CHAPTER 1 - SCHOLARSHIP

3917 Words
CHAPTER 1 SCHOLARSHIP ? IRITANG-IRITA SI Akina habang nilalakad nila ni Allen ang daan kung saan patungo sa bahay ni Aunt Isabelle. Paano, puno ng putik ang pants niya at shoes niya dahil sa tarant*dong kaskaserong driver na sinagasaan ang sementadong daan na may basang tubig. Edi tumalsik sa kanya lahat dahil hinarangan niya si Allen para hindi mabasa ang bata. "Naku! Oras lang na makita ko ang nagmamay-ari ng kotseng dilaw na 'yon, tignan natin kung may maipagyabang pa siya!" sabi niya sa sarili habang napupuyos ang loob sa inis. "Ate Akina, sino po ang kausap niyo?" inosenteng tanong ni Allen sa kanya habang nakatingala at sumasabay sa paglalakad niya para hanapin ang bahay ni Aunt Isabelle. "Huwag mo na akong pansinin, Allen. Tara. Doon tayo. Baka doon ang daan patungo sa bahay ni Aunt Isabelle." tugon ni Akina at inakay si Allen sa kanang daan. Napawi ang inis ni Akina ng makita niya ang napakalawak na palayan sa gilid ng dinadaanan nila. Namangha siya at napasinghot sa hangin na napakasarap sa pakiramdam. Hindi katulad sa maynila na polluted na. "Ang ganda dito. Mukhang masarap manirahan dito." komento ni Akina habang panay ang tingin sa kabukiran. "Ang halik mo, namimiss ko. . . Bakit iniwan mo ako. . . Ohhh. . ." May nadaanan sila na isang karinderya at malayo palang dinig na dinig na nila ang isang babae na bumibirit ng isang Tagalog na kanta. Tila damang-dama nito ang pagkanta dahil may action pa ito sa bawat lyrics ng kanta, kaso nakakatulig sa tenga ang boses nito na parang pinupunit at tinapakang lata. "Ano ba 'yan, Angge! Nambubulabog ka na naman!" sigaw naman ng isang Ale na nakasuot ng bulaklaking bestida at may tuwalya pa ito sa ulo na nakapulupot para matakpan ang basang buhok. "Aling Ingga, kung ayaw niyo na mabulabog ng maganda kong tinig ay kumuha kayo ng cotton buds at ipasak ninyo sa tenga niyo. Makareklamo kayo parang hindi rin malakas ang bunganga niyo." tugon naman nung tinawag na Angge. "Huwag na kasing ipagpilitan, Angge. Kailanman ay hindi na gaganda ang boses mo. Ang mabuti pa ay sumalo ka na lang sa amin." Sabi ng isang lasenggero na inaalok si Angge para makisalo sa inuman. "Wow! Ang hard niyo sa akin. I hate you!" drama ni Angge at napatakip pa ng bibig at patakbong umalis sa loob ng karinderya. Napahinto lamang ito ng makita sila at napakunot-noo nito bago lumapit sa kanila. "Sino kayo?" tanong nito. Magsasalita na sana siya ng magsalita muli ito. "Wait! Mukhang porenger kayo, ha? Dapat mag Ingles ako." sabi nito na kinalukot ng mukha niya at walang emosyon itong tinignan. Habang si Allen ay nakatingala naman kay Angge na naguguluhan. "Ahem! Ahem! Who are you? Do you understand me?" subok na Ingles na tanong ni Angge na napapangiti pa dahil sa wakas meron na siyang pagpa-praktisan nang kanyang english 101. "Izaberu obasan o sagashiteimasu. (We are looking for Aunt Isabelle.)" dahil nasa mood pa naman si Akina kaya pagtitripan muna niya ito sa pagsasalita ng lengwahe niyang hapon. "Hahaha!" humalakhak ito na kina-face palm niya. "anong ibig sabihin no'n? Isnobera ako? Nasagasaan ng maso?" napapakamot sa ulo nitong tanong. Kaya napabuga siya ng hangin at bagot na tinignan ito. "Hinahanap namin si Aunt Isabelle." Tinagalog na niya dahil masyado na silang nabibilad sa sikat ng araw. Mainit pa naman. "Marunong ka palang mag-Tagalog, pinahirapan mo pa ako. Pero bakit niyo siya hinahanap?" tila nakahinga nitong sabi at kalaunan ay tinanong ang sadya nila kay Isabelle. "It's none of your business." walang habas niyang sabi rito na kinahawak nito sa puso tila nasaktan. "Ouch! Ang hard mo namang magsalita. Alam mo, sayang ka, maganda ka kaso tomboy ka at ang taray mo. Siguro--" Hindi na niya pinakinggan ang susunod nitong sasabihin at nilagpasan ito at hinila na si Allen. "Wait! Saglit! Sasabihin ko na." sabi nito at humarang sa harap nila kaya napahinto sila sa paglalakad ni Allen, "medyo malayo-layo ang bahay ni Aling Isa kesa sa mga bahay rito." paalalanan nito na hindi na niya pinakinggan at nagsimula na silang maglakad. Habang dakdak ng dakdak ito ay busy ang mga mata niya sa paligid. Pansin niya na gawa sa mga kahoy ang mga bahay rito na tabi-tabi. Ang mga bubong ay yari sa pinagpatong-patong na sangga at dahon ng isang coconut tree na pinatungan ng net para siguro hindi liparin ng hangin sa gaang. May nakita siyang isang ale na busy sa paghagis ng bigas gamit ang bilao. Habang ang isang ale at asawa ata nito ay busy sa pagbibilad ng isdang maliliit sa mga pinagdikit dikit na nylon string na nakatayo sa harap ng bahay ng mga ito. May mga bata rin silang nadaan na mga nagtatakbuhan tila hindi alintala ang init basta masaya lamang silang naglalaro at tila mga walang problema. Napahinga siya ng malalim dahil hindi niya naranasan ang makapaglaro kasama ang ibang bata. Bata palang kasi ay ginugol na siya ng kanyang ama sa pag-aaral. Tanging guru lamang niya ang laging kaharap imbes na mga laruan. Gusto ng daddy niya na maging susunod nitong successor. Kaya ganoong ka-istrikto ito sa pagte-train sa kanya na minsan ay hinihiling niya na sana, kahit minsan ay magkaroon naman siya ng kalayaan. Mabuti na lamang ay nariyan ang bestfriend niyang si Shin na tanging pinapayagan ng ama niya na maging kalaro niya. Kaya kahit paano ay nababawasan ang pagkabagot niya sa pag-aaral. Sana ganito na lang ang naging buhay niya. 'Yung malaya sa nais na gawin na walang sasaway. 'Yung malayo sa buhay prinsesa na may gintong kutsarang isinusubo sa bibig. "Narito na tayo." pukaw sa kanya ni Angge kaya napatingin siya sa bahay na nag-iisang nakatayo sa isang lupain at malayo nga sa kabahayan. Kitang-kita ang kalumaan, bura-burang pintura sa pader, at maliit na bahay ngunit up and down ang istilo nito. May mga pa-effect-effect pa na sapot sa mga bintana at may mga nakakatakot na maskara ng isang babaeng mangkukulam sa pinto. "Sigurado ba kayo na nais niyong pasukin ang bahay na 'yan? Mangkukulam si Aling Isa." natatakot na paalalanan sa kanila ni Angge na hindi niya tinuguan bagkus lumapit siya sa pinto. Bago pa siya kumatok ay kumaripas nang takbo si Angge na kinailing niya at kumatok na siya. Dahan-dahan na lumagitgit ang pinto na gaya sa horror movie na pinapanood niya ang sound effect. Maliit na siwang ang ginawa nito ng buksan ang pinto. "Sino ka?" inaantok nitong tanong. "Ohayō, Aunt Isabelle. Si Akina po ito." Bati niya. Nabigla siya ng biglang binuksan nito ang pinto ng maluwag at agad siyang hinila papasok kasunod si Allen na hinila rin nito bago nito isinara ang pinto at hinarap sila. "Ikaw pala 'yan, bata ka! Bakit ganyan ang ayos mo? Hindi tuloy kita nakilala." sabi nito kaya inalis niya ang hat sa ulo na kinabagsak ng mahaba niyang buhok. "Nag-disguise ka? At bakit ka nga pala napadpad rito? Hindi ka ba hinahanap ng daddy mo? Naku, baka ipa-assassin ako ng daddy mo." nababahala nitong tanong na kinailing niya. "Don't worry, Aunt Isabelle. Hindi ko kayo idadawit rito. Kailangan ko lang po sana ng matutuluyan at kayo lang po ang naisip namin." sabi niya rito. "Tiyak na pinapahanap ka ni President Kobayashi. Sure ka ba sa ginagawa mo?" "Opo. At hindi naman ako mahahanap agad no'n dahil nagpalit na ako ng profile at heto nga ho, nag-disguise." sabi niya rito at pinagmasdan ang itsura nito. Buhaghag ang buhok na tila isang linggong hindi nanuklay. Maitim ang ilalim na bahagi ng mata dahil sa eye bags na tila ilang araw nang puyat. Medyo mataba ito at maputi rin. Nakasuot ito ng isang bestidang itim na ang haba ay hanggang paa nito na hindi makita. May suot din itong scarf sa leeg na nakapaikot pa. Napailing siya dahil kaya pala ito napagkakamalang witch. Idagdag pa ang itim nitong lipstick na pinahid sa labi nito. Naglakad ito at lumapit sa sofa at agad na niligpit ang mga nakakalat na papel na nakalumukos. Alam niya na isang anonymous writer itong si Aunt Isabelle. Isang magaling na writer ngunit ayaw naman mag pakilala. Naalala niya noong bata siya, tumatakas siya sa mansyon para puntahan si Shin at ayain sa bahay ni Aunt Isabelle para basahan sila ng mga kwentong ginagawa nito. Kaso, noong mag highschool sila ay bigla na lang itong naglaho at nalaman nila na nagpunta ito sa iba't-ibang bansa para makakuha ng idea sa mga sinusulat nito. Kaya masayang-masaya siya ng sabihin ni Shin na dito nakatira sa pilipinas ngayon si Aunt Isabelle, at lalo siyang natuwa dahil makakasama niya ito dito. "Maupo muna kayo at ikukuha ko kayo ng tsaa." sabi nito ng mailigpit ang kalat sa sofa kaya inalis niya ang pagkakasukbit ng back pack sa balikat niya at lumapit siya sa sofa at pabagsak na naupo. "Aunt Isabelle.." "Tiya na lang." pagtatama nito. "Tiya, juice na lang po kay Allen. Hindi naman siya sanay sa tsaa." request niya na kinangiti nito at napatingin kay Allen na tumabi sa kanya. "Sige." sabi nito at umalis na para siguro ikuha sila ng maiinom. Nilibot niya ang tingin sa buong sala at nakita niya ang mga sticky note na nakadikit sa pader na ang kulay ng pintura ay pulang-pula. Habang nakita rin niya ang work place nito kung saan ito nagsusulat gamit ang computer na marami ring printer na katabi. Napatingin siya sa kisame na sa taas nito ay may second floor. Nakita niya na nakasabit ang mga ginawang shell accessories na tiyak na ito ang may gawa. May mga libro rin sa book shelf na maayos-ayos na nakasalansan sa bawat bahagi nito. "Ate Akina, dito na po tayo titira?" tanong sa kanya ng inosenteng si Allen. Bumaling siya rito at ngumiti bago niya hinaplos ang buhok nito. "Oo, dito na tayo titira." tugon niya. "Tama po pala si Ateng madaldal. Nakakatakot si Aunt Isabelle. Parang witch." sabi pa nito na kinailing niya. "Huwag kang matakot kay Aunt isabelle. Mabait 'yon at gano'n lang talaga 'yon mag-ayos. 'Tsaka dadalhin ba kita rito kung ipapahamak lang kita, 'di ba?" paliwanag niya rito na kinatango nito. "Oh, mag tsaa at juice muna kayo." biglang sulpot ni Aunt Isabelle na nilapag ang tray sa lamesa at pinatong sa harap nila ang tasa at baso na naglalaman ng tsaa at juice. At may kasama ring tinapay. Tumayo ito ng maayos bago tumingin kay Allen. "Akina, saan mo ba nakuha 'yang batang 'yan? Hindi kaya makasuhan ka dahil sa pagkuha mo sa bata?" "Hindi 'yan, Tiya. Wala ng magulang si Allen. Sinasaktan at tinuturuan lamang siya ng Tiyo nito na gumawa ng masama. Kaya naisip ko na isama ko na lang siya sa akin." paliwanag niya na kinatango nito. "Dapat ay ayusin mo na ang papeles n'yan, para magkaroon ka ng rights sa bata at hindi ka makasuhan." pangaral nito. "Gagawin ko 'yan, Tiya." Napatingin siya kay Allen na umiinom ng juice. Napahinga siya ng malalim dahil paano kung agad sila matunton ng daddy niya? Paano ito? Maiiwan rito? Pero kahit na, gagawin na lang niya ang lahat para protektahan ito at alagaan na parang tunay na kapatid. "Anyway, 'di ba tapos ka na nang high school?" tanong ni Aunt Isabelle kaya napabaling siya rito at tumango. "Yes, Tiya." "Kung balak mong mag-aral habang narito ka ay isa-suggest ko sa 'yo ang west cassex university. Magandang mag-aral doon." "Magkano ho kaya ang tuition doon?" tanong niya at humigop ng tsaa. "Mga fifteen thousand siguro ang downpayment." Napabuntong-hininga siya dahil masyadong malaki. Baka mabilis maubos ang pera niya kung sakali na doon lang niya gagamitin. Kailangan niyang magtipid dahil baka hindi niya magamit ang card niya at baka pina-hold na ng daddy niya. Ayaw din niya malaman kung nasaan siya kaya delikado kung gagamit siya ng bank. "Kung gusto mo naman ay ikukuha kita ng scholarship? Kilala ko ang isang may-ari doon at amo ko pa. Ilalakad kita, ano?" sabi nito. "Nakakahiya naman, Tiya. 'Wag na po." sabi niya. "Huwag ka nang mahiya, ano ka ba. Parang hindi ikaw 'yan. Wala ka kayang hiya." nakangiti nitong sabi na kinatawa niya. "Pero, Tiya, nakakahiya talaga. Wala bang ibang school na mas mura lang?" "Mayroon naman, pero baka hindi ka ma-satisfied sa tinuturo doon. Hindi kasi maayos mag patakbo ng eskwelahan ang mga kalapit na public school. Kaya nga ang ibang kabataan dito ay ninanais na makapasok sa WCU. Dahil kalat sa kalapit bayan kung gaano kaganda, makalidad, at maayos ang pagtuturo ng school na iyon. Sikat, kahit na sa isang isla ito nakatayo. Kaya 'pag nalaman ng mga companies na papasukan mo kung sakali na mag trabaho ka, at 'pag sinabi mo lang na sa school ka na iyon nag-aral ay agad kang tatanggapin.. Ganyan ka-impluwensya ang WCU. Kaya kung ako sa 'yo ay ikukuha na lang kita sa amo ko ng scholarship. 'Wag ka nang mahiya dahil para rin naman sa 'yo 'yon." paliwanag nito kaya wala na rin siyang nagawa kundi sumang-ayon dahil tila maganda nga ang school na 'yon dahil bidang-bida kay Aunt Isabelle na minsan lang humanga. "Pagkatapos niyo d'yan ay umakyat na kayo sa taas at bumaba rin agad kayo para bumili tayo ng damit niyo. Mabuti na lang at merong bilihan ng mga damit rito sa malapit." sabi nito kaya tumango siya. - PAGDATING SA TAAS ay may isang kwarto lang at medyo may kalakihan na isang kama. Kasya lang siguro ang dalawang tao. "Dito na kayo sa taas ni Allen at ako na sa baba. Tutal ay hindi na rin naman ako nakakatulog sa pagsusulat ko ng novel." sabi ni Isabelle. "Naku, ako na po doon sa baba. Kayo na lang ni Allen dito. Nakakahiya naman na kayo pa ang mawawalan ng higaan." Umiling ito at ngumiti, "Hindi na. Ako na doon at dito na kayo. 'Wag mo na akong alalanin. Basta ituring mo rin itong bahay mo." sabi nito na kinangiti niya. "Salamat, Aunt Isabelle." "Kulit mo. Sabi ko Tiya na lang, e." sabi nito kaya natawa silang pareho, "oo nga pala, kung nais mong maging makatotohanan ang pagdi-disguise mo ay dapat na baguhin natin ang imahe mo." dagdag nito habang nakahawak sa baba nito at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Nagkatinginan sila ni Allen at nakibat-balikat, bago siya bumaling muli kay Isabelle. "Anong ibig niyong sabihin?" naguguluhan niyang tanong. Umalis ito sa harap nila at lumapit sa isang cabinet. Binuksan nito ang drawer at may hinalughog doon. Napalunok siya ng makita ang matalas na guting at suklay. Kaya agad siyang napahawak sa buhok niya na inalagaan pa niya ng ilang years. Hanggang pang upo ang haba nito na tila pang model ng isang brand ng shampoo sa ganda at kinang. "Kailangan nating putulan ang buhok mo, Akina. At kailangan rin nating baguhin ang porma at kilos mo para maging mas makatotohanan." "Tiya, wala na po bang ibang paraan? 'Wag lang itong buhok ko." nangangamba niyang tanong dahil nakakahinayang ang mahaba niyang buhok. "Wala na, hija. Kung nais mo talaga ito ay dapat mong panindigan. Hindi naman kita pinipilit. Nasa iyo ang pasya kung ano ba ang nais mo." Mabigat na napabuga siya ng hangin bago tumango bilang pagpayag. Pinagpalit muna siya nito ng damit at bumaba na lang pagkatapos. Nang matapos na siyang mag palit ay bumaba na sila ni Allen sa baba kung saan naghihintay si Isabelle. Nang makita sila nito ay may kinuha itong silyang kahoy at pinaupo siya doon kaya naupo siya. Pinatungan ng silkang tela ang balikat niya para hindi dumikit sa damit niya ang buhok.. Sinuklay muna nito ang buhok niya habang siya ay mahigpit na nakahawak sa gilid ng silya at napapikit. Ambang ilalapat na ni Isabelle ang guting sa buhok niya ay pinigilan niya agad ito na kinataka nito. "Wait, Tiya. Allen, paabot ng cell phone ko, please.." pigil at baling na pakiusap niya kay Allen na agad dinampot ang phone niya at patakbong lumapit ito. "thanks." pasalamat niya sa bata at binuksan ang cell phone para hanapin sa application ng cell phone ang isang camera. Nang makita ay agad niyang tinapat sa mukha niya at buhok. "Anong ginagawa mo?" "Souvenir na may mahaba akong buhok na ganito." tugon niya kay Isabelle na kinailing nito at sumama sa picture kasama din si Allen. "Okay, I'm ready now." "Are you sure? Wala na bang atrasan?" "Wala na. This is it." tugon niya kaya tumango ito at nilapat na ang guting sa buhok niya. Pumikit siya at dinama ang unti-unting pagkaputol ng buhok niya. "Bye-bye long hair. Kailangan kong pagupitan ka para sa kalayaan ko." aniya sa isip. Ilang oras bago ito natapos at pinatingin siya sa salamin. Kaya dumilat siya at unang bumungad sa kanya ay ang mukha niya, sunod ang buhok niya na parang gupit ng isang koreanong lalake. Hindi naman siya nagmukhang lalake dahil mayroon siyang maamo at magandang mukha. "'Yan! Bagay na bagay sa 'yo. Mukha ka na ring tomboy." "Thanks, Tiya." "Walang anuman. So, ano na? Sa kilos naman tayo." sabi nito kaya tumango siya. "LALAKE DAPAT! MASYADO kang professional model kung maglakad. 'Yan! Ganyan nga! Sige, ipagpatuloy mo at mukha ka nang lalake maglakad." sabi nito. Pagod na pagod na siya dahil ang hirap pala pag-praktisan ang kilos ng isang lalake. "dapat sa pag-upo ay nakabukaka ka at ang braso ay nakapatong sa mga hita mo. 'Yan! Good boy!" nalukot ang mukha niya dahil mukha na siyang tanga. Pagod na sinandal niya ang likod sa sofa.. "Oh, uminom ka muna." alok nito kaya umayos siya ng upo at inabot ang bottled water at binuksan bago nilagok ang tubig. Pinahiran niya ang nguso gamit ang likod ng palad at sinara ang takip. "Dapat ay sa porma naman." sabi ni Isabelle at tinungo ang isang shoulder bag na nakasabit sa sabitan sa pader. "Saan kayo pupunta, Tiya?" tanong niya dahil naguguluhan siya kung bakit nito kinuha ang shoulder bag nito. "Anong ako? Tayo. Aalis tayo. Pupunta tayo ngayon din sa tindahan ng mga damit para may maisuot ka na, maging itong si Allen." Tumango siya at tumayo bago hawakan si Allen sa kamay at sumunod sila kay Isabelle na naunang lumabas. Habang tinatahak nila ang daan na nilakaran nila kanina ay napansin niya ang kumakaripas sa pagpasok ang mga tao sa kanilang bahay ng makita sila. "Anak, tara na sa loob. Nand'yan na ang mangkukulam." sabi ng isang ale sa anak nito na naglalaro at hinila na papasok. "Tiya, 'wag na ho kaya tayong tumuloy?" "Ano ka ba, malapit na tayo, ngayon mo pa sasabihin na bumalik tayo? Saka 'wag mo akong alalalanin, ayos lang sa akin ang reaksyon nila." nakangiti nito sabi. "Paanong ayos? E, halos layuan na kayo tila may virus na nakakahawa." sabi niya. "Sinadya ko talaga 'yon. Gusto ko na akalain nila na mangkukulam talaga ako, para naman wala ng mang-istorbo sa akin." Napailing siya at napangiti dahil iba rin ang trip nito. Kaya pala pinang-i-ilagan dahil sinasadya na takutin ang mga tao. Nagtungo sila sa isang pwesto kung saan may Ale na nagbabantay ng paninda nitong damit. "Aling Marsha, pagbilhan kami ng damit n'yong panlalake, ha." sabi ni Isabelle. Napansin niya na tila isang dereksyon lang ang tingin nito at tila malayo pa ang nararating. "Sige, sa batang lalake ba?" "Hindi ho, dito sa tomboy na kasama ko." napasamid siya dahil akala naman tunay na tomboy siya. Pero baka gusto lang ipanlandakan ni Aunt isabelle na tomboy siya. "Sige, pumili na kayo d'yan ng maibigan n'yo." Kaya pumasok sa loob si Aunt Isabelle para tignan ang mga naka-hanger na damit. "Hija." napalingon siya sa likod niya kung sino ba ang tinatawag ng Ale. Nang makita niya na wala namang ibang tao ay humarap siya muli rito at kinaway ang kamay upang malaman kung nakikita ba siya nito. "Mag-iingat ka sa mababangga mo. Dahil baka matipalok ka at mahulog. Ang isang dapat mong gawin ay ang umiwas." sabi nito na hindi niya maunawaan, kaya nakibat-balikat na lang siya at sumunod kay Aunt Isabelle na pumipili ng mumurahing damit. Nang makapili at mabili nila 'yon ay naglakad na sila pabalik sa bahay ni Aunt Isabelle. Pero hindi nila inaasahan ang isang babae na nakatayo sa harap ng bahay ni Aunt Isabelle tila naghihintay. May kotse ito at may bodyguard pa. "Ma'am!" tawag ni Isabelle rito kaya napagtanto niya na kilala ito ni Isabelle. Humarap ang babae at binaba ang balabal na nakapaikot sa ulo nito na kinabunyag ng maganda nitong mukha na kinanganga niya. "Ma'am, ano ho ginagawa n'yo rito?" "Paumanhin kung hindi ako nag-abiso na pupunta rito." nakangiting sabi nito at bumaling sa kanya kaya nahihiya siyang ngumiti. "Wala 'yon." tugon ni Isabelle rito. "Naparito lang ako dahil ito lang ang sadya ko." sabi nito at may kinuha sa bag na isang cheque at inilahad sa harap ni Aunt isabelle, "Ito ang tip ko sa iyo. Nalaman ko na hindi mo naman kinuha kaya dinala ko na rito." nakangiti nitong sabi. "Wow! Grabe ang tip. Cheque talaga?! Saka mukhang mayaman na mayaman itong babae." ani ng isip ni Akina. "Kakaiba talaga kayong mag-tip, Ma'am. Pero 'wag na po 'yan, iba na lang po ang hihilingin ko. Mabuti ay naparito kayo at nang masabi ko agad." sabi ni Isabelle. "Kung ganoon, ano ba ang hiling mo?" Bumaling sa kanya si Aunt Isabelle at ngumiti bago binalingan muli ang babae na hindi pa niya alam ang pangalan. "Nais ko ho sana na ipasok sa scholarship n'yo ang pamangkin ko. Ngayon lang siya napadpad rito sa isla n'yo at naghahanap nga ho ng mapapasukang school sa college." sabi ng Aunt Isabelle na kinalaki ng mga mata niya. "Sige, 'yun lang pala. Basta magbigay kayo sa akin ng pakikilanlan niya at record sa dati niyang school na pinasukan. Ako na ang magpapasok sa kanya. At sa susunod na linggo na ang pasukan, kaya maghanda ka na hija." sabi nito at binalingan siya. "Salamat po." nahihiya niyang sabi na ngayon lang nangyari. Nakaka-intimidate kasi ang ganda nito at tila tuluyan siyang natibo dahil ang ganda at ang sexy pa nito. Siguro ay nasa twenty-five years old pa lang ito at walang anak. "You're welcome. Sige, mauna na kami Isabelle, hija, at hijo." sabi at pagpapaalam nito. "Sige ho.. Ma'am, papasok po ako bukas at kahit wala akong sweldo ng isang linggo ay ayos lang. Pagpapasalamat na rin sa pagpasok n'yo sa pamangkin ko." "Mapagbiro ka talaga, Isabelle. Hindi na, ayos lang 'yon. Bale tip mo na 'yon." nakangiti nitong sabi at muling nagpaalam bago sumakay sa nakabukas na pinto ng kotse na pinagbuksan ng bodyguard nito. Kumaway si Isabelle at Allen sa palayo nitong sasakyan habang siya ay nakatanaw rin. Humarap sa kanya si Isabelle na may malaking ngiti. "May scholarship ka na, Akina. Galingan mo." sabi nito. "Tiya, bakit tila ang laki ng paghanga sa inyo no'n at talagang ang tip n'yo ay cheque pa?" Ngumiti siya at hinaplos ang buhaghag na buhok. "Syempre, ako lang naman ang nag-aalaga sa bunso nito na si Baby Benj. Saka balewala ang cheque kay Ma'am, sa yaman ng pamilya no'n parang barya lang sa kanila 'yun." Napatango siya at namangha pa lalo. May makakatalo na ata sa Daddy niya sa payamanan. "Tara, sukat mo na ito." Excited na sabi ni Isabelle at hinila na sila ni Allen na kinailing niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD