Medyo hindi ko matanaw ang iniluwa ng pinto ng sasakyan dahil madilim at tanging liwanag lang ng sasakyan na nakakasilaw ang nakita ko. Naghintay pako ng ilang sandali para makalapit siya sakin.
Matangkad na lalaki, hindi katangusan ang ilong, chinito ang mata, may pagka tisoy ang skin, makapal na eyebrows, red lips, medyo mahaba ang tenga.
Teka nga lang, si Ralion ba ang nakikita ko? Ang lalaking palapit sa pwesto ko?
"Gwapong-gwapo masyado? Ang laway saluhin baka tumulo haha." panunuya ko sa kanya, tama nga si Alley at mukhang walang ibang choice si Ella kundi sumama sakin. Alasotso na siguro ng gabi.
Sa gulat ko dahil bigla nalang siyang sumulpot sa harap ko, bigla kong naiyiwas ang mukha ko sa mukha niya. Ang dugo sa katawan ko, nag una-unahang mag proceed sa mukha ko gzzz!
Proceed amp. Haha.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko dahil baka mag assume ako, tapos bibili lang pala siya sa 7/11.
Naupo siya sa tapat ng inuupuan ko tsaka n'ya ko tinitigan. Nang biglang manumbalik sa kukote ko ang pag-iyak ko kanina.
"Namamaga ang mata, namumula pa. Sino bang umaway sa'yo't umiyak ka?" pambubuska ko, kahit sa totoo lang ay gusto kong magtanong.
Hindi niya sinagot ang tanong ko, at mas pinag tuunan ng pansin ang mata ko. Sana sa'yo nalang ako ikinasal Ralion mas willing pa kong dalhin ang epelido mong Ranzo, kesa sa hinayupak na Maximo na 'yon.
"Kinagat kasi ko ng surot, mamatay na ata ako." pagbibiro ko sa lagay na'to.
"Sabihin mo sa bahay n'yo huwag hahayaang makaalis yung surot, kakasuhan ko kamo." pagsakay ko sa biro niya, alam kong iba ang pinanggagalingan ng lungkot sa mata n'ya, kaya kung sa ganitong paraan ako makakatulong gagawin ko.
Natawa ko bigla sa sinabi niya, bumenta ang joke ni Kuya Ralion. Joker na s'ya.
"Wala ng magagawa, mamatay nako ahhh, patay nako." sabay kaming natawa nalang sa kalokohan namin.
"Kumain ka na ba?" tanong niya.
"Not yet, hehe." I replied.
Paano ko kakain eh ni singkong duling ata wala akong nadala dahil naiwanan ko yung wallet ko sa bahay.
"Anong gusto mo? Kumain dito o ipagluto kita sa bahay?" pag-aalok ko dahil sa bahay ko lang naman s'ya mag-i-stay for tonight lang naman.
Nanlaki ang mata ko, tama ba ang pagkakaunawa ko? Ibig sabihin siya ang susundo sakin at sa kanila ko matutulog? Si Alley talaga mga galawan halatang-halata.
"Masarap ka bang mag luto?" I asked. Yung kabog ng puso ko juskooooooo!
"Of course, husband material kaya 'to." malay mo future husband mo na Ella ang nasa harap mo ngayon.
Sumilay bigla ang matamis na ngiti sa labi ko, bakit ba parang nababasa ko ang tumatakbo sa isip niya. Pumayag ako na sya nalang ang magluto ng kakainin ko, for the first time matitikman ko siya, ay! Haha yung luto pala nya.
Alam ko kung saan siya nakatira dahil tambayan namin 'yon nila Alley at Marjo. Ang tropa ni Alley, tropa din ni Ralion, pero lumagpas ako dun sa tropa lang. Anong magagawa ko sa puso ko kung siya ang itinitibok.
Ngayon ay nandito na kami sa tapat ng bahay nila. Nauna siyang bumaba para kuhanin ang maleta ko, hanggang pagpasok sa bahay nila nakasunod lang ako sa kanya.
"Ma' nandito na si Ella." salubong ni Ralion sa Mama nya na nakahiga sa sofa at nanunuod ng TV.
"Hi Tita Lorie, mano po." umupo muna siya bago ialok ang kamay sakin.
"Kaawan ka ng Diyos." saad niya pagkatapos kong mag bless ay pinaupo niya ko sa tabi nya.
Ang laki na ng iginanda ng bahay nila, ilang months lang akong di napadpad dito. Nabanggit ko ba na close ako sa parents ni Ralion? Sobrang close.
"Akyat ko lang sa guest room ang gamit mo Ella, sabi sakin ni Mama na-mi-miss ka na daw n'ya." nakita ko naman na umakyat na siya sa hagdan.
"Tita okay lang bang dito po muna ko ng ilang araw?" kasing kapal ng pandesal ang mukha kong tanong sa kanya.
"Welcome na welcome ka sa bahay. Tsaka sabi ni Alley alam naman daw ng parents mo na kapag naglalayas ka umuuwi ka din sa kanila."
Nakahinga ako ng pagkaluwag luwag. Like future biyanan ko na talaga si Tita. Si Alley talaga ang tulay! Nakukunsensya nako sa kakasinungaling ko.
//------//-----//
7:30 AM
*knock-knock*
"Sir Maximo, nasa baba po ang parents n'yo." boses ni Manang Linda ang narinig ko sa labas ng pinto.
Dumapa ako sa pagkakahiga at isinubsob ang mukha sa unan. Sa makatuwid hindi ko pinansin ang sinabi ni Manang Linda.
"Maximo!" boses na ni Mom ang gumising sakin ng tuluyan.
Bumangon ako para makaharap na siya. Baka nabalitaan na niya ang paglalayas nung anak ng kaibigan niya.
"Maximo kailan ka pa natutong magsinungaling sakin?" eto na naman kami.
Hindi ko sya pinansin at hinawi ko nalang ang kurtina pasara dahil sa nakakasilaw na sinag ng araw mula sa labas.
"Maximo alam mo ba kung saan natulog kagabi ang asawa mo?" sigaw na niya sakin.
Wala akong pakielam kahit sa kalye pa siya natulog, o kahit sa motel pa.
"Mom kailan pa natawag na asawa ang taong hindi mo mahal?" niyukom ko ang kamao ko kahit nag iigting na ang panga ko sa galit para lang hindi ko siya mabatos dahil Nanay ko pa din siya.
"Matututunan nyo namang mahalin ang isa't isa. Bigyan n'yo lang ng chance ang sarili n'yo na makilala ang bawat isa." mahinahon nyang usal.
"One month, pag bibigyan ko ang kalokohang ito. Pero pag sa loob ng isang buwan at walang nangyari sa pagitan naming dalawa ipangako n'yo sakin na aasikasuhin n'yo agad ang annulment namin." diretso kong sambit.
"Siguraduhin mo lang na maiuuwi mo dito si Ella bago pa malaman ng Tito at Tita mo ang nangyari. Alam mo bang sa bahay siya ng ibang lalaki natulog." sa paraan ng pananalita niya mukhang pumapayag siya sa gusto ko.
Umalis na din siya agad. Ibig sabihin may inutusan siyang sundan ang bawat galaw namin ni Ella. Kaya alam rin niya ang tungkol sa paglayas ni Ella at kung saan ito pumunta.
//-------//------//
Laki ng iginaan ng pakiramdam ko ng matulog ako sa bahay nila Ralion. Pagkagising ko nag open muna ko sa social media account. Trending pa din ang post ko nung umaga pati yung kagabi.
So magbabasa muna kong comments.
"Okay ka lang ba Miss Unknown? Laki ng galit kay Daddy Maximo. Sad."
"Hi Sis may gusto ka ba kay Kuya Maximo kaya nagpapansin ka?"
"Bakit parang may bantaan na naggaganap?"
"Miss Unknown itigil mo na 'yan."
"Kulang ata sya sa tulog HAHAHA!"
"Like nyo nalang 'tong comment ko para sa face reveal ni Miss Unknown!"
"Panget ka siguro?"
"Miss Unknown ligo-ligo din pag may time."
"Bago mo mapabagsak si Kuya Maximo, dadaan ka muna sa fandom nya."
"Maximonations attendance tayo guys."
"Toxic mo Miss Unknown."
O diba galit na galit sila sakin, daming taga-pagtanggol in fairness. Hindi pa ko tapos. Kaya nag comment ako sa post ko kagabi.
"BASHERS ATTENDANCE RIN TAYO DYAN! Mga ka hate maximotot! Wahahaha!"
Chineck ko ang followers ko sa page, woah hindi s'ya pababa, pataas pa. Magdusa siya---
Phone ringing--
Salvador's calling..
Speaking of the devil. Ang aga mambulahaw, ano kayang sasabihin nito? Baka nagsisisi sa ginawa niya kagabi, tamaan sana siya ng ligaw na karma. Hindi ko pinansin ang tawag niya, hindi ko siya kilala.
Ginawa ko na ang araw-araw na ritual ko sa umaga tapos tinext si Sir Jessie na bukas nako papasok, same reason ang ginamit ko. LBM again. Tapos ay lumabas na din agad.
Nasa hagdan palang ako langhap na langhap ko na ang masarap na umagahan, anong balita kagabi sa luto ni Ralion, 100/10 sa sobrang saraaaaap! Gusto ko ng tumira dito for life. Like tatawagin nya kong Mamay, tapos tatawagin ko siyang Papay, and then may mga anak na kaming tatawag samin ng Mamay at Papay.
Kaso bigla umeksena sa buhay namin si Maximo. Siya ang impaktong kontrabida ng buhay ko.
"Woy tulala ka na naman!"
"Ay Papay!" halos malaglag ang puso ko sa kaba ng gulatin ako ni Ralion, pababa ako ng hagdan at nakasunod pala siya.
"Papay?" nagtatakang tanong niya.
Napakagat labi ako dahil iyon pala ang inilabas na salita ng bibig ko.
"Tinapay kako, anong Papay ahaha." dahil nasa likod ko siya hindi nya makikita ang kahihiyan sa mukha ko.
Dug dug dug-dug dug dug
Parang nagkarera ang puso ko ng humawak siya sa balikat ko. Hindi ko alam kung ano irere-act ko pero kinikilig ako na ewan. Habang pababa kami ng hagdan, nanatili lang ang dalawang kamay nya sa balikat ko, hanggang sa dining area nila. Nakita kami ni Tita Lorie at sinalubong ng ngiti, para mawala ang akward na feeling tinanggal ko ang kamay niya tapos tinulungan ko si Tita na maghain ng breakfast. Hindi ko alam kung na notice ba niya na akward na masyado ang feeling ko, or baka normal lang para sa kanya ang ganon dahil puro babae naman halos ang barkada niya.
Pagkatapos naming kumain, lumabas ako ng bahay nila para makita kung anong nagbago dahil diko na masyado napansin kagabi. Naayos na din pala pati ang gate nila, mas marami ng halaman at malinis na masyado.
Phone vibrating--
Salvador:
(Ilabas mo ng maleta mo, o akong kukuha para makita ko ng boyfriend mo.)
Nakita ko ang isang sasakyan ilang lakad bago sa harap ng gate. Pero malabong siyang ang sakay noon, dahil bakit naman niya ko susunduin. Siguro akala nya maniniwala ako ano ko uto-uto?
"Ella mag dessert ka muna." sabay abot sakin nang platito na may salad ni Ralion.
"Thank you." sabay smile ko ng matamis.
"Ano bang tinitingnan mo?" he asked.
"Kilala mo ba kung kanino kotse 'yung naka park dun?" tanong ko dahil di makampante ang utak ko.
Pero imposible talagang si Maximo ang sakay noon, wala ba syang shooting today? Tsss bakit ko ba siya iniisip, ano ko uto-uto talaga?
"Parang bago lang, baka sa bisita ng neighbor namin." he said.
Phone vibrating--
Salvador:
(May katabi kang lalaki, boyfriend mo? I'll give you 10 minutes para pumunta dito sa kotse don't forget your luggage.)
So sya nga ang sakay nung kotse, at ano namang masamang nilalang ang nagdala sa kanya dito, pero paano nya ba nalaman ang location ko? Sinundan nya ba ko kagabi?
Phone ringing--
Salvador:
(Kapag wala ka pa dito in 10 minutes, I will not hesitate to tell him about our marriage.)
Thank you for reading! Don't forget to vote, comment, and share! Stay tuned for more updates.