming turista na dayuhan. "Wow! I can't believe I will experience the breathless beauty of this island." anas niya habang nakangiti na niilibot ang tingin sa paligid. "Wow! Ang ganda naman rito, Ate Akina." sabi ni Allen kaya napatingin siya rito at napangiti. "Tama ka. Dito tayo titira. Nagustuhan mo ba?" sabi niya rito na agad nitong kinatango, kaya ginulo niya ang buhok nito at tumingin muli sa paligid. - "ANAK, NAIPASA MO na ba ang card mo para sa pagpasok mo sa kolehiyo?" tanong ni Beatrice kay Diesel na focus na focus ang mga mata sa play station kung saan ay labanan ng mga wrestling. "Not yet, Mom. May usapan kami nila Sandro na sabay na pupunta ng university para magpa-enroll." tugon ni Diesel habang nakatingin pa rin ang mga mata sa nilalaro. "Mabuti naman.. Kumain ka muna bago umalis. Aalis lang kami ng daddy mo kaya baka walang maiwan rito." bilin nito sa kanya, kaya nagtaas lang siya ng kamay bilang hudyat na nauunawaan niya ang sinasabi nito. Napailing na lang si Beatrice at iniwan ang anak sa paglalaro nito. Nang mag sawa si Diesel sa paglalaro ay napaunat siya ng braso at tumayo. Tumingin siya sa orasan at nakita niya na malapit na pala sa napag-usapang oras ang lakad ng tropa niya. Umakyat siya sa taas para maligo. Pagkatapos gawin ang morning ritwal niya ay pumili siya sa paborito niyang sinusuot. Isang V-neck T-shirt, black pants, at leather jacket. Nagpahid siya ng wax sa buhok na gustong-gusto niya, lalo na kapag nakataas, dahil para siyang astig sa pormang iyon. Nagsuot rin siya ng glass shades na isang cartier paris gold 18k sun glasses. Naiirita siya sa araw at sa mga hindi kanais-nais sa kanyang paningin, kaya kailangan niya ng proteksyon sa mata. Pinaikot-ikot niya sa kanyang daliri ang key chain ng susi ng kotse niya habang palabas siya ng bahay. Tinungo niya ang nakaparadang sasakyan kung saan nakaparada ang lahat ng sasakyan nila sa bahay. Nang makasakay siya ay tumingin siya sa side mirror bago pinaandar ang sasakyan paalis. Habang lulan ng sasakyan ay tinawagan na niya ang tropa na sina Sandro, Benedict, Jack, Jin, Michael, at Ralph. "I'll be there, Bangtan." sabi niya sa anim na konektado ang tawag sa isa't-isa. "Sure." Si Benedict na matalino at mabait sa mga babae na pwede nang bansagan na playboy, kahit hindi naman sadya nito na maging malapit sa mga babae.. "C'mon, Diesel! Marami nang kababaihan na pinagkakaguluhan kami. Baka maubusan ka." Si Michael na playboy. "Bilisan mo, baka hindi ko maabutan ang my loves ko." si Jin. "Tss. . ." si Jack na kinangisi niya. Ang pinakatahimik sa grupo nila. "Tumigil na nga kayo, para kayong tanga.." si Sandro na seryoso ang personalities at masasabi niya na mas good boy sa kanilang lahat. "Ano ba, Jin! Mang-aagaw!" and last but not the least sa grupo---si Ralph, na mahilig kumain at isip bata. Tila inagawan ni Jin ng pagkain si Ralph base palang sa reaksyon nito sa background. Binabaan na nga niya ang tawag ng mga ito dahil natutulig lang siya sa boses ng mga ito. Habang binabagtas niya ang kahabaan ng kalsada na palabas ng mismong isla nila ay may nakita siyang isang babae tingin niya ay kaedaran niya at isang batang lalake. Dahil hindi niya nakita ang basang kalsada, kaya nasagaan niya iyon at tumalsik ang tubig sa babae kaya natawa siya at pinaharurot ang sasakyan para hindi na siya masita nito. Narinig niya itong sumigaw na tila minumura pa siya. Habang palayo sa babae ay tinignan niya ito sa side mirror at nakita niya na nagpapadyak ito sa inis. Hindi niya makita ang mukha nito dahil sa suot na hat, ngunit gumisi siya at pinokus na ang tingin sa daan. PAGDATING SA WEST Cassex University ay agad na naglabasan ang mga estudyante at ang ilan ay nakiusyoso pa sa sasakyan niya. Nakita niya ang anim na nakaparada ang mga sasakyan habang nakasandal ang mga ito sa kani-kanilang sasakyan. Pinarada niya ang dilaw niyang Lamborghini sa gitna kung saan may space pa na para talaga sa kanya. Agad siyang bumaba at tumingin sa Bangtan Boys. "Hey, Bro!" bati ni Michael kaya nakipagbanggaan siya ng kamao rito. "Nice. May bagong sticker na naman ang sunny mo." sabi ni Jin na ang tinutukoy nito ay ang sasakyan niya na may bagong sticker na bagong pilagay palang niya. Bawat taon ay nagpapalagay siya at ngayon nga ang inilagay niya na quote ay 'Don't you dare the bad boys.' "Of course, para swabe." sabi niya at tinampal ang kamay ni Ralph na balak hawakan ang sasakyan niya. May cheese pa kasi ang kamay nito mula sa kinakain nitong junk food. "Damot!" sabi ni Ralph na kinangisi niya at sinakal ng braso niya ang leeg nito at nagpabigat siya ng husto para mabigatan ito, "Ackk! Ayoko na!" sigaw nito kaya inalis na niya ang braso mula sa pagkakalambitin rito. Napailing ang mga tropa niya sa kanila at napangisi. "Let's go." aya ni Sandro sa kanila kaya tumango siya. Nakapamulsa siya habang nauuna sa paglalakad ng grupo. Marami ang bumabati sa kanila na mga kababaihan na narito rin para magpa-enroll. Bigla namang may isang babae na bumangga sa kanya kaya agad niyang tinulak ito para mapaupo ito sa lupa. "Tss. . ." irita niyang bigkas at pinagpag ang damit tila diring-diri, "watch your step." inis na sabi niya rito at iniwan ito na hindi tinutulungan. Kung akala niyo ay good boy siya? Nagkakamali kayo. Dahil ang isang Diesel Aaron ford ay binansagan sa grupo na Bad Ass. It means: Bad boy Ford. And if you dare to beat him, get ready for his Bad Revenge. Dahil kahit mapa-Lalake o mapa-Babae ka man, masanggi mo lang siya ay tiyak na may paglalagyan ka. Kilala na ang grupo nila sa university dahil sa high shool west cassex rin sila nag-aaral. Popular at iniilagan dahil isa sa mga investor ng school ang parents ng pito, lalo na si Diesel na kilalang-kilala sa buong Bf Island dahil sila lang naman ang may-ari ng lahat ng bagay na inaapakan ng mga tao rito sa bf island. Kaya mabuting 'wag kalabanin ang grupo kung gustong makapag-aral pa sa isang exclusive school tulad ng West Cassex University. "I think. . . this is the best year for me." wika ni Diesel at tumingin sa malawak na university na tiyak na magiging exciting sa bawat araw niya. Copyrights 2017 © MinieMendz

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
311.9K
bc

Run Honey Run / Mafia Lord Series 4 Completed

read
317.1K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.4K
bc

ZACH HOFFMAN

read
225.5K
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
49.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook