Chapter 2

2157 Words
*knock-knock* "Sir Maximo nandyan na po si Madam Ella." May plano pa pala siyang umuwi, naka ilang miscalls ako sa kanya akala ko ay lumayas na talaga siya. "Sige Manang." tumayo ako sa pagkakaupo at naglakad papunta sa pinto ng kwarto. Alas dose na ng hating gabi, dapat sa mga oras na'to natutulog na ko. Pero dahil sa babaeng 'yan kinailangan ko pang maghintay. "O' bakit gising ka pa?" hihilo-hilo kong salubong sa kanya na mukhang palabas ng pinto ng kwarto namin. Napatakip ako ng ilong dahil amoy alcohol siya. Mukhang may tama siya ng alak. "Sinong may sabi sa'yo na pwede kang malasing?" inis kong singhal sa kaniya. "Bakit parang kasalanan ko pa?" malungkot ang tonong boses na ibinato ko sa kaniya, iniwanan ko kanina si Ralion at uminom akong mag-isa sa ibang Bar dahil sa sakit na lumalamon sakin. "Ikaw babae ka, pag nasira ang reputasyon ko dahil dyan sa kagagahan mo sinasabi ko sa'yo!" hindi ko maiwasang taasan siya ng boses. Dahil kung may mas mahalaga man sakin ngayon, 'yon ang career ko at ang babaeng mahal ko. "Reputasyon?" tumingin ako sa mata n'ya. "Paano naman yung puso ko?" tinuro ko ang bahagi ng puso ko sa harap nya. "Paano 'to? Yung laman nito?" Kasalukuyan siyang umiiyak sa harapan ko, at panigurado kong ang pinanggagalingan noon ay ang nararamdaman nya sa iba. Tulad ko. "Kasal na tayo, umakto ka ng naayon sa papel mo. Alam mong mahaba ang proseso kapag naghiwalay tayo. Masisira ang papel ko sa publiko once na lumabas ang tungkol satin." alam kong mali ang sigawan siya pero wala akong magagawa. Gusto kong siya ang magmakaawa sa pamilya nya na makikipaghiwalay na siya. Ayokong ako mismo ang maging dahilan ng pagkasira ng career ko. Isinara ko ang pinto ng kwarto at hinayaan siya sa labas. Ayokong matulog katabi ang amoy alak. Baka sumuka pa siya sakin. -/////-////- Nakaramdam ako ng p*******t ng ulo kaya bumangon ako, sinipat ko ang paligid madilim, sa couch pala dito sa sala ko nakatulog. Una kong tiningnan ang oras, 3;30 am na ng umaga. Kahit bangag nagluto ako ng makakain, uminom ng gamot at umalis na ng bahay gamit ang kotse na regalo nung parents ni Maximo, nasa likod ng bahay ang daan, walang bahayan doon kundi daan lang palabas sa kalsada. Naalala ko lahat ng sinabi ni Maximo, reputation at career lang n'ya ang iniisip nya. At ako? Kailangan kong mag adjust at sakyan lahat ng kalokohan niya. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ng ganitong oras, pero siguro sa working place nalang at makaidlip saglit. *EL COMPANY* Saktong alasingko ng makarating ako sa El company, dahil bukod sa pagiging staff, nag te-training din ako bilang fashion designer. Wala pang tao pero si Kuyang Guard maaga kaya nakapasok ako. Pagkapasok ko sa office pumunta nako sa table ko at isinubsob ang mukha sa table. "Miss Finley.. Miss Finley?" Mabilis kong idinilat ang mata ko ng marinig ang familiar na boses. "Good morning Sir Jessie." medyo inayos ko pa ang sarili ko. Hindi ko napansin na nakatulog pala ko ng matagal dito sa office. "Mukhang may hang over ka, kaya mo bang mag work today?" pinunasan ko ang dalawang mata ko, dahil baka may muta pa. "Yes po Sir, kaya naman po." then I smiled at him. "Okay mag prepare ka na, important client 'to, and besides maaga ka ngayon, assistant muna kita today." tumango agad ako. Medyo magaan na ang pakiramdam ng ulo ko, kaya sa tingin ko naman kaya ko. Inayos ko na ang sarili ko, konting make up, at nagpalit din ako ng outfit dahil kailangan pang fashion ganon.. At dahil maayos na ang lahat, umalis na kami sa El Company. "Sir sino bang Client natin? Kilalang tao ba?" tumango naman siya. "Kilalang artista s'ya, gwapo, pero napapanuod ko s'ya wala namang talent sa pag-arte." napailing-iling pa si Sir Jessie habang sinasabi 'yon. Natawa naman ako. "Alam mo naman Sir ngayon, pag may mukha okay na." magka vibes kaming dalawa kaya favorite staff ako nito. "Well, tama ka dyan. Maximo, Maximo Salvador ang name nya." napalunok ako ng pagkalalim sa sinabi niya. Gusto kong humagalpak ng tawa ngayon, na i- imagine ko ang reaction niya. "Ay nako sinabi mo pa Sir Jessie, hindi ko din gusto ugali non napaka sama!" umiiling-iling pa ko. Sana naririnig mo yung sinasabi ko, abno ka. "Seryoso ba? Nakita mo na ba yun ng personal?" tanong pa niya. Bigla akong natahimik, tapos umiling. Ang sama ko ba. "Nababasa ko lang sa hitsura, tulad non." sabay turo ko sa billboard na naka paskil sa daan, mukha ni Maximo ang nakabalandra don. "Yung ngiti niya peke, yung hitsura niya mayabang, yung labi niya mukhang na surgery." Ganyan kita ka hate Maximo Salvador. "Sus akala ko naman ay nakita mo na." tapos sabay kaming tumawa. Kung alam mo lang Sir Jessie, asawa ko sa papel ang tinutukoy mo. Pero keri lang, hindi ako taliwas sa iniisip mo dahil ganon din ako. Mas lalo pang matindi ang tumatakbo sa isip ko. Feeling ko nga in future magiging basher nya ko, hater at anti-fan HAHAHAHA! Can't wait na gumawa ng dummy account then I pa- flood ko yung notification niya sa mga pang babash ko. Tapos bababuyin ko yung kotse nya hanggang masira siya sa mundo. O kaya may account naman akong sikat online sa f*******: at Twitter. Magagamit ko din si Miss Unknown, puro memes kasi at drama laman. Phone vibrating.. Tita Mommy -- (Ella dumaan kayo sa bahay mamaya ni Max.) At biglang dumating ang kunsensya, hayst Tita kailangan talaga ngayon mag text? kung kailan nag iisip ako ng masama sa anak n'yong ubod ng bait? After ng ilang menutong byahe nasa place na kami, makakakita pala ko ng damuho. No Ella, hindi mo sya kilala at hindi ka rin nya kilala. Lakad professional at fashionista. Sinusundan ko lang si Sir Jessie. Kung hindi ako nagkakamali shooting place to. Dinala ko ng mga paa ko sa isang lote, may mga fans si Maximo doon na nagsisigawan. Lumingap-lingap ako, hindi ako pamilyar sa tawag sa mga bagay na nakikita ng mata ko, bukod sa mga fans at camera man. Naglakad pa kami, habang kinukuhan ang isang scene ni Maximo, ang alam ko remake ng Boys over flower ang palabas niya, kaya mala-Go Jun Pyo ang nakikita ko. Gwapo, mayaman, popular, cold, at bully? Basta parang ganon. My eyes went round ng makita ko ang tatlo pang nag gwa-gwapuhang lalaki. Busog na busog ang mata ko. "Miss excuse me." napaatras ako ng may magsalita sa likod ko, may dadaan pala. "CUT! Ano ba naman 'yan Maximo nakaka ilang take na tayo hindi mo pa din makuha?" sermon sa kanya dung Director. Awts. Ang cold ng mukha niya kahit pinapagalitan na siya. "Kahit hindi s'ya magaling umarte, ang cute nya mapagalitan." si Sir Jessie type ata si Maximo. "Okay take 4 tayo." sabi nung Direct. "TAKE 4, LIGHTS, CAMERA ACTION!" Hindi ko maiyalis ang tingin ko sa kanya habang umaarte, hanggang makuha niya ang gusto ng Director. Nakipag meeting na si Sir Jessie sa Manager ni Maximo at ako? Akala ko assistant ako today, pero ang ending nganga. Mukhang matatagalan pa ang usapan nila kaya sabi kumain na daw muna ko, at ngayon naghahanap ako ng comfort room. "I love you, huwag ka ng mag selos." narinig ko 'yan habang naghahanap ako ng CR, hinawi ko ang itim na kurtina at isinilip ko ang mukha ko doon. May nakita kong babaeng naka sandal sa wall, at may lalaking nakatayo sa harapan nya at hawak nito ang isang kamay nung babae. Inaaninaw kong maigi, at hindi makilala kung sino. "Baby baka may makakita satin." maharot ang boses nung babae. "Sabihin mo muna saking okay na tayo?" the guy said. Lumalaon lumilinaw sa paningin ko silang dalawa, at nag blink-blink pa ko. Si Maximo? At yung babae sa pini-film nila kanina? Inalis ko ang mukha ko sa curtain at baka mapansin na nila ko, at sumandal nalang sa wall. Ibig sabihin may Girlfriend siya kahit kasal na kaming dalawa. At mukhang wala pa ding alam yung babae. Teka may pag-asa pa kami ni Ralion, kailangan ko lang makipag negotiate sa lalaking 'to sa lalong madaling panahon. Parang kagabi lang ang sabi nya sakin umakto na kasal na, pero siya itong hindi ginagawa. Kapal, apaka kapal ng mukha. Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ko. Aalis na ko, at sa bahay nalang namin mas mabuting pag-usapan ang tungkol don. May sumusunod ba sakin? Huminto ako at pinakiramdaman ang paligid, lingon dito, lingon doon pero wala naman. Kaya naglakad na ko, at sa wakas nakita ko na ang comfort room. Nag cr lang ako tapos retouch. At lumabas na din agad baka hanapin pako ni Sir Jessie. Habang kinukuha ko ang phone ko sa bag habang palabas ng CR biglang may humawak sa braso ko ng mariin sanhi para mapamaang ako. "Anong ginagawa mo dito?" mahina ngunit seryoso kong tanong sa kaniya. Nakita ko na siya kanina, at sigurado kong nakita din niya yung kausap ko sa dressing room. "Hindi tayo magkakilala sa labas diba?" tinaasan ko siya ng kilay at baka magising siya sa reyalidad. "Sinusundan mo ba ko?" mas diniinan ko pa ang paghawak ko sa braso niya. "Bitawan mo nga ako ano ba! Nasasaktan ako!" pinipilit kong alisin ang braso ko sa kamay niya pero hindi nya ko hinayaang kumawala. "Plano mo bang sirain ang career ko? O gusto mong ipakilala kita sa buong bansa na asawa ko?" Binuhos ko ang buong pwersa ng katawan ko para lang maalis ang kamay niya sa braso ko. "Maximo wala akong pakielam sa buhay mo, nandito ko para sa trabaho. Hindi ko sasayangin ang ilang oras ng buhay ko para lang sa abnong katulad mo." singhal ko sa harap ng mukha niya. Sising sisi na ko dahil pumayag ako sa kagaguhang kasal na'to! Ni hindi ko man lang masunod ang gusto ng puso ko, pagkatapos ganito pang matatamo ko sa kaniya? "Binalaan na kita, ayokong makita ka. Kung ano man ang work na ipinunta mo dito mag quit ka! Hindi ko maatim na makita ang babaeng kahit kailan hindi ko pinangarap na maging asawa!" tinalikuran ko siya dahil baka kung anong magawa ko. "Akala mo ba gusto kitang makita? Ikaw na walang kwentang umarte, walang talent puro mukha lang naman! Umasa ka!" bulyaw ko sa kaniya. Umalis rin ako sa set at tinawagan nalang si Sir Jessie, sabi ko nag LBM ako. Pero ang totoo pumunta lang ako kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Medyo mahaba-haba na rin ang nalakad ko mula sa shooting spot nila, ang sakit na ng mga paa ko dahil naka heels pako. Naupo ako sa isang bench na nadaanan ko, at tinanggal ang heels, nagka lintos pala. Maxiiiiimo Salvador! Nakita ko ang isang banner sa tapat ng inuupuan ko. Gwapo hah sarap mong bangasan. Ayaw mong iayos ang ugali mo, sige magpapaka basher ako para sa'yo. Baka lang hindi mo alam, sikat ako sa twitter pati ang f*******: page ko. Tutal ako lang naman pati sina Alley at Marjo ang nakakaalam ng username ko sa mga memes and drama post ko sa f*******: at Twitter. Hundred thousand ang followers ko. Pero never kong nireveal ang identity ko. Ngayon alam ko na kung saan kita magagamit. Kinuha ko ang cellphone ko at agad nag type ng ipo-post sa social media about sa kanya. Hindi ko inaasahan na mapapaaga ang naiisip ko lang kanina. "Ako lang ba yung nagwa-gwapuhan kay Maximo Salvador pero hindi siya magaling umarte? Puro pagwapo lang ganon." Done posting on f*******: and Twitter. Wala pang ilang segundo ay sunod-sunod na ang pag pop ng notifications ko. Wala akong pakielam kung ibash pako ng mga supporters niya. Nagbasa ko ng mga comments. Tuloy-tuloy lang ang pag taas ng reactions, at ang pag tunog ng comment section. "Same here Miss Unknown, hindi ko nga alam bakit naging Best actor 'yan." "Nyek, Maximo basher spotted!" "Ikaw nga Miss Unknown, face reveal muna bago mo i-bash si Kuya Maximo." "Spread love cancel hate po." "Luh fan mo pa naman ako sa mga post mo, basher ka pala." "Mga apektado dyan totoo naman gwapo lang si Maximo, pero ekis sa acting." "Sana all basher!" "Unfollow mga ka-Maxination!" "Kayo naman baka admin lang ni Miss Unknown nag post." "Ang OA mag react nung iba haha, just saying." "Mga wala ba kayong jowa puro si Maximo pinagtatanggol nyo tama naman si Miss Unknown." "FACE REVEAL MUNA, BAGO MO I-BASH SI KUYA MAXIMO! GRRRR GIGIL MO KO!" "HAHAHA recruiter ata 'to ng mga basher ni Kuya Maximo." "Ekis ka Miss Unknown, inaaway mo asawa ko." "Luh binabash jowa ko." Hindi na masama, may mga kumakampi sakin. Ilang oras lang tiyak ko mag te- trending 'to. Maaga kong uuwi sa bahay para makita ang reaction ni Maximo, sa iisang room lang kami natutulog pag gabi. For sure mababasa nya yan, mamatay siya kakaisip kung sino yung basher na nag exist sa buhay niya. Sa ngayon babalik muna ko sa EL company ng may matamis na ngiti. Please don't forget to vote, comment, and share nyo na din. Thank you! Stay tuned for more updates!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD