Chapter 16 - Epilogue

2988 Words
 AFTER TWO YEARS... It’s been two years passed. Everything happens and it can not be undone. Whatever happens, everything has consequences and they must face it no matter how hard. Naibato ni Racelyn ang cellular phone na tumama sa sofa matapos makarinig ng masamang balita mula sa Pilipinas. “President, what happened?” Napatakbong pumasok sa office niya at nilapitan siya ng secretary niya nang sumigaw siya at ibinato ang phone. “Prepare me a plane ticket going to the Philippines and please cancel all my appointments within two weeks,” mariing sabi niya sa sekretarya habang hinihingal sa inis. Imposibleng hindi malaman ng Chairwoman ang biglaan niyang pagbalik sa Pinas dahil iiwanan na lang niyang basta ang mga trabaho. Racelyn was now the President of her grandmother’s business, while her grandma was the Chairman. Nakapangasawa kasi sa ibang bansa ang kanyang lola ng US Army General at nang mamatay ang asawa ay pinamana lahat sa kanyang lola. Iyon ang dahilan kung bakit siya hinahanap ng kanyang lola noon dahil siya na ang mamamahala sa business na iniwan ng Lola niya at yumaong Lolo na hindi na niya nasilayan. Halos buwan din bago niya maaral ang lahat, si Cindy ang may pakana. Dahil ayaw rin pala nitong mag-manage ng Business kaya siya ang itinuro. Marami na nga ang nagbago sa loob ng Dalawang taon. She was now one of the youngest rich grand daughters who became the President. Gumaling na siya sa lahat ng mga bagay na noon ay mangmang pa siya. She can also walk confidently with what she has now. Laman na rin kasi ng mga newspapers and magazines ang article tungkol sa kanya at sa business niya na sikat na sa Canada. Who would say she will became this rich in an instant. It was all thanks to her grandmother and Cindy. Ngayon, may lakas na siya ng loob para harapin ang mga taong nangmaliit, nanglait at tumapak sa kanyang pagkatao noon. It’s pay back time! Madilim pa rin ang mukha niya nang makalabas siya ng office habang nakasunod ang apat pang lalaki na body guards niya. Ipinasya niyang umuwi ng Mansion Palace para magpaalam sa Chairman o Lola niya na tutungo siya ng Pilipinas. Matanda na rin ang kanyang Lola, naka-wheel chair na ito dahil nahihirapan ng maglakad ngunit malakas pa rin at magaling humawak ng negosyo. DIto siya nahasa at marami siyang natutunan sa Chairman. Magkasalubong ang kilay na sinalubong siya ng matanda. Mukhang alam na nito ang balak niya. “Are you sure you’re going now?” paninigurado nito na binabasa ang iniisip niya. “Yes Lola. Please take care of Vienice Denzel.” Dumilim ang anyo ng lola niya na tila hindi makapaniwala sa sinasabi niya. “What? You don’t have the plan to take her with you?” Bahagya siyang umupo para maabot ang eyelevel ng matanda. “Lola, it’s urgent.” Mukhang hindi niya madadala ang matanda sa paglalambing at pagpapa-puppy eyes niya para makapag-excuse. “No! You’ll take that child. I don’t have time taking care of her. And I’m not going to take her as my great grand daughter. Remember you’re not married yet. She has no legality.” “Grabe ka naman lola!” bulalas niya. “Don’t worry I will drag him here, pipikutin ko siya kung kinakailangan para pakasalan ako.” “Make it sure you bring him here and not bringing another child on your tummy.” Napapadyak siya sa sinabi ng matanda at sa pagiging vocal at prangka nito. “Lola naman eh!” Muli siyang yumukod. “Pero lola, papayagan mo na ako?” “Yes. Just one week to marry you.” “Yes! Thank you Lola!” Napahalik pa siya sa pisngi ng matanda. “I don’t have so much energy, apo. So please hurry up. I want to see him. And I want to see you walking in the aisle marrying the person you love.” Niyakap niya ang matanda. “Oo naman Lola, I promise that. But please, magpalakas ka.” Kumalis din siya sa pagkakayakap. “I keep going.” Hindi na siya nagdala ng maraming damit dahil kayang-kaya na niyang bilhin kahit ang buong stall o Mall sa PInas. Pwedeng-pwede naman siyang bumili kung nais niya at ayaw na rin niya ng maraming abala. Dalawa naman ang Yaya na nagbabantay sa anak niyang si Vienice kaya hindi na siya nag-aalala. ISANG MATINIS na tili ni Cindy ang sumalubong kay Racelyn nang makababa siya ng Airport. “Beks!” Yumakap ang transgender sa kanya saka nakipagbeso. “Hiyang sa Canada, Race.” Tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa na tila kinikilala siya. “Well, anyways, late na tayo. Kanina pa nag-start ang wedding.” Sa totoo lang gusto niyang sabunutan ito, magbabalita pa kasi ito kung kailan huli na ang lahat. Bakit hindi pa sinabi nito nang maaga? Bigla tuloy siyang kinabahan, paano kung matuloy nga ang kasal ni Marvin sa kung sinong Poncio Pilato, eh ‘di wasak na naman ang puso niya. “Damn You Cindy! Kapag nakasal sila, sasakalin talaga kita,” nanggigigil na sabi niya rito saka hinatak papunta sa paradahan ng taxi. “Grabe sakal agad, Race? Wala bang pasalubong muna?” “Kasalanan mo, kung hindi mo ako minadali, may pasalubong ka sana. Kita mo namang wala akong gaanong bagahe. Nagmamadali kasi akong puntahan ang kasalang sinasabi mo.” “Heto na nga eh. Sasakay na tayo,” nanginginig pa itong inalalayan siya na makasakay. Kasabay yata ng pagiging Canadian beauty niya ay ang kanyang temper—umiiksi. “Beks, hindi ka pwedeng mag-eskandalo roon. Tingnan mo naman, ang sexy mo at lalo pang gumanda ang kutis mo. Hindi ka lang tisay, mukha ka ng Canadian.” She glared at her in a sharp way. “Kung binabalitaan mo lang sana ako—“ “Kung pumayag ka kasing bumalik rito kaagad,” sansala ni Cindy sa sinasabi niya habang ginagaya ang tono ng kanyang pananalita. Inirapan niya ito, dahil guilty siya. Noong isang taon dapat ay tutungo siya ng PInas. Pero dahil sinanay na niya ang sarili sa bagong environment at bago niyang buhay-business woman, wala siyang mapagpilian kundi ang manatili muna sa Canada. Hindi rin niya maiwan ang anak, Canadian citizen na ito. Dahil nang makatuntong sa Canada ay saka lang niya nalamang buntis siya. Nakapagtataka pa ngang hindi siya naharang sa Embassy, marahil ay hindi rin nila na-detect ang baby sa sinapupunan niya. “Hoy Cindy! Ito na ba ‘yon?” “Oo, Beks!” paulit-ulit pa na tango nito bilang pagkumpirma sa Simbahan kung saan ikakasal si Marvin. “Damn it! Makita ko lang talaga ang haliparot na babaeng pakakasalan niya, kakalbuhin ko talaga siya,” bulong-bulong pa niya habang papasok sa loob ng Simbahan. Hindi na niya nagawang igala ang mga mata, diretso lang ang tingin niya sa tatlong nasa altar. Ang pari, ang bride at si Marvi—ang groom. “ITIGIL ANG KASAL!” buong lakas na sigaw niya. Naglingunan ang mga naroroon nang marinig ang pagsigaw niya. Lumingon rin ang bride, pari at ang groom habang papalapit siya ng lakad upang makita ang mukha ng mga ito. “Excuse me, Miss. Nagkakamali ka yata ng Simbahan na—“ Naputol ang sinasabi ng Bride nang kumunot ang noo niya na tila hindi naman niya kilala ang mga naroon. “Teka, ikaw na ba si Marvin? Ba’t parang tumanda ka yata?” “Racelyn?” tila nangungumpirmang tanong ng Bride. “How did you know me?” Napatawa ang Bride. “Gosh! It’s me, Agnes.” “Agnes?” Wala yata siyang matandaang Agnes na naging GF ni Marvin. At sa pagkakaalala niya, wala itong naging flirt o ka-fling simula nang pumunta siya sa Canada. Pero sino itong.. wait. Hindi kaya.. Parang may biglang alaalang nagbalik sa isip niya. Namula ang mukha niya sa kahihiyan at napatakip siya ng bibig. “Oh. My. Gosh.” “Inuulit ko, itutuloy pa ba natin ang kasal?” naiinip na tanong ng pari na nagkasalin-salin ang tingin sa kanila at hinihingi ang kumpirmasyon nila. Napatakip si Race sa sariling mukha sa labis na kahihiyan. Makita lang talaga niya si Cindy, ilalampaso talaga niya ito ng bongga. Gusto pa sana niyang sumagoy at humingi ng paumanhin nang may biglang humila sa kamay niya palabas ng Simbahan. Dahil sa kabiglaan, hindi niya nagawang makapang-laban sa kung sino mang humila sa kanya. Ngunit mas hindi niya nagawang magprotesta nang ang taong humila sa kamay niya ay lapastangang kinabig siya para halikan. Naging pamilyar sa kanya ang halik na iyon, dahilan para makipangbuno rin siya ng halik dito. Naghiwalay lang ang mga labi nila nang pareho silang kapusin ng hininga. Sa pagkabigla ay nasampal niya ito, ngunit hindi kasing lakas katulad ng dati. Parang tulak lang o damping may halong tulak. “Nice entrance, Racey.” Ngumisi pa ito nang pang-aasar dahil sa ginawa niya kanina. “You mean hindi pala ikaw ang ikakasal?” “Of course not. It’s my Mom and my second Dad. But it was nice seeing you.” Isang hampas ang natanggap ni Marvin mula kay Racelyn. “Damn you!” Hinagilap ng mata niya si Cindy.“ Nagkampihan siguro kayong dalawa ni Cindy para ipahiya ako,” bintang niya kay Marvin. “Cindy?” nagtatakang tanong nito. “Wala akong alam sa sinasabi mo.” “Sorry Beks, ito lang kasi ang naiisip kong paraan para bumalik ka rito,” paghingi ng paumanhin ni Cindy nang makita sila. May punto naman ang transgender, noon pa ito laging nagsasabi na may masamang nangyari kay Marvin ngunit hindi niya iyon pinapansin dahil mayroon siyang matang nakabantay kay Marvin para balitaan siya. At ito lamang ang tanging nakalusot. Hindi rin. Dahil hindi naman niya kinonfirm muna kung ikakasal nga ba talaga si Marvin. Nagpapadalos-dalos siya sa emosyon niya. Isang matalim na tingin ang ibinigay niya kay Cindy. Gumanti naman ito ng paawa look. “Even if you bother my Moms wedding, it doesn’t matter. What matters now is you’re already here, in front of me.” Muli siya nitong siniil ng halik, at ang gaga gumanti naman. Namiss kasi niya ang bading. Kung pwede nga lang na ibulsa na niya ito. Kanino pa siguro ito nawala sa harapan niya. “Wait, Marvin. Ms. Agnes is your mom?” she ask in confirmation. “Yeah. Tinago niya. ‘Nong umalis ka, doon ko lang nalaman. Anyway, kung alam ko lang na ganyan ka ka-sexy at kaganda, sumunod na sana ako sa ‘yo sa Canada.” “May anak na ako Marvin.” Natahimik ito sa sinabi niya ngunit ngumiti din kalaunan. “I want to see my child.” “How sure are you na ikaw nga ang ama ng Baby ko?” “Nicole confirms it. She saw you while you’re vomiting.” Biglang nagbalik sa ala-ala niya ang Wedding day ni Nicole kung saan nakita nitong nagsususuka siya at kumakain ng maaasim. Matimtimang tumingin si Race kay Marvin. “So, ano kung totoo nga?” “Marami kang atraso sa akin. Kaya hindi pwedeng basta na lang kita hayaan sa mga nais mo.” Nanlaki ang mga mata niya nang bigla itong lumuhod sa harapan niya at may inilabas na isang maliit na kahon. “I know this wasn’t romantic as you expected but I will never let you go again. Not now, Racey. Hindi mo lang alam kung gaano ako nagtiis at nagdusa para lang patatagin ang loob ko na hindi ka makasama o masilayan man lang. Ngayong nasa harapan na kita, pwede bang pakasalan mo na ako?” Yes, they suffered a lot. There are many hardships they get through. It was so thankful Marvin really waits her. And now he was proposing in front of her. “Anong nangyayari rito?” Agad hinila ni Race si Marvin para tumayo nang makalapit sa kanila ang bagong kasal. Lumapit si Agnes kay Race at sa halip na ihagis ang hawak na bouquet, iniabot nito iyon sa kanya. “This is for you. If I didn’t provoke you, kasal na sana kayo ngayon. It was my fault and I was thankful you came. You let me realized my mistakes hija. You are right, all of a sudden—“ Pinutol ni Race ang iba pang sasabihin ni Agnes. “No. That was the past, Madam. Isa pa, gusto ko ring magpasalamat sa nangyari. Binigyan ako ng lakas ng loob para maging matibay at ibangon ang sarili ko. Kung may nagbago man po ngayon dahil iyon sa nakaraan. Ang tanging hindi lang magbabago ay ang pagmamahal ko para kay Marvin.” Hinaplos ni Agnes ang pisngi niya. “Thank you so much, hija. Thank you for loving my son and thank you for being a good person. Marami akong mga nagawang bagay noon na hindi ko na uulitin ngayon.” Hinila nito ang kamay niya at ginagap. “I will give you my blessing. Please marry my Son after one year para hindi sukob.” “Oo naman po, mad—“ “Mama. Call me Mama from now on.” “Kahit maging habang buhay pang bading si Marvin, patuloy ko pa rin siyang mamahalin, Mama.” Niyakap na siya ng ina ni Marvin, ginantihan din niya ito ng yakap. “Bahala ka na sa anak ko, malaki na ‘yan. Ako naman ang may bago ngayong love life. O sige, mauna na muna kami ni Groom ko.” Nakita pa ni Race na tinapik ng Groom ang balikat ni Marvin na tila pinapalakas ang loob nito. Nagpaalam na rin ang bagong kasal sa kanila. Agad hinila ni Marvin pasakay ng sariling kotse si Race. “W-What are you doing? Kinikidnap mo ba ako?” Tumango ito ng nakakaloko. “Oo! Kikidnapin kita at dadalhin pabalik sa Canada.” Mahinang hinampas niya ito. “Saan nga tayo pupunta?” “I already have my luggages, visa and passport here. It means I’ll go with you in Canada. We will leave them together.” Mukhang seryoso nga ito sa sinasabing pagsama sa kanya pabalik ng Canada. Hindi na niya ito inusisa. Hindi na pala niya kailangang pikuting ang bakla dahil ito na mismo ang nagkusang sumama sa kanya pabalik ng Canada. Ikatutuwa pa iyon ng Lola niya. Tuwang-tuwa ang kanyang Lola nang madala niya sa Canada si Marvin. Mas ikinatuwa rin iyon ni Vienice, ang anak nila. Mabilis namang naka-adopt si Marvin sa bagong Environment. Siya na nga ang laging hatid-sundo kay Racelyn. Ayaw man nito aminin, alam niyang nagseselos ito sa apat niyang body guards na nakabantay sa kanya. Ngunit walang araw na hindi nito pinadadama ang pagmamahal sa kanya at sa anak nila. Napakalambing nito, maaruga at maunawaing mapapangasawa. What more can she ask for? Complete package na si Marvin, isang malaking isda. Dahil Hulyo naman ikinasal ang mother ni Marvin, nagpasya silang makasal na rin ng buwan ng Enero dahil hindi na sila makapaghintay. Isa pa ay iyon ang hininging hiling ng matanda. Nakakalungkot nga lang isipin na matapos ang isang linggo ay namatay rin ang matanda. Naikwento rin ni Marvin na kasal na sina Ivan at Jomelene. May isa na ngang anak na lalaki ang mag-asawa. Matanda na rin si Agnes kaya hindi na nito ginustong magkaanap pa, sapat na sa kanya si Marvin at ang lalaking mag-aalaga na ngayon dito. Ipinanganak sa Canada ang anak nila ni Marvin kaya naisip na rin nina Race at Marvin na maging Canadian Citizen. Samantalang si Cindy naman ay hiyang sa bago nitong nobyo na foreigner at tanggap pa ang pagiging transgender niya. Nakatulog na sa balikat ni Marvin ang kanilang anak habang karga ito. “Ilapag mo na is Vien, baka mapagod ka.” “I’m not going to get tired my lovelywife.” Lumapit pa ito kahit kanda hirap na abutin siya para halikan. “Thank you for coming into my life, Racey. I love you.” Hinagkan din niya ang labi ng asawa. “I love you too.” Nang mailapag na nito ang bata ay hinila siya nito at pinahiga sa kandungan nito. Hinimas ng hinimas nito ang buhok niya. “Natatandaan mo pa ba na ginawa ko ito sa ‘yo dati?” Saka pa siya nagsimulang mag hum. Hanggang tuluyan ng kumanta. “What I’m dying to say, is that I’m crazy for you. Touch me once and you’ll know its true I never wanted anyone like this. It’s all brand new. You feel it in my kiss.” He bent down and kiss his forehead saka tinitigan siya sa mata. “I’m crazy for you.” Sadyang mapagloko man ang tadhan ngunit kung marunong kang maghintay, love is sweeter for a second time around. Even first cut is the deepest and failing to be love again, it doesn’t mean you have to stop loving. Because loving someone is the important gift that God make you felt. Iyon ang nalaman ni Racelyn, kaya siya naghintay ng panahon hanggang sa muli silang magkasama. Tinitiyak niyang wala na siyang ibang lalaking mamahalin bukod kay Marvin at sa magiging kamukha nito. Nasaktan man sa una ay hindi dahilan para bumitiw at huwag umasa sa salitang FOREVER. Only God knows who was there to be his/her forever, all you need is patience and time. Mahigpit mang kalaban ang tadhana dahil tinadhana siyang masaktan. Ngunit alam niyang ito pa rin ang magdadala sa kanya sa labis na kaligayahan. Ang tadhanang makilala niya ang bading na si Marvin Lee upang habang buhay na mahalin, pagsilbihin, alagaan at makasama hanggang sa huling sandali ng buhay niya. ************Wakas************

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD