Chapter 15 - Finale

2826 Words
TINAWAGAN na rin ni Race ang ate ni Marvin na si Marga para makumpirma na hiwalay na sila at tuluyan na siyang lalayo sa bading. Nagkita sila sa isang Cozy Restaurant para makapag-usap. “I’m so glad you did the right thing, hija.” Gusto niyang mabilaukan sa sinasabi nito. Naalala niya tuwing kausap siya nito, palaging Lady ang bukambibig nito. Ngayon yata ay malambing ito at tinawag siyang hija. “I know you love him.” “Yes, I love him like he was my son. That’s why I’m doing best for him.” “Pero sa tingin n'yo ba ang best na sinasabi ninyo ay ikasisiya niya?” Tinaasan siya nito ng kilay saka tinitigan siya. “I’m not questioning your way of treating him. Kaya lang may sarili siyang buhay, malaki na po siya. Kung noon, inaalalayan n'yo pa ang paglalakad niya, ngayon ay hindi na. Dahil kaya na niyang tumayo sa sariling paa. At siguro, maaaring magpalit na kayo ng kinalalagyan. Siya na ngayon ang aalalay sa inyo.” Pinilit niyang pababain ang boses niya saka nagpatuloy. “Hindi po natin hawak ang panahon, ngunit darating ang araw na magbabago ang posisyon dahil walang permanente sa mundo. Lahat ay nagbabago. Ayaw ko pong isipin n'yong nanghihimasok ako. But the way you treating him is like a Mother giving her best to her child.” Nawala ang poise nito at biglang namutla na tila may nasalig siya na ikinatama nito. Tumikhim ito ngunit hindi niya pinansin, nagpatuloy lang siya sa pagsasalita. “Kung iisipin kong kayo ang kanyang ina, hindi ko masasabing mabuti kayong ina. May nanay din po ako, masaya ang nanay ko kapag masaya ako at kahit kontra sa kagustuhan ko ang aking ina. Ngunit nakikita niyang masaya ako, masaya na rin siya. She never protested, but she was always there in my side, supporting whatever I want. Kung may kapatid din siguro akong kagaya ninyo, magiging masaya ako. Pero kung kokontrahin n'yo lang ang desisyon ko sa buhay, tinuturuan n'yo lang akong huwag tumayo sa sarili kong mga paa at dumepende sa inyo habang buhay. Iyon po ba ang gusto ninyong mangyari kay Marvin?” Hindi ito nakaimik, napansin niyang nanginginig ang mga kamay nito. Nagpatuloy lang muli siya. “Not all the time you’re there, sabi ko nga po, hindi natin hawak ang panahon. Paano kung hanapin niya kayo ngunit wala kayo sa tabi niya? Tingin n'yo ba masisiyahan siyang malamang hindi pala niya kayang magdesisyon na wala kayo o ang suporta ninyo?” Tumayo na siya. “Alam kong beyond the line na po ang mga sinasabi ko pero, gusto ko lang po malaman ninyo na ang totoong nagmamahal, marunong magparaya, marunong umintindi at umunawa, kapakanan ng iba ang inuuna at higit sa lahat marunong rumespeto sa desisyon ng iba. Patawarin ninyo ako kung nagiging pangahas ako, pero hanggang huli sasabihin ko sa inyo, mahal na mahal ko si Marvin. Hindi ko siya pinalaya dahil pinaglalaruan ko ang damdamin niya. Ginagawa ko ito bilang respeto sa inyo at dahil hindi ko siya kayang masaktan. Huwag po kayong mag-alala, tanggap ko na hindi ako para sa kanya dahil hindi ko kayo kasing yaman pero thank you for listening my side. Thank you for loving him. Magpapaalam na po ako, baka ma-late pa ako sa biyahe.” Lumabas na siya ng Restaurant saka mabilis na nakapara ng taxi. Hindi naman talaga siya nagmamadali, dahil may oras pa para pumunta siya ng Airport. Ngunit pagdating sa Airport, nagulat siya nang malamang ikinansela ng Ninoy Aquino international Airport ang lahat ng flight nang araw na iyon dahil sa paparating na bagyo. Masyado ngang okupado ang utak niya. Hindi niya napapansin ang mga nangyayari sa paligid. Napilitan siyang maghintay sa hotel room na okupado niya kung kailan babalik ang regular na byahe ng NAIA. NAKARATING kay Marvin ang nangyaring pagkausap ng ate n'yang si Margareth kay Race. Mabuti na lang at hindi naglilihim sa kanya ang kanyang ama. "Tatanggapin mo bang habang buhay na maging bakla ang anak mo? Ba't hindi mo na lang hayaan si Marvin. He's aged enough to make decision. Hindi ba dapat magpasalamat ka at hindi siya tuluyang naging bakla?" Rinig na rinig niya ang ingay ng pagtatalo ng mag-ina. "Stop it Dad! I will accept if my son will be a gay all the time than seeing him with that woman. I don’t want her to be part of the family!" gigil na sabi niya sa ama nito. Lumabas sa pinagkukublihan si Marvin, hindi siya makapaniwala sa naririnig niya. "What did you say? Sinong anak mo?" "It's about time, Marga. Tell him the truth na hindi naman talaga kayo magkapatid dahil anak mo siya." Nanlalaki ang matang napatingin si Marvin kay Marga. He glares at her questioning what his Dad says. "Totoo ba iyon? Kaya ba binantaan mo si Race at pinaghiwalay kami dahil anak mo ako?" Gusto niyang manabunot este manapak pala, gusto niyang magwala lalo na sa narinig. Hindi niya akalaing makukumpirma pala niya ang lahat ng nangyari at ang totoong dahilan kung bakit iniwan siya ni Race. Ang masaklap pa, may bonus na rebelasyong gumimbal sa sistema niya. "I'm sorry. It was the best thing for you,” umiiyak na tugon ni Marga. Gusto siya nitong hawakan ngunit umiwas siya. Hindi pa rin mag-sink in sa utak niya ang sinasabi ng mga ito at ang nangyayari. "Kung ikaw nga ang ina ko, hindi mo ito gagawin. Makasarili ka! Sarili mo lang ang iniisip mo. Wala kang karapatang maging ina!" Isang suntok ang natamo ni Marvin mula sa kanyang ama dahil sa pagsagot ng pabalang at paglapastangan sa ina. "Igalang mo siya, ina mo pa rin siya, Marvin!” pagbabanta ng tinig ng inakala niyang ama ngunit Lolo pala niya. "No, Dad. Or should I say Grandpa. Dahil sa kanya nawala ang babaeng pinakamamahal ko. Dahil sa kasakiman niya.” Humarap siya sa ina at matalim na tiningnan ito. "Kung panaginip lang ang lahat ng ito, hindi kita matatanggap bilang ina." Napahawak si Marga sa braso nito para pigilin ito sa pag-alis ngunit hinabol na lang ito ng sigaw ang pangalan niya. Bumalik siya ng unit at nagpakalunod sa alak. Naibato pa niya ang kopita dahil sa nararamdamang puot. Naiinis siya sa nalaman niya pero mas naiinis siya sa sarili niya. Kung bakit hinayaan pa niyang mangyari iyon. Samantala, isang araw na lang daw ang kailangang hintayin ni Racelyn at matutuloy na ang flight niya patungo ng Canada. Bahagya siyang nakaramdam ng ginhawa nang sabihin niya ang lahat sa ate ni Marvin. Nawala ang mga agam-agam na nararamdaman niya. Hinihiling na lang niya na sana ay magising ang ate nito sa tinawatag nitong pagmamahal. Na sana ay malaman nito ang tunay na pagmamahal. Kinabukasan, nang maiayos na niya ang lahat ng bagahe, nakiusap siya kay Cindy na ihatid siya sa Airport. Lulan na sila ng Taxi nang mapansin niya ang isang kotseng pagewang-gewang. "Kuya, anong meron sa kotseng iyon?" sabay turo pa niya sa kotse dahil nakaupo siya sa tabi nito. Samantalang, nasa likod naman si Cindy. "Naku ma'am, baka walang preno,” balewalang sagot nito. Mabilis gumana ang utak niya."Kuya, banggain mo,” utos niya sa Taxi Driver. Hindi pwedeng manonood lang siya kung kailan hihinto o babangga ang sasakyang iyon. Kung mayroon namang paraan, bakit mag-aalinlangan pa siyang tumulong? Tila bingi ang driver sa sinabi niya. "A-ano ma’am? Mapapahamak tayo.Delikado po.” Sinulyapan pa siya nito na parang nababaliw na siya. "Gaga beks, ano bang pinagsasabi mo!" natataranta at nagtititiling sabi ni Cindy na hindi rin makapaniwala sa mga sinasabi niya. "Kahit gitgitin nyo na lang," mariin at determinadong sabi niya. Ngunit nanatili at kampante lang itong nagda-drive. Hindi na niya hinintay na gawin iyon ng driver, siya na ang umagaw ng manibela para dikitan ang sasakyan.Pigil-hiningang napakapit si Race sa manibela habang dinidikitan ang naturang kotse. Sakto namang tumama ang gilid ng Taxi sa kotse dahilan para dumiretso ito at bumangga sa poste. Kung hindisiya nagkakamali, pamilyar sa kanya ang kotseng iyon. Mabilis na bumaba siya ng Taxi at agad nilapitan ang sasakyang nakahinto. "Race, ano bang ginagawa mo? Tama na yan, malelate ka na!" Tili na naman ni Cindy habang nasa loob pa rin ng taxi at nakabukas lang ang pinto ng sasakyan. Agad niyang hinila ang pinto para mabuksan, nakita niyang duguan ang driver.At isa iyong babae. Napatakip siya sa kanyang bibig nang makilala ang driver. Hindi siya pwedeng magkamali. Dahil ang babaeng duguan at walang malay na nagda-drive ng kotse ay walang iba kundi ang ate ni Marvin. "Mam, baka patay na po siya." Natatarangtang sabi ng bumabang driver habang nakatingin sa gasgas na Taxi. Napapakamot pa sa ulo ang pobreng Driver na tila hindi alam kung paano masosolusyunan ang natamo ng Taxi nito. "Tumawag ka ng ambulansya at kapag dumating ang pamilya nito, sabihin mo ikaw ang nagligtas. Babayaran ka nila sa damyos,” sunod-sunod na sabi ni Race sa pobreng driver. Dahil sa narinig na bayad, mabilis pa sa alaskwatro na kinuha nito ang sariling cellphone at nag-dial ng numero namukhang numero ng Ambulansya. "Madam, madam gising!" Narinig niya itong umungol.Mukhang buhay pa ito. Inalalayan niyang makalabas ito ng sasakyan at agad na hinila ito palapag sa kalsada. "Madam, huwag kang sumuko.Dadalhin kta sa hospital." "R-ra—" bahagya itong dumilat at nakilala rin siya. "Huwag na po kayong magsalita. Ipunin nyo ang inyong lakas, kailangan nyong mabuhay, okay," nag-aalalang sabi niya na bahagya pang naluluha. "Salamat.Nagkamali ako. I was wrong and you're right. You're right questioning me. Thank..you." Nawalan na ito ng malay. Dinama niya ang pulsuhan nito.Tumitibok pa iyon, bahagyang nabawasan ang nararamdaman niyang pag-aalala. "Madam!Madam!"Pinilit pa niya itong gisingin. Ayaw niyang makatulog ito dahil baka hindi na ito magising. Nang dumating ang ambulansiya, agad niyang hinila si Cindy para samahan siya papunta ng Airport. Hinila naman niya palapit sababaeng sugatan ang taxi driver para alalayan nito ang biktima. Isinakay ng mga rescuer ang duguan at walang malay na pasyente. Mabilis naman silang nakaalis roon at agad na nakatawag ng ibang taxi na magdadala sa kanila sa Airport. Hindi siya dapat magtagal roon at ayaw na niyang magtapo pa ang landas nilang dalawa ni Marvin. ‘This will be the last time, Marvin. Good bye.’ "Beks, sorry ha," paumanhin niya kay Cindy na tila hindi pa rin maka get-over sa nangyari. "Bruha ka talaga, Race. Paano kung napahamak tayo? Mahal ko pa ang buhay ko, “ sabi nito na nakahawak pa sa tumatahip na dibdib dahil sa nerbiyos na naramdaman kanina lang. Kinuha niya ang jacket sa bag at agad sinuot nang mapansin ang mantsa ng dugo sa dibdib niya. "Cindy, may ipapakiusap lang sana ako sa 'yo. Baka pwedeng puntahan mo ‘yong pasyente sa hospital." "What?" nanlalaki ang matang tanong nito. "Siya ang ate ni Marvin. Gusto kong malaman na ligtas siya. Please.." "My God Raceyn Azilan! Goodness!" "Please..Kontakin mo ang pamilya niya. Sabihin mo, may nangyaring masama." "Oo na, oo na. Kapag ‘di ka pa umalis siguradonghindi na ako makakatuntong sa Canada dahil ‘nong isang araw ka pa hinihintay ni lola. May mahalaga daw siyang sasabihin sa ‘yo." "Please, gawin mo na ngayon,” muling pakiusap niya. Ibinigay ni Race ang numero ni Marvin at agad pinakausap niya si Cindy para sabihin nitong may aksidente. Mabilis namang nawala siya at nagtatatakbo papunta sa receiving area. Doon na siya nakahinga ng maluwang. "Salamat Cindy. Alam kong maaasahan kita." Pasakay na sana siya ng kotse nang may tumawag sa pangalan niya. “Tingin mo palalampasin ko ang lahat ng ito?” Napangiti siya nang makita ito. Mabilis na tumakbo ito at niyakap siya. “Aalis ka na na hindi man lang makakapagpaalam ng maayos sa akin. Nakakasama ng loob. Kung ano man ang nangyari sa atin before, let’s forget it okay?” “Oo naman. Wala na iyon sa akin. Besides, ihinabilin na kita kay Ivan.” “Tumigil ka nga. Hindi mo naman ako kailangang ihabilin pa sa ugok na iyon. Bahala na siya sa—“ “He said he loves you. Tanggap na namin na hindi na kami para sa isa’t-isa. Kayo ang nababagay. I wish na kayo ang magkatuluyan, please take care of him and love him again.” Naiyak ito sa sinabi niya. “Sarap mong batukan.Kahit kailan tanga ka.Tsk. Bakit ba naging kaibigan kita?”Nagpahid pa ito ng luha saka muli siyang niyakap. “Basta, mag-iingat ka kung saan ka pupunta ha. Sorry sa lahat ng nagawa ko at kasalanan ko sa ‘yo.” Nginitian niya lang ito. “Past is past, Jom. Sige, mauna na ako. Baka hindi na ako papasukin pa sa loob eh.” Pinahid din niya ang luhang lumandas sa sariling pisngi. “Call me if you have time hah.” She nods and walks forward waving her goodbye. ***** Lunod pa rin sa alak si Marvin nang mag-ring ang phone niya. Inaantok pa na sinagot niya ito. “Hello Marvin, si Cindy ito. Siguro naman natatandaan mo ako.” Nang sabihin ni Cindy na kailangang pumunta ni Marvin sa Airport mabilis pa sa alas kwatrong nag-ayos ito at nag-drive patungo sa Airport. “What did you say?” Alinlangang napatingin si Cindy sa kanya saka kinakabahang nagsalita. “S-si Race kasi eh.Ngayon ang alis niya patungo ng Canada.” “What? Magkasama ba sila ni Ivan?” “No. Paano naman napunta si Ivan? Nagpaalam lang siya kay Ivan, sinabi kasi niyang wala na silang pag-asa. Sorry kung ngayon lang kita sinabihan. Kabilin-bilinan kasi ni Race na walang sasabihing kahit na ano sa ‘yo. H-hindi naman ako nakatiis.” Isang ring muli ng phone ang natanggap niya at galing iyon sa kanyang ama o lolo. Sumama na rin si Cindy dahil gusto niyang malaman ang kalagayan ng babaeng niligtas nila ni Race. Hindi na yata matanggap ngayon ni Marvin ang nangyayari lalo pa nang malamang naaksidente ang tunay niyang ina at nagtapat si Cindy na si Race ang tumulong para maligtas at madala sa Hospital ang kanyang ina. Sa halip na pumasok diretso sa loob ng Hospital, hindi na nag-abala pa si Marvin dahilan para mainis ang Lolo niya. “Hindi mo man lang ba kukumustahin ang kalagayan ng iyong ina, Marvin?” “Para saan pa? I lost her. I already letting her go. Dahil sa kanya iniwan ako ni Race, dahil sa kanya naghiwalay kami. What’s the use?” “Niligtas niya ang mommy mo. You shouldn’t waste her effort doing good deeds. Kung siya nga hindi nagtanim ng sama ng loob sa Mommy mom, ikaw pa na anak niya.” Walang mabasang emosyon ang kanya ama mula sa kanya. Sa halip na tanungin ang ama, nagpaalam siya na may kakausapin muna. Si Ivan. Sinadya niya talaga ito, gusto niyang mula sa bibig nito malaman ang totoong nangyayari. Pinakawalan niya ang pinakamamahal sa pag-aakalang si Ivan pa rin ang tinitibok ng puso nito. Nakita pa niyang magkasama si Ivan at Jomelene. Nagpaalam muna ito kay Jomelene para makapag-usap silang dalawa ni Marvin. "Ano ang gusto mong malaman?" "Ang totoo tungkol sa inyong dalawa ni Race,"diretsong sagot ni Marvin. "Race leave you. Aasarin pa sana kita na kunwari ay magkasama kaming lilipad patungong Canada. But I can't, marami na akong nagawang kasalanan kay Race at gusto ko ng magbago. Althought, nakaOo ako sa kanya na walang sasabihin sa 'yo. But I guess that's not fair. Umalis si Race at nagtungo sa Canada dahil sa Lola niya, gusto kasi niyang malaman kung kumusta ang lola niya. At sinabi din niya na baka doon na rin siya tumira kapag naisipan niya." Napakuyom ng palad si Marvin sa mga narinig niya. "She loves you. Mukha ngang mas minahal ka pa niya kaysa sa akin. Ginawa lang daw niya iyon para sa ate mo at para may napatunayan din sa sarili niya." Hinawakan pa ni Ivan ang balikat niya. "Kung ako sa 'yo pre, hindi ko na muna siya susundan. Hahayaan ko muna siyang makapag-isip." Mukhang kumbinsido naman si Marvin sa mga narinig mula kay Ivan. Halata ngang nagbabago na ito at nagpapakaseryoso sa buhay. "Huwag mo na siyang isipin. Sinisigurado ko sa 'yo mahal ka 'non at sa'yo pa rin ang bagsak niya." Pagkasabi'y umalis na rin ito at pinuntahan si Jomelene. Hindi niya alam kung mapapangiti ba siya sa sinabi ni Ivan dahil ngayon puno ng guilt ang puso niya. Hinayaan niyang mawala ang kauna-unahang babaeng nagbigay sa kanya ng tunay na ligaya at nagturo kung paano magmahal muli. Nangako siya sa sarili niya, kung magtatagpo man muli sila ni Racelyn, hindi na niya ito pakakawalan. Babawi siya kay Racelyn at gagawin niya ang lahat para dito. Tutuparin niya ang nais ni Racelyn, aalagaan niya ang kanyang ina at mamahalin ito. Hindi na rin siya magtatanim ng sama ng loob at higit sa lahat hihintayin niya ang muling pagbabalik ni Racelyn, sa buhay at puso niya. Kung mangyari mang hindi na ito makabalik, gagamitan na niya ito ng pwersa para bumalik ito at mapasakanyang muli. “I promise you Racey, I will wait.. no matter how far. As long as you’ll come back.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD