"Lalalala" hindi ko mapigilang mapakanta habang papasok ng bahay. Maaga pang masyado para umuwi ng bahay, pero hindi ko hahayaang ginaganon-ganon lang ako nung abnong Maximo na 'yon.
Trending na ang pinost ko sa f*******: at Twitter kaninang umaga, hindi ako ma-i-stress sa mga basher niya, kahit anong bash nila sakin hater pa din ako ng idol nila.
"Madam Ella bakit ang aga mong umuwi?" salubong sakin ni Manang Linda.
Napansin kong parang may nangyaring hindi maganda.
"Wala na po akong gagawin sa labas." palusot ko.
"Umalis ka na muna, nagwawala si Sir Maximo." nanginginig pa ang labi niya habang sinasabi 'yon sakin.
Pasimpleng gumuhit ang ngiti sa labi ko, pero agad ko ding binawi.
"Okay lang po ako Manang." sabay tap ko sa balikat nya.
Kung may mas nakakakilala man kay Maximo, si Manang Linda 'yon. Siguro nag aalala siya sakin dahil baka masaktan ako ni Maximo, subukan lang niyang idampi ang kamao niya sa katawan ko, baka makatikim siya ng lumilipad na gamit.
Nagsimula nakong maglakad paakyat ng hagdan, dahan-dahan lang at pinapakinggan ang paligid. For sure akong nagwawala siya dahil sa pinost ko na nag trending. Truth hurts eka nga. At ngayon nasa harap na ko ng pinto ng room namin. Huminga ako ng malalim tsaka tuluyang binuksan ang pintuan ng kwarto.
Nanlakaki ang mga mata ko ng makita ang mga nagkalat na gamit sa sahig, basag na salamin, mga librong pilas-pilas, mga sketch pad na warak-warak. Halos manlumo ako sa nakita ko.
Nanginginig ang mga tuhod kong naglakad papunta sa mga gamit kong nagkalat sa flooring ng kwarto. Pati ang mga designing tools ko. Tahimik ang paligid tanging ang mga luhang kasalukuyang bumubuhos sa mata ko ang naririnig ko. Wala akong magawa kundi ang mapaupo at sulyapan ang paligid ng buong kwarto.
I saw a man sitting on the floor. He was staring at me with his cold eyes.
"Bakit mo pinakielaman ang gamit ko?" every single word na lumabas sa bibig ko ay puno ng mabigat na emosyon.
Hindi niya ko kinikibo, para kong nagsalita sa hangin. Habang nag uumapaw pa rin ang likido sa aking mga mata.
"Bakit mo sinira ang mga designs ko? Bakit Maximo? Bakit hindi gamit mo ang sinira mo!" nag-uumapaw ang galit sa loob ko. Gusto ko siyang sampalin at bulyawan. Pero wala akong magawa kung hindi ang mag pakalunod sa sariling luha.
"Linisin mo na 'yan huwag ka ng mag inarte." tumayo ako sa pagkakaupo, at pinakita sa kaniya ang isa pang drawing niya na hawak ko at pinilas iyon sa harapan niya.
"Tama na sa kabaliwang ito. Aalis na ko." sambit ko bago pa siya makalabas ng kwarto, tumayo ako at kinuha ang maleta. Narinig ko ang pagsara ng pinto.
Wala siyang pakielam.
Habang pinagmamasdan ko ang pira-pirasong parte ng mga design ko, parang pinupunit na rin ang puso ko. Pinunasan ko ang mga lunang diretso pa din sa pagdaloy at kinuha kong muli ang cellphone ko.
"Maximo Salvador, napaka walang kwenta mo. Sisirain kita hanggang sa bumagsak ka. Ikaw ang pinaka malaking pagkakamali sa showbiz industry."
Done posting.
Mabilis akong nag impake at nag punta sa garage. Pinlano kong mag drive pero naalala kong hindi ko pala pag mamayari ang kotseng 'yon. Kaya naglakad ako hila-hila ang maleta. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko, pero mas mabuti ng ganito. Mas mabuti ng umalis.
Madilim na pero may mga street light naman. At isa pa sa kalsada naman agad ang labas ko dahil sa likod ako dumaan.
Habang naglalakad ako, biglang nag ring ang cellphone ko. Si Tita Mommy ang tumatawag, ilang segundo akong nakatitig sa cellphone ko. Naalala ko na nagtext pala siya kanina at pinapadaan kami ni Maximo sa bahay nila.
Hindi ko sinagot ang tawag, hanggang mag ring ulit ang cellphone ko, si Alley.
Huminto muna ko saglit sa paglalakad at tsaka sinagot ang tawag.
"Hello--"
(Na hack bang f*******: page mo? Itatanong ko na dapat kaninang umaga kaso diko naalala dahil sa pag re-review tapos may post na naman ngayon.) tumingin ako sa kawalan.
"Akong nag post non." alam kong hindi siya maniniwala.
(Gaga ka, ayan ikaw ang nababash. Alam mo namang sikat si Maximo tapos basherist ka?) nag-aalala niyang saad.
"Wala akong pakielam kung siya pa ang pinaka sikat na tao sa mundo." hindi ko ma-control ang emosyon ko dahil sa ginawa niya sa mga gamit ko.
(Ewan ko sa'yo Ella, pag ikaw napahamak dyan sa kaka post mo tungkol kay Maximo ewan ko nalang sa'yo.) edi ilalabas ko sa publiko ang kasal naming dalawa.
Tingnan ko lang kung hindi masira agad-agad ang career niya.
"Pwede ba kong mag stay dyan sa inyo? Lumayas kasi ko ng bahay." iyan ang agad na pumasok sa isip ko. Hindi ako pwedeng umuwi sa bahay nila Mama, ako lang ang mapapagalitan. Matalik na magkaibigan ang parents ko at parents ni Maximo, kaya mas lalong naging posible ang kasal, kahit na ang kasunduang iyon ay galing pa sa mga matatanda.
(Ano bang nangyayari sa'yo Ella? Wala ako sa bahay, nasa bahay ako ng classmates ko, try ko i-ask si Marjo baka doon pwede?)
"Kahit huwag na." Sabi ko, pero saan naman ako mapupunta? Arrgh.
(No, tell me your location. Kahit ipasundo kita kina Kuya at sa bahay ka na mag stay.)
"Thank you Alley." tapos end call na.
Lumabas ako ng kalsada at may nakita kong 7/11 kaya iyon nalang ang location na binigay ko. Kahit si Marjo naman ang tawagan ko, gagawa at gagawa sila ng paraan para may matulugan ako, layas kasi kong tao. Kaya okay lang sakin lumayas sa bahay nung abnong nilalang na Maximo na 'yon.
/------/------/
"Sir Maximo nalinis ko na po ang room n'yo, at mukhang kanina pa nakaalis si madam Ella." tumango lang ako at binalik ang tingin sa bintana na tanaw ang kalsada sa likod.
"Tawagin nyo nalang po ako kung sakaling may kailangan pa po kayo."
"Manang Linda dinala ba n'ya yung mga basura sa kwarto?" mukhang naintindihan naman niya ang tinutukoy ko.
"Hindi po, parang mga damit lang po ang nadala niya."
"Sige Manang, huwag nyo pong itatapon. Ilagay n'yo nalang po sa kwarto." pagbalik ko ng tingin sa bintana wala nakong nakitang naglalakad na may hila-hilang baggage.
Sa sobrang taas ng pride niya, hindi niya ginamit ang kotse na relago ng parents ko.
Phone ringing--
Mom's calling..
Napahawak ako sa batok ko bago sinagot ang tawag.
(Maximo iho bakit hindi sinasagot ng asawa mo ang tawag ko?) lumayas na, iyan ang mga gusto kong sabihin.
"May work pa siguro." walang gana kong sagot.
(Maximo pag nalaman kong may ginagawa kang kalokohan kay Ella, nako ka.)
Bago pa siya makapagsalita pa ng kung ano-ano pinatay ko na ang tawag. Bumalik na ko sa kwarto at nahiga.
Phone ringing--
Denise Calling--
Pumikit ako saglit, at sinagot ang tawag.
(Baby kausapin mo naman ako.)
"Denise nakita ko kayo ni Luie, kitang-kita ko kung paano ka nya niyakap. Lulusot ka pa na pinagseselosan mo si Aya, iyon pala may--"
(Maximo alam mo namang scripted lang 'yun, ilang araw ng may sumusunod saking paparazzi at gustong mahuli tayong dalawa.)
"Pagod ako ngayon Denise, tatawag nalang ako bukas." tulad ng ginawa ko sa tawag ni Mom pinatayan ko na din siya.
Sinubukan kong mag check ng social media pero mas pinili ko nalang matulog.
/------/----/
Kasalukuyan akong nakaupo sa harap ng 7/11, ilang menuto na din ang dumaraan at naghihintay pa din ako sa susundo sakin. Alam ko namang kahit si Marjo ang tawagan ko about sa paglalayas ko gagawa at gagawa sila ng way para maihanap ako ng tutuluyan.
May pumasok sa loob ng 7/11 kaya nabaling ang mata ko sa salamin, nakita ko ang repleksiyon ng mukha ko, bagamat kumalma na ang mata sa pagluha ay mababakas pa rin dito ang lungkot at panghihinayang.
Since when I was in grade school, dream ko ng maging fashion designer. Pero nung college hindi align dun sa kinuha kong kurso ang gusto ko. Sakto may relatives si Marjo na nag wo-work sa EL company which is si Sir Jessie kaya napasok ako dun bilang staff, ilang buwan palang din. Experience ba ganon.
Sa tuwing maiisip kong sinira lahat nung abnong Maximo na 'yon yung mga designs ko nasasaktan ako. Sayang yung mga ideas, pagpupuyat, at pagod. Nag iinit talagang dugo ko sa kanya.
Inalis ko ang tingin ko sa salamin at ibinaling sa kalsada ang mata. Pinapadyak padyak ko pa marahan ang paa ko para maibsan ang pagkainip. Sa wakas nakakita ko ng pag-asa ng huminto ang isang itim na kotse sa tapat ko. Baka kuya nga ni Alley ang susundo sakin.
Thank you for reading! Don't forget to vote, comment and share! Stay tuned for more updates!